Stuck At The 9th Step

De Khira1112

2.8M 94.5K 45K

Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story. Mai multe

PROLOGUE
CHAPTER 1 : GEORGE
CHAPTER 2 : DELGADO
CHAPTER 3 : ARCHITECTURE STUDENT
CHAPTER 4 : DRILL
CHAPTER 5 : WALLPAPER
CHAPTER 6 : TOWER OF PRIDE
CHAPTER 7 : FIRST GAME
CHAPTER 8 : LOOK UP
CHAPTER 9 : FALL
CHAPTER 10 : JUDGE
CHAPTER 11 : CONCLUDE
CHAPTER 12 : FLIGHT
CHAPTER 13 : INVADE
CHAPTER 14 : CONFIRM
CHAPTER 15 : DEFENSE MECHANISM
CHAPTER 16 : DON'T TELL
CHAPTER 17 : WHITE LIE
CHAPTER 18 : DARE
CHAPTER 19 : MEET AGAIN
CHAPTER 20 : TAKE A CHANCE
CHAPTER 21 : RHEA
CHAPTER 22 : NOT A GOOD GIRL
CHAPTER 23 : DREAM TOGETHER
CHAPTER 24 : PLEADING
CHAPTER 25 : THREE YEARS
CHAPTER 26 : SET UP
CHAPTER 27 : ENDS
CHAPTER 28 : SERVICE
CHAPTER 29 : RUN
CHAPTER 30 : WITHOUT ME
CHAPTER 31 : LAST STRIKE
CHAPTER 32 : COPE UP
CHAPTER 33 : NONE
CHAPTER 34 : GRADUATION
CHAPTER 35 : OLD SELF
CHAPTER 36 : PUSSYCAT
CHAPTER 37 : SITE
CHAPTER 38 : BULLET
CHAPTER 39 : MASK
CHAPTER 40 : YOURS
CHAPTER 41 : COBY
CHAPTER 42 : MAN OF MY OWN
CHAPTER 43 : HATRED
CHAPTER 44 : GET HER BACK
CHAPTER 45 : FIGHT
CHAPTER 46 : REBOUND
CHAPTER 47 : AIRPORT
CHAPTER 49 : SUCKER
CHAPTER 50 : THROW IT
CHAPTER 51 : SHINN
CHAPTER 52 : MADNESS
CHAPTER 53 : FEISTY
CHAPTER 54 : CHILDHOOD MEMORIES
CHAPTER 55 : FAULT
CHAPTER 56 : STRANGER
CHAPTER 57 : COWARD
CHAPTER 58 : CAPS
CHAPTER 59 : PHOTOGRAPH
CHAPTER 60 : SO WRONG
CHAPTER 61 : REN
CHAPTER 62 : BLESSING
CHAPTER 63 : ADJUSTMENTS
CHAPTER 64 : POINT IT OUT
CHAPTER 65 : LAUGHINGSTOCK
CHAPTER 66 : COUSIN
CHAPTER 67 : THREE CHOICES
CHAPTER 68 : COLLIDE
CHAPTER 69 : ALONE
CHAPTER 70 : GO HOME
CHAPTER 71 : LET GO
CHAPTER 72 : SET OF CHOICES
CHAPTER 73 : SELL
CHAPTER 74 : USING YOU
CHAPTER 75 : YOUR EX
CHAPTER 76 : SICK
CHAPTER 77 : CHEATING
CHAPTER 78 : INSTEAD
CHAPTER 79 : BELLAROCCA
CHAPTER 80 : TAUGHT
LAST CHAPTER : GEORGIA RANTE
LAST CHAPTER : RHEA LOUISSE MARVAL
LAST CHAPTER : COBY RAMIREZ
LAST CHAPTER : SHINN ACE ASLEJO
LAST CHAPTER : LAWREN HARRIS DELGADO
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 48 : SCHEME

27K 1K 337
De Khira1112

#SAT9S

DEDICATED TO : IA Sevialla Sasamoto

CHAPTER 48 : SCHEME

Napabangon ako nang tuluyan. "Nasa Pilipinas ka na?"

"No, dude. Rhea went to Cambridge." He answered in a sarcastic way. "Come on! Where's your common sense?"

I sighed, not in the mood to have a battle of words with him. "Si Rhea lang ang sinabihan mo na darating ka?" No doubt about that. Their closeness shouldn't be questioned.

"Nope. Ngayon ko lang din siya natawagan. Get your ass here. Feisty didn't bring a car. Isa rin 'tong walang common sense. I don't want to take a cab." Narinig ko ang pagsigaw ni Rhea sa backround na tila pinagsasabihan si Shinn ngunit pinagtawanan lang ito ng huli. "We'll wait. I won't accept 'no' for an answer. Bye."

Bumangon ako. Nagbihis ng pants at pinatungan lang ng jacket ang sando. Kinuha ko ang susi at wallet sa table saka nilisan ang unit.

Shinn is finally in the Phil. Rhea doesn't want him to be here. Ewan ko kung talagang wala siyang oras na nakalaan para rito o natatakot lang si Rhea sa maaaring gawin ni Shinn. Kung ano man 'yon ay wala rin akong ideya. Shinn told me he's going to stay here for a month but he told Rhea he'll be staying here for only five days. Mukhang may binabalak na magtagal nang hindi pinapaalam sa amin kung bakit.

Traffic at umulan kaya matagal ang usad ng mga sasakyan. Halos isang oras ang naging byahe ko bago makarating sa airport. Nang damputin ko ang phone ko sa dashboard ay nag-ring ulit 'yon.

"Ilang taon pa kaming maghihintay?" Bungad niya.

"Nagtataka ako kung bakit malakas ka na ngayon magtagalog." Lumabas ako ng kotse.

"Is it inappropriate or you're simply a racist?"

"No time left for your logical reasonings. Nasa'n na kayo?"

Narinig ko ang boses ni Rhea. Muhang inaagaw kay Shinn ang kanyang cellphone. "Hello, Coby?"

Napabuntong hininga ako nang marinig ang boses niya sa kabilang linya. "Rhea. Nandito na ako. Saan ba kayo naghihintay?"

Hindi pa siya nakakasagot ay natatanaw ko na sila kaya binaba ko na agad ang linya at lumapit sa kanila. Natanaw ako ni Rhea at kinalabit niya si Shinn na naninigarilyo. Nang makita na rin niya ako ay binuga nito ang usok pataas. Hinampas siya nang malakas sa braso ni Rhea sabay takip ng ilong dahil sa usok. Nang makalapit ako ay tinanguan ako ni Shinn.

"I got bored. Ang tagal mo."

"Ang kapal mo talaga. Ikaw na nga nang-istorbo." Pairap na sabi ni Rhea. Nang bumaling siya sa akin ay tumikhim siya. "Sorry, Coby. Si Shinn kasi puro kaartehan ang alam."

"You should've brought a car then."

"I told you I can't drive." She snapped at him. "You should've told me na earlier na ngayon ka paparating para naman hindi ako nataranta kanina."

Shinn grinned. "Feisty mode on?"

Iningusan siya ni Rhea. "Tara na nga. Hindi ka man lang nahiya kay Coby. Such a thick-faced." Muling bumaling sa akin si Rhea. "Sorry talaga. Mukhang naistorbo ka pa namin."

I cleared my throat. "It's okay." Lumagpas ang tingin ko sa mga bagahe ni Shinn. "Ilang buwan ba siya rito?"

Frustrated na napatadyak si Rhea. "Hindi ko nga alam kung bakit napakarami niyang dala."

"Hey. I'm out of place." Sumingit si Shinn. Umirap ulit si Rhea at hinila ang isang luggage ni Shinn sabay hila sa rin sa braso ko. Natawa na lang ako at binuhat ang isang malaking bag nito.

Sa sasakyan ay nakabukas ang isang bintana dahil naninigarilyo si Shinn. Walang ibang ingay kundi ang tugtog sa stereo. Ako ang nagdadrive, si Rhea ang naupo sa likod na mukhang nagngingitngit at si Shinn ang nasa passenger seat.

