One Shot: Bff

By tearsarcsm

325 31 69

Abby Isidro an architecture student was contented with her life as long as she was with Aya Inéz Diaz, a tour... More

Bff

325 31 69
By tearsarcsm

This is a work of fiction. Any names, places, events, etc. were purely coincidental. No part of this book may be reproduced or used in any manner without written permission from the copyright owner—except for the use of quotations in a book review.

All rights reserved © 2024 by tearsarcsm

ANYONE can say that my story is typical. Madalas nga na ang isa sa matalik na magkaibigan, may nararamdaman sa kaibigan nila. But let's not be stereotypical. Huwag nating i-generalize. May mga makaibigan pa ring hanggang platonic love lang.


Bumuntong-hininga ako bago pinagbuksan ng pinto si Aya na mahigit sampung beses nang nag-doorbell sa condo ko.

Maagap ko siyang sinalo nang matumba sa akin. "Lasing ka na naman?" tanong ko.

Hindi siya tumango at tinawanan lang ako sabay peace sign.

Sinabit niya ang mga braso sa leeg ko habang inaalalayan ko siya papunta sa kama ng kuwarto ko.

"Dito ka pa dumiretso," inis kong sinabi. "May bago kang kalandian, 'di ba? Sana nagpahatid ka sa condo mo."

"Shh!"

"Pwe!" Inalis ko ang daliri niyang ipinantakip niya sa labi ko. "Lasang suka, tangina!"

Tawa lang siya nang tawa nang maibaba ko na siya sa kama. Patapon kong ginawa 'yon, alangang ingatan ko siya masyado? Bukas na pasahan ng plates ko, abala siya.

Sa kalasingan wala na siyang ma-rebat sa akin. Kung nasa katinuan sana siya, kanina pa kaming nagbabarahan dito. Ang hindi lang namin ginagawa, murahin ang isa't isa.

Graduating na si Aya sa kursong tourism. Ako naman 4th year sa architecture. May isang taon pa ako bago maka-graduate-kung papasa.

Simula Senior High School, magkaibigan na kami. Halos anim na taon na pala, ito pa rin ang gawain ko. Alagaan siya sa sarili kong condo tuwing iinom sa labas. Noon nasasamahan ko pa siya. Ngayon kasi wala na akong time, masyadong maraming gawain. 'Sangkaterbang plates at presentations.

Si Aya ang tipo na kahit sinong pogi nilalandi, alam niyo na, hindi lang sa kiss umaabot. Hindi ako makasabay sa lifestyle niya dahil nadidiri ako. Hindi sa kaniya, sa mga trip niya.

"Hoy!" Inuga ko siya, baka sakaling magising para siya na magpalit ng damit sa sarili niya. "Aya Inés! Kainis 'to!"

Umungot lang siya at dumapa.

Lalo pa akong pahihirapan. Halos siya na lang gumagamit ng mga damit ko! Pati mga bago! Paano, sa isang linggo tatlong beses uminom. Kumusta na kaya atay nito? Samahan ko nga magpa-check up minsan.

Himala na hindi siya nakipag-anuhan sa bago niyang lalaki? O baka ginawa niya, napaaga lang ang uwi?

Kumuha ako ng dilaw na t-shirt at puting pajama sa cabinet ko. Binuksan ko ang mga kurtina para presko tingnan ang kuwarto.

Pinatong ko ang mga damit sa kama at inunang hubarin ang sapatos niya. Kabisado ko na ang katawan niya kaya hindi na ako naninibago tuwing papalitan ko siya. Wala rin naman siyang pakialam, lalo na kung ako ang gagawa.

Isa-isa kong inalis ang butones ng suot niyang blouse. I did it as swiftly as I could. Sinuotan ko siya ng t-shirt. Hindi ba siya nangangati sa lace niyang bra? Puro ganoon, e. Ganoon ba trip ng boys niya? Tapos ganito kaiksing palda? Bagay naman sa kaniya kaso...

Matapos mapalitan, tinitigan ko ang natutulog niyang mukha. Buong-buo ang pag-site ko roon dahil nakatihaya na siya sa kama.

Maganda siya, itim ang buhok at may tinatagong highlights sa ilalim. Makurba ang katawan niya. 'Yan tuloy, mas nauunang mapansin ng mga lalaki 'yon sa kaniya.

Hindi ba nila mauunang tingnan ang mga mata niya? Hazel nut. Half-Spanish siya ang sabi niya sa akin noon. Maputi at may mga freckles sa balat. Matangos ang ilong niya. Pinkish ang labi. Mahaba ang pilik-mata at maganda ang hugis ng mga mata. Katamtaman lang ang kapal ng kilay niya. Maganda ang ngipin at naka-braces. Kaya ang tagal niya mag-toothbrush, e.

Feminine na siya manamit, hindi gaya noong una niya akong tabihan sa upuan ko noong senior high school para sabihing, "Bakit hindi ka nakikipag-usap?"

Hindi nga ako nagsalita noon. Natutuwa lang ako sa katitingin sa braces niyang kulay blue. Matangkad siya, naka-rubber shoes, maong pants na fitted, at white shirt. Medium-length pa ang buhok niyang brown at nakatali.

Nakangiti siya sa akin habang nakapatong ang mga siko sa magkabila niyang tuhod. Astig kumilos noon. Nakakatawa na lang isipin.

Bago kami maging magkaibigan, nalaman kong straight siya kasi may mga kina-crush back siyang lalaki. Susuwerte nga ng mga 'yon, e. Feeling ko that time dapat mas mataas pa ang standard ni Aya.

Mas naging close kami noong ilibre niya ako ng pasta sa tinitingnan kong resto. Medyo girly na siya noon. Sabay lang sana kaming sasakay sa terminal ng bus na nilakad namin kasi malapit lang naman, tapos bigla akong tinanong kung gusto kong kumain doon.

Umoo na ako kasi golddigger ako. Mayaman 'to, e. Joke!

Pumayag ako kasi naisip kong gutom siya, sasamahan ko lang sana kaso kung anu-anong in-order! Hindi namin naubos kaya pina-take out ko. Sayang, e.

Halos 1k nagastos niya noong hapon na 'yon pero wala lang sa kaniya. Basta masaya siyang gumastos. Nagpasalamat ako. Akala ko rin last na pagdidikit na namin 'yon, kaso nagtuloy-tuloy. Hanggang sa bayan dinadala niya ako para bilhan ng damit. Panget na panget ba siya sa suot ko? Mukhang hindi naman. Basta masaya siyang binibilhan ako. Puro sa mall kami napupunta, sa takot kong gastusan niya ako ng tatlong libo para sa isang pirasong off-shoulder, tinuruan ko siyang mag-ukay. E, parang hindi nauubos laman ng wallet niya! Pero dapat marunong pa ring magtipid. Dapat malaman niya ang mga life hacks!

Noong na-promote si Papa at lumaki allowance ko, ako naman ang nanlibre sa kaniya. Tinitipid ko baon ko para mabilhan siya ng gusto niya, pambawi lang. Naisip niya sigurong ako na ang tamang kaibigan para sa kaniya kaya hindi niya na ako nilubayan! Char.

Totoo naman, hanggang sa gusto ko ngang campus sumunod siya kahit puwede naman siya sa private schools sa Manila para sundin ang gusto niyang mag-aral ng fashion design.

Ang sabi niya kasi, hindi niya kayang wala ako. 'Yan career na career niyang pahirapan ako ngayon.

Inalis ko ang buhok niyang nakatakip sa mukha niya nang matauhan ako. Pinagdikit ko ang mga labi ko bago ako tumayo mula sa pagkakasampa sa kama para iwanan siya at ituloy ang plates ko.

"Tulog tayo, Babe."

Umismid ako nang marinig ang callsign niya sa akin. "May ginagawa ako. Kaya mo na 'yan. Inom ka nang inom, e."

"Please?"

Punyeta, kung mag-baby talk akala mo jowa niya ako. Magdusa siya. Pangarap muna bago siya.

"Abby," tawag niya.

"Sorry, Mahal Na Reyna. Plates muna bago ikaw."

"Miss na kita... puro ka plates na lang."

Nilingon ko siya nang salubong ang mga kilay. "Aba, hindi ba 'to importante? Para 'to sa future ko at para makapag-asawa ako nang may stable income na!"

Hindi siya nagsalita na ngayon ay nakaupo na sa kama at nakatakip ng kumot ang mga hita.

"Puro ka pag-aasawa, you don't even have a boyfriend. Matatapos na lang tayo ng college."

"E 'di, sa work maghanap ng boyfriend? Puwede rin 'yong crush kong classmate ko, lalandiin ko bago matapos 'yong taon," sagot ko. "Ikaw... bahala ka sa mga trip mo sa buhay. Basta ikakasal ako. Maid of honor ka na lang."

Walang nagbago sa ekspresiyon niya, nanatili siyang nakatingin sa kama.

"I'm here 'cause I was about to tell you something, next time na lang siguro."

Nabuhayan ako kaya sumampa ako sa kama nang humiga siya ulit at magtalukbong ng kumot. Niyugyog ko siya para gisingin.

Hindi ko namalayang nakapatong na ako sa kaniya kaya nang alisin niya ang kumot sa mukha niya, nagkadikit ang mga mukha namin.

Nanlaki ang mga mata ko. Nakangiti naman si Aya, parang wala lang sa kaniya.

"Bitch, gusto mo ba ng kiss?" biro niya.

Sinubukan kong tumayo pero hinapit niya ang beywang ko. Umasta siyang iki-kiss ako. Pinagpalit niya pa ang puwesto namin para hindi ako agad makawala.

Ewan ko pero ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Aya! Yak!" Tinulak ko ang mukha niya.

Doon na siya tumigil kasabay ng paglalaho ng ngiti niya. Pinakawalan niya ako. Gumulong siya sa kaliwa ko para makatabi ako.

"Pagka-graduate ko... baka mag-ibang bansa na ako."

Awang ang labi ko siyang nilingon. Mukha siyang problemado na nakatakip ang kanang braso sa mga mata niya.

"Akala ko dito lang tayo?" Unti-unting nabahiran ng lungkot ang boses ko.

"Gusto ko na kasi nang maraming pera," pabiro ang tono niya pero mukha namang totoo 'yon. "Susunod na ako sa parents ko... sa Spain."

"Akala ko dito lang tayo..." pabulong kong inulit.

Sabi mo, hindi mo kayang wala ako.

"Kaya sikapin mong grumaduate para masundan mo ako."

"Ang talkshit mo." Tinangka kong bumangon pero hinila niya ako pabalik sa pagkakahiga. Umiwas ako ng tingin papunta sa kanan para hindi niya makita ang nagtutubig kong mga mata. "Gagawa na ako ng plates. Bukas na tayo magdelusiyon."

"I'm not joking, tho."

"Ikaw rin pala mang-iiwan, e."

"Nagagalit ka ba?" malambing na tanong niya.

"Bukas na ipapasa 'yong ginagawa ko. Kapag ako binagsak ng prof ko, hindi kita ililibre ng samgyup!"

"Iniiwasan mo 'yung topic, e."

Hindi ako nagsalita.

Aya took that as a cue to let the back of my head pillow her right shoulder.

"Hindi ka na babalik 'no?" tanong ko.

"How can you say so?"

Nakiliti ako nang bulungan niya ang kaliwang tainga ko. "Papasunudin mo ba ako kung oo?"

"Susunod ka naman, 'di ba? Kayang-kaya mo 'yan."

"May problema ba kayo ng pamilya mo?" Naalala ko na tatlong beses pa lang akong nagawi sa kanila. Puro birthdays niya 'yon na may party at sa mansiyon nila ang venue. 'Yung iba niyang birthday simula maging magkaibigan kami, namamasyal lang kami kapag walang ganap sa kanila at nasa Spain ang parents niya dahil naroon ang business nila. "Kaya puro ka inom?"

Ngumiti siya na naramdaman ko sa aking leeg. "May sakit na ang Papá, they need me there. Buti na lang, marunong na akong mag-Spanish. No puedo vivir sin ti, porque te amo."

"Ha?" walang gana kong sinabi. "Hindi ko naintindihan. Marunong ka rin naman talaga mag-Spanish," pabulong kong sinabi ang huling linya.

Natawa siya. "Hindi mo talaga maiintindihan..."

Hinayaan kong amuyin niya ang leeg ko sandali, pero nang hindi na maging komportable umiwas ako nang pasimple. She sensed it I guess.

Ganito lang talaga siya, clingy.

Hindi ko lang alam kung bakit ganito ako ngayon. Siguro dahil nalulungkot ako.

"Matagal pa naman," dugtong niya. "Kapag naka-graduate na ako... para hindi sayang. Inagahan ko lang magsabi kasi alam kong magiging ganito ka. Mas magagalit ka pa kapag late mo nang nalaman. So, don't think about it for a while. May exam ka bukas?"

Umiling ako. "Isang klase lang tapos magpapasa..."

"What time matatapos?" tanong niya.

"10 o'clock."

"Okay, susunduin kita. Ako na ang manlilibre ng samgy. But can I sleep here 'til morning? After na lang ng brunch natin ako uuwi sa condo."

"Hindi mo ba bibisitahin 'yong bago mong lalaki?" tanong ko.

"No," sagot niya. "I won't meet boys from now on until I graduate."

"Nabasted ka 'no?" pang-aasar ko.

"Mababasted siguro..." Napangisi siya sa sarili.

Wala pang ilang minuto ng katahimikan namin, tulog na ulit si Aya. Pinagmasdan ko saglit ang mukha niya. Nang manawa, binalikan ko ang plates kong nakalatag sa living room at ipinagpatuloy iyon. Alas dos na nang matapos ako. Pitong oras na lang ang itutulog ko. Mabuti na lang, malapit ang campus sa condo ko.

Imbis na bumalik sa kama pagkatapos ilagay sa drawing tube ang plates na ginawa ko, sa sofa na ako natulog.

NANG magising ako tulog pa rin si Aya. Pinagluto ko na lang siya ng spam at bacon para may kakainin siya paggising niya. Hindi na ako kumain kasi gusto kong gutom na gutom ako para sa samgy, hehe.

Pinagtimpla ko rin siya ng gatas dahil hindi puwedeng mawala sa breakfast niya 'yon.

"Natapos mo?" tanong ni Calil.

Close kami, oo siya 'yong tinutukoy kong crush ko. This month lang kami nag-usap, friendly naman pala siya. Madali lang landiin kung tutuparin ko ang pangako ko kay Aya.

"Natapos naman," sagot ko.

"Naks," puri niya. "May ganap ka mamaya? Gusto mo ilibre kita ng burger?"

Nagliwanag ang mga mata ko. Kaso naalala ko si Aya. Mas masarap naman 'yong samgy. Siyempre sasabihin ko 'to sa sarili ko para hindi ako manghinayang sa offer ni Calil.

Huhu. Wrong timing ka naman, beh.

"Kakain kami ng best friend ko, e."

"Puwedeng sumama? Ako na lang magbabayad."

"Weh?" Natatawa kong sinabi. "Baka hindi kayo magkasundo ni Aya diyan. Gusto n'on siya nagbabayad, e."

"Ako naman lalaki, papayag 'yon."

Nako, hindi mo gamay 'yon.

Nagsimula ang klase at ipinasa ko na rin 'yong ipinuputok ng butchi ko na plate, char. Mataas naman ang nakuha ko. Hindi ako hayok maging highest, 'wag lang akong matanggal sa DL keri na.

Sabay kaming lumabas ng gate ni Calil habang topic ang klase kanina. Akala ko nga matagal pa naming hihintayin si Aya, pero nakasandal na siya sa kotse niya habang nakatingin sa amin. Actually, hindi ako sigurado kung sa amin nga siya nakatingin, kasi kahit makulimlim naka-shades siya. Ganiyan mga trip niya sa buhay. Tapos 'yong suot niya, damit niya noong gabing pinuntahan niya ako.

Nanatili ang pagkakrus ng mga braso niya habang hinihintay kaming makalapit sa kotse niya. Parehas kaming nakangiti ni Calil sa kaniya na nakasimangot.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa shotgun seat. "Kasama 'yan?"

Tiningnan ko siya nang may senyas. Baka mabastusan sa wordings niya si Calil, mawalan pa ako ng chance huhu.

"Hi, I'm Calil Alejandro. I heard best friends kayo?" Naglahad ng kamay si Calil sa kaniya.

Wala namang nagbago sa reaksiyon ni Aya. "You can sit at the back."

Naiilang kong nginitian si Calil. Sinubukan ko pa siyang pagbuksan ng pinto pero tinanggihan niya na ako. I have no choice but to go inside the shotgun seat.

Nakasimangot tuloy ako hanggang sa marating namin ang paborito naming samgyupsal place ni Aya.

Bababa na sana siya para pagbuksan ako ng pinto pero nauna na si Calil. Umismid si Aya nang tuluyang makalabas ng kotse at nauna sa amin sa loob ng kainan. Hanggang sa cashier, seryoso ang mukha niya habang kinakausap ito.

"I'll pay," ani Aya kay Calil nang maglabas ito ng wallet.

Awkward naman akong tumayo sa likuran nila na nakapila sa counter. Kami nga lang yata ang tao rito ngayon, maaga pa kasi.

"It's fine, ako na para hindi naman nakakahiya."

"You can pay for yourself if you insist," sarkastikong sinabi ni Aya.

"Can I pay for Abby too?"

Binigay ni Aya ang card niya sa cashier nang hindi inaalis ang paningin kay Calil. "I'll pay for three."

Nilingon ako ni Calil na may naiilang nang ngiti. Sabi ko naman sa kaniya, iba utak ni Aya. Daig pa niyan padre de pamilya.

