Behind the Blue Skies (Strawb...

By Ineryss

4.3M 177K 331K

bl More

Behind the Blue Skies
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42

Chapter 23

97.1K 4.1K 8.1K
By Ineryss

Proud

Nagising ako sa pumipintig na ulo. Kinapa ko ang gilid para hanapin ang phone ko nang wala akong mahawakan. Magkasalubong pa ang kilay ko hanggang mabilis akong napadilat, tarantang bumangon at hinagilap ang phone ko.

Shit! Hindi tumunog ang alarm clock ko! No. It probably rang, but I didn't hear it!

Mabilis kong iginala ang tingin ngunit sa kakaibang beddings, sa mga gamit, at sa style ng kuwarto, alam kong wala ako sa unit ko.

Nahawakan ko ang ulo ko, mabilis na tiningnan ang sarili at topless pa. My heart was racing so fast as I tried to look for answers. Tiningnan ko ang bawat sulok kung may ebidensya ba na may ginawa ako kagabi ngunit wala naman lalo na't malinis din. Maliban sa sapatos at t-shirt ko na maayos na nakalagay sa gilid.

Dinampot ko ang nakacharge kong phone at ang unang bumungad agad doon ay ang text ni Rin.

Rin:

Kung gising kana, may pagkain sa lamesa. Nahanap ko na rin ang susi mo na napulot ko labas ng unit mo.

My sudden nervousness calmed down. Nasa unit niya ako? Thank God. Nasa unit niya ako.

Rin:

Sa sofa ako natulog. Sa kwarto ka. Naka lock.

Wala akong iniisip na ganoon ngunit sa sagot niya, medyo napanatag ako. At mukhang alam na alam niya ang gagawin dahil nagsend pa siya ng video.

I played it curiously. Timelapse pa yata. Pero nasa labas lang siya, nasa sofa at doon natulog. Hindi ko na tinapos dahil naniniwala naman ako sa kanya.

Kung hindi ko lang nakita ang oras, late na sa subject ko, hindi ko pa siguro maiisipang gumalaw sa kinatatayuan.

I went out of his room without touching anything aside from taking my key. Sa unit ako naligo at kulang nalang tumakbo papuntang school. Aligaga ako at nagkanda-hulog hulog pa ang mga gamit ko habang tumatakbo papasok.

I have a lot of questions, but I need to go to my classes first. At sa bumabahang alaala sa isip ko, parang gusto kong sumigaw at suntukin ang hangin dahil sa mga nakakakilabot na pinagsasabi ko kagabi.

At ganoon ka himbing ang tulog ko na talagang hindi ko narinig ang alarm ko sa unang pagkakataon. Ang bilis ko pa namang magising sa paligid ko. Kahit siguro makarinig lang ng kaluskos, magigising na.

Ang lambot din naman kasi noong kama niya. O siguro dahil din mabango? O baka naman dahil kuwarto ni Rin at kilala ko ang amoy niya?

I couldn't concentrate during my class. Gago. Anong pinagsasabi ko? Hindi naman siguro ako umamin 'di ba? Pero kabisado ko ang sarili ko pag nalalasing lalo na't ang mga boys, nagrereklamo minsan dahil puro na daw batas ang bukambibig ko. Gano'n lang naman din siguro ang...mga ginawa ko kagabi?

"Huh? Wala naman..." ani Shiloh nang makipagkita ako lalo na't break time at dala dala niya pa ang iPad niya.

May naaalala ako eh. Parang nakausap ko si Shiloh na ewan. O baka naman imahinasyon ko lang? At kung totoo man 'yon, talagang mapapanatag ako kung kay Shiloh ko nailabas.

"Nag-usap na kayo ni Denver?" tanong ko nang maalala.

Umiling siya at tiningnan ang phone niya. "Hindi pa naman. Pero magkikita kami ngayon."

Umangat agad ang kilay ko. "Bakit?"

"May bibisitahin kaming cafe. 'Yung coffee project..."

"Kayo lang dalawa?" I asked.

"Uh...sasama din si...Brent."

I nodded immediately. Oo naman. S'yempre. Magpapahuli ba 'yung boyfriend niya. Eh kulang nalang maging aso niya 'yon kakasunod sa kanya.

"Ang...boyfriend ko." He looked away as he tried to make it less shocking.

Tingnan mo na. Ngayon pa umamin. O baka rin nasabi na ni Brent sa kanya na alam ko na.

