*Arlene's POV*
Nakayuko akong sumunod kay Mago nang papasok na kami sa bar. Sabay kaming pumunta dito pero tulad ng napag-usapan namin, hindi namin pwedeng ipahalata na magkasama kami sa iisang bubong. Agad kong nakita ang nakakunot noong si Dessa na ngayon ay nasa counter ng bar. Hinahanda niya ang mga shot glasses na gagamitin namin ngayong gabi.
"Hi," nahihiya akong bumati sa kanya.
"Mukhang nagkamabutihan kayo ah," matabang niyang saad.
"Nagkasabay lang kami ng pasok," mahina kong sagot.
"Arlene," hinarap niya ako, "Huwag mo sanang hayaan ang sarili mo na malunod sa ipinapakitang kalandian ni boss Mago."
"Don't worry," ngumiti ako sa kanya, "matibay to," tinuro ko ang puso ko.
"Gusto kita," bigla akong kinabahan sa narinig ko kaya napaangat ang tingin ko sa kanya, "gusto kita bilang kapartner sa flairing exhibition. Ikaw lang kasi ang nakakasabay sa mga tricks ko," kumalma ang puso ko sa narinig ko.
"Naiilang ka ba sa akin?" tanong niya.
"Hindi naman," umiiling kong sabi, "kaso nagtaka lang ako kung bakit concern ka tungkol sa amin ni boss Mago."
"Dahil ayokong makita kang nasasaktan. Ilang beses na kasi akong nakakita ng babaeng pinaiyak ni boss Mago. Ang masaklap balewala lang ito kay Boss pero yung babae, halos mamatay na sa sobrang paghahabol sa kanya. Gusto ko mang magalit sa kanya, hindi ko naman magawa," walang pakundangan niyang sabi habang bumalik siya sa pagpupunas ng shot glasses.
"Alam ko na sinabi nila sayong tomboy ako,"saad niya na hindi lumilingon.
"Tomboy ka ba talaga?" tanong ko.
Tumawa siya saka humarap sa akin, "Si Quinn ba at si Boss Mago ang may sabi niyan sayo?"
Hindi ako sumagot pero napatingin ako kay Quinn na ngayon ay busy sa pag-aayos ng mga mesa saka ako tumango.
"May isheshare ako sayo," bumuntong hininga siya, "pero doon tayo sa likod kasi ayokong may makarinig ng iba."
Sinundan ko siya palabas ng back door.
"Sanay akong makisabay sa lalaki at nakakarelate din ako sa mga hilig nila pero hindi ako tomboy," panimula niya, "Maaga akong naulila sa ina kaya tanging ama ko kasama ang dalawa kong kapatid na lalaki ang nagisnan kong kapamilya."
"Pero bakit nasabi ni Quinn na tomboy ka? Matagal na kayong magkaibigan di ba?" tanong ko.
"Dahil yun ang gusto kong isipin nila," tumingin siya sa paa niya na ngayon ay nilalaro ang isang bato, "para barkada lang ang tingin nila sa akin, hindi isang babaeng pusong mamon at madali nilang mapaglaruan," bahagya siyang napahinto saka tumingin sa akin, "sorry, hindi ko sinasadyang patamaan ka."
"Okay lang," mahina kong sambit, "mukhang lasang ampalaya yang pagkasabi mo ah. May pinaghuhugutan?"
"Hindi naman," napagikgik siya, "kilala ko kasi ang mga yan eh, hindi nila siniseryoso ang mga babae kaya pinili kong maging kaibigan lang nila."
"How could you resist Mago?" hindi ko sinasadyang tanong.
"Dahil utak ang pinapairal ko," lumingon siya sa akin, "at dahil katulad niya ang mga kapatid ko, hindi na ako natitinag sa mga 'da moves niya. Natatakot din kasi ako dahil baka ako ang magiging pambayad na karma ng mga kapatid ko."
"Casanova din ang mga kapatid mo?" bahagya akong tumawa saka ako tumabi sa kanya.
"Oo pero hindi kasing matinik ni Boss Mago. Hitsura at katawan lang ang puhunan ng mga kapatid ko, hindi katulad ng kay Boss Mago na hindi lang gwapo at macho, mayaman pa," sagot niya.
