My CHATMATE, My SOULMATE (boy...

By JAYtheKing

34.3K 967 149

Paano kung ang trip ng isang straight boy ay nauwi sa seryosohan? Paano kung umibig siya sa isang discreet ga... More

Introduction
Chapter 1 - Names and Interest
Chapter 2 - Turmoil Building
Chapter 3 - Chat
Chapter 4 - Bench
Chapter 5 - Good News
Chapter 6 - The List and his OOTD
Chapter 7 - Accident
Chapter 8 - Hi's
Chapter 9 - Heartbeat
Chapter 10 - First Day
Chapter 11 - Party
Chapter 12 - The Car Accident ^^
Chapter 13 - CarlTian: Part 1
Chapter 14 - CarlTian: Part 2
Chapter 15 - Considered: First Date
Chapter 16 - Their First Text Thread
Chapter 18 - Ang Pagtatapat ^^
Chapter 19 - Undercover
Chapter 21 -Papatunayan Ko
Chapter 22 - The Other Admirer
Not An Update But An Announcement

Chapter 17 - Lipat Bahay

1.1K 26 0
By JAYtheKing

Sean POV

"Hi Ma! Nandito na po ako" bungad na bati ko kay Mama na sala ng bahay namin, kakadating ko lang kasi galing ng istasyon

"Oh Nak? Musta ang trabaho mo ngayong araw?" tanong ni Mama sa akin, habang dumiretso ako sa kusina at kumuha ng maiinum sa ref

"Okay lang ho Ma, ayon maingay pa din sa trabaho haha pero masaya naman po" tugon ko sa kanya,

"Haha Oo nga Nak, ganun pala kayo kaingay ng bestfriend mo sa ere pero nakakatawa kayo Nak, promise!" nakatinging compliment sa akin ni Mama

"Haha salamat Ma" tugon ko sa kanya, happy na sana ako sa mga sinabi sa akin ni Mama e pero may napansin ako sa mga sinabi niya

"Teka nga Ma? Teka nga, ang ibig sabihin ba nung sinabi mo kanina e, kanina ka lang nakinig sa programa namin?" pag-uusisa ko kay Mama

"Hehe alam mo Nak may gagawin pa ako e, maiwan na muna kita dyan ha? Pahinga ka na muna dyan" awkward na awkward niyang pag-iwas sa tanong ko pero infairness ha? Talagang nakakatampo talaga yung ginawa ni Mama, imagine? Hayys!

"Ma naman e, magdadalawang linggo na kami ni Carlo sa radio tas kanina ka lang pala nakinig? Nakakatampo naman kayo e" mukhang nakita ni Mama yung pagkabalisa ko sa nalaman ko kaya nilapitan niya ako at niyakap,

"Nak, wag ka ng magtampo oh hindi ko naman sinasadyang hindi makinig e masyado lang akong busy sa trabaho at maaga pa ang pasok ko kaya hindi ko napapakinggan ang programa niyo tuwing umaga, ngayon lang ako nakapakinig kasi day-off ko" paliwanag sa akin ni Mama

"Eh bakit nung last na day-off niyo? Bat hindi niyo kami napakinggan?" pagmamaktol kong tanong kay Mama

"Naalala mo bang may pinuntahan ako nung last Tuesday Nak?" ngiting tugon ni Mama sa akin, at nag-isip ako ng mabuti, Oo nga pala nu? May pinuntahan si Mama last Tuesday,

"Mmm opo merun ka ngang pununtahan nun" malungkot kung sabi

"Shhh wag ka nang magtampo kay Mama ha? Wag na ring malungkot, hayaan mo pag andun ako sa opisina kung hindi masyadong busy papkinggan kita ha?" sabay halik sa noo ko, at sa mga sinabing yun ni Mama bigla akong nakonsensya sa mga nasabi ko kanina. Wala pala akong karapatang magtampo kasi hindi naman sinasadya ni Mama na hindi ako mapakinggan sa radio.

