Game Over

By beeyotch

1.1M 33.9K 13.1K

(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that g... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapte 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41

Chapter 28

23K 727 87
By beeyotch

Chapter 28

I had thankfully never been bullied in my life.

Nung elementary at high school, hindi ako na-bully dahil una, alam nila na maraming abogado sa pamilya ko. Subukan lang nila. Pangalawa, marunong naman kasi akong makisama. I mean, granted na maarte ako, pero I'd been told na hindi naman ako iyong tipo na maarte na nakaka-irita. I just like nice things, sue me!

Nung college at law school, okay din naman ako. I joined certain organizations. I made lots of friends. I flirted with lots of guys. I made some enemies, but it wasn't that serious. I mean, how could it ever be serious kung sila lang naman iyong galit sa akin tapos ako, wala naman talagang pakielam?

I had never viewed my work life as my everything. It's just something I do kasi parang kapag hindi ka naman galing sa generational wealth, required kang magtrabaho. I'm just doing what's expected of me. I never viewed office as my home and the people here as my family. They're my colleagues. I get that. Hindi naman required na maging friends kami.

But I was comfortable here.

Pumapasok ako araw-araw na alam ko na kahit maraming ginagawa, at the end of the day, these people have my back—at least professionally.

Not lately, though.

I felt like everyone's out to get me and were intentionally trying to sabotage me.

"Atty. Hernaez."

Napa-tingin ako sa nagsalita. Oh, at least kilala pa pala nila ako. Ilang araw na na para akong multo dito na hindi nila nakikita. Walang kumakausap sa akin. Kapag may ipapagawa sila, ibabagsak lang nila sa lamesa ko na para akong robot na required magproduce ng pleadings.

I didn't know if Lance put them up to this o kumalat lang iyong ginawa ko sa mga chismosang paralegal sa CR. I guess ayaw na nila akong kausapin nung nagbanta ako na kakasuhan ko sila ng slander. I mean, petty na kung petty pero kung 'di nila ako papayagan sa litigation, ako na lang gagawa ng sarili kong kaso at maglilitigate non.

"What?" sagot ko sa kanya. I knew I sounded rude, but they were rude to me first. What? You want to be rude to me yet you expect me to treat you nicely? Baliw ka ba?

"Na-delay daw 'yung flight pabalik ni Atty. Sarmiento kaya 'di siya makaka-attend sa hearing niya."

Naka-kunot iyong noo ko habang hinihintay siya na makarating sa point niya. So? Ano naman kinalaman ko kay Atty. Sarmiento? At sa na-delay niyang flight?

"Ikaw daw pumunta sa may court saka magfile ng motion for resched," sabi niya bigla sa akin tapos ay tumalikod na parang... iyon na 'yon?

I tried to go after her to tell her na 'di naman ako iyong may hawak nung kaso na 'yon. I literally have no idea kung ano iyong kaso na sinasabi niya na irerequest ko na i-resched. Ang sinabi niya lang sa akin ay iyon lang daw ang instruction sa kanya.

Seriously? Sa firm na 'to na ang dami-daming lawyer na 'di hamak na mas may alam sa akin sa litigation, ako talaga ipapadala nila doon para magmotion?

But it was of no use.

Kinuha ko iyong files na iniwan niya sa lamesa ko. Dala-dala ko 'yon habang naglalakad ako sa hallway palabas ng firm. Ilang araw na rin 'tong nangyayari. Halos nasasanay na ako na tinitignan nila iyong bawat galaw ko na para bang ako ang pinaka-interesting na bagay sa firm na 'to. I ignored them all. Konti na lang at makaka-alis din ako dito.

Agad akong nagpunta sa may court kung saan gaganapin iyong hearing. Pagdating ko roon, ilang minuto na lang ang meron ako bago magstart iyong sa may kaso na pinapaayos sa akin. I sat there and still tried to browse through the documents. My heart was racing inside my chest—alongside with fuming.

I mean, I get it, galit silang lahat sa akin for some reason... and they wanted to sabotage my career. Okay, fine. I can handle that. I can justify that inside my head. But to do this? Ang ipaayos sa akin 'to despite knowing na wala naman akong masyadong experience dito? Ang gago lang kasi may madadamay na ibang tao kapag nagkamali ako.

