Chapter 17

15.6K 867 48
                                    


(Adele Medina POV)


Dinala na sa presinto si Xian. Galit na galit talaga sa kanya si Ate Giselle. Problemado na nga kami ni Louie dahil may ganitong abirya pa. Nasasayang ang bawat patak ng oras na nagdaraan.

"Kapag nakulong si Kuya, paano na ang dream date mo? Hindi naman pwedeng mag-date kayo sa kulungan!"

Hindi ako agad nakasagot. May punto siya, pero bukod doon, may naalala ako na dagdag pampagulo sa isip ko.

"Adele!" tinapik niya ako sa balikat nang mapansin niyang lutang ako—literal nang lumulutang dahil sa lalim ng pag-iisip. "Okay ka lang?"

"Naisip ko lang kasi, kahit matulungan natin ang Kuya Xian mo na makalaya, mapapayag kaya natin siyang makipag-date sa akin?"

"Wala siyang choice kundi tulungan tayo. Mumultuhin natin siya kapag hindi siya pumayag."

"Kung pumayag man siya, paano naman ako makikipag-date sa kanya? Multo ako. Hindi naman pwede ang matagalan na aparisyon dahil nakakapagod 'yun."

Napaisip at napa-'Oo nga 'noh?' na rin si Louie. Pero hindi rin namin ito mapag-usapan ng maigi dahil nakaka-distract naman ang bangayan ng mga kapatid namin.

"Necrophiliac ka! Ilang araw nang patay ang kapatid ko tapos ginawa mo pa 'yun sa katawan niya!"

"Necrophiliac!? Wala akong ginawang kung ano sa katawan niya! This is a misunderstanding!"

"Sisiguraduhin kong hindi ka makakalabas dito sa kulungan!"

"Miss! Hayaan mo muna kasi akong magpaliwanag—"

Naka-isa ng sapak si Ate Giselle sa mukha ni Xian. Dyusko talaga ang Ate ko. Nakakatakot! Pero kahit ganun, tinanggap ito ni Xian at hindi pa rin tumigil sa pagmamakaawa.

"Inaamin ko ang pagkakamali ko na ninakaw ko nga ang katawan ng kapatid mo. At nagsisisi ako kaya nga binalik ko siya para tigilan na rin niya ang pagmumulto sa amin ng pamilya ko."

"Pagmumulto? Hindi gagawin 'yun ni Adele! She's in peace! She's in heaven!"

"She and my deceased brother haunted me and my family. But I swear, ibinalik ko na ng maayos ang katawan niya!" saka nagmakaawa si Xian, "You need to believe me."

And the award for the most sincere apology goes to Xian. Kaso hindi basta-bastang madadala sa ganoon si Ate. Kilala siya sa pagiging pusong-bato niya maliban lang pagdating na sa akin. Hindi patatawarin ni Ate si Xian kung hindi na ako mismo ang mangingialam.

"Nakaisip na ako ng paraan," bigla na lamang bumulong si Louie habang nakatitig sa Ate ko. "Adele, close na close ka ba talaga sa Ate Giselle mo?"

"Sobra. She will do anything for my sake. Pero bakit mo natanong?"

"Then pwede mo siyang saniban para maka-date mo si Kuya."

"Hindi ba sabi ni Sandra na bawal 'yun."

"Bawal daw kung sapilitan. Pero kapag nakausap mo na ang ate mo, posibleng mapapayag mo siyang iharim sa iyo ang katawan niya!"

Napaisip ako sa plano ni Louie. Mayamaya, napangiti ako dahil maaring tama siya. 'Yun na nga ang solusyon namin sa problemang 'to!

* * *

Dahil sa pagwawala ng Ate Giselle ko, sandaling pinaghiwalay muna sila ng mga pulis. Wala na ring nagawa si Ate kaya sumunod ito at binigyan sila ng pansamantalang katahimikan.

Nang sundan ko siya, sa C.R. siya dumirecho. Halata ang tensyonado siya kaya't napahilamos siya ng mukha upang mahimasmasan.

"Hindi totoong nandito pa si Adele," marinig kong ibinulong niya. "Nasa langit na siya. Tahimik na siya dun. Hindi totoong nagmumulto siya."

Match Made After Life ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon