Kabanata 13

282 12 4
                                    

HINDI ako makapaniwala sa hindi pagpansin sa akin ng prinsipe, may nagawa ba akong hindi ko maalala at biglang nagkaganun sya.

Nang matapos kung mahugasan ang mga pinagkainan ay bumalik ako sa Kwarto at inayos ang hinigaan ko.

Nag teleport ako para hindi ako mapansin ng prinsipe kung sakaling madaanan ko sya gamit ang teleportation ko.

Tumigil ako sa pag teleport sa isang Burol isang mataas na umbok ng lupa at naupo dito.

Huminga ako ng malalim at masayang pinagmasdan ang tanawin sa ibaba nitong burol

Oo nga pala kailangan kong harapin ang mga Gods and Goddess sa aking panaginip at gagawin ko yon pagkadating sa Akademya.

"Mahal na prinsesa anong iniisip mo?"

Nabigla ako sa isang tinig na nagsalita kaya lumingon ako sa likod at sa harap maging sa magkabilang tagiliran ay wala naman

"Ako ito si Esra ang Phoenix na iyong Guardian, mahal na prinsesa." si Esra pala ang tinig na iyon

Biglang may lumitaw na Phoenix sa harapan ko at nag anyong batang babae na wari'y ko'y nasa sampong taong gulang. nakasuot ito ng kulay pulang bistidang may mga palamuti at may mga balahibong pula din miski ang palamuti sa ulo nito ay may ilang balahibo.

"Wow! pwede palang maging anyong kagaya namin ang mga katulad nyo?" ngumiti ito sa tanong ko at naglakad palapit sa akin at naupo sa tabi ko

"Opo, mahal na prinsesa. lahat kaming mga Guardian ay may kanya kanyang wangis na kahalintulad ng sa inyo." magalang na sagot nito

Tumingin ako sa kawalan at ninamnam ang malamig at preskong simoy ng hangin.

"Kakayanin ko kaya ang katungkulang ibinigay sa akin ng mga panginoon?" wala sa sariling tanong ko sa katabi ko

Matagal na itong katanungang bumabagabag sa isip ko. kung kakayanin ko bang harapin ang katungkulan at mailigtas ang sang katauhan maging ang mundo kong saan ako nagmula ang Enchanted Realm.

"Naniniwala ako sa kakayahan mo, mahal na prinsesa at alam kung hindi mo kami bibiguin, lalo na at umaasa sa iyo ang punong Diyos at Diyosa nasi Zeus at Hera."

Nababasa ko lang dati sa libro ang about sa Mythology Greek God and Goddess, tapos nag eexist pala talaga dito sa mundo namin.

Hera - (a.k.a. Juno, Uni) Goddess of goddesses, women, and marriage and wife of Zeus.

Zeus - (a.k.a. Dias, Jupiter, Tinia, Jove, Jovis Pater) Leader of the Olympic gods, and god of lightning, thunder, and the heavens

Kailangan kong maipanalo ang labang ito lalo na at ako ang sinasabing nasa propesiya ang maliligtas ng buong mundo.

"Sana, sana.... makayanan ko." mahinang bulong ko na sapat lamang para marinig ni Esra.

Tumayo ako at pinagpagan ang bestida at tumingin kay Esra na tumango lamang at bumalik sa kanyang Phoenix na anyo bago lumipad.

Hinatid ko sya ng aking tingin at ng mawala ito sa kawalan ay umayos na ako ng pagkakaupo at muling nag teleport sa kwarto.

Nakita ko ang prinsipe na natutulog ng mahimbing kaya hindi na ako nag abalang bumalik sa pagkakatulog kahit alastres pa lamang ng madaling araw

Akmang hahawakan kuna ang siradura ng pinto ng may umaapoy na lubid ang biglang pumulupot sa bewang ko at bigla akong hinila na ikinatili ko.

Enchanted Academy :The Princess जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें