Womanizer Series #2 : Crius I...

By mhadztngsn

23.2K 252 43

He's a womanizer, a bachelor car dealer, a racer, and a loving son to her mom. He met this girl mechanic who... More

Notes
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 4

1.4K 20 9
By mhadztngsn

Kanina pa ako nagpupuyos sa galit sa lalaking 'to. Masakit na ang panga ko sa kagagalaw dahil kanina ko pa gustong basagin ang mukha ni Darwin.

Ako ang boss tapos ako ang makikiusap sa babaeng 'to para lang maging mekaniko sa shop ko? Ha! Sabi ko never kong gagawin, e!

Pero ito at nandito ako sa shop ng hayop na lalaking ito para raw tulongan siyang kumbinsihin ang nag-iinarting babaeng ito. Akala mo naman bagay! Tss. Yung mukha kang gangster sa kanto tapos nag-iinarte? The fuck?!

"Ayoko nga, Darwin. Bakit ba pinipilit mo ako na pumasok sa shop ng lalaki na 'yan?" saad ng babae habang masama ang tingin sa akin.

Problema nito? Palagi na lang galit, para akong kakainin ng buhay. Tss.

"Kasi nga pansamantala ko ngang isasara ang shop na 'to. Hindi ba nasabi ko na sa 'yo na aalis ako? May aasikasuhin ako sa ibang bansa, Kael."

"Oh? Pansamantala lang naman pala. Edi, maghihintay na lamang ako kung kelan ka ulit magbubukas. Problema ba 'yon?" Maangas na sagot ng babae bago naupo sa hood ng kotse na kanyang ginagawa.

Mayabang talaga!

Napabuntonghininga si Darwin na parang nauubusan ng pasensya bago tumingin sa akin. Prente akong nakaupo sa kaniyang lumang sofa habang naka de kwatro. Pinagtaasan ko ito ng kilay dahil hindi ko gusto ang tingin niya habang nakatingin ito sa akin. Parang may iba siyang naiisip na gusto ipagawa sa akin.

Tangina, Darwin! Ipupulupot ko talaga sa leeg mo ang silver chain na nakalawit d'yan sa pants mo!

"Alam mo kasi, Kael, kailangang-kailangan nitong si Crius ng kagaya mo sa shop niya."

Nasamid ako sa sarili kong laway matapos marinig 'yon. Nang lingunin ko silang dalawa ay pareho ng masama ang tingin nila sa akin. Si Darwin na parang nakikiusap na sang-ayunan siya. At si Kael ay parang gusto na akong sunggaban para gilitan.

Oo kailangan ko pero hindi siya ang kailangan ko. Asa! Hindi ko kailangan ng mala dragon sa shop ko.

"Talaga ba?" Sarkastikong tanong ni Kael, nakatingin sa akin nang patagilid. "Parang hindi naman? Kayang-kaya na niya 'yon, Darwin, kaya hihintayin na lang kita."

"Kailangan mo siya, 'di ba, Dude?" tanong sa akin ni Darwin na may makahulugang tingin. Pilit ako nitong pinatatango.

"Ha? Oo, sabi mo, e."

Napatampal si Darwin sa kanyang noo.

"Alam mo, Darwin, 'wag na. Hihintayin ko na lang ang pagbabalik mo."

"Makakapaghintay naman pala siya, Dude. Hayaan mo na," agad naman na sagot ko.

"Mas mabuti pang maghintay kaysa naman payamanin kita dahil sa galing ko!"

Napataas ang aking kilay sa kayabangan nito. Nang makita niyang apektado ako sa kanyang sinabi ay mas niyabangan pa niya ang tingin sa akin. Bahagyang kumurba patagilid ang labi nito.

"Ha! Baka lang hindi mo alam, Miss, mayaman na ako. Kahit wala ka ay mas yayaman ako!" pagyayabang ko pero mukhang hindi siya apektado.

"Talaga ba? Sa yaman mong 'yan, hindi ka makapagpahanap ng magaling na mekaniko?" she smirked.

Kung ibang babae 'to ay maangas ang datingan niya pero dahil SIYA 'yan, mukha lang siyang mayabang para sa akin!

Sinusubukan talaga ng babaeng 'to ang pasensya ko. Magsasalita na sana ako nang bigla muli itong magsalita.

"Sabagay, iisa lang kasi ako sa mundo kaya mahihirapan ka talaga." Mayabang pa nitong dugtong. Tumalon ito para makababa sa hood ng kotse at mayabang na naghalukipkip. Napaupo ako ng maayos.

The nerve of this woman! Ang liit-liit na babae pero ang kaniyang yabang ay mataas pa sa kaniya!

"Masyado kang bilib sa sarili mo, babae. Napuri ka lang nitong kaibigan mo, akala mo naman ganun na ang tingin ng lahat sa 'yo?"

"Hindi lang siya ang nagsabi at nakakaalam na magaling ako. Marami!" Bawat kilos niya ay may yabang na dating... O, sa akin lang?

Saan ba niya hinuhugot ang napakadami niyang baon na yabang?

"Maybe they're those people who were your clients. Of course they would say that."

"Luh! Ba't nag-e-english? Pangit mo naman ka bonding, boy!"

Nagsalubong ang kilay ko. "Me? A boy?"

"Oh, bakit? Ano ba ang gusto mo? Girl? E, bading naman pala ang isang 'to, e!" sabay tingin nito sa katabi nitong kanina pa ata nagpipigil ng kanyang tawa. Namumula na ang mukha ni Darwin at panay ang tikhim.

"Ako? Bading? Are you out of your mind?! Kanina kapa, a!" Napatayo na ako dahil sa nararamdaman kong inis sa babaeng ito. Agad naman na gumitna si Darwin.

"E, maligalig ka palang kausap! Tinawag kitang boy, ayaw mo. Ngayon, tinatanong kita kung gusto mo girl, nagagalit ka pa rin? Ano? Sa edad mong 'yan hindi ka pa rin ba sigurado sa kasarian mo? Tanda mo na, oy!"

"The fuck?! What is wrong with you?!"

"Dude dude dude! Wait! Kalma! Babae 'yan!" awat sa akin ni Darwin nang akmang lalapitan ko ang kaibigan niya.

"Babae? Sino? Yan?" tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, "saang banda?"

Mukhang siya naman ngayon ang nagalit at susugod sa akin kaya agad siyang niyakap ni Darwin.

"Aba'y gago 'to, a!"

"Kael, tama na! Ano ba!"

Kailangan ba talagang payakap ang awat kapag sa babae? Tss.

"I'm done, Darwin. Hindi siya ang kailangan ko sa shop ko."

"Dude, wait. Pag-usapan natin ng maayos." Tumingin naman ito sa babae. "Kael, please... Kumalma muna kayong dalawa. Paano tayo magkakausap ng maayos kung puro kayo bangayan? Para kayong aso't-pusa."

"Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo, Darwin. Ako pa rin ang boss sa shop na gusto mong pasukan niya. Hindi naman pwedeng mas matapang pa siya sa boss niya. Kung sa 'yo okay lang 'yang ganyan, sa akin hindi."

"At sino naman ang may sabing magiging boss kita? Hindi nga ako sang-ayon na maging mekaniko mo—"

"Kael!"

Natigilan ang babae sa bahagyang pagtaas ng boses ni Darwin. Seryosong-seryoso na ang mukha nito habang nakatingin sa kaibigan. Samantalang ang babae ay nakasalubong pa rin ang kilay na nakatingin sa akin at unti-unting bumabaling ang tingin sa mukha ni Darwin na parang nagulat.

Napalunok si Darwin nang unti-unting naging malamig ang paraan nang pagtingin ng babae. Ang kaninang galit at mapang-asar niyang mukha ay hindi ko na makita ngayon. Kahit ang kanyang mga mata na sumasabay sa pagngiti ng labi niya ay naging walang buhay.

"Kael, please... Kailangan kong umalis at kailangan mo ng trabaho—"

"Kailangan ko ng trabaho, oo. Pero hindi ko kailangan maki-fit in sa mundong hindi naman ako nababagay. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa mga taong ayaw sa 'kin." Malamig nitong tugon. Tinignan ako nito mula sa gilid ng kanyang mga mata bago padarag na umalis sa shop na yon.

"Kael!" tawag pa sa kanya ni Darwin pero hindi niya ito nilingon.

Hindi ko alam kung bakit pero, parang nakaramdam ako ng hiya sa kanyang sinabi. Pakiramdam ko may malalim na hugot ang binitawan niyang salita.

Wait... Bakit parang kasalanan ko na ngayon? Siya ang unang nang-away sa aming dalawa, a?

"Pasensya kana, dude. May trauma kasi siya sa mga taong... inayawan siya. Pero sana huwag mo muna ibigay ang posisyon na 'yon sa iba. Kakausapin ko na lang muna siya. Pasensya na talaga." Nagtatakbo na ito para siguro sundan si Kael.

Sa haba ng kanyang sinabi, ang tumatak sa akin ay ang trauma raw ni Kael. May ganoong trauma pala? Pwede pala talagang ma trauma ang isang tao sa ganoong treatment ng iba sa kanila? And she's the living proof. She was traumatized by how people treat her... That was... sad...

Kahit na naiinis ako sa yabang niya, nakakaramdam pa rin ako ng awa. Pero mas napansin ko ang mabilis na pagpapalit niya ng mood.

She's moody. Talent ba 'yon ng mga babae? Tss.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 30.9K 80
"As a breadwinner of the family, I will do everything." -Gillian Guzman Bilang isang mahirap, pera ang laging katapat. Gillian Guzman, the woman wh...
246K 4.3K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
4.5M 135K 55
PUBLISHED UNDER TALKING PAGES Tears Series #1: Sieana Claire Atienza Naisipan ni Sieana Claire Atienza na lumuwas ng Manila para doon na mag-aral. T...