Love me, Rosalie

By merelaii

1K 27 1

One thing I longed for is something I can't have 'til the end. Kahit isang patak lang, kahit isang kusing. So... More

Warning!!
Prologue
1
2
3
4
5
6
8
9
10
10.5
11
12

7

49 1 0
By merelaii

“Ang gandang bata! Mana sa ina!” ngumiti si Mariana.

“Siyempre naman po!”

“pero mukhang magkamukha sila nung si Rosela hindi ba?”



SIETE


The weight on my heart lifted for a bit. Tama nga ang sabi ni Papa. I should be thankful and thoughtful of the positive things. It's what kept me going until now.

Ang bilis lang ng panahon, we graduated senior high and magcocollege na rin. They attended the graduation since pareho kaming gagraduate ni Elle. They celebrated and they were happy with our achievements. As usual wala si mama pero okay lang kasi over the years nakita ko talaga ang pagbabago niya. She would answer whenever I asked her, kahit simpleng Oo at hindi lang ang sagot niya ang saya ko na.

Mga bangongot ko ay madalang nalang kaya mas maayos na ang tulog ko kumpara noon. I celebrated my 18th birthday with Elle and Moria. Sam wasn't around that time, nasa ibang school din kasi siya. Ilang taon na ang panunuyo niya kay Elle kaso mukhang walang plano tong isang to na sagutin si Sam.

"Kailan mo ba sasagutin si Sam?" si Moria habang kumakain kami ng snacks dahil bakante namin. Mamaya pang one pm ang klase ko kaya may oras pa ako. Silang dalawa naman ay mamaya pa atang 4pm. Medyo mahaba haba ang bakante nila.

"Hindi ko alam... Bakit mo natanong?" nakikinig lang ako sa gilid. Nakamasid na rin sa kanila.

"Kinukulit din kasi ako nun, Stella. Magpapalakad. Ewan ko sa inyong dalawa baka magdekada wala pa ring usad yang relasyon niyo" Elle made a Ssh sound. Kinakalkal niya ang camera niya sa harap namin.

"Kung magsawa siya edi tumigil siya. Wala akong pake" sabi niya.

"Kung gusto mo, sabihin mo. Kung ayaw mo, wag mong paasahin" sabi ko. I don't want Sam to think na pinapaasa lang siya ni Elle when clearly she likes him too.

"Don't tell me, ayaw mo lang siyang sagutin kasi galit ka pa rin sa ginawa niya kay Rose. Apaka petty mo no?" Umirap si Elle.

"Don't do that, Elle" sabi ko. Masama yang ginagawa niya.

"Fine... Stop nagging me" sabi niya. Pero Moria kept on nagging at her. Naririndi na nga siya kaya bigla niya itong kinuhanan ng picture. "If you don't shut up, I'll send this photo to your beloved crush"

Moria immediate zipped her mouth. Napangiti ako. I yawned. I've been tired lately kaya inaantok ako.

"Nahihilo ka pa rin ba? Pa check up kaya tayo" sabi niya sa akin. She's been urging me to have a check up pero nawawala lang naman kasi.

"Nahihilo ka pa rin until now? Antagal na niyan diba?"

"Hindi pinapansin kasi nawawala lang din daw. Ewan ko sayo talaga sinasabi ko Ally. Punta tayong hospital next week papasched na talaga kita" sabi niya.

"No, busy ako until next week. May mga nakahelirang exams na kaya mag fofocus muna ako ngayon. Okay lang naman ako" sagot ko.

"Okay? Lumalala na yang paghihilo mo. Kung noong una mild lang ngayon natutumba ka na diba? Kung hindi lang kita nahawakan noong una masusobsob ka talaga sa sahig" tinaasan niya ako ng kilay.

"And you look tired. Pa check up ka na beh. You don't look healthy anymore" Moria urged me too.

"After the exam, para huminahon na kayo" sabi ko. Tumango naman sila. Nauna na akong umuwi dahil may gagawin pa silang Elle para sa school paper. Pagkauwi ko ay tumulong na ako sa paghahanda sa pagkain.

"Hindi mo na kailangang tumulong, ikaw talagang bata ka" sabi niya pero nakangiti. Okay lang naman sa akin na tumulong sa mga gawain sa bahay, ayaw kong humiga lang.

"Dalhin mo nalang to sa hapagkainan para makakain na sila. Magsasabay naman kayo ni Stella maya hindi ba?" tumango ako at kinuha ang bowl na naglalaman ng ulam. Nilagay ko iyon sa mesa at babalik na sana sa kusina nang umikot bigla ang paningin ko. Nasagi ko ang baso kaya nahulog ito at nabasag.

I blinked a few times and shook my head to clear my vision. I heard manang Jing scurried her way to me. Nasugatan ba daw ako. Agad akong umiling.

The fainting spells are getting worse.

"Nahilo ka na naman? Baka gutom ka kumain ka nalang kaya at para makapagpahinga" sabi niya. Lilinisin pa raw niya ang nabasag na baso.

I felt bad pero hindi ko nalang ipinilit pang tumulong. Pumunta nalang ako sa kwarto ko at nahiga. Sa sabado hindi ata ako makakaduty dahil may make up class pa ako at yung organization na sinalihan ko ay may activities sa Sunday so hindi rin ako makakaduty. May allowance pa naman ako at kaya pa to hanggang isang buwan. Nagtabi na ako ng pera for emergencies.

Bumangon ako at nagsulat. Kailangan kong e adjust lahat ng gastusin ko sa bahay. Aunt Martina told me about my trust fund na itinabi ng papa ko para sa akin. She was not that kind of person gaya ng sabi ni Tito Markus. In fact, she already gave me access to it dahil 18 na ako.

Gagamitin ko lang yun for emergencies. May naitabi pa naman akong money so its fine. I can still live for another 5 months without touching that money. I just have to work while schooling.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa upuan. Nagising ako kasi ginising ako ni Elle. She smiled at me and told me we should eat. Dinala na nga niya ang pagkain sa kwarto ko. Sabi niya sleepover na muna siya kasi wala siyang klase sa umaga. Manonood kami ng movie ngayon.

"Sinabi kong isabit mo sa wall yung last photo natin diba? Cute kaya nun" sabi niya. Ah, nakalimutan ko.

"Nilagay ko na sa album lahat Elle. Ikaw kung gusto mong ilagay diyan lahat, ikaw na maglagay" sabi ko

"You're talking back ha, I like it!"

Natawa nalang ako sa kanya. Kung sinusunod ko kasi ang sasabihin niya tiyak na puno na itong kwarto ko sa mukha namin.

"I want to have every pictures of us on the wall. Every milestone" makabuluhang sabi niya. Tumango lang ako sa kanya at sinabing magsisimula na nga ang palabas. Sa laptop lang niya kami nanonood.

We truly enjoyed eachother's company. Matapos ang movie marathon namin pinatunog ko na ang music box na bigay niya sa akin for my sixteenth birthday. Kasya naman kami sa bed ko kaya nagtabi nalang kami. We talked for a bit before we fell asleep.

Nang dumating ang linggo ay maaga akong pumunta para sa volunteering event ng org namin sa home for the aged. May mga activities kami na na prepare para sa mga matatanda.

Some were happy with us and some find us so annoying pero all in all masaya naman ang lahat. Sa hapon nga habang nag aantay akong matapos ang kasamahan sa pagliligpit ng mga gamit ay bigla nalang akong nahilo ulit. Wala akong nahawakan kaya dumiritso ako sa sahig. Then everything went black.

Nagising akong nasa hospital na. Dinala nila ako agad. I feel so tired. They told me they'll run some test on me dahil nasabi ko ngang palagi akong nahihilo. Kaya nagstay nalang muna ako sa hospital habang nag aantay sa results.

"Rosalie?" nakita ko ang doctor na meet ko noon. He looked older. I greeted him.

"Nawalan lang po ng malay" sabi ko. Sabi niya baka pinagod ko ang sarili ko. And told me to take care of myself. Mag ra round pa ata siya kaya nagpaalam na rin siya sa akin.

Sabi ng doctor my symptoms were the same with their patient before. And to confirm that I needed to take series of test. I was discharged after, binigyan lang ako ng sched kung kailan ako babalik.

"Uuwi ka na? Okay ka na?" tanong nung doctor. Tumango naman ako. He looked so down.

"Okay lang po ba kayo?"  he smiled sadly at me. So we talked for quite a bit. Sabi niya he is getting married pero ayaw niyang mag anak. He said that he is cursed daw and he doesn't want his kids to suffer.

