Chapter 16

39.2K 2K 5.1K
                                    

Curious

The next few days were more calm, maybe because I was now making progress in holding myself accountable for what I did.

Oo, inaamin ko na kaya desperado rin akong pagbatiin sila dahil guilty ako sa ginawa ko. I fired insults. Medyo hindi pa ganoon ka lawak ang pang-unawa ko sa kanila, pero mali rin na humantong sila sa ganoon dahil sa ginawa ko.

Pero ano ba 'yung...golden retriever vibes?

"Where did you get that?" natatawang tanong ni Mavric nang siya ang tanungin ko.

"Narinig ko lang. Hindi ko alam eh. Ano ba 'yon? Bagong trend ngayon?" I asked since I'm not really into social media lately. Sobrang busy ko sa inaaral ko, pasilip silip lang sa Facebook kung na confirm na ba.

Mavric shrugged. "I don't know. Maybe some sort of animal trend? Ask Tyler. Mas active 'yan sa trends."

"Ang alin?" si Tyler na lumingon din sa amin nang marinig ang pangalan niya, nakaupo sa bukas niyang kotse at busy sa phone.

Nasa parking lot ng school kaming boys, hinihintay pa si Brent na sinundo si Shiloh, pati ang girls para sa planadong grocery at nagpapasama si Angela.

"Golden retriever vibes daw. Rick is asking about it," si Mavric.

"What?" Tyler laughed confusingly. "What's that?"

"Baka bagong trend," at si Ron na nasa bukas na front seat ng kotse ni Tyler.

"Hmm...I think I already heard that from my girlfriend," si Con na nakasandal sa sariling kotse. "She said I have that vibe."

Talaga? Napaisip tuloy ako kung anong meron diyan. Eh hindi naman yata magka vibe si Con at si Arron. Ano bang ugali no'n? Con is just too calm, and even when he's triggered, he would still handle things rationally like Brent. Pero mas tatahimik lang siya at hihintayin munang humupa ang galit saka magsasalita.

Ganoon ba si Arron? At golden retriever vibes na? Kung hindi lang namin naaninag ang paparating na girls, kasama si Shiloh at Brent, hindi makukuha ang atensyon ko. Umangat agad ang kilay ko nang makitang si Brent ang nagdala ng gamit ni Shiloh habang nasa likod siya nito at patingin tingin kay Shiloh na binubulung-bulungan ni Sadie.

"Ask the girls. They know most of the terms on the internet lately," tapik ni Mavric sa balikat ko kaya nawala ang tingin ko kay Brent at Shiloh.

"Grabe girls. Grocery lang pero isang batalyon tayo. Ano bang ipapakarga niyo sa amin? Buong Mall?" reklamo ni Tyler nang pumasok siya sa backseat pagkatapos ihagis kay Mavric ang susi ng kotse niya para ito ang magdrive.

"I need a new vlog! Malapit na ang Halloween party. I need funds," ani Angela at ipinakita pa ang dala niyang cam. "Grocery na rin for the decorations and such!"

"Dito, Shiloh," tawag ko at binuksan ang back seat ng kotse ni Con, para naman mahiwalay siya kay Brent.

Brent arched his brow and looked at Shiloh until his gaze found mine. Inangatan ko rin siya ng kilay kung may problema ba siya roon. Inakbayan siya ni Mavric at may kung anong sinabi kaya napunta sa kanya ang atensyon ni Brent.

Tatlo minsan ang dala naming kotse. Kay Tyler, Con at Brent. Depende na rin kung kasama lahat ng girls. Kaya iyong kotse ko, iniiwan ko nalang para makatipid ako sa gas. Ang hirap din kasi maghanap ng parking space tapos ang traffic pa. Dagdag hassle lang.

Siksikan na sa likod ng kotse ni Con kung saan kami sumakay. Pumasok si Sadie at gustong tumabi kay Shiloh, pero kahit anong siksik niya, talagang hindi na magkasya.

"Kandong ka nalang kay Rick!" natatawang suhestyon ni Mica.

Umangat agad ang kilay ko nang tingnan ako ni Sadie.

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon