Gangsta Vampire

Af AnelSenyorito

2.3K 125 70

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang binata na nakatira sa maliit na apartment, palagi siyang binubugbog ng m... Mere

CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15

CHAPTER 14

78 7 4
Af AnelSenyorito

Maglalakad na sana ako paalis pero nagulat nalang ako nang bigla nalang nakarating yung isang lycan sa harap ko tsaka niya ako tinusok ng mga mahahaba niyang kuku sa tyan.

Dahil sa takot ay agad akong nawalan ng balanse tsaka ako napahiga sa lupa.

“Laz! Okay ka lang!?“ Sigaw ni lucinda.

“Paano ka nakarating dito!?“ Taka kong sabi tsaka napansin ko ang dalawa niyang kamay na nakahawak sa tyan ko, sinangga pala niya ang mga kuku nung lycan.

“Muntik kana.“ Sagot niya tsaka siya napahinga ng maluwag.

Agad namang lumayo ang lycan dahil may dalawang bampira ang umatake sa kanya.

“Okay ka lang laz!?“ Sigaw ni founder.

Tumango lang ako tsaka ngumiti si lucas nang malaman niyang okay lang ako.

“Buti at nakaabot pa si lucinda.“ Sabi ni lucas.

Sumagot naman si lucinda sa tanong ko.

“Gumamit ako ng above normal speed kaya ako nakaabot sayo.“ Sagot niya.

Magsasalita sana ako pero biglang nagsalita yung lycan.

“So, marunong din pala kayo gumamit ng above normal speed?“ Tanong niya.

Dahil dun ay agad na hinarap ni lucas at founder yung lycan, yung isa pang lycan ay hinarap naman nila jake at iba pa nilang gangster member.

Kaya gumamit ng above normal speed yung lycan at ganun rin sila founder at lucas, kaso mas mabilis nga lang yung sa lycan at parehas silang dalawa na hindi kaya ang isang lycan.

Nahihirapan silang harapin ang lycan hanggang sa nahawakan si lucas sa leeg at tinaas, agad namang nilapitan ni founder ang lycan gamit ang speed at aakmang susuntukin pero paglapit niya ay nahawakan lang rin siya sa leeg.

“Aahh!“ Sigaw nung founder.

“Bwesit ka!“ Ika pa ni lucas.

Natawa lang yung lycan at hindi namin namalayang gumamit rin pala ng above normal speed si jake at bigla siyang nakalapit sa tyanan ng lycan at aakmang susuntukin san niya ang tyan dahil walang depensa, nakahawak ang dalawang kamay nung lycan kay jake at founder.

Pero pag suntok niya ay may isang kamay ng lycan ang sumalo at dito nga ay kinalmot si jake sa mukha.

“Aaaahh!“ Sigaw niya at tumilapon.

“Jake!“ pag aalala ni lucinda.

“Wag ipilit kung hindi kaya, lycan ang mga yan!“ sigaw ni lucinda.

Medyo kinabahan ako dito, parang hindi ito maganda.

“Baguhan palang kayo sa pagiging bampira, kaya normal lang na wala kayong laban!“ sigaw ko.

Hindi pinakawalan nung lycan si lucas at founder, kaya sabay-sabay na sumugod ang mga kasamahan namin at aakmang pag susuntukin na sana nila ang lycan nang bigla itong gumamit ng above normal speed at nagsalita.

“Subukan nyong lumapit, papatayin ko itong dalawang mahihinang bampirang to!“ Sabi niya.

Agad naman silang napatigil tsaka pinugutan ng ulo nung isang lycan ang isa naming kasamahan.

“Hahaha! Mga mahihinang nilalang!“ Sigaw nung may hawak kay lucas.

Nainis ako, dahil wala manlang ako magawa.

“Ano na ang gagawin mo lucinda? Tsaka diba sobrang tagal mo na sa pagiging bampira, anong kaya mong gawin?“ Tanong ko.

Kitang kita ko sa mukha niya na natatakot siya.

“Oo matagal na ako sa pagiging bampira, pero hindi naman ako sanay na lumaban eh. Namuhay lang ako ng patago at tanging mga dugo lang ng mga ligaw na hayop ang iniinom ko para mabuhay.“ Sagot niya.

Naguguluhan na ako, hindi ko alam kung paano ko sila tutulungan, at dahil hindi nga sila makalapit sa lycan ay malayang pinag pupugot nung isa pang lycan ang mga ulo ng aming kasamahan.

Unti-unti kaming nauubos, hindi ko lubos maisip na dalawang lycan lang ang uubos sa kanilang lahat.

