Helaina

By peritwinklexx

6.5K 195 19

Hindi naging maganda ang unang pagkikita ni Helaina at Valentine. One is committed, and the other is kinda pl... More

Helaina
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30

Kabanata 27

88 1 0
By peritwinklexx

Noong gabing iyon ay sa bahay ako nila Dominic natulog. Hindi niya pinayagan si Gael na ihatid ako pauwi. Baka may mangyari pang hindi maganda sa amin sa daan kasi medyo lasing si Gael. Hindi na rin naman na ako nakipagtalo sa pinsan ko. Buti na lang at safe na nakauwi ang boyfriend ko.

Napapangiti ako sa tuwing naaalala ko yung mga ginawa ni Valentine sa akin noong birthday ko. Iyong effort niya para mapasaya ako. Ang gaan talaga sa pakiramdam. Kahit na hindi maganda ang unang pagkikita namin, nagpapasalamat pa rin ako kasi nakilala ko ang isang tulad niya.

Ilang araw na ang nakalipas simula nung birthday ko. At ilang araw na rin lang ay mag-uumpisa na ang second semester. Hindi pa nga pala ako nakapag-enrol.

"Ate, we're ready!" Sean squealed.

Napaangat ako ng tingin sa kanya habang bumababa siya sa hagdan kasunod si Simon. Napangiti ako sa kagwapuhan nilang dalawa dahil sa suot nila ngayon. They're both wearing this cute statement shirt na magkaiba ang print at kulay. Kay Sean ay kulay yellow na may naka-print na "Too Cute For You". Kay Simon naman ay kulay black na "Don't Disturb". May malaking earphones pa sa kanyang tenga. Suplado lang.

"Manang, alis na kami!" Sigaw ko. Nasa kusina kasi si manang, naghuhugas ng pinagkainan namin.

"Anong oras ba kayo uuwi?" Tanong ni manang na naglalakad na palapit sa amin ngayon. "Baka magalit na naman ang Mommy mo."

"Alam naman niya na aalis kami ngayon. Nagpaalam na rin ako kay tito Samuel kanina." Sabi ko. "Bye po!" Hinatak ko ng mabilis ang kambal. Baka matagalan pa kasi si manang sa pagsasalita.

NAG-TAXI kami ng mga kapatid ko papuntang Abreeza. Sobrang excited ni Sean sa bonding namin ngayon. Nagi-guilty tuloy ako kasi parang wala na akong oras sa mga kapatid ko.

"Ate, can you buy us a happy meal? Gusto ko po nung minions nila." Ani Sean. Nakaupo silang dalawa ni Simon sa likod.

"Sure! Anything you want." Sagot ko. "Pero yung magkasya lang sa perang dala ko ngayon, ah."

"Yehey!" Pumalakpak si Sean.

Ibinaba kami ng taxi driver malapit sa National Book Store. Niyaya ko ang mga kapatid ko na sumaglit muna dun. Titingnan ko kasi kung available na ba ang Every Beast Needs a Beauty ng pinakaborito kong author na si Jonaxx.

Habang tumitingin ako sa bookshelves ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa loob ng aking bag.

Boyfriend:

May laro kami ng mga pinsan ko ngayon. I miss you.

Napangiti ako sa text ni Gael. Ilang araw na kasi kaming hindi nagkikita dahil tinatamad akong lumabas ng bahay.

Me:

I miss you too, babe! May date kami ng kambal ngayon. Take care.

Ibinalik ko sa bag ko ang cellphone ko. Itinuloy ko ang paghahanap ng librong hinahanap ko. Nang may makita akong sales lady ay tinanong ko kung available na ba yung book. Sabi niya na hindi pa daw.

Pagkalabas namin sa NBS ay dumiretso na kami ng mga kapatid ko sa isang fastfood kung saan available ang happy meal. Si Sean lang in-orderan ko ng happy meal. Ayaw kasi ni Simon.

Habang kumakain kami ay tumunog ulit ang cellphone. Napangiti ako ng makita ang pangalan ni Valentine.

"Hello?" Bungad ko.

Kumunot ang noo ko dahil halakhak ng isang babae ang naririnig ko sa kabilang linya.

"Hello, Valentine?" Ulit ko pa.

"Helaina!" Sambit nung babae.

"Uh, yes?"

"Tss! It's me Shane! Saan ka?"

"Nasa Abreeza ako ngayon. With the twins. Why?" Sagot ko.

"Oh, okay. I just wanna let you know. Pupunta tayo ng Dahican mamaya!" My bestfriend giggled. "Pinagpaalam ka na ni Dom kay tita."

