The Annulment

De macey_smiley

1.4M 32.3K 1.5K

Maybe...one day, he'll forgive me. Seven years was enough. And I realized there are still some things that pr... Mais

Chapter 1 (After 7 years)
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 Pregnancy Test
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Author's Note
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Author's Note
Epilogue
BOOK 2

Chapter 34

23.5K 560 38
De macey_smiley

"Is that what you want?" Matatag na tanong ko sa kanya sa kabila ng panlalamig ng katawan ko. Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata niya. Maging ako hindi ko alam kung saang lupalop ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin yon. Siguro nga ay masyado akong nasaktan sa nakita ko kanina na parang handa na akong pumatay ng tao sa harapan niya.

"Tell me, is that really what you want?!" Sigaw ko sa kanya. Nakita ko kung paano nagbago ang expression ng mukha niya. Ayaw kong mag ilusyon but I saw pain and fear sa mga mata niya. Napalunok ako at nakipagtitigan sa kanya, patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha ko pero wala na akong paki-alam kahit napaka loser ko sa harapan niya.

"Kakayanin ko ang pangbabalewala mo sa akin pero hindi ko kayang makita yon! Sobrang sakit, ang sakit-sakit." Walang kakurap-kurap na sabi ko.

He snorted. "Ano sa tingin mo ang ginawa mo sa akin sa pitong taon? How about that?" He said in a mocking tone.

Pinahid ko ang mga luha ko kahit pa wala rin naman din iyong silbi dahil patuloy pa rin sila sa pagbagsak sa pisngi ko.

"Hindi mo alam kung anong pinag-daanan ko sa New York! Hindi mo alam kung gaano ko nilabanan ang lungkot doon. Wala kang alam sa nangyari sa akin doon! Kung nagawa ko mang umu-o kay Kyle iyon ay dahil hindi ko alam kung sa anong paraan kita makakalimutan! Hindi ko alam kung paano ko papatayin tong putang-inang pagmamahal ko sayo kahit na iniwan mo ako sa parteng yun ng buhay ko! Kaya wag na wag mong hingin sa akin na mawala ako sa buhay mo, kasi nagawa ko na yun noon, at kahit sobrang sakit, kaya kong ulitin yon ngayon!" Matatag na sabi ko sa kanya bago tuluyang lumabas sa opisina niya.

Narinig ko pa ang malakas na pagsuntok niya sa pinto. Hindi na ako umasa na susuunod siya pero hindi ko mapigilang magdasal na sana sundan niya ako at pigilan niya ako sa pag-alis, pero hindi niya ginawa. Hinayaan niya akong umalis. Lalo akong naiyak. Wala si Lyka sa desk niya kaya nagpapasalamat din ako dahil hindi niya narinig ang pag-aaway namin ni Christian. Umiiyak akong naglalakad patungong parking lot, at nang makarating ako kay Elmo, napahagulgol ako ng malakas.

"WHAT?! Nababaliw na ba siya?" Malakas na sbai ni Regine sa akin. Hindi ko na kinaya ang emosyon ko kanina kaya tinawagan ko siya. Sinundo nila ako ni Bobby sa hospital at demerecho na kami sa unit niya.Inilapag ni Bobby ang isang basong tubig at isang box ng tissue sa harapan ko. Paubos na kasi ang isang box na binigay ni Regine sa akin kanina pagkadating na pagkadating ko. Naglapag din siya ng ilang slices ng chocolate cake.

"Anong plano mo?" Tanong ni Bobby nang tumabi siya sa akin sa sofa. Parehong nakataas ang mga tuhod ko at doon ko ipinatong ang ulo ko para umiyak.

"Alam mo, mabuti na lang gwapo yang asawa mo. Lumalabas ang paglalake ko kapag naiisip kong nagdala siya ng babae doon sa opisina niya, eh." Galit na sabi ni Regine.Hindi pa rin maawat ang mga mata ko sa kakaiyak. Naramdaman ko ang paghimas ni Bobby sa likuran ko.

"Kung kaya mo pa, don't give up. Pero kung sa tingin mo hindi na, hindi naman masamang sumuko eh." Bobby said.

"K-kaya ko pa naman,eh. K-kaya lang ang sakit-sakit na." Umiiyak na sabi ko.Pareho silang napailing sa sinabi ko.

