Just The Benefits (PUBLISHED)

By beeyotch

64.9M 1.3M 540K

Imogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumay... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Katapusan (Unang Parte)
Katapusan (Huling Parte)
Bonus (Closure)

Kabanata 10

1M 19.2K 3K
By beeyotch

#JustTheBenefits

Kabanata 10 

Kanina pa ako hindi mapalagay dahil nakukunsensya ako. Hindi ko naman sinabi na hintayin niya ako... Hindi ko naman sinabi na mag-alala siya sa akin.

Haaay, Shiloah.

Gusto ko siyang kausapin. Pakiramdam ko mayroon siyang problema kaya pinuntahan niya pa ako. Ako lang naman kasi ang kaibigan ni Shiloah... as far as I was concerned. Bukod sa akin, wala siyang ibang kinakausap sa school.

Mas lalo naman akong nakonsensya. Kung mayroon nga siyang pinagdadaanan ngayon, gusto kong nandun ako sa tabi niya. Palagi kasi siyang nandyan kapag kailangan ko siya kaya naman gusto kong suklian iyong kabaitan na ibinibigay sa akin ni Shiloah...

But not right now. I wanted to focus all my energy on Parker. Gusto kong maging masaya lang ngayong gabi. I wanted to at least forget about my problems even for tonight. Dapat masaya ako dahil finally, ipapakilala na ako ni Parker. Sa iba, siguro oo isang maliit na bagay lang 'to. But for me? This was a game changer.

"You alright, babe?" tanong sa akin ni Parker. Tumango ako at mas lalo niya namang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Nagdadrive siya papunta sa condo ni Emma. Kinakabahan ako. Oo, kilala ko si Emma dahil sikat siya sa school pero hindi niya naman ako kilala.

Magustuhan kaya nila ako para sa kaibigan nila? Ano kaya iyong magiging reaction nila kapag nalaman nila?

Damn. Kinakabahan talaga ako!

"Kinakabahan ako." Hindi ko na napigilan na sabihin. I didn't want to mess this up. Parker did a bold thing to introduce me to his friends so I really wanted for things to go as smoothly as possible. Ayoko na panget ang first impression nila sa akin. I didn't know. Usually, hindi naman ako conscious sa impression sa akin ng mga tao dahil hindi naman mahalaga kung ano ang iniisip nila... Pero ngayon? Parang may mga hayop na nag-aaway sa loob ko. Sobra akong kinakabahan. Words wouldn't suffice to describe the vortex that's eating me up alive.

"Don't be; they'll love you," he said and then squeezed my hand.

Sa ilang taon ko na nabuhay, ngayon lang ako nagpasalamat sa traffic sa Guadalupe. It was buying me more time para mas makapaghanda. Ano ang sasabihin ko kapag nasa harap ko na ang mga kaibigan ni Parker? Hindi ko alam kung ano ba ang mutual na interes namin... Paano kapag boring pala akong kausa? Paano kapag hindi ako makasabay sa mga gusto nila?

God, bakit ba ang dami kong iniisip? Why can't I just be one of those people who do not worry? Why was overthinking my middle name?

"What is Emma like?" I asked him. Kinunutan niya ako ng noo. "I mean, para naman makapagprepare na ako ng list of possible topics na pwede naming pag-usapan," agad na paliwanag ko.

Parker smiled at me and slowly shook his head. "Babe, you're overthinking things," sabi niya. Iniangat niya iyong kamay niya na nakahawak sa kamay ko. He kissed my knuckles and then smiled while doing so. "Just be yourself."

I grunted. "You know how I am a colossal mess!"

"Babe, you're my colossal mess," sabi niya na naging dahilan para mapangiti ako. Bwisit talaga 'tong si Parker! Alam na alam niya kung ano ang dapat sabihin at kung kailan iyon sasabihin. He just really knows me. "Seriously, babe, chill out. Mababait 'yung mga kaibigan ko; they won't eat you up alive."

I looked at him with hopeful eyes.

"Really?"

He nodded.

"Really, really, babe. So, just relax, okay?" he asked me to which I nodded half-heartedly. "And if they don't like you, so what? Mahal pa rin kita."

I rolled my eyes. "Bolero ka talaga."

The rest of the ride, pinilit ko na kumalma. Hindi ko alam kung may ginagawa na naman bang tulay ko kung ano dahil na-stuck talaga kami sa traffic. Kalmado na ako kaya naman kinuha ko na lang iyong phone ko para itext si Shiloah. Alam ko na nakita ni Parker kung sino ang katext ko pero hindi na siya nagsalita pa. He knew it would be futile. Kaibigan ko si Shiloah and there's no hanky-panky going on between us. Parker knew better than to start an argument based on this one again.

To: Shiloah

Hey. Why did you wait for me? May prob ka ba? We can talk if you want

I sent my text to him at saka itinago ang phone ko sa bag. After this night, kakausapin ko si Shiloah. Alam ko naman na ako lang ang kaibigan niya... But tonight, I needed to focus all my attention to Parker and his friends. Matagal ko 'tong hinintay so there's no way I'd mess this up consciously.

