Among Dapitan (Coast Series #...

נכתב על ידי erhlsapphire

466 21 1

COAST SERIES #2 Civil engineering Zack Bueneventura from UST only wants one thing to happen, to make his pare... עוד

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
12
13

11

10 1 0
נכתב על ידי erhlsapphire

"What?! Oh, my god. Mabuti nalang at walang nangyari sa 'yo. Lalo na kay Zack. Those trash men!"

Galit na galit ang reaction ni Pierre. Kwinento ko kasi sa kanila yung nangyari noong isang linggo. Nasa Los Angeles na ngayon si Zack.

"Instant the knight in shining armor pala ang peg n'yan," si Lynette.

"Saludo ako kay Zack. Talaga kaya n'ya isugal yung kaligtasan n'ya para lang sa 'yo, Akisha," seryosong ani ni Ke.

Tumungo naman si Avi. "Mabuti nalang at andon lang sila dalawa ni Bricks. Kung hindi nasa balita ka na ngayon."

"Pangarap mo pa naman na ikaw yung mag babalita tapos ikaw pala yung mababalitaan," pang-ookray ni Lynette.

"Kung sabunutan kaya kita?" irap ko.

"Tumatapang ka na yata?" pang hahamon n'ya.

Noong gabi 'yon kinuhanan kami ng statement ng mga pulis. Nakulong din ang gago 'yon. Modus na pala talaga ng mga kasamahan n'ya ang gawain nila na mang hamblot ng iba't-ibang babae.

"Shit," bulong ko ng makita may tumatawag sa cellphone ko. It's Mom.

Hindi ko pa nasasabi sa kanila 'yon. Pagkakarinig ko kasi last time may hawak silang mabigat na operation. Ayoko naman na lumipad ang isip nila sa 'kin. Maayos na naman ako. Mahalaga safe ako ngayon.

"Hello, Mi?" I answered.

Tumayo muna ako tsaka lumabas sa veranda ng condo ni Pierre. Narinig ko naman ang pag tulo ng tubig sa kabilang linya. Mukhang may natapos silang operation.

"What happened, dear?!" nag-aalalang tono ng boses n'ya. "We will pick you up. Nasaan ka ba? Dapat kasi may body guards ka na!"

"Mommy! Hindi naman kailangan. Tsaka ko na ikwekwento sa inyo yung nangyari kapag nasunod n'yo na ako. Ise-send ko sa inyo yung address. Take care! I love you both!"

Paglabas ko, nag uusap pa rin ang mga kaibigan ko tungkol sa nangyari. Gusto daw sugurin ni Lynette sa prisinto yung lalaki na 'yon. Kung s'ya pa raw yung naka kita sa lalaki 'yon baka s'ya raw talaga ang pumatay don.

"Kung libre lang talaga pumatay. Matagal na bawas ang mga manyakis dito sa pilipinas. Tangina nila. Iisa-isahin ko ang mga burat nila pag puputulputulin. Isipin n'yo 'yon. Gusto lang naman natin mamuhay ng normal bilang isang babae. Tapos may ganyan klaseng tao! Tangina!"

Galit na galit na talaga s'ya. Namumula na nga ang leeg n'ya. Umiling nalang ako tsaka uminom ng tubig.

"Nakakulong na naman na. Tsaka nag sampa na rin ng kaso yung ibang babae nabiktima n'ya," sabi ko, pampagaan ng loob nila.

"Next time h'wag ka na basta-basta pupunta sa lugar kung hindi ka naman pamilyar. Tawagan mo isa sa 'min. Sasamahan ka naman namin," seryosong sabi ni Avi.

"Kahit ako! Kahit biglaan pa out of the country 'yan. Alam mo naman suportado ako sa kalandian mo!" pagbibiro pa ni Ke.

"Ang tanong. Bakit hindi ka sinundo ni Zack kung nasiraan ka ng sasakyan?" mataray na tanong sa 'kin ni Lynette.

"Drained nga raw yung cellphone n'ya. Pati yung kay Bricks lowbat din. Nag cha-charge daw sila sa seven eleven n'on. Nag hahanap din sila ng beer. Pauwi na rin kasi sila," pag kwe-kwento ko.

