DARK SECTION

Galing kay MsDzayr

1.5M 58.7K 22.8K

Luna Amora Velasquez, a fifteen-year-old girl who promised her late parents that she would do better in her s... Higit pa

DARK SECTION
PROLOGUE
1: Black Panthers Gang
2: West Star High School
3: Dark Helios Gutierrez (Deth)
4: Second Encounter
5: Recklessness
6: Punishment
7: Threat
8: Jealousy
9: Leo Zennor Trinidad
10: Plan
11: Worn Out
12: Betrayed
13: Alexus Dreyar Vargas
14: Confused
15: Cared for Luna
16: Brother's Dispute
17: Bloody Battle
18: Knoxx Chase Vasquez
19: Sky Arc Gang
20: Breathe Out
21: Real Status
22: Good
23: Be prepared
24: Mini Pajama Party
25: Surprise
26: Hellcome
27: First
28: Vincent's Limitation
29: Dark Cell
30: Hard-headed
31: Sorry
32: First Mission
33 : Mission Accomplished
34: Kaiser's Past
35: Denver's Birthday
36: Sleepyhead
37: Ride
38: Clueless
39: Kiss
40: Friendship
41: Date
42: Test
43: Mission Accomplished
44: School Event (Part 1)
45: School Event (Part 2)
46: School Event (Part 3)
47: Smile
48: Confrontation
49: Uninvited
50: Family
51: Abducted
52: Panty
53: Operation
54: Bicol
55: Tricky
56: Tag Along
57: Mountain
58: Rain
59: Pageant
60: Punishment Accepted
61: Three Kisses
62: Textmate
63: Lies
64: Online Selling
65: Excuse
66: Brother's Love
67: Alamat Ng Halamang Tanga
68: Sunset
Epilogue
69: Trespassed
71: In between
72: D-Section
73: The Battle of the Worst Sections
74: Life and Death
DARK SECTION CLASS LIST (UPDATED)
📢

70: Denied

2.8K 87 23
Galing kay MsDzayr

LUNA'S P. O. V

Nang makarating ako sa room, tahimik ang lahat. Hindi ko alam kung dahil hindi lang ba ako sanay na tahimik sila kaya mabigat ang pakiramdam ko o may iba pang dahilan.

Halos mag-iisang oras na akong nagtataka sa katahimikan ng mga gunggong habang hinihintay si Deth. Tinanong ko si Tev kung ano'ng nangyayari pero sabi niya si Deth na lang daw ang tanungin ko. Nilapitan ko rin si Rance pero ganun din ang sinabi niya.

Hindi na ako nakatiis at tumayo ako. "May mga sakit ba kayong lahat?" Himala talaga na tahimik silang lahat lalo na sina Zai, Rance, at Tev.

Napatingin ako sa pinto nang mapunta ang tingin ng mga gunggong dito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Sander. Lumapit ako sa kaniya. "Ayos ka na ba?"

Tumango siya saka ako nilagpasan. Nagpunta ako kina Stella at Eunice at naupo sa gilid nila. "Hoy, ano'ng nangyayari sa inyo?" Nagsisimula na akong masaktan. Ako dapat ang umiiwas sa kanila pero bakit pakiramdam ko sila ang umiiwas sa akin? Tsaka bukas pa 'yun at hindi ngayon.

"Just sit," maiksing sagot ni Stella. Nanlaki naman ang mga mata ni Eunice na para bang gulat na gulat na nagsalita si Stella.

Kahit naguguluhan ay naupo ako sa tabi niya. I hate this kind of feeling. Ang bigat-bigat.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko saka muling iminulat. Sa pagmulat ko ay parang may kung anong tumarak sa puso ko nang makitang pumasok si Deth na kahawak-kamay si Elisse na nakayuko at nakatingin sa magkahawak na kamay nila ni Deth.

Are they together now?

Biglang kumulo ang dugo ko at nag-init ang ulo ko sa iniisip ko.

Pagkatapos niyang pasikretong akyatin ang balkonahe ng bahay ni Alexus? Ganito ang aabutan ko sa kaniya? Pinaglalaruan niya lang ba ako?

Kinuyom ko ang dalawang kamay ko sa sobrang galit pero pilit kong pinakalma ang sarili ko at mariing ipinikit ang mga mata ko. Sumisikip ang dibdib ko. May mga mali sa kaklase ko. Para pang iniiwasan nila ako. Tapos may ganito pa.

