GO PREACH: TAGALOG SERMONS

By RaffyAtok

9.3K 67 10

I shared this to support your ministry, to grow your personal relationship to God and to deeper your understa... More

WE FOUND MERCY IN JESUS HANDS
THE UNOCCUPIED HEART
FOR SAKE OR FORSAKE GOD?
ACAN DISOBEYED GOD
WHAT CAN YOU DO?
THE BRONZE SNAKE SAVES
BEWARE TO HARD HEART AND THOUGHT
GOD DISPLAYED HIS POWER IN US
TO GAIN ETERNAL LIFE
WHEN GOD USED YOU
JESUS PLEASED TO THE ROMAN'S FAITH
CHRIST'S RESURRECTION IS REAL
GOD STRENGTHEN US
BE GRATEFUL TO GOD
THE ILLUSTRATIVE OF WRONG DISCIPLE
DANIEL RESPONSED WISELY
KEEP THE WORD OF GOD
TRUST THE LORD
TAMING THE TONGUE
WAY TO UP IS DOWN
WHO IS JESUS TO YOU
6 WAYS TO EXPAND YOUR LIGHT
MAGTIIS SA ATING BAGONG KATAYUAN
STAY IN CHRIST
HE CAME TO BEAR THE CROSS
THE GREATNESS OF HIS GRACE
WORRY CAUSE
THE WAY OF PRAYER
DO THE SAME THING
COME TO MATURITY
THE GOOD GIFT'S KEEPER
WHEN THE BAD THINGS COME
THE GRACE ABOVE ALL THAN OUR FALLS
DEAL WITH TRIAL
ARE YOU REAL DISCIPLE OF CHRIST?
JESUS WALKING ON WATER
ETERNAL GOODNESS OF GOD
BE A GOOD PERSON FOR WHAT WE ARE
The Word of God Gives
OVERCOME THE DEEP SENSE OF INSECURITY
A TIME TO LEARN
KEEP OURSELVES PLEASING TO GOD
OUR SPIRITUAL JOURNEY
GOD'S PRINCIPLE FOR HUMANITY ACT
REMEMBER THE GOODNESS OF GOD
GOD REMEMBER US
THE PARABLE WEDDING OF THE KING' SON
AWERENESS FOR THE DAY IS NEAR
IMITATE JESUS
GOD IS IN THE MISSION
MAGING MABUTING KATIWALA
HIRAP KA BA SA SARILI MONG DIGMAAN?
RESTORATION OF THE HEART
HE IS OUR FAITH GROWER
FROM BITTER TO BETTER LIFE
THE LESSON OF PHILADELPHIA'S CHURCH
THE REASON OF FAILURE IN GOD'S PROMISES
A faithful God's messenger
THE BIBLICAL FAITH
THE GLORY OF GOD IN CHRIST
TO LOVE PEOPLE

OVERCOME THE DEVIL'SCHEMES

35 1 0
By RaffyAtok

TEXT: Luke 4: 1 – 13

Mula sa Jordan, bumalik si Jesus na puspos ng Espiritu Santo. Dinala siya ng Espiritu sa ilang 2 at sa loob ng apatnapung araw ay tinukso siya ng diyablo. Hindi siya kumain ng anuman sa buong panahong iyon, kaya't siya'y nagutom.

3 Sinabi sa kanya ng diyablo, "Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, iutos mong maging tinapay ang batong ito."

4 Ngunit sinagot ito ni Jesus, "Nasusulat, 'Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao [kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos].[]'"

5 Dinala siya ng diyablo sa isang mataas na lugar, at sa isang saglit ay ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa daigdig. 6 Sinabi ng diyablo, "Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kapangyarihan at kadakilaan ng mga ito. Ipinagkaloob ang lahat ng ito sa akin, at maaari kong ibigay kung kanino ko gusto. 7 Kaya't kung ako'y sasambahin mo, magiging iyo na ang lahat ng ito."

