KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)

By writist_j

16.2K 5.1K 270

Si Rhia Evenir ay 17 years old na babae na kinukutya sa kanyang anyo. Isang araw ay bigla silang napunta ng m... More

Welcome to Kingdom of Ivatra
Chapter 1: Kingdom Of Ivatra
Chapter 2: Prince Andrexsel
Chapter 3: Rhia
Chapter 4 : Black Kingdom of Griya
Chapter 5 : Yola and Vire
Chapter 6: Pinuno
Chapter 7: Fear
Chapter 8 : Bravery
Chapter 9: Parusa
Chapter 10 : Kemin
Authors Note
Chapter 11: Panyo
Chapter 12: The Enemy
Chapter 13: Fedrena
Chapter 14 : Ivatran Warrior
Chapter 15: Yakap
Chapter 16: Queen Imarra
Chapter 17: Paglipad
Chapter 18: Outside the Palace
Chapter 19: Magical Flower
Chapter 20: Princess Laraneva
Chapter 21: Haresiya at Haresiyo
Chapter 22: In The Queen's Room
Chapter 23: The Letter
Chapter 24: The Nightmare
Chapter 25: Most Beautiful
Chapter 26: Pagsasanay
Chapter 27: Favorite Song
Chapter 28: Friends
Chapter 29: BestFriend's Secret
Chapter 30: Friends Questions
Chapter 31: Picture
Chapter 32: Pag-uusap
Chapter 33: Mall
Chapter 34: Bisita
Chapter 35: Andrexsel
Chapter 36 : Magical
Chapter 37: Special
Chapter 38: Kakaibang Araw
Chapter 39: First
Chapter 40: Prinsipe
Chapter 41: Kenna
Chapter 42: Pagpupulong
Chapter 43: Inang Reyna
Chapter 44: Garden
Chapter 45: Black Griyan Warrior
Chapter 46: Andrexsel and Rhia
Chapter 47: Happiness and Love
Chapter 48: Decisions
Author's Note
Thankyou Note
Chapter 49: Power
Chapter 50: Pagbabalik
Chapter 51: Bintana
Chapter 52: Si Rhia at ang Reyna
Chapter 54: Ina
Authors' Note

Chapter 53: Ama

26 3 0
By writist_j

Chapter 53: Ama

Yola's Point of View

Kinaumagahan ay pinapunta ako ni Friyan sa kanyang kwarto para dun mag-almusal. Kasama namin uli si Derick na kumain..

Napansin ni Friyan na malungkot ako"Bakit ka naman malungkot Yola?" tanong ni Friyan.

"Friyan, hi-hindi ako malungkot, ku-kumain na tayo" sabi ko na kinakabahan.

"Akala ko kasi ay namimiss mo si Haresiyo Venido" sabi ni Friyan na kinagulat ko.

"Fri-Friyan a-ano ba yang sinasabi mo? hahaha, kumain na nga tayo" sabi ko at sumubo ng pagkain.

Tumingin naman si Friyan bigla kay Elum the dragon na nakatayo katabi ng upuan ko at napansin ko ito. Nakaramdam ako ng kaba sa tingin niyang iyon, pero iniwas din niya agad ang tingin at kumain na din.

Napatingin naman ako kay Derick at napansin kong ngumingiti ito at masayang kumakain na ipinagtaka ko.

Napansin niya na nakatingin ako at nagsalita siya "Yola kain lang" sabi ni Derick at ngumiti ito. Bagamat nagtataka ay tinuloy kong muli ang aking pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay may inabot sa akin si Friyan na magandang damit.  Namangha ako sa ganda nito.

"Isuot mo yan Yola, may pupuntahan tayo" sabi ni Friyan.

"Pupuntahan? saan Friyan?" tanong ko.

"Basta Yola magbihis ka na sa banyo" sabi ni Friyan.

"Baka magdedate kayo Yola, sana all may kadate hahaha" sabi ni Derick. Napapansin ko talaga na ang saya niya ngayon at maaliwalas ang mukha niya kumpara sa mga nagdaang mga araw.

Pumasok na din ako ng banyo upang magbihis. Namamangha talaga ko at nagagandahan sa dress na pinasuot sakin ni Friyan.

Pagkabihis ay lumabas na ko ng banyo at nakitang nakaabang si Friyan. Wala na si Derick sa room at lumabas na ito.

Kumikislap ang mga mata ni Friyan habang pinagmamasdan ako, gandang ganda sakin ang Friyan ko haha.

