Vampire City 3: Crimson Love

By Thyriza

2M 52.3K 4.4K

[Vampire City Series #3] "I am doing this because i can't bear to see them suffer." -Hunter Kang (All righ... More

Prologue
Chapter 1 - Spoiled Brat
Chapter 2 - Welcome to Vampire City
Chapter 3 - Blood Party
Chapter 4 - Little White Lie
Chapter 5 - Love Interest
Chapter 6 - Not Suit for a Princess
Chapter 7 - Apology
Chapter 8 - I'm Your Date, You're My Date
Chapter 9 - Sinister Night
Chapter 10 - Save You
Chapter 11 - I'm Your Highness
Chapter 12 - Doze of her own Medicine
Chapter 13 - REALationship
Chapter 14 - Cheater
Chapter 15 - I'll Miss you, too.
Chapter 16 - The Proxy
Chapter 17 - Carousel
Chapter 18 - Arlyanna
Chapter 19 - Separate World
FAMILY TREE
Chapter 20 - Bits of her Memory
Chapter 21- Mixed Emotions
Chapter 22 - He's Back
Chapter 23 - Only I have the Right to Kiss you
Chapter 24 - The Shaman
Chapter 25 - Time Freeze
Chapter 26 -The Ripple Effect
Chapter 27 - Revelation of Her Past
Chapter 28 - Flashback (1)
Chapter 29 - Serendipity (Flashbacks//2)
Chapter 30 - Mistake //flashback 3
EPILOGUE
Chapter 31 - Collide // Flashback 4
Chapter 32 - The True Enemy
Chapter 33- The power of Deity
Chapter 34 - Entreaty
Chapter 35 - Borrowed Time
Chapter 36 - Farewell Words
Chapter 37 - Fragments
Chapter 38 - Resemblance
Chapter 39 - Shape Shifter
Chapter 40 - Twin Sister
Chapter 42 - Dumbfounded
Chapter 43 - Broken and Shattered
Chapter 44 - The Heart Remembers What The Mind Forgets
Chapter 45 - Engrossed
Chapter 46 - The Prophecy
Chapter 47 - The Journal
Chapter 48 - Golden Scroll and the Orb
Chapter 49 - The Orb of Truth
Chapter 50 - Inferno
Epilogue
FAQs
SPECIAL CHAPTER

Chapter 41 - Remembered

29.5K 776 67
By Thyriza

Chapter 41 – Remembered

Seri's POV

HINDI na naman pumasok si Shelby. Ano kaya problema no'n? Tuloy mag-isa lang ako ngayon. Hinihintay ko rin si Hunter kasi sabi niya hihintayin niya ako ngayon. Siguro sa tapat ng school ko na lang siya hihintayin. Nag-sisiuwian na kasi ang ibang studyante at ayaw ko naman ma-solo rito.

Pababa na ako sa building nang may tumapik sa likod ko. Napalingon ako at nakita ko si Arlyanna na nakilala ko sa may hagdan. Ngayon lang ulit kami nagkita.

"Hi! Pauwi ka na?" masigla niyang tanong. Napatango naman ako saka niya ako sinabayan maglakad.

"H-hindi pa naman," I beamed at her.

"Talaga? That's great. Puwede mo ba ako samahan? I mean, kung gusto mong mag-bonding tayo. Until now kasi wala pa akong kaibigan dito, eh."

I was about to say yes pero naalala ko ang usapan namin ni Hunter. Maiinis 'yon kapag nag bail out ako sakanya.

"I'm sorry, Arlyanna. May lakad kasi ako ngayon, eh. Maybe next time, kung okay lang sa'yo?"

Bigla siyang nalungkot pero napangit din naman agad. Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa sakanya. She's trying to befriend me at ako naman 'to iwas nang iwas. Pero totoo naman na may plano na ako, eh.

"Ayos lang. Marami pang next time."

"Sorry talaga,"

"It's okay." She beamed. "Rain check sa bonding natin, okay?" then she giggles.

"Yup, rain check."

"Oh, siya. Mauna na ako. Bye, Seri!" kumaway siya saka naunang naglakad sa akin.

Nakalabas akong building at doon ko nakita si Hunter naghihintay sa akin. Para ngang inip na inip pa ang hitsura niya.

"Kanina ka pa?"

"Yes." Deretso niyang sabi.