8 Sumagot si Jesus, "Nasusulat, 'Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sambahin, at siya lamang ang dapat mong paglingkuran.'"

9 Dinala siya ng diyablo sa taluktok ng Templo sa Jerusalem at sinabi sa kanya, "Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka 10 dahil nasusulat,

'Sa kanyang mga anghel, ika'y ipagbibilin,
sila'y uutusan upang ikaw ay ingatan,'

11 at 'Aalalayan ka ng kanilang mga kamay, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masaktan.'"

12 Subalit sinagot siya ni Jesus, "Nasusulat, 'Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos!'"

13 Pagkatapos tuksuhin si Jesus sa lahat ng paraan, umalis na ang diyablo at naghintay ng ibang pagkakataon.

Introduction.

Ngayon napaka init na issue ang barerebelde ng mga students from different public university.

(activist rebels)

Dahil pagka-panalo ni Marco, mas lalong nag apoy ang galit ng mga activista dahil sa Issue ng marshal law... Hindi nila inuunawa why marcos used marshal law? Because that time napaka lakas ng mga terrorista... bumba doon, bumba ditto... through marshal law kahit paano ay napigilan ang mga ganitong classing groupo.

(Terrorist Image)

At sa US, bagamat napaka lakas ng US about military pero hayagan ung nagaganap na terrorismo sa bansa nila. May mga true to life story na namatay because of land mining. Nagtatanim sila ng bomba sa lupa. kapag natapakan at gumalaw sila, automatic sasabog ang bombs sa kanila.

(Land Mine Picture)

Ang land mine isa sa pinaka nakakatakot na traps, sapagkat may mga land mine na di na kayang gawan ng paraan kundi you need to sacrifice.

Tayong mga lingkod ng Diyos hindi tayo excepted sa mga traps kasi meron tayong kaaway na aktibo maglagay ng mga traps para wasakin ang bawat isa.

Kung may terrorismo sa lupa meron din pang Espiritual na terrorismo at siya yung diablo from the beginning na nagbigay traps sa tao para mamatay sa kasalanan.

Tandaan natin ang traps ng Diablo is to make your life dead. Tayo mga buhay na dahil sa ating pananampalataya sa Panginoon. Yet the devil wants to kill you again.

The image of Satan schemes.

Gagawa siya ng paraan para mamatay tayo... subalit gusto ng Diyos na mapagtagumpayan natin ang diablo... kaya nga tayo ay may battle Armor to protect ourselves against the devil schemes.

(Armor of God)

Santiago 4: 7 ".... Labanan nyo ang Diablo at lalayuan nya kayo"

Kaya Ito ang ating pag uusapan "Overcome the devil' schemes"

Para tayo magtagumpay laban sa Diablo... kailangan muna natin maunawaan paano ba siya umaattake ang kalaban. Sa anong part ng buhay natin tayo ay sinusubok ng Diablo? Akala kasi natin ang pag-attack ng kaaway ay puro negative things sa ating paningin. Pero nagkakamali tayo dahil...

Makikita natin dito kung paano tinukso ng Diablo ang ating Panginoon... magagamit natin ito para malaman paano ba tayo tinutukso ng Diablo? The reason why the devil wants to tempt us?

What is the schemes of devil to destroy us?

Satan used our daily needs to make us worried (vv. 2 – 3) (ginagamit ng diablo ang ating pangangailangan sa araw araw upang tayo ay magkaroon ng alalahanin)

"Hindi siya kumain ng 40 days, kaya't siya'y nagutom... sinabi ng Diablo.... Gawin mong tinapay ang mga ito"

Doon palang ginamit ng diablo kung ano ang kailangan ng Panginoon noong araw na yun. Dahil Nakita ng diablo si Hesus ay hindi pa kumakain for many days.

"Satan used "bread".... because we are worried about our daily needs. Kung ano ang pangangailangan mo sa araw na ito, He use that things para magkasala ka sa Diyos...