"Buti naman. Responsibilidad ka ni Zack nung time na 'yon," ani ni Lynette.

"Bigyan ko rin kaya s'ya ng responsibilidad?" suggest ko.

"Tangina!" singhal sa 'kin ni Lynette. "Madudukot ka na lahat lahat nagagawa mo pa rin mag biro ng gan'yan? Hindi sampu buhay mo tanga! Hindi ka pusa!"

"Sa pagkakaalam ko, sis. Walo lang 'yon?" pambabara ko sa kaniya.

"Tama na 'yan. Kumain na muna tayo," awat ni Avi.

"Sige na! Mauuna na 'ko! Susunduin ako ni Mommy't Daddy d'yan sa baba. Bye! I love you girls!" hinalikan ko sila isa-isa.

"Mag iingat ka na ha!" pag papaalala sa 'kin ni Ke.

Tumungo naman ako bago lumabas ng pinto narinig ko pa ang pag baling ni Lynette kay Ke.

"Yung Gelo ba 'yan ginugulo ka pa rin? Kung d'yan ko nalang kaya ibuntong ang galit ko sa nang manyak kay Akisha?"

Tuloy-tuloy na ako nag lakad. Pagbaba ko ng parking lot nakita ko na kaagad ang sasakyan ni Daddy. Bumukas naman ang shot gun seat, tumatakbong si Mommy.

"Oh, god! Kung hindi pa namin nabalitaan sa ninong mo sa prisinto ang nangyari hindi pa namin malalaman. Akisha naman! Kailan mo pa balak sabihin sa 'min 'to?"

Napangiti ako. Walang bahid na galit sa tono ni Mommy kung hindi inis lang. Hinalikan pa n'ya ako nang paulit-ulit.

"Pagtapos po sana ng big case n'yo sa hospital. Ayoko naman kasi sumabay pa sa inyo, Mommy."

"Don't say that, anak! Kahit kailan hindi ka naging burden sa 'min ng Daddy mo. Kung kailangan may pumalit sa pwesto namin. Gagawin namin."

"Mommy..." hindi ko alam ang sasabihin ko.

Niyakap n'ya lang ako ng mahigpit. Natawa pa ako dahil nakatingin lang sa 'min si Daddy. Nang mag salubong ang tingin namin umiwas kaagad s'ya ng tingin. Kahit malayo nakikita ko ang kinang ng mata n'ya.

"Anong gusto mo? Ipagluluto kita! For sure puro past food at noodles nanaman ang kinakain mo sa condo mo. Haynako!" napasapo sa noo na sabi ni Mommy.

"Marunong na ako mag luto, Mi!" ani ko.

Ginaya n'ya lang ako sa sasakyan habang naka yapos pa rin sa 'kin na parang takot akong bitawan. Para nga ayaw na n'ya akong pakawalan.

"Ka-miss bulalo, Mi!" pang lalambing ko.

"Okay, mahal! Daan muna tayo ng grocery, Daddy," pag lalambing naman n'ya kay Daddy.

Isang tungo ang ginawad ni Daddy tsaka s'ya nag-drive papuntang super market. Narinig ko naman ang pag ring ng cellphone ni Mommy. Nakita ko naman na pinatay n'ya kaagad ito. Paglingon n'ya sa 'kin sa likod binigyan n'ya ako ng maliit na ngiti.

Pagkatapos ng araw na 'to alam ko na babalik na ulit kami sa dati. Uuwi nanaman ako sa condo ko at mag-aaral. Mag tratrabaho sila na mag tratrabaho kasi kailangan. Ihahanda ko na ang sarili ko para rito. Parang hindi pa naman ako sanay.

"Masarap 'yan!" turo ni Mommy sa isang box na chocolate.

Ngumiti naman ako tsaka 'yon inilagay sa cart namin. Ang bulalo na para sa gabihan nauwi na sa dalawang buwan na groceries. Sinabay na kasi nila ang stock ko para sa condo. Para hindi na rin ako kumain sa labas. Nakalista na d'on ang per day na pwede ko lutuin. Nilista 'yon ni Mommy.

"Anong oras na kaya don?" ani ko.

