The Villafuerte Trio #1: Zeus...

By cinnaxoxo

22.3K 912 254

The Villafuerte Trio: Zeus Elliot Villafuerte More

Synopsis
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23

Kabanata 21

321 19 8
By cinnaxoxo


Kabanata 21

Past 


Sinunod ko ang sinabi ni Bridget para hindi na siya mag-alala pa. I stopped the illegal car racing for the whole week kahit na pinipilit ako ni Rommel na bumalik dahil nasayang daw ang unang pusta niyang natalo.

Hindi ko talaga alam kung ano ang pumapasok sa isip ng lalaking iyon dahil kung tutuusin ay marami naman siyang pera. Mayaman naman talaga siya. He also likes cars, nagjojoin din dati sa mga illegal racing pero hindi ko alam kung bakit siya huminto at ako iyong pinipilit niyang maglaro para sa kanya.

At first, nagduda talaga ako sa kanya. But after what he did to me, he gain my trust. The reason why I joined illegal racing was because of him. Dahil din doon ay parang bumalik ang sigla ko dahil iyon naman talaga ang pangarap ko.

I badly wanted to join in different competitions back then, including the international but it vanished because of what happened to me.

Yes, I remembered what happened back then. I remember what happened two years ago, hindi ko lang masabi-sabi sa kanila ang totoo dahil natatakot ako. Baka sila pa ang dahilan at masira ang plano ko.

I'm still not ready to return. Hindi pa ako gano'n kasigurado kung ayos na ba talaga ako. I can still feel pain on my body, the lower part to be exact. Wala rin akong pera, wala rin akong skills, at hindi ko alam ang mga nangyari noong nawala ako.

Kailangan kong pag aralan lahat bago ako magpakita sa kanila. Kailangan ko maging handa baka sa huli ako iyong kawawa.

Suot ang isang leather jacket at isang cap ay palihim akong lumabas sa bahay ni Bridget. Walang katao-tao roon dahil kami lang din ang nakatira roon. Sinuot ko ang helmet na nasa tabi lang ng big bike. Tumingin tingin pa ako sa paligid bago ako sumakay at pinaharurot iyon.

My daily routine is going to Bridget's restaurant, wherein I help her. Ako ang nagbabake ng pastry nila, iyon din ang sinabi kong aalala ko lang bago ang aksidenteng iyon. I need to help her because she helped me too. Noong walang wala ako siya iyong nag alaga sa akin, she was scared when I almost died. I heard her praying that God should give me a second life.

She was so precious to me. Kahit na hindi naman kami magkakilala ay kaagad kaming naging magkaibigan dahil sa kabaitan niya at gusto kong suklian ang lahat ng iyon.

But before going to her restaurant pupunta muna ako sa La Fera, para magmanman. Ginagawa ko na ito isang linggo pa lamang dahil nagkaroon na ako ng lakas ng loob. After the incident, I never heard any news about my family, about Elliot, and about my friend Marcia. Pero isa lang ang sigurado ako, may anak na si Ate Ava. Nakita ko siya noong isang linggo pababa sa kanyang sasakyan ay may kasamang bata, hindi ko kilala kung sino ang nakatuluyan niya pero ramdam ko nasa negosyo rin iyon.

I badly wanted to hug her that day but I didn't want to ruin them because Mom hugged her tightly as she kissed her granddaughter. Hindi ko naman alam kung nasaan na si Lola ngayon, ni anino niya ay hindi ko nakita sa building na pagmamay-ari niya. Hindi rin kasi ako makalapit sa bahay dahil sa takot ko na baka may makakita sa akin.

Nang makarating sa La Fera ay hininto ko ang motor sa tapat ng gusali na pagmamay-ari ni Elliot. This man is the reason why I ended up here today but somehow, it was my fault too. Kumagat ako sa plano niya na hindi iniisip ang ibang tao. I fall in his trap, now I want him to taste my revenge.

Inayos ko ang suot na helmet nang makita ang isang mamahaling sasakyan. Mabuti na lamang at hindi iyon pumasok sa loob ng parking area at nakita ko ang paglabas ni Elliot. Wearing his business attire and shades on, mukha talaga siyang masamang tao.

Akala ko ay siya lang ang lalabas doon ngunit laking gulat ko ng sumunod si Mia. Sumunod si Ate Mia! Lumabas siya sa sasakyan ni Elliot!

Napakagat ako ng labi at pinaharurot ang sasakyan bago ko niliko iyon para makalapit sa kanila. Sinubukan kong bagalan ang motor at muling napatingin sa kanila. Hindi nga ako nagkamali at si Ate Mia nga iyon.

