Ditto Dissonance (Boys' Love)

By JosevfTheGreat

920K 31.5K 20.8K

[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but... More

DISCLAIMER
Ditto Dissonance
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter 1
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part One)

Chapter 64

7.9K 304 217
By JosevfTheGreat

Chapter 64: His Ways

#DittoDissonanceWP

Surprise! May update agad :) May group page ang ditto dissonance sa facebook, nasa message board ko ang link! sali na kayo :)

DON'T FORGET TO VOTE GUYSSS! THANK YOU AND ENJOY!

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Tahimik lang ako habang kumakain kami nina Leroy at Ashton. Wala akong karapatang malungkot ngayon dahil kasalanan ko naman 'to. Kung ano-anong ginawa ko kagabi. Kaya ko namang umakto nang maayos, kaso may tama na rin kasi ako ng alak kaya kahit alam ko ginagawa ko, hindi na ako nakapagiisip nang tama.

Napabuntonghininga ako. Ano kayang gagawin ko? Parang ayaw akong kausap ni Caiden. Hindi naman na ako dapat siguro nago-overthink, 'no?

"Bakit ang lalim ng paghinga mo, Zern?" Sabi ni Ashton na nasa tabi ko kaya napatingin ako sa kaniya.

Bahagya akong napasimangot. "Feel ko galit sa akin si Caiden. . . tinamaan kasi ako sa ininom namin kagabi. Kung ano-anong nasabi ko sa kaniya. Sinabi niyang inaaya siya ni Titus magsine ngayong araw na 'to, tapos kung ano-anong pinagsasasabi kong pang-asar sa kaniya. Hindi naman siya mukhang naasar, pero. . . ang nakakabwisit kong ginawa-iniwanan ko siya ro'n. Sumakay ako ng taxi bigla dahil akala ko susunod siya," sabi ko at muling humugot ng malalim na paghinga.

"Lasing ka na nga no'n, Zern," sabi ni Ashton.

"At saka baka kasi naging comfortable ka na masyado kay Caiden, kaya no'ng may tama ka na ng alak, mas lumabas 'yung kabaliwan mo," sabi ni Leroy.

Mas lalo akong napasimangot. "Pero kahit na, mali pa rin 'yung ginawa ko. . . natatakot akong baka ayaw na ako ni Caiden," sabi ko.

Mahinang natawa si Leroy. "Baliw. . . hindi 'yan. Ang babaw naman ni Caiden kung gano'n. Tingin mo gusto niyang nago-overthink ka?" Sabi ni Leroy.

Kinunotan ko ng noo si Leroy. "Bakit kanina sinasabi mo iwanan ko na si Caiden at maghanap na lang ako ng bagong lalaki?" Sabi ko.

Nagkatinginan sila ni Ashton. Napalunok si Leroy at awkward na tumawa. "Wala lang. . . trip ko lang sabihin. Masama bang magpayo?" Sabi ni Leroy.

"Nakakainis ka naman, Leroy. Nalulungkot na nga ako. Pinagti-trip-an mo pa ako. Porket ba first relationship ko 'to, pinagtatawanan mo na ako? Mukhang kasabwat mo pa si Ashton dahil nakita ko kayong nagtinginan," sabi ko.

Sinimangutan ko silang dalawa.

Maagap na umiling si Ashton. "Hindi, ah! Kung anuman 'yung sinabi ni Leroy sa 'yo, hindi ako kasali ro'n. Alam mo namang baliw 'yan si Leroy, kung ano-anong sinasabi," pagpapaliwanag niya.

Lumipat ang mga mata ko kay Leroy. "Grabe ka naman, Leroy. . . kaibigan mo ako. Hindi ko na nga alam gagawin ko dahil baka galit talaga si Caiden sa akin, tapos pinagti-trip-an mo pa ako," sabi ko at binalingan ang pagkain ko.

"Para ka kasing gago. . ." bulong ni Ashton kay Leroy.

Nag-angat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Ngumiti agad si Ashton sa akin.

"Pabayaan mo na 'yan si Leroy, Zern. Alam mo namang sobrang random niyan, e. 'Wag ka ng malungkot. . ." maamong sabi ni Ashton 'saka kinuha ang kamay ko para marahan 'yon pisil-pisilin.

"Sorry, Zern. Ang hyper ko kanina. Hindi kita naisip at kung ano-ano lang ang sinabi ko. Pero now. . . ang maa-advice ko sa 'yo, hintayin mo lang si Caiden. Feel ko naman kakausapin ka no'n. Baka nagpapahupa lang ng galit," sabi ni Leroy at ngumiti rin sa akin nang maamo.

"Ipagpapaalam ka na lang namin kay Jopay. Tapos mag-mall na lang tayo para hindi ka na malungkot, hmm?" Sabi ni Ashton habang tuwid ang mga mata sa akin.

Unti-unti akong napatango at tipid na ngumiti. "Sige. . . para malibang din siguro ako. Feel ko hindi ako makapagtatrabaho nang maayos," sabi ko.

Mahina namang pumalakpak si Leroy. "Yehey! Kain tayo ng ice cream?" Sabi niya.