"Sorry..."

"But I'm willing to wait," dagdag niya kaya agad akong napangiti sakanya.

Umakbay naman siya sa akin saka kami nagsimulang maglakad.

"Where are we going?"

"Sa Palasyo."

"Eh? Ano'ng gagawin natin do'n?"

"Dumating kasi ang Tita Avia pati bestfriend ni Mommy. Gusto kong makilala mo sila."

"Nahihiya ako..." nakanguso kong sabi.

"Wala ka naman no'n, ah? Ang lakas nga ng loob mo noon na magpakilalang girlfriend ng Crowned Prince." He smirked at me.

Napasinghap naman ako sa sinabi niya. Napalo siya ko siya sa braso nang ipaalala niya sa akin ang kahihiyan na ginawa ko.

"I hate you!" kunwari naiinis pero tinatago ko lang ang hiya ko. Ni minsan hindi namin napag-uusapan ang tungkol sa pagsisinungaling kong 'yon. But now that he brought it up, parang gusto kong lamunin na lang ng lupa sa sobrang kahihiyan.

"I love you, too."

"Kasi naman, eh! Huwag mo na 'yon babanggitin."

"Why not? I like the way we meet. Kung may isang bagay akong gustong balikan, 'yon ay ang una nating pagkikita. Over and over and over..." napahinto kami sa paglalakd. Hinarap niya ako at tumitig sa mga mata ko.

"H-Hunter..."

"I've done so many mistakes, Serenity. But you... you made me realize that those mistakes are worth repeating for. Hindi ko 'yon pinagsisisihan. Dahil kung hindi ko 'yon ginawa, siguro hindi tayo nagkakilala."

My heart melts. Ganoon din ang nararamdaman ko para sakanya. Kung ako nagsisisi na nakagawa ako ng mali dahilan para ipadala ako nila Daddy dito sa Vampire City para sa parusa. Kasi kung hindi, hindi ko mararamdaman ang ganitong pagmamahal. Ang pagmamahal na kay Hunter ko lang nararamdaman.

"Haynes..." I said then giggled. Natawa naman siya sa akin.

"Yes, I'm your Haynes, Serenity."

"Wala ka talagang pinipiling lugar kapag gusto mo akong pakiligin ano? Nasa gitna kaya tayo ng daan."

"So what? I'm the Crowned Prince." Pagmamayabang niya.

"Oo na, oo na." natatawa kong sabi bago kami naglakad muli.

Nakarating kami sa Palasyo. Dumeretso kami sa likod kung saan ang Garden. Nandoon daw silang lahat.

Nakarating kaming Garden at agad kong narinig ang mga tawanan nila. Mukhang hindi lang naman sa Tita niya at bestfriend ng Mommy niya ako ipapakilala, eh. Parang sa buong angkan.

Habang papalapit kami ay feeling ko nanlalambot tuhod ko. I can see Shelby, she's with Charity and Connor. Si Wynnet din na parang pinagsasabihan ng isang babae na kamukha niya. Maybe she's her mother. Si Ryder naman ay pinagtatawanan si Wynnet. Ang ibang mukha ay hindi pamilyar bukod sa Hari at Reyna.

"Hunter, akala ko sa Tita mo lang ako ipapakilala at sa bestfriend ng Mommy mo? Bakit parang buong angkan na 'to?" bulong ko sakanya. I heard his soft chuckle. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa bewang ko kaya napasinghap ako.

"Relax. They're all excited to meet you. Oh, and by the way para hindi ka magulat, si Charity and Shelby ang totoong magkambal at hindi si Connor. Ang Mother ni Charity and Connor ay ang inakala naming patay na—Mommy ni Shelby. Siya ang bestfriend ni Mommy na dating kasintahan ni Tito Edric." Mabilis niyang sabi at parang wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi niya.

Teka, ano daw? Si Shelby at Charity ang totoong magkambal? Ah! Ang gulo!

"Serenity!" tili ni Shelby saka patakbong lumapit sa akin. Bigla na lang niya akong niyakap. Ang higpit. And guess what? Lahat sila nakatingin sa amin—sa akin particularly.

"God! Shelby, are you trying to kill my girlfriend?!" rinig kong sabi ni Hunter saka lang bumitaw si Shelby. "Ang KJ talaga." Ismid niya kay Hunter.

