Tell Me Where It Hurts

By Pleasntly

32 0 1

From strangers to friend, friends into lovers. Will they go back to being strangers again? More

Disclaimer
Simula
Kabanata Isa
Kabanata Dalawa
Kabanata Tatlo
Kabanata Apat
Kabanata Lima
Kabanata Anim
Kabanata Pito
Kabanata Siyam
Kabanata Sampu

Kabanata Walo

3 0 0
By Pleasntly

Kabanata Walo —Tell Me Where It Hurts

"Sigurado ka bang hindi ka hahanapin sa inyo? Baka hapon pa tayong makauwi," paniniguro ko kay Lionel.

Nasa tabi ko siya. Parang estatwa na nakatayo at tinitingnan lang akong magluto ng tanghalian namin.

"Hhm. May mga kapatid naman akong mas binibigyan nila ng pansin," sagot niya na parang wala lang.

Sinamaan ko siya agad ng tingin. Hindi ako nakaramdam ng awa sa sinabi niya dahil sa ekspresiyon niya sa mukha.

"Aah, hindi ka only child? Akala ko only child ka dahil ugaling spoiled brat ka."

"Ikaw? Siguradong only child ka. Halata kasing hindi ka kinulang sa aruga," sarkastikong sagot niya na sinagot ko lang ng irap.

"Mayaman kayo no? Kasi, hindi ka marunong tumulong e. Ni hindi mo alam ang tamang asal kapag nasa bahay ng ibang tao."

"Sa bahay namin, ang bisita hindi pinapakilos...pinagsisilbihan. Try mong pumunta sa 'min ng malaman mo kung pa'no tratuhin ng tama ang bisita."

Na-offend agad ako sa sinabi niya. Anong pinapalabas niya? Na dahil pinapatulong ko siya, hindi na ako marunong tumra—

"Close kayo ng Lolo mo?" putol niya sa iniisip ko.

Sandali ko siyang tiningnan bago bumalik sa paghihiwa ng mga rekados. Nagkibit balikat din ako.

"Hindi ko alam."

"Naglalaan ka ng oras para bisitahin siya dito sa Makati. Kahit hindi naman malayo sa Manila, pumunta ka pa rin dito para bisitahin siya."

Hindi ko naman masabing dahil utos ni dad kaya ako pumunta. Gusto ko rin kasing makita si Lolo dahil matagal ko na talaga siyang hindi nakita.

Wala namang mawawala kung bibisita ako. Mas gusto ko dito kesa sumama kina mommy at Tito Ronald sa hiking date nila.

"Respeto ko na lang siguro dahil Lolo ko siya."

"Ba't hindi mo kasama ang mom mo?" tanong niya.

"May date siya," nagkibit balikat ako.

Inilagay ko ang mga rekados na nahiwa sa isang plato bago hiniwa ang ibang gulay na kailangan ko.

"Sila ng dad mo?"

Umiling ako. "Ng workmate niya. Divorce na ang parents ko, last year pa."

"Harsh. Tapos only child ka," he pointed out the obvious.

"Hindi naman masakit. Mas masakit para sa akin na makita silang dahan dahang nawawalan ng pagmamahal sa isa't isa."

"You are strong. Kahit mukhang mahina ang mentality mo."

Inirapan ko siya. Pinaabot ko sa kanya ang kaldero na gagamitin ko sa pagluluto. Buti na lang at sinunod niya ng walang reklamo.

"That's the bad side of divorce. Parents get to move on, pero ang mga anak nila..."

Bumuntong hininga ako at kinuha ang kaldero sa kanya. Hinugasan ko rin ito.

"Hindi magkasundo si mommy at ang family ni dad. Siguro kahit noon pa, hindi na talaga sila nakatadhana. I guess nagpakasal lang sila kasi wala silang choice. Nabuntis si mommy eh."

"Sayo?"

Umiling ako. "My older sister. She died when she was three. Nalunod nung nag family outing dahil birthday ni Lolo."

Mukhang nagulat ata siya sa sinabi ko dahil bahagya siyang natigilan at natahimik. Natawa ako sa reaksiyon niya. Everything happened before.

"Nangyari lang ako kasi kailangan daw nila ng ipapalit."

"Rhys—"

"Ilan kayong magkakapatid?" Agad ko iniba ang usapan.

Hindi puwedeng ako lang ang mag-kuwento. Dapat siya rin.

"Apat. I'm the oldest. Lahat ng nakababatang kapatid ko...mga babae."

Gulat akong napatingin sa kanya. For some reason, natawa ako. May mga kapatid pala siyang babae. Hindi halata ah.

Tumango na lang ako sa kanya. Hinuhugasan ko ang kaldero when he suddenly sighed. Ang bigat ng buntong hininga niya na hindi ko maiwasang mag-alala.

"Gutom ka na?"

"No, not yet," umiling siya.

Sabay kaming napatingin sa entrance ng kusina ng pumasok si Lolo. He was holding a chicken on his right hand upside down. Napansin kong napaatras si Lionel pagkakita sa manok.

"Ijo, tulungan mo nga akong katayin ang manok na 'to. Daniel, magpainit ka ng tubig."

"Opo."

Kumilos agad ako at naglagay ng tubig sa takuri. Ng mapansing hindi gumagalaw si Lionel, siniko ko siya at sinenyasang sumunod kay grandda.

"Are you serious? You want me to kill a chicken?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang oa mo. Manok lang naman."

"Every life is precious, Rhys."

"Oh sige. Ikaw dito, ako tutulong kay grandda sa labas."