Mas lalo akong naguluhan sa nangyayari. Nawala lang ako at si Ate Mia na ang kasama niya ngayon. Is this his new plan? At bakit naman pumayag si Ate Mia?

She hurt me the day our father was shot. She blamed me because I was with Elliot all the time. Ako ang sinisi ng lahat dahil ako iyong may kasalanan dahil lang sa paglapit ko kay Elliot.

Ngayon, bakit niya ginagawa ito?

Alam ba ito ni Lola? Sinadya ba ang lahat ng ito?

Gulong gulo akong bumalik sa Los Dias kung saan ako mamalagi kasama si Bridget. Mabilis ang bawat paghinga ko nang makarating sa restuarant niya. May kaunting tao na dahil breakfast at nasa city iyon nakapwesto, malapit sa mga buildings na may maraming nagtatrabaho.

Nakarating ako sa kusina at bumungad sa akin si Bridget. Nagulat ako sa prensinya niya at kumunot naman ang noo niya dahil sa ginawa ko.

"Are you okay? Anong nangyari sa 'yo? May masamang nangyari ba?" sunod sunod niyang tanong sa akin.

Nagpakawala ako ng hininga at umiling biglang tugon.

"You are sweaty, you look anxious, h'wag ka ngang magsinungaling sa akin, Amaya," pagalit niyang sabi sa akin.

Ayaw ko pa siyang kausapin ngayon dahil naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila at bakit parang nagkampihan na silang lahat. Habang ako ngayon ay nahihirapan kung paano makaahon sa nangyari sa akin.

I was in pain for fifteen months. Noong kailangan ko ng pamilya at kilala walang nasa tabi ko. Ni hindi ko nakita o naramdaman na hinahanap ako ng pamilya ko. Parang hindi talaga ako parte ng pamilyang iyon kahit kailan... Am I my parents real daughter? Ampon ba ako o ano...

"Amaya!" sigaw ni Bridget sa akin bago niya ako hinila papalabas ng kusina at pinasok sa loob ng kanyang opisina.

Napatingin ako sa babaeng kumupkup sa akin. Hindi nagkakalayo ang edad naming dalawa, mas matanda lamang siya ng dalawang taon, malayo rin sa pamilya niya kagaya ko ngunit may rason ang sa kanya, magadang rason hindi kagaya ko.

"Amaya, ayos ka lang ba talaga? Please, magsabi ka ng totoo sa akin, natatakot na ako." ulit niya sa akin.

She was scared the time when she found out that I was there lying on the bed because of her. Ayaw niyang malaman ng pamilya niya o ng lahat ng tao ang nangyari sa akin dahilan kung bakit niya ako tinago, nagpapasalamat din ako na iyon ang ginawa niya dahil kahit papaano alam ko na ang totoo.

Napalunok ako at nagdadalawang isip kung sasabihin ba sa kanya ang totoo o hindi. Natatakot din ako na baka itaboy niya ako kapag nagsabi akong nagsisinungaling ako sa kanyang sa halos dalawang taon naming pagsasama.

Baka wala na talaga akong mapuntahan kapag nangyari iyon... I only have myself and its very exhausting to be alone and unwanted...

Pero gusto ko rin ko ring magpakatotoo sa kanya dahil sa mga nangyari ay nandiyan sa tabi ko. She pays for my hospital bills, therapy, and everything. Kung wala siya, wala ako ngayon.

Ngunit astang magsasalita na ako nang kumalabog ang pintuan. Sabay kaming napatingin ni Bridget at niluwa naman si Rommel doon. Mabilis ang kanyang paghinga at parang hinahabol pa iyon. Pinapawisan din at parang may dalang hindi magadang balita.

"Thanks God, akala ko kung nasaan ka na," aniya, hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya sa aming dalawa ni Bridget.

He was at the house of Bridget when I left but I know, hindi siya mag-aalala sa akin ng gan'yan. Si Bridget lang ang makakagawa no'n sa kanya.

"Bakit ka nandito? Sinong nagpapasok sa 'yo rito? Hindi mo ba nakikita na nag-uusap kaming dalawa?" maldita nitong tanong kay Rommel, nakataas pa ang kilay.

Pumasok si Rommel at sinirado ang pinto.

"Your father called me and he said, he waited to meet you. Akala ko nakipagkita ka sa kanya," anito sa babae.

