Love me, Rosalie

By merelaii

1K 27 1

One thing I longed for is something I can't have 'til the end. Kahit isang patak lang, kahit isang kusing. So... More

Warning!!
Prologue
1
2
3
4
6
7
8
9
10
10.5
11
12

5

71 0 0
By merelaii

“ stop bluffing!” sigaw ni Mariana.

“ I am telling the truth. Please Mariana!” Mariana cried her heart out. 

“nangako siya sa akin. please! Hindi ito totoo.” she’s gone. Her sweet friend is now gone.

CINCO

"Anong nangyayari diyan?!" narinig namin ang isang malakas na tanong. Ahead, I saw manong guard and he was walking to us. Agad naman na umalis si Jake. Buti nalang talaga dumating si manong kundi hindi ko alam kung ano ang mangyayari rito.

"Oh my gosh you are bleeding!! " natatarantang sabi ni Elle. Tinulungan nila akong tumayo.

"Sino ba yun?" tanong ni Manong guard.

"A school bully manong guard"Agarang sagot ni Elle then she turned to me again" what was his name? "

Sasabihin ko ba? What if magalit si Jake tapos balikan kami?

"Don't worry, they will take care of it and I will tell mommy abou-"

"Huwag Elle.." may takot sa boses ko.

I'll just be a burden. Gusto ko sanang idagdag. She doesn't know my situation in the family and I want to stay that way.

"Bakit ayaw mo? This is a serious thing! Hindi nila alam na ito ang nangyayari sayo rito sa school. What if saktan ka uli ng guy na yun? Hindi nila malalaman" she was mad. She's so upset.

"Dalhin mo nalang ako sa clinic. I'm bleeding" sabi ko. Nataranta uli siya at giniyahan nga kami ni manong guard sa clinic. Matapos magamot ang sugat ko at magpasalamat ay pinauwi na kami.

"I'll tell mommy about this para mabigyan ng aksiyon" hindi na ako sumagot. She's so keen on telling our family about this. Mag iisang taon kong tinago ang sekretong ito, akala ko maitatago ko ang bagay na ito hanggang makagraduate ako.

"Are you mad?" ako? Hindi. Kailan ba ako huling nagalit? Hindi ko na matandaan. Kaya umiling ako sa tanong niya.

"This is for our safety too. At least diba, alam ng parents natin" and so she told our family at dinner. That I was being bullied at school.

But no one cared. As if they never heard a thing. I bit the inside of my cheek. I feel sorry for Elle who stood up for me only to be disregarded like it didn't matter.

"Hindi niyo ba tatawagan ang school? That guy is dangerous" sabi pa niya. Magkatabi kami ng upuan kaya hinila ko ang laylayan ng damit niya. Napalingon siya sa akin. I smiled at her, she needs to stop.

"Then you must stop spending time with Rose. Kung hindi niya kayang protektahan ang sarili niya how much more kung magkasama kayo" suhestiyon ni Aunt Maureen.

"What is this..." hindi makapaniwalang sambit ni Elle.

"And Rose, your mama wants to eat already. Are you done?"

"Opo" saka ako tumayo para iligpit ang pinagkainan. I told them before that I'll take care of mama kaya naman tuwing kumakain siya, inaayos ko ang kwarto niya. Pero ramdam kong iyon lang din ang paraan nilang umalis ako sa hapagkainan para dahil ayaw ni mamang magkita kami roon. I understood.

Tumayo rin si Elle, nagulat ako. Hindi pa niya natatapos ang pagkain niya. Sumunod siya sa akin. Wala siyang kibo nang nasa kwarto na kami ni mama. Inayos ko ang mga gamit na naroon tapos nagtupi na rin ng damit. Nag vacuum sa sahig at nagpagpag. All throughout those chores she never spoke a single word.

"Why are they treating you indifferently?" tanong niya bigla. Nilingon ko siya.

"Don't worry about it, ganyan lang talaga sila" sabi ko.

"You were clearly suffering, anong hindi nila maintindihan doon? As if bullies aren't a big issue. I can defend myself, natuto akong magself defense Ally. Pero ikaw, para kang sitaw"

Sitaw? Natawa ako sa sinabi niya.

"Don't laugh"

For some reason hindi na uli ako nilapitan ni Jake. Nasa malayo lang siya nakatingin akala ko titigil na siya pero isang hapon sa pinagtatrabahuan ko pumunta siya.

Feeling ko magkakapasa talaga ako sa bawat paghawak niya sa braso ko. "Mayaman nga kayo" sabi niya.