Sinimulan kong pahiran ang basa kong kamay sa suot kong apron. Tatanggalin ko na rin sana ang apron pero agad niya akong pinigilan.

"Ako na."

Pinanood ko siyang umalis ng kusina. Napailing na lang ako ng ilang beses bago bumalik sa pagluluto.

Dahil wala na si Lionel para mangulit, naging madali lang ang pagluluto ko. Noon, kapag bumibisita kami, nandito pa si Lola. Paagi akong nanonood kapag nagluluto siya.

Complicated talaga siguro pati ang pamilya ni dad. Bago kasi ikasal sila grandda at Lola, may anak na si Lola sa ibang lalaki. Although tinuring naman na parang anak ni grandda ang mga half siblings ni dad, hindi niya pa rin maiwasang bigyan ng mas maraming atensiyon ang totoo niyang anak.

Dahil do'n, nagkaroon na ng dumi ang marriage ni grandda at Lola.

Hindi sila divorce pero parang gano'n na rin. Lola moved back to Switzerland with her kids and left grandda here in Makati. Hindi naman siya sinundan ni grandda at paminsan minsang pumupunta sa France para bisitahin ang mga kaibigan niyang nandoon.

Pagkatapos kong magluto sa ibang putahe ay hinintay ko na lang ang manok. Hindi rin nagtagal, pumasok si Lionel na nakasimangot dala ang walang buhay na manok.

He washed his hands and stood beside me the whole time I was cooking the chicken. Sinasamaan ko siya ng tingin pero hindi naman siya naaapketuhan. Unlike earlier, hindi na niya ako kinakausap.

"Nung panahon namin...importante ang tiwala. Lalo na nung sumabak kami sa giyera!"

Siniko ko si Lionel ng tulala na naman ito.

"Kumain ka pa."

"I'm full already."

"Sinungaling."

"Talaga bang magkaibigan kayong dalawa?"

Natigilan kami pareho sa tanong ni grandda. Nagdalawang isip akong sumagot. Nakakatakot ang tingin ni Lolo, parang sinusuri niya talaga kami ni Lionel.

"Mukhang hindi kayo close?"

"Iba na ho ang samahan ng magkakaibigan ngayon. Close man o hindi basta hindi kayo nag-aaway," tiningnan ko si Lionel at inirapan. "Magkaibigan na ho kayo."

"Iba sa panahon namin!"

Napailing na lang ako ng ilang beses.

"Luis, ijo..."

"Lionel ho," pagtatama ko kay grandda.

"Ano bang trabaho ng parents mo?"

"My father is a surgeon while my mother is a baker."

"Aba! Mayaman kayo no?"

"Sakto lang ho."

"Ang mommy mo, kamusta?" Tanong ni grandda sa akin.

"Ayos lang ho. Hindi na katulad dati."

"Maybe I'll go to Manila next week. Sa susunod na Sabado na ang death anniversary ni Lilian diba?"

Tumango ako. "Opo."

After ng tanghalian, naghugas ako ng pinggan. Si Lionel ay sinama ni Lolo sa second floor. Ipapakita ata ang koleksiyon niya sa mga baril.

I was halfway done with the dishes when Lionel came. Tahimik na naman ito.

He rolled his sleeves up to his arms and stood beside me.

"Ako na," inagaw niya ang hinuhugasan kong plato at bahagya akong pinaalis doon sa puwesto ko.

Hindi ako umangal. Kanina pa ako nandito sa kusina, gusto ko ng matulog.

"Go and talk to your grandda."

"Hindi ka naman marunong eh."

"I can manage. Go, Rhys."

Umalis ako sa kusina at pinuntahan si grandda sa may sala. He was sitting on his favorite rocking chair as he stares outside the window.

"The view is better in the front porch. Do'n tayo, grandda," aya ko sa kanya pero umiling lang siya.

"Let's stay here. Sit, Daniel."

Sumunod ako.

"Did you consider my offer, ijo?"

"Yung sa college?" tanong ko na tinanguan niya. "Hindi ko ho alam. Maraming schools na gustong mag-sponsor sa akin basta magpatuloy lang ako sa fencing. Interesado ho ako sa UST."

"You want to continue fencing? Akala ko ba hobby lang? Pampalipas oras?"

"Hindi ho ako sigurado."

"You need to decide now as early as possible. Your going to college next year, diba?"

"Opo."

"Matanda na ako, ijo. I need someone to look after me. Ayokong umasa kay Vivian."

Bumuntong hininga ako. Hindi pa rin ba sila nagkausap ng maayos ni Lola? He's even calling her with her first name.

"Your mom has other plans for you. Gusto ka niyang mag-CPA diba?"

"Opo."

"And your dad wants you to be a pilot?"

"Opo."

"Sa 'kin ka na lang. I'll fund your college without any conditions. Bantayan mo lang ako at mag-focus ka ng mabuti sa pag-aaral. Don't take this wrong, ijo but I don't think fencing will take you to success. Maraming athlete na nababalewala na lang kapag may bago at mas magaling. Unless you can prove them that you are better than them para alagaan ka nila at ingatan."

"Wala naman ho sa plano ko na gawing career ang fencing."

"You can't win a gold medal every game you know."

Napatingin ako sa may kusina. I was surprised to see Lionel standing by the telephone table. Nakakrus ang dalawang kamay at nakatingin sa akin.

We stared at each other before I looked away.

"Alam ko ho."

Continue Reading

You'll Also Like

13.1M 434K 41
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...
74.5K 2.3K 28
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
28.9M 916K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
16.3M 545K 35
Down-on-her-luck Aubrey gets the job offer of a lifetime, with one catch: her ex-husband is her new boss. *** Aubrey...