"I didn't know you're a smoker." Sabi ko.

"Don't preach him about that." Sabi ni Rhea mula sa likuran. "He'll die first among the three of us."

Natawa kaming pareho ni Shinn. Umiling ang huli at bumaling sa likuran. "What's your problem with me?"

"Don't ask. Isarado mo nga 'yang pinto at walang kwenta ang lamig ng aircon." Inis nitong sabi.

"That's because you're head is getting hotter each minute." Sagot ni Shinn kay Rhea bago bumaling sa akin habang sinasarado ang bintana ng kotse ko. "Dude, she's a real killjoy, don't you think?"

"You should've listened." Nakangisi kong sagot.

"Parehas lang pala kayong killjoy." Naiiling na sagot ni Shinn. "Is there any upmarket bars nearby? Let's party tonight."

"Oh, my God!" Usal ni Rhea. Lumapit siya sa likod ng upuan namin ni Shinn. "Wala ka bang jet lag? Hindi ba pwedeng i-drop ka na lang namin sa hotel nang pare-parehas na tayong makapagpahinga? I have presentation tomorrow morning."

"Killjoy. Don't you have any enjoyment here, feisty? Masmaganda pa atang nasa New Zealand ka." Sabi ni Shinn na sinegundahan ko.

"Yeah, right." Segunda ko.

"At masmaganda siguro kung nanatili ka na lang sa US kung party lang ang hanap mo." Rhea strikes back with obvious sarcasm.

"Hindi ba pwedeng mag-celebrate?"

"Presidente ka ba para i-celebrate ang pagdating mo? Tigilan mo nga ako, Shinn."

"We can tour you sa ibang araw." Sabi ko.

"I want a tour now." Pagpipilit ni Shinn.

"Punta nga tayong Luneta, Coby, at iwan na lang natin siya ro'n. Nakakainis talaga."

"What's wrong with partying? It's just a night of booze, people. I want to experience it here. You two should bend a little. Both of you are as stiff of barbeque sticks. Relax."

Invariably ,he can't hold his mouth to stop spilling offensive remarks. No wonder he could make us feel obnoxious. We can't blame him, though. That's his kind of nature.

Sa huli ay wala kaming nagawa ni Rhea kundi pagbigyan si Shinn dahil sa tindi nitong mamilit. Napapailing na lang ako.

Pagdating namin sa isang high-end bar sa Global City ay marami na ang tao. Ilang sandali lang kaming nag-usap pagtapos ay dumiretso na sa dancefloor si Shinn. Pinanuod lang namin siyang dalawa ni Rhea at tinatanaw siyang may kasayawan agad na babae.

"Hindi pa rin nagbabago." Rinig kong sabi ni Rhea kahit malakas ang tugtog. Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang sumisimsim ng lady's drink. "Still a monster who loves firewater, party music and game women."

"Ngayon niya lang din pinaalam sayo na darating siya?" I asked casually.

Tumango si Rhea. "Actually, nasa building pa ako kaya nga nataranta ako nang mag-chat siyang nasa airport na raw siya."

Natawa ako nang marahan. "And I guess, he's going to stay here longer than what he said to you."

"Nakakainis siya! Nakita mo ba yung bagahe niya? Ang dami niyang dala. Parang dito na siya sa Pilipinas titira. Sabi niya sa akin five days lang."

"Sabi niya sa akin isang buwan." I shrugged my shoulder. Rhea shrieked in annoyance while I chuckled. "Hayaan mo na. Babalik rin 'yan sa Cambridge. He's graduating. Hindi pwedeng manatili 'yan dito nang matagal."

"I hope so. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa pag-stay niya rito. Isa pa, wala talaga akong time ngayon para sa kanya. I already told him that I've got tons of work to finish. Ayaw maniwala. Ang akala niya gumagawa lang ako ng excuse para hindi matuloy ang pagpunta niya."

"Hindi mo naman mapipigilan si Shinn sa gusto niya." That reminds me of someone. Natigilan din si Rhea sa sinabi ko kaya sigurado akong nagkaro'n din siya ng ideya kung sino. Kinuha ko ang beer na nasa mesa at inunaman 'yon.

"Ang akala ko hindi ka pupunta." Pag-iiba ni Rhea sa usapan. "Ang akala ko kasi galit ka sa akin. Nag-alangan akong tawagan kaya pero ang kulit kasi ni Shinn. . ." Ngumuso siya at yumuko. "Sorry ulit."

"Hindi ko kaya magalit sayo." Huminga ako nang malalim. "Kung magalit man ako, I'm certain that I won't last a day. Isang tawag lang, wala na agad. Kagaya ngayon."

Ilang sandali ang pinalipas niya bago muling nagsalita. "Nanibago ako."

"Saan?"

"Hindi na kita nakakatext araw-araw." Ngumiti siya sa akin. "Walang ibang nangungumusta sa akin maliban sayo."

"Do I need to take it as a good sign?" I teased her.

"You may." Sumandal siya sa sofa at tumitig ulit sa dancefloor kung saan nagkukumpulan ang mga tao para magsayaw. Wala na ro'n si Shinn. "Gusto kita kumustahin kaya lang nahihiya ako. Hindi ko kayang umasta na parang walang maling nangyari. Sabi ko pa naman sayo kalimutan na lang natin pero ako pala 'tong hindi maka-get over. Again, I'm sorry."

"Don't be." Nilakasan ko ang boses ko at lumapit sa kanya para marinig niya ako. Mas lalo kasing naging maingay ang paligid at naghihiyawan na ang ibang nagsasayawan. "Eventually, makakalimutan mo rin."

Ang lakas ng loob kong sabihin 'yon samantalang parehas lang naman kaming hindi maka-get over sa nangyari. Though, masaya akong malaman na hindi lang ako ang apektado. It's mutual. Somehow, I've realized that I still have a place in her system. Yung hindi madaling makalimutan dahil kahit papaano ay nakasanayan niyang nasa paligid lang ako.

"I hope so. Let's. . .not make it a big deal." Sagot niya paglipas ng mahabang sandali.

Tumango ako. "So, how's your work? I hope you're doing well. Hindi ka naman siguro pinapahirapan ng mga Delgado. Don't mix your job to your own pleasure." Pag-iiba ko sa usapan namin.

Natawa siya. "I know that. Sanay naman ako sa bigat ng trabaho ko."

"Good to hear that. What about Ren?"

Ngumuso siya at tinitigan ang inumin niya. "What about him?"

"I thought you'll get him back? Did you change your mind?"

"Nah." Umiling siya. "Humanap lang ng magandang timing. Wala pa nga akong maisip. Lagi na lang blanko ang utak ko pag nasa paligid lang siya."

It's awkward to talk about Ren. Nakatatabang ng pakiramdam pero mukhang interesado si Rhea magkwento kaya hinayaan ko na lang siya. Wala namang mawawala kung makikinig ako sa kanya.

"Hindi niya pa rin ako pinapansin maliban na lang kung may kinalaman sa trabaho." Sabi niya pa.

"Hard to get?"

"Sinabi mo pa. Minsan, gusto ko na tusukin ang mga mata niya. Hanggang isip lang naman ako. Wala ngang ni-isang attempt. Siya, walang pakialam." Sumimsim ulit si Rhea sa inumin niya. "Ang gusto ko lang naman, yung unti-unti akong mapapalapit ulit sa kanya. Kaso siya na yung kusang lumalayo. Mag-iisip na lang siguro ako ng panibagong plano."

"Hindi manhid si Ren. For sure, alam na niya kung ano ang gusto mo."

Natahimik ulit si Rhea. Nakailang hugot naman ako ng paghinga. Gusto ko siyang tulungan pero napaka-martyr na atang tignan. Masyado na akong nagiging masokista. Hindi na magandang tignan bilang isang lalaki.

"Ayokong i-discourage ka. Mahal mo 'yan, eh." So, I kept the rest of my opinion by myself. Mahirap rin pala ang ganito. Yung pakiramdam na gusto ko siyang maging kuntento at kailangang dumating sa punto na kailangan ko siya isuyo sa iba.

"Yun lang talaga ang pinanghahawakan ko ngayon." Akmang iinom ulit si Rhea pero inilayo ko na ang shot glass sa kanya. "Tama na. Baka malasing ka na naman at mapagkamalan mo na naman akong si Ren."

Napatitig siya sa akin nang matagal. Ngumisi ako sa kanya. Paglipas ng ilang sandali ay parehas kaming natawa. Pinalo niya ang braso ko. Sumandal naman ako sa upuan at pinanuod siyang humalakhak. I should feel weary about it. Ngunit nakapagtatakang hindi gano'n ang nararamdaman ko ngayon.

Siguro ay unti-unti kong natanggap na walang pag-asa. Hanggang dito lang. Lahat ng nangyari sa aming dalawa ni Rhea ay hindi lalagpas sa linyang pangkaibigan. It sucks, yes, but I we can't do nothing about it 'til she keeps her love for Ren.

"If you need a little help, call me."

"You won't mind?" Paninigurado niya.

"Of course, I'll mind but only for a few seconds. Kailan ba kita natiis?"

She giggled. "Sabi mo 'yan, ha?"

Napahaba ang usapan namin at hindi na namin namalayan ang oras. Nang humikab si Rhea ay saka lang ako natauhan. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Shinn. Nasaan na ang taong 'yon? Damn it.

"Inaantok ka na ata." Sabi ko. Hindi ko makita si Shinn.

"Yeah. Nasa'n na ba si Shinn? Grabeng taong 'yon. Hindi ata napapagod. Sana hindi na siya magising bukas."

Tatayo na sana ako para hanapin si Shinn nang sakto itong dumating. Binagsak ang katawan sa upuan at medyo hinihingal. Kumuha ng isang stick ng sigarilyo sa pack at nagsindi.

"Where have you been?" Tanong ni Rhea. Napailing na lang ako dahil may ideya ako kung saan.

"Comfort room."

"Ang tagal mo naman! Did you vomit? Dami mo sigurong nainom." Puna ni Rhea.

"I had a quicky with a hot girl."

Nalaglag ang panga ni Rhea at napabuntong hininga na lang ako. Wala talagang preno ang bibig ng taong 'to. Well, everybody should get used to his unfiltered mouth.

Madaling araw na nang makauwi kami. Inihatid namin si Shinn sa isang hotel pagtapos ay hinatid ko si Rhea sa bahay nila.

"Bakit hindi mo na lang dito patuluyin si Shinn?"

"Papa will freak-out."

"Why? Kilala niya naman si Shinn, di ba? Kaibigan din siya ng mga kuya mo."

"Kahit na. Ayoko rin."

Natawa ako. "So, ikaw talaga ang may ayaw?"

Ngisi lang ang sinagot niya sa akin bago binuksan ang pinto. "Goodnight, Coby."

"Goodnight."

The next day, maagang natapos ang trabaho ko. Inistorbo na naman ako ni Shinn sa pagtatanong kung may alam ba akong security agency.

"Why?"

"Don't throw further questions."

"Wala akong alam na gano'n. Para sa'n ba? Maghahire ka ng bodyguards o may ipapatrace kang tao?"

"Both." Iyon lang at ibinaba niya na ang linya. Hindi ko alam kung ano ang problema ng tong 'to. Nang ipaalam ko 'yon kay Rhea sa telepono ay tinawanan niya lang.

"Ang feeling niya kasi isang royalty. Ang kapal talaga." Sagot niya na nagpatawa rin sa akin.

"Baka naman kailangan talaga?"

"Ewan ko ba sa kanya. Ang dami niyang gustong gawin. Gusto niya raw mag-beach total naman summer na rito. Wala naman akong time magbakasyon."

"That's unbelievable. Isang paalam lang kay Tito Loren, paniguradong pagbibigyan ka kaagad no'n."

"I don't want to push my luck. Baka masabihan pa akong abuso. Saka, Ren took over dahil pumunta sa Spain si Tito Loren. So, sa kanya ako magpapaalam. Hindi ko alam kung mapapayagan ako."

Sumandal ako sa swivel chair. "Any progress?"

"Saan?"

"Sa plano?"

"Unfortunately, wala. Nakakafrustrate na nga."

Nakamanghang isipin na maluwag ang klase ng pag-uusap namin ni Rhea kaysa sa dati. I don't know if she's just acting or what but I guess, hindi na siya madaling bumigay. Dati ay walang araw na hindi siya umiiyak. Ngayon, nailalabas niya na ang mga hinanakit niya nang hindi nagmumukhang kawawa. Just like Shinn's endearment to her, feisty.

Hindi ko na rin iniisip ang sarili ko. Bahala na. I'll just go with the fate's path and see where it will lead us. Hindi lang naman ako ang may walang kasiguraduhang kahahantungan. Even Rhea, gaano man siya katapang ngayon. Even Ren, gaano man katigas ang paninindigan niya sa bagong girlfriend niya.

What happened to Shinn? Napilitang maglibot mag-isa dahil parehas kaming busy ni Rhea. Nagpapakasawa ata gabi-gabi sa bar ang taong 'yon. Hanggang sa nalaman nalang namin ni sumali siya sa Triathlon sa Nuvali.

"Loosen up, people. That's going to be fun. Masyado kayong mga workaholic." Nagkatinginan kaming dalawa ni Rhea dahil namimilit na naman si Shinn na sumama kaming dalawa hanggang sa napapayag kami at hindi na nakatanggi.

Ako lang ang humabol sa pag-register sa Triathlon.

"For moral support lang ako, ha?" Sabi ni Rhea nang pababa kami ng van. Madaling araw palang. 7 pa ang start. Sa likod ay ang dalawang mountain bikes na gagamitin namin ni Shinn. Tinuro niya sa akin ang direksyon ni Shinn na naninigarilyo na naman. "Sabihin mo nga sa kanya, ipapakain ko sa kanya 'yang sigarilyo niya. Kunwari pang sporty, hindi naman healthy living."

Napalingon ako kay Rhea. Hindi mapigilang mamangha sa klase ng pagsasalita niya. Natawa na lang ako at napailing. Ginulo ko ang buhok niya.

Isa't kalahating oras ang hinintay namin bago kami pumunta sa starting point. Inayos ko ang suot kong gears habang si Shinn ay sumakay na sa bike niya.

"First time?" Tanong sa akin ni Shinn habang nakatingin sa ibang direksyon.

"I've joined bicycling, marathon and swimming tournament. Hindi nga lang sabay-sabay." Ang tingin ata sa akin ng isang 'to ay hindi banat ang katawan. Sumakay na rin ako sa bike ko.

"Good. Let's have a bet then." Kunot noo ko siyang nilingon. Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. "If you finished first, I'll help you to get Rhea. If I finished first, you'll join my scheme."

"What scheme?" Tanong ko.

"Make Rhea's ex suffer." He grinned. "In a hard way." Napabuntong hininga ako. Sinasabi ko na nga ba at may balak siya sa pagpunta niya rito. Nakapagtataka lang na hindi niya naman kilala si Ren pero kung umasta siya ay parang sa kanya may atraso. Dahil lang do'n kaya siya nandito sa Pilipinas o may iba pang rason?

Hindi ko na lang sana papansinin dahil parang dehado naman ako sa dalawang choices. Hindi ko kailangang seyosohin ang pagkikipagpustahan niya.

"Take it seriously." Dagdag niya na tila nabasa ang nasa utak ko. "I'm not your only competitor here. Look behind you."

Nang lumingon ako sa likod ay nakita ko ang nais iparating ni Shinn. Nando'n si Ren. Kinakabitan ng helmet ng girlfriend niya. I suddenly gained a vast desire to win.

Continuă lectura

O să-ți placă și

204K 4.4K 54
"Meron ka bang crush? Nagugustuhan? Subject of your kilig? 'Yung taong araw-araw laman ng mga pantasya (wholesome man or not) mo? 'Yung pinapangarap...
225K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1M 32.9K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...