First Fall of Snow

By Chencheniah

46 2 0

December... A month when everyone wanted to feel the coldness of winter and witness the beauty of snow. But t... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1 - Glad To Meet You!
CHAPTER 2 - Thank You, Pads!
CHAPTER 3 - Finally Hold Your Hand!
CHAPTER 4 - Getting Closer!
CHAPTER 5 - Friend?!
CHAPTER 6 - Meet his friend
CHAPTER 7 - Back To Strangers?
CHAPTER 8 - My Own Doctor
CHAPTER 9 - Savior!
CHAPTER 10 - Hide and Seek
CHAPTER 11 - Big Brother
CHAPTER 13 - Official Savior
CHAPTER 14 - Turned-Off
CHAPTER 15 - Back To School

CHAPTER 12 - Christmas!

0 0 0
By Chencheniah

                       CHAPTER 12


SNOW’S POV


Ang saya ng Christmas namin ngayon! Sinalubong namin itong pasko na hindi lang kaming apat ang nandito kung hindi naging lima na kami. Sobrang thankful ako kay God dahil sa mismong araw pa niya ako binigyan ng isa pang kapatid. Ang saya ko sobra! Kung iyong iba ay parang magagalit na may iba silang kapatid—ako hindi. Kahit ngayon ko nga lang nakilala itong si kuya Kimrex, pakiramdam ko parang close na kami.



Hoy, Snow, wala pang 12 midnight bakit kinakain mo na iyang fruit salad?” saway sa akin ni kuya Arkiem at akma pang aagawin ang bowl na dala ko. “Akin na. Ako na magdadala niyan sa balcony.


Inilayo ko pa sa kaniya dahil gusto ko ako magdadala nito papunta roon sa balcony. “Tinikman ko lang naman kung masarap ba,” pagrarason ko pa saka nilagpasan siya.


Kanina mo pa iyan tinitikman. Ano hindi mo pa ba nalalasahan?” aniya habang nakasunod sa akin bitbit ang dalawang bottle ng champagne.



Kuya, paskong-pasko oh. Be good to me,” pabirong sabi ko pa saka inilapag ang salad bowl sa mesa kasama ang iba pa naming handa.


I will head straight to the hospital at 2:00 am, Drake. And… I’ll just spend my 2 hours with my family tonight, and then I will go to work after.” Rinig naming sabi ni kuya Kimrex kausap siguro ang kasamahan niya sa trabaho.



Inayos ko na lang din ang mga kubyertos at tinulungan na rin si Mommy na maglapag ng mga iba pang decoration na ilalagay niya sa ibabaw ng mesa. Si Daddy naman at saka si kuya Arkiem ay busy’ng-busy sa mga regalo na inilagay nila sa ilalim ng Christmas Tree. Kanina ko pa iyan tinitingnan at nalaman ko ring nandoon nga ang pangalan ko kaso iyong pinakamaliit na box iyong akin. Tsk! Ano kayang laman non.



Kuya, may trabaho kayo ngayon kahit paskong-pasko? Don’t you have a vacation even for just one day?” tanong ko pa rito kay kuya Kimrex nang lumapit na siya sa amin ni Mommy at tumulong.



Many patients are waiting for me. There are also scheduled operations, so I should be there,” sagot naman niya.



Anak, wala ka pang pahinga. Hindi ba iyan pwedeng ipasa na lang sa ibang doktor?” nag-aalalang tanong pa sa kanya ni Mommy.



I can’t, Tita Mommy, because I’m the one they chose and I can’t pass it on to someone else. And, Tita Mommy, don’t worry about me po. I’m fine naman po,” sagot naman ni kuya habang binibigyan ng ngiti si Mommy.


Basta huwag pabayaan ang sarili mo, anak. You have to take rest din sometimes,” paalala pa ni Mommy at tumango naman itong si kuya Kimrex.


Nang ilang minuto na lang at maghahating-gabi na ay kanya-kanya na kaming diskarte. Iyong dalawa kong kapatid ay hinahanda iyong fireworks tapos si Mommy’t Daddy naman ay magkatabing nakaupo lang at pinapanood kami. Habang ako, ito nakahawak na ng camera at ready na to capture the best moment for this year.



5…4…3…2…” Sabay pa kaming nag-counting.


1… Merry Christmas!” sigaw ko pa at kinukuhanan ng video ang napakagandang fireworks sa ibabaw at kinuhanan ko rin close-up sila isa-isa. “Kuya, say ‘Merry Christmas!’” sabi ko pa kay kuya Arkiem pero nag-finger heart lang siya.


Merry Christmas!” bati pa ni Daddy at sabay naman kaming tatlong lumapit sa mesa at yumakap sa kanila.


Kainan na!” sigaw ni kuya Arkiem na kaagad pang umupo sa upuan.



Pray muna tayo,” sabi ni Mommy kaya umupo na rin kami. “Lord, God, happy birthday. Thank you for the blessing, our life, the food we have today, and thank you kasi nadagdagan ang masayang pamilya namin. Thank you for giving Kimrex to us. He’s one of the best gifts that we received today, God. Thank you so much, God! Happy birthday! Amen.



Amen,” sabay sabi namin.



Let’s eat!” masayang sabi ni Mommy at tumayo pa siya para lagyan ng pagkain ang mga plato namin.


Thank you, Tita Mommy,” wika ni kuya Kimrex.


Thank you, Mommy,” wika rin ni kuya Arkiem.


Thanks, Mom!” sabi ko at sabay naman silang lumingon sa akin.



Masyadong oa, Snow.” Tinaasan pa ako ng kilay ni kuya Arkiem.



Paskong-pasko, kuya, hayaan mo muna ako.” Pabiro ko pa siyang inirapan. Nakita ko pang umiling-iling itong si kuya Kimrex.



Tigilan ninyo na muna iyan,” saway sa amin ni Daddy saka tumayo nagtungo sa mga regalo. “Okay, Arkiem? This is for you,” sabi ni Daddy saka inabot kay kuya ang may kalakihang kahon na binalot ng pulang christmas wrapper.



Thank you, Daddy!” nakangiting sabi pa ni kuya Arkiem at mahinang inalog ang kahon. “Ano ‘to, Dad? Medyo mabigat po,” natatawang aniya.



Open it, kuya.” Tumayo pa ko para makita kung anong laman. “Wow!” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang laman ng box ni kuya. “Brand new laptop!” masayang sabi ko kahit hindi naman akin iyon.



Naalala ko kasing sira na iyong laptop mo, Arky.” Nakangiti pa si Daddy at parang hindi niya inaasahang ang pagyakap sa kanya ni kuya.



Thank you, Dad!



Kaming dalawa ng Mommy ninyo ang bumili nitong lahat. Hindi lang ako,” natatawang sabi ni Daddy at lumapit naman si kuya kay Mommy at yumakap.



Okay, next is for Kimrex.” Inabot pa ni Daddy ang pinakamaliit na rectangle box.


Thank you, Dad!” nakangiting wika pa ni kuya.



Open it.” Sumenyas pa si Daddy na iyong tipong siya pa ang excited.
Tumayo naman ako at nakisilip rin.



Ano iyan?” Kunot-noo akong tumingin kay kuya Kimrex dahil hindi ako familiar sa bagay na ‘to. Parang ballpen kasi.



This is too expensive, Dad. Thank you so much, Dad and Tita Mommy!” wika pa ni kuya pero nanatiling nakakunot ang noo ko.


You’re welcome, anak,” sagot pa ni Mommy.


What is that, kuya?” usisa ko pa.



It’s a Tiffany & Co. Caduceus Clip Ballpoint,” sagot naman niya.



Taray! Ngayon ko lang nalaman na may ganito pa lang ballpen. Nakakaganda ba ‘to ng penmanship?” usisa ko pa talaga at tinawanan lang nila ako.



Well, actually not but at least I can write in style with this fancy pen. This pen also looks nice when I displayed it on my desk or tucked into my pocket. This is not the same as ordinary pen,” paliwanag pa ni kuya at nakakamangha nga naman. Gusto ko rin ng ganyan kahit hindi ako doctor.



And this is for Mommy naman,” inabot pa ni Daddy ang regalo niya kay Mommy sabay halik.



Thank you, honey! Ano ‘to?” Sinisilip pa ni Mommy ang paper bag na bigay ni Daddy at sa tingin ko ay magaan lang siya. Wala nga rin akong ideya hanggang sa nilabas ni Mommy ang isang maliit at kulay asul na box. “Ah… ang ganda!” wika ni Mommy na parang iiyak pa nang bumungad sa kanya ang isang napakagandang kwentas.



Ako na magsuot sa iyo niyan,” sabi pa ni Daddy saka lumapit kay Mommy at isinuot ang bigay niyang kwentas.



Alam ko na marami na akong naibigay sa iyo na kwentas pero itong isang ‘to, it symbolizes my unlimited and unending love for you. No more dramas but only I can say is, I am beyond grateful that you are my wife and a mother of our children. I love you and our children more than anything else.



Ang sweet!” tili ko at nagtawanan naman sila. “Pero, Dad, nasaan na iyong akin?” Nag-sad face pa ako kunwari nagtatampo pero biro lang.


Tumawa na naman sila at kinuha naman ni Daddy ang pinakahuling regalo sa ilalim ng punong manga. Charott! “And for my only daughter, this is for you.


Abot tainga pa ang ngiti ko nang abutin ko ang meydo kaliitang box. Pero awtomatikong kumunot ang noo ko nang malamang sobrang gaan niya. Iyong tipong kahit isang daliri ko lang ay kaya siyang buhatin. Inaalog-alog ko pa pero wala namang tumunog sa ilalim.


Thank you po! Pero ano po ‘to, Dad? Ang gaan-gaan po,” sabi ko at muling inaalog-alog pa.



Just open it,” sabi pa ni kuya Kimrex.



Buksan mo kasi,” sabat pa ni kuya Arkiem sabay tumayo at lumapit sa akin.


Binuksan ko naman at nang mabuksan ko na ay bumungad ang isang maliit na size ng box. Napangiwi pa ako saka muling binuksan ito at bumungad na naman ang kasunod na maliit na box. “Prank po ba ‘to?” naiinis na medyo natatawang sabi ko. Pinagpatuloy ko pa hanggang sa pinakamaliit na box na lang at may laman pang mga colored papers na kina-cut. Inalis ko naman ito at bumungad sa akin ang isang maliit na envelop. “Cheque po ba ‘to?



See it for yourself,” natatawang sabi ni Daddy.



Binuksan nga at halos lumuwa na ang buong eyeballs ko sa hindi inaasahang bagay na natanggap ko. “Totoo po ba ‘to?” Binasa ko pa ang buong sulat at talagang totoo nga! “Eras Tour Concert Ticket! Taylor Swift!” Hindi ko alam kung anong dapat kung gawin. Tatalon ba ako. Tatakbo ba ako—basta sobrang saya ‘ko! “Thank you po!” Sa saya ko nga ay niyakap ko si Daddy ng sobrang higpit.



Kami lahat naghanap niyan, anak.” Tinuro pa sila ni Daddy.



Thank you po so much! So much! So much!” Hinalikan ko pa ang dalawang ticket na hawak ko.



Grabe dream come true talaga. Kahit hindi ito VIP ticket, okay lang basta nandoon ako. Bihira lang mag-concert rito sa Pilipinas si Taylor Swift kaya sobrang thankful talaga. Ultimate fan talaga ako ni Taylor at pinag-iipunan ko pa iyong ticket niya. Pero ngayon, hindi ko na muna magagamit iyong ipon ko kasi may libreng ticket!
Sa saya ko ay muntik ko nang makalimutang ibigay sa kanila ang hinahanda kong regalo. Kaunti lang kasi ang pera ko kaya medyo murang t-shirt na lang ang ibinigay ko sa kanila. Galing sa puso ko rin naman iyon kaya okay lang. Hindi rin papatalo itong dalawang kapatid ko at binigyan din nila kami. Bali parang nag-change gift lang kami. Nakasanayan na rin kasi namin ito tuwing pasko.

Merry Christmas, everyone!

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 34.2K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
1.4M 109K 42
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
2.6M 153K 49
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...