So, I stood there and tried to absorb as many information as quickly as I humanly could. Para akong bumalik sa law school nung magsspeed reading ako sa mga cases para sa recitation namin. It was exciting and frightening at the same time.

"Okay," I told myself when I saw na oras na para pumasok ako sa loob ng court. I drew another deep breath. "Nothing will happen. You'll just ask for a re-sched. It's fine. Walang ibang itatanong sa 'yo. Nagbasa ka lang just in case," patuloy na sabi ko sa sarili ko.

Mukha na siguro akong nagha-hyperventilate sa paningin ng ibang tao dahil panay ang paghugot ko ng malalim na hininga. Kinakabahan lang kasi talaga ako. Sa school lang ako sanay na yolo at last minute preparation. Ang uncomfortable sa feeling kapag sa kaso kasi real life and real lives na ang naka-salalay sa akin.

When I got inside the court, rinig na rinig ko iyong kabog ng dibdib ko. Nakita ko sa kabilang side iyong opposing counsel. Mga kasing age siguro siya ng tito ko. Sigurado ako na sanay na siya sa ganito. Sana 'wag na siyang umangal sa motion ko.

"Good morning," bati ng Judge sa amin.

"Good morning, Judge," bati ng mga tao sa loob ng court niya.

Nagsimula ng basahin kung ano iyong nasa docket. I held my own hand to stop them from shaking. Hihingi lang naman ako ng re-sched. I needed to freaking calm down.

"Atty. Italia Reign Hernaez," pagpapakilala ko tapos ay binanggit ko iyong IBP number ko at iba pang kailangang details. "Appearing as co-counsel for Atty. Reynand Sarmiento as well as for motion for postponement of hearing."

Ramdam na ramdam ko iyong bahagyang panginginig ng kamay ko habang hinihintay ko iyong susunod na sasabihin ni Judge.

"Grounds?"

"Atty. Sarmiento, the primary counsel for this case, is unavailable this morning, Your Honor."

"And so?" sabi niya habang diretsong naka-tingin lang sa akin. "You studied the rules of court, right, Atty. Hernaez?"

"Yes, Your Honor."

"Is that a valid ground for me to grant your motion?"

I bit my tongue as I drew another deep breath. "Your Honor—"

"Atty. Santos came here today to try this case," sabi niya sabay tingin sa opposing counsel. "He prepared for this case as should you, Atty. Hernaez," dugtong niya. "Your witness is present with you today, am I correct?"

Sasagot sana ako na hindi nang biglang may nagsalita sa likuran ko at sinabi niya na siya iyong witness ko. What the fuck? Sino 'yon? Witness ko? Ha?

"The counsels and witness for both sides are present," sabi ni Judge. "Motion for postponement is denied."

Shit.

* * *

Ganito siguro ang pakiramdam ng isda kapag pini-prito sila. Ilang beses akong napagalitan ni Judge dahil hindi ko kabisado iyong case ko at saka medyo mali iyong mga grounds ko for objection. I was so fucking flustered. Nakakahiya!

"Atty. Hernaez," pagtawag sa akin ni Judge nung matapos na iyong cross-examination.

Tahimik akong lumapit sa kanya. Papagalitan niya ba ulit ako? Round 2 ba 'to? Hindi ba pwedeng sa ibang araw na kasi pakiramdam ko quota na ako sa araw na 'to—o sa linggo na 'to.

"I hope you didn't take what happened earlier personally," sabi ni Judge. Bahagyang napaawang iyong labi ko. "As a new lawyer, it's understandable to make mistakes, but it's only okay if you learn from them," dugtong niya. "And I hope you learned from today. Always come prepared."

"Yes, Judge," sabi ko sa kanya. Alam ko naman na kasalanan ko rin kung bakit napagalitan ako. I wanted to say na literally kanina ko lang natanggap 'tong kaso na 'to, but then again, so what? Magmumukha lang akong nagpapa-lusot.

Dumiretso na ako pabalik sa office kahit labag sa loob ko. I still needed to work and deliver all that's asked from me. Pagdating ko doon, hindi ko na pinansin iyong mga naka-tingin sa akin. I wouldn't give them the satisfaction of seeing me down.