"Yola my love sadyang napakaganda mo" sabi ni Friyan.

Kinikilig naman ako at namumula ang pisngi hahaha.

Inilahad ni Friyan ang kamay niya sa akin. "Tayo na Yola, sumama ka sakin.

Kinakabahan na hinawakan ko ang kamay niya. Nagulat ako ng bigla niya kong yakapin at halikan.

"Yola, mahal kita, di ko papayagan na mawala ka sa aking piling" sabi ni Friyan pagkatapos akong halikan.

Nagtitigan kami"Yola tayo na" sabi ni Friyan.

Tumingin muna ko kay Elum dragon ko at nagsalita "Pwede ba natin isama si Elum Ftiyan?" tanong ko.

Nakaramdam ng inis si Friyan"Huwag mo na yang isama Yola, tayo lang dalawa dapat" sabi ni Friyan

Tineleport nya ko agad tungo sa kabayo niya na kulay brown at tinungo kami nito sa isang malaking bahay.

Pumunta kami sa sala ng bahay at may nakita kaming babaeng umiiyak sa sofa.

Nilapitan ni Friyan ang babae "Ina bakit ka umiiyak?" tanong ni Friyan.

Tumingin kay Friyan ang kanyang ina "Buti at pumunta ka rito anak" sabi ng ina ni Friyan.

"Oo Ina, nais kong ipakilala ang bago kong nobya na si Yola, sa inyo ni Ama" sabi ni Friyan.

Tumingin sa akin ang babae na may luha pa din sa mata, pinagmasdan niya ako bago tumingin muli kay Friyan.

"Fri-Friyan ang i-iyong amang si Armano" humikbi ang ina ni Friyan bago muling magsalita"Wa-wala na siya Friyan" sabi ng ina ni Friyan at di na nito napigil humagulgol.

Gulat na gulat si Friyan pati ako sa narinig.

Pinag-igting ni Friyan ang kamao bago nagsalita"A-Asan siya Ina, asan si Ama"

"Nasa taas siya Friyan, hinihintay ka niya" sabi ng ina ni Friyan at humagulgol uli.

Tumungo kami ni Friyan sa kwarto ng kanyang ama. Nakita namin na nakahiga ang ama niya na wala ng buhay.

Lumapit kami ni Friyan sa ama nito, tinignan niya ito ng walang emosyon.

Pagkaraan ay biglang tumingin sa akin si Friyan na kinagulat ko"Ama di mo man lang nakita ang babaeng tunay kong mahal" sabi ni Friyan at tumingin muli sa kanyang ama.

"Di mo man lang nakitang matupad ang mga pangarap mo para sa akin at para sa atin" Di na napigilan ni Friyan na humagulgol at niyakap ang ama niya.

Di ko na din napigilan ang lumuha at niyakap si Friyan.

Pagkaraan ay bumaba na kami ng sala at nakitang nagsasalin ng inumin sa baso ang ina ni Friyan.

Ngumiti sa akin ang ina ni Friyan at inabutan ako ng inumin, bakas pa sa mata niya ang matinding pag-iyak. Ngumiti din ako sa kanya at nagpasalamat.

Biglang nagsalita si Friyan "Kung maaari Yola ay dito muna tayo sa aming tahanan upang samahan si Ina at si-si Ama din, bago siya ihimlay" sabi ni Friyan sa malungkot na tinig.

Nagulat ako sa sinabi niya"Maaari ba Yola?" tanong uli ni Friyan.

"O-Oo Friyan" sagot ko na pilit huminahon.

Dun muna kami nagpalipas ng araw sa tahanan nina Friyan.

Kinagabihan ay pumunta kami sa kwarto ni Friyan.

Nagmadaling lumapit si Friyan sa isang maliit na kabinet at tinakpan ang isang picture frame at tinago agad ito sa loob ng kabinet.

"Friyan ano iyon?" tanong ko.

"Wala, wa-wala iyon Yola" sabi ni Friyan na kinakabahan.

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang mukha ko"Napakaganda mo Yola, salamat at napapasaya mo ko sa kabila ng kalungkutan" sabi ni Friyan habang nakatitig sa akin.

Hinalikan niya ang aking labi na kinagulat ko, mula sa masuyo ay naging maalab ang halik niya. Bigla din niya kong hinalikan sa leeg at tinulak ko siya ng buong lakas.

"Friyan ano ba?" sabi ko na naiinis.

"Pa-patawad Yola" sabi ni Friyan na medyo nahiya sa nagawa.

Nang mahiga si Friyan sa kama nito ay tumingin ito sa akin na nakatayo.

"Talagang ayaw mo matulog dito Yola? wala kong gagawin sayo Yola hahaha" sabi ni Friyan.

Nagulat ako sa sinabi niya "Hindi pa ko makatulog Friyan eh" sagot ko.

"Sige Yola, ikaw bahala" sabi ni Friyan at tumagilid na ito patalikod sakin at pumikit na.

Nanatili akong nakatayo, napatingin din ako sa bintana ng kwarto pero di ako lumapit dito.

Ngunit pagkaraan ay nakaramdam na ako ng antok. Umupo na ko sa sahig sa gilid ng kama ni Friyan.

Di katalagan ay may lumapit sa akin at may nilagay sa aking kamay pero hindi ko ito namalayan.

Kinabukasan pagkagising ko ay napatingin ako sa aking kamay na hawak, sakto naman na paggising ni Friyan.

"Friyan ano ito? ikaw ba naglagay nito sa kamay ko?" tanong ko na kinakabahan.

Agad kinuha ni Friyan ang picture frame sa aking kamay.

"Pa-panong napunta sayo to Yola, hi-hindi ako naglagay nito sa kamay mo, tinago ko nga ito sa kabinet ko" sabi ni Friyan na takang-taka.

"Picture niyo iyan ni Vire diba Friyan" sabi ko at tila may kirot akong naramdaman sa puso ko.

Tumayo si Friyan sa kama niya at lumapit sa akin.

Tinanggal niya ang picture nila ni Vire sa frame at pinunit-punit na kinagulat ko.

"Bumaba na tayo Yola" sabi ni Friyan at hinawakan niya ang kamay ko.

Bumaba kami tungong kusina ng kanilang tahanan, nakita kong naghahanda ng pagkain ang ina ni Friyan.

"Ina, may pupuntahan lang ako saglit at baka pumunta din ako kay Prince Andrexsel upang ibalita ang pagkamatay ni Ama, hinahabilin ko muna sa inyo si Yola" sabi ni Friyan.

"Si-sige Friyan, mag-iingat ka anak" sabi ng ina ni Friyan.

Niyakap muna nila ang isat-isa bago umalis si Friyan.

Naiwan kami ng Ina ni Friyan"Halika ka na at kumain na Iha" sabi ng ina ni Friyan na nakangiti.

"Si-Sige po salamat" sabi ko at umupo naman para kumain.

"Ang sarap ng luto ninyo" puri ko sa masarap na luto ng ina ni Friyan.

"Salamat at nagustuhan mo, pasensya na kayo at d ko kayo naasikaso kahapon at pagdadalamhati pa ko sa pagpanaw ng aking kabiyak" sabi ng Ina ni Friyan.

"A-ayos lang po iyon" sabi ko at ngumiti sa kanya kahit may kaba.

"Ako nga pala si Fremesa ina ni Friyan, ang asawa kong pumanaw ay si Armano, kapatid niya ang dating hari ng Kingdom of Ivatra na Haring Aradrino" sabi ng ina ni Friyan.

"Ahh, alam ko nga po ay magpinsan nga po sila ni Prince Andrexsel." sabi ko.

Bumuntong hininga ang ina ni Friyan "Mabuting anak si Friyan ngunit marami nga lang siyang babaeng niloko at pinaglaruan, pero sa tingin ko ay mukhang seryoso siya sayo gaya sa nobya niyang si Vire" sabi ng ina ni Friyan.

Napakunot ang noo ko sa sinabi ng ina ni Friyan. Bakit niya pa kailangan banggitin si Vire sa akin.

"Pasensya na kung nabanggit ko sayo ang tungkol sa mga babae ni Friyan"Bumuntong hininga uli siya"Pero ikaw lang at yung Vire ang nadala ni Friyan sa aming tahanan" sabi ng Ina ni Friyan.

Nagulat ako sa sinabi niya at medyo natuwa, medyo lang dahil kahit papano ay nakakainis na seryoso din pala si Friyan kay Vire at dinala niya din sa tahanan nila.

"Nasabi ko lang din ang tungkol sa mga babae niya dahil dun siya nakilala ng lahat hindi sa pagigjng mabuting anak" sabi ng ina ni Friyan at lumuha ito.

"Mabait siyang anak ganondin ang ama niyang si Armano. Mabuti rin ang kapatid niyang si Haring Aridelo, ngunit" bumuntong hininga siya at hinto ang kanyang sasabihin.

Nakaramdam ako ng kaba sa pagtuloy niya ng kanyang sasabihin ngunit di niya ito tinuloy.

"Kumain na tayo" sabi ng ina ni Friyan.

"Si-Sige po" sabi ko at nag-umpisa na kaming kumain ng ina ni Friyan.

Third Person's Point of View

Tumungo muna si Friyan sa bahay ng dating nobyang si Vire ngunit di niya ito nakita na nagpakaba sa kanya.

Agad siyang umalis dito upang ibalita ang pagpanaw ng kanyang ama kay Prince Andrexsel. Tumungo muna siya sa kanyang kwarto sa Ivatran Warriors Room.

Nakita niya agad ang dragon ni Yola na si Elum at siyay nainis. May kumatok naman sa pintuan.

"Haresiyo Venido bakit andito ka?" tanong ni Friyan na kinakabahan.

"Papasukin mo muna ko" sabi ni Haresiyo Venido.

"Sige maari ka ng pumasok Haresiyo" sabi ni Friyan at ngumisi.

Pagkapasok ay kinuha agad ni Haresiyo Venido si Elum at kinarga.

"Asan si Yola, bakit wala siya rito?" tanong ni Haresiyo Venido.

Kinabahan si Friyan sa tanong ni Haresiyo Venido pero pinilit niyang huminahon. "Paumanhin ngunit di ko pwede ipaalam at gu-gusto munang magpahinga ni Yola yun ang sabi niya sa akin" sabi ni Friyan at ngumiti.

Nagulat si Friyan ng sinutok siya ni Haresiyo Venido at bumagsak siya.

"Ilabas mo si Yola, itigil mo ang kasamaang ginagawa mo sa kanya" sabi ni Haresiyo Venido na nag-aapoy sa galit.

Nakabangon naman agad si Friyan at ngumisi kay Haresiyo Venido.

"Nabigla lang ako kaya mo ko napabagsak pero kaya kitang laban Haresjyo" sabi ni Friyan at tiningnan ng may pang-iisulto si Haresiyo Venido.

"Wala akong pakealam dun Friyan, ang gusto ko ay makita si Yola" sabi ni Haresiyo Venido na may galit. "Kahapon pa ko pumunta rito para makita si Yola at kausapin ka ngunit may pinuntahan ka daw sabi ng mga Ivatran Warrior na nakausap ko"

"Bakit ba gusto mong makita ang aking nobyang si Yola Haresiyo Venido? " tanong ni Friyan.

Kumunot ang noo ni Haresiyo Venido "Aalis na ako" sabi niya, pero bago magteleport paalis ng room ay iniwan niya si Elum na dragon niya.

Naiwan din si Friyan na nagtataka at nakaramdam ng kaba at napatingin kay Elum.

Third Person's Point of View

Nagising si Rhia sa kama ng kanyang nobyo at bumangon.

Nagulat siya ng pinaghain siya ng almusal ni Prince Andrexsel.

"Magandang umaga Ganda, aking Prinsesa kumain na tayo ng almusal"

May naalala si Rhia sa mga nangyari kagabi.

"A-Andrexsel may naalala ko kagabi" sabi ni Rhia na nanginginig"Bakit andito na ko sa room mo? na-nakita mo ba mga nangyari?' tanong ni Rhia.

Ngumiti si Prince Andrexsel at hinalikan ang labi ni Rhia "Huwag na natin pag-usapan yun, kumain na tayo" sabi ni Prince Andrexsel at sinubuan si Rhia ng pagkain.

Bagamat naguguluhan ay pinagpatuloy ni Rhia ang pagkain kasama ang mahal niyang Prinsipe.

Pagkakain ay tumayo sila at bigla namang may kumatok sa pinto ng room ng Prinsipe. Agad pinuntahan ni Prince Andrexsel ang pintuan upang itanong kung sino ang kumatok.

"Sino iyan?" tanong ni Prince Andrexsel.

"Ako po si Erno isang Ivatran Warrior mahal na Prinsipe, pinasasabi lang po ni Ikalawang pinuno Friyan na gusto niya po kayong makausap sa inyong opisina sa Ivatran Warrior Room, may mahalaga daw po siyang sasabihin" sabi ni Erno.