"H-ha? I mean, wait. Ba't tayo pupunta doon? At saka ba't cellphone ni Valentine ang gamit mo?" Kumagat ako ng kaunti sa chicken sandwich na in-order ko habang naghihintay sa sagot ni Shane.

"Naka-charge ang phone ko. Nandito kami kina Dom. Pinapunta niya si Valentine to hang out. Then yun, ni-suggest ni Valentine na mag-Dahican tayo." Ani Shane.

So that's why. I bet my bestfriend's really excited, huh? Sa tono ba naman kasi ng boses niya.

"Okay. Text na lang kita pag on the way na ako diyan." sabi ko. "Bibili na lang din ako ng pagkain para sa biyahe."

"Ikaw ang bahala. Pero, Nana.." she trailed off.

"What?"

"Hmm, sabi ng pinsan mo huwag mo na daw isama si Gael."

Napatitig ako saglit sa chicken sandwich na kinakain ko.

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago sumagot. "Okay. See you."

Kinansela ko na yung tawag. Hindi ko na hinintay na makapagsalita si Shane. Medyo sumama kasi ang loob ko sa sinabi niya kahit na hindi naman talaga siya ang nag-isip noon.

"Saan niyo gustong pumunta pagkatapos dito?" Tanong ko sa kambal.

Tumingin si Sean kay Simon na abala sa pagkain ng spaghetti. Ibinalik niya ang tingin sa akin pagkatapos ay ngumiti.

"Pwede ba tayong mag-arcade?"

Tumango ako at saka ngumiti kay Sean.

"Sure. Pero pagkatapos mag-arcade samahan niyo akong mag-grocery, okay?"

"Yes, ate." Ngumiti si Sean sa akin.

Sumulyap ako kay Simon. Nung unang dating ko pa lang sa bahay nila noon ay ganyan na siya. Tahimik, masungit at suplado.

Wala akong ideya kung gusto ba niya ako bilang ate niya o hindi. Si Sean kasi ang palagi kong nakakausap. Siya itong kasalungat ng ugali ni Simon.

Naglaro lang ng video games ang kambal habang nakaupo ako sa isa sa mga benches na nandito sa may gilid ng escalator. Tahimik ko lang silang tinitingnan dito habang naghihintay rin sa text ni Gael.

Ba't ba hindi na nagtext ang isang 'yon? Kanina pa kasi ang last text niya.

Hanggang sa natapos kami ng mga kapatid ko sa pag go-grocery ay hindi pa rin nagtext si Gael. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-isip ng masama. Maybe he's doing it again?

No. It can't be. He promised me that he won't do it again. That he won't cheat on me again. But promises are made to be broken, Lainey. Right?

Tinadtad na ako ng text ni Shane. Tanong ng tanong kung ano na ba daw ang ginagawa ko, kung nakapag-impake na ba daw ako, kung handa na ba daw ako, etc. Hindi halatang excited siya ah. Grabe.

Mag a-alas siete na ng matapos ako sa paghahanda ng mga gamit na dadalhin ko sa Dahican. I brought three bikinis just in case na magtagal kami doon ay may maisusuot pa akong panligo.

I was about to call Gael nang biglang mag-ring ang phone ko. Napataas ang kilay ko nang makita ang pangalan niya dun.

"Hello, babe? Ba't di ka na nagreply sa mga texts ko? Kanina pa yun ah?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

"I'm really sorry, babe. Sumama kasi ang pakiramdam ko kanina." Aniya sa matamlay na boses."Di na nga ako nakapaglaro, eh. Natulog ako. Ngayon lang ako nagising."

"H-ha? Ano? May sakit ka ba? Uminom ka na ba ng gamot? Ba't di mo agad sinabi saken?" Tanong ko, nag-aalala.

Marahan siyang tumawa. "Hindi ko na sinabi. Baka masira ko pa yung bonding ninyo ng mga kapatid mo. Okay na rin naman na ako. Nandito din naman si mama. Inaalagaan ako."

"Tsk! Kahit na. Alam mo namang mag-aalala talaga ako." Nagdadalawang isip na tuloy akong sumama sa Dahican. Gusto ko kasing puntahan at alagaan na lang si Gael.

"Okay na sabi ako." sabi niya. Narinig ko ang paggalaw niya sa kabilang linya.

"Hmm, hindi na lang siguro ako sasama kina Shane sa Dahican." Sabi ko. "Pupunta na lang ako diyan."

Narinig ko ang mahinang ubo ni Gael. "Mag-Dadahican ulit kayo? Sumama ka na lang, babe. Enjoy mo habang wala pang pasok. Okay lang talaga ako."

"Oo, babe. Si Dominic ang nagplano. Doon kami sa resthouse nila Valentine mag-stay." Sagot ko. "Sigurado ka ba talagang okay ka?"

"Yes, babe. Okay lang talaga ako. Enjoy, okay?"

"Pero--"

"Okay lang talaga ako. Sige na, ibababa ko na 'to. Kakain lang ako."

Hindi ko na kinulit pa si Gael. Pagkatapos ng tawag ay tinext ko agad siya na i-update niya ako from time to time tungkol sa sakit niya.

Ilang saglit lang ang nakalipas ay kinatok ako ni manang. Sinabihan niya ako na dumating na ang pinsan ko kasama ang mga kaibigan namin.

"Susunod po ako, manang." Sabi ko. Kinuha ko ang mga bag na dadalhin ko. Sinigurado ko na kumpleto ang mga nasa loob nito. From toiletries, undies to clothes.

Nasa pasilyo pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang tawanan nila. Thank God and Mommy's not home yet. Kundi mapapagalitan talaga sila. Ayaw pa naman nun ng magulo at maingay.

"Nana, bumili ka daw ng pagkain?" Tanong sa akin ni Tamar habang pababa ako ng hagdan.

Sinamaan ko agad siya ng tingin. "Oo, pero wala kang share doon." Masungit kong sagot.

"Sama mo. Meron ka?" tanong niya pa.

Hindi ko na siya pinansin. Nabaling ang atensyon ko kay Valentine na nakatayo sa veranda at may kausap sa cellphone. Must be his girlfriend, huh.

Nainis ako sa naisip ko. Ewan ko nga ba kung bakit.

"Halatang di kayo excited. Dapat ako ang pupunta kina Dom, eh." Sabi ko. Tumawa lang si Shane sa sinabi ko.

"Tara na, alis na tayo." Ani Shane. Nagsitayuan silang lahat at naglakad palabas.

"Una na kayo. May naiwan pa ako sa taas." Sabi ko kay Shane.

Kumaripas ako ng takbo paakyat para kumuha ng unan. Paniguradong makakatulog ako nito sa daan. Mabuti ng may dalang ganito para kahit papaano magiging kumportable ako sa sasakyan.

Pagkababa ko ay wala ng tao sa sala. Pati gamit ko ay wala na din. Siguro binitbit na nila. Dumiretso ako ng kusina para hanapin at magpaalam kay manang. Naabutan ko siyang nakaupo habang nanonood ng isang palabas sa tv.

"Manang, alis na po kami." Sabi ko. Lumingon si manang sa akin.

"O, sige. Mag-iingat kayo. Sabihan ko si Dominic na mag-ingat sa pagmamaneho." Tumango lang ako kay manang.

Dalawang sasakyan lang ang nakita kong nakaparada sa labas ng bahay namin. Ang isa ay kay Shane at ang isa naman ay kay Valentine.

"Di mo ba dinala ang sasakyan mo, Dom?" Tanong ko sa pinsan ko.

"Hindi na. Tinatamad akong mag-drive." Sagot ng pinsan ko. "Pumasok ka na sa loob at ng makaalis na tayo."

Pagkasabi noon ni Dominic ay nagmamadali sina Tamar at Bub na pumasok sa loob ng sasakyan ni Shane. Pumasok din doon ang kaibigan ni Valentine na si Jasper na hindi ko nakita sa loob kanina.

"Uh, saan ako sasakay?" Tanong ko sa pinsan ko.

"Kay Valentine." Sagot niya.

Napalunok ako sa sinabi ng pinsan ko. Aba, magaling. Another awkward moment na naman yata siguro ito para sa amin.

Umamba akong bubuksan ang likuran ng sasakyan ni Valentine nang sinita ako ni Dominic.

"Kami ni Ysha diyan, Nana. Sa harap ka." Aniya.

"Yung mga gamit ko nasaan?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Inginuso lang ni Dominic ang sasakyan ni Shane.

Napairap ako sa kawalan at mabilis na pumasok sa harap ng sasakyan ni Valentine. Nagulat pa ako dahil nasa loob na pala siya at naghihintay lang sa amin.

"Hi," ani Valentine.

"Hey." Sagot ko. Mabuti na lang at pumasok na sina Dominic at Ysha sa likod. Naibsan ang pagkailang ko kay Valentine. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit inatake na naman ako ng pagkailang sa kanya.

"Let's go, Val." Ani Dominic sa likod.

Napayakap ako sa aking unan nang pinaandar na ni Valentine ang sasakyan niya.

Continue Reading

You'll Also Like

866K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...