Ditto Dissonance (Boys' Love)

By JosevfTheGreat

929K 31.7K 20.9K

[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but... More

DISCLAIMER
Ditto Dissonance
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter 1
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part One)

Chapter 60

12.7K 443 407
By JosevfTheGreat

Chapter 60: To Live

#DittoDissonanceWP

hi guys, you can play these two songs:

one day at a time - unsecret

the archer - taylor swift

as you read this chapter.

i just wanted to thank all of you for giving my story a chance. i wrote ditto dissonance last December to create something to distract me from stress and anxiety. It became a huge part of me. so, thank you for joining me up until now. sobra kong na-appreciate kayong lahat na nagbabasa up until now. :(

please do read this chapter very well, so you can understand it clearly as well.

thank you so much guys! enjoy and don't forget to vote.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Caiden and I only did it once. Hindi ko na siya pinayagan na dumalawa dahil hinihintay na ako nina Leroy at Ashton sa baba. Sinabi ko nga na bumaba pa siya, kaso inaantok na siya. Hindi na nga siya nakapag-half bath at deretso na nakatulog.

Natutuwa nga ako dahil mas nagiging open kami sa isa't isa tungkol sa mga gusto naming mangyari sa aming dalawa. Alam namin parehas 'yung consent at hindi kami nagi-insist if hindi puwede or humindi ang isa sa amin.

I like that he always respects my decision. Kahit gusto niyang masunod siya, mas sinusunod niya pa rin ang desisyon ko.

Gustong-gusto ko rin 'yung intimacy na nabubuo sa amin sa tuwing nagkakaroon kami ng connection. Kapag nagdikit na ang mga labi namin, kung ano-ano na lang ang lumalabas sa mga bibig namin dahil ramdam na ramdam namin ang isa't isa. At ang tanging gusto namin parehas ay mas maramdaman pa ang isa't isa.

That's what intimacy creates. It makes us fond of each other.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Kinuwento ko kina Leroy at Ashton ang nangyari no'ng isang gabi. Hindi naman na sila nagulat dahil sobrang halata naman na si Caiden no'ng mga nakaraang linggo.

Palagi siyang nakadikit sa akin, at palagi niya akong hinahanap. Hindi na rin siguro nakagugulat if napansin na rin ng mga kaibigan ni Caiden. Pero si Caiden na siguro ang bahala ro'n kung sasabihin niya sa kanila.

Na-mention ni Leroy kung paano ako nagustuhan ni Caiden, 'yon ang hindi ko pa alam. Gusto ko rin 'yon itanong sa kaniya. Naiisip ko rin 'yon minsan kung paano nagsimulang mabuo sa kaniya ang lahat.

Hindi ko naman dina-doubt ang nararamdaman ni Caiden sa akin, gusto ko lang malaman kung paano niya na-realize na gusto na pala niya ako. Sinabi niya rin kasi na sigurado na siya sa akin-kaya gusto ko ring itanong if bakit siya sigurado sa akin. Kung paano siya nag-come up sa gano'ng desisyon.

Hindi gaano nag-react si Ashton, pero naging masaya siya para sa akin. He trusts Caiden's actions and words, because I also do. Ashton reassured me that.

He's not worried about me, because I look happy and assured of what Caiden and I have-which is true. Never kong na-feel na may kailangan akong patunayan kay Caiden. First relationship niya rin 'to at kitang-kita ko kung paano niya vina-value 'yung mayroon kami-kung paano niya pa 'to gustong mag-develop pa sa mas magandang samahan.

He started proposing endearments-which sometimes cringes on me since hindi ako sanay. But I'll also try to call him differently because he's also trying.

Hinawakan niya rin ang kamay ko sa public, nahihiya ako pero. . . no'ng tiningnan ko siyang masaya lang at walang pakialam sa mga tumitingin sa amin, do'n ako na-amaze. Nago-overthink ako, habang siya ay assured at wala siyang pakialam sa ibang tao dahil ang gusto niya ay mahawakan ang kamay ko. Ako lang ang nagma-matter sa kaniya.

That's so sweet for me. Hindi ko ma-process nang maayos, pero sa tuwing tinitingnan ko si Caiden sa mga mata-palagi akong pinapaalahanan no'n na mahal niya ako at boyfriend ko siya kaya wala akong dapat ikatakot-na dapat ko siyang pagkatiwalaan at wala akong ni-isang dapat ikabahala.

Kaya dahan-dahan. . . maiisip kong. . . ito pala 'yung pag-ibig na sinasabi nila?

Ito pala 'yung pagmamahal na umaapaw. Ito pala 'yung pakiramdam na assured ka sa isang tao. Ito pala 'yung pakiramdam na safe na safe ka.

Kung ito 'yung pagmamahal na sinasabi nila. . . sobrang sarap pala talaga sa pakiramdam.

At sigurado na rin akong ayaw ko na 'tong mawala. . .

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Nang natapos na rin magkuwentuhan sina Tita Divine at Mama, sinabi ko na rin sa kanila ang totoo. Sa Veranda ko sinabi sa kanila, kung saan din kami nag-usap nina Ashton. Nauna na rin sila nang nag-good night na sina Tita Divine sa amin dahil matutulog na rin sila ni Tito Austray.

Kaya kinuha na rin namin nina Mama, Papa, at Kuya ang chance para makapag-usap-usap.

"Kagabi lang naging kayo?" Pagliliwanag ni Mama at seryosong-seryoso siya habang tuwid ang tingin sa akin.

Tumango ako. "Opo, he confessed kung gaano niya ako kagusto at kung gaano ako kahalaga sa kaniya. Lahat naman ng sinabi niya ay nagma-match sa mga actions niya. At malalim na rin 'yung nararamdaman ko para sa kaniya. Sanay na sanay na rin ako sa presensiya ni Caiden. Hindi ko namamalayan na gustong-gusto ko na rin pala siya. Na-realize ko na gusto ko siya no'ng nago-overthink na ako sa mga maaring mangyari sa amin," sabi ko.

"Paano ka naman nagkagusto sa kaniya? Dahil lang sweet siya sa 'yo?" Nakakunot-noong tanong ni Papa.

Umiling naman ako ngayon. "Hindi po, Papa. Beyond po siya sa pagiging sweet, e. Ang sarap at gaan sa pakiramdam ng presensiya ni Caiden. Wala akong nararamdamang kahit na anong kaba or kailangan kong patunayan 'yung sarili ko sa kaniya or else matu-turn off siya," sabi ko at mahinang tumawa.

"Sigurado ka ba talaga diyan, 'nak? Ngayon ka lang nagsabi sa amin na pumasok ka na sa isang relasyon. Pinachika ko sa 'yo kasi nagulat ako na nag-bless si Caiden sa amin. Normal lang naman 'yon, 'nak, pero hindi naman niya 'yon ginagawa noon. Kaya napansin kong parang may nagbago ata," sabi ni Mama.

"Opo, Mama. Sigurado po ako kay Caiden dahil sigurado rin po siya sa akin. Sanay na sanay na rin po kami sa isa't isa. Parang hindi na po kami mapaghihiwalay. Hindi ko po alam, sa totoo lang, kung ano 'yung pagmamahal na dapat kong maramdaman mula sa kaniya-pero natutunan ko mula sa inyong mga mahal ko sa buhay, na ang pagmamahal ay nagmumula sa salita at gawa; at kung paano ito ipinaparamdam," sabi ko at ngumiti.

Namuo ang luha sa mga mata ko habang tinitingnan ko sina Mama, Papa, at Kuya na pinuno ako ng pagmamahal mula bata ako. Natutuwa ako na ngayong nararanasan ko na kung paano mahalin ng ibang tao, alam ko kung paano ko 'yon tatanggapin, dahil tinuruan nila ako kung paano.

"Mahal ka rin ba ni Caiden?" Sabi ni Papa.

Tumango ako at mas nilawakan ang ngiti ko. "Palaging siya nga po 'yung nagsasabi na mahal niya ako. Alam ko pong mas lalalim pa 'yung mayroon kami. At ngayon pa lang, pinapatunayan na ni Caiden lahat ng sinabi niya no'ng nag-confess siya sa akin. Walang nagbago sa consistency niya. Mas nag-level up pa nga po kung gaano niya i-express sa akin 'yung pagmamahal niya," sabi ko.

Napatingin ako sa kamay ni Papa na humawak sa kamay ko. Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang nag-angat ako sa mga mata ni Papa na namumungay.

"Zern, anak, mahal kita. Mahal na mahal ko kayo ni Zac. Gusto kitang maging masaya at ligtas sa pipiliin mong desisyon. Tatay mo ako, at susuportahan kita sa lahat ng gusto mo. At ngayong nakikita na kitang. . ." Napatigil si Papa nang namuo ang luha sa mga mata niya. Binasa niya ang labi niya at napangiti.

Mahina akong natawa habang mas nagbabadya na ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.

"At ngayong nakikita na kitang masaya. . . at may nagmamahal na sa 'yo ng totoo, kuntento na ako ro'n. Naniniwala ako sa 'yo, Zern. Matalino ka at wise kang bata. Palagi mo kaming iniintindi ng Mama mo. Palagi mo kaming pinapatawa. Lumiliwanag ang bahay kapag nando'n ka. Excited si Mama mo na magluto ng mga paborito mong pagkain sa tuwing uuwi ka," sabi ni Papa at tumulo na ang mga luha.

Tumulo na rin ang mga luha ko. "Papa naman. . ." pumiyok ako.

Umiiyak na rin si Mama habang nakahawak sa braso ni Papa. Naluluha na rin si Kuya Zac. Pero parehas silang nakangiti habang pinapakinggan namin si Papa.

"Ngayong sinabi na rin ni Zac kahapon na nabuntis niya si Katie, natutuwa ako sa panibagong yugto na binubuo ninyo sa buhay ninyong dalawa. Nalulungkot lang ako minsan, dahil nami-miss ko kayong dalawa ni Zac. Pero masaya ako palagi sa mga gusto ninyong gawin sa buhay. Malayo ang mararating ninyo ni Zac, anak. . ." sabi ni Papa at napahinto na dahil mas naiiyak na siya.

"Zern, anak. . ." hinawakan ni Mama ang kamay namin ni Papa na magkahawak 'saka ngumiti sa akin habang sumisinghot at tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng luha niya.

Nginitian ko si Mama. "Yes, Mama?" I chuckled while sobbing.

"Masaya ako para sa 'yo. Alam mo namang palagi akong suportado sa kung anong mayroon ka. Natutuwa ako na dumating si Caiden sa buhay mo. Natutuwa ako na nagbunga 'yung pagmamahal na binigay namin sa 'yo. Natutunan mo kung paano magmahal ng isang tao at kung paano tatanggapin ang pagmamahal na binibigay niya sa 'yo. . ." sabi ni Mama.

