Her Mafia King Husband [COMPL...

By Black_Jaypei

158K 4.2K 180

Kelvin Clyde Miranda is bachelor multi-billionaire. The CEO of the biggest KCM company. He's workaholic and s... More

𝐇𝐄𝐑 𝐌𝐀𝐅𝐈𝐀 𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐒𝐁𝐀𝐍𝐃
𝐁𝐋𝐔𝐑𝐁
𝐏𝐑𝐎𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 1
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 2
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 3
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 4
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 5
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 6
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 7
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 8
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 9
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 10
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 11
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 12
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 13
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 14
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 15
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 16
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 17
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 18
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 19
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 20
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 21
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 22
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 23
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 24
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 25
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 26
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 27
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 28
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 29
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 30
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 31
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 32
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 33
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 34
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 35
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 36
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 37
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 38
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 39
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 40
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 41
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 42
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 43
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 44
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 45
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 46
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 47
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 48
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 49
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 50
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 51
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 53
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 54
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 55
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 56
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 57
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 58
𝐄𝐏𝐈𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄
Message

𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 52

243 4 0
By Black_Jaypei

CLAIRE JOYCE

“HINDI ako papayag sa gusto mo Kelvin! Ayaw ko!”

Pagmamatigas ko kay Kelvin ng pinipilit niya akong kunin na namin ang kambal para sa iisang bahay na kami tumira.

“Mga anak ko sila at walang masama kung gusto ko silang makasama sa iisang bubong! Bakit ba nagmamatigas ka pa?”

Yumuko ako. “Hindi ko kayang maiwang mag-isa...”

Hindi ko kaya kung pati ang kambal ko malalayo sa akin. Madaming taon na ang na sayang na hindi ko nakasama ang dalawa kung anak ayaw kong pati sa kambal ko malayo ako.

“Sa ayaw at sa gusto—

Tumunog ang cellphone ko dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita. Tiningnan ko ang cellphone ko at pangalan ni Aira ang nasa screen kaya bigla naman akong naramdaman ng kaba.

“Who’s that?” Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Titig na titig siya sa akin habang hinihintay ang sagot ko.

“S-Si Aira.” Tugon ko at agad kong sinagot ang tawag nito. Kinabahan ako ng bumungad sa akin ang mga hikbi ni Aira na halatang kinakabahan.

“Aira, bakit?”

[“A-Ate! Ate, p-patawarin n-niyo ako... N-na wawala po ang k-kambal!”]

“A-Ano?!”

Natigilan ako ng marinig ko boses ni Aira mula sa kabilang linya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahilan para hindi ako makagalaw.

My hands is shaking, my heart is racing.

Nawalan ako ng lakas dahilan para mahulog mula sa kamay ko ng cellphone kasabay ng pagpatak ng mga luha ko at nanghihinang umupo ako sa paanan ng kama.

“What happened?”

Nag-angat ako ng tingin kay Kelvin. Puno ng pag-aalala ang mukha nito.

“N-Nawawala si Sea at Tent.”

Hindi ko maiwasang matakot at mag-isip na may mangyaring masama sa kanila. Hindi kaya alam na ni Samantha ang tungkol sa mga anak ko?

“Fuck.”

Malutong na mura ni Kelvin. Nagmamadali itong lumabas ng silid kaya mabilis ko siyang sinundan.

“Kelvin!”

Hindi ako pwedeng umiyak na lang dito habang nawawala sila. Kailangan ko silang mahanap bago pa mahuli ang lahat. Hindi ko kakayanin kung pati sila ay malayo sa akin. I can't.

Naabutan ko siya na ka usap si Raul at nang makita ako mabilis namang tumalima si Raul pa alis at isinama pa nito ang ilang lalaki na nakabantay sa paligid ng mansion.

“Kailangan kung umalis, hindi ko pwedeng pabayaan ang mga anak ko.”

Mabilis akong naglakad papunta sa malapad na pinto pero agad rin may pumigil sa kamay ko at hinila ako papunta sa sala. Iginaya niya ako pa upo sa pang isahang sofa pero hindi ito ang gusto ko kaya mabilis rin akong tumayo pero natigilan ako ng marinig ko ang sinabi niya.

“Stay! Hindi ka aalis at hindi ka gagawa ng kahit na ano!” Walang emotion niyang utos sa akin.

“Kelvin, bakit ganiyan ka? Bakit hindi mo magawang kumilos para hanapin ang mga anak ko? Anak mo rin naman sila pero bakit wala kang ginagawa?” Inis na tumayo ako.

Kanina pa ako nagpipigil sa kaniya. Natigilan siya. Masamang tingin ang itinapon niya sa akin. Nakakatakot iyon pero sinalubong ko ng buong tapang.

Bakit parang wala lang sa kaniya na nawawala ang mga bata pero bakit pagdating kay Kaye para siyang mawawala sa tamang pag-iisip sa pag-aalala.

“I already ordered my men to find our twins.” Kalmado niyang sabi

Nagkatitigan kaming dalawa. Sa inakto niya hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng galit sa kaniya. Hindi ko magawang sumagot sa kaniya. Nanatili akong tahimik at hindi gumagalaw sa kina-uupuan ko pero sa totoo lang gustong-gusto ko ng lumabas at hanapin ang mga bata pero hindi ko siya kayang suwayin lalo pa nakikita kung galit siya.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo dito habang siya palakad-lakad lang sa sala at kinakalikot ang cellphone niya. Hindi ako mapakali dahil habang tumatagal na iisip kung nasa panganib ang mga anak ko.

Hindi ko alam kung paano niya na gagawang kumalma na halos mabaliw na ako sa pag-aalala. Na iinis na tinalikuran ko siya at bumalik sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko na nahulog ko kanina.

Tinawagan ko si Aira upang malaman kung anong nangyari. Napahilot na lang ako sa sintido ko ng malamang dinala niya ang dalawa sa mall para maglaro. Pauwi na sila ng mapadaan sa isang park at gusto nitong maglarong muli. Iniwan niya daw ito na naglalaro sa slide upang bumili ng maiinom nito ngunit pagbalik niya wala na ang mga ito at natagpuan niya ang bracelet ni Sea sa damuhan.

Mabilis akong bumaba para sabihin kay Kelvin na maaring na kidnap ang mga bata at wala akong na iisip na gagawa no’n kundi ang fiancee niya na sagad hangang buto ang sama!

Mabilis akong naglakad pababa ng hagdan habang hawak-hawak ang cellphone ko.

“Daddy!!”

Mabilis akong napatigil sa pagbaba ng marinig ko ang boses ng panganay ko na pumuno sa buong sa sala. Sa tuno ng boses niya masayang-masaya ito.

Ilang araw na ang nakalipas mula ng magkita kaming mag-ina at ito ang pangalawang beses na magkikita kami. Wala si Keith ng araw na dumating kami dito.

Na sabi sa akin ni Kelvin na ngayong araw ang uwi nito kaya nga gusto niyang kunin na rin ang kambal upang ipakilala ito sa mga kapatid.

Dahan-dahan akong bumaba at huminto ako ng makita ko na ito na tumakbo papalapit kay Kelvin at hinihila ang laylayan ng suot nitong damit.

“Daddy! Daddy, I have surprised!”

“Not now, Keith.”

Mabilis na tinalikuran ni Kelvin si Keith ng tumunog ang cellphone niya at sinagot ito. Nakita ko namang nalukot ang mukha ni Keith at pabagsak itong umupo sa pang isahang sofa.

Hindi ko maiwasang hindi mainis kay Kelvin sa tinuran niya kay Keith. Kakauwi lang nito ni gawaran niya ng yakap o kaya batiin man lang hindi niya ginawa.

Tahimik lang ito na naka-cross ang paa habang nakatingin sa kaniyang daddy. Natigilan naman si Kelvin ng paglingon niya sa anak namin ay titig na titig sa kaniya.

“What?” May bahid na inis niyang tanong dito.

Malapad namang ngumiti si Keith at lumapit sa kaniya. “I adopt kids to be my brother!”

“What the fuck!” Bulaslas ni Kelvin.

“No worry, Dad! I’ll be a good big brother!” Mabilis itong tumakbo papunta sa malapad na pinto.