Naipakilala ako ni Hunter sa lahat. Sa parents ni Shelby, sa Tita ni Hunter at Ryder na mother ni Wynnet kasama ang asawa nito.

Nakakatuwa silang lahat. Lalo na ang Mommy ni Wynnet. Ang kulit-kulit.

"Hindi ko akalain na magkaka-gusto sa aking masungit na pamangkin. Sure ka ba Serenity na siya na talaga? Gusto mo bang matauhan?" sabi sa akin ng Mommy ni Wynnet.

Natawa naman ako sakanya. Ang lapit ng mukha niya sa akin at parang kinukumbinsi ako na huwag kong gustuhin si Hunter.

"Sigurado po ako sakanya, Ms. Avia."

"Aish! Sabi ko ng Tita Avia ang itawag mo sa akin." She crossed her arms pero agad din namang ngumiti. Umakbay sakanya ang isang gwapong lalaki—si Tito Wynner.

"Pagpasensyahan mo na ang Reyna ko, Serenity. Hindi niya lang kasi ata tanggap na malapit na siyang maging Elder."

"Wynner! Matagal pa tayong maging Elder, okay? Besides, hanggang sa wala pang asawa ang anak natin, mananatili akong Vampress." Sabi ni Tita Avia. Napatingin ako kay Wynnet na napapailing sa kanyang Mommy. Basically, lagi raw silang nagtatalo sabi sa akin ni Hunter. Kaya nga raw lagi nandito si Wynnet kasi hindi niya matagalan ang kanyang Mommy.

"Haay naku, Avia. Kailangan mo ata talagang matakot na maging Elder. Kailan lang no'ng may umaaligid na Concubine kay Wynner, eh." biglang sabat ng Hari sa kapatid niya. Nakita kong napasimangot si Tita Avia sa asawa niya at sa kapatid niya.

"Is that true?!" nagulat ako kasi bigla na lang humangin ng malakas.

"Hala! Reyna ko, hindi naman 'yon totoo, eh. Aric, bawiin mo 'yon!" singhal ni Tito Wynner.

"Totoo naman—"

"Aric, bakit ba hanggang ngayon pinagti-tripan mo si Avia, ha? At baka baka nakakalimutan mong kayo ni Edric ang nahulihan ko na may kausap na mga Concubine no'ng isang araw!" sabi ng Reyna at biglang naging matalas ang tingin nito. Napatingin ako sa bestfriend ni Tita Lorelei na si Tita Kyla. Hindi ko mawari ang emosyon na pinapakita niya. Parang wala siyang pakialam pero parang interesado rin naman na malaman kung totoo ang sinabi ni Tita Lorelei.

"E-eh... mahal kong Reyna, sila ang kumausap sa amin, eh. A-ayaw naman naming masabihan na snob, diba, Edric? U-uy Edric!" niyugyug ni Tito Aric si Tito Edric at parang humihingi ng saklolo.

"H-ha? Ah oo. P-pero agad din naman kaming umalis. D-diba Aric?"

"Oo nga, mahal kong Reyna!" agad na sabi ni Tito Aric.

"Aba dapat lang, at nagseselos 'tong bestfriend ko!" tukoy ni Tita Lorelei kay Tita Kyla.

"H-hindi ako nagseselos. T-tsaka hindi ko naman asawa si Edric. Ama lang siya ng mga anak ko... pero hindi ko siya asawa... kaya hindi ako magseselos!" nagpa-panic na sabi ni Tita Kyla.

"Hindi ka nga nagseselos, bessy." Nanunuya pang sabi ng Reyna.

Nagtawanan lang kami. Nakakatuwa sila. Parang grand reunion ng mga parents ng magpipinsan. Kahit naman sabit lang ako sa reunion nila, feel ko naman na welcome ako rito. Ang bait nila sa akin. At hindi mo iisipin na ang kaharap mo ay isang Reyna at Hari. Parang mga regular na tao lang sila kung mag-usap.

Sa sobrang kasiyahan namin, halos makalimutan ko ng wala pala si Ryder. Kanina lang kasama namin siya pero bigla na lang na umalis ng walang pasabi.

Tumabi naman sa akin si Shelby at kumapit sa braso ko.