"Mmmm Sige po Ma, pero kung talagang busy ka po kahit hindi niyo na po mapakinggan, maiintindihan ko po" sabi ko kay Mama, at dahil super brilliant ko Haha Choss! Nakaisip ako ng bright idea para mapakinggan parin ako ni Mama

"Ang bait talaga ng anak ko"

"Ma,what if irecord ko nalang yung mga programa naming everyday tapos pwede niyo pong pakinggan nalang pag may time kayo?" suhesyon ko kay Mama

"Ang talino talaga ng anak ko oh, pwede pwede yan anak para kapag may time ako papakinggan ko yung mga previous editions ng programa niyo"

"Sige sige Ma, tatanungin ko sa technical bukas kung nirerecord ba nila yung mga dati naming editions para makuha ko tas kung hindi e irerequests ko nalang sa kanila na irecord yung programa namin per day" sabi ko kay Mama

"Good Nak, galing ko talaga" papuri niya sa akin, mga ilang saglit lang ay may tumawag sa may gate

"Mare! Belen! Mare! Nandyan ka ba?" sigaw ng isang lalake sa may gate namin, agad naman kaming lumabas ni Mama para alamin kung sino ang nagtatawag sa labas ng bahay. Pagkalabas namin ay nakita ko kaagad si Tito Emmanuel at Tita Rose sa may gate, sila Tito at Tita pala ang mga parents ni Carlo.

"Uy! Pare, Mare! Musta?" tugon ni Mama at pumunta siya sa may gate upang pagbuksan sila Tito at Tita habang ako naman ay naiwan sa may terrace ng bahay para dun sila hintayin.

Pagkarating nila Tito at Tita sa terrace ay agad ko silang binati,

"Goodmorning Tito, Tita! Tuloy po kayo sa bahay" paanyaya ko sa kila Tito at Tita

"Salamat Iho, dito nalang tayo sa terrace niyo, gusto kasi ng Tita mo na nahahanginan siya, diba honey?" tanong ni Tito kay Tita at agad namang tumango si tita Rose

"Ah eh sige po, upo nalang po kayo dito Tito, kuha lang po ako ng maiinum" sabay punta ko sa kusina at kumuha ng maiinum. Pagkakuha ko ng maiinum ay agad na akong bumalik sa may terrace para iserve ang inumin.

Pagkabalik ko ay tumango si Mama kay Tita at nagsabing,

"Oo naman Mare, welcome na welcome dito si Carlo" tugon ni Mame habang sini-serve ko yung inumin

"Inum na po kayo Tito" sabi ko at agad akong umupo sa tabi ni Mama

"Salamat Iho" tugon nila Tito at Tita

"Ano nga po pala yung pinag-uusapan niyo Tita? Pwede pong malaman?" tanong ko kay Tita

"Oo naman Iho, pinag-uusapan namin nila Mama mo kung pwedeng tumira dito si Carlo ng isang buwan" paliwanag ni Tita sa akin

"Ha? Bakit po Tito?" tanong ko ulit

"Kasi pupunta kami sa America para sa isang business opportunity, hindi kasi namin pwedeng isama sa America si Carlo sa kadahilanang may trabaho siya dito, e hindi naman namin siya kayang iwanan sa bahay ng mag isa kaya nandito kami ng Tito Emman mo kung pwede dito na muna siya tumira sa inyo" buong pagpapaliwanag sa akin ni Tita

"At pumayag na ako anak, dito na muna si Carlo habang nandun pa sa America sina Tito at Tita mo, approve ka naman sa desisyon ko anak diba?" tanong sa akin ni Mama

"Oo naman Ma, ang pinag-uusapan kaya natin dito ay yung bestfriend ko. Pero kelan po kayo aalis papuntang States?" tanong ko

"Ah eh Iho, ngayong Sabado na" pag-amin ni Tita

"Ha?! Yung totoo Tita? Parang ang aga naman po" tanong ko pero sa pagkakataong ito si Tito naman ang sumagot,

"Yun na nga Iho e, kaninang umaga lang namin natanggap yung memorandum gusto sana naming umayaw ng Tita mo pero hindi namin mahindian"

"Mmm kung kaninang umaga niyo lang natanggap yung memo, ang ibig sabihin ba nito hindi pa ito alam ni Carlo?" tanong ni Mama

"Tama ka dyan Mare, kaya nga kami dumiretso dito sa inyo dahil ang alam namin nandito rin si Carlo e pero wala pala siya dito" sabi ni Tito

"Nasaan nga pala si Carlo, Sean?" tanong sa akin ni Tita

"Eh pagkatapos po ng programa namin sa radyo kanina, may sinamahan po siyang kasamahan namin sa istasyon tas pinauwi na niya po ako" paliwanag ko kay Tito, at alam niyo ba kung sinong tinulungan niya? Hahaha walang iba kundi si Kristian Haha kasi naman mag-isa lang kanina si Kristian sa front desk e maraming nagpupunta sa istasyon kanina, hindi kaya ni Kristian na asikasuhin lahat sila ng mabilisan kaya nagvolunteer ang magaling kong bestfriend na tulungan si Kristian at pinauwi na ako

"Ganun ba? Nako yung batang yun, lalake ba o babae yung tinulungan niya?" tanong ni Tito sa akin

"Ah eh Hahahaha lalaki po Tito" pag-amin ko kay Tito

"Pogi?" tanong ni Tita,

"Ah eh opo e Haha"

"Type niya?" sabay na tanong nila Tito at Tita

"Ah eh siya nalang po tanungin niyo tungkol dyan" sabi ko sa kanilang dalawa, akala niyo magagalit sila Tito at Tita? Dyan kayo nagkakamali kasi tanggap nila ang bestfriend ko at pati na rin ako nu, at ang nakakadiri alam niyo ba? Gustong gusto nila Tito na kaming dalawa ni Carlo ang magkatuluyan! Ewww talaga hahaha don't get me wrong ha? Pero I'm not seeing Carlo in a different way, nakikita ko siya as bestfriend at kapatid lang and hindi na hihigit pa dun. Period. Haha

"Hay! Yung batang yun talaga, nakakalurkey" sabi ni Tita, na naging sanhi ng tawanan naming lahat. Imagine si Tita? Natutong magsalita ng ganun? I'm sure kagagawan itong lahat ni Carlo Hahaha

Makalipas pa ng ilang minutong kwentuhan ay umalis na rin sila Tito Emman at Tita Rose.

#--Kinabukasan sa Radio Station--#

"At natapos nanaman ang isang edisyon ng ating kwetuhan mga kabestfriend!" sambit ko

"Pero bukas abangan niyo ulit ang ating bondingan, sa ganap na alas sais ng umaga" sabi ni Carlo

"Tama ka dyan partner! At heto parin ang kaladkarin ninyong Dj, Ako si Luke! Lukewatsero!"

"At ako naman ang pinakahot na kartero in town! Ako si Carlo Kartero!"

"Na nagsasabing, 'Wag kang CHOOSY, kung hindi ka naman YUMMY!' Yun yun!" sabay naming sabi ni Carlo bilang pananapos ng aming programa ngayong araw ng miyerkules.

"Best, may sasabihin ako" sabi ko kay Carlo habang inaayos naming ang mga gamit namin

"Sige sige best, ano yun?" tanong nito

"Alam mo na ba best?" tanong ko

"Anong alam ko na best?" tanong ulit nito

"Yung tungkol kila Tito at Tita?" nanahimik si Carlo at bahagyang ngumiti

"Oo best, nasabi na nila Mama kagabi medyo nakakalungkot lang kasi hindi ko sila makakasama ng isang buwan" malungkot niyang tugon sa akin, lumapit ako at niyakap ko ang bestfriend ko

"Shhh, Alam ko nakakalungkot kasi mawawala sila Tito't Tita ng isang buwan pero hindi ka naman mag-iisa ee makakasama mo naman kami ni Mama at. . at. . at. . at. . at. . at. . Hahahaha" pambibiro ko sa kanya

"Ano namang at at at at yan Best?" nangingiti niyang tanong sa akin na tila baa lam na niya ang sasabihin ko

"At. . at. . makakasama mo rin si Kristian hahaha pwede kayong magsolo sa bahay haha"

"Laswa mo talaga best! Kadiri ka" at binatukan niya ako, nyeta to! Binatukan pa ako Haha

"Hala! Pag magsolo agad, Malaswa na agad-agad?? Grabe ka best! Haha"

"E ikaw, advance ka mag-isip!" pambira niya sa akin

"Anong advance mag-isip? Haha ikaw kaya ang advance mag-isip!"

"Bwisit ka talaga best ano?! Kainish ka"

"Haha wala ng maisip na Alibi? Kaya nagmura nalang? Hahaha" panunukso ko pa kay Carlo

"Kainis ka talaga best, imbes na kinocomfort mo ko dito inaasar mo pa ako" pagtatampo sa akin ni Carlo

"Sus hehe pinapatawa lang kita best" pangiti kong tugon sa kanya

"Iba kaya ang pinapatawa sa inaasar"

"Wag ka ng magtampo best ha? Ano gusto mong gawin ko para hindi ka na magtampo sa akin?" tanong ko sa kanya, at kagaya ng parati kong ginagawa binigay ko ang pinakadabest na puppy eyes ko

"Ayan na naman yang puppy eyes mo Best! Urghh! Bat kasi ang cute cute mo best! Ano pa nga ba? Mmmm yakapin mo nalang ako best, mawawala na tampo ko sayo" at niyakap ko siya ng napakahigpit,

"Mm best, may pupuntahan pala ako ngayon ha? Mauna ka na umuwi" sabi ni Carlo sa akin at kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya para magtanong,

"Ehem, sige sige best at san ka naman daw pupunta?"

"Mamamasyal daw eh"

"Sinong kasama mo? Wag mong sabihin si Kristian ulit? Haha may date nanaman kayo?"

"Hindi nu. Ano ka ba best? Laging date nalang?"

"Malay ko ba Haha pero sino nga kasama mo?"

"Sila Mama at Papa, magbonding daw kami bago daw sila tumulak papuntang Amerika" pangiti niyang tugon sa akin

"Aweee hihihi sweet" yan nalang ang nasabi ko kasi hindi ko alam ang sasabihin ko, pero masayang masaya ako na magbobonding sila Carlo bago pa man din pumunta sila Tito sa amerika

#--Araw ng Biyernes--#

Araw ng Biyernes, Araw ng Paglipat ni Carlo sa bahay at pagkatapos na pagkatapos ng programa namin sa radyo ay agad na kaming tumulak sa kanila para makapaghakot ng mga gamit niya.

"Best? Sure ka? Parang naparami ata yung naimpake mong mga gamit" tanong ko sa kanya habang pinapack ang mga boxes na wala pang seal

"Kulang pa nga yan best e, tsaka sakto lang kasi may mga katulong naman tayo sa pagbubuhat ng mga gamit ko" sabay turo sa dalawang lalaking nag-uusap kung paano ang magiging diskarte namin sa paghahakot ng gamit, Ay oo nga pala hindi ko nabanggit, kasama namin ngayon sina Kristian at Mark para maghakot ng mga gamit ni Carlo. Nakakaloka si Carlo kanina, ang pauwi nang si Mark ay inaya pa niyang tumulong? Hayys! Kapal talaga ng mukha ng bestfriend ko! Pinagsabihan ko nga siya e pero ang sabi niya ginawa daw niya yun para sa akin para maging malapit daw kami Hahaha para-paraan din tong best ko ano? Haha Not that I don't like it pero Hahaha Umamin din ako ano? Hahaha Ayoko na nga Haha baka kung ano pang masabi ko sa inyo Hahaha

"Hindi ka na talaga best ano? Kakaloka ka"

"Ano ka ba? Chance mo na to, kausapin mo kaya siya" hay nako, believe me guys pero sinubukan ko siyang lapitan at kausapin pero parang hindi ko kaya haha alam kong pabebe ang nagiging peg ko dito pero ewan ko ba hindi ko talaga magawa e, nakausap ko naman siya dati sa party pero bakit ngayon parang iba na? Sa tuwing titignan ko kasi siya hindi ko mapigilang manghina hahaha oo! May ganun talagang factor kaya hanggat maari hindi ko siya tinitignan, sige nga sabihin niyo? Tignan nga nanghihina na ako, paano pa kaya yung lalapitan ko siya at kakausapin? Haha himatay na ang abot ko nun Hahaha. Oh sige na nga! Aaminin ko na! Kaya ako nanghihina pag tinitignan ko siya kasi ang YUMMY niyang tignan Hahaha ang POGI POGI niya, hindi ko kinakaya Hahaha bukod sa YUMMY at POGI siya, e kasi may gusto ako sa kanya kaya ito Hahaha Pabebe Hahaha! Joke lang, Kaya ito hiyang hiya akong kausapin siya.

"Best, nahihiya ako" tipid kong sagot kay Carlo

"Ikaw? Mahiyain ka?" biglang tanong sa akin ni Kristian, na umakbay naman agad kay Carlo. At ito namang bestfriend ko, namula agad Hahaha

"Oo hal, mahiyain yan kapag pinag-uusapan yung taong gusto niya haha" bwisit talaga tong bestfriend ko Hayyy

"Alam mo? Ilakas mo pa best, ng marinig ng buong bayan ang mga anunsyo mo!" Asar kong tugon sa kanya

"Hahaha wag kang mag-alala best, hindi naman niya naririnig e Hahaha ayun ngat bising busy Haha" pang-aasar pa nito

"Eh sino ba yung taong gusto mo Sean?" clueless na tanong ni Kristian sa akin

"Mahal, tinatanong pa ba yan? Hahaha gusto mong malaman?" tanong nito sa kanya, at agad namang tumango si Kristian

"Best! Please wag mong sabi....." bago ko pa matapos ang sasabihin ko at naituro na ni Carlo si Mark

".......hin" pananapos ko

"Hahahaha" at sabay na tumawa ang dalawa, bagay tong dalawang to! Hayyy nakakainit ng ulo! Pero dahil na rin siguro sa contagious masyado yung tawa nilang dalawa ay napatawa narin ako

"Hahaha Talaga Sean? Type mo si Mark?" pagsisiguradong tanong sa akin ni Kristian

"Nagtatanong ka ba? O Nang-aasar? Wala naman na akong magagawa kundi ang aminin diba? Oo gusto ko siya" pag-amin ko sa kanya

"Hahaha kung sabagay marami talagang nagkakagusto dyan kay Mark, ako nga dati ...." hindi pa natatapos si Kristian sa sinasabi niya ay siniko na ito ni Carlo at nagwika,

"Sige ituloy mo, malilintikan ka talaga sa akin" pagbabanta ni Carlo kay Kristian

"Aray na naman Mahal, hindi pa naman ako tapos sa sinasabi ko e pwede bang patapusin mo muna ako? Nagiging possessive ka na naman e" sabi ni Kristian, at hindi ko alam kay Kristian kung gustong gusto ba niyang nasasaktan siya hahaha dahil sa huli niyang sinabi ay siniko nanaman siya ni Carlo na pulang pula na ngayon

"Possessive ka dyan?! Hindi ah!" defensive na sagot ni Carlo

"Oo kaya, more like nagseselos Hahaha pwede mo na bang ituloy yung sinasabi mo Kristian?" pakikisabat ko sa kanilang dalawa

"Oh itutuloy ko daw ba?" paghingi ng permiso ni Kristian, tumingin sa akin si Carlo at itinaas ko ang kanang kamay ko na para bang nagbabanta akong pepektusan ko siya kung hindi siya pumayag

"Oo na, may magagawa ba ako? E babatukan ako niyan e" pabebenf tugon ni Carlo Hahaha

"Anyways, sige ito na, kagaya ng sinabi ko kanina madami tlagang nagkakagusto dyan kay Mark, ako nga dati nagkaroon ako ng paghanga para sa kanya kasi gwapo nga, kitang kita naman diba? (tumango kaming dalawa ni Carlo) pero hanggang dun lang yunsiguro dahil hindi siya yung para sa akin at iba ang nakatakda para maging kapartner ko sa habangbuhay (tinignan ni Kristian si Carlo na punong puno ng pagmamahal, napakalagkit, yung kasing lagkit nung puting likido? Hahaha Yess! Madudumi ang utak! Hahaha Mighty Bond yung tinutukoy ko! Hahaha kayo ha? Kung ano anong naiisip niyo! Haha) at unti unti ring nawala yung crush ko sa kanya. Pero alam niyo, hindi siya ganyan dati hindi siya yung nakikipag-usap at nakikisama sa tao kasi dati hindi mo siya makikitang nagsasalita at nakikipaghalubilo sa tao may pagkasuplado nga yan e"

"Ganun? E bakit parang wala naman akong naaaninag na ganung katangian ni Mark ngayon?" tanong ni Carlo

"Yun nga na din ang ipinagtataka ko e, kaya nagulat talaga ako nung nakita ko si Sean at si Mark na magkausap sa club e"

"Hindi kaya ang bestfriend kong si Sean ang nakapagbago kay Mark? Ang taong nakapagpalabas ng lighter side ng dating feeling emo na si Mark? Alamin natin ang mga kasagutan sa mga susunod na araw." mala-reporter na sabi ni Carlo,

"Shabo pa more best! Pagsabihan mo nga yan Kristian, baka naman kasi sawang sawa na siyang mag-isa at maging emo diba? Kaya siya ngayon nakikipag-usap sa atin" patay-malisya kong tugon sa mga speculations ni Carlo pero merun yung side sa akin na sana ganun nga yung nangyari na kaya siya ganito ngayon ay dahil sa akin, na napagbago ko siya.

Mamaya pa ay lumapit na sa amin si Mark,

"Merun pa bang ilalagay sa box, Carlo?" tanong nito

"Ay, wala na ito na yung lahat" tugon naman ni Carlo

"Kung ganun, okay na pala lahat. Nacheck ko na yung boxes kung naseal na ba lahat, okay na lahat

"Eh kung ganun, pwede na nating hakutin lahat ito" sambit ko, tumingin sa akin si Mark at promise! Para akong natunaw na Ice Cream Hahaha

"Tama ka dyan Sean" pangiting tugon ni Mark sa akin habang naktingin siya mismo sa mga mata ko

"Ehem!!! Hahaha so umpisahan na natin?" tanong ni Kristian

"Tara!" tugon naming lahat

Tumawag si Carlo ng tricycle upang doon ilagay ang mga gamit niya pero sa sobrang daming gamit ni Carlo ay hindi na napagkasya ang lahat ng mga gamit niya isang byahe lang sana itong lahat ng ito pag nandito yung sasakyan ni Carlo pero gamit gamit kasi nila Tito e, may tatlo pang boxes na natira. At dahil isang kanto lang naman ang layo ng bahay nila sa amin ay napagdesisyonan namin na isa sa amin ang sasakay sa tricycle at iguiguide si Manong Driver sa direction at ang tatlong maiiwan ay ang magbubuhat ng tatlong boxes na naiwan. At ang sasakay sa tricycle ay Carlo, nakakaloka dapat ako yun total gamit naman niya tong dadalhin dapat siya ang maglalakad e, at kaming tatlo naman nila Mark at Kristian ang magbubuhat ng mga naiwang mga boxes.

"Sige Guys, ingat sa kayo sa pagbubuhat ha? Ingatan niyo yan! Lalo na sayo best! haha" pang-aasar na sabi ni Carlo habang paalis na ang tricycle na sinasakyan niya,

"Hayy! Grabe ka best! Dapat ikaw dito e!!" sigaw kong tugon sa kanya

"Bleeeh! Bye guys!" tuluyan ng nakalayo ang tricycle, at kinuha na namin ang mga boxes siyempre akin yung pinakamaliit hahaha na kay Mark naman yung medyo malaki laking box at dala dala naman ni Kristian ang pinakamalaking box sa tatlo, dapat lang hahaha siya ang nanliligaw sa bestfriend ko e hahahaha

"Teka nga Sean, malapit lang ba talaga dito?" tanong ni Kristian, habang paumpisa na kaming maglakad

"Kung tutuusin malapit lang kasi isang kanto lang ang lilikuhinnatin at nandun na tayo sa bahay pero yung kantong yun ay nasa pinakadulo pa ng street na to dun sa may puting bahay sa pinakaharapan yung halos hindi natin makita sa sobrang liit mula dito, dun oh!" nguso ko sa pinakadulo ng street

"Wah! Ang layo pala" sabi ni Mark

"Sinabi mo pa Mark haha nakakainis talaga si Carlo"

At makalipas ang 10 minutes na paglalakad ay narating na namin ang pinakadulo ng kalye at lumiko na kami sa kalye kung saan natatirik ang bahay namin. Kitang kita ko na pagod na pagod na sila Mark at Krsitian kaya napagpasyahan kong kumustahin sila, inuna ko mun si Mark hahaha Siyempre