Hindi naman masyadong uhaw ang anak ko sa kapatid ‘no?

Sunod-sunod na napamura si Kelvin at napahilamos sa kaniyang mukha. Wala sa sariling naglakad ako papalapit sa kaniya at hinawakan ko ang balikat niya dahilan para mapatingin siya sa akin.

“Kelvin sa park malapit s—

“Daddy this— Mom?!”

“Mommy?!”

“Mommy?!”

Mabilis kung nilingon si Keith. Nagulat ako ng marinig ko ang dalawang boses. Nanlaki ang mata ko ng makita ang dalawang batang kasama niya na may malapad na ngiti ganu'n rin si Keith.

“Cseamir? Ctentir?”

“Mommy!”

Mabilis na tumakbo papalapit sa akin ang kambal kaya sinalubong ko rin sila. Napalunok ako sa sahig at niyakap sila ng mahigpit. Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil akala ko nasa panganib na sila pero nagkamali ako dahil kasama nila ang kanilang kuya Keith.

“What’s the meaning of this?!” Galit na turan ni Keith.

Humiwalay ako sa yakap sa kambal. Seryosong-seryoso si Keith na nakatingin sa akin. Pinahid ko ang mga luha ko bago lumingon kay Kelvin na nakamasid lang sa amin.

“Keith... Baby.” Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay pero agad rin nitong binawi sa akin at inilagay sa bulsa ng kaniyang suot na pantalon.

“No! Don't touch me!”

Alam kong galit siya sa akin pero nasasaktan ako na kahit hawakan siya ay hindi niya ako hinahayaan. Masayang-masaya siya ng dumating dito pero ngayon na nakita niya ako parang bula na nawala ang kasiyahan niya.

“Don’t shout my Mommy!”

Lumapit sa akin si Sea at niyakap niya ako. Hinawakan ko ang kamay niya na nakayakap sa akin. Umiiyak pa rin ako habang pinagmamasdan si Keith na papalit-palit ang mata sa akin at sa kambal.

Bumaling ako kay Sea at Tent. Hinawakan ko ang kanilang kamay at hinarap sila sa akin.

”Baby, do you really want to meet your kuya?”

Sabay na tumango ang dalawa. Nakangiti naman akong lumingon kay Keith na sinundan ng dalawa. Ang seryosong mukha ni Keith napalitan ng gulat ng magkatinginan silang tatlo.

“Our Kuya Keith is you Kuya Ced?” Nakangiting tanong ni Sea kay Keith.

“M-Mom, it's true? They are really my twin little bro?” Sunod-sunod na tumango ako sa tanong ni Keith sa akin.

Natigilan ito. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko ng wala akong makitang saya kahit na anong emotion sa mukha niya samantalang ang kambal nakangiti ng malapad.

How I miss calling Mom by my first born baby.

“You are really my brothers!” Nagtatalon si Keith at ilang beses na sumuntok sa hangin. “Yes! Yes. I have a twin bro!”

Nakangiting tumakbo papalapit si Keith sa harap ng kambal at ng ilang hakbang na lang ang pagitan nila ay tumigil ito.

“Keith Cedrick Miranda.”

Malapad itong nakangiti at inabot ang kaniyang kamay. “Your handsome elder brother.” Si Sea ang tumangap sa nakalahad na kamay ni Keith.

“Keemn Cseamir Miranda.”

Nagkatitigan ang magkapatid. “Your handsome lil bro.”

“Kleem Ctentir Miranda.”

Itinuro ni Tent ang sarili niya. “The more handsome in two of you!”

Tinuro ang dalawa bago nakipagkamay kay Keith. Nagtawanan silang tatlo. Inakbayan ni Keith ang dalawa at tiningnan ito bago tumingin sa gawi ko na may malapad na ngiti.

“Daddy! Thank you for granted all my wishes!”

Napayuko ako dahil akala ko sa akin siya nakangiti pero may Kelvin pala na walang imik na nakatayo sa likuran ko habang nakamasid rin sa aming mga anak.

“Your mom did.”

Mabilis akong napalingon kay Kelvin. Inilahad niya ang kamay sa akin. Tiningnan ko ang kamay niya bago tumingin sa kaniya nagdadalawang-isip man akong tanggapin sa huli kinuha ko ito at inalalayan niya akong makatayo.

“Don’t you have any plan to thank your mom?” Baling nito kay Keith pero nanatili itong tahimik. Wala na rin ang ngiti sa labi niya. Ngumiti ako ng pilit habang nakatingin sa kanila. Binuksan ko ang cellphone ko at kinunan ko silang tatlo ng larawan.

I want to capture this moment how Keith happily accept his twin brother and how happy they are happy each other.

Iniyapos sa akin ni Kelvin ang kaniyang braso at bahagya akong kinabig papalapit sa kaniya at niyakap. Humarap ako sa kaniya at isiniksik ko sa dibdib niya ang mukha ko na punong-puno ng luha. Dinama ko ang init ng kaniyang yakap.

“Daddy!”

Mabilis naman akong nagbaba ng tingin ng maramdaman kung may sumisingit sa pagitan namin ni Kelvin. Sino pa nga ba? Walang iba kundi si Sea.

Tumingin ito sa daddy niya. “No hug!”

Bumaling ito sa akin na nakataas ang mga kamay kaya nakangiting binuhat ko naman ito.

Umiling si Kelvin. Ginulo niya ang buhok ni Sea at ginawaran ng halik sa noo bago nilapitan si Keith at Tent na nasa sala ng makaupo siya sa sofa lumapit sa kaniya si Keith at sa hita niya na upo. Ginawaran siya nito ng halik habang nagk-kwento sa kaniya. Si Tent naman nagtatalon sa sofa kaya hinapit ito ni Kelvin palapit sa kaniya at niyakap. Nang makaupo ito sa kandungan niya ginawaran siya ng halik sa pisngi.

Nagpababa sa akin si Sea. Tumakbo ito papalapit sa tatlo at dumampa ng yakap kay Keith na agad naman nitong niyakap ng mahigpit pabalik. Ilang beses ko silang kinunan ng larawan.

Masaya akong makitang nagtatawanan ang mag-aama ko. Kung nandito lang si Kaye paniguradong masaya rin siyang makilala ang twin brother niya.

Nakangiting tinungo ko ang kusina para gumawa ng meryenda para sa kanila pero bago ko pa man sinimulan na magbake nakangiting nagpadala ako ng mensahe kay Aira na ligtas ang mga bata at kasama ko ito ngayon.

“I miss my homie!”

Natigilan ako sa paglalagay ng cupcakes sa plato ng marinig ko ang boses ni Kaye mula sa sala. Mabilis kung tinapos ang ginagawa ko at nagdagdag ako ng isa pang juice para sa anak kong kakarating lang.

Nakangiting tinungo ko ang sala dala-dala ang isang tray na may lamang cupcakes and juice.

“Dada! What's going on here?!”

Nakita kung nakahawak pa sa bewang si Kaye habang nakatingin sa magulong sala. Lahat ng throw pillow nagkalat sa sahig. Nagtatago si Keith kasama ang kambal sa likod ng sofa habang si Kelvin naman nakadapa habang nakatago ang ulo at kalahati ng katawan niya sa center table.

Isip bata!

“Dada! What are you doing down there?!”

“Ouch!” Daing niya ng mauntog ang ulo niya sa center table.

Mabilis na umalis si Kelvin sa ilalim ng center table at hinihimas ang ulo niya. Umupo siya sa sahig tumakbo naman si Kaye papalapit sa kaniya at yumakap.

“Mishyo, Dada! Mishyo! Mishyo!”

“I miss you.”

Mahigpit siyang niyakap ni Kelvin at tumayo na ito. Buhat-buhat niya si Kaye ng mapatingin sila sa direction ko. Nakangiting lumapit ako sa kanila at inilapag ko sa center table ang tray.

I smile. “Cupcakes and juice for meryenda.”

“Wow! Thank you Mommy!” Dumukwang sa akin si Kaye at hinalikan ako sa pisngi. “Hey, baby. I love you.” Ginawaran ko siya ng halik sa labi.

“Iwabeyu Mommy!”

