Game Over

By beeyotch

748K 26.2K 10.6K

(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that g... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapte 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 24

19.5K 632 215
By beeyotch

Chapter 24

Curiosity was killing me.

Ano ba iyong meron sa frat ni Lui?

I mean, given naman na hindi mapapagkatiwalaan iyong mga tao doon. I know some of them and yeah, if you put me in a room with guys from that frat? I'd scream murder. But that's because that's me. Babae ako. Saka hindi naman nila ako member. Pero si Lui? As far as I'm concerned, you join voluntarily...

Tsk.

Nakaka-curious talaga.

I could always ask around naman, but I refuse to. Kasi kapag nagtanong ako sa iba, malalaman ko naman. Pero may malalaman na naman ako tungkol kay Lui. Baka maisip ko na naman na kilala ko siya kahit sa totoo lang, wala naman talaga akong masyadong alam sa kanya.

He's always been a mystery to me—like a blank canvass... kaya siguro ako na lang din iyong nagkulay. I could make him into anything because I truly had no idea on what's he really like. And even before when we were hanging out, he's always kept me at an arm's length.

What a mystery you are, Luisito Ruiz Valladares.

When Monday came, kabadong-kabado ako dahil sa first court appearance ko. I did my due diligence naman. Nagbasa talaga ako ng tips and techniques for litigation. Binasa ko lahat ng documents ko. I reviewed my arguments.

Theoretically speaking, ready ako... but gosh, my nerves!

Maaga akong dumating sa court dahil ayoko na ma-late ako. Ang unpredictable pa naman ng Manila traffic. Besides, nai-forward ko naman iyong deliverables ko kaya hindi ako kailangan sa office ngayon.

Naka-upo lang ako sa labas ng court. I checked the court schedule for today. Nakita ko iyong kaso na hawak ko. I felt this... excitement. Iba talaga ang litigation. Ito iyong iniisip ng mga tao kapag sinasabi na lawyer. Iyong pupunta sa korte at magsasabi ng 'objection, your honor' hindi kagaya nung ginagawa ko talaga na nagddraft ng pleadings.

I felt like someone was staring at me kaya naman napa-tingin ako sa paligid ko. Napaawang iyong labi ko nang makita ko si Lui na naka-tingin din sa akin. He was wearing a short-sleeved barong, black slacks, black loafers. May hawak din siya na brief case.

Alam ko na maliit lang ang mundo, but seriously? Ang dami-daming korte dito sa Maynila!

Naka-tingin ako sa kanya. I was debating as whether I'd be the one to break the silence or whatever. Para kasi kaming clown dalawa. Tuwing nagkikita kami, parang may bet kami kung sino ang may last word dapat. Tapos magtatagpo na naman ang landas namin.

Para kaming pinagttripan ng tadhana.

Lui didn't say a word as well. Tulad ng ginawa ko, dumiretso siya doon sa may calendar. Nagcheck din ata siya kung nandon iyong kaso niya. And as he was doing that, napaisip ako nung mga panahon na nagrereview pa lang kami sa BAR. Tapos, nandito na kami? Hindi pa naman ganoon katagal iyong lumipas na panahon pero parang ang layo na namin.

Nang matapos siyang tumingin doon ay naupo siya sa kabilang dulo nung bench. Medyo mahaba iyon kaya magkalayo kami. Kami lang iyong tao dito. Ang aga pa rin kasi.

I tried to focus on reading, pero hindi ako mapakali dahil nasa paligid ko lang siya. I really tried to mind my own business, but after a few minutes, I gave in and told myself na sisilip lang naman ako.

Pero agad akong napa-iwas ng tingin nung sabay na nagka-tinginan kami. Ano? Curious din siya sa ginagawa ko? O baka naman nahalata niya iyong kaba ko? That must be it, right? Because after everything he did and said to me, impossible na may gusto siya sa akin.

Kasi kapag gusto mo, hindi mo naman sasaktan, 'di ba?

"What?" I asked.

"Tell the judge that this is your first court appearance," sabi niya.

Napa-kunot iyong noo ko. "What?" I asked again, a bit confused sa sinabi niya na gawin ko.

"Kung ayaw mong masigawan," sabi niya sa akin.

"Sa tingin mo masisigawan ako?"

Instead of answering, he just shrugged tapos ay tinanggal niya na iyong mga mata niya sa akin. Napaawang iyong labi ko. Nice talking, ah! I mean, sure, ako naman nagsabi sa kanya na hindi kami friends, but it's getting annoying na ganito kami palagi. Buti sana kung once a year lang kami nagkikita, e.

"Should I really say that?" I asked him again.

Yes, may pride naman na ulit ako kahit papaano... Yes, as much as possible, ayoko siyang kausapin... Pero mas ayoko namang masigawan ng judge.

