The Red String

By loveable_apple

53 29 0

πŸ“Œ PLAGIARISM IS A CRIME When : "Finally, I found you. My love." Turns to : "Thank you for finding me." Ac... More

Author's Note
PROLOGUE
CHAPTER 1 : BEGINNING
CHAPTER 3 : SOMETHING WRONG
CHAPTER 4 : CARD
CHAPTER 5 : MY MOM AND I

CHAPTER 2 : TODAY IS ANOTHER DAY

5 4 0
By loveable_apple

SHAINE'S POINT OF VIEW

Hay buhay, sa wakas naka-alis din sa punyetang hospital na 'yon.

Nakakabwisit 'yong araw na pumunta doon sila mommy at daddy.

Sermon na naman, mga kung ano-ano na naman ang mga sinasabi. No'ng naka-uwi na kami sa bahay ay hindi ako kinikibo ni dad, as if naman may pakealam ako?

Kung kaya niya 'kong 'di kausapin mas kaya ko siyang gawing parang hangin lang. Kung mataas ang pride niya mas mataas ang pride ko.

Kung sa tingin niya matatakot niya 'ko, well sarili niya lang ang niloloko niya.

Nandito lang ako sa loob ng room ko, nakahiga ako sa malaki at malambot kong kama, busy mag-scroll sa facebook. Tamang hintay lang na may mag-aya ng gimik mamayang gabi.

Tagal na kase simula no'ng gumimik kami sa bar, 'yong araw pa na na-aksidente ako. What an unluckiest day.

Boring din kase sa bahay, eh. Wala man lang mapagka-abalahan.

Habang busy ako na mag-scroll sa facebook wall ko ay may bigla namang kumatok sa pinto ko.

Tinignan ko 'yong oras sa phone ko and it is already 8 o'clock p.m.

Time for dinner na, siguro si yaya ang kumatok.

"Busog pa 'ko yaya, mamaya na lang ako kakain!" sigaw ko kung si yaya man ang nasa labas ng pinto.

"Shaine, si mommy ito!" sigaw ni mommy sa labas.

Hinayaan ko lamang ito na nandoon sa labas. Bahala siya riyan hindi ko siya papapasukin, manigas siya riyan. Mabuti na lang ni-lock ko 'yong pinto.

"Gusto ko munang maging mapag-isa, huwag na muna sana kayong mang-istorbo!" sigaw ko rito, kahit ang totoo ay ayaw ko lang talaga siyang maka-usap o makita dahil naiirita ako.

"I want to talk to you." pagsasalita nito.

"Pero ako, ayo'ko." madiing sagot ko rito.

Maya-maya ay natahimik na roon sa labas at nagulat na lang ako nang makita kong nasa tabi ko na ito. What the fvck?!

"Hi" bati nito sa 'kin.

Agad naman akong napabalikwas ng bangon at napamura.

"Damn!" sigaw ko dahil sa labis na gulat.

"What?!" sigaw ni mommy sa 'kin.

"You really scared me, mom! How did you enter my room?" tanong ko rito.

Itinaas naman nito agad ang mga susi na hawak-hawak niya, it is the spare keys of all rooms in this house.

Sakaniya ko na siguro namana ang pagiging ninja at tahimik kung kumilos, hindi ko man lang naramdaman na nandito na pala siya sa loob.

I sighed.

"Ano ba kaseng kailangan ninyo?"

"Gusto lang kitang maka-usap."

"Tungkol saan ba? Importante ba 'yan?" tanong ko rito.

"Yes, it is." siguraduhin mo lang.

"Siguraduhin niyo lang na hindi 'yan sermon, baka ako na ang magtulak sainyo palabas. Wala si daddy sa house, wala kang kakampi at mapagsusumbongan." pagpapa-alala ko rito.

"Hindi naman."

"Then good, so what is it?" prangkang tanong ko.

Napatingin muna siya sa gilid at natahimik.

"Sasabihin mo ba o hindi? Sinasayang mo 'yong oras ng pagpapahinga ko." sita ko rito.

"Ano kase..."

"Ano ba kase?!" naiinis na ako, kita mo nang maikli lang ang pasensya ko.

"Kahapon kase tumawag 'yong doctor mo at sinabi niya sa 'min ng daddy mo na baka magtagal pa sa'yo ang cast na 'yan." tinignan ko 'yong right arm ko na may cast pa rin.

Isa pa 'to, naka-alis na 'ko sa hospital pero nandito pa rin 'to sa 'kin.

"Bakit daw? Bakit kailangan pang patagalin?" tanong ko sa mom ko.

"Malala raw kase ang pagkaka-ipit ng braso mo, kaya kailangan na nandiyan pa rin 'yan. Tatawag na lang daw si doc ulit para sa follow up check up mo." nakakainis!

"Ede papasok ako nito sa school ng naka-cast pa rin?" tanong ko rito.

"Of course sweetie, hindi pa kase 'yan pwedeng tanggalin, eh." napasabunot na lang ako sa buhok ko.

"Lumabas na nga kayo mom, nag-iinit lang lalo ang ulo ko." pagpapa-alis ko rito.

"Pero ana–" hindi ko na siya pinagsalita pa.

"LEAVE NOW!" sabay turo sa nakabukas na pinto.

Walang ibang nagawa si mommy kundi tumayo na lang at lumabas na sa pintuan.

Sinundan ko siya upang isara ang pintuan.

"Hindi na ako kakain, kaya 'wag na kayong mag-abala pa." tapos no'n ay sinarahan ko na siya ng pintuan.

Padabog na lang ako na bumalik sa kama ko. Dumapa agad ako gaya ng nakagawian ngunit nakalimutan kong may cast pala ako sa kanang braso ko.

"Ouch!" sigaw ko sa sakit.

"Tangina naman, oh! Wala na nga ako sa hospital tapos nandito pa rin 'to."

Nakakabwisit ang araw na 'to!

Paano na nito bukas? Papasok ako sa school nang nakaganito? Hindi naman ako baldado, pwede naman kase sigurong tanggalin na.

Ang dami talagang mga ka-artehan, siguro sila mommy at daddy na naman ang may kagustuhan nito dahil sa ka-oa-han nila.

Today is another day for my hell life.

Nakakapagod ang maghapon kahit wala naman akong ibang ginawa kundi tumambay sa mga social media accounts ko.

Walang paramdam ang mga kaibigan ko, siguro galit din sa 'kin dahil sa nangyari. Panigurado napagalitan din ng mga magulang nila.

Buhay nga naman makikipagplastikan na naman bukas, tangina talaga.

Bigla na lang nag-vibrate ang phone ko. Tinignan ko 'yon at may nag-pop up na message. Galing kay, Leah.

Leah :

tara, nomnom:*

Bigla naman akong nabuhayan sa yaya nito at agad na nag-reply.

Me :

ra, sa dati lang. wait niyo 'ko, tatakas lang ako.

Leah :

G!

Tamad mag-type ampota.

Agad na 'kong bumangon sa higaan ko at dumeretso sa closet.

Pumili ako ng su-suotin ko.

Nang may mahanap na 'ko ay agad akong nagpalit ng damit, hirap pa 'ko gumalaw dahil sa cast ko dagdag pang hindi naman ako kaliwete.

Nang matapos ay sinigurado kong naka-lock na ang pinto ng kwarto ko, inayos ko rin ang mga unan ko sa kama at tinakpan ng kumot para kung sakaling sumilip dito si mommy ay hindi siya maghinala.

Dati ko na 'tong ginagawa hanggang ngayon hindi pa rin ako nahuhuli, nakakatawa no? Concern daw sa 'kin pero wala man lang mga kaalam-alam na tumatakas ako tuwing gabi tapos uuwi ng madaling araw.

Ito ako, half Chinese at half Filipino pero Filipino ang nationality ko.

Tamad talaga ako sa lahat ewan ko nga lang kung paano pa ako nakakasabay sa mga lesson namin, eh lagi lang pagtulog ang ginagawa ko sa loob ng room. Wala namang kwenta mga sinasabi ng teacher doon, eh.

Kung hindi lang namo-monitor ang attendance ko sa school hindi na talaga ako papasok, kaso si daddy ang laki ng share sa school na 'yon. Lahat asset niya pagdating sa 'kin, kaya wala akong takas. Bibihira lang ako kung makapuslit.

Barumbado na talaga ako noon pa lang. Natutuhan ko lang naman magrebelde no'ng mga nasa 13 years old na ako, wala lang. Siguro kase medyo malaki na 'ko kaya 'yong isip ko medyo malawak na rin, kaya ayun tukso ng kaibigan gora lang nang gora.

Sa edad na 16 natuto akong magsigarilyo at sa edad na 15 ay natuto na rin akong uminom. Si Leah ang lagi kong kasama sa gimikan, hindi kami tinatanggap sa bar noon pero siyempre kami pa ba? Umisip kami ng paraan hanggang sa napayagan na.

Madali lang naman manlinlang, eh.

Binuksan ko na ang bintana ng kwarto ko, mabuti nga't walang grills ang bintana ko kaya rito ako dumadaan, plus sobrang baba lang ng luluksuhan ko. Kayang-kaya ko rin na luksuhin kapag babalik na ako ng kwarto ko, kahit may tama pa 'ko ng alak pag-uwi, sanay na 'ko.

Dahan-dahan lang ako sa pagtakbo, sa likod din ako ng bahay namin dumadaan hindi sa gate dahil tutunog 'yon, pinilit ko na lang na makatakas kahit may cast pa 'ko.

Para sa ikakabuti 'to ng atay ko kaya go lang.

Lumipas ang ilang oras ng pagtakas ay nakarating din ako sa bar na paborito naming gimikan, nakita ko sila Leah na nandoon na sa entrance door ng bar.

"Hi!" bati ko rito pagkarating ko.

"Tanga! Buti nakatakas ka pa sainyo kahit may cast ka." kantyaw ni Leah.

"Ako pa ba?" nagyabang ako sakaniya.

"May sa pusa talaga ang buhay mo dre, akalain mo nakaligtas ka pa roon, hindi ka marunong lumangoy, eh." pinakyuhan ko si Ethan.

"Mainggit ka!" bulyaw ko rito.

"Bakit naman ako maiinggit sa'yo? Tignan mo nga, para kang baldado sa cast mo na suot!" pang-aasar nito sa 'kin.

"Ah talaga, talaga, talaga ba?" nakakapikon 'to, ah.

"Enough!" saway ni Leah.

"Tama, enough na." dagdag ni Kiko.

"Huwag na kayong mag-asaran diyan ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob!" sigaw nito.

"YOHOOO!" sigawan namin.

Pumasok kaming lima kasama si Lyca.

Masaya na naman ang gabi na 'to. Hindi ako papayag na hindi ako uuwing naka-ubos ng 5 bote ng mambo ng red horse.

TODAY IS ANOTHER DAY, TO MY LAKLAKAN SESSION DAY!!!

"LET'S THE PARTY BEGINNN!!" sigaw ng dj na nasa harapan.

In-enjoy namin ang gabing 'yon, nilibang ko ang sarili ko dahil sobrang nakakabwakanangshit na naman ang buhay ko at hindi kami umuwi ng hindi kami lasing.

-------&.&-------

Continue Reading

You'll Also Like

976K 87.8K 39
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
1.3M 31.2K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
1.1M 28.9K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...
703K 53.7K 35
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...