Humuni ang mga ibon nang makaupo kami sa pang-apatang lamesa. Joke. Tahimik lang talaga kaming tatlo. Nahihiya ako kay Calil kaya hindi ako makadaldal nang maayos.

Ito kasing si Aya, ginan'on ba naman crush ko!

Nag-vibrate ang cellphone ko.

Tama nga ako na si Aya ang nag-text. Magkatabi lang kami nag-text pa.

Pasimple kong tiningnan 'yon habang hindi nakatingin si Calil na nasa harapan namin.

From Babe (Aya): Tayo lang ang may plano. Bakit sinama mo 'yan?

Siya ang nagpangalan sa contact niya.

To Babe: Nandito na, e. Hayaan mo na lang. He's nice, plus more chances for crushie!

Dudugtungan ko pa sana ang reply ko pero mula sa tabi ko, naramdaman ko na ang sama ng tingin niya. Natikom ko tuloy ang nakangiti kong labi kanina at nagkunwari na lang na pinapanood ang mga server na naghahatid ng meat at side dishes sa amin.

From Babe: Yuck.

Inismidan ko siya kaso nakita 'yon ni Calil kaya nagkuwari akong nginingitian si Aya. Ang arte niya kasi ngayon! Hindi naman siya ganito kapag nami-meet ang mga bago kong friends noon. Minsan nga inaaya niya pang uminom mga 'yon, e.

To Babe: Maging mabait ka muna kahit kaplastikan lang, usap mamaya. Lagot ka sa 'kin.

Nginisian niya lang ako at saka naglagay ng mga karne sa griller gamit ang chopsticks niya. Ganoon na rin ang ginawa ni Calil. Maglalagay na rin sana ako ng sa akin kaso pinigilan ako ni Aya.

"Busog pa ako sa niluto mo. Ikaw muna bubusugin ko," walang pakialam na sinabi niya.

Nag-angat ng paningin si Calil sa amin. "Iisa kayo ng place?"

"Hindi-"

"But I have access," sinapawan ako ni Aya. "She cooks for me when I am there. Ang sarap nga niya, e. Magluto."

Napalunok ako at awkward na tumawa mag-isa. "We're BFFs you know, normal sa 'min."

Ngumisi lang si Aya at pinaglagyan ako ng meat. Pinagbalot niya rin ako ng karne sa lettuce. Noong umiling ako puwersahan niyang sinubo sa akin 'yon.

Kainis naman, e! Ayaw kong ngumanga nang malaki sa harap ng crush ko! Hindi ba makuha ng babaeng 'to 'yong clue ko?

Lahat ng niluto ni Aya sa plato ko lang niya nilagay. Halos hindi siya kumakain kaya bumawi ako. Pinagbalot ko siya ng karne sa lettuce at nilagyan ko 'yon ng kimchi para lumaki.

Sinubo ko sa kaniya 'yon pero wala namang pagrereklamo sa mukha niya. Natuwa pa yata siya! Ang weird niya talaga ngayon.

"Sobrang close kayo 'no?"

Naagaw ni Calil ang atensiyon namin. Napakamot ako sa ulo ko sabay inom ng tubig.

"Ilang taon na kayo?" dugtong niya.

"Mag-6 years na!" Ako ang sumagot.

"Matagal na pala... since senior high? Paano kayo nag-meet?"

Nanatiling tahimik si Aya na nagluluto ng meat. Gabundok na yata 'yung mga karne sa plato ko.

Kinuha ko ang ilang nilagay niya para ilagay sa plato niya. Tiningnan ko siya nang masama nang makita ang pagtutol sa mga mata niya.

"Kumain ka," banta ko.

Ngising-ngisi siya habang nginunguya ang karne na nilagyan ko ng cheese sauce.

"Second day of school noong Grade 11 kami nang nilapitan niya 'ko sa upuan ko. Extrovert yata 'to kaya pati nananahimik na tao dinadaldal," kuwento ko.

Umismid si Aya sa akin.

"May mga gan'on siguro talaga. Mga souls na biglang magki-click, biglang maiisip na dapat lapitan 'yong tao kasi may potential sa buhay natin."

Natigilan sa pagkain si Aya.

"So, 'yon ba reason kaya nilapitan mo siya?" Ikinabigla kong para kay Aya ang tanong ni Calil. "Soulmates siguro kayo."

"Naawa lang ako," sarkastikong sinabi niya. "Walang kumakausap sa kaniya. I did the right thing to do... to not let her be an outcast. But I only got embarrassed 'cause she didn't answer me when I asked why she wasn't interacting."

Naningkit ang mga mata ni Calil saka siya natawa. "You remembered the details well, ha?"

"'Cause we only remember two things per person... on how we met and how we part ways with them."

Nalaglag ang panga ko sa matalinhagang mga salita ni Aya. Wow, bago 'yon! Ngayon ko lang nakita side niyang ganito! Ang talino pakinggan!

May point siya, 'no? May mga maaalala pa tayong ilang details pero ang pinaka-memorable, kung paano natin nakilala 'yong tao at kung paano tayong nahiwalay sa kanila.

Natapos ang pagkain namin sa ilang tanungan tungkol sa mga kurso at plano naming tatlo sa buhay. Nag-insist ako na ihatid namin ni Aya si Calil pero tumanggi na siya. Susunduin daw siya ng isa niyang friend kasi mag-iinuman sila.

Sa kotse naman habang bumabyahe kami papunta sa condo ko, tahimik lang si Aya.

Nang pumasok kami sa parking lot, doon na ako nagsalita. "Bakit gan'on ka kay Calil? Ayaw mo ba sa kaniya?"

"Wala lang ako sa mood." Humigpit ang kapit niya sa manibela nang mag-park siya. "Naiinis ka sa 'kin?"

"Alam mo namang crush ko 'yong tao," sagot ko.

"That's why I tested him. Ngayon alam mo nang may sense siya at willing to pay-"

"Ang sarcastic mo."

"Am I?" Natatawa pa siya. "Okay, next time 'wag na lang kaming magsama. If you want to date him, go for it. Pero sana 'wag kang nagsasama ng iba sa plano natin."

"Ano bang masama?" tumaas ang boses ko. "Dati naman puwede, ah? Maayos pa 'yong treatment mo sa kanila! Bakit kay Calil, iba ka?"

"Fine!" sigaw niya pabalik. "Naninibago lang ako. Hindi ako sanay na may lalaking dumidikit sa 'yo. Also, he's not just someone. He's your crush and it threatens me. Baka biglang makalimutan mo na ako. The smile you gave him shows fulfillment."

"Aya, I won't forget that I have a best friend! Kahit maging kami pa!"

Bumuntong-hininga siya. "I had already explained my side. Enough about this. Ayaw ko nang makipagtalo."

"Baka mamaya umuwi ka na naman sa condo ko nang lasing?" sarkastiko kong sinabi.

Natigilan siya at mukhang hindi nagustuhan ang tono ko. "Ha! Okay, sa iba ako uuwi. You can leave the car now."

Unti-unting nag-sink in sa akin ang sinabi ko. "S-sorry... I didn't mean it that way. Concern lang ako."

"Just leave," malamig niyang sinabi.

"Aya, please."

"Kung nakakaabala ako sa 'yo, sige hindi muna ako magpapakita. Magiging busy rin ako, by the way. Nakalimutan ko lang na hindi pala dapat sa 'yo umiikot ang mundo ko."

I was about to call her name again to get her attention but she still looks mad. Wala akong magawa kundi lumabas sa sasakyan niya at sumakay sa elevator nang may pagsisisi.

Hindi ito ang unang beses na nagkatampuhan kami, pero hindi ganito kalala ang mga 'yon.

Bigla akong tinamaan ng takot.

Mukhang nagalit ko talaga siya.

"PUMASOK si Aya?" tanong ko.

Napalunok ang kaharap kong kaklase niya. Ang natatandaan ko, Justine ang name nito. Madalas ko silang makitang magkasama ni Aya.

One week nang hindi nagpapakita sa akin ang babaeng 'yon. Tinotoo niya nga ang sinabi niya. Sinubukan ko na siyang hagilapin sa condo niya pero walang sumasagot doon at iba na rin ang password ng pinto.

Sobrang galit ba siya sa akin para pati 'yon ibahin niya? Ayaw niya akong makapasok? Hindi na 'yon pagiging busy, e. Umiiwas na siya.

Sinilip ko ang likuran ni Justine. Pilit niya namang hinarangan ang pinto.

My bad, nakita ko na si Aya na walang pakialam na nakaupo sa desk niya at nakatingin sa blackboard.

"Sorry," ani Justine. "Ayaw kasi niya ng kausap."

O baka ako lang ang ayaw kausap? Pinabango pa.

"Puwedeng pumasok?" Hindi ko na hinintay ang pag-oo ni Justine. Mukha namang vacant sila kaya pinasok ko na ang classroom. "Hanggang kailan 'to?"

Mula sa lamesang kinauupuan ni Aya, walang reaksiyon niya akong binalingan. Hindi siya sumagot.