"Oo nga, ano pang gusto mong kainin?" Sabi ni Ashton habang mas malawak nang nakangiti sa akin.

Unti-unti na ring lumawak ang ngiti ko hanggang sa mahina na akong natawa. "Thank you, guys. . . nalulungkot kasi talaga ako na hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko naiipon 'yung luha sa mga mata ko dahil ayaw kong umiyak ako," sabi ko.

Pumalatak si Ashton at umiling. Iginiya niya ako palapit sa kaniya para umurong pa ako. Sinunod ko ang gusto ni Ashton 'saka niya ako inakbayan. Isinandal niya ang ulo niya sa ulo ko habang marahang hinihipo ang balikat ko.

"Don't worry. . . you'll be fine. Makakapag-usap kayo ni Caiden. Promise. . . mag-sorry ka na lang nang maayos sa kaniya. For sure maiintindihan ka naman niya," bulong ni Ashton kaya napangiti ako.

"True. . . kaya 'wag ka ng malungkot. Paano tayo makakapag-mall niyan, kung malungkot ka! Paano kung makita natin si Jollibee sa labas ng Jollibee?" Sabi ni Leroy 'saka tumawa.

"Tsk! Ayan ka na naman, Leroy. Tigilan mo nga 'yang kung ano-anong sinasabi. Baka mamaya mas lalong overstimulate si Zern. Sapat na 'yang nakangiti ka, 'wag ka ng magsalita," sabi ni Ashton kaya mahina akong natawa.

Sumunod naman si Leroy at kumain na lang habang nakanguso sa sinabi ni Ashton. Gumaan na rin naman ang pakiramdam ko at sinabayan na rin namin ni Ashton si Leroy kumain.

For now, hindi ko na lang muna io-overthink. Tama si Ashton, kakausapin ako ni Caiden. May tiwala naman ako sa kaniya at na-remind ako na ayaw nga pala ni Caiden na nago-overthink ako tungkol sa amin. Mas kailangan kong maniwala kay Caiden kaysa sa mga kung ano-anong sinasabi ng isip ko.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

'Pagkatapos kumain, nagpahinga lang kami saglit bago dumeretso sa Tafiti's. Gamit namin 'yung payong na ipinahiram ni Caiden kay Leroy. Hindi na niya binalik. Baliw talaga 'to si Leroy.

Kinuha nga ni Ashton 'yung payong, nagpanggap siyang papayungan kami. Pero ang pinayungan niya lang ay kaming dalawa at hinayaan niyang nabibilad si Leroy.

Bago kami tuluyang pumasok sa Tafiti's, nilingon ko pa ang Ginto's. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Sana maging okay naman ang sitwasyon namin ni Caiden. Simpleng misunderstanding lang 'to, pero. . . puwede rin kasi 'tong mag-grow sa mas malalang problema. Kaya dapat mas maayos 'to.

Napanguso ako nang nauna si Leroy sa akin para kaharapin si Jopay sa counter. Sobrang desidido naman nito ni Leroy mag-mall. Talagang hindi niya kayang maghintay ng free day namin.

"Hi, Jopay. Do you accept Zern as your friend?" Bungad ni Leroy.

Mahinang natawa si Jopay. "I do," sumagot din naman si Jopay.

"By that answer, do you allow him to go with us to the mall and cover his shift for today?" Sabi ni Leroy at mas pinatunog niyang para siyang pari.

Natawa na ako at nag-angat ng tingin kay Ashton. Pinipigilan niyang matawa. Nakakahalata na ako talaga. May plano 'tong dalawang 'to. Ang unusual na mag-aaya si Leroy mag-mall at kasabwat pa niya si Ashton.

"I do, po," sabi ni Jopay at pinatunog niya rin 'yon lalo na para siyang isang bride na kinakasal.

"O sige, thank you, Jopay! 'Wag kang mag-aalala, bibili kami ni Ashton dito ng mga limang latte," casual na sabi ni Leroy, breaking his priest character.

Tumango-tango naman si Jopay habang nangingiti. "Okay, ingat kayo. Hay nako, kayo talaga kung ano-anong mga iniisip ninyo," sabi ni Jopay.

Nag-flying kiss lang si Leroy sa kaniya at mabilis akong kinapitan sa braso para kaladkarin sa labas. Grabe. . . ang bilis ng pangyayari. Parang walang kahirap-hirap. Hindi ko tuloy ma-process nang mabuti lahat. Basta may nararamdaman lang akong kakaiba.

"O 'di ba? Sabi sa 'yo maniwala ka lang sa akin, ako ang bahala sa 'yo," sabi ni Leroy at inagaw kay Ashton ang payong para payungan kaming dalawa.

Napanguso ako nang nakatutok si Ashton sa phone niya at nag-aalala ang mukha niya nang balingan kami.

"Ler, mauna na kayo ni Zern. Pinapatawag ako sa office, ni-report kasi namin 'yung kong ka-group kasi hindi tumutulong. Kakausapin kami no'ng professor at no'ng magulang no'ng ka-block ko," sabi ni Ashton.

"Ha? Ampangit naman, kaming dalawa lang ni Leroy magmo-mall?" Sabi ko.

