That Playgirl's Karma

By sovereigngel

206 14 2

AZALEA LOUISE GUITERREZ likes playing their hearts, she's totally a playgirl, pero sa isang kamalian niya ay... More

Author's Note
Chapter 0
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Special Chapter
Author's Note

Chapter 16

3 0 0
By sovereigngel

Paggising ko ay nasa hospital na ako, nasa gilid ko si Felix, nakayuko at sa tingin ko ay natutulog. Hindi ako gumalaw-galaw para hindi siya magising dahil base sa labas ng bintana, gabi na.

Hindi naman niya ako sinumbong ni papa eh 'no? Kasi lalamparusin ko talaga siya kahit siya tumulong sa'kin. Pero sa tingin ko hindi niya ako sinumbong kasi gumabi na, walang bumisita rito.

Hindi ako makapaniwala. He saved me, again. Dumaloy ang konsensya sa buong kalamnan ko lalong-lalo na noong nagpatawag ako ng security mapaalis lang siya sa unit ko, and how dare I am to call him a stranger? Deserve kong makulong sa cabinet na iyon dahil sa ginawa ko sa kaniya.

Nabagot ako na hindi gumalaw kaya intensyon kong ginalaw ang aking kamay na nagpagising ni Felix. Mahina niyang kinusot ang kaniyang mata at medyo gumulo ang buhok niya na pinasadahan niya gamit ang kaniyang kamay. He look damn fine.

"Kumusta ang ulo mo?" Tanong niya.

Oo nga pala, naalala ko may sugat pala ako sa ulo, hindi ko na kasi naramdaman ang sakit.

"Hindi ko nga naalalang may sugat ako sa ulo." Mahina akong natawa pero agad na huminto nang hindi siya tumawa dahil pag-aalala ang nasa mukha niya.

"May advantage rin pala ang pagiging matigasin mo." Bulong niya na rinig ko naman.

"I can hear you, Felix."

"'Wag mo nang uulitin 'yon." Ngayon ay seryoso na ang boses niya, may halong pag-aalala.

Again and again naalala ko ang ginawa ko sa kaniya, tinulak ko siya palabas ng unit ko na parang hindi siya nagbigay laking tulong sa buhay ko.

"Sorry.." ani ko habang hindi iniiwas ang tingin sa kaniyang mga mata.

"Just don't do it again, Azalea."

I nodded like a child na pinagalitan ng magulang.

"Hindi ka ba natulog kagabi?" Tanong ko.

Umiwas siya ng tingin nang mapansin ko iyon. Kumuha siya ng prutas sa mesa at binalatan ito.

"Paano mo pala ako nahanap?" Tanong ko habang siya ay patuloy sa pagbabalat.

Binigay niya sa akin ang isang ponkan na nabalatan na para kainin ko, kinuha ko ito at kinain, hinihintay ang sagot niya.

"Nilibot ko ang buong campus." Sagot niya habang nasa prutas ang tingin habang ako ay muntikan nang mabulunan sa sagot niya.

"Nilibot mo?!" Gulat na sigaw ko na kaagad tinakpan ni Felix ang bibig ko at tumingin sa paligid. Napagtanto kong may kasama pala ako sa iisang kwarto, kurtina lang ang pagitan, napatingin ang ibang pasyente sa amin na si Felix namang nagpatawad habang ako ay gulat pa rin sa sinabi niya.

Who the hell ang hindi mashashock! Nilibot niya ang buong campus because I was gone. And who the hell would spend their time just to find a jerk like me?!

"Why did you do that?" Wala sa sarili kong tanong.

Kunot noo niya akong tiningnan at binigay sa akin ang iba pang ponkan.

"Because you were gone." He answered with a tone of "obvious"

"No, no I mean. I kicked you out last night, so why?"

Kung ako tinulak palabas ng isang tao never at never ko na 'yang babalikan, kahit makita ko pa siyang mahulog sa kanal hinding-hindi ko siya tutulungan pero nang ginawa iyon ni Felix ay parang kaharap ko ang isang santo. Tinalikuran ko na siya pero siya ang kusang bumabalik.

Sa pagkakataong ito ay tumingin siya sa akin at seryoso ang tingin, "Diba sabi ko, hindi ako susuko. If for you giving up is like a one click then we are different."

"Giving up is like deciding to die, worse than to die."

His words carved a very deep meaning inside. It kept lingering on my mind at parang nakokonsensya na ako sa ginawa ko.

I didn't know before how precious for Felix of "not giving up". I still don't know him that much but then I judged him as if I already read his whole life. I was wrong. It was my mistake. I almost died again, but then, he saved me. He was there again, willing to take the risk for a playgirl.

——

Sabi ng doktor ay bago mag-umaga pwede na akong makalabas, maswerte raw ako dahil makapal ang buhok ako, medyo naprotekatahan daw ang skull ko sa pagkakabagok.

Alas dose sa umaga ay naisipan naming umalis na, sumakay ako sa motor ni Felix at 'wag na raw muna akong maghelmet dahil baka matamaan ang sugat.

Hindi kalakasan lamang ang pagdadrive niya, tahimik ang daan, kaunti lamang ang mga dumadaan at maganda ang simoy ng hangin.

Inaantok ako dahil sa gamot kaya kahit medyo naiilang ay niyakap ko si Felix at sumandal sa likod niya.

"Inaantok ako.." ani ko sa kaniya at pinikit na ang mga mata.

"Felix.." tawag ko sa pangalan niya sa mahina kong boses.

"Hm?"

"Gusto ko nang magbago." Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya kaya alam kong naririnig niya ang mga sinabi ko.

Hindi siya sumagot at patuloy lamang ang pagdadrive niya.

Napagtanto kong mali ang mga ginawa ko noon, maling-mali. Dumating si Felix dahil sa tingin ko para baguhin ang lahat, para makonsensya ako.

Gusto kong mamuhay ng payapa, malayo sa gulo. Gusto kong maglakad na walang tumitingin sa akin, hindi nanlilisik ang mga mata. Gusto kong maglakad na walang hihila sa buhok ko o maglalagay ng basura sa mesa ko sa room. Walang magtatangka sa akin na mawala at lalong-lalo... gusto kong walang tatakwil sa akin.

Gusto kong mamuhay ng normal.

Nang marating na namin ang aking condo ay gusto sana ni Felix na samahan ako sa pag-akyat pero nag-ayaw na ako. Pagod na siya at kailangan niya nang magpahinga. Tumalikod na ako para maglakad paalis nang hawakan niya ang braso ko, muli akong lumingon sa kaniya at tumingin sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Hinay-hinay niya itong hinila palapit sa kaniya at sa hindi ko inaasahan, niyakap niya ako.

Pinalupot niya ang dalawa niyang kamay sa akin, dumapo ang mainit niyang katawan sa nanlalamig kong katawan. Ramdam ko ang pagbabago ng sarili kong ekspresyon dahil umiinit ang pisngi ko. Naaamoy ko ang pabango niya sa kaniyang leeg. Nagdadalawang-isip man ay yumakap ako pabalik.

"I am always here, Azalea." His serious tone changed into soft spoken that made my heart in rush.

We stay like that for about a minute. Dinadama ang presensya ng isa't-isa na hindi kami susuko, hahanapin namin ang taong gumagawa nito sa amin.

——

Habang naglalakad papasok sa condo ay nakangiti ako. Hindi ko naman kasi inexpect na gagawin niya iyon sa akin.

"I was right, you are living here."

Hindi ko natuloy ang aking paglalakad nang may nagsalita sa gilid ko, pamilyar ang boses nito at iisang tao lamang ang alam ko kung sino iyon.

Tumingin ako kung saan nanggagaling ang boses. A woman sitting on a couch, nasa standby area sa first floor siya nakaupo, she is wearing a fine suit with a small bag on her wrist.

"Mrs. Fim," I called her name that made her looked at me.

Her eyes is like an eyes of a snake, makamandag, hindi mo aakalaing sa kabaitan ng kaniyang mukha, napakalayo sa totoo, atleast ang ahas hindi cinareer na magkaroon ng mabait na mukha, siya kasi ay hinakot lahat ng retoke at gamot maging mala-anghel lang ang mukha.

"I didn't expect you to be here." Instead of asking her how the hell did she know where I lived.

"Surprise!" She then giggled.

I rolled my eyes in disgust.

"Now you know where I lived, you can go." I pointed the exit door.

She put her palm on her chest as if I told her a very unrespectful words, baka nakakalimutan niya, she once told me that too.

"Ganiyan ka na ba talaga sa mama mo, Azalea?" With a sympathy in her eyes.

"Stepmom," I corrected her.

She sarcastically laughed and stood up, this time hindi na ako nakayuko. I didn't budge my stare at her, siya rin, hindi umiiwas ng tingin.

"Did you know how hard it is just to find you?" She said, base sa boses niya ay nasestress siya sa kakahanap daw sa akin.

I let out a smirk and laughed.

"So, hindi mo pa pala nararating ang pangarap mong hindi na maging isa sa maid ni papa." Napayuko ako at hindi pa rin mapigilan ang matawa.

"What?" Alam kong pinipigilan niya lang ang sarili niya ngayon. I didn't expect that I would never be afraid of her again. She is nothing to me now.

"Alam kong si papa ang nagpahanap sa'kin, ang nakakatawa ikaw pa ang pinahanap. Nakaka-touch naman." Sabay ngiti ko.

Ang akala ko ay mapipikon siya sa mga sinabi ko pero ngumiti lamang siya.

"Yes, Azalea. He asked me to find you, dahil magaganap ang coronation for the newly heiress tomorrow. Guess who? Ofcourse, my one and only beloved daughter, Thania."

Natigilan ako sa mga sinabi niya. May kinuha siyang card na galing sa bag niya at binigay sa akin.

"Call this number if you want something to wear for tomorrow, 'wag mo naman sanang ulitin ang ginawa mo nung una, pinapahiya mo lang sarili mo." Nagsimula na siyang maglakad paalis pero bago pa siya makalayo ay may sinabi pa siya sa akin.

"You are slowly becoming nothing, Azalea."

Sa mga sinabi niya ay para itong kamay na sinasakal ang leeg ko.

What she said haunts me until now. Hindi ako makatulog, alas dos na ng umaga pero bumabalik pa rin sa utak ko ang mga sinabi niya. Thania will be the heiress?

Hindi naman sa nagbago ang isip ko na gusto ko nang magmanage sa business ni papa pero ang akin lang, hindi ba nag-iisip ng maayos si papa? Si Thania pa talaga? Eh gastador 'yun, palaging nagshashopping. Gusto niya bang maubos lahat ng pera kaka-shopping?

Pero kung iyon ang gusto ni papa, wala akong magagawa. I don't care about them anymore. Ang kailangan kong i-focus ay ang sarili ko, kapag natapos na ang kaguluhang lumalapit sa akin, I will prove to my father that he is wrong, at kaagad kong babaguhin ang apelido ko.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 74.8K 23
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
1.4M 33.9K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
268 79 8
Isang nag ngangalang Astrid Lewis ang papasok sa isang paaralan na kung saan ay maraming hindi normal na tao. Kagaya na lamang ng Mafia's, gangster's...