He's In Trouble

By WISENCHEZ_

1.6K 90 10

And when they thought she got it all, she, who is a combination of sweetness and spice, turned out to be very... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40

Kabanata 41

7 0 0
By WISENCHEZ_


What happened is, nag take lang naman kami ng iilang pictures dahil nagugutom na rin ang mga boys at iyong Cataleya lang naman ang nagpupumilit dahil for souvenir daw.

Ugh, as if naman.

"I must say ha, she's indeed good. Siguro mas maganda pa nga ata ang kuha niya sa kuha mo kanina." Pagsasalita na naman ng bruha habang nakatuktok doon sa phone ko. Siguro ay napansin din nitong wala namang natawa sa sinabi niya ay napatikhim siya "You guys are so serious." Aniya pa sabay abot sakin ng phone ko

Habang kumakain ay panay ang siko sakin ni Serena. Hindi ako makakain nang maayos kaya binalingan ko na siya. "What ba?" Medyo iretadong asik ko. Can't a girl get a peaceful breakfast here? Geez.

Pero imbes na sumagot ay may nginuso lang siya sakin. Sinundan ko ito at nakita ang nakatinging si Kairous. Wala akong nababasang ano mang ekspresyon sa mukha niya, kaya hindi rin ako sigurado kung galit ba siya. At kung galit man siya, bakit naman?? Para akong matutunaw dito kaya ako na mismo ang umiwas ng tingin.

Ang pwesto kasi namin dito e magkakaharap kami. Pahaba kasi itong mesa, kaya ayon. Nasa kanang bahagi kami ni Serena samantalang *ahem* itong sina Kairous at ang Cataleya na yan ay nasa kabila namin. Inshort, nasa harapan namin. Well, hindi naman completely nasa harap kasi medyo nauuna sila- If ever that made sense- I think.

Tiningnan kong muli si Serena at bumalik na ito sa pagkain, habang nakangiti. Eh? Muntanga rin 'to e. Hindi ko na lamang pinansin pa ang lalaki kahit pa na nararamdaman ko ang patingin-tingin nito. At hindi pa talaga ito nakaramdam ng hiya sa mga kasama namin? Wala ba siyang pakialam sa iisipin ng babae niya? O babae pa nga lang ba niya iyan o girlfriend na? Ulit?

Parang bigla naman akong nanggigil sa hinihiwa kong steak. Isa pa 'to e. Umagang-umaga, umorder sila nito?

"Daddy Z, is something wrong?"

Mabilis akong napaangat ng tingin at agad na napatingin sa kanila. Parang ang oa nung naging reaction ko pero mukhang hindi lang naman ako ang nabigla kaya ayos lang. Sanay na kami rito na ganon ang tawag niya rito pero kasi ngayon, iyong tono talaga e. How should I describe it.. Ang landi? Parang sa pagtawag pa lang niya rito ay hinuhubaran na niya ito.

Kung hindi ko pa narinig ang pagtawa ng mga boys ay hindi ko alam na nakangiwi na pala ako at tuktok na tutok sa kanila. Napairap na ako ng tuluyan nang muntik pang mabilaukan si Kairous sa sinabi ng babae. Tiningnan lang niya ito at inilingan.

"Daddy Z your face." Hawak ko na ulit ang fork and knife at magpapatuloy nalang sana sa pagkain nang mapansin kong natitigilan silang nakatingin sakin.

"What?" Una kong namataan ang nagpipigil ng tawa na si Creyon, si Frank na mukhang namamangha sa kung ano, at si Dash na-

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" ang lakas ng tama

Nangunot ang noo ko sa inaasta nila. Maging ang iba pa kasing kasama namin dito ay parang natatawa na rin. Binalingan ko si Serena at nagtatakip pa ito ng kamay sa labi niya.

"Ano ba 'yon?" Pagkatanong ko nun ay doon na nanlaki ang mata ko. Don't tell me? DID I JUST SAY IT OUT LOUD?! HECKKK. It was supposed to be just in my head!!

"Excuse me?" Rinig kong wika ni Cataleya. She doesn't look pleased at all, uh-oh. "Did I just hear you say 'Daddy Z your face'??"

Napakurap-kurap akong nakatingin sa kanya. Nag peke ako ng tawa at naghanap ng idadahilan. Tumaas na ang isang kilay niya kaya kung ano nalang ang maisipan ko ang sasabihin ko.