"May dahilan si Mago kung bakit siya naging ganyan," huminga ako ng malalim habang naalala ko yung ikinuwento ni Mago tungkol kay Ailene Mercado, "yung mga kapatid mo, ano ang dahilan nila?"
"Hindi naman kailangang may dahilan para magiging casanova. Pwedi rin kasing naeenjoy lang talaga nila ang magkaroon ng maraming babae. Pride kasi yun para sa mga lalaki. Believe me, dalawa ang nakakatandang kapatid kong lalaki," sagot niya, "namatay ang papa ko nung graduation ko sa elementarya habang yun din ang araw ng graduation ng panganay kong kapatid. Naaksidente kami sa pagmamadaling humabol sa graduation ni kuya dahil unang dinalohan ni papa ang graduation ko. Mula noon, sinisi ni kuya ang sarili niya kaya ako ang pinagtotoonan niya ng pansin. Dahil diyan, hindi siya nagseryoso sa kahit sinong babae kasi ako palagi ang iniisip niya."
"Ang saklap naman pala ng buhay mo," saad ko.
"Hindi naman. Ang totoo, nakita ko na siyang umibig dati kaso sa maling babae naman siya umibig," nagpatuloy siya sa pagkwento, "buntis kasi ang babae nung makilala niya ito pero kahit ganun, minahal pa rin niya ang babae."
"Eh ganun naman pala bakit siya naging casanova?" tanong ko.
"Dahil natakot na siyang ibigay muli ang puso niya," yumuko siya, "namatay ang babae nung isinilang niya ang bata. Sobra siyang nasaktan dahil kahit sa huling pagkakataon, pangalan ng lalaking nakabuntis sa babae ang isinambit nito bago namatay."
"Ang sakit naman," sambit ko, "gago talaga yung lalaking nakabuntis."
"Yun din ang inisip ko sa lalaking iyon pero nung makilala ko siya, nabago ang tingin ko sa kanya. Naintindihan ko siya," sagot niya.
"Oh?" lumingon ako sa kanya, "nakilala mo ang lalaking bumuntis sa babaeng mahal ng kuya mo?"
Ngumiti siya saka tumango, "hindi ko sinasadyang mapalapit sa kanya. Noong una, galit ako sa kanya pero nung malaman ko ang side niya, naintindihan ko na rin siya."
"Ano ang reaksyon niya nung nalaman niya na patay na ang binuntis niyang babae?" tanong ko.
"Hindi niya alam," bumaba ulit ang tingin niya sa bato na nilalaro ng kanyang paa.
"Hindi mo sinabi?" tanong ko ulit.
"Noong una, balak kong sabihin sa kanya para makonsensiya siya pero nung makita ko na kasalanan pala ng babae kaya nagkaganoon, hindi ko na lang siya ginulo," sagot ni Dessa, "masyadong masaklap na ang buhay niya para bigyan ko siya ng isa pang dahilan para magalit sa mundo."
"Kilala ko ba ang lalaking yan?" hindi ko alam pero sa tingin ko ay tinutukoy niya si Mago.
"Oo," tumingin siya sa akin, "Si boss Mago at ang babaeng mahal ng kuya ko na nabuntis ni boss Mago ay si Ailene Mercado."
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang pangalang iyon. Nabuntis ni Mago si Ailene? So hindi pala niya hinahabol si Mago dahil clingy virgin siya kundi dahil nabuntis siya ni Mago. Biglang nawala ang inis ko sa babaeng yun. Gusto ko tuloy kilalanin ito ng maigi.
"So personal mong nakilala si Ailene?" tanong ko.
"Siyempre, kasing edad ko lang siya kaya madali ko siyang naging kaibigan. Nakilala siya ni kuya dahil minsan siyang nagtankang magpakamatay. Pulis kasi ang kuya ko at siya ang naka-assign sa lugar kung saan nagtankang magpakamatay si Ailene. Noong una, trabaho lang ang dahilan kung bakit niya binibigyan niya ng oras si Ailene pero dahil maganda at sweet si Ailene, nahulog ang loob ni kuya sa kanya," paliwanag niya.
"Hindi galit ang kuya mo kay Mago?" nag-alala ako.