Pagkabigay ni Parker sa valet nung susi niya, naramdaman ko na naman iyong pamilyar na kaba.

"Ready?" he asked me as he held my hand. I expelled the deep breath I've been holding in.

Umakyat kami sa top floor dahil nandun ang condo ni Emma. Hindi na ako nagtaka kung bakit nasa penthouse siya dahil mayaman sila Emma. Hindi lang talaga ako sure sa eksaktong yaman ng mga tao sa school dahil hindi naman ako masyadong interesado.

"Sinu-sino nga ang nandun?" I asked him while we're inside the lift.

"The usual."

"So, puro lalaki?"

Parker laughed. "Yes, babe. Puro lalaki ang kaibigan ko at ngayon pa lang sinasabihan na kita na kahit kaibigan ko pagseselosan ko so don't look at anyone for more than 5 seconds, okay?"

I playfully punched him in the gut.

"Seriously, Imo, chill out. Gusto ko na mag-enjoy lang tayo ngayong gabi. Don't stress too much, babe."

I followed his request at pinilit ko na mag-chill. Pagdating namin sa floor ng penthouse, nakarinig agad kami ng sigawan. Okay. Ito na 'yun.

Ang una naming nakita ay si Emma na mayroong dala-dala na tray ng lasagna. Napahinto siya nung nakita niya kami. Kumunot ang noo niya.

"Babe, si Emma. Emma, si Imo, girlfriend ko."

Unti-unting lumaki ang mata ni Emma. "Seryoso?!" sabi niya at saka tumango si Parker. "Oh, my god, you asshole! May girlfriend ka na pala hindi mo man lang sinabi sa amin!" sabi niya at muntik niya ng ihampas kay Parker iyong tray na hawak niya. I loosened up because of that. Tama nga si Parker. Dapat magchill lang ako.

"Gee, Emma, magluto ka na nga doon," sabi ni Parker at saka ibinaba sa counter top iyong cake na binili niya. He whisked me toward the living room at doon ko nakita iyong iba pang mga kaibigan niya.

Kung sasabihin niyo sa akin nung first year ako na makakasama ko sa isang room sina Archer, Hunter, Parker, at Quin, malamang pagtatawanan ko kayo. I mean, paano? Ang layo namin. I just can't see the common denominator kung bakit magkakasalubong ang mga landas namin.

But life really does work in mysterious way.

"Who's that?" tanong ni Quin. Siya ang unang nakakita sa amin. Mayroon siyang hawak na game console. He was looking at me—well, more like checking me out.

Imbes na sagutin ni Parker iyong tanong niya, mas hinigpitan niya lang iyong hawak sa bewang ko. Gusto ko na lang mapailing. Ang seloso talaga nito na kahit kaibigan niya hindi pinapalagpas.

"Guys, si Imogen, girlfriend ko. Babe, my friends," he said at mas lalo niya akong hinapit sa bewang. Iyong kamay niya ay nasa ilalim na ng boobs ko. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya iyon o hindi. "That whoré-looking guy is Quin," sabi niya sabay turo kay Quin.

"Hey, that's offensive!"

Pero hindi pa rin siya pinansin ni Parker. Gusto kong matawa. Sino ba ang mag-aakala na ganito pala sila mag-usap? Sa school kasi, sobrang pa-cool nila. Wala silang kinakausap na iba bukod sa mga sarili nila. Para bang may exclusive group sila na bawal sumali ang kahit na sino.

"That is Archer," sabi niya sabay turo doon sa lalaki na may hawak nung isa pang game console. Lumingon sa likod ko si Parker at mayroong tinignan. "He's Emma's though he refuses to acknowledge," pagpapatuloy niya at saka binato siya ni Archer ng throw pillow.

"And that's Hunter, my best friend," sabi niya sabay turo doon sa lalaki na pinaka-matinong tignan sa kanila.

Ngumiti ako sa kanila. Mukha namang mababait sila.

"So... Imogen, huh?"

God! Nakaligtas ako! Akala ko talaga ay magiging disaster iyong lakad but as it turned out, sobrang nag-enjoy ako. Hindi ko kasi akalain na kagaya ko rin pala sila... I mean, na pareho lang kami ng mga hilig. Akala ko kasi dati, iba ang gusto nila dahil mayaman sila. 'Di ba iba ang trip ng mga mayayaman? Sa sobrang yaman nila, hindi na nila alam ang gagawin nila so they resort to some weird-ass ideas.

But Parker's friends were normal. I had fun.

Naglalaro iyong mga lalaki ng kung anuman ang gusto nilang laruin habang nagvolunteer naman ako na tulungan si Emma sa kusina. Sobrang nabusog ako dahil ang sarap magluto ni Emma.

"So, saan kayo nagkakilala ni Parker?" she asked.

Iyong mga lalaki kanina, hindi nila ako tinanong ng mga specifics tungkol sa relasyon namin ni Parker. It almost felt as if sinabihan sila ni Parker na 'wag magtanong... O baka naman paranoid na naman ako?

"Classmates kami dati," I answered.

"BA ka din?" I nodded. "Cool! BA din ako! Bakit hindi tayo nagkikita?"

"Irregular kasi ako," I replied.

She's putting the leftovers inside the ref. Kumuha ng wine at wine glass si Emma at sinalinan niya iyon. Iniabot niya sa akin 'yun pero nakita niya siguro iyong hesitation sa mukha ko. Hindi naman kasi ako umiinom.

"Try it," she said, smiling. "That's my uncle's favorite and ninakaw ko pa 'yan sa bahay nila."

So, wala na akong nagawa kung hindi ang inumin 'yung wine. And she's correct; masarap nga iyong wine.

"So, ano pa? Kwentuhan mo naman ako kung saan kayo nagmeet ni Parker," she urged me. "Akala ko kasi talaga bakla si Parker dahil kahit ang daming babae na nagpapapansin sa kanya, wala siyang pinapansin. As it turned out, he's hogging you all for himself. Sneaky bastard," she said while throwing a glance at the boys who were busy playing.

Mukhang naramdaman ni Parker na nakatingin kami sa kanya kaya naman lumingon siya. He gave me a smile that I returned.

Come to think of it, hindi naman espesyal 'yung pagkakakilala namin ni Parker. Basta classmate kami sa isang subject. Nung una, hindi niya talaga ako pinapansin—well, actually, wala talaga siyang pinapansin na babae.

"...so hindi ko rin siya pinapansin. But one day, nung patapos na iyong class namin, hinarang niya ako," pagkukwento ko at nagulat naman ako dahil kinurot ako ni Emma.

"Sorry!" she apologized. "Kinikilig lang kasi ako sa inyo!"

Wala pa namang nakakakilig. Ang cute ni Emma. Bagay sila ni Archer pero ewan ko... mas bagay sila ni Hunter, e. Pero ano ba ang pakielam ko?

"Tapos sinabi niya na liligawan niya ako."

"Agad-agad?"

I nodded.

"So, ano ang sinabi mo? Grabe! Breezy boy pala si Parker, akalain mo nga naman."

"Syempre hindi ako nakasagot. I mean, ni hindi nga niya ako kinakausap sa classroom tapos bigla niya akong liligawan? Hindi ba ang weird?" I told her and she eagerly nodded.

"But, hindi naman siya weird, really," she said. "I mean, for as long as I've known Parker, wala talaga siyang kinakausap na girls bukod sa akin at well, kay Ate Kach. So, baka naman kasi type ka niya at hindi niya na napigilan kaya kinausap ka na niya."

I shrugged. Maybe. But I wanted to know kung bakit walang kinakausap na babae si Parker... Dati ko pang alam iyon pero ngayon, pakiramdam ko may mas malalim pa na dahilan.

Pagkatapos namin ni Emma sa kusina, lumipat na kami ni Parker sa salas. Umupo ako sa tabi niya and then he draped his arm over my shoulder.

"You enjoying, babe?" he asked me as he kissed my temple.

I nodded.

"I love you, Parker," I said. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi pero parang may nagtutulak sa akin na sabihin ko iyon. I just wanted to let the universe know how much I love this guy. Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang magmahal ng ganito but was that even important?

Binitawan niya iyong game console na hawak niya. He cupped my face and then intently look in my eyes.

"I love you, Imogen."

He was leaning in to kiss me nung bigla siyang batuhin ng unan ni Quin. "Seriously, guys, mahiya naman kayo sa mga single na kagaya namin ni Hunter... at sa mga may sexual tension na kagaya ni Emma at Archer!"

God, bakit ngayon lang ako pinakilala ni Parker sa mga ito? I would seriously die laughing because of them!

It was a little past eleven when we decided to split up. Nauna kaming umalis ni Parker dahil ihahatid niya pa ako. Mabuti na lang at walang traffic kaya naman naging mabilis ang byahe.

"Thank you, babe," sabi niya sa akin nung huminto na kami sa tapat ng townhouse.

"Ha?"

Shouldn't I be the one thanking him?

But Parker didn't answer my ringing question. He just smiled at me at saka sinamahan niya ako hanggang sa makapasok ako sa loob. He reminded me to double lock the doors. I told him to drive carefully at i-text ako kapag nakauwi na siya sa condo niya.

Pagpasok ko sa kwarto, I immediately plopped down. Napagod ako ngayong araw. I was too tired and the idea of falling asleep was so beguiling but as I closed my eyes, I saw Shiloah's face.

I looked at my phone. Wala siyang reply.

Continue Reading

You'll Also Like

212K 16.2K 33
I wish I'd known what I did last summer with you. . .
911K 98.9K 33
A trap that I never thought I'd ask an escape... Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
7.6M 438K 63
In the fairy tale, only an act of true love's kiss can melt a frozen heart, a kiss from a prince with his everlasting love. But what happened to my p...
36.2K 1.8K 22
Mighty Jocks Series Book # 01