"What? Of course not. I.. um..I was actually talking to Serena over here. I just told her we should visit this Island next time. 'Let's visit this place' that's what I said. Right, Ena?" I gave her the look

"Y-yeah. Why, ano bang dinig niyo?" Sakay naman niya sa palusot ko

Mabuti nalang talaga at may nakita akong brochure sa mesa na kinakainan namin at saktong may lugar doon kaya iyon ang tinuro ko. Talagang naglalagay sila ng mga ganito lalo na pag matagal-tagal maluto ang mga pagkain. Sakto namang malapit ito sa plato ko kaya ito nalang ang naisip kong idahilan.

Katunog naman diba?

Nang makita kong mukhang kumbensido naman siya, napahinga na ako nang maluwag. Wow. I should get an award for being such a good liar and a story maker.

"Pfft." Ewan ko kung sino iyon sa mga boys

"Talino oh." Segunda pa ng isa.

"Oh, okay. Maybe I heard it wrong lang. Why would you say that kind of thing naman diba? We're friends naman.. aren't we, Tiara?" I don't know but she just sounded so sarcastic, or baka ayaw ko lang talaga sa kanya?

"Hehe." Iyon na ang pinakamaayos na sagot ko roon

Ilang segundo pa kaming nagkatinginan habang nakangiti sa isat-isa.

"Oh well, let's eat. Bon appetit!" Siya rin mismo ang nag iba ng usapan

Habang kumakain ay naririnig ko pa ang mahinang pagtawa ni Ena sa tabi ko. Gumagalaw-galaw pa siya kaya pasekreto ko siyang siniko. Napailing ako sa sarili. "Paano ka naman mamamali sa narinig mo kung iyon na iyon din ang narinig nilang sinabi ko?" Naisip ko

Ramdam ko ang tingin sa gawi ko ni Kairous. Lalo akong nainis dahil baka iniisip naman niya inaaway ko ang babae niya, tsk.



"Sandali lang!" Balak ng mga kasama ko na mag libot sa island pero sabi ko ay susunod lang ako. Sa kakakilos ko kasi ay pakiramdam ko wala na sa ayos ang pagkaka-cast ng sugat ko. Hindi na naman dumodugo pero kailangan ko pa ring i-double check.



"The F!-" Napaupo na ako dahil tumama sa parang layang buko iyong paang may sugat ko. Kung siniswerte ka nga naman oh.

Ganon nalang ang panlalaki ng mata ko nang may taong lumapit sakin at tinulungan akong tumayo. Among all people siya pa talaga ang nakakita sakin sa ganitong sitwasyon.



"I'm fine. It's okay." Agad kong pinigilan siya sa balak na pagyuko para tignan ang paa ko pero sa mga ganitong sitwasyon, parang hindi ko talaga siya kailanman mapipigilan sa mga gusto niya.

"You should be careful." Nabigla rin ako sa tono ng boses niya. May lambing akong nahihimigan doon.

"I-I will, next time." Naisagot ko

"Every time. Be careful every time." Tumayo na siya nang tuwid at sinalubong ang naguguluhan kong tingin.

Those eyes.. It's only been days but why does it feel like I've longed for it for a long time?



I sighed. "Thanks, pero kaya ko na'to. Bumalik ka na sa mga kasama mo, baka hinahanap ka na nila."

Mukhang binabasa pa niya ang ekspresyon sa mukha ko pero tanging gusto ko lang ngayon ay ang umalis na siya at iwan na ako rito. Nakita ko kasing dumugo na naman ang sugat ko room, siguro dahil sa impact ng pagkakabunggo ko ron sa balat ng buko. Ayaw kong makita niya akong iika-ika paalis dahil ayaw kong maawa siya sakin. Lalong ayaw ko na iyon nalang ang maramdaman niya sakin. Ang maawa.













***

Pagkatapos naming kumain ay nagkanya-kanya na kami ng gagawin. Total halos may mga partner naman ang bawat isa, liban samin ni Abby syempre, kaya ayos na ring magkanya-kanya kami. Ayaw kong mag mukmok sa cabin kaya sumama nalang ako sa mga kaibigan ko.

"Jet ski tayo!" Excited na turo ko sa nakita kong jetski sa dagat. Pero agad na napawi ang ngiti ko sa mga narinig.

"Let's go! Ikaw mag drive, love?" Si Serena na kapit na kapit sa boyfriend niyang si Erik.

"Sure." Sagot ng lalaki na ikinangiti ni Serena. Nang muling mapabaling ng tingin sa karagatan ay unti-unti namang napawi ito at napalitan ng pag ngiwi.

"Why, anong problema?" Tanong naman agad ni Erik at napatingin na rin sa karagatan.

"Hindi ba parang ang init pa masyado? Mag aalas dyes na at nagsisimula nang uminit ng panahon. Can't we just wait 'til afternoon?" Tiningnan niya ako and just that look of her, mukhang ayaw talaga niya



"Me either. As much as I want to join you guys, natatakot ako sa malalim na parte ng dagat e. Can we just roam around the sea pero near the shore lang?" Si Grace iyon. Nag-alala naman agad dito si Dash. Yeah, he's with us dahil nandito si Grace at Abby.

"You don't have to if you're scared. Pwede naman tayong mag ikot-ikot dito." Suhestiyon nito

Hindi ko naman maiwasang mapairap sa kawalan. "Abby?" Baling ko sa tahimik na si Abby sa gilid ni Grace.

"G ako." Napangiti ako at napatango.

"Oy, how about us, G din kami dyan!" Agad na angal ni Jean

"Tama, 'di porket may mga boyfriend kami e hindi niyo na kami isasama d'yan, hello, LDR?" Sabat naman ni Aya

"Excuse you, Manliligaw ko palang yong akin." Pag korekta ni Jean dito

"Really, Jean? Kaya ba parang babaeng-babae ka lang pag andyan si Travis? Alam kong may mga naging crush kana noon, pero brosko ka, brosko! Ey Travis tumegel ka nge, pere ke nemeng sere e." Ganon nalang ang panlalaki ng mata ni Jean sa mga tinuran ni Aya. At talagang ginaya pa nito ang asta niya pag nandiyan nga ang manliligaw. "H-hoy! Anong ibig mong sabihin.. tomboy ako??" Halos hindi ito makapaniwala. Kami naman ay nagpipigil nalang ng tawa sa kulitan ng dalawa.

"Hindi, pero hindi ka rin naman ganyan ka oa noon. Napaghahalataan ka tuloy na first time mong maligawan." Sabay halakhak ni Aya

"Aba! Patay ka talaga saking babaeng bangus ka, ililibing kita sa buhanging tinatapakan mo!" Ayon na nga at naghabulan na sila. Pulang-pula ang mukha ni Jean samantalang tawa naman nang tawa si Aya habang tumatakbo palayo sa kanya.

Naiiling akong bumaling kay Abby. Tinanguhan niya ako na parang inaaya akong mag jetski na kami. "Let's gaur." Sabi ko. Pero bago paman kami umalis ay binalingan muna namin ang iba pa naming kasama.

"Ano dito nalang muna kayo? Panoorin niyo nalang kami." Suhestiyon ko total ay ayaw naman nila.

"Go lang, coz. Enjoy kayo." Si Serena

Napangiwi ako sa kamay niyang kapit na kapit sa braso ni Erik. "Mukha nga ring nag eenjoy na kayo e." Senenyasan ko na si Abby at naglakad na kami palapit sa dagat kung saan naroon ang mga jet. Sumunod naman samin si Jean at Aya na nagbabatuhan pa rin ng pang-aasar sa isat-isa.

Lumapit kami sa mga mamang nagbabantay roon at nag tanong kung available ito ngayon. Agad naman silang pumayag at nag offer na ng price, which is fair naman.

Nagsuot muna kami ng vest tapos ay excited kaming sumakay sa mga jet. Tama lang pala na kami lang dahil apat lang ang available ngayon, hindi rin kasi kalakihan itong isla at hindi rin ganon karami ang mga turista, which is something na nagustuhan ko rin.



"WHAHAHA may kasalanan ka pa sakin kaya ikaw ang uunahin ko!" Halakhak ni Jean

"Waah! Ang daya! Kanina pa naman 'yon kaya kalimutan mo na!" Lalo pang binilisan ni Aya ang jet niya nang humabol ito sa kanya.

Kung ano nalang ang maisipan namin ang nilalaro namin. Ngayon ay naghahabulan naman at si Jean ang kasalukuyang taya. Ang maabutan ay ihuhulog sa dagat at bahala nang makabalik sa kanyang jet. Ayaw kong mabasa dahil kahit ganitong oras ay ang lamig-lamig ng tubig.

Ang ending ay Jean pa itong nahulog dahil bigla namang umikot ang jet ni Aya nang papalapit na siya. Mukhang hindi niya iyon inasahan kaya siya itong nawalan ng kapit sa jet niya- ayon, hulog.

Ngayon ay walang sing lakas ang tawa ni Aya. "HAHAHAHAHAHAHAHAHA karma nga naman, ang bilis maningil, ano??"

