Match Made After Life ✔

By AegyoDayDreamer

464K 21.6K 2.7K

[PUBLISHED UNDER PSICOM: Available at all leading bookstores nationwide] ‘Where there is love, there is life... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Epilogue

27K 1.4K 242
By AegyoDayDreamer


(Adele Medina POV)

Maaga akong nawalan ng life dahil sa naging sakit ko sa puso. Dahil dito kaya hindi rin ako nakaranas ng love—'yung romantic one. But never in my wildest dream na mabibigyan pa rin ako ng pagkakataon na mahanap ito even after life.

Pumayag na si Xian na ipahiram ang katawan niya. Hindi ko man nakikita ang nangyayari dahil nakapiring pa rin ang mga mata ko, mas lalo ko lang naramdaman ang presensya ni Louie.

Ilang sandali pa, isang mainit na kamay ang humawak ng mahigpit sa mga kamay ko. Dahan-dahan niya akong hinila palapit sa kanya at saka bumulong sa aking tainga.

"Adele..."

Unti-unting nabuo ang ngiti sa mga labi ko. Boses na iyon ni...

"Louie."

Umangat ang kamay niya upang dahan-dahang tanggalin ang piring sa mga mata ko. Kasabay 'nun ang pagliwanag ng paligid. Ang dating pinapangarap ko lang na eksena, nagaganap na. Hinigitan pa nito ang expectations ko.

Nakatayo kami sa gitna ng isang hardin na napapalibutan ng mga puting rosas. 'Yung mga kumukuti-kutitap na ilaw ay naglalaro rin sa paningin ko. Pero ang atensyon ko, natuon na sa isang tao lang. Sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

Niyakap na niya ako ng mahigpit. Sa unang pagkakataon, naramdaman ko na ang init ng hininga niya, ang higpit ng yakap niya, at ang tibok ng puso niya.

At si Louie. Si Louie ang tumupad nito.

* * *

Nasa rooftop pa rin kami ni Louie. Magkatabi kaming nakaupo sa may gilid ng building habang inaabangan ang pagsikat ng araw.

Nalalapit na rin ang pagtatapos ng 24 hours na palugit sa amin dahil nagsisimula na naming marinig ang boses nina Ate Giselle at Xian na may-ari nitong mga katawan na hiniram namin.

"Ano ba naman 'tong si Louie! Ang daming pwedeng pagpwestuhan, dyan pa talaga naupo!" reklamo ni Xian.

"Wag ka ngang duwag! Kalalaki mong tao eh!" asar naman sa kanya ni Ate Giselle.

"Delikado naman talaga ang katawan natin dyan sa pwesto nila."

Kunwari na lang hindi namin naririnig ni Louie ang bangayan nila. Gusto na lang namin na i-enjoy ang natitirang oras ng pansamantalang buhay na ito.

"Adele, pwede kong malaman kung kailan mo ako nagustuhan?"

Napaubo ako bigla. Nahiya ako sa tanong niya.

"Sabihin mo na para lahat ng tanong ay masagot na. Ako kasi, sa maniwala ka man o sa hindi, nagustuhan kita noong humiwalay ako sa katawan ko at inakala kong anghel ka."

Hindi ko napigilang mapangiti. Kumabog ang dibdib ko dahil sa kilig, "Iyon ang unang beses na nagkita tayo, 'di ba?"

"Oo. Umpisa pa lang, nagustuhan na kita. Ikaw ba?"

Nag-isip ako at inalala ko kung kailan nga ba. Mayamaya pa, natawa na ako. "Noong time na naduwag ka kay Sandra. Haha!"

"Wow ha. Ibang klase pala sex appeal ko kapag natatakot ako. Pero ang tindi mong mang-asar kapag naduduwag ako."

"Syempre, para hindi halata." At natawa na lang kami sa isa't isa.

