Enchanted Academy :The Prince...

By KwinYram

14.1K 545 121

(𝐎𝐍 π†πŽπˆππ†) Once upon a time a princess was born who possess five powers that would defeat evils. ➣Star... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21

Kabanata 12

333 10 0
By KwinYram

THIRD PERSON POV

Sa isang paraiso nagkakasayahan ang mga bata at masayang nagtatampisaw sa kulay asul na lawa.

Habang sa isang berdeng damo ay nakahiga ang dalagang may gintong buhok na may halong kulay asul sa bawat hibla nito.

Dahan dahang nagmulat ang gintong mata ng dalaga na sa gitnang parti nito ay kulay asul na kagaya ng karagatan.

Tumayo ito at lumingon lingon sa paligid at nagbabakasakaling may kilala syang mapagtatanungan.

"Where am I?" tanong ng dalaga sa kanyang sarili at tumingin sa mga batang masayang nagtatampisaw

Naglakad ang dalaga at sa bawat paghakbang nito ay nag iiwan ng mga talulot ng bulaklak na nililipad sa eri

"Hello, pwedeng magtanong?" magiliw na sambit ng dalaga na nagpalingon sa mg bata na agad namang tumayo.

"Prinsesa, ano po bang itatanong mo?"magalang na sambit ng isang batang lalaki na may kulay abu na buhok

"Anong lugar ito?" tanong ng dalaga sa bata

Nagkatinginan naman ang tatlong bata at humarap sa Dalaga.

"Nandito ka po sa mundo ng mga panginoon." magalang na sagot ng batang lalaki at napatingin sa likod ng dalaga.

"Nandiyan na ang Diyosang si Athena" mabilis silang nagbigay galang kaya napalingon ang dalaga sa kanyang likuran at bumungad ang isang babae na nakasuot ng kulay puting kasuutan at may mga palamuti sa buhok nito.

Athena ang diyosa ng gubat.

"Mahal na prinsesa, halina't ililibot ko kayo sa mundo ng mga Diyos at Diyosa kong inyong mamarapatin." magalang na ani ng Diyosang si Athena sa dalagang kaharap nya.

"Sure, Goddess." pagpayag ng dalaga at sumabay sya sa paglalakad ng Diyosang si Athena

"Bakit pala ako nandito?" tanong ng dalaga sa Diyosa

Tumigil ang Diyosa sa akmang paghakbang at tinanaw ang mga hayop na masayang kumakain at ang iba ay naglalaro sa luntiang damuhan.

"Kailangan namin ng tulong mo mahal na prinsesa..." seryosang sambit ng Diyosa kay Iris na napatingin sa kanya na may mukhang nagtataka

"Tulong? para saan?" kuryusidad na tanong ng dalaga at inayos pa ang naluping puting bistida na suot niya.

"Malalaman mo ang sagot mamaya, mahal na prinsesa." magalang na sagot ng Diyosa at banayad na naglakad sa berding damo.

Sa di kalayuan ay may dalwang malaking bato ang nakaharang at kulay pilak ito na wari mo'y isang treasure ang nasa likod nito pag napaghiwalay ang magkadikit na bato.

Tumigil ang dalwa sa harap ng bato at tumabi si Iris, habang umabanti paunahan naman ang Diyosa at nilapat ang kamay sa bato.

Isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa bato. kaya napapikit saglit ang dalaga at ng imulat niya ang kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang dalwang bato na dahan dahang naghihiwalay at sa pagitan nito ay isang kakaibang mundo ang nakita ng kanyang ginintuang mata.

"Wow! ang ganda dito!" manghang naibukambibig ni Iris ng makita ng malinaw ang lugar na nasa likod ng dalwang bato.

The world of God and Goddess

Nakangiting tumingin ang Diyosang si Athena sa namamanghang si Iris, kitang ang saya at pagkamanghang sa kanyang mukhang kay amo at kay ganda. hindi maipagkakailang isa siyang Prinsesa.

"Mahal na prinsesa, maligayang pagdating sa The world of God and Goddess." magiliw na sambit ni Athena at nauna nang maglakad saka muling lumingon sa Prinsesa.

"Tumuloy ka, mahal na prinsesa.."

Masayang naglakad papasok si Iris na suot parin ang pagkamangha sa kanyang mukha dahil sa subrang ganda ng mundo ng mga Diyos at Diyosa.

May mga lumilipad na ibat ibang uri ng hayop pero mararamdan dito ang pagiging malakas ng mga ito, ibigsabihin ay hindi ito pangkaraniwang nilalang lamang.

"Ang mga hayop na iyong nakikita, mahal na prinsesa ay ang mga Guardian ang mga biniyayaan na mangalaga sa mga anak ng hari at reyna."

kita ang galak sa mata ng Dalaga habang nakatingin sa mga lumilipad na Guardian nang may isang umaapoy na dambuhalang ibon ang lumapag sa harap ng dalwa.

Gulat ay napaatras si Iris habang hindi naman natinag si Athena at nakangiti lang sa ibon na lumapag.

"Siya si Esra ang Phoenix na nangangalaga ng apoy, isang pinaka makapangyarihang Guardian dito sa mundo ng mga Diyosa at Diyos."

naupo ang dalaga sa harap ni Esra at hinaplos ang nag aapoy na balahibo nito ng hindi nasusunog ang kamay ng dalaga.

"Kagilalas-gilalas! tanging ang napili lamang ng mga Guardian ang maaaring humawak sa kanila... kong ganun, tama ba Esra na siya ang napili mong pagsilbihan?" isang malakas na pagaspas ang sinagot ng Phoenix na ikinangiti ng dalawa.

"Siyang tunay mahal na Diyosa, ang malakas na prinsesa ang napili kong pagsilbihan..... hanggang kamatayan." yumuko ang Phoenix tanda ng pag galang sa dalaga

"Nakakatuwa naman na may Guardian na agad ako." galak na sambit ng dalaga at tumingin sa paahan ng maalala niya na pupuntahan nila ang mga Diyos pero mas inaalala niya ang Prinsipe.

"Athena, maaari bang bumalik na ako? naalala kong kinalaban namin ng Prinsipe ang mangkukulam kanina, maaari ba muna akong bumalik at sa sunod kong panaginip ay kakausapin kuna ang mga God at Goddess?" mahabang turan na pakiusap ng dalaga sa kaharap niyang si Athena na magalang na tumango at nag wikang..

"Kong yan ang iyong nais mahal na prinsesa... bumalik kana." pagkasambit ng Diyosa ay inangat niya ang kanyang palad at nilapat sa noo ng dalaga.

Pumikit ang dalaga kasabay ng pagmulat nya at nakita ang Prinsipe sa kaniyang tabi na nakayuko sa kanyang hinihigaan.

Dahan dahan syang gumalaw para makasandal sa katre, at tahimik na pinagmasdan ang mahimbing na natutulog na prinsipe.

Mula sa perpekto nitong labi na hugis puso at sa makapal nitong kilay na kasing itim ng uling at sa mahaba na pilikmata na nagdala ng angking karisma ng Prinsipe, masasabing isa siyang perpektong Prinsipe.
















IRIS POV

Tahimik kong pinasadahan ng tingin ang mukha ni Phoenix na mahimbing na nakatulog sa tabi ng hinihigaan ko.

Bakit hindi sya nahiga sa kutson na nakalatag sa tabi ng Katre ko? at mas pinili nyang isandig ang ulo sa katre kong saan ako nakahiga.

Greek God,  isang panginoon ng kagwapuhan dahil sa angkin nyang hitsura kamukha nya si Hyunjin sa stray kids.

Ang Prinsiping ito, mukhang nadadala ako sa kakaiba nyang karisma.. dapat na pigilan ko ang kakaiba kong nadarama sa kanya.

I don't want to fall inlove with the prince.
No, am I really inlove with the prince?  t-this can't be.

Napakurap-kurap ako dahil sa napagtanto ko na umiibig na pala ako sa prinsipe. hindi pwede to, kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko.

Dahan-dahan akong tumayo sa pagkakahiga ko sa katre na hindi gumagawa ng anumang ingay, mahirap na mukhang pagod na pagod ang prinsipe baka magising siya.

Nang magtagumpay akong makaalis sa katre ay bahagya akong lumayo at pinagmasdan ang prinsipe.

Inangat ko ang dalwa kong palad at gamit ang abilidad na makapagpalutang ng mga bagay o kahit ano ay inangat ko ang natutulog na prinsipe.

Maingat kong inilapag ito sa aking hinigaan kanina at pinagalaw ko rin ang kumot para makumutan ito.

"I need fresh air." sambit ko sa sarili at marahang naglakad palabas.

Nang masigurado kong mahimbing na natutulog ang prinsipe ay gumawa ako ng Barrier para siguradong hindi mapapahamak ang prinsipe.

Pagharap ko ay napatalon ako dahil sa pagsilpot ni Ginang.

"Ay palaka!" napahawak ako sa dibdib ko ang lakas ng tibok nito.

"Nako, iha pasensya na balak ko sanang dalhin ang pagkain na ito para sayo at baka gising kana..." tumigil sya sa pagsasalita at sinuri ang kabuuhan ko saka sya huminga ng malalim at tumingin sa mga mata ko.

"Sabayan mo akong kumain iha" pag aya ng Ginang kaya tumango naman ako at pinaunlakan ang paanyaya niya.

"Kayo lang ba ang nakatira dito Ginang?" magalang na tanong ko sa Ginang na pumunta sa may lababo at kumuha ng dalwang pinggan, habang naghila naman ako ng upuang kawayan at naupo rito.

Pinagmasdan ko lamang ang Ginang na naglalagay ng pagkain sa aming plato.

"Hala! Kumain ka ng madami iha ng makabawi ka ng lakas at ng makabalik na kayo ng Prinsipe sa palasyo.. maraming salamat sa inyong tulong."hinawakan ko ang dalwang kamay ng Ginang at ngumiti

"Isang karangalan para sa tulad kong hindi maharlika ay natulungan kayo...Ginang lubos kong ikinagagalak ito." kita sa ngiti nya ang labis na pasasalamat kaya tumayo ako sa pagkakaupo ko at mabilis na niyakap sya.

Naramdaman ko ang init ng yakap na matagal ko nang hinahanap, namimis kuna talaga ang aking ina, subrang miss na miss kuna sya.

Gagawin ko ang lahat para mapanagot ang nilalang sa likod ng pagkamatay ng magulang ko.

"Iris?" bumitaw ako sa pagyayakapan namin ni Ginang at lumingon sa tumawag at ang prinsipe pala na nakatayo na may kunot na noo.

"P-pasenya na mahal na prinsipe... nasasabik lang akong mayakap muli ang aking anak, nasabik ako sa yakap ng iyong Nobya... naalala ko ang aking anak."

"Wag po kayong mag alala Ginang, paminsan minsan ay dadalaw ako rito para bisitahin kayo."

Lumapit si Phoenix sa gawi namin at naupo sa tabi ko habang hindi umiimik

"K-Kumain na tayo." tumango ako sa sinabi ng Ginang at tahimik kaming kumain ganun din ang prinsipe na wala paring imik at kibo

Nang matapos na kaming kumain ay nag prisenta na ako na ako na ang magliligpit ng pinagkainan

"Kaya ko na po ito"

"Sigurado kaba diyan iha?"

"Opo sige napo matulog na kayo "

Sa huli ay wala siyang nagawa kundi hayaan ako, kaya sinimulan kong iligpit ang pinagkainan habang si Phoenix naman ay nakaupo lang at parang walang balak na tumayo

"Ahh magpahi------" tumayo ito at hindi ako nilingon naglakad sya palabas na parang walang narinig.

Hindi ako nakagalaw at natahimik sa inasta ng Prinsipe sa akin, anong nangyari, ano bang ginawa ko?

Napahawak ako sa dibdib ko ng kumirot ito at naramdaman kong may likido ang tumulo sa mata ko na marahan kong pinunasan.

Anong ikinagagalit nya sa akin at hindi nya ako magawang pansinin?

Isa lang ang nararamdaman ko ngayon ang SAKIT! it's hurts yong talikuran ka ng lalaking nagugustuhan mo na parang isa kang multo na hindi nag eexist sa paligid nya... ang sakit lang, ganito pala kasakit ang magkagusto sa isang lalaki.

Pagbalik namin sa Academy ay iiwasan ko na sya at hinding hindi na lalapit pa.


𝐏𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞 𝐝𝐨𝐧’𝐭 𝐟𝐨𝐫𝐠𝐞𝐭 𝐭𝐨 𝐯𝐨𝐭𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐥𝐞𝐚𝐯𝐞 𝐚 𝐜𝐨𝐦𝐦𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐭𝐡𝐚𝐧𝐤 𝐲𝐨𝐮 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐢𝐞𝐬.

Continue Reading

You'll Also Like

19.6K 482 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
59.7K 3.1K 39
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
89.4K 3.4K 54
basahin niyo para masaya