That Playgirl's Karma

By sovereigngel

196 14 2

AZALEA LOUISE GUITERREZ likes playing their hearts, she's totally a playgirl, pero sa isang kamalian niya ay... More

Author's Note
Chapter 0
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Special Chapter
Author's Note

Chapter 22

2 0 0
By sovereigngel

"Are you really sure about this one?" Pang-apat na tanong ko na ito kay Felix sa planong naisip niya.

"We will just try it, kung maganda ang daloy ng plano natin, mas maganda." He answered. I found myself staring at him. Paano niya ba nagawang makapag-isip ng ganiyan? 'Yung tipong hindi natatakot sumubok at bahala na ang mga mangyayari.

Nagdadalawang-isip man ay ipinost ko na sa aking instagram account ang plano namin. Ngiwi kong binasa ang isinulat ko roon, ang jejemon ko pala, sa tingin ko isa ito sa rason kung bakit may mga basher ako.

Failed boyfriend again.

#NoToFelixZyAlfanta

Pakitang-tao!

Minutes passed, marami nang reacts at comments, this time binasa ko isa-isa habang nasa tabi ko si Felix.

Fio_00 :
Deserve mo 'yan, Playgirl Azalea.

Yera113 replied to her comment:
Linyahan ng mga hindi na-hook si Felix.

Ewan ko ba kung matatawa ako sa mga comments. Nagiging famous na rin si Felix sa instagram, marami na rin siyang followers pero ni isang post sa social media niya, wala.

RianaKuta:
Dito ka nalang sa'kin, Felix. Pakitang-tao enjoyer ako ^_^

Xxry:
Asim ninyo!

Biglang uminit ang ulo ko sa comment ng isang user, akmang rereplayan ko sana nang pigilan ni Felix ang kamay ko.

"That's not part of our plan, Azalea."

Kinalma ko nalang ang sarili ko at pabulong na sinumpa nalang kung sino man si Xxry.

RyleSan_Pogi:
Lol. Hahhahahhahhaha–ops.

1k people reacted to his comment

Kiyaa:
Meet your co-ex! Haha

Owen4ru:
Andami niyo na pre.

Vaness.1:
Keep safe, Ryle! We miss u :<

At nagcomment nga si Ryle. Pinakita ko kay Felix ang comment ni Ryle.

"Do you think may meaning 'yan?" Tanong ko.

Umiling si Felix, "Parang wala naman.."

"So.. what do we do next?"

Tumayo na siya at naglakad papunta sa kusina habang ako ay nakasunod lamang ang tingin sa kaniya.

"Bukas sa school, magmamasid tayo sa lahat ng lalapit o malapit sa atin." Kumuha siya ng kutsilyo at nagsimulang maghiwa ng bawang.

I nodded before turning off my phone. Naglakad ako papalapit sa kaniya para panoorin siyang magluto.

"Anong lulutuin mo?" I asked.

"Curry," he answered.

Pumikit ako nang sibuyas ang hinihiwa niya ngayon, naluluha ako sa tuwing naghihiwa ako nun.

Nang matapos siya ay binuksan ko na ang aking mata at nakita si Felix na hinawi ang luha sa mata niya dahil sa sibuyas.

Kaagad akong kumuha ng malinis na tissue at walang pasabing hinawi ang luha sa mata niya, natigilan siya sa ginawa ko habang ako'y patuloy sa paghawi.

"W-What are you doing?" He asked. His cheeks went red, I didn't expect na pati pisngi niya ay pupula kapag naghihiwa siya ng sibuyas.

"Namumula rin pala pisngi mo kapag naghihiwa ka ng sibuyas—bakit?" Napahinto ako sa paghawi nang hawakan niya ang kamay ko. Tumitig ang mga mata niya sa akin na ikinanuot ng noo ko. Epekto din ba ito ng sibuyas?

"F-Felix, are you.. okay?" I asked while waving my other hand at him to dodge his hallucinating.

"Felix.." napakurap ako nang nilapit niya ang aking kamay sa pisngi niya, ramdam ko ang init nito at nandoon pa rin ang pamumula.

"Yes, you are right. Epekto ng sibuyas ang pamumula ng pisngi ko." Hinay-hinay niyang binitawan ang kamay ko na ako namang tumango. May ganoon pala 'no? Namumula ang pisngi sa sibuyas.
"Uhm.. felix.." tawag ko sa kaniya nang parang wala siya sa sarili.

"What?" He looked up at me habang ang kamay niya ay hindi tumitigil sa kakatadtad.

"'Yung sibuyas.. okay na yata." Turo ko sa sibuyas na parang singliit na ng buhangin sa kakatadtad niya roon.

"O-Oh.. yeah.. the onion." Kaagad niyang inilagay ang sibuyas sa platito at tumalikod para kunin ang manok sa fridge.

Ang weird niya, ah? Epekto pa rin ba 'yun ng sibuyas?

——

Nang gumabi na ay hinanda ko na ang aking bag para bukas. Tomorrow will be a big day–kung hindi papalarin– a big mess.

I found myself staring blankly at the ceiling, masyadong marami ang iniisip ko lalong-lalo na't nag-aalala ako para bukas. I don't know what's going to happen but based on what we did today it will give a big hit.

Paano kung palpak?

Pero ganoon naman talaga diba? If you take the risk for the sake, it's either the consequences is excellent or not.

But I don't like it to be mess. Masyadong mahirap na sumubok ulit kung magkamali kami, wrong move and we will be caught playing.

Napaupo ako sa pagkakahiga nang hindi talaga huminto kakaisip ang utak ko. Tumayo ako para uminom ng tubig, baka sakaling datnan ako ng antok.

Pagdating ko sa kusina ay napansin ko ang isang canned beer sa mesa na wala ng laman at napunta ang tingin ko sa exit door malapit sa kwarto ni Felix, bukas iyon ng kaunti. Hindi ko akalaing gising pa rin siya.

Hinay-hinay akong pumunta roon at dinungaw ang ulo ko, mula rito ay kita ko siyang nakaupo sa bench habang nasa puno ang tingin. I was about to take a step outside when he said something that made me stop. Words that filled my curiosity.

"Ma, kaunting tiis nalang dahil hawak ko na ang alas, makakamit din natin ang hustisya."

What does he mean?

Ace? Anong klaseng alas ang pinapahiwatig niya?

Continue Reading

You'll Also Like

166K 3.8K 33
Mark lee is your new stepbrother. Many things are going to happen 😏 Started: 10/8/19 Ended: 5/12/2020 ❤️ tysm luvs 🥺❤️ Enjoy 😉💜
1.3M 114K 42
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
3.9M 162K 62
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
1.1M 86.6K 39
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...