Sandali ulit kaming natahimik habang nakatanaw sa langit. Mayamaya pa, hinubad naman ni Louie ang suot niyang coat at ipinasuot ito sa akin. "Parating na 'yung isa pang ka-weirduhan mo."

"Huh?" Nagtaka ako sa ibig niyang sabihin. Magtatanong pa sana ako pero nagulat na lang kami pareho nang magsimula na ang isang magarbong fireworks display.

Nagtagal ito ng halos limang minuto. Siguradong napakarami na ring nabulabog at nagising ng wala sa oras sa putukang ito. Wala naman ako ibang ginawa kundi pumalakpak sa tuwa.

"Ang weird ng trip mo. Fireworks sa madaling araw?"

"Kapag gabi kasi, maraming ibang tao na makakakita. Eh kapag ganitong oras, walang nag-eexpect ng fireworks kaya ibig sabihin, solong-solo lang natin ang moment!" Saka ako lumapit pa sa kanya upang bumulong, "Ang saya-saya ko, Louie."

"Mas sasaya ka pa kung tatanggapin mo ang regalo ko sa 'yo."

"Regalo?"

Itinuro niya ang bulsa sa coat na ipinasuot niya sa akin. Nang dukutin ko, nakakita ako ng maliit na red box. At nang buksan ko na ito, tumambad sa akin ang dating ghost wedding rings namin.

"Regalo sa akin? Eh parents mo naman ang bumili nito."

"At least naisip ko pa ring dalhin para sa ating dalawa."

Kinuha ni Louie ang isang singsing at saka tumingin sa akin na may nangungusap na mga mata, "Kung may tinatawag silang 'match made in heaven' tayo naman ang 'match made after life.' Okay lang ba sa 'yo kung tatawid tayo sa kabilang buhay as an official couple na?"

Napakurap ang mga mata at sabay ring napangiti. Tinatanong pa ba 'yun?

Inilahad ko na sa kanya ang aking kamay hinayaan siyang isuot sa daliri ko ang singsing. Pagtapos ay kinuha ko naman ang kapares na singsing at isinuot naman sa kanyang daliri.

Parehong kumislap ang mga ito nang saktong masinagan ng araw na unti-unti na rin palang sumisikat. Kasabay 'nun, binigla na lang din ako ni Louie nang yumuko siya at halikan sa labi.

Mga tatlong segundo akong natigilan. At pagkatapos ay nasampal ko siya ng mahina lang naman.

"Bakit nanghahalik ka!"

"Hindi ba kasama 'yun sa dream date mo?"

"Hindi kaya!" At sinapak ko siya ulit sa braso. "First kiss ko 'yun."

"And last." Nakangiting dagdag nito.

Napaisip tuloy ako, "Oo nga noh." Kaya kumapit ako sa kwelyo niya para muli siyang halikan. Mas matagal nang naglapat ang mga labi namin, mas may feelings pa.

At hinayaan naming lumipad na lang ang bawat segundo hanggang sa matapos na 24 hours naming palugit.

Napatingala kami pareho nang makarinig ng kalembang ng mga kampana, boses ng mga nagkakantahang anghel at pagbukas ng pintuan ng kalangitan.

"Adele, nakikita mo na rin ba?"

"Oo, Louie."

Nang sabay kaming tumayo, kusa na kaming nahiwalay sa katawan ng mga kapatid namin. Ilang segundo silang walang malay ngunit paggising nila, nagulat na lamang silang na nakabalik nap ala sila sa katawan nila.

Pareho silang mukhang hinang-hina pa pero may kakaibang tinginan sa pagitan nilang dalawa nang mapansing nasa daliri nga pala nila ang mga couple rings namin ni Louie.

"Ate, mukhang hanggang dito na lang."

"Anong ibig mong sabihin, bunso?"

"Na-fulfill ko na ang unfinished business ko. Sinusundo na nila kami. Makakapagpahinga na kami ng sabay ni Louie."

"Louie..." halos maiyak-iyak naman na tawag ni Xian sa kapatid.