"Bakit naman ako makikipagkita sa lalaking iyon? Bobo ka ba?" inis nitong sinabi at napatayo sa kanyang inuupuan.

Bridget's parents are not in good term, the reason why she chooses to live alone. Mahigpit din daw ang ama niya at palagi siyang napapagalitan rason kung bakit niya tinago ang aksidente at tinago niya ako gamit ang kanyang pera.

The both of them argued about that and I left the room. Ginawa ko na ang trabaho ko habang hindi pa rin naalis sa isip ko ang mga nakasaksihan kanina. Should I create a social media to stalk them? Since I am already stalking them for a week now, e 'di sagarin ko na. Pero baka, malaman nila. Social media is easily to locate especially when you have experts and Elliot has this group of friends who is on the underground world, hinding hindi ko makakalimutan si Clyne, ramdam kong expert na expert iyon.

Dinig ko ang paglabas ni Rommel sa opisina ni Bridget. I really thought he would leave but he walk towards me. Ramdam kong nasa likuran ko siya matapos kong maiwas ng tingin sa kanya.

"Why are you outside the Villafuerte building?" he whispered.

Nagsitayuan ang balahibo ko sa kanyang bulong. Ramdam ko ang pagbilis ng puso ko dahil sa takot. Napahinto rin ako dahil sa aking ginagawa dahil sa biglaan niyang tanong.

Paano niya nalaman? I thought he was sleeping when I left the house...

I bit my lower lips to stop myself from telling the truth. I know Rommel's skills, sinabi rin sa akin si Bridget kaya siya palaging nakadikit kay Rommel kahit na magkaaway sila dahil sa brotherhood na sinasalihan ng lalaki. In that way, she is safe from her father.

"W-What do y-you mean?" I stuttered.

I tried not to! But I was fucking scared. Pakiramdam ko ay nahuli ako sa malaking kasalanan.

"You know what I mean, Amaya. You just need to tell us the truth before you ruin Bridget's trust, as well as mine."

Agad akong napalunok. Nanginginig na ang kamay ko, hindi ko alam na mas nakakatakot pa ito keysa sa makita ako ng pamilya ko.

"Hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan mo bago ka na aksidente pero ramdam kong naalala mo ang lahat ng nangyari sa 'yo. I will give you time, Amaya. When you are ready, just tell her the truth. Bridget deserves the truth, she blamed herself because of what happened to you. Now, its you time to return all her kindness to you. Hindi ako galit sa 'yo o ano man ang nararamdaman mo ngayon. Ang gusto ko lang ay sabihin mo ang totoo sa kanya dahil ayaw kong masaktan siya," he continued before he left me there.

Tamang tama naman na pag-alis na pag-alis niya ay lumabas si Bridget sa kanyang opisina. I saw her wipped her face before she left the kitchen area. Hindi niya ako nakita at tinungo lamang papalabas.

Hindi ko na tinapos ang ginagawa ko at sinundan ko siya para sana mag-usap kaming dalawa. Ngunit hindi pa man ako nakakatapak papalabas ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha roon.

Nanginig ang kamay ko at hindi tuluyang naipihit ang door knob dahil sa nasaksihan. I saw Ate Ava with his daughter, nakaupo roon at nilalaro ang anak niya, mukha ring naghihintay ng kanilang order.

"Amaya, are you okay?"

Napalingon ako sa nagtanong at nakitang si Bridget iyon. Hindi namalayan na nakabalik na pala sa loob ng kusina.

"Amaya, please. Sabihin mo sa akin, nag-aalala na ako sa 'yo. Bakit ka nanginginig? May masakit ba sa 'yo? Punta na tayo sa doctor at baka dahil iyan sa aksidente–"

I cut her words. Nag-aalala na kasi siya at baka muling sisihin ang sarili dahil sa mga nangyayari sa akin.

"I'm okay, I want to... talk to you... about my past."


***

My last update on this story was last January. I haven't thought that there are people who are waiting for an update here. Anyways, thank you for waiting! 

Continue Reading

You'll Also Like

68.5K 3.7K 94
Cause only I can make you feel the way you feel Time to make you feel it for real
23.7K 665 28
After the Uchiha clan massacre there were two known survivors. Sasuke son of the Clan heads and Y/N the grandchild of the legendary shinobi Madara an...
556K 19.1K 91
Mafia Queen ••••••••••••••
6K 196 15
Silvera 'Hermano' Series #2 IVAN THIROA SILVERA Ivan Thiroa Silvera is an Attorney.He was serious about everything,one time he went to the bar with h...