Bago pa magkapikunan itong dalawa ay nag-isip naman kami ng ibang laro. Para hindi na rin kami maumay. Ilang sandali ay nagtatawanan na kami ulit habang sigurado naman akong palihim lang na nanggigigil si Jean dahil siya pa lang ang nahuhulog sa dagat at nabasa ng sobra habang kaming tatlo naman ay puro basa na ang pang-ilalim na katawan.

"Hoy, babae ka, tigilan mo na nga ako! Ayon si Abby oh! Si Tiara! Sila naman ang puntiryahin mo, h'wag puro ako!" Panay ang reklamo ni Aya nang lapitan na naman siya ni Jean at basain ng tubig dagat. "AAAAAH! Bwesit ka!" Ngayon ay siya naman itong namumula sa inis habang hinahabol ito sa jet.

"Habol pa more, babaeng bangus!" Halakhak ni Jean

Ganoon lang kami, tawa dito, asaran doon, at bago pa magkapikunan ay nag-iiba na kami ng laro. As we are enjoying ourselves, nagpapaunahan at nagpapabilisan ng pagpapatakbo ng mga dala naming jet, napansin ko ang paglapit ng grupo nila Kairous sa kanila nina Serena. Mukhang nagkakatawaan din sila at may mga hawak pa sila mukhang mga inuming beer. Syempre, parang linta pa ring nakakapit sa kanya iyong babaeng brusha na yon.



"T, Careful! Ano ba yan, Pati ba naman dito magiging competitive ka?!"

"Nababaliw ka na ba?!" Nanlalaki ang mata ni Jean nang mapalapit sakin.

Ako man ay nagulat nang kulang nalang ay lumipad na itong jet sa sobrang panggigigil ko. Nagpapaunahan kasi kaming makaikot sa parang mga nakalutang na flags dito sa dagat at obviously, ako ang nanalo. Pinalipad ko ba naman kasi.

"You okay? Chill ka lang." Lumapit na rin si Abby

"I'm okay. Sorry. Siguro mag ikot nalang tayo." Pagkasabi ko nun ay pinatakbo ko na ulit ang jet. This time ay medyo mabagal na. Agad namang sumunod iyong tatlo sa'kin.

"Oy, Sina Kairous oh. Nakakapit na naman sa kanya 'yong Cataleya, parang linta e." si Aya nang medyo makalapit sakin. Ang tingin niya ay andoon sa kanila.

"Sinabi mo pa." Mahinang usal ko

"Kaya naman pala pinalipad ang jet e. Nanggigil." Si Jean na tatawa-tawa

"Tigilan mo nga ako, Jean. Wala akong pakialam kahit mag ala anaconda man ang babaeng yan sa kakabigkis sa kanya. I won't even give a damn." Inis kong sabi

"Ows, talaga lang? Pano kung sabihin kong, nakita ko sila kagabi na naghahalikan? You won't give a damn pa rin ba??" Dagdag pa niya

Mabilis akong napalingon sa kanya. Nakakunot ang noo at binabasa kung nagsasabi ba siya nang totoo.

"Hindi ko sasabihin kung hindi ko mismo nakita." Nagtaas pa siya ng kanang kamay

Muli kong binalik ang tingin sa dalampasigan kung saan sila naroon. Nagkiupo na at mukhang nagkakatuwaan. Agad na nahanap ng paningin ko ang lalaki katabi na naman iyong babaeng yon. Ang tanga ko, bakit ba hindi ko naisip na nagkabalikan na nga sila?

"Psh, Di hamak naman na mas maganda ka dun." Sa lahat ng narinig ko ay sa sinabi lang ni Abby ako natuwa

"Alam ko." Hindi man halata pero nanginginig na ako sa galit. Subukan mo lang talagang ilapat ang labi mo sa labi ng babaeng yan, patay ka talaga sa'king lalaki ka.

Continue Reading

You'll Also Like

7.2K 680 42
How can you find true love now that you are surrounded by cheaters.?
17.9K 380 12
Arranged Marriage To Campus Nerd She My Wife.......Not involved "LOVE" .....We Not "LOVE" each other.... I hate Her Because Of Her The woman I love...
10.3K 742 75
Nagmahal, Nasaktan, Naging Bitter 'yan si Scarlet Dahlia Xiang, she turns into a bitter woman because of her past. He is Blue Kaizen Macwill, the hea...
1.2M 38K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #1 in overprotective #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her ent...