Tiningnan ko siya nang maigi. Namumula siya ngunit sinikap niyang pigilan. He even side-eyed me to check my reaction, and I just arched my brow.

"Rick." He looked at me worriedly, opened his mouth, but then he hesitated to talk.

Funny how I could immediately relate to him—to this. Hindi ganoon ka daling aminin iyon, lalo na kung marami kang pinagdaanan bago matanggap ang sarili.

Kung may napagtanto man ako, iyon din kung paano sila nag-alala agad sa akin sa oras na malaman ko. They consider my emotions.

Inakbayan ko siya. "Wala akong pakialam, Shiloh. Kung masaya ka diyan, tanggap ko 'yan."

I felt his shoulders relax. The worries in his eyes vanished.

"Tanggap kita," I said bravely.

"Hindi ka nandidiri o...naiilang?" marahan niyang tanong at halata ang pag-aalala.

Umiling agad ako. "Huh? Hindi ah! Naiirita siguro oo. Pero kay Brent. Sa daming lalaki ikaw pa ang nakita niya. Ba't mo kasi agad iyon sinagot? Pinaabot mo sana ng isang taon man lang." I frowned at him.

He laughed softly. Natawa rin ako kahit nakasimangot. Sa tuwing naiisip ko talaga na si Brent ang boyfriend niya, parang gusto ko iyong bangasan.

"Baka makawala," he whispered.

Umismid ako. "'Yun kakawala? Mukha no'n! At subukan niya. Itatali ko na 'yon sa'yo. Hindi na 'yon makakatakas."

He laughed and slightly slapped my chest, which made me laugh as well. Naging magaan ang pag-uusap namin doon. Gusto ko ring maramdaman niyang suportado ko siya rito, na isa ako sa mananatili kahit pa naiiba iyon sa nakasanayan ng lipunan.

Our topic ended when Brent showed up with Rin. Doon din napawi ang ngiti ko. Nag-uusap silang dalawa habang papalapit sa amin lalo na't hinintay namin sila.

Inayos ko ang sarili. Nanalamin pa ako sa screen ng phone ko para lang i-check ang mukha na ikinatingin ni Shiloh sa akin.

I swallowed a bit. Ngayon lang ako nakaramdam ng nerbyos. It was the kind of feeling when you were too excited but, at the same time, worried that you might not be that presentable in someone's eyes.

Naka puting white t-shirt, buttoned-down striped baby blue long sleeve shirt, at blue jeans. Napansin ko na bagay sa kanya ang baby blue na kulay. It's making him more soft and angelic.

Gusto kong ngumiti kaso nang tumingin din si Brent sa akin, umiinit na agad ang ulo ko. He looked at my hand around Shiloh's shoulder, and I've seen the slight glare he made. Gusto ko sanang yabangan at huwag iyong tanggalin kaso nang nahuli ko ang tingin din ni Rin doon sa kamay ko, unti-unti kong tinanggal. Akbay lang, eh. Wala namang meaning.

Lumapit si Shiloh kay Rin saka sila nag-usap. May sinabi si Shiloh na ikinalingon din ni Rin sa akin, siguro kuryoso bakit ako nandito. Lumebel si Brent sa akin habang namulsa ako at nasa likod kami ng dalawa.

"Break time mo? Baka tumakas ka lang ah dahil alam mong may coffee date kami," I teased seriously.

"Tss. Break time ko. Five hours. At ikaw dapat ang tinatanong ko. Bakit ka nandito?"

"Break time ko rin. Gusto kong mangape eh. Bakit? Purket boyfriend mo na 'yan kaibigan pa rin kami. Huwag kang possessive." Ismid ko.

He only rolled his eyes but he didn't argue about it anymore. Sumunod kami sa dalawa na mukhang excited at may pinag-uusapang art materials. I even heard them talking about painting. Mahilig din kasi si Shiloh. But...how about Rin? Mahilig ba siya? Bukod sa music, ano bang hilig niya?

Kahit kurso ni Rin hindi ko man lang alam. Ano kayang mga favorites niya? Ang misteryoso niya sa akin ngayong unti-unti kong iniisip kung sino talaga siya.

I realized I don't know much about him. Baka naman talaga infatuation lang itong nararamdaman ko? O baka dahil ang tagal tagal kong single, walang interest sa girls, kaya ganito ang nararamdaman ko?

Sa Vista Taft Residences iyong sinasabi nilang coffee project. Pumasok kaming apat doon at nagtungo sa kanan ni Brent lalo na't nandoon ang counter. Ngunit kapwa din kami tumigil at lumingon sa dalawa na dumeritso sa kaliwa kung saan naka display ang iba't ibang school supplies at art materials.

Nagkamot ako ng batok habang si Brent ay ganadong lumapit sa kanila at gustong sumali na makitingin. Nilingon ko saglit ang cakes pero lumapit na rin sa kanila doon.

"Then let's buy it," rinig ko ang ganadong sabi ni Brent nang may damputin si Shiloh at ipinakita sa kanya.

Tumitingin-tingin si Rin kaya siya ang nilapitan ko. May dinampot siyang faber-castel na coloring materials at kuryoso iyong tiningnan.

"Mahilig ka rin sa arts?" I asked.

Medyo nagulat siya ngunit kumalma din. Tumingin lang sa akin saglit ngunit ibinaba iyon.

"Hindi gaano. Si Shiloh...hilig niya kasi. Niyaya niya lang akong mangape rito kasi gusto niya ring tingnan ang part na 'to."

I nodded attentively. "Sa music ka lang mahilig?"

Tumingin siya sa akin ulit. Ngunit binawi na naman at humakbang para tingnan ang iba nakadisplay. Parang umiiwas na mapalapit sa akin o ano man.

"Oo. Music..." he answered distantly.

"Parehas tayo. Hindi ko rin naaappreciate masyado ang arts. Mas mahilig ako sa music," sabi ko na nakasunod sa kanyang likuran.

I saw him become interested, but I've sensed how he holds back. Pansin ko iyon lagi sa kanya. Parang may harang. Siguro nga, hindi rin siya komportable sa akin dahil nang-iinsulto ako ng bakla noon. Pero noon 'yon. Noon 'yon, Rin...

I followed him around. Kahit ano ano ang pinagdadampot niya, halatang nililibang lang ang sarili. Si Shiloh at Brent, mukhang mamimili na lalo na't may hawak nang basket si Brent.

"Gitara 'yung hilig mo?" I asked, striking up another conversation when he silently picked up another item.

"Piano..." he murmured without glancing at me.

"Hmm...mukhang magaling ka nga. Naririnig kitang nagp-play minsan. Pero bilang sa daliri."

Bumaling siya sa akin. Sa tuwing titingin siya, dahan dahan ko rin siyang lilingunin. The silence of our eye contact would make me flash a stifled smile. Gusto ko sanang makipagtitigan pero di ko kaya.

I slowly took my eyes off him. Ang ganda eh. Mahirap titigan nang malalim at baka...mabisto ako.

He stepped forward to the other parts of the place. I stayed behind him. May dadamputin siya at kuryoso ko lang ding titingnan.

"Baka gusto mo? Like...gusto mo ring magpaint?"

"Ah, oo. Sabi ni Shiloh magp-paint kami dito mamaya. Pwede raw eh," aniya at nilingon ang parte na may mga upuan.

I nodded. "Maganda 'yang may other hobby ka rin bukod sa music. Hindi nga lang ako marunong sa painting..."

"Ano bang hilig mo?" he asked nonchalantly while picking up another item, just plainly conversing with me.

"Music din. Sa Malabon, lalo na sa kuwarto ko, may kaonti akong instruments. May electric guitar ako. Meron din akong keyboard. Pero mas nag-eenjoy ako sa electric guitar dahil mahilig ako sa alternative rock. Gustong gusto ko ang Paramore," kuwento ko para naman may alam din siya sa akin, hindi lang 'yung init ng ulo ko.

He nodded, but he didn't say anything. I pulled out my phone out of my pant's pocket and immediately opened my gallery to show pictures.

Pinindot ko iyong nakaupo ako, naka gray t-shirt at sweatpants, kita rin ang suot kong nipis na lace ng silver na kwintas, at sa aking kandungan ay ang electric guitar ko na kulay pula at itim.

"Ito." Saka ko ipinakita ang screen.

Bumaling siya roon at tiningnan iyon.

"May dalawa akong electric guitar. 'Yung isa, kulay black and white."

He looked so interested. Ngumuso ako at pinigilan lang na ngumiti. I could even feel the slight banging on my chest. Sana naman hindi niya naririnig at baka mapagkamalan akong patay na patay sa kanya rito...

"Anong mga piniplay mo? May video ka?" he asked.

I nodded. "Oo meron. Teka, hanapin ko."

Mabilis ko iyong hinagilap sa videos ko. S'yempre, iyong topless ako habang nag eelectric guitar, nakatayo sa loob ng kuwarto ko at piniplay iyong isa sa kanta ng Artic Monkeys. Isa din sa paborito kong band.

I played the video and showed it to him. This time, I've seen the amusement in his eyes while watching me strum my black and white electric guitar, my head nodding a bit to vibe with 'Do I Wanna Know' by Artic monkeys while biting the pendant of my necklace. Magkasalubong ang kilay ko roon, mukhang galit lalo na't seryosong tingnan, pero sa tuwing titingin sa camera, mayabang ang ngisi ko.

"Ah...ngumingiti ako diyan kasi iniimagine ko na may million fans akong nanonood. Live performance kumbaga."

Hindi sadya ang pagtawa niya, mukhang nadala sa kuwento ko dahil ang lutong ng pagsabog noon. I also chuckled.

"Nagpapacute lang sa camera. At least kung kakalat ang video, guwapo pa rin, 'di ba?"

He laughed more and tried to pull his eyes off it. Hinabol ko agad sa kanya.

"Panoorin mo pa," I insisted while smiling.

"Tama na. Ang feeling eh..." natatawa niya iyong itinulak.

"Sus. Nag-guwapuhan ka lang eh," I said while chuckling.

Tumawa siya at itinulak iyon. I grinned while looking at him, feeling giddy that he was now laughing.

"Sabi mo, guwapo ako. 'Di ba?" nangingiti kong tanong.

He tried to stay serious, but he was failing. Talagang tumatakas ang ngiti sa labi niya. Ang sarap tuloy asarin lalo.

"Marami pa akong videos eh. Meron ding The Script. Teka hanapin ko..."

He stepped forward curiously and tilted his head to peek at the screen of my phone. Ngumuso ako at pigil ang ngiting ibinaba iyon para makita niya.

"Ah...ilalagay ko mamaya sa story ko sa Facebook. Friends only." Bawi ko at pinatay agad ang screen ng phone ko.

His eyes narrowed at me. "Ngayon na. Patingin."

"Ayoko nga. I-accept mo muna ako sa Facebook."

"Hindi ka pa rin talaga tumitigil diyan?" There was a slight playfulness mixing in his cold voice.

Natawa ako. I'll admit it. Noon, parang gusto ko lang talaga na makita ni Angela na friends kami sa Facebook. Pero isa na yata sa naging frustrations ko na hindi kami friends doon. Kulang nalang maisipan ko rin iyong sinasabi ni Rio na gusto niyang ireport iyong account noong Kittie dahil hindi siya inaaccept. Buti nakapagpigil pa ako.

"Denver," rinig ko ang tawag ni Brent.

Ang nakangisi kong labi ay napawi lalo na't nilingon din siya ni Rin. I glared at Brent, who seemed confused as to why I was glaring at him. Disturbo rin. Tinawag niya kami at itinuro ang right side, mukhang mag-oorder na.

Naging abala na sa pag-oorder. Nakaupo lang si Shiloh, ngiting ngiti sa pinapamili niya at si Brent na ang namimili ng mga kakainin nila, habang si Rin ay nasa gilid ko, namimili ng kakainin.

I took out my credit card and glanced at Brent. "Ako na ang magbabayad sa orders, Brent."

Bumaling si Rin sa akin. S'yempre, ang target ko ay bayaran din ang kanya. Alam ko namang hindi magpapatalo si Brent at siya ang magbabayad kay Shiloh. Hindi 'yan papayag na ako.

"No need, Rick. I'll shoulder it. Ako na sa lahat," he insisted.

At hindi rin ako papayag na siya kay Rin.

"Hati nalang tayo. Ikaw ang kay Shiloh. Ako kay..." I looked at Rin. "Denver."

Pumayag agad si Brent at hinayaan ako sa gusto ko.

"Upo kana roon. Ako na rito," marahan kong sabi kay Rin.

Alam ko naman ang mga gusto niya pagdating sa pagkain. Medyo nakabisado ko na iyon kaya hindi na mahirap.

Noong kumain na, si Shiloh at Rin ang madalas mag-usap. Pinapakita ni Shiloh sa kanya ang mga pinamili niya at lagi niyang ini-engganyo si Rin na magp-paint sila.

Kami ni Brent, nagcecellphone lang o casual na mag-uusap tungkol sa subjects. But I would sometimes catch myself watching Rin. Titingin din siya sa akin, mapapansin iyon, pero titingin din kay Shiloh at tititigan ito.

"Inaral mo na?" si Shiloh, namimilog ang mga mata at mukhang may iba na silang topic.

"Oo. Madali lang naman."

"Madali?! Ang hirap kaya ng Merry Go Round of Life! Gusto ko nga 'yung aralin eh. Nagpabili pa ako noon sa lola ko ng keyboard kaso ang first stanza pa lang ang alam ko. Parang ang hirap na noong chorus part..." ani Shiloh.

"Turuan kita," Rin offered while smiling.

"O sige! Mamaya? Sabay na tayo umuwi. May keyboard ka sa unit mo 'di ba? Wala akong gagawin mamaya."

Tumikhim si Brent. "I have nothing to do later too."

Napangiwi ako. Shameless motherfucker. "Ako rin," hirit ko.

Tumingin si Rin at Shiloh sa aming dalawa.

"Magkapitbahay kami. Doon din naman ako uuwi. At maalam ako sa music," sabi ko.

"I know music too...I sing..." si Brent na tumatango-tango.

"Bakit? Marunong ka mag gitara? Mag piano?" tanong ko.

"Guitar...I know a lil bit. Piano...Pwedeng aralin."

I smirked confidently. Hah. Alam ko ang dalawa. Ito ang crush niya noon? Hindi naman maalam sa music. Hindi sila bagay. Paano sila magb-bonding? Buti nalang kay Shiloh hibang ang isang 'to... Medyo tanggap ko pa.

"Marunong ka magpiano, Rick?" tanong ni Shiloh.

I nodded immediately, smiling. "Yup."

"Talaga? Baka alam mo 'yung Merrie Go Round of Life? Ghibli?"

Tumingin si Rin sa akin, kuryoso. Umiling ako lalo na't hindi ko alam.

"That's easy to learn," si Brent na talagang ayaw magpalamang. "I'll buy a keyboard tomorrow, and I'll learn it."

Sa reaksyon ni Rin sa dalawa, mukhang may alam siya kung ano ang nangyayari, o kung ano man ang relasyon nila. Sinabihan din ba siya ni Shiloh?

Hindi nga lang sigurado si Rin kung pwede siya mamaya. Gusto kong usisain pero sigurado akong hindi ako rereply-an niyan sa text.

Pagkatapos kumain, nagyaya na ngang magpaint ang dalawa. Nakisali na rin ako kaysa tumunganga eh ganadong magpaint si Brent, mukhang alam na alam niya na ang gagawin.

Nasa four-seated table kami. Ang laki laki naming tao ni Brent at ang hirap makibagay sa lugar dahil nagmumukha kaming mga bata pero ayoko namang maging kill-joy.

Si Shiloh at Brent ang magkatabi at nasa harap din nila kami. Natatawa na si Shiloh kay Brent na tumawa rin, mukhang may topic silang dalawa na sila lang ang nagkakaintindihan tungkol sa isang strawberry.

Tiningnan ko ang papel ni Rin. Nagsisimula na siyang gumuhit. Dumampot lang din ako ng kung ano ano, kunot ang noo at hindi alam kung anong gagawin.

He was enjoying it. Pakopya kopya lang din ako sa ginagawa niya at panay lingon sa papel niya. Nang mapansin niya iyon, sinamaan niya ako ng tingin.

"Wala akong alam sa ganito. Iba ang pinagkakaabalahan ko. Mga batas," sabi ko.

"Halata nga...kasi puro yata batas ang nasa isip mo," he murmured.

Tang ina talaga. Pakiramdam ko may mga nasabi ako na hindi niya dapat marinig. Anong klaseng ka kornihan ang ginawa ko?

Si Brent at si Shiloh ang nagtagal doon lalo na't gusto nang umalis ni Rin dahil may next subject pa. Wala pa naman akong next subject pero tumayo rin ako at nagpaalam, dinahilan na may gagawin din kahit ang totoo, wala naman. Gusto ko lang talaga sabayan at ihatid si Rin.

Ang dami kong gustong itanong kay Rin. Pero natatakot din ako sa mga nalaman niya. Yes, I acknowledged the feeling. But I have no plans for it yet. Hindi ko alam kung anong gagawin ko rito. Siguro, ang gusto ko, unti-unting manatiling kaibigan niya hanggang sa bumalik sa normal, hanggang sa mawala ang nararamdaman ko.

Pero ngayong kasama ko siya, ang dami daming nagsusuntukang panibagong plano sa isip ko. I want to get to know him more, slowly by slowly, until I can finally step up and confess.

Ngunit ayoko rin. Bakit ako aamin? Pag umamin ako, ano bang ibig sabihin no'n? That I'm also bisexual? I am not. Kasi mali naman itong nararamdaman ko. I don't want this.

"Thank you, by the way," bigkas ko nang sa lahat ng gustong sabihin, iyon nalang ang pinili.

Bumaling siya, kanina pa tahimik habang naglalakad kami, at nasa gilid ko siya, ako naman ang nasa gilid ng kalsada.

"Lasing na lasing ako at hindi ko alam kung paanong napunta na sa unit mo. But thank you."

"Naabutan kita sa harap ng unit mo kagabi. Nakaupo sa sahig. Nawala mo ang susi mo kaya pinatuloy kita sa unit ko. Pero katulad ng sabi ko sa text, nasa sofa ako. Ikaw ang nasa kuwarto ko."

I nodded slowly. "May...mga sinabi ba ako?"

"Mga batas. Theft. Robbery. Warrant of arrest."

Wala pa siyang dinidetalye pero alam ko na agad. Iwas na iwas ako sa mga kakornihan na 'yan pero sa sariling bibig ko rin pala manggagaling? Hayop. Paano naman ang dignidad ko nito, 'di ba?

"Gano'n ako malasing. Educational. Kung...sa akin ka makikipag-inuman, marami kang matututunan about Law. 'Yun ang pag-uusapan natin."

"Gano'n ka malasing?" He slightly laughed, as if he remembered something.

Hinaplos ko ang batok ko, ngumunguso at napapatitig sa nakangiti niyang pulang labi. "Hindi ah..."

"Kinasuhan mo nga ako," aniya.

I tried to stifle my smile, furrowed my brows just to stay serious, and looked away.

"Theft," he mentioned meaningfully.

I shut my eyes and groaned while laughing. Umiling ako.

"Shh! Ayokong marinig—"

"Ano bang ninakaw ko—"

"Lasing lang ako!" natatawa kong depensa, halos nasa kabilang gilid na nakatingin dahil talagang hindi ko kinakaya ang kahihiyang iyon.

"Ayos lang. Wala naman akong ibang iniisip. May boundaries naman ako pagdating sa mga straight na tao," paliwanag niya.

I could feel my frustration, but at the same time, I didn't want to immediately react to it. Hindi ko pa tanggap. Kung...magpapadalos dalos ako, hindi pa ganoon ka lawak at ka buo ang desisyon, baka maulit ko lang ang ginawa ng ex niya sa kanya. At ayoko ng ganoon.

Kaya ko ba siyang hawakan sa maraming tao? Kaya ko bang isagot ang pangalan niya pag tinanong ako kung sino ang gusto ko? Kaya ko ba siyang...halikan?

As Doc Jane said, be a critical thinker. Don't come up with just a yes-or-no answer. Come up with lots of questions that require you to dig deeper until you figure out what you really want.

At ang mga sagot sa tanong na 'yon, tagilid. I can't. Ayoko. I could still feel my fear. Alam kong hindi ko kayang pumasok sa ganyang relasyon na may kinalaman din sa takot ko. I might be acknowledging this feeling I have for him, but the guts to submit to it were lacking.

Kasi kung susugal man ako, I would make sure once he'd fall for me too, I'd be that brave to claim him. I'd be that ready to catch him. I'd be that proud to...love him.

But I'm not even vocal about this yet. Kaya alam ko, kailangan ko munang manatili sa linya.

Angela:

Invite Denver sa Halloween Party ha? You said friends na kayo?

In the next few days, when October is almost over, we are now looking forward to the Halloween party. Mabilis kong kinuha bilang oportunidad iyon para i-text siya.

Reagan:

Pupunta ka sa Halloween Party?

Ilang sigundo lang, nagreply siya. Kahit abala ako sa binabasa ko, dinampot ko agad ang phone para tingnan.

Rin:

Oo. Pero aalis din siguro ako agad.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi, pigil ang ngiti habang nagtatype ng reply.

Reagan:

Nandoon naman ako. Hindi ako aalis sa tabi mo, Rin. Huwag kang mahiya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 19.6K 42
Dice and Madisson
1.9M 49.5K 73
Si Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya. Siya ay pumasok bilang isang katulong sa...
36.4K 724 27
Clay Verdera is an actor while Isla Aurora Randal is just a typical person. Makabagong panahon ngunit makalumang paniniwala pa rin ang nananalaytay...
260K 8.8K 24
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...