"Hanggang birthday ko ganito tayo?"

Bumakas ang realization sa mukha niya. Nakakainis na ibinalik niya lang sa walang pakialam ang ekspresiyon niya.

"Aya, ano ba?!"

Lumingon na sa amin ang iba niyang kaklase sa lakas ng boses ko.

Napabuntong-hininga siya. "Malapit na next class namin. Kung ayaw mong maabutan ng prof, umalis ka na."

"E 'di, maki-sit in!"

"Abby," malamig niyang sinabi. "I want you to leave me alone for now. Your presence... it triggers me."

Nagsalubong ang kilay ko habang nagluluha ang mga mata ko nang unti-unting manuot sa akin ang sinabi niya.

"Nakaka-disappoint ka..." basag ang boses kong sinabi. "Kung kailan kailangan kita, Aya."

Tinalikuran ko siya kasabay ng pagpunas ko sa mga mata ko. Sinubukan kong pigilan ang paghagulhol ko pero nasaktan ako. Masakit sobra.

Hinabol ako ni Justine pero inilingan ko siya. I need some time alone... or maybe a lot of time. Wala na akong gana, e. Gusto kong mainis at magalit pero ngayon, lamang 'yong sakit. She's being too much. Hindi ko maintindihan kung anong problema niya sa akin. Kung dahil lang 'to kay Calil, hindi worth it. Hindi worth it masira ang friendship namin dahil lang sa lalaki. Pero anong gagawin ko? Ayaw niya akong pakinggan.

Umupo ako sa bench at nilapag ang librong binabasa ko. Wala akong maintindihan dahil panay ang paghikbi ko. Mahirap pa magpatuyo ng pages na pinatakan ng mga luha ko.

Sa anim na taon, ito yata ang unang beses na pinaiyak niya ako. Nakakainis. Gusto kong makipagsuntukan na lang sa kaniya para makabawi ako sa pananakit niya emotionally!

Hindi naman siya ganito, e. Mas mataas nga yata 'yong emotional intelligence niya kaysa sa akin. Tapos ipagdadamot niya ngayon!

Lalo akong napahagulhol nang makita ang 'itsura ko sa salaming nilabas ko sa bag. Ang pangit ko lalo! Magulo ang buhok ko at kalat pa ang makeup ko!

Binalik ko ang salamin sa bag ko at umunan sa lamesa. Tinuloy ko ang pag-iyak ko, tutal hindi naman na mapipigilan 'to.

Puro mura ang lumalabas sa isip ko, pero hindi ko minumura directly si Aya. It was the situation. Something happened I am sure. Hindi niya ako babalewalain kung walang nangyari.

Was it because she was leaving? Sinasanay niya na ang sarili niyang wala ako? Paano ako? Ako ang maiiwan.

Despite my compassion, I was still mad.

Nag-text ako sa kaniya.

To Babe: Is this a friendship breakup now? Answer me.

Sa loob ng isang linggo, ilang messages na ang na-send ko sa kaniya pero walang kahit isang sagot. Akala ko ganoon din ngayon... pero nag-reply siya.

From Babe: I don't have the time.

To Babe: I will give you a minute, once you don't answer, we're over.

Lumipas ang mga minuto pero wala na siyang reply. Ganoon na lang? Wala na talaga siyang pakialam sa akin? I am not worth her time anymore?

To Babe: I will delete your number now and block you from my socials!

Gaya ng text ko, binura ko ang number niya pati ang messages namin na hindi ko na mabilang. Pinuntahan ko ang mga account ko online para i-block siya.

Kung wala na siyang pakialam, I will do the same!

Unknown: I have a damn exam, Abby.

Unknown: Muntik na akong mahuli ng prof.

Unknown: Wait for me, thirty minutes.

Hindi ko sinagot ang message niya. Naupo lang ako sa bench at tiningnan ang mga halaman. Puro magkakaibigan yata ang natatanaw ko ngayon? Para namang joke.

Unknown: Nasaan ka?

Unknown: Did you go home? Pupuntahan kita.

Unknown: Did you just block me with all of your accounts?

Unknown: Fine, I'm sorry. Unblock me.

Unknown: Abby, isa.

Nag-reply ako nang hindi na makatiis.

To Unknown: No!

Hinintay ko na mag-reply siya ulit pero wala na akong na-receive. It made me want to tear up more. Natututo na akong gumanti. Hindi naman ako ganito.

To Unknown: Reasonable naman ang ginawa ko, ah? You hurt me! You made me mad! Binalewala mo na malapit na ang birthday ko! You don't want to be with me anymore. Akala ko ayaw mong makalimutan kita? But you're the one who's doing it now. Ang gulo mo. Ang gulo ng ginagawa mo sa 'kin!

Unknown: Okay, let's talk. Tapos na exam ko.

To Unknown: No! Uuwi na ako. Gawin mo na lang palagi mong ginagawa. Get drunk and be with guys, then knock at my condo so I can take care of you, and cuddle me on my bed, then the next morning do the same again! Sawa na ako.

Unknown: Careful, you're hurting me.

To Unknown: You're always taking advantage of me. Sometimes I am your friend, then you'll treat me like a lover, tapos ipagdadamot mo ako sa iba. The next day, may iba ka ng lalaki na nakilala mo lang kung saan. Kapag bored ka, ako ang paglalaruan mo. I just introduced you to a guy, parang may malaking kasalanan na akong nagawa agad. This is toxic, Aya.

To Unknown: If you were hurt, I am too. Parang gano'n na lang kadali sa 'yong isantabi ako at balewalain.

Unknown: Just tell me where you are. Kanina ko pa iniikot ang campus, shit.

Bago pa man mangyari ang iniisip ko, hinablot ko na ang bag ko at tinakbo ang gate. Dumiretso ako sa malapit na convenience store para magtago roon. Katapat lang 'yon ng campus kaya tanaw sa loob ang gate.

Nakita ko siyang lumabas doon pero hindi ako nagpakita. Mariin siyang napapikit at nagmamadaling sumakay sa kotse niyang naka-park sa bakanteng lote.

I guess I can't go home for now.

Nagpasya akong pumunta sa parke ng bayan. Walking distance lang 'yon mula sa campus.

Kailangan ko ng hangin.

Nakailang lakad ako bago ako naupo sa swing habang unti-unting nagiging madilim ang kahel na langit. Sinulyapan ko ang suot na relo. Alas siyete na pero wala pa akong balak umuwi.

Nalaglag ang panga ko nang makitang may mga text si Aya.

Unknown: Nasa pinto na ako ng condo mo.

Unknown: Ilang doorbell pa ang gusto mo?

Unknown: Okay, I'll buy you your favorite soy garlic wings. Open this door.

Unknown: I am back with your food. Buksan mo na 'to.

Unknown: Just reply, please.

Unknown: Your neighbor just told me you're not home yet. Nasaan ka ba?

Unknown: You're making me worried.

Unknown: Fine, I'll come and find you.

Hindi ko napansing tumutulo na ang luha ko habang isa-isang binabasa ang messages niya.

"Tapos na ba ang tantrums mo?"

Tiningala ko siya na nakauniporme pa rin gaya ko, dala ang paper bag mula sa paborito kong restaurant.

"Here..." Inabot niya sa akin 'yon. "Kung gusto mo rito... dito tayo magdi-dinner."

Nagtuloy-tuloy ang pag-iyak ko. Umupo naman siya sa tabi ko at matiyagang pinunasan ang bawat patak ng luha ko gamit ang hinlalaki niya.

"Tahan na..."

It reminded me of the past when we were just classmates and not yet friends.

"ANG POGI!" Hinampas ko ang katabi kong si Quin. Grade 11 kami that time at may crush akong lalaki na Grade 12. Type ko kasi 'yon, matangos ilong, maganda mga mata, moreno, at matangkad! "Grabe kahit titigan ko lang siya busog na ako."

Natawa ang mga kasama ko habang kumakain kami sa Canteen.

Katabi ko si Aya noon, may kasabay kasi siyang classmate namin kaso wala nang upuan kaya nag-insist siya na tumabi na lang sa akin. Hindi nga siya makatingin nang diretso, e.

Akala ko tuloy may dumi ako sa mukha-which is hindi puwede! Baka may chance na lingunin ako ni crush at makitang ang dugyot ko!

"Sa 'yo na lang..." bulong niya. "Kumakain ka ba nito?"

Bumagsak ang paningin ko sa fried chicken na binibigay niya. Bakit niya pa in-order kung hindi pala niya kakainin?

"Bakit? May dugo?" Tinusok ko ng tinidor 'yong chicken. "Gusto mo alisin ko na lang para makain mo pa rin..." Humina ang boses ko nang mapagtantong wala namang diperensa 'yon. Kung sa lasa naman, paano? Hindi pa nga niya tinitikman.

Tiningnan ko ang lugaw na kinakain ko. Bagay naman siguro rito 'yong pritong manok niya.

"Ayaw ko lang, sa 'yo na. May binili pa naman akong ibang ulam."