"Hay nako, hindi ka pa rin nagbago. Naging babae na lang ako, ganyan ka pa rin. Hindi sumusuko." Saad ni Regine.

"Eh anong gagawin mo, itintulak ka nga palayo?" Dagdag ni Bobby.Kinuha ko ang isnag basong tubig at uminom. "Mahal niya ako at nararamdaman ko pa rin yon. Maayos namin 'to." Humihikbing sabi ko.

"Punyetang pag-ibig naman yan oh! Aba, kayo na yata ang the longest running telenovela in the history!" Natatawang biro ni Regine.

"Oo nga. Pero shit talaga, nagkahiwalay na kayo ni Christian , nagkabalikan tapos hiwalay ulet, tapos ako hanggang ngayon single pa rin? Aba, that's not fair!" Biro ni Bobby.

"Girl naman, yang standard mo baba-babaan mo kasi. Hanap ka ng hanap ng Edward Cullen pero ayaw mo namang magpakagat!" Ani Regine at sabay silang nagkatawanan.Hindi ko na rin mapigilan ang mapangiti sa kanilang dalawa. Nagpapasalamat ako at may mga kaibigan akong kagaya nila na kulang na lang ay magka apelyedo na kaming tatlo dahil daig pa namin ang magkakapatid sa tagal na ng friendship namin.

"Basta tandaan mo, yang pagmamahalan nyong dalawa hindi basta-basta napupulot yan. Kung kaya mo pang hawakan at paniwalaan, hawakan mo. Saka yung gagong Christian na yon, baka sinapian lang yon ng ibang kaluluwa. Mahal ka nun." Seryosong saad ni Regine.

"Exactly! sabihin mo lang kapag nagdala yan ng ibang babae sa bahay nyo. Makakatikim yan sa akin." Bobby said before hugging me.

"Tahan na. Gusto mo labas tayo?" Excited na sabi ni Regine.

"Wow, that's a great idea. Labas tayo, party, party!" Agad namang sabi ni Bobby.Natatawa akong umiling. Gusto ko na kasing matulog at pakiramdam ko ang sakit-sakit pa rin ng katawan ko.Hindi na rin nila ako pinilit, sa halip ay inihatid ako ni Regine sa kama niya at umidlip sandali. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. Nagising na lang ako ng maramdaman kong may kung sinong nagyugyog sa balikat ko.

"Janna..." Boses ni Regine kaya idinilat ko ang mga mata ko.Agad naman akong napabalikwas ng bangon ng maalala kung nasaan ako.

"Oh, kalma. Nasa kwarto kita." nakangiting sabi ni Regine. Nasapo ko ang noo.

"Anong oras na ba?" Tanong ko sa kanya. Nginuso niya ang relo ko, tinignan ko naman ang oras at muntik na akong mapatalon sa kama ng makitang mag-aalas nuebe na ng gabi.

"Bangon na at sinusundo ka na ng Prince Charming mong masungit." Sabi niya.Kumunot ang noo ko.

"What?"

"Oo, yung asawa mong galit yata sa mundo, nasa labas. Inaantay ka." Wika niya na ikinalaki ng mga mata ko. Bumilis ang pintig ng puso ko.

"S-si Christian?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Oo nga." Mariing sabi niya sabay ngisi. "Bilis na. Baka pumasok yon dito at buntisin ka pa." Tatawa-tawa naman siyang lumabas.Napalulon ako. Bakit naman niya ako susunduin, eh kulang na nga lang ipagtulakan niya ako kanina palabas ng opisina niya.Umiling na lamang ako. Ayaw ko ng isipin pa yon. Galit siya sa akin kaya malabong mangyaring susunduin niya ako. Inayos ko na lamang ang sarili ko at lumabas ng silid ni Regine. Ngunit natigil ako sa paglalakad ng makita si Christian na naka-upo sa sofa ng unit ni Regine.

"Bakit ang tagal mo?" Matigas na tanong niya sa akin pero parang hindi ko yon narinig dahil sa kabiglaan ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko.Napalunok ako ng magtama ang mga mata namin. Nakikita ko pa rin ang galit sa mga mata niya habang nakatitig sa akin."H-hindi ko naman alam -" Natigilan ako ng bigla siyang tumayo at tinalikuran ako."Go!" Narinig kong sabi ng kung sino sa kung saan.

