Love me, Rosalie

By merelaii

1K 27 1

One thing I longed for is something I can't have 'til the end. Kahit isang patak lang, kahit isang kusing. So... More

Warning!!
Prologue
1
2
3
4
5
7
8
9
10
10.5
11
12

6

42 1 0
By merelaii

"Mariana, I'm sorry. I made a big mistake. I'm really sorry"

"Tama na Rafael"

"I'm really sorry" Rafael cried so hard.

"Mahal mo pa ba ako?" tanong ni Mariana.

"Mahal na mahal"

"Then it's fine" Mariana smiled with her tears flowing out of her eyes.

SAIS

"Must you always do that Elle, hindi nagsasawa yang camera mo sa mukha ni Rose?" nakasimangot na tanong ni Sam.

He made it to the top and got transferred to our room. Kaya classmate kami ngayon sa third year. Nanliligaw din siya kay Elle pero itong pinsan ko parang walang plano sagutin si Sam.

" She's pretty. We cousins are pretty diba, Ally?" tanong sa akin ni Elle habang nakatutok ang camera sa mukha ko. Tumango ako sa kanya.

"So tell me about yourself?" tanong niya.

"I'm boring"

"Yes you are! Ikaw Sam?" tinutuk na naman niya kay Sam ang camera. Sasagot na sana si Sam kaso inilipat ni Elle ang camera kay Moria. "Ang bagal"

She's that girl who I saved last year. Bigla nalang siyang lumapit sa akin at nagpasalamat. Then we became friends. I don't know the definition of friends pero baka ganitong relasyon gaya namin ni Ellem

"Ikaw Moria? Tell me about yourself"

"I'm... Pretty" Sam snorted and told us that we were narcissistic.

"if you don't like me being narcissistic then why don't you stop courting me? It saves you a breath" sabi ni Elle. Sam's jaw dropped.  Then they spent the whole break time bantering.

I was silent the whole time while looking at Elle who was laughing vibrantly. My ray of sunshine. Kung wala si Elle, hindi ko alam kung ano ang sitwasyon ko ngayon. It may be worse.

This path is full of contentment. I smiled to myself. Then I heard the camera click. I looked at Elle and shook my head. Even if I'm uncomfortable, I always tell myself that she's happy with what she's doing. Let her be.

She would randomly take a picture of me or even make goofy videos. She's recorded maybe hundreds of videos all about me. Daming CD sa room niya and named it EALLY with dates below. Nilagay na ang mga iyon sa isang cute na pink storage box. Along with all our pictures na naka album. Some were put in a frame and was displayed in her room.

"Her sleepy eyes were just magical" sabi niya. My sleepy eyes weren't magical.

"Take a video of us. Magpapraktis kami para sa role play mamaya. Narrator ka lang naman diba?" tumango ako. "Sige ikaw na magvideo"

She gave me the camera.

Sa kalagitnaan ng praktis nila bigla akong nakaramdam ng hilo. Kaya medyo tumabingi ang camera. May lindol ba?

"Ally?"

"Hu?"

"Nasa sahig na nakatutok ang camera, okay ka lang?"

"May lindol ba?" they were all confused. Pinakiramdaman ko rin ang paligid. Inayos ko ang camera at hinarap sa akin. "Baka meron..."

They shrugged and continued their practice. Itinuon ko na sa kanila ang camera.

After ng klase namin masaya kaming umuwi dalawa. Of course naglalakad lang kami kasi mas masaya si Elle tuwing nag uusap kami habang tinatahak ang daan pauwi.

"What do you think? Pwede kayang mag part time job din ako?" tanong niya.

"If you want to"

"Ang dry talaga. Wala rin naman akong ginagawa tuwing weekends e, baka pwede ako sa pinagtatrabahuan mo?"

"Gusto mo?" tanong ko, nasabi nga sa akin ni Boss na kailangan niya pa ng isang part timer pero sa umaga. Tumango naman siya agad. "We need isa ata pero sa umaga at sunday lang din, sasabihin ko"

"Yes!" masayang sambit niya. I smiled at her. It will only be for a few hours so its fine. Sasamahan ko nalang din siya sa umaga para hindi siya ma bored.

"Punta tayong hospital maya, nakalimutan kong monthly check up ko pala" sabi ni Elle. Yeah, may monthly check up siya kasi may hika siya. "Ikaw? Ayaw mong magpacheck up? Nahihilo ka diba?"

Umiling ako. Nawala na naman yung hilo ko. Maybe low lang sa sugar kaya ako nahihilo. So lumiban kami sa klase para mag punta sa hospital. Habang nasa loob siya ay nasa labas naman ako nag aantay. Nakaupo lang ako sa isa sa mga bakanteng upuan sa harap ng pintuan. Nauhaw ako at naalalang may vending machine kaming nadaanan kanina kaya nagtext ako kang Elle na bibili lang muna ako ng maiinom baka kasi hanapin niya ako paglabas niya.

Habang namimili ako kung anong bibilhin may biglang tumabi sa akin. "Having difficulties?"

Napalingon ako sa nagsalita ang I saw a man. He looked at me with a smile pero unti unting nawala ang ngiti niya. Ngumiti ako.
"Magtutubig nalang siguro po ako"

I blinked a few times to make sure na hindi ako namamalikmata. Because I think he is so shocked and almost crying. "Okay lang po ba kayo?"

He was in a lab coat and a nameplate was placed there. He is a doctor!

He blinked the tears away and smiled back again. "I'm sorry, y-you just look exactly like someone I knew" sabi niya. a, kaya pala.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. That someone must have been away. Sabi nga nila na mayroon pitong tao sa buong mundo na may pagkakahawig sa mukha mo. And seeing one in person must have been surprising for him.

"Doctor po kayo rito?" tanong ko. He was so young to be a doctor. Tumango naman siya.
"You look young"

"I'm 33 years old" sabay niyang ngiti. Tumango ako. Ang bata nga niya. Pwede rin kaya akong maging doctor in the future? Masyadong mahal ang bayarin panigurado ako. Hindi kaya sa bulsa ko or kung sa ipon ko.

Tubig ang binili ko dumungo ako para makuha ang bote sa ilalim saka tumayo para makapagpaalam na to be polite.

"Uhm, anong pangalan mo?" tanong niya.

"Rosalie po" inulit niya ang pangalan ko sa mahinang boses at unti unting tumango. Ayan na naman siya, parang iiyak. Agad akong nagpaalam pero nakasalubong ko si Elle kaya bumalik ako sa dinaanan. Niingon ko yung doctor pero nakaharap na siya sa vending machine pero nakatayo lang siya roon.

Nahihirapan siguro siyang mamili

Pumayag naman ang boss ko na si Elle ang mahire niya sa umaga sa sabado pero hindi sa linggo dahil may nakauna na. Naawa siguro siya dahil estudiyante. Ang saya niya,  sabi ko na magbabaon nalang kami dahil sasamahan ko siya sa shift niya sa umaga kahit na hapon pa ako.

Sa excitement niya, nagpabili na siya sa mga gusto niya ibaon namin for lunch kahit na sa susunod na sabado pa naman yun. Hinayaan ko nalang siya, gusto rin naman niya kaya okay lang. Ang importante masaya siya.

My life was at peace

Whenever I went to mama's room, I learned to be satisfied with her silence. Gusto kong magtama ang paningin namin kaso hindi niya talaga ako tinitingnan. So I stayed quite, contended with her presence even when she's not acknowledging mine.

Ako ang nag aasikaso sa kwarto niya. Nag volunteer ako dahil gusto ko siyang maalagaan. Hindi naman siya humindi kaya ang saya saya ko. Kahit gaano ka ikli ng pagsasama namin sa isang araw kuntento na ako. If this happens too often, she'll get used to me.

Baka lang... Isang araw makita niya rin ang presensiya ko. Makita niya ako ulit.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Elle. "Nahihilo ka pa rin ba?" umiling ako sa tanong niya.

"May iniisip lang, malapit na ang 7th death anniversary ni papa" tumango siya sa sinabi ko. Mama will be sad again. Parang nagiging routine na ni mama na magkulong ng isang linggo kada malapit na ang death anniversary ni papa. Dadalhan ko si papa ng mga bulaklak sa araw na iyon. I'd visit separately, dahil baka mag breakdown na naman si mama.

"Gusto mo samahan kita?" umiling ako. I want to go alone. "samahan kita, kahit doon nalang ako sa labas mag hintay sayo, Ally. Promise, mag aantay lang ako"

Ayokong ipagtabuyan ang pinsan kaya tumango nalang ako. I know she means well kaya hahayaan ko nalang siya.

"That will be 1 week from now diba?" tanong niya. Tumango ako at tiningnan ang kalendaryo. My 15th birthday too.

"Pwede mo rin ba akong samahan right after? Sa visit mo? May pupuntahan lang din ako" tumango ako sa sinabi niya dahil wala nga rin naman akong gagawin pagkatapos.

My days went on like the usual and that day came. My panic attacks weren't that bad as before. Pero sa umagang iyon na nakatulog ako sa labas ng kwarto ni mama I woke up from a bad nightmare. I dragged myself back to my room gasping for air.

In my dream I saw that vendor. Telling me I killed papa.

I didn't... I...

Parang sinasakal, hindi ako makahinga. Hek... Hek... Hek...

"Rosalie!!" I heard Elle's voice. She immediately helped me. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. But the curtains were suddenly opened so I can see the light from the outside. May naririnig na rin akong tunog, and it's soothing my mind.

"Breathe in, Ally. Slowly" narinig kong sabi niya. I just felt the paperbag in my mouth and I did what I was told to do. Dahan dahang nawala ang bara sa baga ko.

My tears fell slowly, walang hikbi. Tumulo lang ang luha ko.

She learned how to take care of me when I couldn't take care of myself and I hated it. Ayokong maging pabigat sa kanya.

"buti nalang maaga akong dumating. I learned my lesson before" last year, I had a panic attack too. It was manang Jing who found me almost dying from it. Elle happened to be there and witness my helpless state. I told her to never tell anyone dahil nais niyang sabihin kina mama. It wasn't necessary. I'd only be a nuisance.

Baka kako kailangan ko ng therapy

I never thought about it.

Kinahapunan, nagpunta na kami sa cemetery. Nasa bahay na sila mama kaya pwede na akong umalis. I greeted papa like always. I told him all the things I'm happy about. Today, was my birthday too.

Ang kapal ng mukha kong pumunta rito pero papa. Kinakapalan ko na talaga ang mukha ko dahil gustong gusto kitang makausap.

I brought flowers too. Sa susunod pag marami na ang pero ko, isang basket na ang bibilhin ko. Yung mamahalin na. Yung makukulay.

Mga isang oras din ako roon hanggang sa nagdesisyon akong umalis na at may lakad nga kami ni Elle. Nangako ako sa kanyang sasamahan ko siya sa hapong ito.

Papalabas ako nang makasalubong ko ang doctor na nakita ko sa hospital noong mga nakaraang araw.

"Rosalie? Tama ba ako?" tumango ako. He smiled at me tenderly. Other than Elle at manang Jing siya lang din ang ngumingiti sa akin ng ganyan.

May dala siyang rosas. My mama loves roses. "My sister loves roses..." patay na rin kaya ang kapatid niya?

"Mama ko rin po..."

"So binibisita mo rin ang mama mo?" agad akong umiling.

"May papa died early..." tumango siya.

"My sister too..." tumango ako. Pareha kaming maagang nawalan. Mag isa lang siyang bumibisita rito baka busy yung ibang kaanak niya. "My sister was all I have, pero agad ding nawala. You... You look exactly like her, kaya pagpasensiyahan mo na kung napapansin mong natititigan kita ng maigi"

Kaya pala siya naiiyak noong huling nagkita kami. Alam na alam ko kung ano ang pakiramdam  when we miss someone so dear. I know it all too well.

"I just really missed her" sabi niya.

Nagpaalam na akong mauuna na ako dahil may lalakarin pa kami ng pinsan ko. Nagkita lang kami ni Moria sa meeting place na isang kainan pala. Sabi ni Moria sa kanila raw ang lugar kaya doon kami sa pinakadulo umupo. Maganda ang ambiance ang resto at hindi rin gaanong maraming kumakain, hindi ko alam kung magandang bagay ba iyon o hindi.

She told us this was an old resto na pinapatakbo ng grandparents niya. Nasa mga sampong tables lang ata at may kunting privacy talaga ang kumakain dahil sa parang maliit na pinto pinto.

They're old so limited lang talaga ang pinapapasok. Kailangan pa raw mag book to get a reservation.

Nagpaalam silang pupuntang powder room kaya naiwan ako sa table namin. Nagmumuni muni ako nang marinig ko ang mahinang kanta. It was a happy birthday song. I saw Moria holding a balloon and Elle was holding the cake. May birthday hats din silang suot.

I was in awe. Nagtubig ang mata ko sa nakikita at naririnig. An old couple was behind them singing along. It was her grand parents.

When they get closer they told me to blow the cake. My cake. I was hesitant but I blew it anyways. My tears fell slowly.

Each drop of tears felt like salvation.

For the first time in seven years someone celebrated my birthday with me. Someone remembered.

"Happy Birthday, Ally"

For the first time I cried for myself.









In loving memory of
Rosela Angela Viestemano



I placed her favorite flower on top of her grave. "You know, I saw someone who exactly looked like you..."




Continue Reading

You'll Also Like

125K 5.1K 44
A fire incident at his(Kim Jae-soo) husband's home while he (Baek Ji-Hu )was away made Kim Jae-soo return to his third year of university (he was reb...
80.5K 5.6K 60
Shubish oneshots because why not. Mainly fluff with a little angst on the side. Ps- I wanted to write like a long story but I lack a good main plot a...
159K 6.4K 73
➽Just short love stories...❤ ⇝❤️. ⇝🖤. ⇝♥️. ⇝💙. ⇝🩷. ⇝🤍. ➽💛Going on. ➽🩶Coming up [Ignore grammatical mistakes. I will improve my writing gradual...