“Keith, Keemn, Kleem, snack is ready!” Tawag ko sa tatlo na nakayuko pa rin sa likod ng sofa.

Sabay-sabay naman itong lumitaw dahil nga maliit pa ang dalawa ay noo lang nila ang nakikita kaya napangiti ako.

“Dada, who's that?” Nagugulohang tinuro ni Kaye ang kambal.

“Your twin lil bro.” Nakangiting sambit ni Kelvin. Kaye shook on her face.

Bakas sa mukha ni Keith at ng kambal ang gulat ng makita si Kaye na buhat-buhat ni Kelvin.

Napalunok si Keith. “A-Am I seeing a ghost?”

“Your sister is alive.”

***

PAGLABAS ko sa kusina nakasalubong ko si Raul sa sala mula sa library ni Kelvin. Ngumiti ito sa akin at bahagyang yumuko nagbibigay galang. Napatigil ako sa paglalakad ng lampasan na ako nito.

“Raul wait!”

Mabilis ko itong ni lingon. Huminto ito sa paglalakad at bahagyang lumingon sa akin at ngumiti.

“May kailangan po ba kayo Ms. CJ?” He formally asked.

Umiling ako at ngumiti. “Pwede ka bang maka-usap?”

Saglit kaming nagkatitigan ni Raul. Bakas sa mukha niya ang pagtataka kalaunan tumango ito at ngumiti. Inuwersiya niya ang kaniyang kamay papunta sa garden kaya nakangiting tumango ako bago tinahak ang daan papunta sa garden.

Nang makarating kami sa garden inihugot niya ako ng upuan bago siya tumayo sa harapan ko.

“Have a sit.” I told him.

Nagdadalawang-isip man ay umupo pa rin siya sa kaharap ko pero halatang hindi siya comfortable sa kina-uupuan niya dahil panay ang tingin-tingin niya sa paligid na kahit anumang oras may tatama sa kaniya.

“M-Ms CJ, bakit gusto niyo akong maka-usap?”

“Ayos ka lang?”

Puna ko sa kaniya na panay ang likot niya. Pinagpawisan rin siya sa noo na para bang kinakabahan siya.

“O-oo naman! Mainit lang dito, hehe... Pwede bang direktahin niyo na ako?”

Gabing-gabi na mainit pa ba? Malamig nga ang simoy ng hangin eh!

Humingga ako ng malalim at isinandal ko ng likod sa silya na inuupoan ko. Pinakatitigan ko si Raul. He look so tense in his seat.

“I want to know everything what happened three years ago.”

Napakurap-kurap si Raul. “What do you mean everything, Ms CJ?”

“Everything." I crossed arms. “From the day I left until the day before we meet again in detail.”

Gusto kung malaman ang lahat-lahat! Pakiramdam ko may nangyari na hindi ko alam kaya kami umabot sa ganito. Kailangan kung malaman ang buong katutuhanan!

Kung hindi ko makuha ang mga sagot sa tanong na gumugulo sa isip ko kay Kelvin si Raul lang ang pag-asa ko na malaman ang totoong nangyari dahil hindi siya na wala sa tabi ni Kelvin.

Tumikhim si Raul. “Hindi po ba mas maganda kung siya ang tatanungin mo?”

“Are you that loyal to your boss for not telling me what I am asking?”

Kitang-kita ko sa mukha niya na alam niya ang gusto kung marinig pero sa tingin ko wala siyang balak na sabihin kahit isang salita mula sa nakaraan na tatlong taon.

Natigilan si Raul na parang nag-iisip. Tumingin siya sa paligid bago humingga ng malalim. Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa mesa at tumingin sa akin ng deritso.

“Maraming nangyari na hindi dapat mangyari. Matinding sakit ang sinapit at matinding pighati na kahit sa panaginip hindi mo nais pang alamin.”

Wala nga talaga siyang balak na sabihin sa akin!

“Raul, please! Please... I just want to know! I badly want to know. Why it is? What's going on? I'm really clueless, I don't like this feeling! I felt stupid!”

“Sa tingin ko mas mabuting hindi mo na malaman pa. Hindi mo na mababalikan ang nakaraan hindi mo na rin mababago ang kasalukuyan.”

He's words is so meaningful that's make me more desperate to know everything. Mahigpit kung na ikuyom ang kamao ko habang nakatingin ng deritso sa kaniya ng seryoso na ikinayuko niya.

“What do you want me to do just to tell me everything?”

I bite my lower-lip as I felt my eyes getting hot. It's seems one more words coming out from my mouth I’ll cry. Nag-angat ng tingin sa akin si Raul. Our eyes meet.

After talking to Raul I found myself in the bathroom crying silently. My heart is aching as if it was just happening now. I can't do anything but to cry and make me more broken.

I don't know how long I stay in the bathroom all I just want to do is to cry. I can't even rest or something else to make it better. I can't do anything because I'm just nothing! How can I live a life and how to start a new life?

***

PAGLABAS ko ng kwarto natigilan ako ng marinig ko ang hagikhik ng babae na ikinakulo ng dugo ko hindi ko pa ito nakikita pakiramdam ko sasabog na kaagad ako sa galit.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at agad rin akong tumigil. Naikuyom ko ang kamao ko sa galit ng makita ang babaeng huli sa listahan na makikita ko sa araw na ito.

It's her!

Sa dami ng ginawa niyang kasalanan sa akin. Sa lahat ng kinuha niya na dapat para sa akin hindi ako papayag na lahat pwede niyang maangkin!

Mabilis akong naglakad papalapit sa kanila. Bahagyang natigilan ang dalawa ng makatayo ako sa harapan nila. Nakangiting dumukwang ako kay Kelvin at ginawaran ko siya ng halik sa pisngi at umupo ako sa tabihan niya.

“Good morning, hon! Aren't you going to eat with me?”

Nagulat siya sa ginawa ko pero agad naman siyang nakabawi. Nagkatitigan kami ng ilang saglit bago siya umiwas ng tingin.
Nilingon ko si Samantha may gulat sa mukha nito pero malapad ko siyang nginitian. Bahagya itong lumayo kay Kelvin at humalukipkip na para bang siya ang pinakamahinhing babae sa balat ng lupa.

“Hindi mo naman sinabi na may maagang higad ang dadalaw sa iyo.”

Mabilis na napatingin sa akin si Samantha. Ang maamo niyang mukha mabilis na napalitan ng masamang tingin sa akin at tinaasan ako ng kilay.

“Escuse me?” Inirapan niya ako bago bumaling kay Kelvin.

“You didn't bother to tell me that you're mansion is orphanage now. Oh, well... I'm just off from the long shoot I’m too happy to be annoyed seeing you in my fiance’s mansion.” Pagpaparinig ni Samantha sa akin.

Mabilis akong tumayo at galit na tiningnan si Samantha. Nakangising tumayo ito at nakipagtitigan sa akin.
Pagkatapos niyang agawin sa akin ang project na iyon ipagyayabang niya sa akin?

“Pagkatapos mong kunin ang hindi sa iyo may gana ka pang ipagyabang? If I were you, I won't be proud of it specially it's already taken for someone.”

“I don't know what's your talking about.”

“Magaling kang model pero mas bagay kang artista ang galing mong umarte! Sigurado akong kung isa ka sa gaganap sa isang pelikula ikaw iyong palaging agaw eksena, diyan ka naman magaling... Ang mangagaw!”

Namula ang mukha nito sa galit. Matagal kaming naglaban sa mata pero siya ang unang umiwas ng tingin at dinampot ang bag niya.

“Kelvin, why did you let this woman stay here with you?! I am your fiancee—”

“And I am the wife.” I proudly cut her off.

Kitang-kita ko ang galit sa mukha niya ngunit hindi pa iyon kalahati sa galit na nararamdaman ko sa kaniya pagkatapos ng ginawa niya sa anak ko?

I cross my arms in my chest. “I have a right to drag you out of my house! Before I would do that, I am giving you a chance to walk by yourself... Now!”

Buong lakas kung sigaw at itinuro ko ang malapad na pinto. Nanginginig pa ang kamay ko sa tindi ng galit ko sa babaeng ito. Kung ako lang ang masusunod kanina ko pa siya sinabunotan at hindi ko titigilan hangga't hindi siya na kakalbo!