"Nyeta naman, sumunod ka na!" Boses ni Bobby. Nang tignan ko kung saan galing yun, nakita ko silang nasa pinto ng pantry, nakasilip. Nang tuluyang lumabas si Christian ay saka lang sila lumabas sa pinagtataguan.

"Nako, mainit ang ulo. Alam mo na ang susunod na mangyayari!" Nakangising sabi ni Regine.Napailing na lamang ako.

"Sige, uwi na ako. Thank you ha." Sabi ko sa kanila. Pareho silang lumapit sa akin at niyakap ako."Kaya nyo yan. Maayos nyo yan." Ani Bobby at tuluyan na akong nagpaalam sa kanila.Nang makalabas ako ng unit ni Regine, hindi ko na nakita si Christian. Hindi ko tuloy alam kung susunod ba ako o hindi pero kailangan ko pa ring umuwi. We are still married kaya kailangan kong punan ang mga responsibilidad ko bilang asawa niya. Nanikip ang dibdib ko ng maisip yon. Huminga na lamang ako ng malalim at sumakay ng elevator.Nang makababa ako, biglang naghiyawan ang sistema ko ng makita ang sasakyan ni Christian sa may entrance ng building. Naisip ko nanaman si Elmo.Pagkalabas ko ng building ay narinig ko ang malakas na bosina galing sa Red Ranger niya. Lumapit ako at binuksan ang passenger seat. Nakita ko si Christian na seryosong nakatingin sa daan.

"Get in." Matigas na utos niya. Ni hindi lang man niya ako tinapunan ng tingin.Kaagad naman akong sumakay at umalis. Hindi pa rin siya nagsasalita kaya kinakabahan akong magtanong nanaman tungkol kay Elmo.Tumikhim ako at bahagya siyang nilingon. Ganoon pa rin ang mukha niya, poker face. Walang lamang emosyon sa mga mata niya. Hindi na lang ako magtatanong kay Elmo, babalikan ko na lang siya bukas.Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas. Gusto kong isipin na may halaga pa rin ako sa kanya pero sa tuwing naaalala ko ang nangyari kanina, pakiramdam ko nawawalan ako ng hangin sa loob., parang pinipiga ang puso ko. Mariin akong napapikit. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang pagbagsak ng mga luhang nagbabanta nananamang sumira sa natitirang lakas ko. Nang dumating kami sa bahay, tahimik pa rin siya. Hindi nagbago ang expression ng mukha niya, wala pa ring lamang kahit na anong emosyon.