You are strong, Luna. Don't cry. You're not hurt. You're not wounded again. Your heart is okay. There's no problem.

"Pretentious."

"Wicked."

Napamulat ako sa mga narinig ko at nilingon sina Stella at Eunice na parehas masama ang tingin kay Elisse na parang kahit anong oras susugurin nila ang babae.

"Gaya ng nasabi ko, may misyon tayo bukas." Panimula ni Deth nang makarating silang dalawa ni Elisse sa harap.

Nagbaling ako ng tingin sa harap at bumaba ang tingin ko sa magkahawak nilang kamay. Hindi ko na alam kung ano pa'ng mararamdaman ko. Nasasaktan ako at hindi ako tanga para hindi malaman ang dahilan nito. Gusto ko si Deth at umasa akong mutual kami ng feelings dahil sa mga ginawa niya para sa akin nung wala pang Elisse sa eksena pero ngayong bumalik na siya, hindi imposibleng magkabalikan sila.

Naalala ko 'yung kinwento sa akin ni Deth dun sa playground. Siya ang naunang nakilala ni Deth at natagpuan muli. Ano ba namang laban ko sa tadhana, 'di ba?

Napailing-iling na lang ako sa pagiging assumera ng taon ko. Umasa akong mabilis lang sila mag-uusap kahapon pero hindi. Hindi siya bumalik kaagad hanggang sa sunduin na lang ako ni kuya. Hindi kaya kahapon pa sila nagkabalikan? Pero bakit naman magtre-trespass siya sa bahay ni Alexus para dalhan ako ng pagkain kung sila na kahapon pa lang?

Kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang sugat sa labi niya. Kailan nagpasuntok si kamatayan? Wala akong matandaan na nagkasugat ang napakagwapo niyang mukha kaya ano 'yung nasa labi niya?

"Kailangan talagang magka-holding hands?" Naiinis na sabi ni Rance na nakapagpabalik sa akin sa reyalidad. "This is fucking frustrating."

Galit na nilingon ako ni Gavin. Nakatingin na rin sa akin ang lahat. "Luna, ano wala kang sasabihin?"

Napakurap-kurap ako nang lingunin ko si Gavin. "H-Huh?"

Ano'ng gusto nilang sabihin ko?

"Luna!" Sigaw naman ni Xenor. My head snapped at him. Galit ang mga mata niya dahilan para mapalunok ako. "B-bakit hindi niyo 'ko pinapansin?"

"Luna!"

Ramdam ko na ang pagbigat ng puso ko at ng nangingilid kong mga luha. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa sakit. Sakit na parang pinamukha sa akin ni Deth na wala naman talaga siyang nararamdaman sa akin at si Elisse pa rin ang mahal niya... at isiping ganito pala ang feeling na lalayuan ko na sila bukas, na bukas ko pa dapat mararamdaman at dapat na ako ang gagawa, sobrang sakit.

"Ano ba'ng gusto niyong marinig sa'kin?" mahinahon kong tanong saka ako tumayo. Pigil na pigil ko na ang luha kong bumagsak.

Huwag naman ngayon. Namomroblema pa ako kay Kuya para sumabay 'to. Masyadong mabigat. Hindi ko kaya. Bumabalik ang mga alaala nang mawala sa akin sina Mommy. This is how I felt. This is how I broke before.

"Fuck!" Sigaw naman ni Knoxx.

Ano ban'g gusto nilang marinig mula sa'kin? Kung anong reaksyon ko sa pagbabalikan nila Deth at Elisse? Ano 'to reaction paper pero kailangan ipresent sa class? Na ako itong tanga at grabe kung mag-assume? Gusto nilang marinig mula sa akin ang mga salitang 'to?

"Hindi lang ito tungkol sa pananahimik namin kanina! Sige nga, tignan mo si Deth sa mga mata niya." Hamon sa akin ni Gavin. "Tingnan mo 'yung magkahawak ni-"

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko kasabay ng pagbagsak ng luha galing sa mga mata ko. Marahas akong bumuntong-hininga. "Tama na, Gavin."

"Tigilan niyo na si Ate!" Awat ni Tev.

