4- Thankful

12.9K 182 2
                                    


ERIN'S POV

Haysssss! bilis ng Araw. Pero wala padin nag babago! Lagi akong ginugulo ni Jyruz. Hindi ko alam kung anong trip ng bwiset na to. Andaming pedeng pag-tripan di ko alam kung bakit ako pa. Lagi ko siya sinusungitan.

"Hey erin!" Nagulat ako sa pag-lapit sakin ni William, isa sa Basketball player ng shool.

"What?" masungit kong sagot. Kahit kanino naman ay masungit ako. Kung pepede nga lang ay wag nalang ako kausapin kesa makasakit ako ng damdamin ng iba.

"Nood ka ng game naming ah! Asahan kita mamaya." Nilagpasan ko lang siya at daretsong pumunta sa garden. Utusan daw ba ako? May utak ako. Kung manonood ako, manonood ako. Di niya kailangan sabihin dapat kong gawin.

"Nakasimangot ka nanaman. Talagang papangit ka niya.." minsan parang ayoko nalang talaga pumasok kung laging may asungot na lilitaw.

"Sinusundan mo bako? Alam mo minsan gusto na talaga kitang sapakin." Pero imbis na mainis siya o manahimik ay tumawa pa siya sa sinabi ko. Anong nanakakatawa sa sinabi ko? Siryoso naman ako ah.

"Grabe totoo nga sabi nung iba. Masungit ka at palaban."

"So nag susurvey ka pala tungkol saakin? Alam mo kung type mo ko sabihin mo ng daretso sakin bigyan kita ng background ko." Iniwan ko na siya at umalis nalang ako bago pako maka panakit ng monggi.

"Grabe dali na uy kausapin mo nako. Joke lang yun erin." Napatalon ako sa gulat ng biglang mag-salita si monggi. Buong akala ko ay naiwan ko na siya pero sinundan pala niya ako. Pabibo kainis.

"Ang kulit mo ah. Bat ba ang kulit mo??????!" Mabilis talaga ako mapikon lalo na sa katulad niya. Pabibong monggi.

"Nabobored kasi ako. Tour mo naman ako dito." Hindi ko alam kung anong gusto niyang mangyari. Pero naniniwala akong may iba siyang hanggarin.

"Ano ako tour guide? Daretsuhin moko anong kailangan mo?" ayoko sa lahat paligoy ligoy. Hindi ko na namalayan na sa kakamadali ko ay namali ako ng apak sa hagdan maswerte nalang at nasalo ako ng epal na ito.

"Ayan ang sungit kasi. Bilis ng karma?" sinamaan ko nalang siya ng titingin tska umalis.

JYRUZ'S POV

"Kanina pa kita hinahanap. Saan kaba nanggaling. Kala mo naman memorize mo na tong buong building??" Nagulat ako sa biglang pag-sulpot ni Nikolai sa likod ko.

Bakit ba ang sungit netong Erin na to ako na nga nakikipag kaibigan siya pa tong ayaw. Yung iba nga nagpapansin pa sakin para mapansin ko eh.

"Nag-ikot lang. Tska pala. May opening party daw bukas ng gabi, may date kana ba?" nabasa ko lang din yun sa lobby kanina ng dumaan ako. Gusto ko sana ayain si Erin maging partner pero Malabo. Kaya mukang solo nalang akong pupunta.

"Meron si Nicole." Mayabang na sagot ni Nikolai. Aba ambilis netong tropa ko.

"Nicole? Baka naman ikaw lang nakakalaam niyan?" natatawa kong sabi. Kahit kelan talaga malandi tong hayop na to. Dumaretso kami sa room dahil may last subject pa kaming tinapos. Malas lang dahil pinaulanan kami ng homework sakto din dahil weekends na.

Bago ako umuwi dumaan muna ako sa Library para mag search sana tungkol sa pinagawa ni Maam. Pag-padating ko sa Library sakto dahil nakita ko si Erin. Pero himala mag isa lang siya. Asan best friend niya? Himala? Umupo lang ako sa malapit sakanya. Mukang siryosong siryoso siya sa inaaral niya. Kahit masama ugali niya masipag din pala tong mokong na to.

ERIN'S POV

Badtrip talaga si Ma'am. Nakaabot sakanya yung nangyarii last time sa canteen. Ginawa niya akong student teacher! Kaya kailangan kong aralin lahat ng binigay niya. Nakakainis siya, sarap niyang sapakin.

Pag-tapos ko lumabas agad ako. Sa minalasmalas ay naabutan ako ng ulan. At napaka dilim na kahit sa hall way ay waala na masyadong ilaw. Pag-kita ko sa relo ko ay nakita kong mag-8 na.

Sa minalas malas ay itetext ko sana yung driver naming para sunduin ako pero lowbat ako. Takte bakit ngayon pa?? Sobrang malas naman ata? Nag-lakad nalang ako palabas ng school, malapit lang din naman sakayan dito papuntang bahay. Mag-tataxi nalang siguro ako.

Pero habang nag-lalakad ako biglang may umakbay sakin, akala ko ay kilala ko pero nagulat nalang ako ng bigla niyang sinabing.

"Holdap to. Bigay mo cellphone at wallet mo." Para akong naninigas. Hindi ko alam kung ibibigay ko ba o lalabanan ko siya. Pero mukang kailangan ko nga ibigay. Ayoko pang mamatay.

"Eh kung bitawan mo muna kaya ako para maibigay ko sayo?" paano higpit ng akbay niya eh. Paano ko makukuha phone ko? Mamaya ay niluwagan niya ang pag-akbay niya saakin. Mabilis kong kinuha yung phone at wallet ko tska inabot sakanya.

Pero tatanggapin pala sana niya pero bigla siyang tumilapon, kasabay ng pag-sugod isang lalaki sakanya at sunod sunod siyang pinag-susuntok. Napatulala nalang ako. Niligtas niya ako?

**

"Miss okay na po. Buti nalang at naagapan. Masyado na siyang madaming nabiktima at sana ikaw na ang huli Miss.." sabi ng pulis matapos makulong yung nang holdap sakin. Tahimik lang akong nag-lalakad pero ramdam kong nakasunod siya sa likod ko.

Tumigil ako at humarap sakanya.

"Sinusundan mo ba ako?" mataray kong sabi sakanya. Kitang kita mo sa gilid ng muka niya yung maliit na galos na natanggap niya kanina.

"Dyan din yung palabas diba?" masungit naman niyang sagot tska ako nilagpasan. Baglang ganun???

"HOY!" tawag ko. Hindi ko alam kung paano siya papasalamatan. Nahihiya ako. Parang nakonsensya ako sa inasal ko. Humarap naman siya pero kita para sa muka niyang wala siya sa mood.

'

"Salamat" tska ako umalis at sumakay sa sasakyan. Nahihiya ako, di ako sanay mag-pasalamat.


Pero well appreciated naman yung reason eh so dapat lang mag-pasalamat, niligtas niya ako.

Bitch vs. The Casanova (((ONGOING))) ((((EDITING)))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon