ViceRylle: Pansamantala

By nickstah

205K 5.8K 513

What would you do when you accidentally fall for your best friend? Kaya mo kayang ipaglaban ang totoong nara... More

Introduction
Story Of My Life
Boys Night Out
"I need you now.."
Someone Special
Tampo Moments
Lucky I'm In Love With My Best Friend
Now Playing: Tamang Panahon
Coffee Date
Dedma-zoned
Emergency
Seenzoned
Ang Pagtatagpo
Akin Ka Na Lang
Feb-ibig
Just A Friend
Wag Kang Bibitiw, Bakla.
One Night... Stand?
Happy Birthday
Vice, Surprise.
Deal or No Deal?
Probinsyano
Under The Stars
This Is It Pansit
Reality
Chances
Ang Nakaraan
Darkness
Revelations

Diary

6.4K 228 13
By nickstah

Pagbalik nina Vice ng Maynila, ay itinawag na kaagad niya ang mga kamag-anak ni Karylle. Laking gulat din naman nilang lahat dahil hindi nila inasahan ang pagkakataong ito. Nasa loob na sila ng sasakyan papunta ng Quezon City kung saan naroon ang bahay nina Vice, at abala naman si Vice sa pagtawag sa mga kaibigan para ipaghanda ang pagbabalik ng girlfriend niya. She was deeply asleep sa tabi niya and Vice couldn't help but look at her face sa buong biyahe. Ang Daddy naman ni Karylle ay tahimik lamang na napapaisip ng kanyang mga dapat sasabihin sa pamilya ng kanyang dating asawa dahil alam niyang malaki ang magiging galit ng mga ito sa kanya. 

"Sige.. Buern ikaw na muna bahala diyan. Oo.. Sige isama mo sina Archie para maasikaso na lahat yan.. Sige.. Maraming salamat." sabi nito bago ibinaba ang tawag. Sakto din naman at nagising na si Karylle. "Napaka-antukin mo naman soon to be misis." ngumiti naman si Karylle sa kanyang narinig at di na nagsalita pa.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo kumain muna?"

"No.. Okay lang ako Vice. Sobrang pagod at antok lang.." bumalik naman siya sa pagsandal ng ulo niya sa balikat ni Vice. He started playing with her hair kaya mas lalo namang inantok ulit ang dalaga. "Magagalit kaya sina Mama pag nakita nila ako? Tayo?" 

Napaisip naman si Vice. "Bakit sila magagalit? Dapat nga masaya sila kasi nandito ka na."

"Eh kasi it's been years that i've been away. At hindi man lang nila alam na buhay pala talaga ako." narinig naman ito ng ama niya kaya napasagot na din ito.

"Anak, i'll take care of that. Wag mo na alalahanin yan. Ang importante makikita mo na ang mama mo at ang mga kapatid mo." wala na ding nagawa si Karylle kundi manahimik nalang. Pati siya mismo ay kinakabahan din sa mga posibleng gawin ng ina niya sa kanyang ama. Hindi din naman magiging madali ito, pero alam niya sa sarili niyang magiging okay din ang lahat. Sa sobrang worry niya ay nakatulog naman ulit siya sa biyahe.


As they reached their house, ay sumalubong naman sa kanila ang current boyfriend ni Vice na si Kurt. Halata sa mukha nito ang pagkagulat nang makitang kahawak-kamay ni Vice si Karylle na akala niya'y patay na nga. Nakita naman siya ni Vice pero hindi na lamang ito pinansin pa, instead ay pumasok sila sa loob ng bahay para makapagpahinga pagkatapos ng mahabang biyahe.

"Kahit hindi ko nakikita 'to, alam ko ganitong-ganito parin ang bahay nating dalawa.. Walang pinagbago." sagot ni Karylle habang sinusubukang maalala ang naging past nila ni Vice at ang mga nangyari sa bahay na iyon. "I missed being around here.."

"Karylle pwede humingi ng favor?" 

"Yes?"

Vice took her hand and held it tight. "Pwede bang mamaya na tayo mag drama. Kakauwi lang natin dito sa bahay, nageemote ka agad." natawa naman sila including Karylle na siyang sumang-ayon naman  dito. "Billy, kayo na bahala sa kakainin natin ha? Alagaan ko muna 'tong future ko." he smirked and led Karylle papunta sa kwarto nilang dalawa.

He opened the door and told her na wala parin namang nagbago sa bahay nila.

"Everything's still the same, K. Ikaw lang naman yung kulang dito." malungkot nitong sabi. Karylle smiled sadly dahil ramdam din niya ang lungkot na naramdaman ng boyfriend habang wala siya doon sa loob ng mahabang panahon. Umupo naman sila sa kama at nakayakap naman si Karylle kay Vice. 

"I missed this." bulong niya which made Vice tear up. 

"Pangako. Araw araw na ulit nating gagawin 'to ngayong nandito ka na, at ngayong mapapangasawa na kita." he kissed her and hugged her back. Bigla na lang may naalala si Vice kaya hindi na rin niya pinatagal pa at tinanong na agad ang girlfriend. "Should we text  your mom na nandito ka na ngayon? Are you ready to be with them again?"

Natahimik naman siya at inunahan na naman siya ng kanyang takot dahil baka mas lalong magkagulo pa ang pamilya nila dahil sa ginawa ng ama niya.

"I really don't know Vice. Gusto ko pag nalaman nilang buhay ako, walang mangyayaring kaguluhan. I want peace sa family namin." 

"Don't worry. Gagawan natin ng paraan ang mga maaaring mangyari okay? Wag mo na isipin. I'm sure matutuwa ang mommy mo." he assured her. Kinuha naman ni Vice ang cellphone niya para maitext ang kanyang biyenan.

To: Mama Z

Ma bukas ng umaga pumunta po kayo sa bahay namin ni Karylle. May kailangan lang po kayong malaman.


In a few minutes ay nagreply din naman kaagad ito.


From: Mama Z

Hello Vice it's been a long time since we last saw each other. Sige pupunta kami diyan tomorrow afternoon.


Pagkatapos nilang kumain ay napagdesisyunan naman ni Vice na magpahinga na muna si Karylle dahil din sa naging mahabang biyahe nila. After niya ito inihatid sa kwarto ay dumiretso naman siya sa sala kung saan naroon ang mga kaibigan pati na rin ang ama ni Karylle. 


"Ano ba ang balak niyo bestie? Ipapaalam niyo na ba sa mga Padilla yung tungkol dito?" tanong naman ni Billy habang nginunguya ang chicharon. Lumingon naman si Vice sa ama ni Karylle at naghihintay din ito ng kanyang magiging sagot.

"Sabi niya kanina, handa naman daw siya. Pero natatakot lang talaga siya." said Vice na halatang nagwoworry din. "Pero tinext ko na ang mommy niya. Pupunta daw sila dito bukas ng hapon. Sana naman maging maayos ang lahat." and they all agreed sa plano niya.

"Nak, yung tungkol sa operasyon niya? Napag-usapan niyo na rin ba?"

Ngumiti naman si Vice. "Yes po. Gagawin na po ni Karylle at sasama po ako sa loob ng OR throughout the whole procedure." labis naman itong ikinatuwa ng lahat dahil sa wakas ay muli nang makakakita ang pinakamamahal nilang kaibigan.

Patuloy naman silang nag-uusap habang si Kurt ay nasa likod lang na nakikinig at sobra namang nasasaktan. Gusto man niyang umalis ng bahay pero hindi niya magawa dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Vice. 

The next day, maaga namang nagising si Karylle at ramdam naman niyang nasa tabi pa niya si Vice kaya kinalabit niya ito. 

"Pogi.. Pogi gising ka na ba?" hindi naman ito nakasagot agad kaya pinisil-pisil niya ang braso nito.

"Hmm.." tangi lang sagot nito. Ngumiti naman si Karylle dahil naiimagine na naman niya ang mukha ni Vice sa tuwing bagong gising ito.

"Vice anong oras na ba? Gising na tayo.."

"Maaga pa.."

"Ay nako Vice kilala kita. Ang alas tres ng hapon ay maaga para sayo. Bumangon ka na dali na gutom na ako."

"Haaay kung di lang talaga kita mahal." 

"Pakiss nga!" nagpout naman agad siya kaya mas mabilis pa sa takbo ni Mayweather na bumangon si Vice para bigyan ng halik ang girlfriend. "Lasang laway ka pa Karylle. Pero mesherep!" hinampas naman siya nito pero ang natamaan ay ang mukha niya at hindi ang braso. "Araaaaaay!!!!"

"Sorry bulag!" natawa lang ang dalawa at inalalayan naman ni Vice si K na bumangon para kumain ng almusal.


......


"Good morning Ser Vice!!! Good morning Mam Karel!" masayang bati naman ng katulong nilang si Jackie.

"Magandang umaga Jackie. Pa hug nga ako." at nang marinig ito ay napatakbo naman si Jackie papunta sa amo at niyakap ito. "Namiss ko kakulitan mo ha. Mag usap tayo mamaya mukhang marami kang ikukwento sakin."

"Nako po! Sige po mam Karel!"

"Nako jackie sinasabi ko sa'yo. Mamaya kung ano masabi mo diyan kay Karylle at di na ako pakasalan niyan malalagot ka talaga!"

Hinampas naman ni Karylle ang hangin dahil hindi niya natamaan si Vice kaya mas natawa naman ito sa ginawa niya. "Ano ba yan ang hirap na nitong sitwasyon ko ha." At kahit nagbibiro si K ay ramdam naman ni Vice na talagang nalulungkot at nahihirapan na ito sa kanyang sakit. Hindi na lamang nila pinagusapan kaya kumain na lang sila.

Habang busy sa pagsubo sa girlfriend, ay dumating naman si Kurt na kukuha sana ng tubig sa kusina. Nagkatitigan sila ni Vice ng ilang sandali at nagpasya siyang kausapin ito.


"Mag-usap tayo mamaya. Kumain ka na ba?" tumango lamang ito at kumuha na rin ng tubig sa ref. 

"Uhm.. May.. May iba kang kausap Vice?" tanong naman ni Karylle.

Nagkatingin naman muli ang dalawa. 

"Ah oo. Si Kurt pala.. Kaibigan ko."

"Hi Kurt!"

"Hello." mabilis din naman itong umalis at halatang nasaktan sa mga katagang "kaibigan ko" na narinig niya mula kay Vice kaya napagdesisyunan niyang umalis na ng bahay ng mag-asawa.


.......


"Papunta na ang mama mo. Kasama daw niya sina Zia at Coco." balita naman ni Vice kay Karylle nang mabasa ang text ng biyenan niya. Ngumiti lang si Karylle at di rin naman maitago ang excitement na muli niyang mayayakap ang kanyang ina at mga kapatid. Nakita din ni Vice ang reaction ng ama ni Karylle na halatang kinabahan din kaya niyakap na lamang niya ito.

Hours later, narinig na ni Vice si Jackie na nagsisigaw sa sobrang saya dahil nakita niya ang mga kapatid at ina ni Karylle. 

"They're here na bebelabs. Salubungin ko muna sila ha." they shared one more passionate kiss together before Vice left their bedroom.


Karylle's POV

Right after we kissed, I heard his footsteps slowly fading out. And as he closed our bedroom door, at doon na ako kinabahan ulit. Eto na ang oras na muling magkikita na kami. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ng nanay ko because for years inakala niyang I really died sa plane crash na yun. Pero yun pala tinago lang ako ni Papa sa kanilang lahat.

I can't even imagine kung ano ang mangyayari pag nagkaharap sila ni Papa mamaya. I just really wish na maging okay ang lahat...


----------

"Vice, anak.." bati naman ni Zsazsa nang makita si Vice.

"Hey, Ma. Hello Zia and Coco." isa isa naman niyang niyakap ang tatlo. "Tara sa loob po. Naghanda kami ni Jackie ng makakain natin."


Pagpasok nila ng bahay ay ikinatuwa naman nila ang mga pictures na nakapaligid sa loob. Family portraits, groufies, at pati ang mga vacation pictures nila ni Karylle nung college pa lamang sila. Kahit gusto nilang matuwa sa mga nakikita ay mabigat parin para sa kanila na wala na nga si Karylle. Napansin naman ito ni Vice na natahimik silang tatlo, kaya naman nagsalita siya.

"Tara na po! Gutom na siguro kayo. Marami tayong pag-uusapan." at ginabayan naman niya ang mga ito papunta sa dining room nila. Nang makita ang mala-fiestang handa ay ikinatuwa nga nila ito.

"Kuya Vice anong meron? Sino may birthday?" tanong naman ni Zia which caused him to giggle. 

"Basta. Kumain lang muna tayo at ipapaalam ko din yan mamaya pagkatapos." 


Sa ilang minuto nilang pagkain, ay umakyat naman si Vice para icheck si Karylle na kasama naman ngayon si Jackie. Naabutan niya itong nagkukwentuhan at tawang-tawa sila sa kwento ng isa't isa. Kinilig naman si Vice dahil nakikita niyang nakangiti at masaya ang kanyang girlfriend na parang walang pinagdadaanan. 


"K? Kailangan mo na siguro bumaba. Kanina pa naghihintay ang mommy mo eh." nang marinig ito ay nawala naman ang ngiti sa mga labi ni Karylle. "Jackie, ikaw na muna bahala ah. Tawagin ko lang Daddy niya."

"Okay po Sir." 


Vice proceeded sa guest room ng bahay nila at nakita naman niya ang ama ni Karylle na busy sa pagbabasa ng libro.


"Tara na po?" he asked. Tumango naman ito sa kanya kaya tumayo na rin ito at inayos ang sarili niya.


.....


"Modesto? Anong ginagawa mo dito?" nagulat naman si Zsazsa nang makita ang dating asawa. 

"Ma, may kailangan lang po kayong malaman."

"A-anong.. Anong kailangan malaman?" umalis naman si Vice at pagkabalik niya ay kasama na niya si Karylle. "Ka.. Karylle? Anak?"

"Mama..."

"Ate!"


Hindi na rin napigilan ng tatlo na mapaiyak nang mayakap na nila ito. Todo hagulgol naman si Zsazsa na hindi makapaniwalang kayakap ngayon ang kanyang panganay na anak. Gulong-gulo naman siya sa mga nangyayari pero hindi ma muna niya ito inisip dahil sobrang masaya siya na kasama nila ngayon si Karylle.


"Oh my god Karylle.. How.. Pa Paano.."

"Mamaya na natin pag-usapan yan, ma. Marami kang kailangan malaman." tuwang-tuwa naman si Vice na makitang magkasama ulit sila kaya di niya mapigilang mapaluha sa sobrang saya. Si Modesto naman ay nasa tabi lang niya na pinagmamasdan ang muling pagkikita ng mag-ina. Gustuhin man niyang magpaliwanag ngayon pero ayaw niyang sirain ang kanilang masayang pagkikita.

"Ate pumayat na ako oh!" pagmamalaki naman ni Zia kaya natawa naman ang mommy nila. Si Karylle naman ay tahimik lang at di nakapagcomment. Vice saw her so he decided to speak up sa condition ni K.

"Ah.. Kasi Zia.. Yung ate mo, hindi ka niya nakikita ngayon."

"Ha? Hahaha. Bakit naman eh nandito lang naman ako sa harap niya.... W-wait.. Oh.. No way." she started waving her hand sa harap ni Karylle pero wala nga itong reaction. "She's.. She's blind?"


Inimbitahan na lang sila ni Modesto na doon na mag-usap sa sala para makaupo sila at mapag-usapan ang dapat pag-usapan.





-------------



Kasalukuyang nasa loob ng hospital room ang dalawa at hindi naman mapakali si Karylle sa sobrang kaba. Vice decided to make her feel better sa pamamagitan ng pagkwento ng mga nakakatawang nangyari for the past 2 months after magkaayos ng mommy at daddy niya. Palagi kasi silang namamasyal kahit wala paring nakikita si Karylle. Dahil ang importante para sa kanila ay kasama nila ito sa bawat lakad nila.

Tanggap naman ni Karylle ang kundisyon ng mga mata niya kaya di rin naman masama ang loob niya na di niya nakikita ang mga magagandang tanawin na napupuntahan nila. Vice promised her na babawi silang dalawa kapag magaling na si K.

Masayang-masaya naman ang puso ni Karylle dahil sa konting-konti nalang ay babalik na sa dati ang lahat.

Pumasok naman ang doctor sa kwarto nila to tell them na maghanda na sa operasyon.

"Vice, in 30 minutes ha. Papasundo na namin kayo dito." sabi nito at pagkatapos ay nilisan na ang kwarto para bigyan ng privacy ang dalawa.

"Eto na yun, Karylle." said Vice after giving his fiance a quick kiss. Nakita naman niya ang pagngiti nito and it made him feel na masaya talaga si Karylle sa tabi niya ngayon. "Handa ka na ba bebelabs?"

Mabilis namang nawala ang ngiti nito. "Sa totoo lang? I'm really scared until now, Vice." she searched for his hand and held it tight. "Pero to know that you will finally be with me inside the operating room, I know that everything is going to be alright."

"I will stay with you. Hindi kita iiwan kahit kailan. If that's what you want.."

"It's you that I want for the rest of my life. Ikaw lang Vice." and as he heard this ay bigla na lamang niyang niyakap ang pinakamamahal. He can't help but tear up sa mga oras na iyon dahil pati siya mismo ay kinakabahan din sa magaganap na operasyon ni Karylle. 

"I love you, K. Kakayanin natin 'to." and once again, they shared one passionate kiss.

"I can't wait to finally see you on our wedding day, Bebelabs."

"Atat, Ana Karylle! Di pa nga tayo nakapagplano!" lalo namang natawa ang dalawa pero seryoso naman si Karylle dahil hindi na niya mapigilan ang excitement na maikasal sa kanyang baklang best friend turned boyfriend slash girlfriend na soon to be husband na niya.

----------------

Kinabukasan...


Nakaupong tulog naman si Vice sa tabi ng hospital bed ni Karylle. Magdamag kasi siyang gising habang inooperahan si Karylle. Ilang oras niyang hinawakan ang kamay nito at hinahalikan sa tuwing nakikita niyang may ginagawang kakaiba ang mga doctor sa kanya. He made sure na ipinaramdam niya ang suporta niya kay K throughtout the whole procedure, at sa tingin niya ay nagtagumpay naman siya. 

Malalim naman ang kanyang tulog nang magising siya..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Bebelabs.. Vice..Gising na."

"Karylle?"


Nakita naman niyang nakangiti ang asawa niya sa kanyang tabi na kanina pa pala nakatingin sa kanya.


"Bebelabs wakey wakey! Gutom na kami ni baby ipagluto mo na kami!" pangungulit naman ni Karylle sa asawa niyang malalim ang tulog. 

"Haaay!! Kung di ko lang talaga kayo mahal! Hmp! Kiss niyo muna ako." he begged while wearing his shirt dahil naka boxers lamang ito.

"Mamaya. Gutom na kami. Dali na!"

"Oo na oo na!"

"I love you so much Vice.."

"Mas mahal na mahal kita bebelabs.." he flashed his kilig smile before leaving their bedroom which left Karylle speechless.



At mas mabilis pa sa kidlat na umalis si Vice para ipagluto ang kanyang mag-ina. Isang taon na ang nakalipas at gaya ng karaniwang love story, ay naging maayos ang lahat. Nagkabati ang ama at ina ni Karylle pero hindi parin sila nagsasama sa isang bahay, naging successful ang operation ni Karylle at kinasal na din sila sa beach dahil ito ang pangarap ng dalaga. Masaya silang nakatira doon pa rin sa kanilang bahay sa Quezon City at mas pinaganda pa ito lalo ni Vice dahil madadagdagan na sila sa pamilya.

Simula nung malaman nilang magkakaanak na sila, ay pinagawa agad ni Vice ang isang bakanteng kwarto para iconvert ito bilang playroom at bedroom ng anak nila. Si Karylle din naman ay doon lamang sa bahay nila habang si Vice naman ay todo asikaso dito. Lahat ng gusto ni Karylle ay bibilhin niya, at pati mga gamit ng baby nila ay binili na rin niya kahit hindi pa niya alam kung babae ba ito o lalaki.

Tuwang-tuwa naman si Karylle sa effort ng asawa niya at sobra din niya itong naappreciate.


Habang nasa kusina si Vice at hinihintay na maluto ang ginawa niyang waffles, ay nakita naman niya ang kanyang diary kaya nagsulat siya dito ulit pagkatapos ng ilang taon.


"...indeed I am blessed. Pagkatapos ng lahat ng sakit na naramdaman ko noon, it was all worth it. 15 years ago, ang daming mapapait na nangyari sa buhay ko. Pero sa sobrang bait naman ng Diyos, mas maraming magagandang nangyari. Sa lahat ng pagsubok na pinagdaanan ko sa buhay, marami din akong natutunan. Kapag totoong mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo siya. Gawin mo ang lahat para sa kanya. Mag-away man kayo o maghiwalay, kung alam mo sa puso mong siya ang gusto at mahal mo, gagawa at gagawa ka parin ng paraan para magkaayos at magkabalikan kayo. Walang perpektong relasyon sa mundo, kaya normal lang na hindi magkaintindihan minsan. May mga taong susubukin ang tatag niyong dalawa, pero dapat ipakita niyo sa kanila na karapat-dapat kayo sa isa't isa dahil hindi nila alam ang tunay niyong nararamdaman. Marami silang sasabihin na hindi kayo tatagal, magkakasakitan lang kayo, lolokohin lang ang isa't isa... You need to prove to them na mali sila. Wag niyo pakinggan ang sinasabi ng ibang tao. Ipamukha niyo na walang dapat mangialam sa relasyon niyo kundi kayong dalawa lang. This is the secret to a long lasting relationship.

Love can destroy your life. But love can be the reason that your life can finally be complete. You just have to find that one person who'll be with you and stay with you for the rest of your life. Malay mo, best friend mo din pala ang makakatuluyan mo kagaya ko. I never expected to fall in love sa isang kulot, slow pero mabait, sweet, sexy at magandang babaeng 'to. I'm glad enough to make the best decision. 

The decision to fall in love with my best friend. 'til next time...


-Vice"


Sinara na niya ang kanyang diary at bumalik na sa pagluto..






"Shet sunog na!"


---------------------


Heeey!!! Tapos na. Wala na :( Hahaha! Pero ulit, maraming maraming salamat po sa pagsuporta niyo sa love story ng mag bebelabs! Masaya na ako sa 100k reads nito. Ang dami ko kasing hugot sa istoryang to. Dito ko na din binuhos ang lungkot ko kaya siguro damang dama niyo din. Charot! 

Ngayong tapos na 'to, sana suportahan niyo pa rin po ang bago kong istorya. Ang The Beki Professor

Love ko kayong lahat! Muli, maraming salamat!!!


--- 

Nix Ganda (bawal daot)

@vknixiv :)

Continue Reading

You'll Also Like

309K 10K 50
Paano kung isa kang highschool student? at nagkaroon ka ng asawa? na Teacher mo papala and ang malala mas kikay pa siya sayo?
20.9K 488 20
IT TAKES ONE WOMAN - BOOK 2 OF SIX YEARS Rodrigo's first marriage failed, women were his biggest weakness and he can't be not known as a womanizer, i...
2.9K 52 17
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]