"Pinalaki ninyo po kasi ako ng maayos, Mama. Thank you po. . . palagi ninyo pong pinaparamdam sa akin 'yung pagmamahal na kailangan ko. Hindi ninyo po kailanman pinaramdam sa akin na kulang ako at hindi ako sapat. Marami man din tayong naging hindi pagkakaunawaan noon, pero palagi at palagi kong mararamdaman na tahanan pa rin ang bahay natin dahil nando'n tayo," sabi ko at mas napangiti.

Mahinang tumawa si Mama at tumango-tango. "Sana mas maging masaya ka diyan, 'nak. Masaya si Papa at Mama mo para sa 'yo. Gusto lang naming makasigurado na ligtas ka. Isama mo si Caiden sa bahay, ipagluluto ko siya ng paborito niyang ulam!" Sabi ni Mama at tumawa.

Nagtawanan kami habang nag-iiyak pa rin.

"Sige po. . ." sabi ko at mahinang natawa, tunog ngongo na dahil sa sobrang pag-iyak.

"Masaya rin ako para sa 'yo, Zern. Mabuti kang kapatid. Mahal na mahal kita palagi. Hindi man ako nagkaroon ng kapatid na makakasama ko sa paglalaro ng basketball, at pagsilay noon sa mga babaeng magaganda, nagkaroon naman ako ng kapatid na sobrang buting tao. Wala nga kaming pakialam kahit bading ka, ano naman? Putangina ng taong manghuhusga sa 'yo. Kami mahal ka namin. Ang bait-bait mong tao. Wala akong masabi," sabi ni Kuya Zac at inakbayan ako.

Mahina akong natawa. "Thank you, Kuya. . ." sabi ko at sumandal sa balikat niya.

Humawak si Papa sa kamay ni Kuya. "Mahal ko kayong dalawa, Zac, Zern, kahit ano pa kayo. Kahit magkamali kayo, tutulungan namin kayo na makabangon. Hindi ko kayo sisigawan. Hindi ko kayo sasaktan. Palagi ko kayong iintindihin dahil mga anak ko kayo. Palagi akong magsusumikap para sa inyong dalawa. Masaya ako para sa inyong dalawa, at kung anuman ang hindi pa maliwanag sa mga nangyayari sa inyo, sabay-sabay nating alamin at solusyunan 'yan. Kasama ninyo kami ng Mama ninyo palagi," sabi ni Papa at pinisil ang kamay namin ni Kuya.

Napangiti ako habang iyak pa rin nang iyak. "I love you, Papa. Mahal na mahal ko kayo ni Mama. Hindi ko ine-expect na ganito 'yung magiging reaction ninyo. Akala ko aasarin ninyo ako at pagbabawalan ng kung ano-ano. Natutuwa lang ako na. . . masaya kayo para sa akin," sabi ko.

"Seryoso 'to para sa 'yo, anak. Kaya seryoso rin 'to para sa amin. Kung ano ang mahalaga para sa inyong dalawa, mahalaga rin para sa amin ng Mama ninyo," sabi ni Papa.

"Excited na akong makita ang apo ko. Excited na rin akong ipagluto si Caiden ng paborito niyang ulam," sabi ni Mama at malawak na ngumiti.

Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni Mama. Sobrang swerte ko. . .

"T. . .th-thank you, Mama. . . sobrang mahal kita. . ."

"Mahal na mahal rin kita, aking munting fairy. Ang aming liwanag sa bahay. Ang mahal na mahal kong si Zern. . ." sabi ni Mama at mahinang tumawa.

Nagtawanan kaming apat 'saka kami tumayo para magyakapan.

Pumikit ako para damhin ang yakap ni Papa nang mabuti. Ang isa sa paborito kong yakap-ang yakap ni Papa. Ang pinaka safe na lugar sa mundo.

Sumandal si Mama sa balikat namin ni Papa at gano'n din ang ginawa ni Kuya habang parehas silang nakayakap sa amin.

This is where I grew, and found out what love is.

Now the day has come that I'll be expressing what I've learned, I still haven't forgotten what love is.

Because I'm constantly reminded that love is. . . this.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Kung ano-ano pang pinag-usapan namin ng pamilya ko sa veranda bago kami nagsiakyatan. Dito raw sila matutulog. May dala nga rin daw silang pangligo at damit. Sabay-sabay daw kasi sila magsisimba bukas. Sinasama nga ako pati si Caiden, kaso may pasok ako bukas sa work. Hapon pa ang tapos ko.

Hinatid ko sila sa guest room na siguro'y tinuro ni Tita Divine sa kanila kanina.

Napabuntonghininga ako nang tumigil na ako sa tapat ng kuwarto ni Caiden. Pero maagap din akong napangiti. I'm glad. I'm beyond gladdest na nasabi ko na sa kanila. Ang gaan sa pakiramdam. . .

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Naramdaman ko agad ang saktong lamig ng kuwarto dahil sa nakabukas na air-con.

Nagulat pa ako nang hindi ko nakita si Caiden sa kama. Sakto rin namang kalalabas lang ni Caiden mula sa CR.

Nginitian ko agad siya 'saka isinarado ang pinto. Mukhang naghilamos siya dahil may kaonting basa ang buhok niya.

Malalim na humugot ng paghinga si Caiden bago ako nilapitan. Namumungay ang mga mata niya habang banayad na nakangiti sa akin.

"Hi. . ." he whispered before grabbing my waist and slowly pulling me closer to his body while still wearing his handsome smirk.