Time to time nag-uusap naman kami ni Zack. Minsan lang kasi kailangan ko pa gumawa ng mga pending na plates. Hindi rin nag sasabay ang body clock namin. Nag a-adjust pa kasi s'ya don.

"Bakit ka ba tingin nang tingin sa relo mo? Sira na ba 'yan?" naka tingin pala sa 'kin si Mommy. "Bili tayo ng bago later. Pagka bayad natin ng groceries."

"Hindi, Mommy! Tinatansya ko lang yung oras..." Pagpapalusot ko pa.

Mukhang sang-ayon naman s'ya sa sinabi ko. Mabuti nalang at konti lang ang tao sa supermarket kaya naman naka pag bayad na kami sa counter. Paguwi, kaagad dumaretsyo si Mommy sa kusina.

"How's school, 'nak?" tanong ni Daddy, nakaupo sa couch.

Nasa island counter kasi ako kaya medyo malayo s'ya sa gawi ko sa entertainment area. Pinapanood ko kasi si Mommy kung p'ano mag hiwa ng mga kung ano-ano.

"Still in Dean's List, Di!" tuwang-tuwa sabi ko. "Goal ko kasi ngayon maging summa cum laude!"

"That's good. You have vision for your self."

Humagikgik naman ako. Simula bata sila na ang role model ko. Kung paano mag kwento si Mommy ng mga pinag daanan n'ya noong college.

"Mommy! Turuan mo 'ko!"

Tumayo ako para lumapit sa pwesto n'ya. Naki pag talo pa kasi ako na mag prisinta na mag hiwa ng sibuyas. Marunong naman ako!

"Shit!"

Nabitawan ko kaagad ang kutsilyo na hawak ko ng matusok ng dulo ang daliri ko. Kaagad lumabas ang pulang-pula dugo na andon. Maliit lang naman 'yon pero nag panic na kaagad si Mommy.

"Arjo! First aid! Bilisan mo! Ang bagal mo kumilos!"

Sinaway naman ako ni Mommy ng h'wag  sipsipin ang daliri ko na may dugo na andon. Ginaya naman n'ya ako sa sala para paupuin d'on. Nilinis n'ya ang daliri ko gamit ang alcohol.

"Ano 'yan?" kunot noo tanong ni Mommy.

Inagaw ko naman ang daliri ko sa pag kakahawak n'ya. Nasugatan ko pala ang daliring palagi ko sinusugatan kapag anxious ako. Tinignan naman ako ni Mommy sa mata. Binabasa maigi ang iniisip ko.

"Did you hurt you self?" kaagad sumilid ang luha sa mata n'ya. "Akisha... Please... Tell me... Anak. Sinasaktan mo ba ang sarili mo?"

Umiling ako tsaka ngumiti. Napa kurap pa s'ya ng ilan beses. Mukhang naka hinga s'ya ng maluwag d'on. Nginitian naman n'ya ako.

"Of course not, Mommy. Hindi."

Hinakawan naman n'ya ang pisngi ko para i-comfort. Naramdaman ko naman ang malambot na palad n'ya sa pisngi ko.

"Kapag may problema. Sabihin mo kaagad sa 'kin, ha? Andito lang si Mommy."

Pinilit ko s'ya na bumalik na sa pag luluto dahil nagugutom na rin ako. Balak ko na dito na rin ako mag s-stay since wala naman akong erands para sa hollyweek. Nag hapuan na rin kami tsaka ako umakyat sa kwarto para maligo.

Nakaka-miss naman! Mas madami kasi ang alala ko dito kumpara sa condo. Dito saksi ang tawa at kalokohan ng mga kaibigan ko. Wala pa rin nababago. Malinis naman kahit walang tao. Walang nawala sa gamit ko at nagalaw.

"Gising na s'ya!"

Umilaw ang cellphone na nasa kama kaya alam ko tumatawag na si Zack. Pag sagot ko ng tawag. Napa dasal kaagad ako ng makita ang itsura n'ya. Naka grey s'ya hoodie habang kumakain ng pancake sa kama n'ya. Mukhang kakatapos n'ya lang din maligo.

"Hello! Napatawag ka? Hindi kayo gagala d'yan?" I asked. "Kamusta naman yung stay mo? Hindi ka na ba hirap matulog?"

Dumapa naman ako tsaka sinandal sa unan ang cellphone ko para maging komportable ako sa pag kaka dapa.

"No. Umalis sila pero nag paiwan ako," seryosong sabi n'ya. "Naiilang ako kapag kasama ko ang parents ko."

"Uwi ka na dito!" I pouted.

"I will," nakangiting sabi n'ya sa 'kin.

"Miss mo na 'ko?" pag iinarte ko.

"Sobra," he sighned.

Jusko lord! Mas sasambahin ko pa yata 'to kaysa sa itim na nazareno! May kung ano kiliti ang dumaloy sa 'kin na hindi ko maipaliwanag. Umiwas naman s'ya ng tingin dahil nahawa sa ngiti ko.

"How is your hollyweek?" he asked.

"Ito! Wala naman masyadong ginagawa. Andito ako sa bahay ng parents ko. Ito pala yung kwarto ko! Gusto mo makita? Well, ipapakita ko pa rin naman sa 'yo kahit hindi ka pumayag!" ani ko.

"Yeah, right."

"Ito yung cabinet ko!" tinapat ko yung camera sa malaking cabinet na nasa loob ng walking closet ko. "Ito naman yung mga bags na hindi ko na ginagamit. Hindi naman kasi ako mahilig sa bags! Si Mommy lang talaga. Kung ano-ano lang yung nireregalo sa 'kin. Tsaka yung bag na binigay mo kay Mommy 'yon na sana yung for everyday use ko!"

He chuckled. "Papalitan ko naman. Pag-uwi ko."

"Move on naman tayo sa walking closet," naging vlogger kaagad ako! "Ito yung bathroom ko. Malaki s'ya. Actually pwede ka na nga tumira dito. Balak ko nga sana mag twentyfour hours challenge!"

Natawa nanaman s'ya. "Let me count!"

"Ito count!" I raised my middle finger.

"Bastos naman ni Ate," he shooked his head.

"Ayan! Ayan yung kama ko. Pwede ka mag pagulong gulog d'yan. Gusto ko na nga pa palitan yung theme ng kwarto ko. Princess kasi! Kaso nag dadalawang isip ako. Sayang din kasi sa pera. Wala naman ako palagi rito. Hindi rin naman natutulugan. Palagi naman ako nasa condo," pag dadaldal ko pa.

"My point ka," ani n'ya.

Mukhang hindi naman s'ya na bo-bored sa pa-room tour ko. Talaga nag lalaan s'ya ng time para dito. Wala ba s'ya ginagawa or na e-enjoy lang talaga n'ya ako panoorin kung pano ako maging tanga?

"Tignan mo 'to. Ito yung pampatulog ko noong bata ako!" I laughed.

Kinuha ko ang lumang cellphone ko kung saan pina-play ko ang isang kanta. Sobrang luma na ng kanta na 'yon. Just random thoughts lang naman ngayon. Mukhang tanga naman s'ya tumutungo tungo sa 'kin.

"Kailan balik mo n'yan?" humiga na ako sa kama. Nakaka pagod din pala maging vlogger. Buti nalang hindi ko hilig 'yon.

"Next week? I don't know. Gusto ko na umuwi," bored na sabi n'ya.

Itinabi naman n'ya ang plato tsaka uminom ng tubig. Kinuha naman n'ya ang tuwalya tsaka nag pa tuyo ng buhok.

"Yung pasalubong ko!" pag papa-alala ko.

"Meron na. Stay tuned ka nalang," he laughed. Ang gwapo! Kainis!

"Kahit s'an anggulo ang gwapo mo 'no? Tagilid ka nga ng konti," pang uuto ko sa kaniya. Ginawa naman n'ya. "Oh, di ba? Feel ko nga. Sampung araw ginawa ng diyos yung mukha mo tapos sampung araw din sa katawan. Tapos nag patawag pa s'ya ng mga greek of god para mag suggest kung ano ang ibibigay na talent sa 'yo."

"H'wag mo masyadong palakihin ang ulo ko, Akisha."

It sounded sexual to me. Mukhang na-gets naman n'ya ang iniisip ko kaya napa iling nalang s'ya. He tsked. Natawa ako dahil sa mukha n'ya ngayon.

"You really need jesus," he whispered.

"I need you!" I laughed.

Natapos din ang tawag namin ni Zack. Sa bahay na din ako ng spent ng hollyweek ko para rin kasama ang parents ko. Nagkaroon na nga ako ng routine kada araw. Kapag gabi mag-uusap kami ni Zack. Kapag umaga naman mag e-exercise ako.

unobueneventura:

healthy living. ganap na ganap.

I chuckled. Nag-type kaagad ako. Tinigil ko ang ginagawa ko sa gym. Nag-story kasi ako ng mirror picture ko habang naka yoga attire pa. Walang mukha 'yon dahil haggard na nga ako. Nakaharang yung phone sa mukha ko. Naka pony tail ako para hindi malagkitan ang buhok ko.

akishavladenx:

inspiration ko kasi yung abs mo, engineer! pa-send naman... nahihirapan na kasi ako mag zoom sa facebook mo! Charoooot!!!

unobueneventura

sent a photo.

Pag ka-click ko n'on. Type lang mismo 'yon at hindi picture. Napanguso kaagad ako. Kala ko pa naman malakas na ako sa kaniya!

unobueneventura:

umasa amp.

Napatawa kaagad ako. Napatingin pa sa 'kin ang ibang nag gy-gym. May isang babae pa na sumiring sa 'kin kaya tumaas ang dalawang kilay ko. Sino s'ya? Hindi ko namumukaan ang isang 'to.

"Excuse me. You left this," napatingin ako sa likuran ko.

Inaabot n'ya sa 'kin ang white na aquaflask tumblur ko. Nakangiti ko naman kinuha 'yon.

"Anong name mo?" I asked, politely. "Ngayon lang kasi kita nakita dito!"

"Ikaw ang ngayon ko lang nakita dito," she said.

"Ay!" tumawa ako. "Oo! Ngayon lang kasi ako naka pag gym dito. Ito lang kasi yung malapit sa subdivision namin. Balak ko na rin kasi maging healthy living. Para alam mo 'yon! Kahit tita na. Hot pa rin! Ikaw ba? Para kanino ka bumabangon? Teka! Hindi mo naman sinagot yung tanong ko kung ano name mo."

Nakakanganga lang s'ya sa 'kin the whole time.

"God. Hindi s'ya hiningal don," bulong n'ya. "Amber."

"Huh?" ani ko. "Amber? Amber ang alin?"

"Gosh," napairap s'ya. "Amber. That's my name."

Tumungo naman ako nang dahan-dahan. "Ah, akala ko naman kung ano yung pangalan mo. Saan ka ba nakatira? Mukhang ang bata mo pa! D'yan ka rin ba sa subdivision?"

Hindi n'ya ako pinansin at tinalikuran nalang ako. Baka hindi pa kasi n'ya tapos yung routine n'ya kaya ganyan. Nag kibit-balikat nalang ako tsaka kinuha ang gamit ko para maligo.

akishavladenx:

so kailan nga uwi mo? miss u so much :(
balik k na miss n kta. alam m naman na hndi aq sanay na wla k sa piling k dba?!? pls balik na tau sa dati.

unobueneventura:

the fuck? are you drunk?

Tumawa ako ng malakas dahil d'on. Napatingin naman ako ng may mag-chat nanaman sa group chat namin.

@keziah.hillary:

sinundo ako ni pierre sa bahay kaya wala na akong nagawa. papunta na kami sa bar. oo lang daw ang sagot.

@avi_flores:

May tinatahi pa ako!

@akishavladenx:

tatahiin ko rin 'yan kipay mo sis.

@avi_flores:

HAHAHAHAHAHAHAHSHSAH bwiset ito na!

@miss.lynetteyislael:

isama mo na daw si boybestfriend.

@avi_flores:

Huh?

@miss.lynetteyislael:

@akishavladenx, isama mo si Yael. bakit avi? kinabahan ka naman masyado d'yan.

Tumawa lang ako dahil sa kagagahan ni Lynette. Wala yata s'ya ginagawa ngayon. Active na ulit s'ya sa socials n'ya. Mukhang nadidiligan naman ang natuyo n'ya kipay.

