Operation: Secret Glances

By viexamour

35K 769 68

Operation Series #1 M I L A D A Milada's heart has belonged to Amadeus since childhood. From the shy ten-year... More

Operation: Secret Glances
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Note, Amours

Wakas

979 17 1
By viexamour

We were ten when she was introduced to me. That was the first time I saw her. She's shy. Hiding behind the woman that was talking to my mother.

"Amadeus, this is Milada."

I looked at her. Mas lalo lang itong nagtago sa likod ng tita niya.

We go to the same elementary, same highschool, and same senior-high school.

Kailanman ay wala akong naging interaksyon sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba ang problema niya sa akin at panay ang iwas. Kapag may party sa amin ay madalas silang maimbitahan ng tita niya. At kapag may salo-salo naman sa kanila ay iniimbitahan din kami. Hindi ko kailanman nakausap dahil tila iwas sa akin.

I once tried to talk to her but a little Milada always ran away.

Milada. That's her name. Unique name.

She has round eyes. Cute smiles. Cute voice. The bangs she has suits her small face. She also has fair skin.

"Mama, mukhang ayaw sa akin ng batang babae." Nagulat si mama sa sinabi ko.

"Paano mo naman nasabi, Amadeus? Look, she's looking at you. She likes you!"

Nilingon ko ang batang Milada. Nakatingin nga ito sa akin pero nang makitang nakatingin din ako sa kanya ay mabilis na tumakbo palayo.

"Pero lagi siyang iwas sa akin. I know I'm a quiet person but I was trying to make friends with her." Ngumiti si mama at hinaploas ang ulo ko.

"Hindi daw talaga madaling kunin ang loob niya, anak. Nabanggit iyon sa akin ni Kilari. Mailap talaga si Milada kaya kung gusto mo siyang maging kaibigan hintayin mong gumaan ang loob niya sa'yo."

And that's what I did. Pero sa nagdaang taon ay hindi nagbago ang pakikitungo niya sa akin. I always asked myself if I did something wrong to her to act that way. Pero kahit anong kalikot ko sa isip ko ay wala akong makuha.

Hanggang sa lumaki na kami at mas luminaw ang pag-iisip ay doon ko napagtanto na ayaw niya lang talaga sa akin.

Nagkaroon siya ng mga kaibigan. Babae at... lalaki. Ako na matagal niya ng kilala ay hindi kailanman nakipagkaibigan.

May pagtatampo ako kahit wala naman akong karapatan. I want to be friends with her too. Pero ayaw sa akin.

Lagi ko siyang nakikitang kasama ang mga kaibigan nito. At dahil doon madalas itong mapunta sa guidance office. Gusto ko man pagsabihan ay mabilis ko ng pinipigilan ang sarili. Hindi ko gustong isipin na pinapakialaman ko siya.

I can't deny that I'm excellent when it comes to academics. Kabaliktaran ko naman si Milada. She always got a low score. Low grades and all. I'm aware of what she was doing because I was also looking at her. To check on her.

"Amadeus, para sa'yo..." binigyan ako ni Angel ng bracelet. Gawa niya daw ito para sa aming student council.

Tinanggap ko ito at sinuot.

"Salamat," she smiled shyly and just nodded her head.

It was valentines day. Obviously, everyone has something to their love ones. May mga natanggap akong regalo sa mga humahanga sa akin. At alam kong normal lang naman 'yon.

I wonder if Milada has someone she likes. Kung may pagbibigyan din ba siya.

Nabigla ako sa naisip. Bakit naman bigla itong pumasok sa isip ko.

But everything change when she confessed to me. I didn't expect that. Gulat ang tanging naramdaman ko kaya naman isang thank you lang ang nasabi ko.

Hindi ko alam ang tamang salita na sasabihin sa kanya. Sa lahat ng taong nagbigay ng regalo ay hindi man lang sumagi sa akin si Milada.

She never talked to me. She always avoids me like I'm some kind of toxic to her. Kaya sa ginawa niyang hakbang ay labis itong nagpagulat sa sistema ko.

My heartbeat was so fast that time she confessed. I was out of words.

"Amadeus," si Angel.

Umalis siya ng dumating si Angel. Iniisip na may relasyon kaming dalawa. Hindi ko ito agad nalinaw sa kanya hanggang sa nalaman kong nagpalipat ito ng section. Alam kong dahil iyon sa akin.

Ako at si Milada lang ang nakakaalam ng pag-amin niya sa akin. Because it never spread to our school.

I looked at the crochet teddy bear keychain she gave to me when she confessed. Iningatan ko 'yon at nagsilbing lucky charm ko. Hindi kailanman tinanggal sa bag. I know it sounds gay but this is the first thing I received from her.

"Kababata mo si Yamamoto, di ba?" si Aiden ng maiwan kaming dalawa sa office ng student council.

"Hmm..." tipid kong sagot.

"Madalas ko 'yan makitang nakatingin sa'yo. Mukhang crush ka ata."

Natigilan ako at nilapag ang mga papel na hawak at tiningnan siya.

"You're just imagining things." Nakita ko ang pag-ikot ng mata niya.

"Pre, alam ko ang mga kilos ng babae kapag may gusto sila. Parang lion na bigla na lang aatake sa pagkain nila." Ngumiwi ako sa ginawang halimbawa niya.

"Stop it." Humalakhak ito.

"Baka naman may iba kang nagugustuhan? Kayo ba ni Angel? Usap-usapan na kayo. Wala din naman masama kung maging kayo. Angel has the same vibe as you. Pwede na." Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan.

"I don't like her, Aiden. I see her as my friend. And stop being nosy. Tapusin mo na lang ang pinapagawa sa atin ni Mrs. Ochoa."

Nagkibit lang ito ng balikat pero sinunod naman ang sinabi ko.

I always try to capture her glances but I never succeed. She avoided me like nothing happened and it makes me mad because after she confessed to me she will act like that.

But I also know within me that I have faults. Hindi ko agad sa kanya nilinaw ang lahat. Mula noon ay lagi ko na siyang napapansin. Hindi man gaanong ka-aktibo sa klase pero makikitaan naman ng kasipagan.

Nang tumungtong kami ng senior-highschool ay naging magkaklase kami ulit. I was praying that night, na hindi na siya ulit magpapalit ng section dahil kaklase niya ako. And my prayer succeeded.

Mula sa kwarto ko ay kita ang kabilang kalsada kung nasaan ang bahay nila Milada. Kita mula rito ang veranda ng kwarto niya. Hindi ako madalas tumambay dito pero dahil siguro sa mga naiisip ay nagawa kong lumabas.

Nakita ko ang paggalaw sa may veranda niya at nagulat ako ng makitang lumabas siya doon. May mga bitbit na yarn. Sa kaba ay mabilis akong pumasok sa loob na parang walang nangyari.

Napailing na lang ako sa ginawa.

Hindi nagbago si Milada pagdating sa academic. Parang lumala lang ata. Hindi siguro napapagalitan ni Tita Kilari. Kung kinakausap niya lang ako at kinaibigan baka napagalitan ko na 'to.

"Ako na ang magche-check dito," sabi ko kay Angel ng makitang nasa kanya ang papel ni Milada.

"Okay, Amadeus." Binigay niya naman ito agad sa akin.

Milada Agnesine Yamamoto...

Basa ko sa pangalan niya.

Nagsimula na ang checking at habang nagpapatuloy ang pagbibigay ng key correction ay ni isa ay walang naitama si Milada.

Nag-aral ba 'to?

Zero. That was her score.

I looked at her in the back. She's pouting her lips while ranting to her friend about the score she got.

She is not the only one who gave secret glances at me. For reasons I can't explain, I just found myself returning the favor across the room.

Napangiti ako. She's cute while doing that.

"Amadeus, perfect ka. Ang galing mo!" naagaw lang ang atensyon ko ng tawagin ako ng kaibigan na si Angel.

"You too..." namula ang pisngi nito at tiningnan ang mga papel namin.

I decided to tutor her. I always go to their house and teach her our subject in Calculus. I admit, mahirap siyang turuan sa math. Pero pinagpa-pasensyahan ko na lang dahil hindi naman pantay-pantay ang pang-unawa ng tao.

I did my best to teach her and I saw her effort. That's why when she got a low score in our Calculus test I knew she would be sad. She cried and apologized to me. Naiintindihan ko, dahil pakiramdam ko ay may pagkukulang din noong tinuruan ko siya.

To those days I was able to reflect my own feelings that were building up to me. Madalas ko na siyang makasama at makausap. Pero hindi ko kailanman iniisip na maaaring magka-gusto ako sa kanya.

"Do you like her, Amadeus?" nilingon ko ang kaibigan.

"Hindi, Aiden."

"Madalas na kayong magkasama. Baka iba na 'yan..."

Nagkwento ako sa kaibigan. Gulat na gulat sa mga nakaraang pangyayari sa buhay. He gave me advices and all pero lahat ng 'yon ay hindi naman nakatulong dahil kahit siya mismo ay hindi alam kung anong nararamdaman sa kaibigan ni Milada.

"You make out but you don't have feelings for her? You're insane, Aiden."

"I was tempted! Pinapaalis niya ako dito sa Laguna para bumalik sa Albancia. Wala naman akong ginagawa sa kanya. I'm here to study and to be at peace! Inubos niya ang pasensya ko kaya ayon! Hinalikan ko!" umirap ako.

"She's not your girlfriend," I said.

"Oo nga! Pero nasundan yung mga ganoong takbo hanggang sa we make out! She's fun to be with pala, Amadeus."

"Maybe she's right. Bumalik ka na lang sa Albancia."

"Ligawan mo na lang si Milada para hindi ka naman masyadong mailap sa usapan na 'to."

Dahan-dahan kong nakilala si Milada. She's fun to be with. Walang nagbago sa kanya. Mahiyain pa din kapag kasama niya ako.

"May nagsa-sabunutan daw!" sabay kaming napalingon ni Aiden sa pinanggalingan ng boses.

Without further ado, we rushed to go to our classroom and that's when we saw the girls having a fight.

Napalunok ako ng makita kong paanong makipag-sabunutan si Milada. I never saw her this aggressive. Kapit na kapit sa buhok ni Angel.

Mabilis akong lumapit para pigilan siya. Sa lakas ng kapit niya sa buhok ni Angel ay pakiramdam ko ay matatanggal ang anit nito. Iniisip ko pa lang ay parang gusto ko na din hawakan ang sariling anit.

We did stop them from fighting. And I was relieved when the consequences were only a community service. I was worried about her when she cried. May mga sugat na natamo buhat sa away.

Nagsumbong ito na parang bata. I know that I shouldn't smile. Pero ang makita ang ganitong ayos ni Milada ay hindi ko mapigilan.

I realized that the feelings growing inside me were the feelings for Milada. I slowly liked her. Hindi ko sinabi sa kanya agad iyon. I take it slowly. I made an effort by doing it on my actions. I show her how much I like her. Pero alam ko din sa sarili ko na hindi niya makukuha ang gusto kong iparating kung puro sa kilos lang. I need to be vocal to her.

I was ready to confess my feelings on the night of our prom. But everything went bad when my grandfather was rushed to the hospital.

Isang suntok ang nakuha ko mula kay Uno. He was fuming mad at me and wanted to punch me again.

"You have to go with our grandfather, Amad! Lahat tayo! What's wrong with you? Is it because of that girl?"

"Uno, stop it! You're not helping." Si Firdauz.

I know. I don't want to go to the States because Milada will be left here.

Bumalik ako sa araw ng prom namin. She was beautiful in her gown. I wanted to dance with her pero kailangan kong bumalik agad sa Albancia.

I know she felt lonely that night. Aiden told me everything.

"Nagpakita ka pa rin sana. I dance her for you. Ikaw sana 'yon kung hindi ka nagtago sa dilim. Milada will be happy, you know..."

"Tumakas lang ako, Aiden. At sapat na nakita ko siya."

"She waited for you," bumuntong hininga ako. "Narinig ko kay Cassie na nagbabakasakali na dadating ka."

Sa mga sinabi ni Aiden ay mas lalo akong nagalit sa sarili. Mali ko. Hinayaan ko siyang mag-isa sa gabing kasama niya dapat ako.

Alam kong pwede kong piliin si Milada sa mga oras na 'yon. Pero mas nangibabaw ang pagiging isang apo ko. I was scared on what happened to my grandfather. I never see him since then, tapos ganito pa ang makakarating na balita sa amin.

I was not okay with my grandfather because he wants me to go to an arranged marriage. I was so young that time. Halos wala pang muwang. Na sa pagdating ng tamang edad ay kailangan ng magpakasal dahil sa business. My parents don't want it. At kahit ako ay ayaw ko. I was against it. That is one of the reasons why we left Albancia.

Everything was chaotic. Kung aalis ako, hindi ko na dapat pa banggitin kay Milada ang pagkakagusto ko sa kanya. Ayaw kong paghintayin siya dahil walang kasiguraduhan kung hanggang kailan ako nasa ibang bansa.