Nakinig lang ako sa kanya. "May sakit ka po?"
Umiling siya. "But I'm a carrier. We have a rare disease that is genetically inherited by the male member of our family. Ang naaapektuhan is ang mga female offspring naman. Its rare... My sister had it"

"So pag nagkaanak ka, mapapasa sa anak mo ang sakit mo?" tumango siya. That's so sad.

"So I want to end that bloodline with me..." sabi niya. "Ang dami ko nang nasabi, kumusta na ang pag-aaral mo?" sinabi ko namang okay lang din. He was thankful to me. Sa pakikipag usap niya sa akin parang nakikipag usap na rin daw siya sa kapatid niya.

Biglang nag ring ang phone ko at nakitang si Elle ang tumatawag. Sinagot ko naman agad. Nagwawala raw si mama. Kaya agad akong nagpaalam sa doctor.

"Bye doctor!"

"Rosemund. My name is Rosemund"


Nakauwi ako sa bahay at totoong rinig ko nga sina mama. "Ano pong nangyayari?"

"May tumawag kanina, naghahanap kay Sir Rafael. Tinatanong ang tungkol sayo"

"T-tungkol po sa akin?"

Agad kong binaybay ang hagdanan para makapunta sa kwarto ni mama at nakita ko si Elle sa labas ng kwarto, nakikinig.

I was behind Elle without her knowledge.

I think Aunt Martina is urging her to reconcile with me. To forgive me dahil matagal na rin namang nangyari ang trahedyang nangyari kay papa.

"The nerve of him to ask after all these years!" mama screamed.

"Calm down Mariana!"

"No!" hindi ko alam kung ano ang pinagaawayan nila at galit na galit si mama.

"She's still your daughter!"

"Hindi ko siya anak!" I heard mama screamed. Parang punyal sa dibdib ko ang mga sinabi niya. I'm not her daughter.

"Pero alam kong minahal mo naman si Rose. You raised her yourself Mariana. I know what you felt in those years for her were geniune. Kahit hindi mo siya totoong anak" I stood there, frozen.

"Noong hindi ko pa alam Oo. Pero... They betrayed me. Baka kung sa ibang tao pa Oo pero kay Rosela. Hindi ko matanggap. Ang hirap tanggapin, ate" Mama cried.

"And now he is looking for his sister's daughter! Something Rafael never told me about! Tinago niya.. Tinago niya" I looked at my feet and stood there like a tree. Matagal ko nang alam na hindi niya ako totoong anak. Narinig ko siya years ago that I was a product of infidelity. Pero tinanggap niya ako kasi hindi niya alam na anak ako ng matalik niyang kaibigan.

Papa never told her that. He was probably scared of her leaving him once she discovered that dirty secret. Ilang gabi akong umiyak. Kaya pala hindi niya ako matingnan noon. Kaya pala biglang nawala ang pagmamahal niya sa akin.

I knew it all along, but I stayed because I love her so so much. Hindi ko kayang mawalay sa kanya. Tinitiis ko ang pagiging malamig niya pero masaya ako kahit yun lang ang binibigay niya.

I never once felt discouraged because I once felt her love. Nasa isip ko babalik din yung pagmamahal niya. I am hoping. Always hoping. If I stopped, papa would be disappointed.

"Rosalie?" napunta ang paningin ko kay Elle who was now looking at me in worry. We are not real cousins.

Im sorry

"Narinig mo ba?" tumango ako sa kanya. She immediately wrapped her arms around me. "No matter what happens, we're cousins. Remember that"






Continue Reading

You'll Also Like

124K 5.1K 44
A fire incident at his(Kim Jae-soo) husband's home while he (Baek Ji-Hu )was away made Kim Jae-soo return to his third year of university (he was reb...
Cry-Baby By Criss

Teen Fiction

3.2M 103K 30
I wiped my eyes once again to see deep piercing green ones looking down at me. More tears came as I saw the root of my anger, and I stood up pushing...
100K 226 7
Emily is your classic good girl. Shes 18 years old. Her life seems all planned out but what happens when she is taken and forced into diapers? Will s...
152K 2.3K 30
˚₊‧꒰ა ☆ ໒꒱ ‧₊˚ in which lando norris falls for oscar piastri's sister. or an upcoming rookie joins mclaren and his sister causes a stir.