"Stop, Kuya! You are really so insensitive!" Galit na sigaw ni Rance. "Fuck you, Kuya! Wala kang pinagkaiba kay Deth!"

"Don't ever fucking compare me with this asshole!" Itinuro niya si Deth habang nakatingin sa kapatid. "I'm insensitive but I am not stupid. I just want her to let out her feelings and curse Deth." Inilipat niya ang tingin sa akin. "Acknowledge your feelings. Curse him if you want to. Kill him with your words and eyes. Tell him to die. Cry if you feel to. No one will judge you and if someone does." Tumingin siya sa gawi nina Deth at Elisse. "I'll take care of him or her for you."

Hindi pa nakuntento si Gavin at lumapit sa akin saka itinuro sina Deth. "Kaya tingnan mo siya sa mga mata at sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin. Huwag mong gawing dahilan ang hindi namin pagpansin sa'yo para isantabi ang nararamdaman mo ngayon sa nakikita mong ginagawa ni De-"

"Oo na!" Sigaw ko saka pinunasan ang naglalandas kong mga luha pero kahit pinunasan ko na ang mga 'to, tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos nito. "H-hindi naman ako tanga para hindi maisip na nagbalikan na sila! At lalong hindi ako sinungaling kung sasabihing o-okay ako. Kasi hindi, e," pahina nang pahina kong sabi kasabay ng pagtakas na ng ingay sa bibig ko kaya agad ko itong tinakpan para pigilan ang pagkawala ng ingay.

Nang maramdaman kong kumalma na ako ay tinanggal ko na ang kamay kong nakatakip sa bibig ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at saka nagmulat ulit. "Hindi ako okay, Xenor, Gavin. Apektado ako kina Deth at Elisse." Pag-amin ko. Kani-kaniyang buntong-hininga at mura ang narinig ko. Kagabi pa ako hindi okay at kung p'wede lang sabihin sa inyong nawawala ang kuya ko, ginawa ko na para madamayan niyo ko kaso hindi p'wede. "Pero kahit apektado ako dun, iniisip ko pa rin kung bakit hindi niyo 'ko pinapansin." Bukas pa, e. Naghahanda pa ako pero bakit pinaaga niyo? "Dahil ba 'yun dito? Kasi kung dahil 'yun dito, magiging okay ako para lang pansinin niyo 'ko. Pipilitin ko naman. Huwag niyong isipin na dahil sa pagbabalikan nila, masisira na tayo."

I'm sorry, Kuya, pero parang hindi ko yata talaga kakayanin 'yung pinapagawa mo. Wala pang isang oras pero parang hindi ko kayang hindi nila ako kinakausap.

Nilapitan ako nina Steven at Rance na nagpapatahan na sa akin.

"Ate, please stop."

"Ate..."

Umiiyak na rin silang dalawa at parang mga tanga na panay ang singhot. Kasisimula lang umiyak, nasinghot na amputek.

Ang kailangan ko ngayon ay si kuya para maitanong ko kung may iba pa bang paraan para hindi ko sila layuan kasi sobrang sakit ng ganito. Hindi ko talaga kaya. Masyadong masakit. Para akong iniwan ulit ng pamilya ko. Ayoko na ulit madurog. 

"From now on, all your business to Luna will only be about missions. If anyone goes against any of my words, you all know what the consequences will be. I don't care if your loved ones are killed. I have warned everyone and my words are enough."

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya at dahan-dahang tinanggal ang kamay nina Rance at Tev sa braso at balikat ko saka ko tinapik ang braso ni Gavin para gumilid. Ginawa niya naman kaagad ang gusto kong mangyari. Mabagal ang paglakad ko habang nakatingin kay Deth dahil sa bigat ng mga paa ko, bigat ng atmosphere na bumabalot sa kabuuan ng roomm at bigat ng tingin niya sa akin.

"A-Ano'ng sinabi mo?" tanong ko nang makalapit ako sa kaniya.

Siya ang may dahilan kung bakit hindi ako pinapansin ng mga gunggong at ng dalawang amazona?

"I said-"

"Tangina, Deth! Wala akong pake k-kung kayo-" Tiningnan ko si Elisse saka sinuri ang buong katawan niya bago muling ibinalik ang tingin sa kaniya. "Kayo ulit. Maganda siya. Babae manamit. Mahinhin. Malamang matalino rin. Siya ang unang minahal mo kaya naiintindihan kong mabilis lang kayong nagkabalikan! Ayos lang! Pero tangina, Deth, para gawin mo 'to at idamay ang mga kaklase natin?! Napakagago mo naman! Bakit kailangang masira tayong lahat dahil lang sa pagbabalikan niyong dalawa ni Elisse?!"