Wala ang mga magulang ko sa bahay kaya nag iwan nalang ako ng sticky notes sa may pintuan namin.

'Bye, Mommy't Daddy! Uuwi na po ako sa condo. May pasok na kasi ako by next day! H'wag kakalimutan mag take ng vitamins, okay? I love you! Wag na kayo mag alala sa 'kin. Safe na naman po ako! I love you so much!'

"Ang fresh naman. Sobrang glowy naman yata natin tonight? May dilig na ba?"

Bungad kaagad sa 'kin ni Lynette. Mukhang may aawrahan s'ya ngayon gabi dahil sa nanlalaban na crop top na suot n'ya. Plakado naman ang club make up nito.

"Dilig lang sa halaman ang afford ko ngayon, mars!" I laughed.

Umupo naman ako sa tabi ni Avi habang naka busangot nanaman sa cellphone n'ya. Ayoko naman na kulitin s'ya. Baka sapukin nalang ako ng wala sa oras.

"Sis nag chat sa 'kin kagabi si Liam. Ingat daw ako. Dapat s'ya ang mag ingat sa 'kin dahil ilan buwan namaman s'ya walang paramdam," pang-aasar ko.

"Pupunta daw s'ya mamaya," parang hindi pa-sure na sabi n'ya. "Tatakas daw s'ya sa manager n'ya."

"Wow," namamangha ani ko.

Nag-order lang si Lynette. Nakita ko naman na may pogi s'ya kinakausap don sa gitna ng crowd. Namumukaan ko 'yon!

"Tangina. Ayon ba yung kwinenwento ni Ke? Ayan yung nag pakilala sa 'kin nung sa mall ah!"

"Huh? Sino?" pati si Avi naki sali na.

"Ayun! Yung sobrang tangkad na kausap ni Lynette. Teka! Gago 'to! Pati yung kaibigan natin susulutin din! Halatang babaero 'yan!"

Tatayo na sana ako ng makita pinakilala ni Lynette si Ke d'on sa lalaki. Kumunot ang mukha ko kung paano agawin ni Ke ang kamay n'ya. Aba choosy!

"Kalmahan mo naman, Akisha. Mukhang close naman ni Lynette. Harmless naman siguro 'yan," pampalubag loob sa 'kin ni Avi.

"Yung Gelo. D'on hindi maganda ang kutob ko sa lalaki 'yon. Matagal na pala sila hiwalay ni Ke tapos guguluhin pa rin!" naiinis na sabi ko.

"Oo. Na kwento na rin sa 'kin ni Ke 'yan. Kaya naman daw n'ya i-handle yung lalaki."

"Naku! Kung makikita ko ulit yung lalaki na 'yon. I will slap him! Kaliwa't kanan!" ani ko.

Nilibot ko ang paningin ko ng makita may nag kakagulo sa may counter. That's Lynette. Lalapit na sana ako ng may lumapit na lalaki. Kamukha nung lalaki kausap n'ya kanina.

"Sino nanaman 'yan?" tanong ko.

"Ewan ko rin. Ang dami naman kinakausap ni Lynette na lalaki. Baka bingwit n'ya ngayon gabi?" pang chichika sa 'kin ni Avi.

Wala si Pierre kasi kung sino-sino ang kinakausap sa paligid. Hinahanap naman ng paningin ko si Ke ng makita na may nakahawak sa kaniya lalaki.

"Ke! Avi, tara!"

Hinila ko na kaagad si Avi papunta sa pwesto nila Ke. Andon nanaman yung pangit na Gelo. Mukhang duwende. Nakakairita ang mukha.

"Ikaw nanaman?" iritableng sabi ko. May lumapit na bouncer sa kaniya. Ano ang ginawa ng isang 'to? "Kuya paalisin mo na 'yan dito!" turo ko sa pangit na 'to.

"The fuck?! Sino ka para paalisin ako?" pang hahamon n'ya sabay lapit sa 'kin.

Ang lakas ng loob ng isang 'to. Mabuti at wala pa alak sa sistema ko kaya hindi pa ako nag dradrama sa gilid gilid. May lakas pa ako para patulan 'tong loko na 'to.

"Ikaw? Sino ka?!" balik na tanong ko rin sa kaniya sabay hakbang. "I can buy you, your friends, and this club."

"Ay shit english," rinig ko bulong ni Avi sa likod ko. "Kalmahan mo lang Akisha. Takutin mo lang."

"Ayan ba yung mga kaibigan na pinag mamalaki mo Ke?" baling n'ya kay Keziah. "Tignan mo nga ang ugali."

"Sino ka ba? Bakit ayaw mo nalang tantanan ang kaibigan namin? Marami pa babae d'yan, Gelo. Oo kilala na kita! Hindi ko na makakalimutan 'yan pangit mo pag mumukha!" turo ko sa kaniya.

"Anong sabi mo, huh?!" akma s'ya lalapit sa 'kin ng awatin s'ya ni Ke. "Don't fucking touch me! Pakangkang ka rin naman sa iba. Hindi ko pa malalaman-"

Bago pa n'ya matapos ang sasabihin n'ya kaagad dumampi ang palad ko sa kaniya. Nakaramdam kaagad ako ng galit sa loob ko. Nanlilisik naman ang mata n'ya ng tignan ako habang naka hawak sa kaliwang pisngi n'ya.

"H'wag na h'wag mo pag sasalitaan ng ganyan ang kaibigan ko sa harapan namin. Tandaan mo 'yan, Gelo. Mark my word. Kung may hindi ka magandang gagawin kay Keziah. Hindi ko patatahimikin ang buong angkan mo. Hanggang humihinga pa ako, Gelo. Kapag may nalaman ako. Hindi ako mag dadalawang isip na gantihan ka."

"Tama na 'yan, Akisha... Tara na. Nag aaksaya lang tayo ng oras dito."

Hinigit na ako ni Avi kaya iniwan na namin ang walang kwenta si Gelo. Sumunod naman sa 'min si Ke. Padabog naman akong umupo sa couch sabay lagok ng alak.

"Ke, sabihin mo lang sa 'kin, huh?" ani ko.

Ngumiti naman s'ya sa 'kin at tumungo. Umangat naman ang tingin ko kay Lynette ng mag lapag s'ya ng alak sa table namin. Bumalik naman s'ya sa lalaki kausap n'ya kanina at inakbayan s'ya nito.

"Tignan mo 'yung malandi 'yon. Sabi n'ya ayaw n'ya raw sa mga clingy guy pero ngayon. Hinahayaan nalang n'ya akbayan s'ya. Malandi!" ani ko.

Umiling naman si Avi. Sumayaw naman kami ni Ke sa dance floor ng magkaroon na ng tama. Nang mapagod, bumalik na kami pareho sa table.

"Hoy! Ikaw napapansin ko pupunta ka lang kapag may tama na kami. Ano?! Para hindi ka na namin mapa inom kasi lasing na kami?!" turo ko kay Liam ng makita naka upo sa table namin.

Tumawa lang s'ya sa 'kin at pinag laruan ang alak na may yelo. Halata naman na wala s'ya balak inumin 'yon.

"Nasaan na pala yung tropapits mo na si Yael? Mas bihira na sa eclyps kung mag pakita sa 'min 'yon!" umupo ako sa harap nila. "Kapag may problema naman. Ayaw sabihin! Hirap lumugar!"

"Nakakausap ko naman s'ya. Busy lang daw talaga s'ya kaka-review para next year sa baterry exam nila. Mahirap na kapag bumagsak don. Back to fresh men ka nanaman."

Sumang-ayon naman ako kay Liam. May binubulong pa s'ya kay Avi kaya tumutungo naman 'to. Si Avi ang sumasalo ng shot na ibinibigay ko kaya sunod-sunod na pang bubunganga ang naririnig nila sa 'kin. Mas maingay pa yata sa music ang bunganga ko.

"Banyo! Nasaan ang banyo!" lasing na ani ko. Ihing ihi na talaga ako. "Dali, Ke! Lalabas na s'ya!"

Natataranta si Ke na samahan ako sa CR. Pagkatapos, bumaliktad naman kaagad ang sikmura ko kaya nasuka ako. Wala na akong maalala! Naalala ko nalang na nasa kotse ako ng kung sino. Sino ba ang lalaki nag dri-drive na 'to?!

"Kaya pala may kakaibang amoy akong maamoy, eh!"

Siraulong Lynette. May nakita pa si Ke na hindi gamit na condom sa loob ng kotse ng lalaki hindi ko kilala. Hilong-hilo na ko. Naramdaman ko nalang na may sinabit si Ke na hindi ko alam para saan. Hindi ako lasing! Hindi ako mahina!

"H'wag ka tumungo. Mas lalo ka mahihilo," ani ni Ke.

Puro Zack yata ang lumalabas sa bibig ko ngayon. Sobrang kulit ko na! Ilan linggo ko na s'ya hindi nakikita. I really miss him. Gusto ko na s'ya ulit makita.

"We're here," rinig mo boses ng lalaki.

Akay-akay naman ako ni Ke habang pinapanood ako ng dalawa kung paano pa gewang-gewang sa daan. Iritang irita nanaman sa 'kin si Ke. Nag pumilit pa ako ng pumunta sa tapat ng condo ni Zack. Biro lang naman 'yon! Hindi ko alam na totoo-hanin pala nila. Mga siraulo!

"Malandi 'to!"

Naramdaman ko nalang ang pagtulak ni Lynette sa likod ko dahilan para mapayakap ako kay Zack. Amoy na amoy ko pa ang sabon na gamit n'ya. Halatang bagong paligo.

"Uh..." hindi ko alam ang sasabihin ko. "Nagkamli yata ng room yung mga kaibigan ko."

Pinapasok na n'ya ako sa loob. Ngayon nawala na ang alak sa sistema ko. Kami dalawa nalang ngayon. Kanina gustong-gusto ko s'ya makita ngayon bigla nalang akong umatras. Ano ba talaga!

"Akala ko next week ka pa babalik? Ang bilis mo naman mag bakasyon!" nakangiting ani ko.

"I'm planning to suprise you. Bigla ka naman pumunta rito. Come here. Bakit ka ba nakatayo d'yan sa may pintuan," he chuckled.

Lumapit naman ako sa pwesto n'ya. Kaagad naman dinaga ang dibdib ko dahil sa kaba. Ang bilis ng bawat pag hinga ko. Mahinhin naman ako umupo sa pwesto n'ya. Concious na tuloy ako kung amoy alcohol ba ako or ano!

"Here..." inabit n'ya sa 'kin ang isang pahabang kahon.

"Ano 'to ipapatapon mo? Ayon lang yung basurahan Zack. Ang tamad mo naman. Hindi kita pinalaki ganyan ka tamad ah!"

"Dummy," he sighed. "This is necklace."

"Oh? Anong gagawin ko naman d'yan? Ipapasuot mo sa 'kin? Hindi mo ba kaya isuot nalang sa sarili mo? May kwintas ka naman ba't kailangan sa 'kin mo pa isuot."

"This is for you," he opened the box. "I bought this for you. I hope you like it."

Kaagad akong napatakip ng makita ang kumikinang na kwintas. May pendant 'yon na blue diamond.

"Ang ganda!" namamangha ani ko.

"Blue diamond. Meaning, sapphire. Your birth stone. September, right?" he asked.

Humahanga pa rin akong tumungo. Hindi ko na nga naitanong kung paano n'ya nalaman ang birthday ko.

"Wear this..." he whispered. "Susuotin mo lang 'yan kung sasagutin mo na ako."

______________________________________________________________________

המשך קריאה

You'll Also Like

1.8M 116K 200
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. 🔥** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...
30.8K 4.2K 20
~~Your eyes say more than your lips ever could and your hands touch part of me that I didn't known existed~~ 🔞 Don't read this if you're under 18 🔞
22.7K 1K 30
ဒဿပျိုးတဲ့ ချစ်နိဒါန်း Intro *အရာရာမှာကျရှုံးမှု ဖိနှိပ်မှုတွေကို ငယ်စဥ်ကတည်းကခံစားဘူးတဲ့ကောင်လေးတစ်ယောက် အရွယ်ရောက်လာတဲ့အခါ သူ့အပေါ်နင်းချေခဲ့တဲ့သူ...
92.9K 2.1K 30
[ social media book ] ** warning, contains curse words ** " sometimes the people that are thousands of miles away, can make you feel better than the...