"Kung nandito lang siguro ang mga Lolo at Lola namin baka mas lalong maingay ngayon. Lalo na kapag nagsama-sama si Grandma Erina, Great Aunt Ingrid and Great Aunt Maxhene. Doon mo makikita ang kakulitan ng Grandma ko, kabaitan ng Grandma ni Hunter at Ryder at ka-artehan ng Lola ni Wynnet." Sabi niya sa akin.

"Talaga? Sana nandito rin sila."

"Oo nga. Tapos kagaya ng mga Daddy namin, masaya ring kasama mga Lolo namin. Diba kaibigan nila ang Daddy mo? Siguro ang saya kasama ng Daddy mo."

Natigilan naman ako sa sinabi ni Shelby. Kahit kailan hindi ko pa narinigan mag-joke ang Daddy ko. Ang istrikto kaya no'n sa akin.

"Ano kaya kung magkaroon tayo ng Grand Reunion. Sasabihihan ko sila Mommy na umuwi muna. Pati rin si Tita Maxhene. Ang tagal na rin simula nang makumpleto tayo." Biglang mungkahi ni Tita Avia.

"Tita Avia, invite rin natin ang Daddy ni Seri. Para makumpleto sila ni Lolo Hansel." Shelby said giggling.

"Tama, tama!"

Nagulat ako nang may pumulupot sa bewang ko. Si Hunter pala. Hindi ko siya gaanong napansin kanina.

"Nakakatuwa ang family mo," bulong ko sakanya.

"I'm glad you like them." He rest his chin on my head. Tangkad talaga ng vampirang 'to. hanggang balikat niya lang ako. O talagang maliit lang ako.

***

Wynnet's POV

"Baby, promise me na sasama ka na sa amin ng Daddy mo sa Germany. We missed you there. Kung hindi pa kami tinawagan ni Lorelei na buhay pala si Kyla hindi ka namin makikita because all this time we thought nasa Italy ka with your Grandmother," sabi sa akin ni Mommy.

After our little get together ay dumeretso kami ni Mommy sa silid niya na ngayon ay ginagamit ko.

"Gusto ko rito, Mom. Gusto kong kasama sila Hunter. Gusto kong kasama ang mga pinsan ko."

"I know what you mean, baby. I also love here lalo na't dito ako lumaki,"

Hindi ako puwedeng sumama kay Mommy lalo na't hindi pa naaayos ni Hunter ang problema niya. I wanted to help him. At hindi ko 'yon magagawa kung nasa Germany ako.

"Uuwi ako, Mom. H-hindi lang sa oras na gusto mo."

"Wynnet anak, you are the Heiress of our trone. Isa kang crowned Princess at hindi maganda sa isang Prinsesa ang laging wala sa kanyang Palasyo. You are bound to rule our Clan."

Napatayo ako saka ako napahalukipkip na hinarap si Mommy.

"'Yon na nga, eh. Planado na ang buhay ko. At kapag isa na akong Reyna, hindi ko na magagawa ang mga bagay na 'to. Mom, pag-bigyan niyo na ako. Sa lahat ng dapat makaintindi sa akin dapat ikaw 'yon kasi anak mo ako."

Nakipagtitigan sa akin si Mommy. As if she was weighing my words. Napabuntong hininga naman siya saka napangiti.

"Noong kabataan ko, lagi akong nagkakaroon ng panaginip na umalis akong Palasyo kasi mas pinili kong sumama sa isang tao. We had the time our lives and eventually we fell in love. Lagi ko 'yong napapanaginipan pero hindi ko nakikita ang mukha niya. Noong hindi pa kami ng Daddy mo, feeling ko laging may emptiness sa puso ko kasi feeling ko in love ako pero hindi ko naman alam kung kanino. Para akong namatayan. Laging kong naalala ang mga pinagsamahan namin kahit nasa panaginip lang siya. Siguro kung totoo siya, baka siya ang pinili ko at hindi ang Daddy mo." Nakita kong napangiti si Mommy.

Hindi ko alam kung bakit niya 'to sinasabi sa akin. Ang alam ko lang ay nararamdaman ko ang saya niya habang nagku-kwento.

"Ano'ng pangalan niya, Mommy?" tanong ko. Bigla namang nawala ang mga ngiti sa labi niya.

"Hindi ko alam." Nalulungkot niyang sabi.

"Mommy, kung hindi si Daddy ang pinili mo ibig sabihin hindi ako mabubuhay. Nagsisisi ka na ba ako ang anak mo kaya mo 'yon nasasabi?" I scowled at her.