"Okay ka lang Mark?" tanong ko

"Oo ayos lang Sean, salamat sa concern mo" pangiting tugon sa akin ni Mark, gusto ko sanang magprotesta tungkol sa concern concern na yan pero totoo naman e concern ako sa kanya

"Mabuti naman, di bale Mark malapit naman na tayo e, yang susunod na bahay ang bahay namin" ngumiti ako sa kanya at ngumiti din siya sa akin, okay na lahat e nang nagsalita si Kristian

"E ako Sean? Hindi mo ba ako kukumustahin? Hahaha" biro nito

"Hindi na, nandito naman na tayo e hahaha pasok kayo" at binuksan ang gate para makapasok kaming tatlo

Pagkapasok ay agad kong nakita si Carlo sa may terrace na ipinapasok ang mga boxes at katulong niya si Mama na ginagawa ito. Pagkarating namin sa terrace ay agad naming inilagay sa may sala ang mga binuhat naming mga boxes

"Hayy nakarating din, gusto niyo sa likuran tayo magpahinga? Presko dun at malilim" paanyaya ko sa kania

"Sige sige, magandang ideya yan best, tara na"

"Mauna na kayo best, kukuha lang ako ng meryenda at towel para sa ting lahat"

"Okay best, hintayin ka naming dun" sabi niya at pumanik na sila paupunta sa likuran

"Ma, kuha ka nga ng mga towel at apat damit ko please salamat" sabi ko kay Mama

"Sige sige Nak, kukuha na"

At habang kumukuha si Mama ng towel at apat damit para sa amin ay gumawa naman ako ng meryenda, nakakapagod kaya yung ginawa namin Hayy. Mga ilang saglit pa ay bumaba na si Mama dala-dala ang mga malilinis na damit at towel

"Ma, akin na yung isang damit at isang towel" binigay naman ito Mama, at in an instant hinubad ko ang damit sa may kusina at agad ko namang ipinalit ang malinis na damit

"Amin na yang damit mo, at pumunta ka na sa mga kaibigan mo" sabi sa akin ni Mama sabay kindat, yung kindat na may malisya! Hahaha kakaloka si Mama

At dala-dala ang meryenda at ang mga towels at damit ay pumanik na ako sa may likuran, naabutan ko silang nagkwekwentuhan

"Hello Guys, ito na ang meryenda" mukhang nahalata ni Mark na medyo nahihirapan na ako sa mga dalahin ko kaya't sinalubong niya ako at kinuha tray nang meryenda

Pagkarating ko sa may shed kung nasan sila naroon ay agad kong kinonsensya yung dalawa,

"Buti pa si Mark, may pakialam kung nahihirapan ako at tinulungan pa ako" pero wala silang kibo parang nang-aasar pa silang dalawa

"Sige ganyan lang kayo, heto pala towel para mapunasan niyo yang mga pawis niyo" at iniabot ko isa isa ang mga towel sa kanila

"At heto ang mga damit ko, malinis yan ha? Yan naman, kung gusto niyong magpalit may pagpalitan kayo, kain na tayo" pangiti kong tugon sa kanila

#--Araw ng Sabado--#

Ngayong araw, aalis sina Tito at Tita papuntang amerika at ngayon nga ay nandito na si Carlo sa bahay. Kagabi pa umalis sila Tito papuntang Manila, kasi medyo matagal ang byahe papuntang Manila mula dito sa Dagupan e aabutin ng 5 oras at kung maalasin ka at matratraffic sa EDSA ay aabutin ka ng 9 na oras sa sasakyan palang kaya kelangan talagang bumyahe ng sobrang maaga.

Kung titignan mo si Carlo ngayon, hindi mo maaaninag na merun siyang pinagdadaanan ngayon kasi madaldal parin siya pero kilala ko ang bestfriend ko alam kong malungkot siya deep inside at hindi niya lang ito pinapakita dahil ayaw niya yung masyado siyang pinagtutuonan ng pansin. Maya-maya p ay tumawag na si Tito Emman kay Carlo para magpaalam dahil sasakay na sila sa eroplano. Pagkatapos ng pag-uusap nila ay agad tumulo ang mga luha ng bestfriend ko, kung alam niyo kung gaano umiyak si Carlo yung iyak na mahahawa ka kasi totoong totoo at mafefeel mo talaga ang sakit. Pagkatapos niyang umiyak ay hindi namin siya napagsalita ni Mama, kahit anong gawin namin walang epekto para lang magsalita siya. Kanina ngang tanghalian, hindi narin siya kumain e pipilitin ko sana siya pero hayaan ko nalang daw muna siya kasi talagang nalulungkot siya.