Umiling siya, "ang huling hiling ni Ailene bago siya namatay ay ang bantayan si boss Mago at siguraduhing masaya ito," bumuntong hininga siya.
"Yan ba ang dahilan kung bakit dito ka nagtrabaho?" tanong ko.
Umiling ulit siya, "nagkataon lang na dito ako natanggap at noon lang din namin siya nakilala ni kuya. Naintindihan naman siya ni kuya dahil alam niya na si Ailene ang may kasalanan."
"Pero sana pinakilala niyo kay Mago ang anak niya?" sambit ko.
"Namatay ang bata ilang oras pagkatapos namatay si Ailene," malungkot niyang saad, "kaya naisipan namin ni kuya na ibaon na lang sa limot ang lahat. Wala kaming dahilan para guluhin ang buhay ni boss Mago."
"Minahal ba ni Ailene si Mago?" hindi ko mapigilan ang magtanong.
"Oo," malimit niyang sagot.
"Paano ka nakasisiguro?" tanong ko ulit.
"Dahil may isang kahon na puno ng ala-ala nila ni Mago ang naitago ko," sagot niya, "naipit lang din si Ailene sa sitwasyon pero mahal niya si boss Mago at nasasaktan siya dahil siya ang dahilan kung bakit naging playboy and dati niyang matinong boyfriend."
"Pwedi ko bang makita yung sinasabi mong kahon?" hindi ko alam pero nararamdaman ko na kailangan kong gawin ito.
"Nasa locker ko," sagot niya, "ibibigay ko kasi sana yun sa kanya pero ayoko nang gulohin siya."
"Hindi siya masaya," saad ko, "mukha lang siyang masaya pero hindi siya masaya. He needs to know. Kailangan malaman niyang hindi siya pinaglaruan kundi totoo siyang minahal," bumuntong hininga ako, "inisip niyang pinaglaruan lang siya dati kaya nawalan na siya ng tiwala sa mga babae pero kung malalaman niyang minahal pala talaga siya, baka magbago siya."
"Umaasa ka bang mabago siya kung makikita niya ang laman ng kahon?" tanong niya sa akin.
"Gusto kong subukan," limit kong sagot.
"Alam mo, magaan ang loob ko sayo," ngumiti siya sa akin, "gusto kitang tulungan pero kapag sinaktan ka ni boss Mago, gusto kong tandaan mo na kaibigan ako at pwede mo akong takbuhan."
"Salamat," ngumiti ako sa kanya.
"Sumunod ka sa akin," saad niya na ginawa ko naman. Pumunta kami sa locker niya at binuksan niya ito. Kinuha niya ang isang kahon at ibinigay sa akin, "ikaw na ang bahala dito at sana makatulong ito. Tandaan mo, nandito lang ako."
Umalis kaagad si Dessa matapos kong tinanggap ang kahon. Ilang minuto akong nakatitig sa kahon bago ko napagpasyahang buksan ito. Agad kong nakita ang mga candid shots nila ni Mago. Ang sweet nila sa mga litrato pero naagaw ng pansin ko ang isang notebook. Binuksan ko ito. Isa pala itong notebook na puno ng liham ni Ailene para kay Mago.
'I wish you allowed me to love you if not for the rest of your life but at least for the rest of mine,' nabasa ko sa loob ng notebook. Matagal na palang alam ni Ailene na mamatay siya. May sakit siya sa dugo at dahil nabuntis siya, pinili niyang itigil ang kanyang pagpapagamot para buhayin niya ang bata.
So yun pala. Dahil naisip niya na baka hindi niya makayanan ang pagpapagamot kaya naisip niyang saktan na lang si Mago kaysa sabihin niya dito ang totoong estado ng buhay niya. Pinili niyang pakawalan si Mago dahil ayaw niyang makulong ito sa pagmamahal sa kanya dahil posibleng mamatay siya anumang oras. Pero nagbago ang isip niya nung mabuntis siya. Naisip niya na kailangan niya si Mago para maging masaya siya kahit sa huling sandali pero naging huli na ang lahat. Nagbago na rin si Mago.
------------------------
AN: Sabaw ba? Pasensiya na po.
NOT REVIEWED
NOT EDITTED
"/><&[