At The End Of The String (Ins...

By serendipitynoona

4.5K 236 1K

☕ Insomniacs Series #2 By taking away all her cards by her eldest brother, Keira Monteza, a bit of a rebel wa... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
40

39

28 1 0
By serendipitynoona

"You fired her?" sabay naming sambit ni Ate Venus matapos ikwento sa amin ni Ma'am Thea ang nangyari sa stylist ni Joaquin.

"As much as I don't want to dahil napamahal na ako sa mga empleyado ko, I can't tolerate bad behaviors. Mabait ako pero ayoko ng abusado," ani Ma'am Thea ulit bago tuluyang ubusin ang steak niya.



"I allow everyone to drink and have a day off for tomorrow, but that only happens when the company has something to celebrate. I do accept personal excuses as well. Pero mukhang hindi na excuse ang ginagawa niya, repetitive behavior na. I gave her lots of chances, though, and that was the last straw."



Mayroon na palang issue pero ngayon lang naikwento ni Ma'am sa amin. Hindi rin naman kasi halata dahil sa tuwing magkakasama kaming empleyado niya ay mukha naman kaming normal sa isa't-isa. We get along, though, misunderstandings are still a part of us sometimes.



"But I hope Ms. Ortega won't make grudges out of it. I want it to be a lesson for her." She really does sound disappointed. Hindi ko rin naman siya masisisi. "Oo nga pala, Keira, my godson wants to see you. Gusto ka raw niyang makausap," dagdag pa ni Ma'am.



Hindi ko na natuloy ang pagsubo ko ng pagkain dahil sa aking narinig. Nagpalipat-lipat pa ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Ate Ven. "Tungkol saan naman po?"



"It's best kung sa kanya manggagaling, anak. He'll see you after our dinner. By the way, I heard you're both staying at Kenzo's house?"



Mas lalong nanlaki ang mata ko pero hindi ko dapat iyon ipahalata. Agaran na lang akong tumango, nagdadasal na sana wala na siyang follow-up questions. "Hm, ang tamad ni Joaquin ngayon. It's very unusual. Alam ko naman kung gaano kadikit iyong dalawa na 'yon but knowing Joaquin, he'd rather book a hote."



Ganoon siya? Well, may bahay siya sa Spain ayon sa pagkakatanda ko kaya pwedeng kahit hindi na siya manatili sa hotel. Malay mo mayroon din siya rito sa Italy. Sa yaman niya ba naman ngayon, parang posibleng bawat bansa ay pwede niyang tayuan ng tirahan niya.



"Baka naman po gusto lang muna makipamilya muna ni Sir Joaquin kanila Sir Kenzo. Kahit ako naman siguro, eh. I mean, Kenzo Monteza na 'yon, oh... Hay, swerte ng asawa niya. Kapag nag-meet kami no'n papaturo ako sa kanya paano mamingwit ng gano'ng nilalang sa mundo," singit ni Ate Ven.

Natawa naman ako sa nakikipamilya. Parang ako nga yata ang gano'n sa aming dalawa... Tahimik na lang akong nakikinig sa usapan nilang dalawa. "I was wondering nga, eh, kung kaylan mag-aasawa 'yon. I'm getting old. Gusto ko na ng apo."


"Ako rin. Ang lalaki na po ng mga pamangkin ko. Si Keira naman ayaw ako bigyan ng inaanak. Tumatanda na lang din ako. Mukhang wala na pong balak mag-asawa 'to, Ma'am, eh." Humalikipkip si Ate Ven.


"Really? Baka kayo talaga ni Joaquin?"


At doon ko na muntik maibuga ang wine na iniinom ko. "Kaya ko naman po huminga mag-isa. Hindi ko po kaylangan ng asawa." Pilit kong kinokontrol ang aking pag-ubo.



"But it's nice to have someone special in your life din, ano? Ang sarap din kaya ng may minamahal. 'Di ba, Keira, you had exes before?" At imbis na pauwi na kami, napa-order kami ulit ng pagkain dahil mukhang mapapahaba ang aming kwentuhan. Mukhang hotseat pa ako sa dalawa. Pero siguro okay na rin dahil may libreng pagkain.

"Goodnight, Daile! I love you!" I blew a kiss and form a heart using my hands when I was about to leave my nephew's room. He said 'I love you' back and waved at me before snuggling into his mother's arms. Nang maisara ko na ang pinto ay saka ako nagtungo sa kwarto ko - no, namin pala.



Nadatnan kong nagbabasa si Joaquin ng libro sa may mahabang couch. Since when did he got interested in books? "Gusto mo raw ako makausap sabi ni Ma'am Thea. Tungkol saan po?" panimula ko.