"Sige sabihin mo kay Friyan na pupunta na ako" sagot ni Prince Andrexsel.

"Sige po Kamahalan salamat po" sabi ni Erno na Ivatran Warrior.

Tumingin si Prince Andrexsel kay Rhia"Sumama ka sakin Ganda na tumungo saking opisina sa Ivatran Warriors Room" sabi ni Prince Andrexsel.

Nagteleport sila tungo sa opisina ni Prince Andrexsel sa Ivatran Warriors Room. Nakita nilang nakayukong nakaupo si Friyan sa tapat ng lamesa ng opisina.

Umupo din kaming dalawa ni Prince Andrexsel"Friyan aking pinsan, ano ang nais mong sabihin?" tanong ni Prince Andrexsel kay Friyan.

Inangat ni Friyan ang kanyang ulo at tumingin sa Prinsipe at ganundin kay Rhia.

"Ka-Kamahalan, a-aking pinsan" nanginginig ang boses na sabi ni Friyan"A-ang aking Ama, wala na siya"

Nagulat si Prince Andrexsel sa narinig"To-totoo ba yan Friyan?' Hindi siya makapaniwala at nakaramdam sjya ng lungkot.

"Oo Kamahalan patay na si Ama" sabi ni Friyan.

Napahawak sa noo niya si Prince Andrexsel. Nabakas ni Rhia sa Prinsipe ang lungkot at nag-alala siya para dito.

Tumingin muli si Prince Andrexsel kay Friyan"Kamusta pakiramdam mo pinsan, magpakatatag ka" sabi ng Prinsipe.

"Oo Kamahalan" sabi ni Friyan at tumingin ng seryoso kay Prince Andrexsel.

Agad ding umalis si Friyan sa opisina ng Prinsipe. Naiwan naman sina Rhia at Prince Andrexsel na nakaupo pa din.

"Sobra kong kinalulungkot ang pagpanaw ng aking Tiyo Rhia" sabi ni Prince Andrexsel.

Hinaplos ni Rhia ang buhok at mukha ng kanyang nobyo. "Nauunawaan ko Andrexsel, sa-sana ay malagpasan ninyo ang kalungkutan at pagsubok na ito" sabi ni Rhia.

Biglang may sumulpot sa opisina ni Prince Andrexsel na kinagulat ni Rhia at ng Prinsipe.

"Vire" sabi ni Prince Andrexsel.

Umupo si Vire sa inupuan ni Friyan kanina.

"Paumanhin Kamahalan ngunit dumiretso na ko dito dahil may mahalaga akong nais sabihin sa inyo" sabi ni Vire.

Pagkatapos makausap si Vire ay pumunta sina Rhia at Prince Andrexsel sa room ng sanayan ng Prinsipe.

"Rhia, Ganda magsanay uli tayo" sabi ni Prince Andrexsel na kinagulat ni Rhia.

"Magsasanay uli tayo Pangit?'" tanong ni Rhia.

"Oo Ganda" sagot ni Prince Andrexsel at binigay kay Rhia ang isang espada.

Nag-umpisa na silang magsanay at maglaban.

Kinagulat ni Rhia na nalalabanan  niya at napapantayan niya ang lakas ng Prinsipeng nobyo.

"Na-Nalalabanan kita Pa-pangit at kagabi naalala ko may lumabas na bola sa aking kamay" sabi ni Rhia na namumutla at hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

"Oo Rhia, Ganda, di ka ordinaryong tao lang, isa kang Ivatran tulad ko, at tulad ko din meron kang kapangyarihan, taga Kingdom of Ivatra ka Rhia" sabi ni Prince Andrexsel at niyakap ang mahal niyang si Rhia.

writist_j ❤

Continue Reading

You'll Also Like

7.9K 90 3
Zathanna Dulce. She has beauty, she's popular, a genius and she mastered all kind of martial arts. She has a cold personality pero may ginintuang pus...
498K 19.5K 79
I Became a Heartthrob After Interstellar Farming 在星际种田后我成了万人迷 Author: 随波逐流的椰子 Status 79 Chapters (Completed) Description Yuan Bai is a rabbit demon a...
15.1K 305 34
Niah Potter is the twin of Harry potter not following the family Niah got house Slytherin things get a little interesting when Draco Malfoy someone w...
285K 13.7K 61
My name is Alex Cruz, I'm a omega, so I'm just a punching bag to my pack. But Emma, Queen of werewolves Sam, queen of dragons Winter, queen of vampi...