Sabi ko sa sarili ko, tutal medyo may pagka-bobo ako sa pag-ibig ata, at the very least, I'd make sure na maayos iyong professional life ko. Kaya nga tinitiis ko si Lance kahit minsan gusto ko na lang siyang i-headbang.

"Hindi ba mukhang cop-out?" I asked again nung hindi pa siya sumasagot. "Baka isipin ng judge na hindi ako prepared."

Hindi pa rin tumitingin sa akin si gago.

Tignan mo 'to.

I grabbed my things tapos ay lumipat ako sa may bench sa harap kung saan siya naka-upo. Diretso tuloy siyang naka-tingin sa akin. I looked back at him. I crossed my legs and arched a brow at him.

"I'm asking here as a colleague, okay?" sabi ko sa kanya. "So, should I really say that? Like as a disclaimer?"

Lui was only looking at me. I pressed my lips together and waited hanggang magsalita siya. Ewan ko. Siguro kasi kahit papaano kilala ko naman si Lui? I mean, he might not like me romantically, pero kahit papaano e may pakielam naman siya sa akin.

Tumango siya. "They'd been in our shoes before," he said. "They'd give you leniency kung first time mo."

I quickly shut my smart mouth nung bigla kong gustong sabihin sa kanya na first romantic experience ko rin naman siya, pero hindi niya ako binigyan ng leniency nung nagpaka-tanga ako sa kanya. Tsk. Talent ko na ba talaga na sumbatan siya? Kaya 'di talaga kami pwede naming friends nito, e. Forever ko isusumbat sa kanya 'yong mga ginawa niya sa 'kin before to the point na hanggang ngayon, wala pa rin akong social media.

"Okay. Thank you," I sincerely said because I appreciated him looking out for me.

He gave me a small nod. "You'll be fine."

"Wish me luck," I said.

"You don't need luck—you're smart."

Mabilis akong natawa, pero natigilan din agad ako nung nakita ko iyong pagkunot ng noo niya sa reaksyon ko.

"Sorry," I immediately said. I pursed my lips together at saka inayos ko iyong pagkaka-upo ko. "All this time, I thought bobo ang tingin mo sa akin."

Kumunot ang noo niya. "What? Why would you think that?"

I shrugged. Paano ko sasabihin sa kanya nung mga panahon na delulu pa ako sa kanya, I kept on making excuses to justify him avoiding me. Inisip ko na baka bobo lang ako kaya ayaw niya akong kasabay magreview? Kasi ang baba naman talaga ng mga score ko nung mock bar? O dahil masyado lang akong yolo sa paningin niya? O baka napansin niya na nag-aaral lang ako kapag kasama ko siya?

Lots of excuses I made up for him in my mind.

Grabe... queen of delulu pala talaga ako sa kanya.

"Did I do or say anything para—"

Mabilis akong umiling. "Never mind," I said because I didn't want to walk down the memory lane with him.

Ibinalik ko iyong atensyon ko sa mga documents ko. Susundin ko iyong payo ni Lui, but still, I'd do my best. Ayokong magkamali during hearing as much as possible. Still, I could feel him watching me. I was ignoring him. Work is work.

Napa-tingin ako nung dumating na iyong staff sa court. Tumayo si Lui. Baka siya iyong sa unang kaso.

"Italia," biglang pagtawag niya sa akin kaya naman wala akong nagawa at agad na napa-tingin ako sa kanya. Nagtama iyong mga mata namin. "For the record, I never thought you were dumb." Napaawang iyong labi ko. "You wear your heart on your sleeves, yes, but that's never a bad thing."

Hindi ako makapagsalita sa mga sinabi niya sa akin.

Lui grabbed his briefcase. Akala ko ay aalis na siya para pumasok sa loob, pero naka-tayo lang siya sa harap ko habang hawak iyong briefcase niya. Once again, I was gob smacked with the reality na abogado na kaming dalawa at hindi bastang law student na lang.

"You're a quick learner. You'll be fine," sabi niya tapos ay tumalikod na siya at nagsimulang maglakad.

"Thank you," sabi ko sa kanya. "...pañero," dugtong ko.

Saglit siyang napa-hinto... at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Lui and I couldn't be friends... but it seemed like we'd get along well as colleagues. And maybe that's what we should've been all this time.

* * *

I did as Lui told me. Sinabi ko sa judge na unang court appearance ko 'yon. I prepared well, but of course, I wasn't expecting everything to go without a hitch. May mga mali ako na nasabi, pero hindi naman ako nasigawan kagaya nung kinatatakot ko. I was corrected, in the middle of the proceeding, but it was fine. Binigyan din ako ng mini lecture, but I appreciated that.

I promise to only get better and make the best of the opportunities that come my way.

Dumiretso na ako sa office after. I checked my new deliverables at sinimulan ko na magsulat ulit ng pleadings. But as I was doing it, I realized that as much as I was good at this, I didn't enjoy this a bit. I was just doing this kasi trabaho ko.