Umiling si Ashton. "Hindi, susunod ako, Zern. Syempre, hahayaan ba kitang mag-isa kasama 'yan si Leroy? Baka mas lalo ka pa niyan i-discourage," sabi ni Ashton.

"Ang kapal naman ng mukha mo," masungit na sabi ni Leroy at pabirong inirapan si Ashton.

Mahinang tumawa si Ashton. "Sige na, pumunta na kayo ro'n. Mauuna na ako. Chat ko kayo kapag papunta na ako para mahanap ko kayo agad," sabi ni Ashton.

Tumango-tango. "Sige, Ashton. Sunod ka, ah? Gusto ko kayong dalawa ni Leroy kasama ko," sabi ko at bahagyang sumimangot.

Maamong ngumiti si Ashton 'saka inabot ang pisngi ko para marahang pisilin 'yon. "Oo, susunod ako. Sad ka naman agad, e. . ." malambing na sabi ni Ashton.

Nagmamadali ng umalis si Ashton. Baka emergency talaga 'yon. Napabuntonghininga ako nang hindi na namin natanaw si Ashton.

"Tara na? Susunod 'yon si Ashton. 'Wag kang malungkot agad," sabi ni Leroy 'saka ako inakbayan.

Tumango ako kaya ngumiti si Leroy 'saka kami naglakad na. Nalungkot lang ako nang kaonti dahil. . . hindi naman kasi kami basta-basta iiwanan ni Ashton nang gano'n. Pakiramdam ko tuloy. . . hindi na naman umaayon sa akin 'yung mga nangyayari kaya kahit papaano nahihirapan akong i-process.

Sumakay na kami ni Leroy ng tricycle papunta sa mall malapit sa highway. Tirik na tirik ang araw kaya hindi na rin ako makapaghintay makapasok sa mall.

Katamtaman lang ang dami ng tao nang makarating kami ro'n. Nakahinga rin ako nang maluwag dahil nakaramdam na ako ng lamig.

Napatingin ako kay Leroy nang nakatutok siya sa phone niya habang naglalakad kami.

"Nag-chat na si Ashton?" Sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

Tumango siya. "Oo, sabi niya nando'n na siya sa office. Susunod na raw siya maya onti. Pinapasabi niyang 'wag ka na raw malungkot," sabi ni Leroy at itinabi na agad ang phone niya.

Napangiti ako. "Sige, sumunod siya kamo. Hindi puwedeng hindi. Magtatampo ako kapag hindi. . . pero saan ba tayo pupunta, Leroy? Anong plano mong gawin dito? Hintayin ba muna natin si Ashton?" Sabi ko.

Umiling si Leroy. "Hindi na. Mauna na tayo. Nakapag-book na ako ng seats natin," sabi niya.

"Seats? Para saan? May concert ba ngayon?" Sabi ko.

Humalakhak si Leroy. "Baliw, manonood tayo ng sine. Humabol na lang si Ashton dahil hindi naman siya hihintayin ng sinehan," sabi ni Leroy 'saka umirap.

"Ah. . . okay. Manonood din kasi ng sine si Caiden pati si Titus. Kaso hindi ko alam kung saang mall. Hindi niya nabanggit," sabi ko at napanguso.

Bumuntonghining ako para hindi na mag-overthink. Enjoy-in ko muna 'tong moment na 'to para mamaya ay maayos na 'yung pakiramdam ko kapag nag-usap na kami ni Caiden. Needed this to clear my head out din.

"Oo nga, nabanggit mo kanina. Baka sa ibang mall 'yon sila, kasi mas gusto siguro ni Caiden na hindi mo siya makita rito. Siguro gusto niya ring i-clear din muna ang isip niya bago kayo mag-usap," sabi ni Leroy.

"Sabagay. . ." sabi ko at muli na namang napabuntonghininga.

Dumeretso kami ni Leroy sa third floor dahil nando'n ang cinema. Marami-raming tao sa floor na 'to, baka maraming manonood ng sine. Hindi ko naman alam kung anong showing.

"Ano bang papanoorin natin, Leroy?" Sabi ko habang naglalakad kami papunta sa bilihan ng popcorn.

Humalakhak siya. "Kung Fu Panda 4. Ito lang bet ko, kaya 'wag kang magreklamo," sabi ni Leroy.

Natawa rin ako't tumango-tango. "Okay lang, gusto ko rin 'yan. Sayang naman hindi masisimulan ni Ashton," sabi ko.

Mahaba ang pila sa bilihan ng popcorn kaya pumila na kami agad.

"Zern, gusto ko ng CoCo. Ikaw, anong gusto mong drinks? Bibili rin ako ng fries sa Potato Corner," sabi ni Leroy.

"Sige, Jasmine Green Tea sa akin. Pahingi na lang ako no'ng fries mo," sabi ko.

"Okay. Pumila kana diyan. Ikaw na bumili dahil ako na ang bumili ng ticket nating tatlo. 'Wag kang sobra," sabi ni Leroy.

Humalakhak ako. "Sige, akin na 'yung ticket. Anong oras ba magsisimula?" Sabi ko.

"Alas-dos pa naman kaya makakabili pa tayo ng food," sabi ni Leroy 'saka iniabot sa akin ang isang ticket.

Nagtaka pa ako dahil printed 'yung ticket, baka online nag-book si Leroy. Ike-claim ko na lang mamaya sa counter 'yung pinaka-ticket ko. Si Leroy nalang bahala mag-claim nung kanila ni Ashton. Hindi niya binigay sa akin, e.

Tumango ako. "Sige, Leroy. Chat mo ako if ever na maraming tao sa Potato Corner para puntahan na lang kita if ever," sabi ko.

Nag-thumbs up siya 'saka ako tinalikuran.

Sinilip ko kung ilan pang tao ang nasa harapan ko. Lagpas lima pa 'to. Sana hindi naman matagal. Mainipin pa naman ako baka kapag nainip ako, iba na lang bibilhin kong pagkain.

Ilang minuto pa ang lumipas. Nakarating na ako sa unahan. Um-order ako ng spicy barbeque at cheese dahil 'yon ang paborito naming tatlo. 'Yung pinakamalaki na binili ko kasi ang takaw-takaw ni Leroy.

'Pagkatapos kong bumili, gumilid muna ako malapit sa bilihan ng Belgian Waffles. Kinuha ko ang phone ko't chinat si Leroy. Sinilip ko rin ang group chat namin pero wala namang chat do'n. Nag-deliver na rin ang chat ko kay Caiden kanina pero hindi niya 'yon sini-seen.

Hinintay ko si Leroy hanggang sa fifteen minutes na lang maga-alas-dos na wala pa rin siya kaya tinry ko ng i-ring ang phone niya, pero hindi 'yon nagri-ring. Tinry ko rin tawagan si Ashton pero hindi rin 'yon nagri-ring.

Nagsimulang bumigat ang dibdib ko. Anong nangyayari? Bakit hindi sila sumasagot. Chinat ko ulit sina Leroy at Ashton pero hindi nagde-deliver 'yung chat ko sa kanila.

Binasa ko ang labi ko't bumuntonghininga. Ipinasok ko ang phone sa bulsa ko. Pupuntahan ko na lang si Leroy sa Potato Corner at sa CoCo.

Akmang aalis na sana ako sa puwesto ko nang nakita ko si Caiden na nasa entrance ng cinema. May hawak siyang popcorn at nakatungo sa phone niya. Bihis na bihis siya.

Bahagyang nangunot ang noo ko dahil parang bagong gupit siya. Naka undercut fade ito. Nahalata ko dahil nakapirmi ang buhok niya palikod habang may naiiwanang kakaonting buhok sa noo niya. Guwapo. . . bagay sa kaniya.

He's wearing a light nude jacket that hugs his body tightly and perfectly suits him. Underneath is a white closed-neck shirt. He's even wearing a necklace, pero hindi ko gaano makita kung anong pendant no'n.

Naka-tacked in ang shirt niya sa beige trousers partnered with brown leather shoes.

Umawang ang mga labi ko habang nakatitig sa kaniya. I never seen him this stylish. Sigurado ba siyang si Titus ang kasama niya? Bakit sobrang bihis na bihis siya? Hindi naman siguro. . . nagchi-cheat si Caiden, 'di ba?

Parang tumigil saglit ang paghinga ko nang may lumapit sa kaniyang babae. Naka-crocheted long white dress 'yon. Ngumiti si Caiden sa kaniya at saka may sinabi 'yung babae.

Nangunot ang noo ni Caiden 'saka inilapit ang tainga niya sa babae dahil hindi niya ata 'yon narinig. Tumango-tango naman si Caiden nang inulit 'yon no'ng babae 'saka nagsalita.

Ngumiti naman 'yung babae 'saka bahagyang nag-bow. Naglakad papasok sa cinema 'yung babae. Ah. . . nagtanong lang ata? Putangina. Akala ko naman. . . tangina naman. Parang malalagutan na ako ng hininga rito.

Sinundan ng tingin ni Caiden 'yung babae at saktong nagtama ang mga mata namin. Bumaba ang tingin niya sa hawak ko bago niya binasa ang kaniyang labi.

Napalunok ako nang naglakad siya papunta sa akin. Hindi ko magawang gumalaw o kumurap. Nananatili lang ang mga mata ko sa kaniya. Anytime. . . para akong sisinukin.

"You have a date?" Panimula ni Caiden sa akin.

Muli akong napalunok dahil mas nadepina na ngayon kung gaano siya kaguwapo ngayon. Hindi rin nakaligtas sa akin ang panlalaki niyang amoy. Hinayaan kong nakaawang ang mga labi ko para makahinga ako nang maluwag.

Umiling ako. "Uh. . . ano. . . nasabi ko sa 'yo na inaya ako ni Leroy magsine. Hinihintay ko siya. Bumili kasi siya sa CoCo pati sa Potato Corner," mahina kong sabi.

Umigting ang panga niya at deretso ang tingin sa mga mata ko. Napalunok na naman ako. Ngayon ko lang din naramdaman na malakas na pala ang pagkalabog ng dibdib ko.

"I-ikaw? Nasaan si Titus?" I tried not to stutter.

He licked his lips. "Bumili rin ng pagkain. Hindi na siya nagre-reply. Kapag hindi pa siya dumating, mauuna na ako pumasok," sabi ni Caiden.

Tumango-tango ako at wala ng maisip na itanong. Nagsimula na akong mailang lalo dahil hindi inaalis ni Caiden ang paninitig niya sa mga mata ko. Ang hirap na tuloy sabayan. . . ang guwapo niya masyado.

Kumurap-kurap ako't nag-iwas ng tingin. Patago akong naghagilap ng hangin. Sakto namang naamoy ko ang nilulutong Belgian Waffle kaya nakatulong 'yon para maligaw ang senses ko.

"Nagsisinungaling ka ba sa akin? Bakit para kang kinakabahan? May ka-date ka, 'no?" Sabi ni Caiden kaya mabilis akong napalingon sa kaniya.

"Ha. . .?" Nakasimangot kong sabi. "Wala, ah! Promise. Inaya ako ni Leroy. Hinihintay din namin si Ashton kasi may emergency siyang pinuntahan sa office. Hindi ako makikipag-date sa iba, Caiden," I explained helplessly.

Napalunok siya't binasa ulit ang mga labi. "Why are you tensed then? Para kang may tinatago?" Sabi ni Caiden.

Umiling ako. "Wala naman. . ." sabi ko at napasimangot na lalo dahil natatakot ako sa boses ni Caiden. Sobrang seryoso niya at nakaka-intimidate 'yung aura niya. Nakakadagdag pa 'yung sobrang guwapo niya ngayon.

"Kung wala kang ka-date ngayon, why are you looking so cute right now?" Bahagyang nakakunot ang noo ni Caiden 'saka sinilayan ang suot ko.

"Ha. . .?" Malamya kong sabi 'saka tiningnan ang damit ko.

Nakasuot lang naman ako ng white sweater na may brown bear na design sa gitna. Tapos nagsuot din ako ng white polo sa ilalim at hinayaan kong nakalitaw ang collar no'n. Plus, faded jeans and white sneakers. Usual ko lang naman 'tong damit.

"Lagi naman akong ganito magdamit. . ." sabi ko habang nakasimangot pa rin.

Mula sa mga mata ko bumaba ang tingin niya sa labi ko, pero mabilis niya ring ibinalik ang tingin niya pabalik sa mga mata ko.

"Anong panonoorin ninyo?" Biglaan niyang tanong.

"Kung Fu Panda 4. Ito raw 'yung gusto ni Leroy," sabi ko at kinuha ang ticket ko sa bulsa.

"What's your seat?" Maagap na tanong ni Caiden.

"Hmm. . . L15," sabi ko.

Umawang mga labi ko nang kinuha ni Caiden ang ticket niya sa bulsa 'saka 'yon iniabot sa akin.

Nangunot ang noo ko nang nakita kong Kung Fu Panda 4 din ang panonoorin niya at L16 ang seat niya.

Mabilis akong nag-angat ng tingin kay Caiden habang nananatiling gulat ang mukha. Maaliwalas na ang ekpresyon niya kumpara kanina.

"Tabi tayo?" Gulat kong sabi.

Binasa niya ang labi niya. "It's almost 2, let's get inside. . ." sabi ni Caiden.

"Ha. . .? E paano si Titus? At saka hinihintay ko pa si Leroy," sabi ko.

"They're not coming. So, we should go inside," sabi ni Caiden at inilahad ang kamay niya.

"Ha. . .? A-anong hindi na sila darating?" Nakakunot-noo kong tanong.

Mahina siyang natawa 'saka lumapit sa akin. Marahan niyang pinisil ang tuktok ng ilong ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

He smiled sweetly. "It means we are having a date, silly. . ." he whispered huskily.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

Kumagat ako sa kinakain kong snickers habang hinihintay mag-reply si Leroy. Mayamaya pa naman ata matatapos si Zern kaya may time pa ako para i-polish ang plano ko para bukas.

Leroy:

Sige teh. Kausapin ko si Jopay pero kausapin mo din kasi baka sabihin ginagamit pa kita para maaya si Zern lumabas.

Caiden:

Sige, bukas. 10 pa pasok nyo bukas diba? Aabangan ko si Jopay sa Tafiti's bago magbukas, okay lang kahit malate ako sa klase ko. Tapos magpapagupit din ako para gwapong gwapo.

Leroy:

Desidido ka talagang bumawi kay Zern ha HAHAHAHA talagang nageffort ka itype yung buong nangyari kanina para pumayag ako sa plano mo

Caiden:

Syempre baby ko yon e.

Leroy:

Yuck, oh tapos. Ano pang gagawin ko?

Caiden:

Kausapin mo din si Ashton tungkol dito para hindi kayo mabisto. Tapos pag nagkita na kayo ni Zern bukas, kung ano-anong sabihin mo para ma divert yung isip niya kung saan saan. Pero wag mong ipahalata, natural lang

Leroy:

Sige HAHAHA ako na bahala diyan. Kaso paano mo masusurprise si Zern sa mall kung hahanapin ka niya? Kasi pag nag lunch, hahanapin ka non or kahit pag umaga. Gumawa ka kaya ng way para mag-away kayo HAHAHAHA pero wag malalang away.

Caiden:

Oo nga no. For sure hahanapin ako non pala. Iisipin ko muna yan, Leroy. Ayaw ko kasing nag ooverthink yun, e. Kaya isipin ko muna

Leroy:

Sige tapos sabihan mo ko para hindi ako mawala sa script ko bukas HAHAHAHA. Tapos pala, basta aayain namin si Zern mag mall? Then kunwari ipagpapaalam ko siya kay Jopay, pero ang totoo ikaw na ang unang nakapagpaalam kay Jopay? Tama diba?

Caiden:

Oo, sasabihin ko mamaya kay Zern na magsisine kami ni Titus. Kaming dalawa lang. Kaya magrereact yon for sure. Nasabihan ko naman na si Titus. Ang kondisyon niya lang, papayag syang gamitin ko ang pangalan niya pero hindi talaga siya actual na magiging present don HAHAHA

Leroy:

Ano ba yan panira HAHAHA pero ikaw na bahala diyan sa part na yan. Basta ang kailangan mo na lang gawin, malagyan mo ng tapal yung hindi ka niya dapat hanapin bukas. Basta emehan mo lang, yun kunwaring away lang para hindi gaano malungkot si Zern

Caiden:

HAHAHA sige. Kaya ko na yun kay Titus. Pwede naman syang hindi talaga sumama. Basta kailangan nasa mall na ako bago matapos yung klase nyo. Ayain nyo muna mag lunch si Zern kasi baka magutom, tapos tsaka nyo dalhin sa Tafiti's. Then deretso na kayo sa mall.

Leroy:

Sige, naisip ko din na after namin ipagpaalam si Zern kay Jopay. Kunwari may emergency si Ashton kaya siya eexit. Kaya kami nalang ni Zern pupunta sa mall, tapos iiwanan ko siya sa sinehan. Siguro habang bumibili ng popcorn or mismong sa sinehan ko na siya iiwanan. Kunwari magCR ako or bibili ng drinks tapos don kana umeksena HAHAHAHA kunwari hinihintay mo si Titus. Its either may binili din or otw na HAHAHAHA

Caiden:

HAHAHAHA what the hell, you're a genius. Sige, magbook na ako ng ticket namin tapos ipapa-print ko then kita tayo bukas para bigay ko sa 'yo 'yung kay Zern. Si Zern lang bibilhan ko ah, ipapa-photocopy ko na lang 'yung sa inyo ni Ashton para kunwari may ticket kayo.

Leroy:

Sige, sasabihan kita pag andon na kami sa mall para makapwesto kana. Go HAHAHAHA isip ka na ng pwedeng pag awayan

Caiden:

HAHAHA sige, Leroy. Salamat!

Leroy:

Go lang basta para kay Zern HAHAHAHA tangina mo, sweet lover boy ang peg.

Magre-reply sana ako nang biglang nag-ring ang phone ko. Zern's calling. Mabilis ko 'yon sinagot at ako na rin ang nagbungad. Mahina pa akong natawa dahil may pagkatunog lasing na ang boses niya. Marami atang ininom.

Lumabas na ako ng convenience store para sunduin siya. Sakto rin namang namataan ko siya sa dulo ng street, hindi nakikinig, sabi ko do'n lang siya sa resto-bar.

Nang nakalapit na ako sa kaniya, mas na-confirm kong lasing siya. May kung ano nga ring umiikot sa tiyan ko habang tinititigan ko ang namumungay niyang mga mata. Gusto ko siyang halikan. He's just so. . . attractive.

Natatawa ako nang bigla siyang nagsungit. Paano ako makapagpipigil nito kung nagpapa-cute na naman siya sa akin. Inaasar niya ako kay Titus kaya tinatawanan ko lang siya nang tinatawanan. He's so adorable.

Pero nagulat ako nang bigla siyang nagpara ng taxi at mabilis na sumakay do'n. Literal na nag-loading ang utak ko at hindi ko agad na-process 'yung ginawa niya.

Ilang minuto akong natulala ro'n bago ko biglang naisip na. . . hmm, puwede namin 'tong pag-awayan, ah? Kunwari magagalit ako kasi iniwanan niya ako, pero kunwari rin nag-aalala ako.

Kinuha ko agad ang phone ko't nag-chat kay Zern bago nag-proceed sa convo namin ni Leroy. In-explain ko ang nangyari ngayon.

Leroy:

HAHAHAHAHAHAHA shuta lasing na yan. Ayan pwede na yan pag awayan. Pero gago, hindi mo siya sinamahan sa taxi? Hindi ka humabol?

Caiden:

Hindi e. Nagulat ako e. Andito pa nga rin ako. Hindi siya nagrereply sa chat ko. Chinat kong bakit niya ako iniwanan HAHAHA.

Leroy:

Magtatampo yan sayo gagi HAHAHA pero good yan, habang nagtatampo yan magiguilty yan na iniwanan ka niya. Kaya pwede mo yun gamitin para kunwari sumama loob mo lalo. Tadtadin mo ng call tapos chat para kunwari nag aalala ka kaya mas lalo siyang magiguilty. Then i-unsent mo HAHAHAHA

Caiden:

Hahahahaha aww, my poor baby. Pero sige, kailangan para gumana ang plano. Sana hindi siya mag overthink masyado

Leroy:

AHHAAHHA wag kang madrama caiden. Tawagan mo na go!

Sinunod ko ang sinabi ni Leroy. Tinawagan ko si Zern, pero hindi 'yon nagri-ring. Cannot be reach. Kaya nag-aalala na talaga ako nang tunay. Nagpara na ako ng taxi habang tinatry pa ring tawagan si Zern.

Habang nasa biyahe, chinat ko si Leroy na cannot be reach si Zern kaya sabi ko i-chat niya rin. Nag-flood din ako ng chat kay Zern.

Nang nakababa na ako sa university nagulat ako nang nag-reply na si Zern. Nakahinga ako nang maluwag nang nasa tapat na siya ng building namin. Akala ko kung ano na ang nangyari sa kaniya.

Tinakbo ko na papasok, pero hindi ko na siya naabutan sa tapat ng building. Hindi na rin siya nag-reply sa huli kong chat at sineen na lang 'yon.

Mukhang tama si Leroy, nagtatampo siya at the same time, nag-overthink siyang iniwanan niya ako at hindi ako humabol. Aw. . . my baby.

Huminga ako nang malalim bago nag-chat kay Leroy. In-explain ko sa kaniya 'yung nangyari at sinabi kong safe naman si Zern.

Sinuggest niyang mag-chat pa ako nang marami kay Zern para kunwari nag-aalala ako nang sobra. Tapos. . . 'saka ko siguro iu-unsent bukas para kunwari galit ako at ako naman ang nagtatampo. Siguro i-unsent ko hanggang do'n sa hindi na niya na-seen.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Kinabukasan, alas-otso pasado ako gumising para sabihan si Titus sa mga plano para alam niya rin. Mahirap na baka pumalya.

Kagabi rin nag-book na ako ng ticket namin ni Zern, pinili ko na lang 'yung cartoon kasi mahilig do'n si Zern.

Pina-print ko ang ticket namin 'saka ako nakipagkita kay Leroy sa labas ng building ng dorm niya para ibigay sa kaniya 'yung ticket ni Zern pati ang pekeng ticket nila ni Ashton.

Kumain ako saglit sa convenience store ng kung anong puwedeng makain bago ako dumeretso sa Tafiti's ng almost 10 a.m. Sakto lang siguro ang punta ko.

'Pagdating ko ro'n, sarado pa ang Tafiti's kaya nag-chat muna ako sa boss kong hindi ako papasok ngayon. Wala naman siyang naging against sa hindi ko pagpasok today. Naiintindihan daw niyang baka may hangover ako kahit hindi naman talaga ako uminom nang marami. Hindi rin siya nag-apologize sa ginawa nila kagabi.

Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon. Baka mag-resign na talaga ako dito. Ayaw kong mago-overthink si Zern. Hindi ko rin masikmura, nagbago bigla 'yung tingin ko sa kanilang dalawa.

Ilang minuto lang ang hinintay ko at dumating na rin si Jopay. Bago pa siya makapasok sa Tafiti's hinarang ko na siya agad para sabihin 'yung plano ko. Hindi naman siya nag-hesitate na pumayag sa sinabi ko. Kinikilig pa nga siya kasi na-mention din pala ni Zern na ako 'yung boyfriend niya sa kanila kagabi.

That was fucking cute. My baby introduced me as his boyfriend. Fuck.

After that, naghanap ako ng barber shop para magpagupit. Kailangan guwapo ako. Hindi rin naman naging matagal 'yung pagpapagupit ko. Sasadyain ko rin naman talagang ma-late sa klase ko.

Bumalik na ako sa dorm para maligo. Nag-ingat ako kasi baka makasalubong ko si Zern. Pero mabuti naman ay hindi ko siya nakasalubong. Naligo lang ako nang mabuti 'saka dumeretso sa klase.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Hindi naman naging matagal ang klase ko, bago pa mag-alas-dose dinismiss na kami. Kinukulit ko pa nga ulit si Titus na sumama na sa akin kasi ino-overthink kong baka pumalya, at least nando'n siya if ever. Hindi lalabas na nagsisinungaling ako kaso ayaw talaga niya. Susunod na lang daw siya if ever.

Naghiwalay lang kami ng daan dahil kakain daw siya sa cafeteria. Hindi naman daw kasi sumasagot sina Magnus at Echo sa GC.

Nag-ingat at nagmamadali akong pumanik paalis sa school para dumeretso na sa mall. Nag-update ako kay Leroy na papunta na ako sa mall. Nag-reply naman siya na patapos pa lang 'yung klase nila. At aayain pa nila si Zern mag-lunch.

Hindi na ako nag-kotse, nag-tricycle na lang ako papunta. At 'pagkarating ko ro'n, dumeretso na ako agad sa cinema para i-claim 'yung ticket ko at para bumili na rin ng popcorn. 'Saka ako nagpunta sa GongCha para ro'n hintayin ang signal ni Leroy.

Sakto namang nag-chat si Zern. Bahagya pa akong napasimangot habang binabasa sa notification center ang chat niya. My baby is sad.

Kaso kailangan mapalabas kong nagtatampo ako, kaya nag-reply naman ako agad kaso cold. Hindi ko rin pinatagal ang pag-uusap namin para mas ma-feel niyang nagtatampo ako. 'Saka ko pinatay ang data ko. Mayamaya ko na lang bubuksan.

Ilan pang minuto ang lumipas, 'saka ko binuksan ang data ko. May reply si Zern, pero hindi ko nireplyan. Nag-chat na rin ako kay Leroy, pero hindi siya nagre-reply.

Inabot pa ng ilan pang minuto bago nag-chat si Leroy na nasa mall na raw sila. Kumalabog ang dibdib ko.

Nagmamadali akong nagpunta sa CR ng sinehan para i-check ang mukha ko. Kailangan sobrang guwapo ko.

Pinaghandaan ko 'tong look ko na 'to. Nag-search pa ako. Sinadya kong i-match 'yung fashion style ko kay Zern ngayon para mas bagay kami tingnan.

Hindi na nagre-reply si Leroy kaya kinakabahan ako lalo. Sumilip muna ako sa labas kung mamamataan ko sila.

Napangiti naman ako nang nakita ko silang dalawa na nag-uusap sa pilahan ng popcorn. Hanggang sa iniwanan na siya ni Leroy. That's the signal!

Sakto. . . white din ang suot ni Zern. Ugh. . . he's so adorable. I want to hug him. He's just standing there while staring into the space.

Nag-chat na si Leroy sa akin na iniwanan na niya si Zern. Nagpasalamat lang ako't inabangan na si Zern na matapos bumili. Ngayon ko na ie-execute 'yung part na hinihintay ko si Titus. Sana mag-work.

Lumipas pa ang ilan pang minuto, natapos na si Zern bumili. Dumeretso siya sa gilid ng bilihan ng Belgian Waffle. Tangina. . . ang cute niya. Nakatayo lang siya ro'n, pero. . . ang cute-cute niya talaga.

Humugot ako ng malalim na paghinga bago naglakad papunta sa entrance ng cinema. Kailangan makita niya ako. Sana makita niya ako. Dapat siya ang unang makakita sa akin.

Nagulat ako nang may lumapit sa aking babae, tinatanong niya kung saan pipila para bumili ng ticket. Mahina pa nga 'yung boses niya.

At no'ng nilampasan niya ako, sinundan ko siya ng tingin para gawing way 'yon para tingnan si Zern.

Holy fuck. . . he's staring at me.

Kumalabog ang dibdib ko pero kailangan kong i-maintain ang character ko. . . hindi ako puwedeng mabisto. Mamaya ko na ire-reveal. . .

Nang lapitan ko siya, gusto ko na siya agad halikan na lang dahil nakaawang ang mga labi niya habang titig na titig sa akin. Did he like my outfit? Nagpagupit pa talaga ako.

In-intimidate ko lang siya para mas lalo niyang ma-feel na nagtatampo ako. . . kaya todo defend naman siya sa mga inaakusa ko. I even complimented his outfit because he's just so adorable. What can I do? I can't resist him. Fuck.

Tinatago ko ang pagngisi ko nang binigay ko sa kaniya ang ticket ko. Ang cute niya habang tinititigan 'yon. Hindi ko na kayang magsungit. Paano ko susungitan 'to si Zern kung sobrang cute niya. Gusto ko na lang siyang pisilin.

Nagtaka pa siya na magkatabi kami. Kaya unti-unti ko ng pinapahalata sa kaniya 'yung plano ko-na hindi na darating si Titus o si Leroy.

My heart was full. I am at ease. Zern's so surprised. There was a hint of gladness on his face. I'll make him smile today.

This will be a special day for me and my Zern.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

<BONUS SCENE>

Leroy's Point of View

Habang nakapila kami ni Ashton, nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Titus na papasok sa cafeteria. Buti nakatungo si Zern sa phone niya. Nagmamadali akong tumakbo papunta kay Titus.

Gulat na gulat siya nang nakita akong pasugod sa kaniya.

"Leroy. . ." he was surprised.

Hinila ko siya palabas ng cafeteria. "Nandito si Zern, boang ka! Hindi ka ba in-orient ni Caiden? Shuta ka!" Singhal ko at pinalo siya sa braso.

Nakaawang ang mga labi niya't mahinang natawa. "Aah. . . tangina, nagulat ako sa 'yo. Chill. . ." sabi ni Titus.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Chill mo mukha mo, bansot. Sumunod ka do'n kay Caiden sa mall. Panira ka sa plano," sabi ko.

Bumaba ang tingin niya sa labi ko. "Sige, susunod ako."

"Paano kung 'wag na lang, baka masira mo pa 'yung plano namin ni Caiden," sabi ko at iniwanan na siya ro'n.

Bwisit na ballpen. Bahala siya kung pupunta siya o hindi.

Don't forget to vote for this chapter!! Thank you :))

Continue Reading

You'll Also Like

346K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
Cruel Summer By j

Teen Fiction

4.7K 173 32
When carefree Nicolas Florentino surprises his best friend with his early departure to Australia, he expects Saint Rodriguez to hate him for two mont...