Owned By A Cold-hearted Man (...

By ImaheNasyooon

39.2K 347 38

[O N G O I N G] WARNING: MATURED CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! More

PROLOGUE (R-18)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6 (R-18)
CHAPTER 7
CHAPTER 8 (R-18)
CHAPTER 9 (R-18)
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12 (R-18)
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15 (R-18)
CHAPTER 16
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20 (R-18)
CHAPTER 21 (R-18)
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25

CHAPTER 17

410 14 3
By ImaheNasyooon

CHAPTER 17




THIRD PERSON'S POV




Napalingon si Theros nang marinig niyang bumukas ang pinto ng kwarto nila at pumasok ang girlfriend niya. Sinarado nito ang pinto at dumiretso palapit sa pwesto niya at yumakap ito sa bewang niya.




Binitawan ni Theros ang mga damit nila na inaayos niya sa maliit na closet at ginantihan ng yakap ang nobya.





Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito saka sinilip ang mukha nito na nakasubsob sa dibdib niya.





"What's wrong, hmm?" He gently asked.




Umiling si Niña at mas yumakap lang sa kanya. Hindi na lang ulit nagtanong si Theros at hinayaan na lang ang girlfriend na yumakap sa kanya.





Isa ito sa mga gusto niya kay Niña. Ang niyayakap siya at nagpapalambing.




Hinawakan ni Theros ang mga kamay ng girlfriend na nakayakap sa kanya at inalis para iyakap ito sa leeg niya.




Ang mga kamay naman niya ay humawak sa pwetan ng girlfriend at binuhat. Kaagad na pumulupot ang mga binti nito sa bewang niya at yumakap sa batok niya at sumubsob sa leeg niya.




Theros walked towards the bed at naupo roon. Inayos niya ang pagkaka upo ng nobya sa kandungan niya at saka niya ito niyakap sa bewang.




A comfortable silence enveloped them as they hugged each other.





Gusto niya itong tanungin kung bakit ito bumalik kung kanina ay sinabi nito na sasamahan nito ang anak na maligo sa ibaba.




Pero dahil mukhang gusto nito ng katahimikan kahit na saglit lang ay hahayaan na lang niya.





Mukhang umalis din ang iba nilang kasama at naligo sa baba. Dinig na dinig kasi ang boses ng mga ito kanina palabas ng suite nila at pumapangibabaw doon ang boses ni Nadia at Ledger.





"Love," malambing na tawag niya rito pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.





Gumalaw ito para umayos ng upo sa kandungan niya. Napamura sa isip si Theros nang masagi nito ang umbok sa pagitan ng mga hita niya.




"Hmm?" She hummed and hugged him more.





Mahina siyang tumikhim. "You okay? You're silent today."





Hindi ito sumagot at sa halip ay umalis ito sa pagkakasubsob ng mukha sa leeg niya at tumingin sa kanya.





Sinalubong naman ni Theros ang paningin ng girlfriend. Nilibot niya ang tingin sa buong mukha nito at napangiti.





"Ganda mo," nakangising aniya na ikinapula ng pisngi nito.





Mahinang napahalakhak si Theros at nanggigigil na pinugpog ng halik ang buong mukha nito.





Hanggang ngayon ay wala pa ring mahagilap na rason o dahilan si Theros kung bakit niya mahal si Niña. Ilang beses na rin niyang natanong ang sarili kung paano at kailan?





Pero sadyang wala talaga siyang sagot na makuha. Ito nga siguro yung sinasabi ng mga kaklase niya noon at ni Marco na bigla bigla ka na lang magmamahal kahit wala namang dahilan o rason.




Ito yung pagmamahal na nararamdaman niya na walang dahilan. Basta ang alam niya ay nagising na lang siya, isang umaga na mahal na niya si Niña.




Hindi naman na ito ang unang beses na nagmahal siya. The first time was when he's in college. He fell in love with a girl that he even tried to pursue her, but too bad, that girl was in a relationship that time.





The second time was when he met Selene. He liked her because Selene is his type of girl, she's also nice and kind and beautiful. Nga lang, hanggang sa pagkagusto lang siya dahil asawa na ni Czairex si Selene.





Pero hindi niya maituring na pagmamahal ang naramdaman niya kay Selene dahil hindi naman umabot sa puntong mahal na niya ito.





He just liked her. That's it.




"Anong iniisip mo?"




Hindi namalayan ni Theros na tumigil na pala siya sa pagpugpog ng halik sa mukha ni Niña at napatitig na lang sa kawalan.




His green eyes met those beautiful black eyes that was staring at him. Bumaba ang tingin niya sa malambot na labi nito na bahagyang naka awang.





"Theros....." bulong nitong sambit sa pangalan niya kasunod ng paglunok nito.





Umigting ang panga niya at nag angat ng tingin para salubungin ang titig ng nobya.




Nandilim ang paningin ni Theros nang makita ang pagbaba ng tingin nito sa labi niya. Napahigpit ang hawak ni Theros sa bewang nito nang dahan dahang lumapit ang mukha nito sa mukha niya habang titig na titig pa rin sa labi niya.