Pinigilan ko ang pagbabago ng ekspresiyon ko. Gusto ko ngang asarin na ang yaman niya naman kasi namimigay lang ng ulam, kaso hindi pa kami close. Ayaw kong maka-offend, 'no! Nagpasalamat na lang ako at nakipagchikahan ulit sa mga kasama ko.

Hindi ba siya nawiwirduhan sa sarili niya? Titig na titig siya masyado sa akin.

Kakagatin ko na sana 'yong pritong manok na bigay niya nang hampasin ni Quin ang kamay ko. Sinenyas niyang ibalik ko sa platito 'yon dahil nakatingin daw ang crush ko!

Siyempre ginawa ko agad para 'di mukhang masiba, tapos sinulyapan ko ang lamesa ng crush ko. Nagtawanan sila ng mga barkada niya. Napatingin na rin doon si Aya at ang mga kasama niya na mukhang hindi nagustuhan ang reaksiyon ng mga Grade 12 sa akin.

"Crush mo ba 'yan?" biglang tanong ng katabi ko.

"Pogi naman, 'di ba?" Tuluyan kong kinain ang manok nang mawala na sa amin ang paningin ng crush ko.

Tipid lang siyang ngumiti at kumain na tila sinasadyang sabayan ako.

Noong sumunod na araw, nakita ko na si Aya at 'yong crush ko na nasa hallway. Namumula ang crush ko. Poker face naman si Aya.

Alam ko ang ganoong kilos, hindi naman ako sobrang inosente o tanga.

Alam kong umaamin ngayon ang crush ko sa kaniya. May bulaklak at chocolate pa kahit wala pang Valentine's Day.

Naaalala ko pa kung paanong nagtama ang mga mata namin ni Aya. Wala siyang reaksiyon pero para bang gusto niyang umalis na ako para hindi ko makita ang nangyayari.

Iyon siguro ang first heartbreak ko.

I envied her for being so beautiful.

Hindi ko 'yon masyadong dinibdib. Marunong naman akong tumanggap ng pagkatalo. Kung gusto nila ang isa't isa, anong gagawin ko? Saling-pusa lang naman ako na may gusto sa lalaking 'yon.

Nang mag-uwian nang araw na 'yon, hindi ko na hinintay si Quin at ang mga kaibigan niya. Atat na atat akong umuwi dahil masakit ang puso ko. Kaso 'yong iniiwasan ko... nasa hallway at makakasalubong ko pa.

Nagtama ang mga mata namin ni Aya. Umayos agad siya sa pagtayo mula sa pagsandal sa pader ng katapat niyang classroom.

Kinabahan ako noon, inisip ko kasing bubuksan niya ang usapan tungkol sa kanila ng crush ko kaya niya ako inabangan. Mali pala ako.

Dahil ang sinabi niya, "Sa terminal ka rin sumasakay? Puwedeng sumabay?"

Doon na kami kumain sa isang resto na libre niya. Inisip ko pang pampalubag loob 'yon pero mas interesado raw siya sa akin, sabi niya. Ganoon siya ka-weird sa paningin ko noon.

Nahuli niya akong umiiyak sa plaza nang mag-weekend. Ewan ko ba kung bakit siya nandoon. Basta umupo siya sa bench para matabihan ako.

Iyon din ang eksaktong sinabi niya, "Tahan na..."

Hindi ako nagsalita.

"Huwag mong iyakan 'yon. He doesn't deserve you."

"Paano mo nasabi? Kasi mas deserve niya ng better? Gaya mo?" Pinunasan ko ang mga mata ko.

"He deserves no one unless he changes for the better." Bigla siyang ngumiti. "Sinampal ko siya kanina sa loob ng mall."

"H-ha?!" Gulat ko siyang tiningnan kasabay nang tuluyang pag-udlot ng mga luha ko.

"May sinabi siyang hindi ko nagustuhan, e. Nakipagkita lang naman ako para patigilin siya sa panliligaw formally. I never gave him my permission, tho."

Hindi ako nakapagsalita dahil ang nasa isip ko lang, kung gaano siya kabayolente.

"Sinasampal ko lang naman 'yong deserving. You look scared now." Natawa siya.

Ngumuso ako.

"Huwag mo na siyang lalapitan, ha?"

"Bakit naman?" tanong ko.

"You'll get hurt if I tell you. So, just pretend you don't know him."

"Kung sinampal mo siya sa mall..." alanganin kong panimula. "Baka may nag-video sa inyo. Kapag umabot sa parents mo..."

"Busy sila, hindi nag-i-internet. Ayaw nila n'on? Sisikat ako." Natawa na naman siya sa sarili.

Pero this time, natawa rin ako.

Napangiti siya nang makita ang mukha ko. "Ang ganda-ganda mo, umiiyak ka lang dito. Gusto mong mag-arcade? Libre ko hanggang pamasahe mo pauwi."

"Mayaman ka ba?" Hindi sinasadya kong naitanong. "Lagi mo akong nililibre, e."

"Gusto ko lang ng kaibigan. I chose you."

"Kaya dapat matuwa ako?" inosenteng tanong ko.

"Hindi, basta kung hindi ka nag-i-enjoy kasama ako puwede namang... hindi mo ako piliin pabalik."

Napaisip ako habang nakatitig sa kaniya. "Ikaw nga yata ang hindi naaaliw sa akin. Tahimik ako, hindi kasing energetic mo."

"Kaya nga gusto kita-" Natigilan siya. "I like your personality, I mean. Opposite attracts, we won't clash."

Mapait akong napangiti matapos ang alaalang 'yon. We won't clash pala, ha.

We did, Aya.

KUMAIN kami nang gabing 'yon sa parke pero hindi na siya muling nagpakita sa akin pagkatapos. Pinaniwala ko na lang ang sarili kong busy siya dahil graduating kahit dalawang buwan na ang dumaan.

Isang semester na lang graduate na siya.

Ibig sabihin lang, malapit na rin siyang umalis.

Of course, iniisip ko ring sana sa akin niya ginugugol 'yong mga free time niya-pero ayaw kong maging selfish. May iba pa siyang barkada na dapat niyang samahan para sa natitirang mga buwan niya rito. Hindi lang naman ako ang puwede niyang ma-miss kapag wala na siya.

Kung mami-miss niya pa ako pagkatapos ng nangyari.

"Gusto mong kumain somewhere?" si Calil nang makalabas kami ng classroom. "Let's treat ourselves! Deserve natin 'to after finals, right?"

"Parang busog pa yata ako, e." Inayos ko ang pagsakbit sa aking backpack.

"Mamasyal na lang tayo? Pampanga, tapos uwi rin agad."

Umiling ako. "Ano bang matagal ko nang hindi ginagawa?"

Hinayaan niya akong mag-isip hanggang mapadaan kami sa building ng ibang colleges. Sa laki ng campus mapapagod muna kaming maglakad at maiinitan muna bago makarating sa pupuntahan.

Sa isip lang ako nagrereklamo sa init pero may payong nang lumilim sa akin. Kay Calil pala 'yon, boy's scout yata 'to noong high school.

"Punta tayo sa nightclub?" suhestiyon niya.

Doon ako nabuhayan. "Tama! Tagal ko nang hindi umiinom at lumalabas. Magbibihis muna ako tapos kita na lang tayo?"

"Susunduin na lang kita." Pabiro siyang kumindat sa akin.

Sabay naman kaming napahinto sa gate nang makita ang kotse ni Aya. Kapapasok niya lang doon at kahit nakita ako, hindi niya ako pinansin.

"Tagal niyo nang hindi nagpapansinan, ah." Tinanaw ni Calil ang pag-alis ng kotse ni Aya. "Hindi talaga kayo magkaaway?"

Umiling ako. "Hinatid niya pa ako noong nakaraan, busy lang."

"Sobrang busy na hindi makapag-hi man lang da BFF niya?" may diin niyang tanong.

Mapakla akong ngumiti. "Tingin ko nagfo-focus siya kasi graduating. Bilang kaibigan niya, ang gagawin ko na lang, intindihin ang time niya para sa sarili niya at sa mahahalagang bagay na dapat niyang gawin."

"Anong definition ng best friend para sa 'yo?" tanong niya. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa terminal para sumakay ng bus. Halos routine na namin 'to araw-araw. "Someone na laging nandiyan para sa 'yo?"

"Puwede..." bulong ko. "Pero para sa 'kin, more like taong comfort mo. Mahal mo platonically. Concern ka sa buhay niya. Willing to take care of them when the world betrayed them. Unconditional ang mga ino-offer mo. Hindi mo kailangan ng something sa kaniya. You just want them to be happy and succeed in life. A good friend claps for their friend in victories and offers their shoulders in failure. Hindi laging kailangan na nandiyan, basta nasa puso lang ang mga bagay na 'yan. Because at the end of the day, may sarisarili tayong buhay. Hindi tayo palaging buo para laging maging nandiyan para sa kanila."

"May sense naman 'yong definition mo, realistic. Malalim."

Nagkangitian kami at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Gaya ng usapan namin, nag-half bath ako at nagpalit ng damit. Nasira kasi 'yong blower ko last week kaya para mas madaling i-style ang buhok ko, hindi ko na lang binasa.

Nagsuot ako ng fitted na black dress, tube top 'yon at hanggang kalahati ng hita ko ang haba. Sinuot ko ang friendship necklace namin ni Aya at ang relo na binili niya sa akin bago kami mag-start sa college, para raw lagi akong on-time kapag may plano kami. Mamahalin 'yon kaya matagal daw masira. Totoo naman, hanggang ngayon buhay pa 'to. Siyempre, iningatan ko rin para magtagal! Sentimental kaya akong tao.

Pagkatapos mag-light makeup at ituwid ang buhok ko, sinuot ko na ang itim kong pumps at bumaba ng building dala ang maliit kong hand bag.

Nginitian ko si Calil na lumabas sa kotse niya. Medyo matipid siya kaya hindi dinadala araw-araw ang kotse niya, kapag gigimik lang daw para tipid sa gas.

Bigla kong naalala si Aya. Nagko-commute naman siya pero mas gusto niyang magdala ng sarili niyang sasakyan para kung saan-saan kami nakakapunta. Sinubukan kong magbayad para sa gas niya pero hindi niya talaga ako hayaan. Kaya binibiro ko siya ng daddy, e.

Pinagbuksan ako ni Calil ng pintuan sa front seat. Pumasok agad siya sa driver's seat para i-start ang makina ng kotse niya.

Ngumiti siya sa akin at sumulyap sa leeg ko. "Nice necklace..."

Tumango ako. "Infinity pendant gaya ng friendship namin. Infinite. Forever."

Nagsalubong ang kilay niya pero wala na siyang sinabi, imbis ay dumiretso na kami sa nightclub na alam niya. Malapit lang daw 'yon sa condo at babantayan niya naman ako. Sabi ko lang na iuwi niya agad ako kapag lasing na. Ayaw kong magkalat sa labas.

Alas siyete kami nakarating ni Calil sa Club, limang oras na yata kaming umiinom at sumasayaw kasama ang friends niya sa ibang universities. Ayaw ko pang umuwi dahil masyado akong naaliw sa mga kaibigan niyang babae na dinala ako sa dance floor, pinag-body shot, at pinakilala sa mga kakilala nila. Feeling ko malapit na akong maging social butterfly dahil sa mga trip nila.

Dinala ko ang inumin sa dancefloor at nag-shot bago nakipagsayaw kay Calil na may tama na rin. Nang manawa bumalik ako sa table para tingnan ang pinost kong pictures sa accounts ko. Marami nang nag-seen at nag-like. Ano kayo ngayon? Tapos na ang finals, so it's my time to shine!

Ibabalik ko na sana ang cellphone sa handbag ko nang may ma-receive akong chat.

@ayainézdiaz: Someone's enjoying...

Sandali kong tiningnan ang gawi ng mga kasama ko na sumasayaw pa rin sa dance floor. Maganda na pa naman ang mix na DJ.

@abbyisidro: Bawal?

@ayainézdiaz: You do have time for him, lucky guy. Btw, thank you for unblocking me.

Ang tagal ko na kaya siyang in-unblock! Ngayon niya lang ba nakita? As if matitiis kong hindi makita ang updates ng buhay niya.

Tiningnan ko ang ka-i-story niya lang na video.

Shit. She's here?

Oh wait, bakit ba ako kinakabahan?

@abbyisidro: You're welcome! Enjoy on the same club :>

@ayainézdiaz: I told you... can't party for now.

@abbyisidro: Bakit ka nandito? Nakita ko sa story mo.

@ayainézdiaz: Manunundo.

@abbyisidro: Sino?

@ayainézdiaz: Who else? You.

Paulit-ulit kong tiningnan ang chat niya.

@abbyisidro: Calil can take me back to my condo.

@ayainézdiaz: Gano'n ba? Sayang ang mga pasalubong ko.

@abbyisidro: Why ka may pasalubong?

@ayainézdiaz: Galing Baguio.

@abbyisidro: What.

@ayainézdiaz: I got you a strawberry jam. Your favorite.

Ngumuso ako.

@abbyisidro: Hindi mo ako pinansin kanina.

@ayainézdiaz: Gate? May kailangan lang puntahan.

@abbyisidro: Kahit "hi" lang or smile.

@ayainézdiaz: I can kiss you.

@ayainézdiaz: Pambawi.

@abbyisidro: That's not enough.

@ayainézdiaz: Oh? :o

Nalaglag ang panga ko nang ngayon ko lang ma-realize ang sinabi ko.

@abbyisidro: I mean, ayaw ko ng kiss. That's not enough.

Matagal bago siya nag-reply.

@ayainézdiaz: Okay, what do you want? I'm waiting in my car. Labas ka.

@abbyisidro: Your finals were over too, right? Sleep over.

@ayainézediaz: You missed me so much ;>

I chuckled. Napatingin tuloy ang mga kasama kong kababalik lang sa couch at nagtanong.

"Don't mind me," sabi ko.

@abbyisidro: I am cringing. Labas na ako. Humanda ka.

@ayainézdiaz: I'll wait.

"Aalis na ako." Tiningnan ko si Calil na katatabi lang sa akin.

Bumakas agad ang gulat sa mga mata niya. "Ang aga pa. May naghahanap na sa 'yo? Tara, ihahatid na kita."

"No! No..." tanggi ko. "Aya's outside. May biglaang plan kami. Bye!"

Nag-insist pa si Calil na ihatid ako pero desidido akong lumabas mag-isa. Excited lang akong makita si Aya. 'Tong babae kasing 'to! Nagpa-miss pa.

Nang makita ko ang kotse niya. Tinakbo ko agad 'yon at pinasok. Nagsalubong ang mga kilay ko nang hindi makita si Aya sa passengers seat.

Baka may pinuntahan lang o may nakitang kakilala sa labas?

May pagtatampo akong nagkrus ng mga braso habang naghihintay sa kaniya.

"Hi?"

Muli akong mabuhayan nang makitang binuksan niya na ang pintuan ng driver's seat. May dala siyang kulay green na bouquet ng tulips.

"Ang aga naman ng manliligaw mo," sabi ko.

Pumasok siya sa loob at inabot sa akin ang bulaklak. "No, this is for you. Medyo na-late lang ng delivery."

"Ano?" Natatawa kong kinuha ang bouquet at binuklat ang card. "Ano 'to pang peace offering?"

Binasa ko ang nakasulat.

I'm sorry :<

"Corny!" hiyaw ko. "Pero salamat! First flowers ko 'to from... first flowers lang talaga."

"Talaga?" Binuhay niya ang makina ng sasakyan. "I like it. I am your first."

Nag-make face ako at bahagyang umidlip dahil masakit pa ang ulo ko habang yakap ang bouquet na bigay niya. Sweet naman talaga si Aya, three times lang yata ngayon. Ganito siguro talaga kapag may kasalanan.

"Almost six months na lang aalis ka na," ani ko nang makarating kami sa condo at magising ako.

"Matagal pa." Pinag-alis niya ako ng seatbelt at pinagbuksan ng pinto nang makalabas. "Let's go, I'll cook us a late dinner."

Naglinis ako ng katawan at nagpalit ng damit. Pagkatapos lumabas ako ng kuwarto para puntahan si Aya sa kusina. Pasta ang niluluto niya dahil doon siya magaling. Kinuwento niya sa akin na nag-aral siyang magluto ng mga ganoon after niya ma-inspire sa kinainan naming resto noong senior high school pa kami. Pati siya naaalala pa 'yon.

Ang bango palagi tingnan ni Aya. Maybe it's because of how she styles herself or just because it's natural to her. Nakasuot lang siya ng jeans, puting tube top, coat, at heels ngayon. Palagi siyang naka-corporate attire, parang CEO ng kompaniya na naligaw sa tourism at gumagala sa campus.

Naglakad ako papunta sa kaniya at wala sa sariling niyakap siya mula sa likuran. Naramdaman kong natigilan siya pero hindi ako nagpaapekto, mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kaniya at mas diniin ang aking sarili.

I still have this fear... that when the time comes I won't be able to let this woman go.

Palibhasa mas tumangkad sa suot na heels, halos tingalain ko siya nang bahagya niyang kalasin ang mga braso ko sa beywang niya para harapin ako.

"L-luto na 'yong sauce at pasta." Parang wala lang sa kaniya ang pagyakap ko.

Nagpatuloy siya sa ginagawa. Inayos niya ang countertop at nilagay roon ang pasta at roasted chicken na niluto niya. Naglagay siya ng dalawang plato at wine glass para sa amin. Bumili kasi siya ng strawberry wine.

Walang gana akong umupo sa high chair habang pinapanood siya na hindi ako tinatapunan ng tingin.

Umupo siya sa tabi ko at pinaghain ako. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa kaniya dahil may gusto akong malaman.

"Kumain ka na," may kalamigan niyang sinabi.

Napabuntong-hininga ako bago sumubo ng pasta at chicken. Ang sarap ng pagkaluto niya sa sauce. Ganito ang timplang gusto ko, kuhang-kuha niya.

"Try this..." Sinalinan niya ako ng wine sa baso.

Kinuha ko 'yon at inamoy, pero nang iinumin ko na sana tumapon 'yon sa suot kong puting camisole. Magmamatsa 'to. Mahihirapan akong labhan.

"You should have been extra careful." Kunot-noo niyang pinunasan ang damit ko gamit ang tissue pero walang nangyari, bukod sa natigilan siya nang mapagtantong nasa kaliwang dibdib ko 'yon. Bigla siyang nailang, kitang-kita 'yon sa mga mga mata niya. Hindi naman siya ganito noon kapag nahahawakan ako. "Magpalit ka na lang."

"May itatanong ako..." Iniba ko ang usapan.

Kunot pa rin ang noo niya nang lingunin ako.

"Did you really talk to me that day because you pity me... or there was something else?"

Naguguluhan man, unti-unting rumehistro sa mga mata niya ang tanong ko. Bumuntong-hininga siya bago kumuha ng tissue para punasan ang labi ko.

"What else could be the reason?" sarkastiko niyang sagot.

"Sabi mo sa 'kin dati... interesado ka sa 'kin."

"Sinabi ko 'yan?" tanggi niya.

"Aya..." tawag ko.

"Magpalit ka na," iwas niya. "We'll watch movies."

"Aya, do you like me?"

Natahimik siya at nagtagal ang paningin sa mukha ko. Pati ang pagpunas niya sa labi ko naudlot. "Would we be best friends if I don't?"

"Hindi 'yon," pilit ko. "Something like..."

"Like?"

"Nevermind," pigil ko sa sarili.

Nanatiling tahimik si Aya.

Nababaliw na yata ako. Kung anu-ano kasing naiisip ko.

"Magpapalit na ako." Bumaba ako sa upuan at umastang tatalikod nang magsalita siya.

"I like you that I don't want boys like Calil to have you because I am jealous?" dinugtungan niya ang tanong ko kanina.

Huminto ako at pumihit para harapin siya na nakaupo pa rin at nakapatong ang braso sa countertop.

"I like you that I wanted to kiss you and ask you to be my girlfriend?"

Tila pinipiga ang puso ko habang pinapakinggan siya.

"I do, Abby. Ever since I sat beside you... because I liked you since I first saw you." Napangiti siya. "But we're friends. Friendship lasts more than romantic relationships, I believe. So, I want us to just settle as friends. Also, you are interested in boys."

"Bakit ka..." paos kong sinabi. "Kung gusto mo ako bakit ka... the boys you dated..."

"You must know the answer now." Umiwas siya ng tingin. "See? Leaving after graduation was a good decision for us, right?"

"A-ano?" Naluluha kong sinabi. "So, you planned to not come back all along? Alam mong hindi ako makakasunod, 'di ba?"

Hindi siya sumagot, senyales ng pag-oo. Bumaba siya mula sa upuan at lumapit sa akin.

"Six years and you just wanted to run away from me?!" galit na sinabi ko.

"Gusto mong magpakasal at magkapamilya. I can't give you that. What's the point in sticking beside you? Sorry, pinatagal ko pa bago ako matauhan."

Napailing ako. "Ang daya mo."

"To be fair, tell me what do you want?"

"Alam mo, gusto ko na lang magmura." Natawa ako habang nagsusunod-sunod ang pagpatak ng aking luha. "You bitch-"

She crashed her lips onto mine as she pulled me by my waist to feel my body. Nagulat ako pero hindi ko siya pinigilan. Hinayaan kong halikan niya ako nang marahas sanhi ng pagkasabik.

Humigpit ang pagkapit ko sa magkabila niyang balikat nang bumaba ang malambot niyang labi sa leeg ko.

This woman...

Dinikit ko pa ang sarili sa kaniya nang ipasok niya ang kanang kamay sa suot kong camisole. I wore nothing underneath so it was easier for her to roam around my skin.

Kinagat ko ang labi ko nang itaas niya ang top ko para angkinin 'yon nang tuluyan. Unti-unti niya akong inalalayan papunta sa sofa habang hindi humihinto sa ginagawa.

I was already half-naked when I lay on my couch. Pumatong siya sa akin at puno ng pagnanasa akong pinagmasdan.

"I'll do you a favor for now... but this will be our first and last, Abby."

Hindi ko siya pinakinggan imbis ay mas hinapit siya papunta sa akin para muling matikman ang labi niya. Every kiss we shared made me run out of breath.

I let her do everything because if this would be our first and last, it should be worth it.

NAGHIYAWAN ang mga estudyante na nakakita sa senaryong nagaganap sa hallway ng classroom namin. Ang alam ko sinampal niya na 'yong crush ko, bakit may pa-flowers at paharana pa ngayon? Parang sinusuyo si Aya kahit siya 'yong nanampal.

Ano ba kasing reason bakit niya sinampal si Marv?

Nakatayo lang si Aya habang hinihintay na matapos 'yong harana. Ako naman, nakatago sa likod ng mga kaklase namin na nagsilabasan para manood at mag-cheer.

Pero ngayon, ang atensiyon ko na kay Aya imbis na kay Marv na dati kong crush. Patay na patay pa ako noong isang buwan sa kaniya, kadiri.

"Puwedeng 'wag mo na 'tong ulitin?"

Natahimik ang lahat nang 'yon ang isagot ni Aya. Ang talim kasi ng tono niya. Halatang ayaw niya sa ginawa ni Marv.

"Alin dito 'yong 'di mo gusto? Actually, I prepared a lot of songs. Bukas ulit," ani Marv.

"Please, I don't want to be rude here." Bumaba ang mga mata ni Aya sa bungkos ng bulaklak. "I don't want to waste your effort but I don't like this either. Salamat sa paghanga, Marv. I just want to focus on myself and my studies first."

Tila teleserye naming pinanood ang pag-walk out ni Aya at ang pagkalumo ni Marv. Naghalo-halo ang mga komento ng nasa paligid ko. E ako, hindi ko alam ang ire-react ko. Hindi rin naman required kasi nakikinood lang ako.

Umalis ako mula sa alon ng mga estudyante para sundan si Aya na nilagpasan si Marv. Hindi ko rin alam kung bakit susundan ko siya, basta gusto ko lang.

"Oy," ani Marv.

Kahit gusto kong magmadali para maabutan si Aya, natigilan na ako, e. Sapaw naman.

"Suwerte mo sa kaibigan mo," dugtong niya. "Siguro kaya ayaw n'on sa 'kin kasi umepal ka."

"Ha?" Natatawa kong tinuro ang sarili ko.

Wala nga akong ginagawa, paanong ako ang hadlang sa kanila? Puro delusiyon naman 'to.

"Kasalanan mo kaya ako sinampal, kasalanan mo kaya ako nabasted. Ewan ko, sino ka ba para kay Aya. Nakakabadtrip lang," paninisi niya, obviously.

"I forgot you..."

Sabay naming nilingon si Aya na magkakrus ang mga braso at walang ganang tiningnan si Marv bago ako.

"Kita mo?" pabulong pang sinabi ni Marv.

Ang malisyoso ng isip nito. Gusto lang ng kaibigan ng babaeng gusto niya. Malay ko bang ako pipiliin ni Aya na kaibiganin? Ewan ko ba kung anong nakita niya sa akin? Kung makapagsalita 'to akala mo pinilit ko sarili ko kay Aya.

Lalapitan niya na sana ako para hilain sa pulso pero nilagpasan ko na siya.

Masakit sa puso at naiinis ako pero hindi ako napaiyak niyon. Puro pagtatanong lang ang nasa isip ko kung bakit nga ba mahalaga ako kung ituring ni Aya-na pati iba nagtataka.

Naalala ko noong unang taon namin sa kolehiyo. Sabay kaming pumasok kahit dalawang oras pa bago ang klase niya. Sabi ko kasi, kinakabahan ako. I need emotional support!

Hinintay niya akong matapos hanggang alas dose para sabay kaming mag-lunch. Hinarang kami ng mga naging classmates niya, gustong kunin si Aya sa akin kasi kakain daw sila sa malapit na resto. Para akong hangin na hindi pinapansin ng mga kaklase niya.

Kulang na lang ipagtulakan ko siya para sumama sa mga 'yon, but in the end, she chose me.

"Dapat sumama ka na lang. Classmates mo mga 'yon ng buong taon. Sayang opportunities na makahanap ng colleagues," hanash ko habang kinakain ang silog na in-order ko.

"You should find colleagues first," ani Aya. "Para kampante akong iwan ka sa campus."

Ngumuso ako. "Seryoso 'yong classmates ko sa pag-aaral."

"You're in a competitive course, Abby."

"Pero first year pa lang naman," sagot ko.