(Mat. 6:31 "kaya't huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit."

napaka positive ng pagtukso ng diablo sa ating Panginoon... Alam ni Satan na ang Panginoon ay anak ng Diyos. kaya nga kapag nakikita ng mga demonyo ang Panginoon. lagi nilang sinasabi "kilala ka namin, ikaw ang anak ng Diyos". pero tinukso parin ng diablo ang Panginoon, para patunayan na siya ay anak ng Diyos. totally napaka nonsense ng pagtukso ni diyablo kahit alam nya na hindi siya magtatagumpay na tuksuin ang Panginoon pero ginawa niya parin. Why? Kasi nagbabakasakali ang diyablo na kung paano siya nagkasala sa Diyos baka mangyari sa ating Panginoon.

pero pinakita ng Panginoon even without using His divine power He will able to overcome the devil...

so, Ginagamit ng diablo ang ating pangangailangan para palagi tayong maging balisa. Yung nasa 20 – 40 years old ka palang mukha ka nang 80 years old. Dahil laging balisa sa buhay mo, nawawalan ka ng kapayapaan...

Satan used our desires to give us pride (vv. 5 – 8)

"... pinakita sa kanya ang lahat ng kaharian... (sinabi ng diablo) ... ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kapangyarihan at kadakilaan... kaya't kung ako'y sasambahin mo, magiging iyo na ang lahat ng ito."

Bakit si Eva pumatol sa tukso ng diablo? Because she desires "to be like God". Ng marinig ni eva yun... naging kaakit-akit sa kanya ang bunga ng punong pinagbabawal ng Diyos. BECAUSE SHE DESIRES IT.

And Satan used our desire to give us pride... at marami ang natatalo dito, iniiwanan nila ang kanilang paglilingkod para mga bagay na nasisira. Para makamtam ang bagay na ninanais nila. At ang iba naman kahit alam nila na mali ang kanilang ginagawa... because they desire it... at ginamit ng diablo ang mga desire nila kaya patuloy niyayakap ang kasalanan.

Parang katulad sila ni EVA, sinabi ng Diyos na bawal kainin. Pero dahil tingin ni Eva mukhang masaya, masarap, nakakakilig kapag kinain nya. Sinabi ng Diyos kanila mamatay kayo kapag kinain nyo ang bungang pinagbabawal ko. Hindi sila naniwala because of their desires ay namatay sila, maging ang boung sangkatauhan ay namatay sa kasalanan.

Kaya kapag sinaway mo ang isang tao sa kanilang dinidesire, magiging rebelde mga yan. hindi nila alam na ginagamit ng Diablo yung desire natin para tayo patayin o wasakin ang relasyon natin sa Diyos.

Matthew 16:24 "Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kailangan itakwil ang kanyang sarili..."

Because satan used our desire to kill us...

Napaka ganda ng offer ni Satan "he will give the wealth of this world, if you worship him". Dahil siya ang ama ng kasinungalingan, kaya naluko ka din...

Example. In relationship... tignan nyo yung may mga asawa na pero nailove parin sa iba? Ano ang sinasabi nila? "Siya kasi ang tunay na tinutibok ng puso ko" yung babae na nagkakaroon ng pagmamahal sa kapwa nya babae, ganun din sa lalake... masaya sa pakiramdam nila.... But pero ginagamit ng diablo yan pagnanais nila o desire nila para wasakin sila ng diyablo.

Napaka desirable ng tukso na ginagawa ni diyablo para tayo wasakin.

Kaya yung mga denidesire natin at against ang Diyos sa bagay na iyon. Deny it... tanggihan natin yan mga kapatid. Mawawasak ka...

*Jesus said "... para saan kung makamtan mo lahat ng kayamanan ng mundo kung mapapahamak naman ang iyong kululuwa?"

That is how SATAN USED OUR DESIREs TO kill us.