"Of course not! Nagke-kwento lang ako sa'yo."

"Mom, payagan mo na akong mag extend ng stay dito. Promise babalik agad ako sa Germany kapag ayos na ang lahat. Please?" pinagsakop ko ang dalawa kong kamay at nag puppy face kay Mommy. Sana effective.

"Sa isang condition."

"Ano 'yon?" walang kagatol-gatol kong sabi.

"Dapat 'pag balik mo may ipapakilala ka na sa amin ng Daddy mo. Kasi 'yong mga pinsan mo sa Germany napag-iisipan ka ng tomboy."

I rolled my eyes heavenwards. Mga pinsan ko talaga doon walang ibang ginawa kundi ang punahin ako just because I'm different from them.

"Hindi ako tomboy, Mom. Wala lang akong natatagpuan na lalaking magugutuhan ko." Napairap ako at narinig ko siyang tumawa.

Nang umalis si Mommy sa kwarto ko ay lumabas naman ako. Gusto kong makausap si Hunter. May itatanong ako sakanya.

Tinanong ko ang isa sa mga maid kung nakita nila si Hunter pero ang sabi nila umalis daw kasama si Serenity.

"Saan kaya 'yon?" mahina kong sabi.

Hindi ko alam papuntang SMA ang tinahak ng mga paa ko. Para akong hinatak ng hangin papunta doon. Tapos na ang klase ngayong gabi kaya paanong nandito sila? Kung gusto nilang mapag-solo puwede naman sila sa condo ni Seri, diba?

Dinaanan ko lang ang main building at napunta ako sa likod ng gusali. Naglakad ako sa papasok sa garden hanggang sa makita ko ang butterfly conservatory. Ito 'yong conservatory na ginawa ng family ni Seri in memory of her noong mamatay siya.

But now that we're living in different time, ang conservatory na 'to ay para sa educational purpose pero ang alam ko ay si Hunter lang ang pumapasok dito. Pinagbawalan niya ang ibang studyante na pumasok dito.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Nakakaramdam ako ng presensya sa loob so I'm pretty sure that there's someone here.

Sa may gitna nang conservatory ay nararamdaman kong may gumagamit ng isang simpleng kapangyarihan. May mga malalaking dahon na nakatakip dito kaya hinawi ko siya.

Hindi si Hunter ang nakita ko kundi ang kapatid niya... si Ryder.

Nakalahad ang mga kamay niya at may hawak siyang sing-sing. Pinapa ikot-ikot niya 'to sa palad niya. Napakunot ako kasi pamilyar sa akin ang sing-sing.

Automatic naman na para akong nagbalik tanaw. Naalala ko noong pinapili niya si Seri kung si Hunter o siya. At dahil siya ang pinili ni Seri balak na niyang ibigay ang sing-sing sakanya pero hindi 'yon natuloy kasi nga namatay na siya. At kasama ang sing-sing na 'yan na inilibing sa puntod ni Seri.

Hindi kaya...

"Ryder..." mahinang tawag ko sakanya. Gulat naman siyang napalingon sa akin. Tumingin ako sa sing-sing na hawak niya tapos sakanya.

'Yong mukha niya parang takot at nahuling gumawa ng mali.

"Ano'ng ibig sabihin nito, Ryder? Bakit nasa iyo ang sing-sing na 'yan?"

"Wala 'to." casual niyang sagot.

Ayaw ko talagang mag assume. Pero pakiramdam ko hindi lang kami ni Hunter ang nakakaalala sa nakaraan.

"Saan mo 'yan nakuha?" tanong ko pa.

"Akin 'to. Bakit mo ba tinatanong?" ramdam ko ang iritasyon sa boses niya.

Noong ni-recite kaya ni Hunter ang spell para makabalik kami sa panahon na 'to, naging exception din kaya siya kagaya ko? Pero kung hindi, dapat pati si Seri naalala niya rin ang lahat.

Hindi kaya ginamit niya ang kapangyarihan niya para pigilan si Hunter na burahin ang alaala niya kapag nakabalik kami sa kasalukuyan?

"Anong iniisip mo, Wynnet?" his cold voice swell through my spine. Nakakakilabot ang boses niya.

"Ryder..."