"Baka gusto nilang ma-DL agad. Malaking factor 'yon."

Nanahimik ako at natuloy-tuloy sa pagsubo. The next thing I felt was her palm caressing my ponytailed hair while she was drinking her iced tea in a straw.

Nakaramdam ako ng comfort at security noon. Kasi pakiramdam ko laging may sasalo sa akin-at si Aya 'yon. Akala ko palagi lang siyang nandiyan pero hindi pala. Darating pala ang araw na kailangan niyang mawala.

"Esperar! Esperar!" pigil ko sa mga customer na pinagtatanungan ko nang tumayo ang mga ito matapos kong matapon ang drinks nila sa lamesa. "No te vayas, yo arreglaré esto!"

"No hay necesidad!" anang pogi na Espanyol sa akin, pinigilan ako. "Tenga cuidado la próxima vez, Señorita."

Tumango lang ako nang sabihan ako nitong mag-ingat sa susunod.

Ngunit hindi niyon napigilan ang paglabas ng manager ng restaurant papunta sa mga lamesa namin.

"Are you a foreigner?" tanong nito. "Are you dining here, Madam?"

"Lo siento," paghingi ko ng sorry. "It was an accident. I was just looking for someone-"

Naudlot ang paglabas ko ng litrato nang ngumiti ito at unahan akong magsalita. "If you are not a customer, I hope you stop messing with them."

Hindi nito ako pinakinggan sa gusto kong sabihin. Sa kabila niyon, maayos ako nitong pinaalis. Naiintindihan ko naman, nagbakasakali lang ako.

Dalawang taon na akong pabalik-balik sa Madrid. Dito ako nagbabakasiyon tuwing wala akong dapat asikasuhin sa Pilipinas. Nagtapos ako with Latin Honor at nakuha sa isang firm nang mag-apply. Maayos naman ang buhay ko at kontento na ako.

I just have to find her.

Kaso huling linggo ko na rito at kailangan ko nang umuwi. Hindi ko alam kung makakabalik ulit ako ngayon taon dahil marami na akong dapat gawin.

Ang hirap palang maghanap ng tao.

Umaasa na lang ako sa tadhana dahil pinutol niya na ang koneksiyon namin simula umalis siya.

Bumalik ako sa hotel na tinutuluyan ko at nagbihis. Maghahanap ako ng restaurant sa labas na matitipuhan kong kainan.

It's been a year and my heart still aches to see her again.

Ako kaya, naiisip niya? Ang mga pinagdaanan at mga alaala namin? Ang mga sinabi at pangako niya sa akin? Ang sinabi niyang hindi niya kayang wala ako?

Umupo ako sa bench para tanawin ang mga bituin nang tamadin sa paghahanap. Paulit-ulit na lang din kasi ang mga kinakainan ko rito.

Baka bumili na lang ako sa bake shop na katapat ng inuupuan ko.

Pinanood ko ang mga taong abala roon.

I saw two girls, friends maybe.

Nag-ring ang cellphone ko. Mukhang tawag pa 'to mula sa Pilipinas. Sinagot ko 'yon ng, "hello?"

"I think you have to rush home," si Calil pala 'to. Naging magkatrabaho kami, nauna lang akong natanggap sa firm. "May ipapabago raw ang client natin. Okay lang ba, Architect? Sorry, masisira ang bakasiyon mo."

"No, it's fine." Mapait akong ngumiti. "I'll be back tomorrow."

"Ow," gulat siyang natawa. "Hindi ko naman sinabing bukas agad."

"Plano ko na kaya 'wag ka nang kabahan, Architect." Tumayo ako at naglakad papasok sa bake shop. "Maaayos natin 'yan."

"Hindi mo pa rin mahanap?"

Natigilan ako mula sa pagtulak ng pinto. "Should I stop now?"

"I don't know. Ikaw ang makakasagot niyan, Architect. Paano, kailangan ko nang ibaba 'to. My girlfriend is waiting."

"Go," sagot ko.

Tuluyan akong pumasok sa bake shop nang mamatay ang tawag. Nagtingin ako ng mga tinapay na naka-display. I bought a few and am waiting for them to prepare them, so I can have them at home. Sandali lang naman 'yon at nakalabas na ako agad sa shop.

Inayos ko ang suot na coat nang lamigin dahil manipis lang ang bestidang suot ko ngayon.

Naglakad ako sa sidewalk habang iniisip kung anong mga ipapabago sa disenyo ko. Kailangang satisfied ang kliyente para marekomenda kami sa iba at makaulit.

Nagsalubong ang mga kilay ko nang may mapagtanto. Hindi ko makapa sa bulsa ko ang cellphone ko. Hindi naman siguro nahulog? I need that!

Bumalik ako sa eksaktong dinaanan ko, hanggang sa mapunta ako sa bake shop. Nagtanong ako sa mga staff pero wala raw silang nakita na cellphone.

Mawawalan na sana ako ng pag-asa nang makitang may babae nang nakaupo sa bench na inupuan ko kanina. Nakadekuwatro ito at nilalahad ang pamilyar na cellphone sa akin.

Kinuha ko 'yon at chineck, may password pa rin. Mukha namang mapagkakatiwalaan ang babaeng 'to. Hindi ko sigurado pero mukha siyang American.

"Won't you say thank you, Miss Abby?"

Nagsalubong ang mga kilay ko. "How do you know me?" Wala namang nakalagay na pangalan sa cellphone ko at sigurado akong hindi ko siya kilala.

"Someone just told me to sit here and wait for you to give it back."

"Someone? Where is she?" Awtomatiko akong naglibot ng paningin.

"She? I didn't tell you she's a girl... but you're right. The woman went there." Tinuro nito ang nilakaran kong pavement.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tinakbo iyon. I looked around but I didn't find her. I can't find her.

Tuluyang nagluha ang mga mata ko nang maglaho ang natitira kong pag-asawa. Pakiramdam ko pinaglalaruan ako ngayon.

Bakit kasi hindi na lang siya ang mag-abot ng cellphone? Bakit umalis siya agad at nag-utos pa? Ayaw niya ba akong makita? Ayaw niya ba talagang magpahanap? It was she who told me to follow her! Ngayong nandito na ako tinatakasan niya ako!

Nabitawan ko ang paper bag ng biniling pastries. Napaupo ako sa bakanteng sidewalk habang sapo ang mukha ko dahil walang hinto sa pagpatak ang mga luha ko.

"Hi?"

That voice...

Mabilis akong nag-angat ng paningin. Naghalo-halo ang nararamdaman ko nang makita kung sino ang umupo sa tabi ko.

Her smile was still the same, and so was her hair but it was longer. She was wearing blue jeans and a white coat, paired with black boots. She looks like a citizen here now.

Higit sa lahat, mukha siyang masaya at komportable.

"Bakit ka umalis?" malambing na tanong niya.

I didn't say anything but I sobbed and cried more after making my mind believe that she was real-she was beside me.

"I just bought you a bouquet..."

Doon ko lang napansin ang hawak niya.

My heart ached more after she caressed my hair.

"You found me so I want to congratulate you-"

Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita. Tumayo ako at galit siyang tiningnan. Sinundan niya naman ang ginawa ko kaya bigla akong napatingala sa tangkad niya.

"How are you?" tanong niya na parang wala lang. "Architect ka na? Should I call you Architect Isidro now?"

"You, Bitch!" Tinulak ko siya. "Pinahirapan mo ako! Ano ba talagang trip mo sa buhay?! Bakit lagi mo na lang akong dinadamay?! I have been looking for you for two years! Fuck you!"

Napaatras siya pero iniwasan lamang na tingnan ang mga mata kong lumuluha pa rin.

"W-why do you have to do this?" Humihikbi kong itinanong. "Puwede namang doon na lang tayo... puwede naman, Aya. We can get a job there and live together!"

Nanibago ako nang ngayon lang ulit masabi ang pangalan niya.

"Too late to suggest that... you should have told me before."

"W-what?" Inis ko siyang tiningnan.

"I'm joking-"

"Stop joking!" sigaw ko.

"I'm sorry..." She handed me the bouquet again. "Sorry. To be fair, what do you want me to do?"

"Grant your promise after our last night together," matapang kong sinabi.

"What promise?"

"That you'll be with me forever like you supposed to do! You mean it, don't you?"

"As a best friend?" inosente niyang tanong.

Umiling ako. "As your girlfriend. I want to be your girlfriend, Aya."

"Too bad, I want me to be your wife. I don't think that's fair."

Napangiti ako at mabagal siyang nilapitan. When I was contented enough. I kissed her.

"No puedo vivir sin ti, porque te amo," bulong ko. "I know what it means now, so don't leave me again."

—Wakas

Continue Reading

You'll Also Like

90.1K 1.8K 48
Caroline madaldal at masyadong makulit sya yung tepo na hindi sumusuko at umaatras isang pangyayari ang hindi nya inaasahan na magpapabago sa buhay n...
418K 22K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
246K 4.3K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...