Mabilis na nag init ang katawan niya nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa labi niya at kaunting gahibla na lang ay magdadapo na ang mga labi nila.





Pero kaagad na tumigil din ito kaya nag angat ng tingin si Theros at sinalubong ang titig ng girlfriend niya.





"Theros....." Puno ng lambing na tawag nito sa pangalan niya.





"Hmm?" He hummed, bumaba ulit ang tingin niya sa labi nito at pinatakan ng halik.





"May sasabihin ako,"




"What is it?" Tanong niya habang pinapatakan ng halik ang malambot nitong labi.





"Buntis ako," bulong nito na ikinatigil niya sa paghalik sa labi nito.





Umangat ang tingin niya rito, titig na titig ang nobya sa kanya.





"W-what?" He stuttered.





"Buntis ako,"





Nawala ang makamundong nararamdaman ni Theros sa katawan at napalitan ng gulat ang mukha dahil sa sinabi ng nobya. Naka awang ang bibig niya habang nakatitig dito, pinoproseso ang balitang narinig niya.





Bumaba ang tingin niya sa tiyan nito at nag angat ulit siya ng tingin. Paulit ulit na ginawa yun ni Theros, gulat at pinoproseso pa rin ang balitang narinig.






"Y-you're.....you're pregnant?" He asked, still processing the news he just heard a few minutes.




Tumango ito at maliit na ngumiti sa kanya. "Tama ang dinig mo, buntis nga ako. Tatlong linggo na."





Napatitig si Theros sa nobya. "You're not pranking me, right?"





Mahina itong tumawa saka siya nito hinaplos sa magkabilang pisngi. "Seryoso ako, Theros. Buntis nga ako. Ang totoo niyan, may ideya na ako, pero hindi lang ako nagsasabi sayo. Gusto ko kasi may ebidensya at pruweba ako na ipapakita sayo na talagang buntis ako. Ay, teka, may kukunin lang ako," umalis ito sa kandungan niya at tinungo ang bag nito.




Hindi umimik si Theros at tahimik na sinusundan at pinapanood lang ang pagkilos nito. Hindi pa rin nagsi-sink in sa isip niya ang balita na narinig.




Bumalik ito na may hawak hawak. Sa halip na maupo ulit ito sa kandungan niya ay umupo ito sa tabi niya. Umayos ng upo si Theros at napatingin sa kamay nitong may hawak na puting bagay.





Inabot ni Niña ang kamay niya at binuklat iyon saka inilagay roon ang dalawang pregnancy test kit.





"Nanggaling kami ni Selene sa hospital kasi nagpasama ako sa kanya na magpa check up noong nakaraang araw. Pinagamit yan sakin." anito, ngunit hindi tumingin si Theros dahil napako lamang ang tingin nito sa dalawang PT kit na hawak.





Tig-dalawang pulang guhit ang dalawang PT kit. Likas na matalino si Theros simula pagkabata kaya hindi na niya kailangang tanungin kung ano ang ibig sabihin ng dalawang pula.




Hindi man gumagana ang utak niya ngayon dahil pinoproseso pa rin ang sinabi ni Niña pero alam niya ang ibig sabihin ng dalawang guhit sa dalawang PT kit.





"Noong isang araw ko pa sana sasabihin sayo kaso hindi ko alam kung paano. Natatakot din kasi ako, alam ko naman ng tanggap mo si Thalia bilang anak mo, pero hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon mo kapag sinabi ko sayong buntis ak—"





Hindi na natapos ni Niña ang sasabihin ng sunggaban bigla ni Theros ito ng marahas na halik. Napa ungol ang nobya at napakapit sa batok niya. Hinawakan niya ang bewang nito at binuhat para iupo sa kandungan niya.






Hinihingal na naghiwalay sila matapos ang ilang segundong paghahalikan. Napasubsob ng mukha si Theros sa leeg ng nobya at doon ay hindi niya napigilan ang mapa iyak na ikinatigil naman ng dalaga.





"Theros," tawag nito sa kanya, hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at inilalayo ang mukha niya sa leeg nito pero humigpit lang ang yakap niya sa bewang nito at mas isinubsob pa ang mukha sa leeg nito.





Hindi naman na nagpumilit pa si Niña at yumakap at humaplos na lang ang kamay nito sa likuran niya.





Matagal na panahon na ang lumipas noong huling umiyak siya. Ang una ay noong namatay ang kanilang ina. At ito ang pangalawang pagkakataon na umiyak ulit siya pagkatapos ng napakatagal na panahon. At ang rason ay dahil buntis ang nobya niya. Ipinagbubuntis nito ang unang anak nila.





Masaya siya, yun ang totoong nararamdaman niya sa mga oras na 'to. Masaya siya, sobrang saya niya na hindi niya na napigilan ang maiyak dahil sa tuwa.





Buntis ang pinakamamahal niyang babae. Hindi inaasahan, kahit na hindi naman sila gumagamit ng proteksyon tuwing nag iisa ang katawan nila, pero masaya pa rin si Theros na malamang pinagbubuntis ng mahal niyang babae ang anak nila.