"I admit I had feelings for you because you make me remember Elisse. Now, that she's back, my feelings for you easily faded. I think what I felt for you was just an infatuation, not that deep to be called love," walang emosyong sabi niya saka nag-iwas ng tingin.

Nalaglag ang panga ko sa mga sinabi niya. Did he just dump his feelings for me because of Elisse's return?

Nang balingan niya ako ng tingin, umiling siya. "I didn't love you if that's what you think, you just reminded me of her. To ease the pain and forget the loneliness I felt when I finally admit to myself that I and Elisse were already done, I jumped into the idea of giving myself a chance to others...to you. Ngayong bumalik na siya, I realized na siya pa rin pala talaga."

Parang isang baldeng malamig na tubig ang bumuhos sa katawan ko sa mga sinabi niya. Napako ako sa kinatatayuan ko. Parang namanhid ang buong katawan ko. Natigil na rin ang pagtulo ng luha ko. Tila huminto talaga ang mundo ko sa mga binitawan niyang salita.

Did I really become a rebound? His feelings for me faded kasi bumalik na si Elisse? It was an infatuation?! At naalala niya ako kay Elisse? Tangina?

"Galing magdeny. Tangina," mura ni Zai.

Nice choice of words, Deth. Mahina akong natawa. "Okay." Okay, sige. Putangina. Okay na lang ang masasabi ko kahit gusto kong upakan 'tong kamatayan na 'to.

"Bullshit!" Sigaw ni Gavin. Narinig ko rin ang pagbuntong-hininga ng iba at mahinang mga mura na kumakawala sa bibig nila. Napapikit ako nang makarinig ako ng ingay ng pagkawasak ng mga bagay sa likod ko.

"Xenor! Gavin! Stop you two!" Awat ni Eunice. "Oh God."

"Talk to her in a nice way, Dark," mahinahong sabi ni Elisse habang hinihila ang kamay ni Deth.

"Pretentious," rinig kong sabi ni Stella kaya nilingon ko siya pero ang babaita, inirapan lang ako. "I'm just stating the fact."

Muli kong ibinalik ang tingin kay Deth. Nang magbaba ako ng tingin ay napansin ko ang pagkuyom ng isang kamay niya. Habang ang isa naman ay pilit niyang tinatanggal ang kamay ni Elisse sa kamay niya.

I looked up at Deth with tears in my eyes. I saw the raw emotion mirrored in his eyes. It was as if he carried my burden with him. Why do I feel like I am not the only one who is hurting here? This is his decision, right? "Sige, wala ka ng g-gusto sa'kin pero huwag namang ganito, Deth. B-bakit kailangan pang gawin mo 'to? M-magpaliwanag ka naman, oh," I sound like desperate. Mariin akong napapikit ng mga mata nang makarinig ako ng mga mura sa paligid ko. Kahit ako, gustong-gusto ko ring murahin ang sarili ko dahil sa mga ginagawa at sinasabi ko ngayon.

Dapat hindi na ako masaktan dito dahil inaasahan ko na 'to at ako ang dapat gagawa nito pero bakit napaaga? Hindi pa ako handa. Bukas pa dapat, e. Hindi ngayon. Gusto kong sulitin ang araw na 'to para makasama sila na walang napigil sa akin.

I'm at my lowest low. My brother who just came back is now missing. My classmates started to distance themselves from me and I realized na hindi ko pala kaya, clearly disobeying and breaking my word kay Kuya. Then the man I like told me that he liked me too...just because he remembered his first love with me. Nothing more, nothing less.

Nilapitan ako ni Knoxx at hinawakan ang braso ko pero kinalas ko ang kamay niya. Hindi ko naman maintindihan ang lalaking 'to. But why does he act like what's going on worries him so much? Or is this kind of an act para makuha ang loob ko gaya ng naiisip nina kuya?

Pilit akong ngumiti habang pinipilit ang sarili kong paniwalain na baka may dahilan lang siya. "Didn't I tell you that sometimes we do wrong not because we think it's the right thing. We do it because we know na ito ang makakabuti."