Satan used our self-preservation to put us in fear state (ginagamit ng diablo ang ating sariling pag-iingat para tayo ay ilagay patuloy sa takot) (vv.9 – 12)

"dinala siya ng Diablo sa taluktok ng templo... " hinamon siya ng diablo na kung nagtitiwala ang Panginoon sa Diyos ay magpatihulog siya. Pero napaka wise ng sagot ng ating Panginoon... "Huwag mong subukin ang Panginoong mong Diyos"

Meron kasi tinatawag na self-preservation "pagiging over protective sa sarili" maraming mga Christians ay napaka emotional. Takot silang umalis sa comfort zone nila. Takot sila na mapahiya, takot sila failed, takot ma broken heart, other means "takot masaktan ang ating sarili"

Satan used this opportunity para tayo manatili sa takot... nagiging faithless tayo because of fear... takot masaktan ang sarili..

Akala ni Satan na tatalon ang Panginoon dahil sa iingatan siya ng Diyos. no, He said, "Huwag mong subukin ang Panginoong mong Diyos".

kapag kasi tayo nasaktan at parang hindi natin nakikita yung pag-iingat ng Diyos... nagkakaron tayo ng maling damdamin... "bakit ako nagkasakit Lord" "bakit ako niluko" "Bakit ako sumalpok sa truck Lord" sumalpok ako sa truck pero di ko sinabi yun... kasi masyado tayo over protective sa ating sarili... kaya kapag nasaktan o nakaranas ng katakot-takot na karanasan... nakakapag complain na tayo sa Panginoon...

Yung pagiging protective natin sa ating sarili ay ginagamit pala ng diablo para tayo magkasala sa Diyos.

Yung pagiging Being protective sa sarili.. ayaw na ayaw mong naaapi ka, ayaw mo na iniinsulto ka... kapag Nakita ng diyablo yung pagiging over protective mo sa sarili mo. He will use that para hindi ka magkaroon ng maayos na pakikitungo sa iyong kapatid.

Yung mga tao na kapag-pinagsasabihan nagiging rebelde dahil sa pagiging over protective sa sarili. Defensive masyado why? Because Satan used it to destroy us..

Yang ang mga strategies ni Satan paano nya tayo tinutukso... again Satan used his personal experience how he failed to God.

Paano tayo magtatagumpay laban sa tukso ng diablo?

Hindi sapat na alam lang natin ang kanyang strategies. Dapat we know how to overcome Satan.

We should lead by the Spirit of God (dapat tayo ay pinangungunahan ng Banal na Espirito) v.1

"Mula sa Jordan, bumalik si Jesus na puspos ng Espiritu Santo. Dinala siya ng Espiritu sa ilang"

Siya ay "dinala ng Espiritu sa ilang"... Again, the bible said "He filled with the Holy Spirit" and "The Holy Spirit leads him". Habang kasama ng Panginoon ang Espiritu Santo, tsaka siya ay tinukso... even we have the Holy Spirit... hindi tayo excepted sa tukso ng Diablo. Pero kapag alam natin na tayo ay ni le-lead ng Holy Spirit. Mapagtatagumpayan natin ang diablo.

Pansin natin hindi ginamit ni Hesus ang kapangyarihan nya to overcome the devil. Hindi nya ginawang tinapay ang bato. Pero siya ay nagtagumpay dahil kasama nya ang Diyos, pinangungunahan siya ng Diyos.

Kapag ikaw ay lumalakad sa kalooban ng Espiritu. Hindi ka magkukulang sa karunungan ng Diyos.

Paano tayo magtatagumpay laban sa tukso ng diablo? How to overcome devil schemes?

We should have personal quite time with God (Dapat tayo ay naglalaan ng sariling oras sa Diyos.) v.2

"Sa loob ng apat napung araw ay tinukso siya ng diyablo..."

