Halaga </3 [One Shot]

By bittersweetfantasy

739 28 12

This story is written in tagalog :) More

Author's Note :

Halaga </3 [One Shot]

591 23 12
By bittersweetfantasy

Ayaw ka ngang mawala, pero hindi ka naman kayang alagaan ng tama.

O ayaw ka nga ba talaga niyang mawala? Sigurado ka? Siguradong sigurado? Weh? Di nga? Mahal na mahal mo siya. Pero ikaw? Mahal ka ba talaga niya?

* *

(Marg's POV)

"Luke. Palagi mo nalang inuulit toh. Bakit?! Bakit ba?! BAKIT?!"

"IKAW LANG NAMAN TALAGA ANG NAGLALAGAY NG MALISYA SA MGA GINAGAWA KO SA IBA EH!"

"Ano?! Luke nahihirapan na ako! Mahirap! Masakit! Maawa ka sa'kin!"

"Ewan!!! Pagod na ako!! Pagod na ako sa gusto mo! Binibigay ko naman lahat ng gusto mo pero pati ba naman makipag kaibigan sa iba bawal?!"

"Hindi! Ang bawal, yung ang sweet mo sa kanya! May pa i miss you pa! At bakit ba ikaw pa galit ngayon?!"

"Pagod na ako marg!! Hindi kita maintindihan!!!"

Umalis siya. At ako? Naiwang mag isa. Umupo ako sa staircase na papunta sa nakasarang rooftop. Walang pumupunta dito kasi nga madalas nakasarado lang ang rooftop, kaya perfect na perfect para mag emote.

"Margie?"

Anak ng mushroom! Pinunasan ko muna ang nagluluha kong mga mata bago ko inangat ang ulo ko. Ayokong nakikitang umiiyak. Ayaw na ayaw ko.

"Oh? Gab. Ikaw pala."

Ngumiti ako ng sobrang laking ngiti upang di niya mapansin na umiyak ako. Kinamot kamot ko yung mga mata ko para just in case na namumula, mapagkamalan niya lang na sore eyes o ano. Pero inabutan niya ako ng panyo. Huli na ang lahat. Bisto na ako -_-'

"Umiiyak ka na naman."

"Ha?! A-anong 'na naman' ?! Hindi ah! Bakit naman ako iiyak?"

Kinuha niya ang cellphone niya, halatang nagso-scroll. Hindi ko alam kung saan. Pero nakakabastos ah. Nag-uusap kami tapos di siya sasagot bigla? Pero mas mabuti na rin yun para maiba yung topic.

"Oh eto. Basahin mo."

Inabot niya sa'kin yung cellphone niya at binasa ko yung text.

"Gab. Hindi ko siya maintindihan. Bakit ba? Saan ba ako nagkulang?"

Bang! Pwedeng tumakas at magtago? Sana ako nalang si Flash. Ayun na nga. Bisto na ako. Hindi ko alam kung ano pa ipapalusot ko. Pero sige susubukan kong ideny.

"Ah? H-hindi naman yun. Hindi yan noh. At hindi naman talaga ako umiiyak."

Tinitigan niya ako sa mata. Yung mga mata niyang feel ko lalamunin ako ng buhay. Nakakatakot eh. Next thing that happened, tumulo na naman ang mga luha ko. At tuluyan na ngang umiiyak, sa harap pa ng isang lalake. I feel so weak.

"Kailan ka pa ba magsasawa sa kakaiyak para sa kanya?"

"H-hindi. E-ewan. B-basta. H-hindi ko alam."

Basag yung boses ko nang nagsalita ako. Inakbayan niya ako. Okay lang sa'kin kasi close na rin naman kami. At kailangan ko lang talaga ng comfort ngayon.

"Alam mo minsan nalang kitang nakikitang masaya."

"Ha? Masaya naman ako parati eh."

"Alam ko ang pagkakaiba ng genuine at fake."