"Hi. Nagising ka?" Sabi ko at nilibot ang tingin sa buong mukha niya.

He licked his lips. "Uh-hmm. I was looking for you. Bababa na sana ako."

Kusang nagsitaasan ang kilay ko nang biglang nangunot ang noo niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko 'saka marahang hinipo ng hinlalaki niya ang gilid ng mata ko. Umawang ang kaniyang mga labi.

"What's the matter, love? Did you cry? Why, hmm? Did something happen? Did you cry alone? You should've waken me up. . . what happened?" He looks perturbed, and his voice screams overflowing gentleness.

Pagod ko siyang nginitian. "I wasn't alone. Umiyak ako kasama ang pamilya ko," sabi ko kaya mas lalo siyang nag-alala.

"What, why? What happened?" His soft, husky, baritone voice echoed inside my ears.

I sighed deeply before putting both of my hands on his waist.

"Sinabi ko na sa kanila 'yung sa atin. May mga tinanong sila sa akin, pero naiyak ako dahil sa mga sinabi ni Papa," I paused, "sobrang saya niya para sa akin, Caiden. Never nage-express si Papa ng nararamdaman niya, pero grabe, naiyak ako dahil naiiyak siya habang nagsasalita siya."

Magaan na napangiti si Caiden. "Wow," mahina niyang dabi, "that's good to know. Lahat sila masaya?" Sabi ni Caiden at lalong napangiti.

Mahina akong tumawa 'saka tumango-tango. "Uh-uhm. Ipagluluto ka raw ni Mama ng paborito mong ulam kaya baka one of these days ayain kitang pumunta sa bahay, okay lang ba?" I smiled like baby.

The extreme happiness was apparent from Caiden's face, as he smiled widely with his eyes until his smile became a soft chuckle.

"Su-sure. . . wow. . . thank you po, Tita. That's so sweet. Nakakakilig naman 'yon. Wow. . . hindi ako makapaniwala. Fuck. . . totoo ba?" Sabi ni Caiden at hindi mapigilan hindi matawa dahil sa kilig na nararamdaman.

Tumango ako. "Uh-uhm. Sobrang saya nilang tatlo for me. Expected ko naman na matatanggap nila, hindi ko lang ine-expect na gano'n kagaan at kasaya 'yung pagtanggap nila. I mean. . . grabe lang," sabi ko at napasimangot dahil nakaramdam na naman ako ng paghipo sa puso ko.

"Yeah. . . hindi rin ako makapaniwala. I'm sure my parents would react the same. Pero. . . ayaw ko muna sabihin. Let's take our time, we'll get there one day at a time," sabi ni Caiden 'saka ako marahang hinila para yakapin.

Napapikit ako habang dinadama ang mainit na katawan ni Caiden. I'm so happy. Sobrang gaan sa dibdib. Hindi ko mapaliwanag kung gaano ako natutuwa sa nangyari ngayong gabi.

Nasabi ko kina Ashton at Leroy, at nasabi ko na rin sa pamilya ko. Huhu. . . grabe lang. . . tama sina Papa, malaking step nga 'to sa buhay ko. Hindi naman kasi basta-basta 'tong pinasok ko. I'm glad we're all doing just fine.

"Caiden. . .?" I softly called his name before slowly breaking the hug.

"Hmm?" He raised his brows, looking up and down from my eyes to my lips.

"Can I ask you some questions? Are you capable of answering serious questions now?" I said softly, almost whispering.

Tumango siya. "Yes, baby. What is it?"

Binuksan ko ang ilaw ng kuwarto para mas makita ko ang mukha ni Caiden. Iginiya ko siya paupo banda sa paanan ng kama.

Humugot ako ng malalim na paghinga bago kinuha ang kamay niya 'saka siya tinitigan nang deretso sa mga mata niya.

He is as serious as I am, so I think this would be the perfect time to talk about us as well. Maganda na rin 'to, para mas maging comfortable pa kami sa isa't isa at mas mag-grow ang relationship namin. We have to be open with each other and clarify things as well.

"Gusto ko lang malaman kung paano mo na-realize na gusto mo na ako. Hindi naman kita pinagdududahan. Gusto ko lang malaman kung paano mo na-realize," sabi ko at ngumiti.

He licked his lips. "Uhm. . . I really don't know, pero sa tingin ko nakuha mo ako no'ng binigyan mo ako ng popsicle sa bench. Mula no'ng gabing 'yon, nagbago na 'yung pagtingin ko sa 'yo. Palagi na kitang hinahanap. Palagi kang naga-appear sa isip ko. Iniisip ko na kung paano kita ia-approach 'pag nakita kita. I'm so helplessly thinking everyday about you."

Magaan akong napangiti. "Cute. . . ang cute naman. . . pero. . . straight ka, e. How did you contemplate with your feelings? Paano mo naman nasigurado na gusto mo ako?" Sabi ko.

"Yeah. Kaya sinabi ko sa 'yo na pagkatiwalaan mo ako, dahil iba na talaga 'yung nararamdaman ko para sa 'yo, pero at the same time gusto kong maging malinaw muna talaga sa akin 'yung nararamdaman ko bago maging tayo-gusto kong ayusin 'yung talagang nararamdaman ko para sa 'yo. Hindi lang basta-basta akong magco-confess sa 'yo. Gusto kong malinaw at siguradong-sigurado na ako sa nararamdaman ko bago ko sabihin sa 'yo," sabi ni Caiden.

Tumango-tango ako. Mas gumagaan ang dibdib ko habang nakatitig sa mga mata ni Caiden sa sobrang sincere. Gustong-gusto niya talagang maniwala ako sa kaniya at gusto niyang maiparamdam sa akin na totoo ang mga sinasabi niya.

"What about your sexual preferences? Ibig bang sabihin, na-realize mong you're into boys na rin?" Sabi ko.

Humugot siya ng malalim na paghinga. "I don't really know about that, love. Hindi ko pa siya naiisip. So far, I'm not attracted to any boys other than you. Hindi rin ako napapatingin sa mga lalaki. Ikaw lang talaga 'yung gusto ko."

Napangiti ako. "Well, that's fair. Hindi naman kasi basta-basta pinagdedesisyunan 'yung sexual preference. Kung kailangan mas matagal, hayaang maging gano'n. Seryoso kasi 'yang topic na 'yan. Gusto ko lang malaman para alam ko kung gaano ka talaga kaseryoso sa mayroon tayo," sabi ko.

"I understand. Naiintindihan ko nang mabuti kung ano 'yung gusto mong mangyari, love. I'm okay with this. I like doing this with you. I am way much more comfortable talking about any topics with you," sabi ni Caiden 'saka magaan na ngumiti sa akin.

"Cute mo naman. . ." I chuckled.

Mahina rin siyang natawa. "Of course, we're together now. Everything that bothers you, matters a lot to me. You're my number one priority, love. You can tell me anything, or ask me anything," Caiden said solemnly while staring directly into my eyes.

Parang may humipo sa dibdib ko nang sabihin 'yon ni Caiden. Wow. . . hindi ako makapaniwalang kayang i-wipe out ng ganitong mga salita ang sistema ko.

"Caiden. . . gusto ko ring malaman kung bakit noon sobrang galit na galit ka mga bading. Hindi pa natin napag-usapan 'yon nang deeper. Nagma-matter lang siya sa akin since. . . bading din ako, at may mga naging away tayo noon," sabi ko.

He was taken aback with what I've said kaya napasimangot ako't nag-alala bigla. Tama ba na biglaan ko 'yon tinanong? Hindi ko ba siya na-trigger?

"Sorry, did I overstep?" I said softly, worrying.

Umiling siya. "No, love. Naisip ko lang din na hindi pa 'yon nasasabi sa 'yo. Baka ino-overthink mo tapos wala man lang akong nagagawa for you," sabi ni Caiden.

"Are you comfortable talking about it?" Sabi ko.

Tumango siya. "Yes, I am. Isang gabi 'yon, nasa night club kami ng mga kaibigan ko. I was comfortable around them before. Nakikipag-usap pa nga ako kasi nakatutuwa silang kausap. Their jokes are funny. Not until, they drugged my drink. They drugged my friends' drinks, too. Pero ako lang 'yung gusto nila. Tatlo silang bading. Kahit umiikot ang paligid ko that time, malinaw na malinaw sa akin kung paano nila binubuksan 'yung polo ko. Kung paano nila binubuksan ang zipper ng pantalon ko. It was fucking terrifying."

Nagsitayuan ang balahibo ko. What the fuck. . . tangina. Hinawakan ko siya sa likuran at tinapik-tapik siya ro'n.

Bumuntonghininga siya habang nakatingin sa mga kamay naming magkahawak. He looks triggered now. . . shit. . .

"I'm sorry, Caiden. I'm really sorry. . ." sabi ko.

Umiling siya. "It's okay. I was just. . . fucking mad that time. Hindi ko alam kung paano natapos 'yung gabing 'yon. My friends are drugged, I am too. No one else can save me from that fucking situation," sabi ni Caiden.

Napalunok ako't hinawakan ang baba niya para iharap ang mga mata niya sa akin. He looks afraid. He's recalling the incident.

"It's okay. I'm here. . . you don't have to be afraid, hmm? I'm here," I comforted him.

Muli siyang bumuntonghininga. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "I know, love. Bumibigat lang 'yung pakiramdam ko. Hindi ko alam kung ni-rape nila ako. Ang tanging naalala ko na lang hinuhubaran nila ako bago ako nawalan ng malay. We're at the fucking club. Basta paggising ko, nasa sahig ako ng club. Wala akong damit. I was just wearing my boxer brief. I don't know what happened. Pero dahil nakahubad ako, mukhang halata naman na kung anong ginawa nila sa akin."

Namuo ang luha sa mga mata ko. I didn't know that he was more than assaulted. Pinagsamantalahan siya ng mga bading. . . tangina.

"My friends are not there. Hindi ko alam kung nasaan sila. Nagkita-kita na lang kami ng hapon, 'saka ko lang nalaman na inuwi pala sila ng babae. Ako naiwanan do'n. . ." sabi ni Caiden habang mabagal ang pagkurap.

"First year college kami no'n. Ilang buwan akong hindi nag-night club dahil sa naranasan ko. We tried to find them, so I can sue them, but I was too afraid. Natatakot pa rin ako at the same time galit na galit ako. Hindi ko naprotektahan ang sarili ko. Hindi ko naprotektahan ang mga kaibigan ko," he paused so he can take deep breath.

"Kung naalala mo, nakuwento ko na rin sa 'yo 'yung nangyari no'ng bata ako. I was also abused. Not sexually or physically. Inabuso ako ng mga kaibigan ko, right? So I stopped being nice. Doon nagsimula mabuo 'yung galit ko sa mga tao. Doon ako nagsimulang mawalan ng pake sa nararamdaman ng mga tao. Baon-baon ko 'yung galit ko na 'yon hanggang sa lumaki ako. Kahit naging kaibigan ko na sina Titus, Magnus, at Echo no'ng high school, dala-dala ko pa rin 'yung galit ko na 'yon. Galit na galit pa rin ako."

Tumango-tango ako. "So. . . dumagdag 'yung galit mo na 'yon, sa na-experience mo no'ng first year college ka?" Mahina kong sabi.

"Oo. Galit na galit ako lalo sa mga tao. Kaya wala akong pakialam kung anong iisipin ng ibang tao. I'll do whatever I want to do. I'll fuck girls if they want me to fuck them. Wala akong pakialam kung ma-attach sila sa akin. Basta galit ako lagi. Mahilig akong magmura nang magmura. Sobrang liberated ng buhay ko. May pakialam pa rin naman ako sa pag-aaral ko dahil mahal ko pa rin ang pamilya ko, kaya hindi ko pa rin pinapabayaan. Nag-focus lang talaga ako sa pagpapasarap sa buhay kaya palagi akong nakikipag-sex. 'Yon na lang nasa isip ko palagi para maging masaya ako," sabi ni Caiden.

That made sense. Kaya pala gano'n na gano'n si Caiden no'ng na-meet ko siya. Mahilig siyang magmura at nakakunot palagi 'yung noo niya. Lagi rin siyang galit.

"Hindi ka ba na-trauma bumalik sa night club after ng nangyaring 'yon?" Tanong ko sa malambing na boses.

"No, it took until second year college. Nangyari 'yon no'ng first semester ng first year college, so after a year, I guess. Sinubukan kong bumalik sa night club na 'yon. I was conscious and lahat ng nakikita kong bading nginingiwian ko. Nandidiri ako sa kanila. At tangina, no'ng gabing 'yon, nananahimik akong nakaupo sa counter ng bar-may dalawang bading na pinaggitnaan ako. Hinipuan nila ako. I asked them nicely to fuck off kahit sasabog na ako sa galit. Pero hindi pa rin sila tumigil, kaya no'ng kinuha ko na 'yung bote ng alak na iniinom ko 'saka lang sila umalis. Putangina talaga. Kaya mas lalo akong nagalit talaga. Hindi ako makapaniwala. Putangina lang. Bakit ba minamanyak ako? Umiinom lang naman ako. Sumasayaw 'yung mga kaibigan ko no'n."

"Naiintindihan kita. . . I'm sorry that you've experienced that. Pero nasabi mo na ba 'to kina Tita at Tito noon? Did you ask someone to help you legally, or nagpa-therapy ka ba?" Banayad kong sabi.

Bumuntonghininga siya 'saka umiwas ng tingin. "Sinabi ko kay Daddy, no'ng second year college na ako, 'yung nangyari before no'ng first year ako. He was extremely mad. Gusto niyang ipahanap pero wala naman na akong maalala. Tinanong niya rin ako kung anong gusto kong gawin about it, sinabi kong ayaw ko na lang balikan. In-open up ko rin sa kaniya 'yung nangyaring may nanghipo sa akin. Sakto rin, may kabubukas lang na bagong night club malapit sa RNC, 'yung Viking's Night Club. Kaya lumipat kami ro'n nina Magnus. Sinuggest din ni Daddy na lumipat na lang ako ng night club. Kaya mas naiintindihan niya ako at palagi niyang akong binibigyan ng pera. Gusto niyang maging masaya ako at ma-boost akong ipagpatuloy 'yung pag-aaral ko. Sinabi na rin niya 'yung tungkol sa therapy, kaya tinry namin isang beses. It didn't work out as we expected it to be. Mas lalo lang akong na-trigger kaya hindi na kami bumalik."

"Ah. . . ginawa mo bang coping mechanism 'yung sex at pagbili ng kung ano-anong mga bagay?" Sabi ko kaya napalingon siya sa akin.

"Honestly, yes. The world cannot help me, love. Ako lang 'yung makakatulong sa sarili ko. Hindi titigil 'yung mundo para hintayin akong maka-recover sa malalang galit ko sa mundo. Kahit um-attend ako ng iba't ibang therapy, kung mas nahihirapan lang ako at mas nakakasama pa sa akin, I have to find way to stay alive. If it keeps me alive, it's way more important than it is."

Tumango-tango ako. "I understand. Naiintindihan na kita nang sobra. I mean, lalo. Thank you for telling me that. . ." I smiled.

"Hindi namin sinabi kay Mommy, I'm not comfortable. She just knows that I have a bad experience with gays. That's all. I don't know if she knew what I experienced too when I was a kid. Hindi ko alam. I was just so uncomfortable opening up to her. But I still love her."

"Then. . .?"

"Naalog lang 'yung utak ko no'ng pinagtrabaho niya ako. Hindi ko pa ma-process lahat nang maayos that time. Pakiramdam ko sobrang bigat, pero I was willing to adapt for that change. I love my mother. I love how she makes decisions. Doon ko siya mas napagkakatiwalaan. Si Mama lang pala 'yung makakapagsabi at makakapag-realize sa akin na may mali na akong nagagawa. Okay lang siguro 'yung ginagawa kong pagna-night club or pakikipag-sex or paggastos, pero sumobra na at naapektuhan ko na ang sarili ko maging ang mga magulang ko. Kaya ko lang naman 'yon ginagawa, para ma-enjoy ko 'yung college life ko at mas maging masaya ako. I had to find ways to make myself happy," sabi ni Caiden.