Hanggan ngayong hapon ay wala parin siyang kibo at hindi parin siya lumalabas ng kwarto niya, kelangan kong gumawa ng paraan para maging masaya siya ulit, at isa lang ang naisip kong paraan at tatawagan ko siya ngayon na.

"Hello Kristian?"

"Hello? Sean?"

"Ako nga ito pwede ka abang pumunta dito sa bahay? Kelangan ka ng bestfriend ko, kelangan ka niya"

"Ha? Si Carlo? Sige sige, ilang minuto lang nandyan na ako"

Pagkaraan nga ng ilang minuto ay nakarating na sa bahay si Kristian,

"Hayyy, salamat at nandito ka na rin" salubong kong sabi kay Kristian

"Ano bang nangyare Sean?"

"Kanina pa kasi hindi lumalabas ng kwarto si Carlo kahit anong pilit ko wala pa rin e, hindi rin siya kumain kaninang tanghalian" at nabakas ko sa kanyang mukha ang pag-aalala na nararamdaman niya ngayon. Pagkapasok sa bahay ay binati niya si Mama at agad na pumunta sa kwarto kung saan naroon si Carlo,

"Nak, yun yung kasama niyo nung naghakot kayo ng gamit nila Caro diba?" tanong sa akin ni Mama

"Oo Ma, bakit mo natanong Ma?" hindi ako sinagot ni Mama at hinila niya ako papunta sa terrace

"Aminin mo nga sa akin anak? Boyfriend ba ni Carlo yung lalaking kakapasok lang ng bahay natin?" usisang tanong ni Mama

"Ma, hindi pa niya boyfriend yan, nanliligaw pa lang sa kanya yan" diretsong tugon ko sa tanong ni Mama,

"Sabi ko na nga ba e, e yung isa? Sino yun? Boyfriend mo bay un o nanliligaw palang sayo?" see? Ang open minded na ni mama sa mga bagay na ganito, pero nakakaloka yung tanong niya hahaha

"Eee ano ba yang tanong niyo Ma? Hindi ko yun boyfriend at hindi rin siya nanliligaw sa akin"

"Bakit ganun nalang ang tinginan niyo sa isat isa?"

"Ha? Ano bang pinagsasabi niyo Ma?"

"Impossibleng hindi mo alam yun anak, kasi alam na alam ko yung tinginan na ganun"

"Ha? Binibiro niyo naman ako Mama e, pasok na nga tayo, magluluto pa tayo ng panggabihan" pambabalewala kung tugon kay Mama

"Mmf! Ito lang paalala ko Nak ha? Basta sabihin mo sa akin kung may nanliligaw o may boyfriend ka na ah?"

"Oo Ma"

************************

End of Chapter 17!

Mwaaaa! Ayan na mga babes ko hihihi

Ang andaming nangyare sa chapter na to, pero mainly ang chapter na to is dedicated sa CARTIAN LOVETEAM hehe merun din tayong nakitang MARSEAN Moments hihihi Kakakilig nu? Hehe

Pero sa mga susunod na chapters, matutuon ulit ang ating mga pansin sa dalawang main characters natin at yan ay sina Sean at Mark! Kaya pakaabangan yan mga babes! Hehehe mwaa! Nakailang kiss na ako? Haha

Salamat sa suporta guys! I really realy appreciate it!

VOTE! VOTE! VOTE!

COMMENT! COMMENT! COMMENT!

FOLLOW NIYO AKO GUYS :3

And again this is your author, saying "I LOVE YOU BABES HIHIHI" Xoxo

Continue Reading

You'll Also Like

29.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
35.6M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
1.3M 91.5K 59
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
17.8K 581 24
"Life is Like a Gambling. It's up to you if you're gonna play with it or you're gonna let yourself lose the game and so does love". - Queen Leigh Her...