"Aren't you going to sit down first? I know you're tired from work," he said, still his eyes are glued on the book.



"So ano pong pag-uusapan natin?" sabi ko muli nang makaupo na ako sa higaan. Saka niya ibinaba ang kanyang librong hawak. "Uhm, you know what happened to Ms. Ortega, right?" Tumayo siya at lumapit sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.




"Well, I was wondering... Hoping actually, if I could - we could negotiate," pagpapatuloy niya.

"About what?"

He gestured his index finger for me to wait for a second as he pulled something out from his pocket. Binuksan ko agad ang nakatuping papel at sinimulang basahin. He even handed me a pen. The paper's about a deal - obviously a contract for me to sign - to be his temporary stylist just until he finds a new one.



Agad akong tumanggi ro'n at ibinalik sa kanya ang aking hawak. The last time I worked under his name, it didn't end well at ayoko na maulit. "Pasensya na po, Mr. De Vera pero busy na po ako, eh." I forced a smile.


"I'll double your salary."


Dahan-dahan ko siyang pinaningkitan ng mata, pinag-iisipan ko na rin. "Triple it?" hirit niya muli. Ngunit mataas na ngayon ang kontrol ko sa aking sarili kaya tumanggi ako ulit.


"Bakit hindi na lang 'yong nag-volunteer sa'yo last time?" I suggest instead.


"Oh, Aira. She's busy, too. Besides, she's still adjusting in the working industry and she's still attending photography lessons. Her schedule's tight, though, she was really my first option. But since...."



"Ihahanap na lang po kita. I'm sorry for turning down your triple salary offer." Pilit akong ngumiti sa kanya. Parang naging magaan ang aking paghinga no'ng hindi ako pumayag sa kagustuhan niya.



"Okay." He shrugged. "Sabi mo babawi ka..." mahina niyang sambit pero dahil nasa harapan ko pa rin siya ay malinaw ko iyong narinig.



"Huh?" Kunot-noo kong nakatingin pa rin sa kanya.


"Huh?" He mocked, controlling his laugh, too. Bumalik na lamang din siya sa couch. "I thought I can finally use that card. I badly needed it, though," aniya habang dinuduro-duro ang kontratang hawak gamit ang ballpen. "Bilis mo makalimot." Nagpakawala na siya ng tawa. Mas lalo lang kumukunot ang noo ko dahil wala akong idea sa mga pinagsasasabi niya.




"Paumanhin, Ginoong De Vera, ngunit hindi ko po kayo labis na maunawaan. Kung maaari po, ako'y matutulog na kaya naman patahimikin mo na ang utak ko." Umayos na ako ng higa. Kinuha ko rin ang malaking unan upang italukbong sa'kin.



"Hmm, paano mo nga iyon maiintindihan, binibini, kung sabog ka no'ng sinabi mo 'yon sa'kin?"



"Manahimik ka na nga kung ayaw mong isumbong kita sa ninang mo na ginugulo mo 'ko." Tutal alam na rin naman ni Ma'am Thea na nandito siya, baka sakaling mapa-book na lang talaga 'tong inaanak niya ng hotel para malayo sa'kin.



"Wow, matured." Tawa niya ng malakas. Umirap ako. Hindi niya iyon kita dahil nakatalukbong pa rin ang unan sa aking mukha. Akala ko rin ay matatahimik na ang gabi ko nang magsalita na naman ang masamang espirito sa paligid.



"Paano niya pa nga maalala 'yon when she's drunk as hell that time. I bet she had a hard time dealing with her hangover." Tawa niya ulit. Unti-unti ko siyang sinilip - kinakausap niya na ang papel. Hindi lang yata masamang espirito ang kasama ko rito... Pero habang pinapakinggan ang kanyang pang-aasar, I am slowly coming to my senses, like some realizations are slowly hitting me. Some things I don't want to remember.



It was a celebration of my birthday and I passed out then waking up with him under the same roof! And his clothes randomly hanging in my bathroom! And in order to payback for his hospitality and concern, I... Oh, shit... Parang may kung anong sumampal sa'kin bigla nang unti-unti ko na maalala ang mga nangyari.




Hindi pa rin siya tapos mang-asar kaya naman ay sumingit na ako sa moment nila ng papel niyang hawak, "Fine!" Saka lamang siya tumigil at nilingon ako, nakangisi pa. "Fine, I'll accept the job," dagdag ko.



Tumayo siya at lumapit upang iabot muli ang papel at ballpen sa akin. Padabog ko iyong kinuha at pinirmahan. Umirap na lang ako nang makitang ang lapad na ngayon ng ngiti niya. "Call time, 9 a.m., tomorrow. Sweet nightmares, you damn leather jacket." Muli na akong nagtalukbong ng unan.


"Okay, walis tambo." Tawa niya na.


"Gago!" Pasigaw iyon pero dahil nakatalukbong naman ang mukha ko ng malaking unan ay hindi iyon gaanong malakas. Not even the family on the other side can hear it. Sisiguraduhin kong hindi ako tatagal sa kanya at ihahanap ko siya agad ng bago. Because the last time I worked under his name, it didn't end well.


Halos durog na ang cookies sa aking plato. Hindi ko namamalayang doon ko na pala naibubuhos ang inis ko habang masamang nakatingin kay Joaquin na nakikipagtawanan sa mga kapwa niya modelo. Matapos lang ang kontrata ko sa kanya, hindi na 'ko muling iinom. Alak lang naman ang dahilan kung bakit ako nandito sa sitwasyong 'to. Buti na lang may bright side - kikita ako.




"Uhm, may I?" Naalis lang ang mata ko sa kanya nang may lumapit sa akin, si Aira, makikiupo, kaya umusog ako upang may pwesto siya. "Good morning po pala, Ma'am Keira. I'm sorry for introducing myself late this time. I'm Aira Mae Pumaras. I was hired just a week ago."




"Oh, so, how's your experience here? I heard you're still attending photography lessons. Ang galing mo mag-balance kung ganoon!"



"Mahirap po pero kinakaya!" Malapad itong ngumiti. "Kaylangan pong kumayod, eh. Saka masaya rin naman po ako sa ginagawa ko."



Napangiti naman ako ro'n, it reminds me about my circle during our teenage years. By just looking at her, I saw a little glimpse of us, on how we strive for the little things. But also, I guess some painful events will never leave our lives...




"Pero, Aira, magpahinga ka pa rin, ha? Lalo na kapag may oras ka. 'Wag mong abusuhin ang katawan mo."



"Opo." Tango niya. "Kahit naman po minsan na naghahanap pa po ako ng sideline, hindi ko pa rin naman po pinapabayaan ang sarili ko."



Napatigil ako sa kanyang sinabi, para bang may unting ideya na biglang pumasok sa aking isip. Tama naman ang rinig ko. "You're still looking for a side hustle?" pag-uulit ko.



Tumango siya ulit. Napatingin din ako kay Joaquin na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos sa kasiyahan nila. "'Di ba, nag-presenta kang ayusan 'yon no'ng nakaraan?" Turo ko sa gawi nila.



"Ni Sir Joaquin po?" She lean so she can see what I was pointing at. Tumango rin ako bilang sagot. "Opo, pero hindi po kasi ako ganoon na kagaling pagdating sa makeup."



"Gusto mong turuan kita? I mean, you're busy, but of course, when you have free time." At iyon na nga ang naisip kong paraan para hindi ako magtagal kay Joaquin. Hahasain ko si Aira at kapag okay na, ibibigay ko na siya sa kanya. Tutal, iyon lang naman ang usapan namin. I'll be his stylist 'til he find one. Also, it can be a way for me to get to know her better.


She seems nice, though. Napapayag ko rin agad siya. At dahil marami pa naman kaming oras, nakapagsimula na kami ng kwentuhan tungkol sa buhay ng isa't-isa hanggang sa mapunta kami sa usapang Joaquin De Vera. "C-crush mo siya?!" Nagulat pa 'ko ro'n. Parang hindi ko danas.


"And I confessed and got rejected," she continued.



"Ni-reject ka? Ang kapal talaga ng mukha no'n!" Sinadya kong lakasan ang aking boses. Mukhang tumalab naman ang aking pagpaparinig dahil napalingon siya rito.



"I can't blame him. Well, I mean, he's Joaquin De Vera. He's definitely out of my league."


Hm, may point... "Tuloy lang naman po ang buhay. Rejection lang 'yon galing sa sikat na tao. Hindi ko pa po katapusan." Tawa ni Aira. "I can work with him comfortably and casually. Besides, I don't think our age gaps will even work. Alam mo po ba, sabi niya no'ng ni-reject niya 'ko, batang kapatid lang daw ang tingin niya sa'kin." Pagtawa niya ulit.



Parang siya pa lang yata ang na-encounter kong na-reject na pero ang saya pa rin. Kung mga kaibigan ko 'to, baka isang linggo kaming nag-iinom. Isa lang brokenhearted pero damay pati ibang atay. Well, she's brave enough to face that kind of rejection from a star. Napasarap pa ang kwentuhan namin hanggang sa katukin na kami ni Ate Venus.




"Start preparing, everyone. Dapat lahat ay may ginagawa na kung ayaw nating malagot kay Ma'am Thea pagdating." Rinig ang boses ni Ate sa buong hallway. Parang kusa na nitong kinakatok ang bawat pinto gamit ang kanyang bibig.




Hindi namin namalayan ni Aira ang oras. Saktong pagkatapos niyang magligpit ng gamit niya at lumabas na ng dressing room ay pumasok si Joaquin. "Uy, Sir! Congratulations to your new stylist! Buti po ay napilit niyo," asar pa ni Ate Ven bago siya umalis. Kita ko ang pagpigil ng tawa ni Joaquin, malaking alas kasi ang hawak niya laban sa'kin kaya niya ako napilit.




"Let's get started?" Lapit na sa'kin nitong may bunto't sungay na 'to.


"Hmm-mm." Aking pagtango. "At ayoko ng maingay habang nag-aayos kung ayaw mong ipitin ko ng eyelash curler 'yang dila mo." Irap ko.



"You are always harsh, Keira," he laughed a little.

"Only to you."

"I can take that." He shrugged. I just rolled my eyes at him again. Gosh, may this day end already.

30...

24...

18...

8...

3...

And... Camera flashes started filling the whole place as the female models went out from the backstage one by one. Lights reflecting the colors of the winter collection and a beat where every shoe heel dances with.



Nang makabalik na si Joaquin ng backstage ay dali-dali kaming nagtungo sa dressing room niya upang magpalit. But there's one thing I wouldn't do as his temporary stylist, it is to... "You can change clothes by yourself. I'll wait here." Initcha ko sa kanya ang sunod niyang susuotin.



Himala lang dahil hindi siya umangal doon. He's demanding at times. Pagkatapos niya magbihis ay inayos ko muli ang makeup niya. Hindi ako nagtagal at buhok naman niya ang sinunod ko. Napatigil lang ako saglit nang maramdaman ang kanyang tingin sa'kin. "What?" Pagtaas ko ng isang kilay.



"Nothing. You're cute."

'Wag kang magpadala, Keira. Halata namang inuuto ka lang niya.



"Kung ibibigay mo na agad mamaya ang sahod ko, ayos lang. Saktong kaylangan ko na magbayad ng kuryente. Hindi mo na kaylangan mangbola." Napailing-iling ako at nagpatuloy muli sa aking ginagawa. Natawa lang siya sa aking sinabi. Bakit siya natatawa? Hindi naman ako nagbibiro. Talaga namang kaylangan ko na magbayad ng maaga kaysa maputulan ako.



Nang makatapos na ay hinila ko na siya pabalik sa kanilang pila. "How's my walk, Ms. CEO?" aniya habang inaayos ng kaunti ang kanyang suot. I looked at him from head to toe, obviously don't want to admit things. "Terrible," walang gana kong sabi.



"As I expected," mahina niyang sambit pero sapat na para marinig ko. "You're on." Pinaayos ko na siya ng tayo nang malapit na makabalik ang modelong nauna sa kanya.



"You rate my walk from one to ten when I get back here, Ms. Monteza."


Sasagutin ko pa sana iyon pero dire-diretso na siyang naglakad palabas ng backstage. Nagtayuan ang karamihan sa mga manonood nang siya na ang rumarampa. Nang makaliko pabalik dito ay nagkatinginan kami agad. Ngumisi siya sa'kin na para bang may 100% rating siya mula sa mga tao.



Ngumisi rin ako at humalukipkip. "One," gago kong sagot. Umiling lang siya habang dire-diretsong nagtungo sa hallway papuntang dressing room. "And zero," dagdag ko. Saka ko siya nilingon. Nakatigil na siya ngayon at mukhang gulat pa sa aking sinabi.



"You can't take that back, you know."


"Well, critiques don't always mean bad, though." I shrugged. Malapad ang kanyang ngiti habang napapailing pa rin. Sinundan ko na siya papuntang dressing room. Of course, he walked flamingly awesome out there! But I can't say that out loud.

Hay, ano ba 'tong trabahong pinasok ko? Tama pa ba 'to?

Continue Reading

You'll Also Like

7.2K 122 44
Chaos Series #1 Status: Completed Posted: December 12, 2021 - February 03, 2022 A dream that will make a way for you to reach your sweetest fantasy. ...
235K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
6.1K 154 43
Chrishane Ocampo is the star player of the campus. She's entitled as the Tigress Queen as she always wow the crowd for her incredible skill inside th...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...