"Huwag kang iiyak, kuya. 'Di bagay sa 'yo." Huling asar at pamamaalam sa kanya ni Louie. "Alagaan niyo ang mga sarili ninyo at buong pamilya. Sa langit na lang din namin kayo babantayan!"

"Bye Ate G! Bye Xian!"

Pareho nang naluha ang mga kapatid namin habang kumakaway sa amin.

Sabay naman naming hinarap ni Louie ang liwanag. Naghawak-kamay kami at, "Pinapayagan ba ni Lord ang honeymoon sa langit?"

"Honeymoon mo mukha mo! Kasal na ba tayo?"

Dito na nagtatapos ang kwento ng maikling buhay ko at ang sandaling pakikipagsapalaran na rin bilang isang multo. Lilisanin ko ang mundo na nasagot na ang mga katanungan ko. Maiiwan ko na rin lahat ng lungkot, sakit at mga paghihirap ko.

At kasama ang aking ka-perfect match na si Louie, nakangiti naming sasalubungin ang nag-aabang na panibagong yugto sa kwento namin.

'Where there is love, there is life.' Ika nga nila. But in heaven with God, there will always be love and eternal life. At masaya akong ipaaalam sa inyo na nandito na kami sa kaharian, malugod na sa piling Niya.


THE END



= = = = =

ANNOUNCEMENT:

Before anything else, para sa lahat ng daydreamers and readers na nagbasa ng kwento kong ito, THANK YOU! SALAMAT! KAMSAHAMNIDA!

Nakatapos na naman ako ng panibagong kwento at nagtyaga sa paghihintay ng update at pagbabasa hanggang sa katapusan!

Ito naman ang big announcement ko, walang book 2 or spin-off ito. Pero masaya ako at excited na i-announce na itong Match Made After Life naman ang sunod kong ipa-publish ko under pa rin ng Psicom, syempre!

So anong magiging kaibahan sa book version?

1. Better narration. Of course, mas edited ang book.

2. May illustrations. Doon niyo na maiimagine kung ano talaga itsura ng mga characters.

3. Extra (comedy, probably kilig) scenes na sa libro ko lang din idadagdag. Take note: DAGDAG lang. Hindi 'nun mababago ang plot na nabasa niyo.

4. Sandra's Back Story. Yes, mabenta ang multong 'yan. Maraming nagtatanong sa akin kung ano ba talagang kwento niya. Sa libro, it will come to light.

5. Complete Epilogue. Yeah. Hindi kumpleto ang epilogue na naka-post. For example, anong naging ending nina Xian at Giselle? Ano na ring nangyari kay Sandra? Mga ganyang tanong na mahahanap niyo lang ang sagot mula sa libro. Gets?

But anyway, kung solve na kayo rito sa Wattpad version, okay lang naman din. But I'm telling you, you'll be missing something big kung palalampasin niyo ang libro! Hoho! Promote pa more!

At sa mga mag-aabang na rin at bibili ng libro, ngayon pa lang sasabihan ko na kayo ng THANK YOU! Kung kailan mari-release ang book, probably sa MIBF na. But I suggest na i-like niyo na lang ang FB page ko or ng Psicom dahil ia-announce naman 'yun doon. 'Yun lamang po!

To God be the glory!


Continue Reading

You'll Also Like

42.8K 2.7K 75
"so, anong gagawin natin para mapag-hiwalay sila?" 『seulgi ft. taehyung an online lovestory aphrodite's daughters #2』 ©LLEULCKS for the cover h...
64.6K 3.5K 26
Deities in Town #1 || Eliane Domingo wishes to live normally, finish her thesis, and graduate on time. But with her suddenly becoming the sun god's v...
2M 137K 48
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
232K 6.1K 24
WARNING: Based on a true horror story "WAG KANG HIHIRAM!" Highest Rank #3 in Horror ♡ HIRAM Trilogy Book 1: Hiram: Ang Simula Book 2: Hiram: Ang Pagb...