"Oo nga, naalala ko 'yon. 'Yun 'yung sabay na tayo nag-work. Nagalit din ako kay Tita Divine no'n. Kasi sinisi niya ako sa mga dapat sinisisi niya sa 'yo. Pero naiintindihan ko naman siya, na-trigger lang din 'yung anxiety ko."

"I'm sorry about that. Hindi kita pinakinggan that time no'ng may sinabi ka about kay Mommy. Punong-puno lang din talaga 'yung isip ko no'ng mga oras na 'yon. At nananatili pa rin 'yung galit ko sa akin. Galit na galit pa rin ako. Pero one thing is for sure, hindi ko kayang magalit kay Mommy. Mahal na mahal ko si Mommy. Kaya imbis na pumalag ako sa gusto niya, sinunod ko siya. She knows better than I do." Caiden smiled.

"I'm glad you did. Look at you now. . . you're better," sabi ko at mahinang tumawa.

Mahina rin siyang natawa bago muling humugot ng malalim na paghinga 'saka nagsalita, "Isa pa sa nagpa-realize sa akin na may kailangan pa akong ayusin sa sarili ko ay ikaw. . ."

"Ako?"

Tumango si Caiden. "Oo, you're so admirable. First, kinausap mo si Mommy about my car. I was surprised that time, actually. 'Yun 'yung time na pina-process ko pa ng mabuti 'yung new step na gagawin ko since magwo-work na ko at mapapalitan na 'yung lifestyle ko. Nase-stress ako. Nasa kalagitnaan ako ng realizations ko no'n. Naiisip kita, na hindi mo deserve 'yung ginawa ko sa 'yo. There's no excuses for what I did. Hindi ko dapat binuhos sa 'yo 'yung galit ko sa mundo. I'm really sorry, love. Sising-sisi ako sa nagawa ko sa 'yo, kaya ginawa ko lahat ng makakaya ko para lang makabawi sa 'yo. Kahit na-clarify na natin sa isa't isa na hindi na naman natin kailangan maging magkaibigan. Nagalit pa sina Magnus sa akin kasi pinipili kita. I didn't care. I wanted to be responsible for what I did. Alam ko 'yung pakiramdam na na-abuse, at kahit hello wala man lang ako nakuha sa mga nang-abuse sa akin. Kaya wala akong pakialam kung mawawalan na ako ng kaibigan. Ayaw kong mag-adjust sa kanila. Kung mahalaga ako sa kanila, maiintindihan nila kung saan ako nanggagaling. Naintindihan naman nila, eventually. They were willing to make it up to you as well. Naiinis din ako sa kanila madalas dahil nakakabwisit 'yung iba nilang ugali. Pero mabait naman sila. Nandiyan sila para sa akin no'ng mga panahong wala rin akong kasama. I still appreciate them. Hindi naman sila perfect, may mga ugali rin silang ino-overcome kagaya ko or kagaya mo. Ang mahalaga, lahat tayo ay willing magbago at i-make up 'yung mga nagawa nating mali."

"I'm happy that you realized all of these. Thank you for owning up your mistakes. I'm sorry din dahil naging harsh ako sa 'yo noon. Minura rin kita at nakialam ako. Marami rin akong masamang nasabi sa 'yo. There's no excuses for that as well. We all make mistakes. Lahat tayo nadadala ng nararamdaman natin. Hindi tayo perfect. Kahit 'yung mga taong nagco-correct, they still have their moments when they are the bad person," sabi ko.

"I'm sorry if nabuntong ko sa 'yo 'yung galit ko. Nalulungkot na naman ako dahil naalala ko kung paano kita tinrato noon. Ang sama kong tao noon. . ." he took a deep breath.

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi para maiharap ulit ang mukha niya sa akin. He looks discouraged. Na-trigger ko ata siya nang sobra dahil sa mga tinanong ko.

"You're a good person, Caiden. You don't deserve any of those traumas. Binigyan mo ng baon 'yung mga kaibigan mo noon, and? They are the problem. You were just being nice. They label you as a villain now that you wanted to protect yourself, it's not your fault. You experienced being assaulted and raped, it's not your fault. Hindi mo kasalanan kung nagalit ka sa mundo dahil sa mga na-experience mo. I'm sorry that you have to experience all those things. Nakalulungkot na. . . kung sana nagkaroon ka ng maayos na kaibigan, hindi mo 'yan naranasan lahat. Mas naging mabuting tao ka sana at hindi mo na kailangan dumaan sa phase na gano'n. I see right through you, Caiden. Your current friends are not that good as well, for me, it's fine-it's not your fault na humantong ka sa gano'ng desisyon no'ng nakilala mo sila noon. You were in the middle of your traumas, and you were young. You were bound to make more mistakes dahil na-experienced mo na agad ma-abuse bata ka pa lang. You don't deserve any of it. You don't deserve Magnus, Echo, and Titus' influences that made you someone else. You didn't know what to do, e. It's not your fault. Maybe you just needed a lot of time to realize things. Hindi man maging tama para sa ibang tao 'yung nararamdaman mo at kung paano mo na-realize lahat, it doesn't matter. What matters is that you chose to learn, and to outgrow the person you no longer wanted to be. I'm glad that you regain your real self. You started to feel yourself again. I'm also glad that I was able to help you-I was able to make you feel the emotions that broke you from your issues. Now, you're no longer angry. You're pure of love and joy. You learned how to love, and to take love. You deserve to be happy, Caiden. You deserve good friends. You deserve people who will always correct you. You deserve the people who cares about the choices you make. You deserve more than what you've experienced before. You are a good person, Caiden."

Pinunasan ko ang luha ni Caiden katutulo lang. Umaawang ang labi niya. Nagpakawala siya ng nanginginig na paghinga bago nagtuloy-tuloy ang pagbuhos ng mga luha niya.

I hugged him warmly. I closed my eyes as I comforted him with my hug.

Caiden has been through a lot. There are no excuses for the mistakes we made before. Marami kaming nagawa ni Caiden sa isa't isa na literal na mali.

I own it, and he also did.

Ang mahalaga ngayon, tinanggap na namin ang isa't isa. Naging mas open kami sa kung ano 'yung nararamdaman namin. We became raw.

I'm glad that he was able to overcome what he had to overcome. He didn't deserve any of those things that he experienced. Walang kahit na sinong tao ang deserve mapunta sa gano'n sitwasyon.

Hindi ko masabing tama si Caiden sa mga ginawa niya noon sa akin dahil lang sa na-experience niya 'yong mga na-experience niya noon, it's all wrong. It's all repulsive.

But what I do understand is that he's trying to live up. He's trying to save himself from the things he's been drowned in. He didn't know what to do to save himself. And I'm glad that I was part of this process.

Maybe It was destined for him and I to meet. If hindi niya ako na-meet, hindi siguro dadating lahat sa kaniya 'yung realizations niya ngayon.

Caiden deserves to be loved. Nakakalungkot lang talaga 'yung na-experience niya, and the triggers are just there waiting to be pressed. I'm glad na nakaka-recover na siya nang dahan-dahan. I can see his progress!

If ako rin siguro 'yung naka-experience ng na-experience niya before, baka parehas kami ng tinatahak na daan. Baka mas malala pa ako sa kaniya. Kaya hindi ko puwedeng i-judge entirely si Caiden dahil wala naman ako sa shoes niya.

Ako kasi, open ako sa parents ko at comfortable ako sa kanila. May kaibigan akong sobrang bubuti. May mga flaws din silang lahat, pero it doesn't make them as a bad person. I love them, at marami silang tinuro sa akin na nag-make up kung sino ako ngayon.

Naiintindihan ko rin si Caiden kung ayaw niyang magpa-therapy. Iba-iba naman kasi ang effect ng therapy sa tao. May mga mas nahihirapan, at may mga mas kailangan i-surround 'yung sarili sa mga taong hindi nakaka-trigger for them, instead of attending therapy. Plus, baka uncomfortable din si Caiden. It will do no good kung gano'n.

I'm just glad that I was able to know his whole side. I was able to understand him way better. I was able to know where to love him more. He's so precious. He always tries his best. Hindi man maintindihan ng ibang tao kung sino siya, it's okay. Gusto kong sabihin kay Caiden na hindi na niya kailangan ipaliwanag sa buong mundo kung sino siya.

Dahan-dahang umalis pagkakayakap si Caiden. Umiiyak pa rin siya. Humihikbi na siya. Seeing him right now, nahawakan ko siguro nang mabuti 'yung sugat na mayroon siya noon na noon pa man. Humahagulgol siya sa harap ko. He's clearly hurting that he wasn't able to hear those words before.

"I love you. . . you're safe with me, Caiden. . ." I whispered.

Tumango-tango siya habang nakatitig sa akin. Punong-puno pa rin ng luha ang mga mata niya at madiin ang pagkakahawak niya sa dalawa kong kamay. Tumulo na rin ang luha ko. Nasasaktan ako habang pinapanood siyang umiiyak.

Tangina. No one deserve to be on that position talaga. Tangina lang talaga.

"I'm happy for you. You've survived and you've overcome those things, Caiden. Walang nakakakita no'n kundi ikaw lang. I'm glad that you let me see it. You showed me where it hurts. So I was able to know where to love you the hardest. . ." I whispered while sobbing.

Napapikit siya 'saka napatungo. Inilagay niya ang mga kamay ko sa noo niya habang humahagulgol. Nanginginig na siya sa sobrang pag-iyak.

Kinagat ko ang ibaba kong labi. Fuck. . . hindi ko alam kung paano ko maiibsan 'yung sakit na nararamdaman niya. Pinaghalong sakit at pagkatuwa siguro ang nararamdaman niya. I can't believe that he survived those. Kung ako 'yon, baka patay na ako noon pa.

"You're so brave, my Caiden. Yo-you. . . didn't deserve that. I'm glad I'm here with you. Mula ngayon, palagi ka ng maririnig. Palagi kang may masasabihan. Hindi mo na kailangan matakot. Hindi mo na kailangan isipin kung maa-appreciate ka ba, dahil palagi kitang ia-appreciate. Bigyan mo ko ng baon mo, bibigyan din kita ng baon ko. . ." sabi ko habang nanginginig ang boses dahil sa sobrang pag-iyak.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Tulo pa rin nang tulo ang luha niya. Hindi siya makapagsalita. Nanginginig ang labi niya at pulang-pula na siya sa sobrang pag-iyak.

Pagod ko siyang nginitian. "It's okay now, Caiden. The war is over. You can rest now. . . you'll be safe here."

Continue Reading

You'll Also Like

9.4K 342 115
I'amore Dello Scrittore Epistolary Series #5 The writer's twisted words of love.
349K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...