Pagpasok ko sa office ko, kinain ko lang iyong binili ko na food habang gumagawa ulit ako ng pleadings. Then I read the book on techniques on litigation especially iyong sa part ng objection dahil doon ako maraming mali kanina. I needed to be on my feet quicker. Alam ko na may mali sa line of questioning nung opposing counsel, pero laging mali iyong grounds na nasasabi ko kaya nasasayang iyong objection ko.

Iyon lang ang ginawa ko buong araw. Nung 5PM na, umalis na ako. Bahala sila d'yan. Naka-suot ako ng airpods habang naglalakad at dire-diretso lang ako hanggang makarating ako ng elevator. Tapos ay dumiretso ako sa pilates studio because I needed some calming down dahil iniistress talaga ako ng mga tao sa paligid ko. Buti na lang 'di na ako tiga-pagmana ng law firm kaya pwede na akong umuwi nang maaga.

The whole session was very calming. I felt refreshed. After nung pilates, umuwi na ako sa condo kasi ayoko naman na gumala pa ako habang naka-yoga pants at sports bra ako.

"Seriously? Ano'ng bagong address mo? Hallway ng condo ko?" sabi ko nung makita ko si Lui na naka-tayo sa harap ng pintuan ko. Mukhang kakadating niya lang kasi naglalakad pa siya nung nakita ko siya.

He turned around to look at me nung narinig niya iyong boses ko. I rolled my eyes when I saw how his lips slightly parted nung makita niya kung ano ang suot ko. Seriously... what's with men and yoga pants?

But Lui quickly regained his composure—like always.

"Naka-block pa rin ako," sabi niya sa akin.

"Yeah, so?" sagot ko sa kanya.

I continued walking at saka binuksan ko iyong pinto ng condo ko. I got in. Naka-tayo lang ako sa may pintuan habang nasa labas pa rin siya.

"Are you okay?" he asked.

"What?" I asked back habang bahagyang naka-kunot ang noo.

"I heard about what happened."

"About what?" I asked again. "Can you be more specific? Maraming nangyayari sa buhay ko," dugtong ko kahit gusto ko rin talagang sabihin sa kanya na hindi rin sa kanya umiikot ang buhay ko.

"The hearing earlier."

Lumalim iyong kunot ng noo ko. "What? Do you have people reporting my every movement o naka-livestream ba 'yung Court?" sabi ko sa kanya kasi paano niya nalaman 'yon? Kami lang naman iyong nandon saka staff ng court.

"No, of course not," sabi niya sa akin. "Narinig ko lang."

"Sure," I replied. "But I'm fine. Iyon lang ba ang pakay mo? Sa susunod, i-email mo na lang."

Medyo naiinis ako sa sarili ko dahil pwede ko namang isarado na iyong pintuan para mawala na siya sa paningin ko... But I didn't do it. Naka-tayo lang ako at naka-tingin sa kanya. Mukhang galing pa siya sa trabaho dahil sa suot niya. Dumiretso ba siya dito para lang tanungin kung buhay pa ba ako o namatay na ba ako sa kahihiyan?

"I can help you," he said while staring directly into my eyes. "I'm no expert in litigation, but at the very least, I know the basics."

I stared back. "No," I replied.

"Tali—"

"Thanks for the offer, but no."

I was just so tired of people trying to take credits for the things that I work hard for. I acknowledge the help that Lance extended, pero tangina naman? Siya ba nag-exam? Siya ba iyong halos mahilo na sa dami nung kinabisado? I knew he guided me, but at the end of the day, I was the one who took the steps.

"Will you please reconsider?" tanong niya sa akin.

Hindi agad ako sumagot. Naka-tingin lang ako sa kanya.

"Why?" tanging tanong ko sa kanya.

Hindi rin siya agad naka-sagot. Naka-tingin lang kami sa isa't-isa. Naghihintay sa susunod na mga salitang lalabas sa bibig niya.

"Because you were right—if it weren't for me, hindi mo makikilala si Lance. You wouldn't be in this mess right now. Your life would have been a whole lot better," he said and his eyes never left mine. "I just want you to be able to enjoy everything you've worked hard for, Tali. That's my why."

**

This story is already at Chapter 36 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you! 

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
246K 4.3K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...