Umalis sa pagkakasubsob si Theros, pinunasan ang sariling luha. Tinignan niya si Niña na puno ng pagmamahal at saka hinalikan ito sa labi.




Marahan, magaan at puno ng pagmamahal ang bawat halik na pinagsasaluhan nila.




"I love you. I love you. I love you." He chanted as he kissed her lips.





"Theros!" Hiyaw nito nang bigla niya itong ihiga sa kama. Dumapa si Theros at pumaibabaw sa nobya. Ang mukha niya ay kapantay ng tiyan nito. Itinukod niya ang isang kamay sa kama at doon binuhat ang buong bigat habang ang isa namang kamay ay ginamit upang itaas ang damit nito ng bahagya.





Dahil tatlong linggo pa lang na buntis si Niña ay wala pang baby bump ang makikita. Pero walang paki alam si Theros at hinaplos pa rin ang flat nitong tiyan.





Bumaba ang mukha niya at pinatakan ng magaan na halik ang tiyan nito na ikinagulat ni Niña ngunit namuo rin ang luha sa mata kalaunan.





"Hi, baby," he whispered as he gently caressed his girlfriend's tummy. "This is daddy. I know you can't hear me right now because you are just three weeks, but I still wanna say, I'm excited to see and touch you."





Habang taimtim na kinakausap ni Theros ang tiyan ng nobya, si Niña naman ay napatakip ng bibig upang pigilan ang paghagulhol ng iyak.





"Be good, my love, and don't make it hard for Mommy. I am looking forward to see you, baby, and daddy's really excited to touch you."





Isang mainit na haplos pa ang ginawa ni Theros at humalik at ibinaba ang laylayan ng damit ng nobya at nag angat ng tingin.





Natigilan si Theros nang maabutan ang girlfriend niya na umiiyak habang nakatingin sa kanya.




Gumapang si Theros sa ibabaw nito hanggang sa magpantay ang mukha nilang dalawa. Hinaplos ni Theros ang pisngi nito na puno ng lambing at pinalis ang luha nito.





"Why are you crying, love?" Mahinahon niyang tanong.





Imbes na sumagot ito ay yumakap ang mga kamay nito sa batok niya at sumubsob sa leeg niya at doon pumalahaw ng iyak.





Marahan na bumuga ng hininga si Theros at humiga ng sa kama. Niyakap niya pabalik ang nobya at pinatak-patakan ng halik ang noo at buhok nito.





"Were you afraid that I might deny and hate the idea about you—being pregnant of my child, hmm?" Mahinahon at pabulong na tanong niya. Hindi sumagot si Niña at umiyak lang lalo. "I love you, you know that, right? So how would I deny our child and hate the idea about you being pregnant of our first child?"





"S-sorry. N-natakot l-lang ako," hikbi nito.





Hinigpitan ni Theros ang yakap at paulit ulit na hinalikan ang noo nito. "I love you. I love you and our child. I'm not an asshole. My parents didn't raised me just to be a jerk and asshole. I will take the full responsibility. I won't run away from you and even turn my back to the both of you. I love you so stop crying already, love. I don't wanna see you cry."





"S-sorry...."





"Ssshhh. It's okay. Just don't cry again. It's not good for you and the baby."





Natigilan din ito sa pag iyak. Umalis ito sa pagkakasubsob sa leeg niya at nagpunas ng luha. Inalis ni Theros ang kamay nito at siya na mismo ang nagpalis ng luha nito.






Ang namumulang mga mata nito ay tumitig sa kanya kaya napatitig din si Theros. Sinapo niya ang magkabilang pisngi nito at hinaplos ng hinlalaki.





"Mahal kita, Theros," maya maya'y bulong nito.





Natigilan si Theros pero kaagad ding nakabawi. Ngumiti siya at idinampi ang labi sa noo nito at doon bumulong ng, "mahal din kita. Mahal na mahal."




A/N: I'm so sorry if natagalan ako sa pag update. Naging busy kasi ako lately since our graduation is malapit na. Few weeks ago, I tried to write the next chapter, kaso hindi ko talaga siya maisingit and magulo rin ang isip ko. Ngayon na lang ulit ako nakapagsulat since medyo peaceful na aking mind hehe. Sorry din kung umiiksi ang mga chapters minsan. I'm trying my best naman.

Sa mga nag aabang pala ng update ko, thank you so much!😚 I appreciate your efforts sa paghihintay. Here na yung hinihintay niyo.

Hope you like it! And don't forget to vote and follow! Muahh😘

Continue Reading

You'll Also Like

11.8K 141 21
Nazaree Brothers Series "If I am given the chance to love again, I will make sure that I will not fall in love with you again." Mature Content
1.5K 125 40
hangang kailan itatago ang katotohan ukol sa nakaraan ? paano kung muli mag krus ang landas nyo ano ang gagawin mo?
Ice Cold By m

General Fiction

2.3M 83.8K 49
[boyxboy] Wren Ridley is always two steps ahead of everyone, or so he thinks. His life seems out of his control when he starts having feelings for so...
Gentle touch By K

General Fiction

53.2K 1.3K 33
It had been mere months after her eighteen birthday, when she was pulled from the safe haven of her life and forced into the fantasy the women had cr...