Ginulo niya ang buhok ko. Pang-asar niya sa'kin yun eh.

"Wag kang mag alala, Marg. Malalaman rin niya ang tunay mong halaga."

Napangiti ako ng konti sa sinabi niya. Pero sana nga. Mahal na mahal ko siya. Pero hindi ko siya naiintindihan.

* kinagabihan *

Tinext ko si Luke. Oo ako pa una nagtext. Mataas kasi ang pride niya.

"Mine, sorry na. Pls :'("

Wala pang isang minuto, nagreply na siya.

"Okay lang yun. Sorry din. Wala naman kasi talagang malisya dun eh."

Gusto ko sanang awayin siya dahil sa sinabi niyang 'walang malisya' pero wag nalang. Pinigilan ko.

"Sorry na Mine. Basta wag mo nalang yung uulitin. Wala nang imy, ily, at pagsisweet sa iba. Gusto ko sa'kin lang."

"Promise mine. Para sa'yo."

Napangiti ako sa mga sinabi niya. Sana nga tuparin niya yan lahat. Tinext ko si Gab para sabihin na okay na kami ni Luke.

"Uy Gab. Okay na kami. Hehe."

(Gab's POV)

Hindi parin mawala sa isip ko yung kanina na umiiyak siya sa harap ko. Ang babaeng mahal ko. Ang babaeng gusto kong alagaan, na parating pinapaiyak ng bf niya.

* Beeep Beeep!! *

Isang text mula sa kanya.

"Uy Gab. Okay na kami. Hehe."

Oo. Okay na kayo ngayon. Pero panigurado bukas hindi na naman.

"Oh edi mabuti. Anong sabi niya Marg?"

"Nagsorry ako. Tapos sabi niya di na raw mauulit."

Sana nga. Kasi naiinis akong isipin na ginaganyan ka niya. Sobrang naiinis.

"Ah edi mabuti yan. Basta andito lang ako ha."

"Oo. Thank you Gab!"



Masaya ako dahil kahit alam na niyang may gusto ako sa kanya, di parin nag iba yung pagtrato niya sakin. Natutulungan ko parin siya sa mga panahon na sinasaktan siya ng Luke na yan. Sana ako nalang. Pero hindi eh. Siya talaga.

(Luke's POV)

Di ko maintindihan. Bakit ba napakahigpit niya?! Eh siya nga, nagpapalapit lang jan sa Gab na yan. Tapos ako bawal sa iba? Unfair.

* Beep! Beep! *

Isang text message mula kay Cynthia ..

"Hi :)) Good evezz!

Napakaboring naman. Text?

GM"

Uy si Cynthia. Since boring naman rin dito, sige.

"Hey! ;)"

 

"Oh hi Luke. Wud?"

 

"Nakaupo lang. Ikaw?"

 

"Nagtetext lang. Huk?"

 

"Ikaw lang."

Pero ang totoo nagtetext kami ni Marg. Para naman plus points.

"Ahh. Eh si Marg? Bakit di mo katext?"

"Di ko na nireplyan."

"Bakit naman?"

"Wala lang.. Ang ganda mo kanina. Para kang si Kathryn."

Hindi ko kilala yang Kathryn Bernardo pero parati kong naririnig kaya sige.

"Hindi naman. Thank you. Haha."

"Maganda naman talaga ah. Ikaw ang pinakamaganda sa kanila kanina."

"Sus bolero. Sige na. Good night."

Ay sayang nag good night na.

"Kiss ko?"

"Mwaaaaahhh!!! Good night."

"Good night. Mwaaaahhh!!! I miss you. Kitakits bukas ah."

(Paepal saglit. xD Author here. Ganyan madalas ang mga lalake ngayon. Hindi LAHAT pero mostly.)

* kinabukasan, sa school *

( Marg's POV )

Napakaganda ng sikat ni Mr. Sun ngayon ah. Sana maganda rin ang araw ko.

Pumunta na ako sa school, at yun. Nagsimula na ang klase. Napa-CR ako kasi halos puputok na yung pantog ko sa sobrang puno. Kaya yun. Pauwi ng room, nakita ko si Gab. Di naman sa tinitingnan ko siya. Nakita ko lang. At natutulog siya sa gitna ng klase. Haha!

Tapos nadaanan ko naman ang room nina Luke. Tiningnan ko siya. Tiningnan talaga, hindi nakita. Haha! May nakita ako at napahiling,F sana di ko nalang siya tiningnan.

Siya, at si Cynthia. Napakasweet. May pa tawa2, tapos staring at each other's eyes pa! Halos maghalikan na sa sobrang lapit eh.. Tapos holding hands. In short, chansing. Nakita ako ni Luke na nakatingin sa kaniya. Halatang nasurprise. Nagmadali akong tumakbo pabalik sa classroom. At ano pa nga ba dapat kong gawin mamaya? Umiyak. Hiniling ko na sana dismissal na. Gusto ko nang umuwi. At umabsent ng isang buwan. Dahil sa sakit ng nakita ko.

Cliche? Oo siguro. Kasi nga common nang nangyayari to sa mga babae. Wala akong pakialam. Basta ang alam ko, masakit. Masyadong masakit.

Sa wakas, eto nang hinihiling kong dismissal. Nafifeel ko ang luha na papatak na sa mga mata ko. Pero pinigilan ko. Nakayuko lang ako na naglalakad, tutulo na talaga eh.

BAAAAAAAAAANG!!!!!!!!!!

Aray, ansakit naman. Tiningnan ko yung nabangga ko at nagsorry. Nanlamig ang kamay ko nang nakita ko siya. Si Luke.

"Ah Luke. Ikaw pala! Sorry ah. Nagmamadali kasi ako."

Nakangiti ako. Yung fake. Pero pinagsikapan kong magmukhang genuine.

"Yung kanina.."

"Anong kanina? Ha? San dun? Wala akong nakita. Ano ka ba."

Nakangiti ako nang sinasabi ko ang mga yun. Unti-unting nagbublur ang paningin ko.

"Marg. Sorry. Hindi ko.."

"Ha? Ano ba. Wala yun. Wala yun. Sige mauna na ako."

Tumakbo ako ng mabilis na mabilis. Habang may mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko. Hindi ako lumingon sa likod kahit tinatawag niya ako.

"Marg!! Teka!!"

Sa wakas nakauwi na ako. Nagpaalam ako kina mama na may bibilhin lang saglit. Pero ang totoo gusto ko lang libangin yung sarili ko.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinext si Luke..

"Luke, ayoko na. Di ko na kaya. Paulit-ulit nalang. Tapusin na natin toh. At alam kong paulit-ulit ko na rin sinasabing maghiwalay na tayo, pero this time seryoso na ako."

Pumunta ako sa groceries at namili ng junk foods at sodas.

"Sige. Kung yan ang gusto mo."

Nanikip ang dibdib ko nang sinabi niya yun. Akala ko pipigilan niya ako. Hindi eh. Hindi.

"Sige Luke. Salamat sa lahat."

Pumunta ako sa counter at binayaran yung pinamili ko. At nagmadali pauwi.

( Luke's POV )

"Sige Luke. Salamat sa lahat."

Alam ko namang babalik rin siya sa'kin eh. Di niya ako matitiis. Nagreply ako.

"Sige."

Di na siya nagreply. Hinintay ko yung text niya nang ilang oras. Nag GM ako. Para mapansin niya ako.

"Everything comes to an end. But do we really have to get there too?

Eve."

Sa totoo lang ayoko talaga siyang mawala sakin. Mahal ko naman talaga siya eh. At oo naguguilty ako sa mga ginawa ko. Nasobrahan yata ako sa pagpapaselos sa kanya. Pero alam kong babalik siya sakin. Alam ko. Pagkaraan ng 30 mins, di parin siya nagreply sa GM ko.