She pushed me on the shelves kaya nahulog ang mga librong naroon. I spent so much time arranging them kaya mas nanlumo ako sa nakikita ko.

"Huling pagbisita ko na to sayo kaya sasagarin ko na" wala siyang ibang kinuha. Pumunta lang siya rito para bugbugin ako. I couldn't fight back. Wala akong lakas. When he was satisfied  he stopped.

"Bakit... Bakit mo ginagawa to?" tanong ko sa mahinang boses. He laughed. Naninigarilyo pa siya. He puffed the smoke on face.

"I hate people acting like a hero. I hate pampered people na puro pera lang pinapatakbo. I hated you" hindi ko maintindihan. I was never pampered.

"Tapos babayaran akong ihinto ang pambubully sayo?" tumawa siya. "Ibang klaseng yaman"

Bayaran? I looked so confused.

"Hindi mo alam? Ibang klase... Tsk.. Tsk... Tsk..." then he left. May nagbayad sa kanyang ihinto ang ginagawa niya sa akin. Kaya ba sinabi niyang huli na ito?

I stayed on the floor. Someone stopped him. That thought alone made me so happy. Hindi ko alam kung sino pero masaya ako. It means someone was worried from my family. Kaya dapat hindi ako mawalan ng pag-asang magbabago ang pakikitungo nila sa akin.

Umuwi akong masakit ang katawan. Naayos ko nga ang store bago ako umuwi kaya talagang pagod ako. Nakita ko si Elle na nag aantay sa akin sa bahay. Tapos na silang kumain. Ako naman wala akong gana.

"Buti nakauwi ka na" sabi niya. We talked for a bit bago ko pinauwi gusto nga niyang matulog sa kwarto kaso ayokong malaman niyang nabugbog ako. Jake was smart enough to hurt me where it can't be seen.

Hinubad ko ang damit at nakita ko ang mga namumuong pasa sa katawan.

"Jusko Rose ano yan?!" nagulat ako nang marinig ko si manang. Nahulog pa niya ang dalang mga damit ko. Nilabhan na naman niya ang mga iyon. Sinabi kong ako na.

"Po?"

She was so shocked. I covered myself just to hide everything on my body ngunit hinawi niya lang ang kamay ko.

"So totoo pala talagang binubully ka sa school mo?! Bakit hindi ka man lang nagsabi?!" she's worried. Someone was worried about me.

"Gagamutin natin yan. Dapat malaman to ni Madam" hinawakan ko ang kamay niya. She looked at me in confusion. Umiling ako. She doesn't need to know. Knowing someone paid to stop that bully is good enough for me. She doesn't need to be burdened by the fact that I have bruises. This isn't that deadly and its the last one.

Bumuntong hininga siya. "Kukuha lang ako ng medicine kit, at gamot na maiinom mo. Nagdudugo ang sugat mo sa paa" nakita ko nga. Baka bumukas uli ang tahi.

Tumango nalang ako sa sinabi niya. I waited for her until I felt so dizzy. Sa pagod ko, nawalan ako ng malay.

Pagkagising ko umaga na. Masakit pa rin ang katawan ko kaya hindi ako makagalaw ng maayos. Nakita ko si Elle na natutulog sa gilid ko habang nakaupo. Why is she here?

Nang makita niya akong gising agad siyang umiyak. Bakit ba umiiyak ang babaing to.
Hinayaan ko lang siyang umiyak hanggang sa huminto siya.

"Nalaman na nilang nagtatrabaho ka tuwing weekends. Sorry, Ally" humahagolhol na sabi niya. Ah. "They were asking kasi, yun lang ang nasabi ko promise wala na akong ibang sinabi pa. Yun lang"

"Okay lang naman..."

"At, hindi ka muna raw papasok ng isang lingo. Nakapagpaalam na sila sa principal dahil sa nangyari sayo. They don't want to make this issue bigger, ipapa expel nila ang nambully sayo..." ngumiti ako sa kanya.

"Nakukuha mo pang ngumiti sa lagay na iyan! Tingnan mo nga ang sarili mo! Grabe ang panic ni Manang kagabi dahil nawalan ka ng malay. Nagkagulo rito. Tutulog na sana ako kumaripas ako ng takbo pabalik. Akala ko talaga mamamatay ka na!" sabi niya.

"I'm still breathing"

"Barely"

Si mama kaya? Was she worried about me too?

"Si mama?"

"Si tita? I don't know. Galit na galit si Lolo. It was an insult to him that one of his grandchildren was beat up like this. Napag usapan na naman nila iyon. Hindi ko na alam kung ano ang detalye" Tumango ako.

For the first time in a long time. I felt love. Kahit maliit lang naramdaman ko. Kaya kahit na masakit ang katawan ko masaya ako.

The issue died down like it never happened. Gumaling na rin ako at nakabalik na sa pagpasok. Since that incident, nabuhayan ako ng loob para sa pamilyang to. I learned to smile often sa mga nakakasalubong ko sa bahay. Kahit sa mga katulong.

Siguro napansin nila ang pagbabago ko. I want to be happy even for a little. Alam kong magiging masaya si papa. I tried talking to mama often. Kahit hindi siya sumasagot nagkukwento ako sa kanya.

"Will you stop?" natahimik ako sa sinabi ni mama. Naitikom ko ang bibig ko. "Gusto ko nang magpahinga"

"O-opo" agad akong umalis sa kwarto niya. Sa hallway nagkita kami ni Tita Martina. She invited me to her room para makapag usap kami.

"So you were working? For what?"

"K-kasi po"

"Hindi ba enough ang baon na binibigay sayo? Or may mga bayarin ka bang hindi sinasabi? I clearly told you na sabihin mo lang kung anong mga babayaran mo and we'll take care of it"

"Nag..n-nag iipon lang po ako Tita" sagot ko.

She frowned.

"I want to go to college, naisip ko pong kung mag iipon ako simula ngayon. Malaki laki na rin ang maiipon ko mag graduate ko" sagot ko.

"You think hindi ka namin pag-aaralin?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Kinagat ko ang labi ko. "Baka lang po mabigat ang bayarin, at least may ipon po ako. Alam ko pong hindi na niyo kargo ang pagpapaaral sa akin sa kolehiyo kaya po.."

"Paano mo nasabing hindi na namin responsibilidad ang pagpapaaral sayo? We have money for that"

"Sabi kasi ni Tito Markus-"

"Si Markus..." baka mag away naman sila.

"Gusto ko lang pong mag-aral. Huwag niyo po sanang mamasamain ang pag papart time ko po. Hindi naman po ako naabala at saka wala naman pong problema. Nababalanse ko pa naman po ang oras ko" buong pusong sagot ko.

She looked at me with pity.

"You grew up to be more mature than I thought" ngumiti ako sa kanya. "Fine, but don't push yourself too hard. Papag-aralin kita. Wag kang mag alala" tumango ako sa sinabi niya.

Later that night habang papapunta akong kusina narinig kong nag uusap sila.

"Stop showing that child some affection Martina"

"Huwag mo akong tinuturuan"

"Sa ginagawa mo, she'll be mistaken that you care for her when actually you don't" nanigas ako sa kinatatayuan.

"What dad did was out of anger because he was insulted"

"Will you stop?"

"Gusto mo lang makuha ang loob niya dahil sa mana niya right?" hindi na ako nakinig. Tito was right, I was really thinking that Tita Martina cared for me pero hindi pala.

That fact made me even sadder pero ano pa ang magagawa ko. I can still pretend that I didn't know. At least tinatrato ako ni Tita ng normal with no contempt. I was contented. It was okay, it was more than enough.

That night, after a long time, I had a nightmare. Nagising ako na pawis na pawis kaya gaya ng dati pumupunta ako sa kwarto ni mama. Matutulog sana ako sa labas ng pintuan niya nang makita kong bukas ito. I went it I heard her crying. She was still mourning for papa. Lumapit ako sa kanyang higaan at hinawakan ang kamay nila. I patted her with my other hand and hummed. Just like she always do when I was little.

"I'm really sorry mama. I'm so sorry"

Time can't heal a broken heart.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 30.6K 38
Warning: Last chapter is only available on inkitt ⚠️ Rejection was the last thing I could ever think of. To think, I the bakers daughter, would be ma...
741K 32.8K 39
Hello guys this is my first story..so I hope k u all will support me . There may be many mistakes so read at your own risk This is the story about a...
200 61 37
Hiro and Felomena have been friends for a long time, sometimes they eat together, play games, laugh, gossip, and many other things. They have created...
158K 6.4K 73
➽Just short love stories...❤ ⇝❤️. ⇝🖤. ⇝♥️. ⇝💙. ⇝🩷. ⇝🤍. ➽💛Going on. ➽🩶Coming up [Ignore grammatical mistakes. I will improve my writing gradual...