I avoided her. And while doing that I was slowly getting mad at myself. Hindi ko dapat ito ginagawa sa kanya. Sinasaktan ko lang siya.

I did everything to apologize to her. For the second time, idinaan ko sa mga kilos. That turns out to be my confession.

Bumawi ako. Ginawa ko ang lahat para makabawi sa kanya. Pinakilala ko siya sa pamilya ko.

"I never expected that you would like her, anak..." si Mama.

"Neither do I, Ma..." umupo siya sa tabi ko.

"Aalis ka ng Pilipinas at sasama sa lolo mo. Kaya mo ba siyang iwan dito?" bakas ang pag-aalala niya sa akin.

"Naisip ko na po 'yan bago ako umamin sa kanya. Ginawa ko naman po ang lahat para pigilan dahil aalis ako. Pero... hindi ko pala kaya."

Hinaplos ni mama ang likod ko at nakangiti.

"Mabait na bata si Milada at alam kong maiintindihan niya kung kailangan mong umalis para samahan ang lolo mo. Kung gusto niyo talaga ang isa't-isa ay magagawaan naman ng paraan 'yan. Hindi niyo kailangan magmadali, Amadeus. Bata pa kayo..." tumango ako sa kanya.

I told her about me leaving to go with my grandfather. She encouraged me. While she's doing that mas lalo ko siyang nagustuhan. Kaya mas lalo akong sumaya ng malaman na gusto pa rin ako nito.

I kissed her for the first time. And I want to kiss her more but I immediately stop myself. Hindi dapat. Kailangan namin dahan-dahanin ang lahat.

I asked myself many times. Maybe I am not good enough for her. I always hurt her. She always makes an effort to be with me.

"What are you doing? You looked like a mess. Tingin mo babalikan ka niya kung ganyan ka?"

Cherauno. My hot headed cousin.

"She left me. Wala pa kaming ilang buwan..." bahagya akong natawa.

"Well, you have a crazy friend who always ruined everything. What's her name again? Angel? But her morale has no class."

Hindi ako nakasagot. Galit na galit ako kay Angel dahil sa ginawa niya. I can't forgive her for what she did. Pinaalis ko siya. At ayaw ng makita pa kahit ilang beses humingi ng tawad.

"Amadeus, I'm sorry... nadala lang ako sa pagkakagusto ko sa'yo. I know that everything already happened, and Milada... flew away. I'm so sorry, Amadeus. Hindi ko dapat ginawa 'yon. Sinira ko ang pagkakaibigan natin dahil sa sarili kong kagagawan. At tatanggapin ko kung hindi mo na ako mapatawad pa..."

"Umalis ka na."

Those were the only words I told her.

Ilang beses siyang pabalik-balik pero kailanman ay hindi ko siya binigyan ng sagot.

She left crying. She was pregnant that time and I don't want to say things anymore. I had enough.

Hindi ako mabilis magalit na tao pero dahil sa nangyari ay nagkasira kami ni Milada. Umalis siya. Nasaktan. At nasaktan din ako dahil nasasaktan siya.

"Alam mo si Milada, hindi na 'yon babalik lalo na nasaktan." I heard Cassie. Her best friend.

When she left, naiwan ako kasama si Aiden at ang best friend niya. She's loud and vulgar with her words. Bagay sila ni Aiden. Kaya hindi na katakataka na nagustuhan ito ng kaibigan ko.

"At kapag hindi siya bumalik, syempre malulungkot ako. Tas malulungkot din si Aiden. At ang pinakamalulungkot diyan ay walang iba kundi si Amadeus! Pero pwede naman 'yan dayuhin ni Amadeus sa Japan. Sus!"

Gusto ko ng takpan ang tainga sa mga pinagsasabi niya. They always make fun of me about Milada. Na kesyo hindi na daw babalik sa Pilipinas. Hindi na ako patatawarin at kung ano-ano pa.

My confidence to win her back always falls because of them.

"Aiden, can you shut your girlfriend's mouth? Or I will tape it myself?"

Nakita ko kung paanong humawak ito sa dibdib niya na tila ba nasasaktan sa sinabi ko.

"Babe, oh! I was just thinking na baka nga hindi ka na balikan! Ikaw na nga 'tong hindi pinapaasa sa pagbalik ng BFF ko, e!"

Napailing na lang ako.

Years passed and this is the first time I saw Milada again. She became a chef. She didn't pursue engineering, pero mas bagay sa kanya ang ganitong propesyon.