Tangina, sa kabila ng mga sinabi niya sa akin, bakit umaasa pa rin ako na may dahilan siya sa likod ng mga sinasabi at ginagawa niya ngayon?! Ganito na ba kalalim ang nararamdaman ko sa kaniya para ipagtanggol ko siya sa sarili ko?!

"Luna, tama na." Awat sa akin ni Gavin.

Kaninang hindi ko pinapansin sina Deth at Elisse, gusto nilang may sabihin ako tapos ngayong nagsasalita na ako, gusto nila akong awating?

Parang hindi nila ako kilala. As soon as I opened my mouth, it couldn't be easily stopped.

"Kaya please, Deth, magpaliwanag ka naman," nagmamakaawang sabi ko. Wala na akong pake sa kung anong iisipin nila. Nung namatay sina mommy, wala man lang akong nagawa para maisalba sila. Ngayong mukhang mawawalan naman ako ng pamilya, gusto kong may magawa ako. Kahit pa magmakaawa ako. Kung may dapat na dahilan ng mga nangyayari ngayon, ako 'yun dapat para ako lang ang maging problema at mamroblema. Sa ginagawa niyang 'to, siya ang sasalo ng galit ng lahat. "Sabihin mong may malalim kang dahilan dito para maintindihan kita. Namin."

"I don't have any explanations to say. I'm sorry," sabi niya saka kami tiningnan lahat. "You all know what my power is. Again, don't ever defy my words, or else your loved ones outside will be on the brink of death. This will be the last warning. Don't blame me if something bad happens to them."

Marahas akong napabuntong-hininga. Marahas kong pinunasan ang pisngi ko gamit ang likod ng kamay ko. Humakbang ulit ako papalapit sa kaniya saka hinawakan ang balikat niya at malakas siyang sinuntok sa tiyan. "Fuck you, Deth!"

"Fuck!" Daing niya na napasapo sa tiyan. Umatras naman ako.

"Oh my-" Natigilan si Elisse nang matalim ko siyang titigan. Nang bumalik ang mukha niya sa pagiging maamo ay nilingon ko si Deth na maayos ng nakatayo. Hindi ko naman makita sa mga mata niya ang galit bagkus bahagyang pagngiti ang nakita ko sa labi niya na mabilis niya naman inalis. Nang-aasar ba 'to? "No explanations? Fine. Hindi ko na sila o kayo lalapitan, pero subukan mong lapitan ako, baka mapatay kita."

"Luna!" Sigaw ng mga nasa likod ko.

Akala ko nagkatindihan na kami kagabi tungkol dito. Hindi pa pala. Malay ko bang ako pala ang gagawan niya ng mali. Eh 'di sana hindi ko siya pinaalis kagabi hanggang hindi nasisiksik sa utak niya na kailangan ng explanation sa bawat sorry na sasabihin niya.

"Lalapitan ka niya kapag kailangan, Luna," mahinahong sabi ni Elisse. Tiningnan ko siya. Natatarantang nagbaba siya ng tingin.

Mas mabuti na sigurong si Deth ang gumawa ng paraan para hindi na ako mahirapang lumayo sa kanila. I think what's happening now is good thing. Kung iisipin, mas pinadali niya para sa akin ang lahat. I should be thankful to him kahit na nasasaktan ako. Deserve niyang tanggapin ang galit ng lahat. Putangina niya.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at nagbilang hanggang sampu bago ko muling iminulat ang mga mata ko. "Iiwas ako... ako na ang iiwas. Hangga't hindi tungkol sa misyon, hindi ko sila papansinin o kakausapin kaya hayaan mo na sila kung lalapitan nila ako. Iiwas naman ako, Deth kahit sila pa ang lumapit basta ilabas na natin dito ang mga mahal nila sa buhay. Maaasahan mo 'kong tutupad ako sa mga sinabi ko just please promise me-"

"Stop it, Luna!"

"Damn it!"

"Sige." Pagpayag ni Deth. Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano. Sapat na 'to. Ito naman dapat talaga ang gagawin ko. Hinarap ko ang mga gunggong at amazona. "H-huwag niyo na sana akong pahirapan. Huwag na nating pahirapan a-ang mga sarili natin." Kinuyom ko ang kamay ko dahil sa pautal-utal kong pagsasalita na parang gustong umurong ng dila ko sa mga sinasabi ko. "Nung wala pa ako, alam kong maayos na kayo kaya sana manatili kayong ganun."

"Deth ruins what we have now, how can we be happy?" nanghihinang tanong ni Tev.

"Paano kami sasaya, ate kung kulang ng isa, ha?! Sabihin mo nga!" Sigaw ni Rance.

"This is ridiculous!" Sigaw naman ni Gavin.

Yumuko ako nang muling mag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Gustong-gusto ng katawan kong bumagsak pero ayaw kong sobrang magmukhang kawawa lalo na sa mga mata ni Deth. Mahina akong natawa saka nag-angat ng ulo habang patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko.

"Tutal lumabas na rin ang pagiging assuming ko." Tumingin ako kina Eunice at Stella. "Itinuturing niyo ba akong kaibigan? Kasi ito ang nararamdaman ko. Kung hindi, eh 'di assuming talaga ak-"

Tumalim ang tingin sa akin ni Stella dahilan para tumigil ako. Lumambot naman ang mukha niya nang hawakan siya sa balikat ni Eunice. Napabuntong-hininga siya. "Hindi ka assuming, tama ang nararamdaman mo. We're friends, gaga. And what are friendship for kung hindi kita maigaganti kay Deth?"

"Stella!" sigaw ni Zai. Galit din ang mga mata nito pero mukhang nagulat siya sa sinabi ni Stella. Delikado kasi.

"Manahimik ka, Zai!" Sigaw pabalik ni Stella kay Zai. Mahinang napamura si Zai at tiningnan si Elisse. "Kasalanan mo 'tong tangina ka. Hindi ka pa nagtatagal, grabe na agad ang nasira mo. Ikaw talaga ang malas sa-"

"Zairus!" Sigaw ni Deth dahilan para mapatahimik si Zai pero hindi pa rin naalis ang nakakamatay niyang titig kay Elisse na bahagyang nakatago na sa likod ni Deth. Ganito ba talaga siya? O gaya ng sinasabi ni Zai, mapagpanggap lang siya?

"Sumunod na lang tayo sa gustong mangyari ni Deth." Ibinalik ko ang tingin kay Deth at nginisian siya. Are you fucking satisfied? If not, then fuck you.

"You are unbelievable."

Ibinalik ko ang tingin sa mga gunggong at amazona. Pinilit kong ngumiti sa kanilang lahat. Kitang-kita sa mga mukha nila ang naghahalong inis at galit pero hindi ko hinayaang mawala ang ngiti sa labi ko. "Ayos na 'ko." Muli kong hinarap si Deth. "Ianunsyo mo na ang mga gagawin sa misyon para makauwi na tayong lahat at makapagpahinga."

Nanatiling nakatitig lang siya sa akin kaya sa huling pagkakataon ay nginitian ko siya.

Nasasaktan ako, Deth. Sobra mo 'kong nasasaktan. "I'm fine."

Sa isip ko lang dapat 'yon pero hayaan na. Alam kong wala siyang pake kung nasasaktan ako o hindi, pero may parte sa akin na gustong ipaalam sa kaniya na ayos lang ako.

"That's bullshit!" Sigaw ni Xenor sa likod ko. Nakarinig din ako ng iba't ibang reaksyon mula sa iba pa.

Nginitian niya ako. My heart jumped. Ang pogi? I mean... I felt like it was real, not a fake smile. If it was fake, my heart wouldn't jump, right? Or did it just happen because I found him handsome? Argh! What the fuck am I thinking now?! Am I still in my right mind?! 

"I'm glad to know that you're fine."

"Deth?" Wala sa sarili kong tinawag ang pangalan niya. Gusto kong murahin ang sarili ko. Bakit ko siya tinawag? Putangina mo naman, Luna!

"What?"

Bakit nga ba? Ano? Gusto kong tanungin kung totoo ba 'yung ngiti niya o nag-aassume na naman ako?

"Can I call you kamatayan for the last time?" Damn it. Napakuyom ako ng mga kamay dahil nararamdaman ko na naman ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ko.

First heartbreak. Ngayon na nga lang nagkagusto, sa lalaki pang may feelings pa sa ex kaya eto, tangina, naging rebound ang gaga. Putangina talaga!

Hindi siya umimik at nanatili lang ang tingin niya sa akin kaya hindi ko napigilan ang mga luha ko sa pagbagsak ulit nila pero pinilit kong  ngumiti. "Can I?" It was barely a whisper.

"Y-yes, you can," his voice trembled as he spoke. 

"Thank you for the box of doughnuts and milk tea last night, Kamatayan," nakangiting sabi ko saka pinunasan ang luhang kababagsak lang. Tama na, tapos na. Huli na 'tong iyak para sa kaniya. Maraming lalaki sa paligid, hindi lang siya. Tangina niya.

"Last night?" Nagtatakang tanong ni Elisse. Nanlaki ang mga mata ni Deth. Narinig ko ang mahinang tawanan sa likod ko. Mga mapang-asar.

Oh, did I step on a bomb?  I smirked and shifted my gaze to Elisse. Kawawa naman 'to. "Yeah, he trespassed my friend's house just to gave me foods dahil nalaman niyang hindi pa ako kumakain. If my memory serves me right, fifteen minutes after mag-twelve PM siya dumating." Ibinalik ko ang tingin ko kay Deth. "Ibinilin niya pa ako sa kapatid kong si Ced at sinabing he will take care of the rest. Hindi ko nga lang alam kung ano 'yung "rest" na 'yon," makahulugang sabi ko.

Mamatay ka na sanang bwesit ka! Sinusumpa ko na kung sakaling ma-reincarnate ka man, sana maging langaw ka na walang pakpak at nababalutan ng kulugo ang buong katawan.

Napatingin sa kaniya si Elisse na bakas ang kaguluhan sa mukha.

"And oh, Elisse, every time I call him "kamatayan", I always receive a very unique and flirty punishment." Dagdag ko pa. Natawa ako sa mga sinasabi ko. Tapos na akong umiyak, dapat makabawi man lang ako.

"Why are you laughing?" Kunot-nuong tanong niya.

"Dahil 'yung mga punishment lang naman ay date, hug, and kisses," nakangiti kong sabi saka ko mabilis na inalis ang ekspresyon ng mukha ko at tinarayan siya. Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon ng mukha niya. Plastic nga talaga ang bruha.

Natanga naman ako sa kaniya ng ilang minuto. Now that I stare at her for a long time, she reminds me of someone... hindi ko nga lang alam kung sino. Why do I feel like her face and modest behavior is a bit familiar to me? Nailing-iling na lang ako sa iniisip ko at tinalikuran sila saka ako bumalik sa upuan ko.

"You dropped your crown, Luna," natatawang sabi ni Eunice saka naupo na rin sa tabi ko. Sumunod naman si Stella. "Mabuti naman at tumigil ka na kakaiyak dahil tatamaan talaga kita kapag nagpatuloy ka pa sa pag-iyak.

"Huwag niyo na akong kausapin," may diin kong sabi.

"As if susunod ako sa kaniya," mataray na sabi ni Stella

Umirap naman si Eunice. "Me too."

"I will confirm something to Mr. Sarmiento. I'll be back." Paalam niya saka hinawakan ang kamay ni Elisse at inalis ito sa braso niya at naunang lumabas ng kwarto. Nilingon muna ni Elisse sina Wolf at Leo bago sumunod kay Deth. Si Chaos din ay lumabas at mukhang susundan si Deth. Wala akong narinig mula sa kaniya kanina pero kita ko ang galit sa mukha niya ngayon.

Hindi ko alam kung wala ba talagang dahilan itong ginagawa ni Deth o meron, pero with his rules, matutulungan ko na si Kuya Jasper. Hindi niya na aalalahanin ang kaligtasan ng mga gunggong na'to. Too much burden for him. Speaking of Kuya, tutulong na talaga ako mamaya sa paghahanap sa kaniya kapag wala pa ring balita sa kaniya mamaya pag-uwi ko.

"Ate?"

Hindi ko pinansin si Tev. Kahit hindi ko siya lingunin, alam kong siya ang tumatawag sa akin. Parang may kumukurot sa puso ko dahil sa malungkot na boses niya.

"Ate Luna."

Nagulat ako nang makita si Rance na nasa harap ko at nakapamaywang ito. "Wala ka pang regalo sa'kin. Sabi ko pag-iisipan ko pa at may naisip na 'ko ngayon and I want you to fulfill it."

