Janna's POV
"Janna."
"How are you?" Halata naman na nagulat siya.
Sino ba naman hindi magugulat. Sabagay. Akala ko hindi na kami mag kikita. Sa gantong sitwasyon pa. Napaka mapag-laro talaga ng tadhana.
"Its been a long time. Since nung iniwan moko."
Hindi naman kagad ako naka galaw sa kinatatayuan ko. Napatulala nalang ako. Galit padin ba siya? Matagal na naman yun? Hindi parin ba niya ako patatawarin? Kung alam ko lang na tatagal yung galit niya.. Sana matagal nakong bumalik at humingi ng tawad sakanya. Sakanila.
"Angelo."
"O bakit? Bakit parang sumama ata pakiramdam mo? Bakit natulala ka ata?" Tumayo siya at nag-bayad sa counter. Habang ako nakatulala padin. Inaalala ang nakaraan.
Nang makalabas na siya ng parlo. Mabilis ko siya hinabol.
"Angelo!" Tawag ko sakanya. Pero parang wala siyang naririnig. Tuloy padin siya sa pag-lalakad.
Puta ah.
"Angelo! Come on. Kausapin moko!" Sawakas humarap din siya. Kaya mabilis ko siyang nilapitan.
"Angelo. Galit ka pa ba sakin?" Napakunot naman siya ng kilay
"What do you think? Huh Janna? Pag-katapos mong sirain yung buhay namin. Aalis ka bigla. Hiniwalayan moko dahil dyan sa putang inang pangarap mo. Lahat binigay ko sayo noon. Pero ano ginawa mo? Nag-hanap ka pa ng iba at kapatid ko pa. Tingin mo makakalimot ako? Tanga nalang ako kapag kinalimutan ko yun at sinabi kong welcome to philippines. Ano may gusto ka pang sabihin?" Bigla naman akong nakaramdam ng sakit. Hindi ko alam na ganito kalalabasan ng naging kasalanan ko. Hindi ko alam na matinding sakit pala ang naidulot ko sakanila.
"I'm so sorry gelo. Pls. Patawarin moko. Napaka tagal na nun. Bakit hanggang ngayon yun parin ang di mo makalimutan??" Buti nalang at wala pang masyadong tao dito sa mall.
"Huh? Sorry? Sorry? Paki ulit? Oo napaka tagal na. Akala ko nga nabura kana sa mundo. Sayang. Sorry din, pero kahit kelan hinding hindi kita mapapatawad. Kahit ano pang sabihin mo, hindi na mawawala yung sakit na naidulot mo samin. Sakin. Yung mga panloloko mo. Hindimg hindi mawawala yun.. Kahit pa mamatay ka. Kahit na mawala kapa." Napaiyak nalang ako sa mga sinabi niya. Galit na galit siya sakin.
Hindi na siya yung dating angelo na minahal at naging kaibigan ko. Im so sorry hindi ko alam na aabot sa ganito yung galit mo.
ERIN'S POV
Tinext ko nalang si Angelo na mauuna ako dahil may aasikasuhin ako.
Puta hindi talaga ako tatantanan ni Jyruz. Lintik na lalaki yun. Akala ko magagalit dahil sa pang iiwan ko sa mall. Tigas niya huh!
"Goodmorning ma'am." bati ng secretary ko.
"Ma'am sila yung pinadala ni Sir jyruz." Dagdag niya pa.
"Asan si jyruz?" Tanong ko.
"Ma'am susunod daw po."
"Hindi ako mag didisisyon about this. Siya ang mag ayos. Leave now." Nag-sitinginan naman silang lahat.
"LEAVE NOW." sigaw ko at sabay sabay silang nag-sialisan.
"Ma'am pati ako?" Tanong ng secretary ko.
"No. May iuutos ako sayo. May papasundan ako sayo. Bryll Perez. Walang makakaalam neto. Kapag may nakaalam. Patay ka sakin. Now. Leave." Mabilis naman siyang umalis. Napasandal nalang ako sa sofa. Kamusta na kaya siya? Napapikit nalang ako. I miss him so much.
"Bakit mo pinaalis yung mga taong pinadala ko?" Napadilat naman ako ng wala sa oras.
"Ikaw na bahala. Kahit ano naman. Bahala kana. Ikaw naman masusunod." Sabi ko tska tumayo at tinalikuran siya. Pero di pako nakakahakbang hinila niya ako paharap sakanya. Sa sobrang lapit namin sa isat isa amoy na amoy ko yung pabango niya.
"Erin nananadya kaba talaga?"
"Bitawan moko. Nasasaktan ako." Puta napaka higpit kasi ng hawak.
"No." Nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa.. Hinalikan niya ako. Nasasaktan ako. Naiinis ako sakanya
"JY?" Bigla naman kaming nakarinig ng pag-laglag ng babasagin na bagay. Napatigil siya at sabay kaming napatingin sa dumating. Binalik ko ang tingin ko kay jyruz. Halatang nagulat siya siya at natulala.
Bakit?
Sino siya?