"K-kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya ng makapasok kami ng bahay.Tinignan niya lang ako pagkatapos ay tumalikod siya at umakyat. Hindi ko na lang siya kinulit pa. Pumunta na lamang ako ng kitchen at uminom ng tubig. Kanina pa kasi nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa tension na nararamdaman ko kanina. Hindi na ako nagtagal pa sa kusina dahil inaantok na rin ako. Nang pumasok ako sa silid namin, nagulat ako ng makita ko si Christian sa kama namin, wala siyang saplot na pang-itaas at tanging boxer shorts lamang ang suot niya. Bumilis ang pintig ng puso ko. Gusto kong tumakbo patungo sa kanya at yakapin siya. Ganoon kasi ang lagi kong ginagawa sa kanya noon. Napangiti ako ng maalala ko ang ginagawa ko noon kapag nadadatnan ko siyang ganoon sa kwarto niya. Nilalandi ko siya kapag tulog siya kasi laging ganoon ang suot niya kahit ang lamig-lamig ng kwarto niya, ginigising ko siya ng halik ko, pag-gising na siya saka ko siya iniiwan with his hard on. Inis na inis siya kapag ginagawa ko sa kanya iyon noon. Napailing na lamang ako ng maalala yon. Lumapit ako sa kama at umupo sa kabilang gilid.Bigla akong naguluhan kung tatabi ba ako o hindi. Baka kasi pag tumabi ako sa kanya, magagalit siya. Pero gustong-gusto ko talaga siyang makatabi kahit ngayong gabi lang. Dahan-dahan akong sumampa sa kama, ingat na ingat ako kasi ayaw kong magising siya. Nakatalikod siya sa akin kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tignan ang malapad na likuran niya.Gusto kong hawakan yon at haplosin pero pinigilan ko ang sarili ko.Unti-unti nanamang tumulo ang mga luha ko habang nakatitig sa likuran niya. Tinangka ko yung hawakan pero agad kong binawi ang kamay ko. Pinilit ko na lamang ipikit ang mga mata ko para matulog. Hindi rin nagtagal ay dinalaw ako ng antok dahil sa pag-iyak ko.Nagising na lamang ako dahil sa mabigat na bagay na nasa may tyan ko. Nang tignan ko iyon, parang lumukso ang puso ko ng makita ang nakayakap na braso ni Christian sa katawan ko. Napangiti ako at tinitigan siya. Matagal ko siyang tinitigan kasi pakiramdam ko minsan na lang dumarating ang mga ganoong pagkakataon. Nakakatakot isipin pero baka dumating ang panahon na hindi ko na talaga ito magagawa.Huminga na lamang ako ng malalim at dahan-dahang tinaggal ang braso niya sa tyan ko. Bumangon na ako at bumaba para magluto ng breakfast niya. Pinili ko yung beef steak na paborito niyang breakfast. Naghanda ako ng pickles at peanut butter na gustong gusto niyang kinakain tuwing umaga. Gumawa na rin ako ng coffee niya. Nakahanda na rin ang pagkain niya sa plato at kape niya kung siya umu-upo. Hindi nga nagtagal ay narinig ko ang mga yabag ng paa patungo sa kusina kung saan ako nagluluto.Nilingon ko siya at para akong tangang napatitig sa kanya. Shit. Hindi ko alam kung saan pinaglihi itong si Christian na kahit ang "bagong-gising" look niya ay daig pa yung modelong sinadyang guluhin ang buhok to make him look even hotter. Naka white t-shirt lang siya at boxer shorts pero ang hot niya tignan. Ang fresh ng mukha niya, na para bang kaka shave lang niya. Bumaba ang tingin ko sa suot niyang boxer shorts. Napalunok ako.

Nagising lang ako ng tumikhiim siya at lumapit sa refrigerator. Napayuko ako. Damn. Alam kong pinamulahan ako doon.

"G -good morning..." I said, kahit na hindi siya nakatingin sa akin ay nakangiti akong sinabi yon. Gaya ng inaasahan ko hindi siya tumugon. Para siyang walang narinig habang may hinahanap siya sa loob ng refrigerator.

"Yung pickles mo, andito na." Sabi ko. Saka lang siya tumigil sa paghahanap sa loob ng refrigerator at isinara iyon. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Dumerecho ang mga mata niya sa mesa kung saan nakalagay ang peckles at peanut butter niya.

"K-kain ka muna." Sabi ko. "Sa hospital na ako kakain." Sabi niya at kinuha ang jar ng pickles at yung peanut butter at tinalikuran ako.

"Gusto mo bang dalhin na lang ang mga 'to sa hospital?" Habol ko sa kanya. Nilingon niya ako at nagkatitigan kami.

"No." Mahinang sabi niya at tuluyan na akong iniwan sa kusina.Nakagat ko ang pang-ibabang labi at mariing pumikit.It's ok, Janna. Saad ko sarili ko at dahan-dahan na lamang inayos ang mesa. Tinago ko na lamang mga niluto ko sa refrigerator. Nilagay ko ang mga yon sa microwaveable jar para kung sakaling gusto niyang kumain, madali lang niyang ma-iinit iyon.Kasalukuyan akong naglilinis ng kusina ng magsalita siya sa likuran ko.

"Wear this."Nilingon ko siya at nakita kong may bit-bit siyang malaking paper bag na may nakasulat na mamahaling brand ng damit. Nakapagbihis na rin siya kaya lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Damn. Inilapag niya iyon sa mesa.Lumapit ako at tinignan iyon.

"Para saan?" Tanong ko.

"Just wear it. I'll pick you up at six." Sabi niya bago tumalikod.Naiwan naman akong naguguluhan. Hindi kaya....?Biglang kumabog ang puso ko sa naisip.

"Be my date tonight." Biglang sabi niya mula sa likuran ko.



Continue lendo

Você também vai gostar

140K 6.4K 76
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
65.6K 5K 17
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
29.2M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
4.7M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy