Just The Benefits (PUBLISHED)

By beeyotch

64.9M 1.3M 540K

Imogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumay... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Katapusan (Unang Parte)
Katapusan (Huling Parte)
Bonus (Closure)

Kabanata 11

1M 21.6K 6.2K
By beeyotch

#JustTheBenefits

Kabanata 11 

Hindi kami magkasama ni Parker ngayong araw. Ang sabi niya, mayroon daw siyang gawin. Naniwala ako. Simula nung ipinakilala niya ako sa mga kaibigan niya, mas gumaan ang pakiramdam ko. Mas naniwala na ako na hindi niya ako niloloko—o lolokohin man lang. The things I've heard proved to me that Parker really did care for me. Hindi kami aabot ng ganito kalayo kung laro lang ang lahat ng ito para sa kanya.

And I've seen the look on his face. Alam ko na kung nahihirapan ako sa pagtatago namin ng relasyon na ito, mas nahihirapan siya.

Alam ko na hindi dapat nagsusukat sa isang relasyon. Hindi mahalaga kung sino ang mas... Pero sa amin ni Parker? Sa relasyon namin? Pakiramdam ko mas mahal niya ako... Pakiramdam ko tuwing nasasaktan ako, mas nasasaktan siya. I could just feel it. The depth of his love was overwhelming but I love him just as equally.

I just wish that one day, everything would be fine. Hindi na ako makapaghintay sa araw na maipagsisigawan ko na kung gaano ko siya kamahal. And that day would surely be worth the wait.

"Okay ka lang?"

I nodded though I pretty sure I wasn't okay. Hindi pa rin ako kinakausap ni Shiloah... I mean, yes nag-uusap kami but it felt off. Hindi na kagaya nung dati na ang saya...

Galit pa rin kaya siya dahil hindi ako nagparamdam nung araw na ipinakilala ako ni Parker sa mga kaibigan niya? Pero bakit naman siya magagalit sa akin dahil lang doon? I mean, yeah we're friends pero hindi naman dapat sinasabi ko sa kanya lahat ng nangyayari sa buhay ko.

"Hindi niya ako kinakausap." Hindi ko napigilan na sabihin. Magkatabi kasi kami ni Shiloah sa classroom pero akala mo mayroong pader na namamagitan sa aming dalawa. Tuwing tinitignan ko siya, pakiramdam ko ang layo-layo namin sa isa't-isa. Hindi ako sanay.

"Nino?" she asked.

"Shiloah," I answered and I immediately gathered her attention. Isinara niya iyong problem set na sinasagutan niya at saka hinarap ako. Basta talaga tungkol kay Shiloah, nakukuha ko ang buong atensyon niya.

"Ano'ng nangyari? Share naman!" she urged me.

Ayoko sana na sabihin sa kanya dahil pakiramdam ko hindi matutuwa si Shiloah na ikinukwento ko sa ibang tao kung anuman ang problema naming dalawa... Pero hindi ko na kasi matagalan. Hindi ako mapakali na hindi niya ako kinakausap. I can't make peace with the possibility of him being mad at me. Wala akong kaibigan sa school maliban kay Mari at Shiloah... Hindi talaga ako mapalagay sa ideya na galit ang isa sa kanila sa akin.

So, sinabi ko kay Mari kung ano ang nangyari nung araw na iyon. Habang nagkukwento ako, pakiramdam ko ang sama ko nga... I was Shiloah's only friend tapos nung kailangan niya ako, hindi niya ako mahanap. I felt like I was partially responsible for this drift between us.

I kinda was a jerk.

"Whoa. Pinakilala ka na ni Paker sa friends niya?"

I rolled my eyes at her nickname for Parker.

"Yes, kaya tigilan mo na iyong pag-iisip na may ibang babae si Parker kaya itinatago niya ako," I said. Hanggang dito lang ang pwede kong sabihin. Hanggang hindi ko pa alam kung ano talaga ang dahilan, wala akong pwedeng banggitin.

She shrugged. "Malay pa rin natin..."

"Mari!"

She made a face. "Fine," sabi niya. "Anyway, girl, ikaw naman kasi! Ni hindi mo man lang tinext si Shiloah na balak mo palang makipagbahay-bahayan kay Parker," she reprimanded me.

"Wala naman akong responsibilidad na sabihin sa kanya lahat ng ginagawa ko," pagdedepensya ko sa sarili ko. May responsibilidad ba ako? Kaibigan ko siya, hindi tatay o kung anuman.

But I still felt guilty for keeping him in the dark...

I really can't have a chill, can I? Kakatapos ko lang sa problema ko kay Parker tapos si Shiloah naman ang pumapalit ngayon. Hindi ba ako pwedeng magkaroon ng kahit isang linggo lang na walang problema? Iyon bang ang iisipin ko lang ay kung paano ko madedefend iyong thesis ko? O kung ano ang gagawin ko after graduation?

Puro na lang lalaki ang problema ko sa buhay!

"Grabe, ang mean mo naman!" sabi niya at saka napailing. Inadjust niya iyong salamin niya at saka umayos ng upo. "Ang bait kaya ni Shiloah sa 'yo. Ang akin lang naman, masyado mong sinasanay si Shiloah sa presensya mo sa buhay niya. You can't blame the guy kung masyado siyang naaattached sa 'yo..."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Was I at fault, too? Masyado na ba kaming maraming oras na pinagsasamahan ni Shiloah?

"We're friends."

Mari rolled her eyes. "Tomato, tomatoe. Friends, friends," she said with air quotes. "Point is, you two are spending too much time together. Seriously, iniisip ko nga na ang pa-fall mo, e."

"Hindi ako pa-fall!"

Hindi siya nagsalita. Tinitigan niya lang ako. So I felt the need to defend myself even more.

"Alam ni Shiloah na may boyfriend ako," I said.

"Alam ko rin na may Iris West na si Barry Allen pero na-in love pa rin ako sa kanya," she said and my brows were in full arch. Ano na naman ba ang sinasabi niya? Inirapan niya lang ako. She exasperated a sigh. "God, manood ka naman ng TV minsan!" she said. "Point is, sa tingin mo ba porke may boyfriend ka e mapipigilan mo na ang isang tao na magkagusto sa 'yo?"

"Uhh... yes?" sabi ko sa kanya. "That's the point of being in a relationship kasi exclusive ka sa tao na 'yun," I explained.

Mari threw her hands up in the air.

"Grabe, Imo, hopeless ka na talaga. Ewan ko ba kung ano ang pinakain sa 'yo ni Parker para maging ganyan ka ka-loyal sa kanya."

Pakiramdam ko nainis na sa akin si Mari kasi hindi niya na ako kinausap matapos iyon. Tahimik kaming natapos kumain ng lunch. Hindi na muna ako sumasabay kay Shiloah. Ang ipokrita ko naman kung sasabay ako sa kanya kahit hindi kami okay...

Dumiretso na ako sa klase matapos iyon. Mayroon akong nakita na babae na nakaupo sa pwesto ko. Kausap niya si Shiloah at mukhang kung anuman ang pinag-uusapan nila, nag-eenjoy silang pareho. I smiled. Masaya ako na nakahanap na si Shiloah ng babae na magpapahalaga sa kanya. Kung tama man si Mari sa mga kabaliwan na iniisip niya, hindi pwede. Alam ko at alam ni Shiloah kung sino ang pipiliin ko.

It would just burden the both of us. Mas mabuti na iyong may iba siyang pinagkakaabalahan. I could offer nothing more than sincere friendship.

Lumabas muna ako hanggang wala pa iyong professor namin. Pinabayaan ko muna sila na mag-usap.

"Hey, babe. What's up?" he said. Nagtext lang ako sa kanya na miss ko na siya. Ilang segundo matapos iyon, tumawag na agad siya.

Ito kasi iyong hindi makita ni Mari. Hindi niya makita kung gaano nag-eeffort si Parker sa akin. Hindi niya makita kung paano ako alagaan at mahalin ni Parker. Ako lang ang nakakakita nito kaya wala siyang karapatan na sabihin na nagpapakatanga lang ako para sa wala.

"Wala naman..." I answered. "Tapos ka na ba sa ginagawa mo?" I asked him. I was careful not to ask anything in specific. Sinasanay ko na iyong sarili ko na makuntento sa kung ano lang ang alam ko. Mahirap sa ngayon but I was pretty sure I will soon get the hang of it.

"Malapit na," he replied.

That was his only reply and that was my cue to not push my luck any further.

"Okay," sabi ko. "Take care, okay? See you pagbalik mo."

I heard him sigh from the other line. "You, too, babe. I miss you. Take care of yourself for me. And don't forget to eat," bilin niya sa akin bago namin putulin iyong tawag.

Ilang araw pa ba na wala si Parker? Namimiss ko na siya... Paano pa kaya kapag nagsimula na iyong practicum niya sa ibang bansa? Ano pa ang mangyayari sa akin nun? Ngayong ilang araw pa lang ay nagkakaroon na ako ng separation anxiety, paano pa kapag mas matagal?

Nakakatakot lang isipin ang mga posibilidad.

Nakatingin lang ako sa mga naglalakad sa baba. Nakita ko si Emma at Archer na naglalakad habang nakasunod sa kanila si Hunter. I didn't know what exactly was the deal between the three of them. Pero kung anuman iyon, sana hindi iyon maging dahilan para masira ang pagkakaibigan nila.

It's just plain ugly when friendship is destroyed by love... I think it will never be worth it.

But who was I to talk? I think I'd jump the same boat given the situation. I was a fool in love. And fools get themselves killed.

Dumating na sa wakas iyong prof namin kaya pumasok na ako sa loob. Pag-upo ko sa pwesto ko, ramdam ko na naman iyong pader sa pagitan namin ni Shiloah. Kailan ba ito nagsimula? Kailan nagkaroon ng pader sa pagitan namin?

Nung isang araw lang, okay na okay kami... Tapos ngayon ni hindi kami makapag-tinginan.

Mabilis lang natapos ang klase.

"Bye, Shiloah!" paalam sa kanya nung babae na kausap niya kanina. Shiloah smiled at waved at her. Inaayos niya rin iyong gamit niya kagaya ko.

I should've already taken the hint. Hindi kami okay. Hindi ko dapat siya kausapin. Hindi na dapat ako mag-attempt pa na kausapin siya. Pero kailan ba ako nakinig sa sinasabi ng utak ko?

"New friend?" I asked him.

Akala ko hindi niya ako papansinin. Akala ko para lang akong kumausap sa ulan. But Shiloah was never rude. Hindi siya iyong tao na ipapahiya ka.

So of course he replied... The coldest way he could muster.

"Yeah," tipid niyang sagot.

"She's cute."

Tumango lang siya.

"You should ask her out," sabi ko. Gusto kong pigilan iyong sarili ko pero hindi ko magawa. I wanted to amend things. Gusto kong magsorry pero para saan? Dahil hindi ko sinabi sa kanya na may lakad kami ni Parker? It didn't make sense! Dahil ba doon kaya hindi niya ako kinakausap? Sobra naman yata iyon!

Hindi siya sumagot.

"Punta tayo sa mall?"

I really just can't stop making a fool out of myself.

"May gagawin ako," sagot niya.

"Okay, sige next time na lang..."

Mayroon siyang kinuha mula sa bag niya. Naglabas siya ng ballpen at isang maliit na papel. Mayroon siyang isinulat doon.

"Ipadala mo na lang sa address na 'to 'yung mga bibilin mo," sabi niya sabay abot sa kamay ko nung maliit na papel. Mayroon din siyang kinuha sa wallet niya. "Hindi mo naman kailangan na kasama ako. Nasa papel na rin 'yung PIN."

Natigilan ako. Was this his way of dumping me?

"Iyong sa sweldo mo—"

"Are you dumping me?"

Hindi ko na napigilan pa iyong bibig ko. Oo, magkaibigan lang kami ni Shiloah pero mahalaga sa akin ang pagkakaibigan namin. Nasasaktan ako sa gingawa niya. He's cutting me off from his life!

Hindi siya sumagot. Nagtititigan lang kami. Walang gumagalaw. Tanging ang malalim na paghinga ko lang ang naririnig ko.

"Ano bang nangyayari sa 'yo?" I asked him. "Bakit mo ako ginaganito?"

I couldn't hide the pain in my voice. Nasasaktan ako. Sinasaktan niya ako sa bawat pagtulak niya palayo sa akin.

"Sumagot ka naman..."

Kulang na lang umiyak ako sa harapan niya pero wala akong makuha na sagot mula sa kanya. Ganito na lang? Dito na kami matatapos?

"Ano ba 'yung nagawa ko para iwasan mo ako ng ganito?"

But instead of answering, he gave me a small smile.

"I can't play a losing game," was all he said.

Continue Reading

You'll Also Like

117K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
575K 58.7K 33
There's a lot of always in my life, but being trapped with you is my favorite...
7.6M 438K 63
In the fairy tale, only an act of true love's kiss can melt a frozen heart, a kiss from a prince with his everlasting love. But what happened to my p...