I enjoy litigation.

It gives me the rush.

It challenges me.

Huh... tama na naman si Lui. Sa kanya ko unang narinig na bagay ako sa litigation. If it were not for him, baka nagpadala na ako kay Lance at talagang napadpad ako sa arbitration.

I should thank him... right? But weird naman if itetext ko siya... Saka na nga lang kapag nagkita kami. Sigurado naman na magtatagpo na naman iyong landas namin.

For the meantime, though, I was glad na finally ay may goal na ako sa buhay ko.

That I wasn't just going with the flow...

That for once, I will be actively running towards the goal—my goal.

* * *

"What?" Lance asked nung hindi ako nagreklamo nung sinabi niya na isasama niya ako sa grand event nung frat niya.

I thought about it.

I had a few months left hanggang matapos iyong contract ko dito. Tatapusin ko na lang iyon tapos ay lilipat na ako ng trabaho. Maganda iyong litigation department sa current firm ko, pero hindi ako matatahimik dito dahil laging nakaaligid si Lance sa akin. I'd just finish my contract here peacefully and bow out.

And... I'd just slowly phase out Lance.

I mean, of course ayoko rin naman ng ghosting, pero ano'ng choice ang meron ako kung controlling siyang tao? He wouldn't take no for an answer! Kahit nga pagtanggi ko umattend sa mga events ay 'di niya ako pinapakinggan, dito pa kaya?

Siguro ganito talaga kapag hindi tao ang tingin sa 'yo kundi pag-aari niya. Parang wala akong sariling desisyon sa paningin niya—or at least he didn't respect me enough to listen to my decisions.

This was for the better kaysa pag-initan niya ako... because for him? He probably created me and my career. He wouldn't let me go peacefully.

"Nothing," he replied, shaking his head. "Just... a bit surprising."

I just smiled at him.

Few more months and then goodbye and good riddance.

"Here," sabi niya at saka inabot sa akin iyong credit card niya. "Buy yourself a dress and maybe shoes? I don't know."

Instead of saying thanks gaya ng inaasahan siguro niya, tumingin lang ako sa card niya tapos ay ibinalik ko iyong tingin ko sa kanya.

"I have my own money," I told him with a sweet, sweet smile on my face bago ko siya sinabihan na lumabas na sa opisina ko dahil may kailangan pa akong tapusin.

Mabuti na lang at lumabas din siya. The next few days ay hindi niya ako ginulo. Nagfocus lang ako sa trabaho ko at ginalingan ko doon para wala silang masabi sa akin saka maliit lang talaga ang mundo namin. I didn't want to burn any bridges that, who knows, I might probably need soon.

Lance told me to dress nicely as if naman nagmukha akong pangit sa harapan niya ever. But whatever. I didn't want to give him much thought. Since it was a formal event, I decided to wear a floor length, backless red dress with spaghetti strap. There was also a slit up to the middle of my right thigh. I also wore my chunky hoop earrings, gold clutch, and gold strappy stilettos. Naka-red lipstick lang din ako at saka light makeup. I just straightened my hair na 'di na ata tumutubo dahil sa stress sa trabaho. I also decided to let my neck be bare by not wearing any necklace.

When Lance saw me, he tried to kiss me, pero madali akong umiwas. Mabilis kong sinabi sa kanya na baka mabura iyong lipstick ko. Naghahanap lang ako ng tamang tyempo, but in my head, we're already done and over with.

Nang dumating kami sa venue, madami akong nakitang pamilyar na mukha. Iyong iba dahil nakita ko sa mga events, pero iyong iba ay dahil mga sikat sila na personalidad sa Pilipinas. I'd always knew how powerful Lance's frat is... but seeing all these people gathered here?

Fucking terrifying.

"Shall we?" Lance said when he opened the door for me.

I looked at him, but then my eyes immediately went to someone else... who was looking at me without a care kung may makakita man sa kanya na naka-tingin sa akin.

Mabilis kong binalik kay Lance iyong tingin ko. Few more months and this shitshow will be over. I should focus on the goal. Besides, ang daming babae dito. Ang daming magagandang babae. I'd be fine.

Dumiretso kami ni Lance sa loob. As expected, pinakilala niya ako sa ibang mga tao. I was just polite, but I didn't express any further interest that they might otherwise misread.

Ganon lang at paulit-ulit.

Then after a while, I had to excuse myself para pumunta sa CR, pero hindi pa agad ako nakaka-punta roon nang may humatak sa akin. 

**

This story is already at Chapter 32 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you! 

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 97.3K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
190K 10.4K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
4.3M 140K 51
(Game Series # 8) Adriadna Deanne Manjarrez, NBSB, promised herself na kapag pumasok na siya sa law school ay magkakaroon na siya ng boyfriend. Sabi...
3M 130K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...