"Sinong tinitingnan mo, Engineer?" nilingon ko si Chris.

"Nothing. Let's go."

After that, ilang beses akong bumalik sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Hindi kailanman nagpakita sa kanya.

She's beautiful as ever.

Sa mga nakalipas na taon ay hindi kailanman nagbago o nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya. I was so lost that I wanted to go after her. But I know I shouldn't. I hurt her. I make her question everything.

I did everything to be a better person, para sa oras na magkalapit kami muli ay deserve ko na siya. I'm an ashole when I was young. And I changed that. I want to be better for Milada.

Nakipaglapit ako sa pinsan niyang si Nevandro. I always asked him, "How is Milada?" and many questions about her.

"How was she? She's been living there for almost years," iyon ang una kong sinabi sa pinsan niyang si Nevandro.

"She's fine, Amadeus. You don't have to worry about her. Tsaka balita ko nga ay may nanliligaw sa kanya doon na kapwa Pilipino."

Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya.

"Why? Hindi dapat siya nagpapaligaw sa hindi niya gaanong nakilala."

"Ka-trabaho niya, Amadeus. Of course makikilala niya 'yon."

"You should tell her that the guy might cause her harm," I suggested.

"Nope, parang hindi naman. Mukhang mabait." He said.

Nangunot ang noo ko dahil parang wala lang sa kanya ang sinasabi ko.

Nasundan pa ang mga pag-uusap namin ni Nevandro. At lahat 'yon ay tungkol kay Milada lang.

"Uuwi siya ng Pilipinas," Nevandro said.

Nandito ako sa opisina niya dahil may sasabihin daw siya sa akin.

"If you want to win her back then you should be near to her."

"Mailap sa akin ang pinsan mo, Nevandro. But even so, gagawa pa rin ako ng paraan para makuha ulit ang loob niya."

"You are? How about you grab this opportunity?" nangunot ang noo ko sa kanya.

"What is it?"

"Pinapahanap niya ako ng mga engineer and architects na pwedeng gumawa sa dream restaurant niya."

"She's coming back for good?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes, she is. Iyon ang una niyang plano noon pa. Nag-ipon siya sa Japan at nang makaipon ay ito naman ang pagkakaabalahan. Would you grab it or not? Kasi kung hindi, I can find another engineer-"

"Ako na ang kunin mo, Nevandro. Inalok mo sa akin ng una kaya bakit mo ibibigay sa iba?" mariin kong sabi.

Humalakhak ito at tinitigan ako ng maigi.

"I will help you, Amadeus. Don't waste this chance I gave you to be with her. Kung hindi ako ang makakalaban mo."

"I know what you have with my cousin, Nevandro. But then, I'll keep my mouth shut." Kita ko ang gulat sa mga mata niya.

"Is she fine?" bigla niyang naiungkat.

"She's very fine." Umangat ang gilid ng labi niya.

"Then, good for her."

Iniwas ang tingin.

Nakabalik ng Pilipinas si Milada at katulad ng inaasahan ko sa kanya ay galit ito at mailap sa akin. For the third time, I want to win her again.

Masyado siyang mailap at totoong nahirapan ako sa pagkuha muli ng loob niya. Pero hindi iyon nakabawas ng pagmamahal ko. Kasalanan ko ang lahat. Kaya dapat akong magdusa.

"Hindi pa rin ba kayo nagkabalikan?" my grandfather.

"No... she's still mad."

My grandfather became better. And the only thing that comes to her mouth is the name of the person I love.

Gusto niya itong makilala. Dahil noong mga panahon na kasama niya si Milada ay hindi oa siya maayos.

"You should earn her. You hurt her, Amad. Be patient and show your effort, consistency... and love. You will never get her if you rush things. Take it slowly. Walang bagay na hindi mo agad nakukuha kung hindi ka maghihirap. But the girl you love is like a fragile vase. You need to be careful, because if not... you might break her more."

I was hurt when she told me that she still can't trust me. I understand it. I was devastated that maybe she will never accept me again. Pero tumatak sa isip ko lahat ng sinabi ni lolo.

I did what he said. I took everything slowly. Hindi na kailanman inungkat na gusto ko pa rin siya. I move at my own pace and slowly follow Milada's pace.

And slowly, we met.