"Kung ano man ang iniisip mo, nagkakamali ka." Sabi niya pa.

"You remember everything, do you? Kagaya ko, alam mo ang ginawa ni Hunter." I concluded. He smirked at me.

"Hindi ko alam kung saan ba ako magpapasalamat. Kasi nalaman mo ang totoo, o dahil sa kapangyarihan na mayroon ako kaya naalala ko ang lahat." Sabi niya.

"Kailan pa? Kailan mo pa naalala?"

"Noong panahon na balak ng kapatid kong burahin muli ang alaala ko para bumalik sa panahon na 'to. Oo, ginamit ko ang kapangyarihan ko para hindi ako tablan ng mga salitang binanggit niya."

"Ryder..."

"Pero alam mo ba ang masakit, Wynnet? 'Yon ay ang malaman na sa panahon na 'to, hindi ako ang mahal ng babaeng pinakamamahal ko sa lahat. Masakit malaman na sa panahon na 'to, si Hunter na ang tunay niyang mahal at hindi ako!" may nagbabadyang luhang pumatak sa mga mata niya.

Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Ryder. Nasa kanya ang simpatya ko kasi maging ako ay tutol sa ginawa ni Hunter. Pero nangako sa akin si Hunter na aayusin niya ang lahat.

"Ryder, makinig ka. Bigyan mo sana ng chance ang Kuya mo, please?"

"Chance? Hindi mo alam kung gaano kahirap mag-panggap na okay lang sa akin na nakikita ko silang sweet! Hindi mo alam kung gaano kasakit na harap-harapan niya sa aking sabihin na mahal niya ang kapatid ko! Hindi mo alam kasi wala ka sa posisyon ko!" a tear escaped on his eye.

Nagi-guilty rin naman ako kasi ilang beses kong pinanuod na saktan at lokohin ni Hunter si Ryder. Kinonsinti ko si Hunter. Pero naniniwala ako sa sinabi niya. Naniniwala akong ayusin niya 'tong gulong ginawa niya.

Lumapit ako kay Ryder at niyakap ko siya. If only I had the power to heal his broken heart. But the only things I can heal are wounds.

"Everything will be alright, Ryder. Pangako ko 'yan sa'yo." Nasabi ko na lang. I don't know what to say anymore. Ayaw kong dagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya.

---------


Malapit na malapit na tayong mag-tapos. Ayeeee! Excited na akong matapos 'tong VCCL. Kapag natapos ko 'to, hindi muna ako magdadagdag ng bagong story. Ipagpapatuloy ko na 'yong mga na onhold kong stories.

Sa mga natatagalan sa update, pasensya na talaga. Busy talaga ako ng bongga kasi malapit na si ate Thy mag fly to moon! ^____^

At gusto ko lang kayong i-remind na damphyr si Avia. Baka nakakalimutan niyo sa book 2... kaya nga siya may dream kasi natutulog siya. Charity is also a damphyr pero hindi si Shelby. Si Wynnet ay pure vampirette. 'Yon lang. Alam ko kasing 'yong iba sa inyo nakakalimutan na ang book 2 kaya sinasabi ko lang. Para 'wag na kayong mag back read. Oh diba ang bait ko lang. Um-oo kayo! Hahahaha

Shameless plugging!! Please read my story Marked by the Beast. Nasa profile ko siya. Walang makakapigil sa aking mag plug! hahahaha


Usap tayo sa facebook: fb.com/thyriza.wattpad

Follow niyo ako sa IG: @Thyriza

Pwede rin sa twitter: @theRealThyriza


GOOD NIGHT!

Continue Reading

You'll Also Like

EXIT By Miss Anicah

Mystery / Thriller

11K 237 22
Kilala mo na nga ba talaga ang mga kaibigan mo? Paano kung may tinatago silang sikreto? At ang sikretong iyon ay ang lihim na galit nila sa iyo? Mas...
3M 67.4K 58
Tucker Fanton's story with a bit of Trav Cai's. The playboy slash cool slash heartthrob will be dumped and challenged by a not so attractive girl fro...
7.2K 412 28
Heaven Vonne Montecillo is a dangerous guy, he's the owner of Montecillo Univerity-a university that hide his dark secret. Sideryleigh, an angel in...
540K 2.7K 11
SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PPH They only knew her name, the branded shoes she wore, her expensive bags, and everything she had. But nobody knew...