Pero si Cynthia nagreply. Ayaw ko sana siyang replyan kasi nakokonsensya ako, pero sige. Since wala na rin naman DAW kami.

Pero sa totoo lang hinihintay ko parin ang reply niya. Na ngayon, sasabihin niyang hindi niya kaya.

9:24pm, wala paring text galing sa kaniya. hindi ko na talaga kaya. itetext ko na siya.

"Mine. Sorry na. Please. Kahit magreply ka lang. Okay na."

Napakalaking suntok sa pride ko yun. Pero nilunok ko nalang. Para sa kanya.

KRRRINNGG!!!! KRRIINNGG!!!!!

 

Tita Mary calling..

Mama ni Margie. Ahh. So walang load si Margie. Kaya naman pala nakayanan niyang di ako replyan. Nasayang pa tuloy ang pagtext ko. Tatawag rin naman pala siya eh. Pero sige na nga lang.

Sinagot ko yung tawag.

"Hello?"

"Luke. Iho?"

Mama ni Margie. Hindi si Margie.

"Tita? Ano po yun?"

 

"Nanjan ba si Margie?"

 

"H-ha? Wala po. Bakit?"

Nang-ginaw ako sa tanong niya. Ibig sabihin wala si Margie sa kanila. Eh nasan siya?

"Umalis siya kanina. May bibilhin raw. Natagalan kaya tinawagan namin. Ayaw sagutin eh. Akala namin anjan lang siya."

 

"Wala po siya rito. Tita pag alam niyo na kung nasan siya, pls sabihin niyo. Hahanapin ko rin siya."

 

"Sige iho. Salamat."

Toooot! Toooot!

Kinakabahan ako. Paano kung may masamang nangyari sa kaniya? Tinawagan ko ng paulit-ulit ang phone niya. Nagriring pero di sinasagot. Hindi ko kakayanin pag nawala siya sa'kin.

*BEEEEP! BEEEEP!*

9:45pm, isang message mula sa kanya.

Good night. I love you Luke. Tandaan mo yan. Sorry for being useless, boring, nothing, panget, annoying, at nakakasawa. Hindi na ako mag aabang ng reply mula sa'yo. Pero ang masabi ko lang toh sayo one last time. Okay na sa'kin. I love you. Ingat ka parati.

Nagtext siya. Ibig sabihin okay na siya! Hay salamat. Tinawagan ko siya ulit, pero di parin sinasagot.

( Gab's POV )

Kumusta na kaya siya? Pinaiyak na naman kaya siya ni Luke? Itetext ko na sana si Margie nang nakita ko siya. Papatawid sa karsada. Nakita niya ako. Nginitian ko siya. Ngumiti rin siya sa akin. Yung ngiting napakatamis. Tumawid siya sa karsada para makarating dun sa kinatatayuan ko.

BEEEEEEEP!!!!!!! BEEEEEPPP!!!!!!! BEEEEEEPPP!!!!!

"MAAAAARRRG!!!!!!"

TEEEET!! TEEEET!! TEEEET!! TEEEET!!

Nasa ospital ako kasama ni Margie. Nasagasaan siya kanina. Hindi ako makapaniwala.

Kinuha ko ang cellphone niya. 41 missed calls. Coded kaya di ko mabuksan.

Mama calling..

 

"Hello? Hello po? Mama po ba toh ni Marg?"

 

"Hello? Luke? Iho?"

 

"Hindi po. Gab po. Di niyo po ako kilala pero.."

 

"Ah gab. Ikaw pala. Kilala kita. Nakukuwento ka ni Marg. Anjan ba siya?"

Nakuwento na ako ni Marg sa kanila? Oooooh! Heaven! Masaya ako sa narinig ko. Pero nang nakita ko si marg na walang malay, bumalik ako sa pagkaseryoso.

"Nandito po kami sa ***** hospital. N-naaksidente po siya. Nakita ko po kaya sumama ako sa pagdala sa kanya sa hospital."

*10 mins later*

 

"Margie! Anak!"

Mangiyak-iyak na sabi ng mama niya habang nakayakap kay margie na walang malay.

Lumabas ako saglit. Kasi naramdaman kong may mga luha nang namumuo sa mga mata ko. Maya maya ay dumating si Luke. Ang lalakeng gusto kong sisihin kahit wala naman talaga siyang kasalanan.

Pumasok siya. Pero di ako sumunod. Baka kasi masuntok ko lang siya.

( Luke's POV )

Di ako makapaniwala. Na nasa harap ko, ang babaeng mahal ko. Ang babaeng sinasasaktan ko ng paulit-ulit. Walang malay na nakahiga. Feel ko sinaksak ako sa puso. Masakit. Masakit para sa'kin na makita siyang ganyan. Naalala ko lahat ng ginawa ko sa kanya. Hindi. Hindi ko dapat ginawa yun. Lord wag mo po siyang kunin sa akin. Pangako magbabago na ako. Give me one last chance po. Please hindi ko kaya. Hinawakan ko ang kamay nya ng mahigpit.

* * *

Nagising na si Margie at masaya ako dun. Pero..

"Sino ka?!"

* * *

( Gab's POV )

Hindi ako makapaniwala. Na sa tinagal-tagal kong hinintay, natupad rin ang akala kong hindi na matutupad.

"Yam! Tigilan mo nga yang kakatitig mo sa'kin. Nakakatunaw eh!"

Oo. Kami na ni Margie. Nagka amnesia siya dahil sa aksidente, nakalimutan niya lahat. Pilit naming pinaalala sa kaniya yun, pero sa akin siya nahulog.

* * *

( Luke's POV )

Masaya ako dahil tinupad ng Diyos ang hiling ko na magising siya. Kahit na di niya na ako naaalala, at naroon siya kay Gab ngayon, okay lang. Pero tutuparin ko rin ang pangako kong magbabago ako. At maghihintay ako hanggang sa araw na bumalik siya sa akin. Kung hindi man mangyari yun, maghihintay parin ako. Mahal na mahal kita Margie.

* * *

( Margie's POV )

"Heart beats fast, colors and promises..

How to be brave..

How can I love when I'm afraid.."

Ito ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na pinangarap ko para sa amin. Nakangiti ako habang naglalakad papuntang altar, hawak ang braso ni Papa.

"One step closer.."

Nakikita ko siya sa gilid. Masaya na rin siya, dahil nakahanap na siya ng iba. Ang lalakeng minahal ko noon, sampung taon na ang nakalipas. Pero narealize ko na mas mahal ko talaga itong lalakeng nasa harap ko ngayon. Binitawan na ni papa ang kamay ko, at kami nalang dalawa ang nagpatuloy sa harap ng altar at ng pari.

"Do you, Margie Dela Cruz, take this man, to be your lawfully wedded husband?"

"I do."

"And do you, Luke Soriano, take this woman, to be your lawfully wedded wife?"

"More than she does, I do Father."

"..You may now kiss the bride."

( Gab's POV ) 


Sabi nila, "if you really love her, you must set her free." Naniwala ako dun. Nagkaconflict ang relasyon namin noon, nang nagkabati kami, nag-iba na ang lahat. At alam ko noon na mahal niya parin si Luke. Masakit man, binitawan ko na siya. Dahil mahal ko siya. But anyway, nakamove-on na ako at masaya ako para sa kanila.

( Luke's POV )

Naniniwala na ako ngayon sa 'Good things come to those who wait.' Hinintay ko siya noon. At bumalik siya. Ngayon, kami na nga ulit, at habang buhay na kaming magkasama. Nabigyan ako ng second chance, hindi ko sasayangin yun. Pangako ko, aalagaan ko na siya ng maayos, at hinding hindi ko na siya sasaktan. Pipilitin ko. FOREVER <3




-- THE END --

Continue Reading