“Paano ba lalakas ang mga bampira lucinda?“ Tanong ko.

Sumagot naman siya habang kinakabahan at napansin ko ring nanginginig siya.

“Sa pamamagitan ng labanan, kapag ang isang bampira ay na sanay, mag i-improve ang aming abilities.“ Sabi niya ay nagsalita pa.

“Halimbawa ako, sa tagal kong namumuhay ay nasanay na'ko na nasisikatan ng araw at dahil dun ay nakamtan ko ang immunity sunskin.“ Sabi niya.

Napatango lang ako.

“Pero sanay naman lumaban ang mga yan, lalo na yung founder at si lucas.“ Sabi ko.

Hindi siya sumagot at nakatingin lang sakin na natatakot, siguro kailangan pa nilang masanay sa pakikipag laban bilang isang bampira.

Tiningnan ko ang mga baguhang bampira at nakikipag laban silang lahat sa lycan, hindi nila hinayaan na malaya silang pag pupugutan ng ulo nung isa pang lycan.

Dahil dun ay napapaisip ako.

“Kung hindi ka sanay sa labanan, ibig sabihin sanay ka sa pagtakas.“ Sabi ko.

Tumango naman si lucinda.

“Ibig sabihin mas mabilis ka pa tumakbo kung ikukumpara sa mga baguhan?“ Dagdag ko pa.

Tumango naman si lucinda at nagsalita.

“Oo, kaya nga kita naabutan kanina tsaka nahuli ng dating si founder at lucas.“ Sabi niya.

“Kung ganun, kaya mo palang makipag sabayan sa mga lycan.“ Sabi ko.

Nabigla naman siya.

“H-hindi!“ Gulat niyang sagot.

Hinawakan ko ang balikat niya at nagsalita.

“Maaaring hindi mo kayang makipag sabayan pag dating sa lakas, pero kaya mo namang nakipag sabayan pag dating sa bilis, pang amoy, pandama at pandinig, mauutakan mo ang dalawang lycan, basta gamitin mo bilang pain ang ibang baguhang bampira.“ Sabi ko.

Wala siyang masagot, ilang segundo lang ay tumango siya at nagsalita.

“Susubukan ko.“ Sabi niya.

Dahil dun ay agad akong natuwa, parang may paraan pa upang makatakas ang iba sa kasamahan namin.

Agad na humarap si lucinda sa dalawang lycan tsaka kami humanap ng pagkakataon para maka atake siya.

“Aahhh!!“ Sigaw nung isang kasama namin at kinalmot nung lycan ang likod.

Nagtulong-tulong silang umatake habang pinoprotektahan nila ang mga sarili nila, natutuwa lang yung lycan habang pinapaslang niya ang mga bampira hanggang sa papatay nanaman ulit yung lycan ng isang kamasamahan namin.

“Ngayon na lucinda!“ Sigaw ko.

Agad namang gumamit si lucinda ng above normal speed at tumakbo siyang ng napakabilis.

Dahil nga nakatuon ang atensyon nung lycan sa mga bampira ay hindi niya namalayang paparating na si lucinda sa likod niya, kaya nang makaabot na si lucinda ay agad niyang kinagat ang lycan sa leeg imbes na saksakin niya sa kanyang kamay na may mahahabang kuku.

“Aawhhooo!!!“ Ungol pa nung lycan at napahiga siya tsaka nagpagulong-gulong sa sakit.

Lahat kami ay nagulat sa ginawa niya, tsaka napansin nung isang lycan ang kanyang kasamahan.

Dahil dun ay agad na binitawan nung isang lycan si lucas at founder tsaka siya gumamit ng above normal speed papunta kay lucinda.

Pero mapakalakas ng pandama ni lucinda at naramdaman niya agad na may aatake sa kanya kaya niya nailagan ang atake nung lycan.

“Kyaahh!! (Sabay kalmot) Anong ginawa mo sa kaibigan ko!!“ Sigaw nung isang lycan.

Imbes na sumagot ay umilag si lucinda at umatras palayo.

Umatake ulit yung lycan pero nakailag lang si lucinda at nagsalita.

“Kinagat ko siya sa leeg, pinasahan ko ng venom.“ Sabi niya at nagsalita pa.

“Kung ang tao ay magiging bampira, pwes hindi pwedeng maging bampira ang mga lobo.“ Dagdag pa ni lucinda.

To be continue…

Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

3.8M 134K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
45.3K 967 22
Original copy: Start: 07.12.2018 Ends: 07.18.2018 Edited stories is also available at Psicom App. Thank you!
43.7M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...