Ano ang ginagawa ng Panginoon sa loob ng apat napung araw (40 days)

Mat. 4: 2 "siya ay nag-ayuno"

Means, naglaan ang Panginoon ng 40 days to pray o para magkaroon ng personal time sa Diyos. how many hours ang quit time natin sa Diyos? napaka halaga po ng personal quite time sa Diyos. dahil pinapalalim nito ang samahan ng isang relasyon. Hindi lang 40 days... kapag ang Panginoon natapos sa kanyang pagmiministeryo, umaakyat siya mag-isa sa bundok para manalangin.

Kaya natatalo tayo sa tukso ng Diyablo dahil wala tayong personal quite time sa Diyos...

Matthew 17: 21 " Ngunit ang ganitong uri ng demonyo ay hindi mapapalayas kundi sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aayuno"

Hindi mapalayas ng mga disciple ang demonyo dahil wala silang prayer and fasting. Means wala silang personal quite time sa Diyos before.

Kung gusto natin mapalayas ang diyablo kailangan natin ng personal quite time sa Diyos.

Paano tayo magtatagumpay laban sa tukso ng diablo?

We should know the word of God (dapat tayo ay may alam sa salita ng Diyos) (v4, 8, 12)

3x ginamit ng Panginoon ang salitang "Nasusulat" to present the truth.... The word of God is truth...(Amen) maari tayong dayain ng ating damdamin, kaisipan, but never tayong dadayain ng salita ng Diyos because "THE WORD OF GOD IS TRUTH"

Sinagot ni Hesus ang diyablo sa pamamagitan ng salita ng Diyos.

Kung hindi tayo nag lalaan ng pag-aaral sa salita ng Diyos. ano ang itutugon natin sa diyablo. Ano ang itutugon natin sa hinaharap nating suliranin, problema, kabiguan, kalungkutan, karamdaman... wala... kailangan natin paglaanan ng panahon ang pag-aaral sa salita ng Diyos.

2 Peter 3:18 "But grow in grace and in the knowledge of our Lord and Saviour Jesus Christ..."

The word of God is our sword

Hebrew 4:12 "Ang Salita ng Diyos ay buhay at mabisa, mas matalas kaysa alinmang tabak na sa magkabila'y may talim..."


Paano tayo magtatagumpay laban sa tukso ng diablo?

We should guard ourselves in all times. (v.13) (Dapat tayo ay mapagbantay sa lahat ng pagkakataon.


"Pagkatapos tuksuin si Hesus sa lahat ng paraan, umalis na ang diyablo at naghintay ng ibang pagkakataon."

Naghihintay ng ibang pagkakataon ang diyablo para tayo tuksuin ulit. Kaya kailangan maging mapagbantay tayo sa lahat ng pagkakataon. Habang patuloy tayong na bubuhay, patuloy na gagawa ang diyablo sa paraan para tayo ay wasakin, hindi titigil ang diyablo hanggat hindi kayo close... kaya kapag hindi tayo tinutukso ng diyablo baka best friend na natin ang diyablo.

Tinukso ang panginoon sa lahat ng paraan pero

Dahil siya ay lumalakad ayun sa kalooban ng banal na Espiritu, dahil siya ay naglalaan ng oras sa Diyos, dahil alam nya ang Salita ng Diyos at palagi siyang naka bantay sa lahat ng oras... "napagtagumpayan ng Panginoon ang diyablo bilang isang tao"

Ito ay aral sa atin para tayo bilang tao, ay mapagtagumpayan natin ang tukso ng diyablo. (AMEN)

Continue Reading

You'll Also Like

11.5K 512 71
(UNDER REVISION) [THIS BOOK WAS NOT YET EDITED. MARAMING LOOPHOLES AT MARAMING KAJEJEHAN, BECAUSE THIS STORY WAS WROTE ABOUT TWO YEARS AGO. SO IF EV...
8K 151 16
This is a story where Kiri is a alpha And Bakugo is a omega I might add other ships like shinkami and whatever ships I think of or if u want leave...
38.8K 936 23
This is a true horror stories Pls read it and support my all stories..
311K 8.7K 200
If I was you, I'd wanna be me, too But you probably won't, you think that you're cooler than me