Punong-puno ng galit ang mga mata ni Samantha. Gumalaw ang kamay nito papunta sa pisngi ko dahilan para napapikit ako pero wala akong maramdamang kamay sa pisngi ko. Nang buksan ko ang mata ko. Nakatayo na si Kelvin hawak ng pulsuhan ni Samantha. Bahagya akong hinila ni Kelvin papunta sa likuran niya.

“Let me go! Kelvin! Hindi ako papayag na dito siya tumira sa iyo! Palayasin mo ang babaeng iyan habang nakakapagpigil pa ako dahil kung hindi... Ako mismo ang magbabaon sa kaniya sa lupa!”

Mabilis nitong winaksi ang kamay ni Kelvin at nagmamartsa itong lumabas ng mansion.

“Samantha!”

Tawag ni Kelvin dito at naglakad siya papunta sa pinto para sundan ito pero bago pa man siya makalabas ng bahay  natigilan siya ng magsalita ako.

“She’s still your fiancee?! Wow, Kelvin! Wow!” Mapakla akong tumawa. “I really can't believe you...”

Naglakad siya papalapit sa akin at galit na hinawakan ko sa may siko. Inaagaw ko sa kaniya ang braso ko pero hindi niya ako pinakawalan.

“Kelvin, ano ba! Nasasaktan ako!” Pagpupumiglas ko.

“Why the hell did you do that?! She doesn't have an idea about Kaye!”

Natigilan ako.

“Wala? Katulad na wala ka pa ring ginagawa sa babaeng iyon kahit alam mo na siya ang nagtangka sa buhay ni Kaye? Ganiyan ba siya ka importante sa iyo para hindi mo siya maipakulong?!”

Naiinis ako sa kaniya na wala siyang ginagawa sa babaeng iyon. Sa nakikita ko mas nag-aalala pa siya dito.

“Hindi iyon ganu'n kadali.”

“Hindi iyon ganu'n kadali? O, hindi ka lang talaga kumikilos?! Ganu'n mo na ba siya ka mahal kaysa sa sarili mong anak?”

Naglakad ako papunta sa kusina ngunit bago pa man ako makalayo hinawakan niya ako sa pulsuhan dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.

“You can't beat Samantha and you’ll never gonna win against her.” Winaksi ko ang kamay niya. Punong-puno ng galit na nilingon ko siya.

“Pati ba naman ngayon minamaliit mo pa ri ako? Mahina na ako kung mahina pero bilang Ina ilalaban ko ang hustisya para sa anak ko maging kapalit man ang buhay ko!”

Nagkatitigan kami ng matagal. Bakit niya ginagawa sa akin ‘to?

“Hindi madaling kalaban si Samantha. If she can order to kill our innocent daughter, she can do everything on you! She's not a kind woman you see. She's a dangerous one...”

Napatingin ako sa kamay naming dalawa.  Hindi ko namalayan na kamay ko na ang hawak niya na kanina lang sa pulsuhan ko siya nakahawak. Pinisil niya ang kamay ko.

“Samantha is not that easy to be an enemy. I am complacent if you know how to defend and fight for yourself specially when I'm not with you.”

Raul told me that Samantha is a member of Kelvin's organization and I know when you're a member of it you are good in everything kaya naniniwala ako na delikadong tao si Samantha.

“W-What do you mean?”

May I be not that heartless and powerful like her but I am brave and stronger than her!

“You should learn to protect and defend yourself in any fight. Do you want to take a special training?”

Binawi ko ang kamay ko. “With who?”

He smirked. “With...” He paused and grin. “Me.”

Continue Reading

You'll Also Like

12K 335 50
when you really love someone, no matter how many people try to despise you, you can still weigh how much you really love each other. and that's what...
53K 2K 46
Ito ay kwento ng isang Simpleng babae na may simpleng buhay at simpleng katahimikan. Madalas walang nakakapansin ka kanya dahil di sya ganun kakilal...
15.7K 1.7K 34
COMPLETED! RPW LOVE STORY What if the girl whom afraid to enter in a relationship to this so called fake world named RPW or Role Player World, and th...
2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...