Hindi ako umimik at nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Please huwag 'yung naiisip ko. Huwag niyo na akong pahirapan. Mapapahamak lang kayo kung didikit pa kayo sa akin.

"Pansinin mo kami kapag kakausapin ka namin," matapang niyang sabi. "We don't care kahit hindi pa ikaw ang unang magsalita basta kakausapin ka namin at kakausapin mo kami."

Gusto ko rin naman ang gusto nila pero hindi p'wede. Mas gugustuhin ko ng makita kayong nasasaktan dahil sa akin kaysa naman masaktan kayo ng RSG.

"We'll buy you boxes of doughnuts, ate." Si Tev.

"Luna, we will talk to Deth. We will try to know his fucking reasons." Si Gavin.

"Leave it to us, Luna. We'll do everything just to keep this friendship you built." Si Xenor.

I'm not the one who built this friendship we have. It's Deth, not me. Maybe I'm just kind of helping to make it stronger.

"I'll give him a punch for you, Luna." Si Knoxx.

Nilingon ko rin ang iba na nanahimik sa mga upuan nila pero ang lahat ng atensyon nila ay nasa akin.

Nagpunta na rin sa harap ko si Tev. "Ate please, huwag namang ganito. Tulungan mo kaming kumbinsihin si Deth. Huwag ka namang sumuko agad. D-Diba you always like sticking your nose into other people's business? Why can't you do that now? Let's help each other para malaman kung bakit ganun ang inaakto ni Deth."

As much I want to know his reasons, hindi ko na dapat gawin dahil mas maganda na ang nangyayari ngayon para hindi na ako mahirapan lumayo sa kanila. Deth made easy everything for me and I can't waste this opportunity.

Kapag p'wede ko na kayong ipaglaban, sana p'wede pa. Sana may pag-asa pa ako.

Tumayo ako saka umiling. Naglakad ako papalabas ng room. Sinundan nila ako hanggang makalabas ako ng room. Huminto ako sa paglalakad. "Magc-cr ako."

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Wala ng nakasunod na mga gunggong hanggang makarating ako sa cr. Ni-lock ko ang pinto saka ko isinandal ang likod ko sa pinto. Napahawak na lang ako sa dibdib ko kung nasaan ang puso nang maramdaman kong naninikip ito kasabay ng sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. Hindi ko na rin napigilan ang paghagulgol.

"I-I'm sorry, Kuya. I'm t-too weak. I'm not emotionally and mentally strong." Tinakpan ko ng kamay ko ang bibig ko para mabawasan ang ingay na kumakawala rito saka nanghihinang naupo sa sahig. "I'm sorry if ever I d-dissapoint you again, My, Dy, A-ate Rhaine. S-Sorry po."

Niyakap ko ang magkadikit kong mga binti saka ko ipinatong ang noo ko sa gitna ng magkadikit kong mga tuhod. Parang unti-unti akong nauubos. Hindi ko sila kayang harapin lalo na sina Rance at Tev.

Hindi ko dapat sa kanila ipinakita na mahina ako. Hindi dapat ganun ang mangyayari kung handa lang sana ako. Nasasaktan akong makita sina Rance at Tev na nahihirapan at nagmamakaawa. Sa kanilang lahat, alam kong 'yung dalawang 'yun ang pinakamahihirapang layuan ako pero hindi p'wede dahil baka mapahamak ang pamilya nila sa labas.

How I wish na nandito si Kuya Jasper para damayan ako... kaya lang wala siya.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko saka ko itinali ang buhok ko. Tumayo ako saka lumapit sa lababo at naghilamos ng mukha. Hinarap ko ang sarili ko sa salamin. Basang-basa ang mukha ko at namumula ang mga mata at ilong ko. Napakuyom ang mga kamay ko dahil sa itsura ko. I look like a mess. This is not good.

"This is not the right time to cry, Luna. Pull yourself together. You need to find your Kuya first before your feelings." Pagkausap ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
5.6K 184 17
Solace Bridget Marquez was naturally born to be competitive, her only goal was to work hard, do well. Losing and being defeated is not in her vocabul...
3.5K 127 14
The Love Manifesto Series #7 Sa katalinuhang taglay ni Sean, hindi na nakapagtataka na libro ang una niyang minahal at kapag mahal niya ang isang bag...
18.1K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...