Lahat ng hirap ko at pasensya para sa kanya ay napunan lahat. She gave me a second chance. At ipinangako sa sarili na hindi na uulitin pa ang mga pagkakamali noong kabataan namin.

Lagi ko siyang kinikita at kahit ang maliliit na detalye patungkol sa kanya ay tinatandaan ko. I talked to her father and aunt. I was happy when they gave me a blessing to be with her.

"My daughter may look tough on the outside, but she's broken inside. She never opened up about what happened to the two of you. Her aunt was so shocked na meron pala kayong noon. Magaling magtago ng nararamdaman si Milada, Amadeus. Pero once na napuno siya, hindi ito magdadalawang isip na sabihin kung ano ang tunay niyang nararamdaman."

Bumuntong-hininga ito.

"Hindi ako naging perpektong lalaki sa babaeng minahal ko. Nasaktan ko siya ng sobra-sobra. Hindi rin ako naging mabuting ama kay Milada dahil wala ako sa tabi niya noong lumalaki siya. At mas inuna pang bumawi sa tita niya kaysa sa kanya. Pero bilang isang ama, hindi naman siguro masama na kasama sa pagbawi ko ang pagprotekta sa kanya. Sa lalaking maaaring makapanakit sa kanya. Kaya kung bumalik ka lang para saktan siya ulit, mas mabuting umalis ka na lang."

That was the line of his father when we had a conversation. Everyone was so protective of her. So do I. But then, I am not perfect. I am a flawed person. I make mistakes but I know how to learn from them.

We clapped our hands when Mr. Payton and Tita Kilari kissed. It's their wedding day today. Tinanaw ko ang nobya na nagpupunas ng luha. Gusto ko siyang lapitan pero nasa kabilang upuan ito.

The wedding was grand. Mukhang pinaghandaan talaga ni Mr. Payton ang lahat mula sa kwento ni Milada.

"Grabe, pinipigil ko yung luha ko kanina pa! Pero when they were saying their vows hindi ko na napigilan." Kwento nito sa akin.

"I'm so happy for them. And you know... tita was pregnant already! She's 2 weeks pregnant!" I smiled while listening to her stories.

I tucked her hair. She's beautiful in her beige gown. Kitang-kita ang kanyang puti. I kissed her shoulder.

Mahina itong natawa.

"Ano ka ba! Nakikiliti ako!" she whispered.

Niyakap ko na lang ito at binigyan ng halik ang pisngi. We're here at the shore. Nakaupo sa buhangin. Nakasandal ito sa akin at nakaupo sa pagitan ng nga binti ko.

"What?" tanong niya dahil sa paninitig ko.

"I'll be a better person, Milada..." humarap siya sa akin. Pumungay ang mga matang naninitig sa akin. "I will love you for the rest of my life. That was my promise the day you gave me another chance to love you. I know that sometimes we can make mistakes in our lives and that's our cue to learn from it. To embrace it while growing..."

Nangilid ang mga luha sa mata niya. I immediately wiped her tears.

"Mahal kita, Milada. At alam kong patuloy akong babawi hanggang sa pagtanda natin." I slide a ring on her finger.

Nagulat siya doon at mas lalong humikbi. I caressed her cheeks.

"You don't have to answer if you're not ready. I just don't want to confuse you again like what I always do to you. Handa akong pakasalanan ka at makasama hanggang sa pagtanda. Gumawa ng sarili nating pamilya. Mahalin ka habang nabubuhay ako." Huminga ako ng malalim. "Handa ka bang makasama ako..."

Before I utter a word she gave me a passionate kiss.

"I... I do, Amadeus! Of course, I'll be with you! We are not perfect. Everyone is not perfect. We are not a perfect couple. That's why we are growing..."

She kissed me again.

"Handa akong makasama ka habang nabubuhay tayong dalawa sa mundong ito. Mamahalin kita ng buong-buo at wala ng pagdududa pa sa puso ko. I forgave you already, Amadeus. Mahal na mahal kita ng walang pag-aalinlangan. Papakasalan kita..."

Uminit ang puso ko.

I closed the distance between us, my hand instinctively finding its way to her cheek. As our eyes met, a thousand unspoken words hung in the air. Leaning in, I kissed her. The kiss was a wildfire, consuming all thoughts except the fierce love and admiration I felt for this incredible woman.

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
34.2K 1.6K 103
Meet Rheila, a simple pretty girl. Very attractive, as well as intelligent and diligent. They are not wealthy, and her family is not particularly wea...
26.2M 789K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...