Gangsta Vampire

Door AnelSenyorito

2.3K 125 70

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang binata na nakatira sa maliit na apartment, palagi siyang binubugbog ng m... Meer

CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15

CHAPTER 12

76 7 4
Door AnelSenyorito

“Hello, okay ka lang ba?“ Tanong ko na nag aalala.

Tumingin naman siya sakin na parang nagdadalamhati at napansin kong may dugo sa tyan niya.

“O-oo! Okay lang… a-ako.“ Nauutal niyang sabi.

Sumimangot ako at sumagot.

“Sinungaling, nasasaktan ka nga eh.“ Sabi ko at lumapit pa ako sa kanya ng kunti, umupo ako tsaka ko tiningnan ang sugat niya.

“Napakalala nyan at malalim, pag naubos ang dugo mo ay mamamatay ka panigurado.“ Sabi ko.

Hindi siya sumagot at nakatitig lang sa mukha ko, kaya tinitigan ko rin siya.

Dahil sa ginawa ko ay parang namumula bigla ang magkabila niyang pesnge tsaka siya tumingin sa kabilang direksyon.

Medyo nahiya ako sa part na yun, pero hindi ko yun ininda.

“Sumama ka sakin.“ Sabi ko at binuhat ko siya. Para kasing hindi siya makakalakad dahil sa sakit.

“S-saan mo'ko dadalhin?“ Tanong niya.

Ngumiti lang ako at sumagot.

“Sa clinic, may malapit lang na clinic dito.“ Sabi ko.

Hindi na siya sumagot pa kaya dali dali ko siyang dinala doon at agad naman siyang ginamot nung doktor.

“Kahapon pa'to ah, bakit ngayon nyo lang siya dinala sa clinic?“ Tanong nung doktor.

Dahil sa sinabi niya ay agad akong nabigla.

“Ngayon ko lang siya nakita.“ Katwiran ko, di ko alam na isang araw na pala niyang tiniis yun.

Nilinisan nung dotkor ang sugat tsaka niya ginamot, lumipas ang ilang minuto ay tsaka lang natapos at nagulat nalang ako dahil gusto na niyang umalis kahit hindi pa siya makakalakad ng maayos.

Imbes na pumunta ako sa bahay dahil birthday ni mama ay naisip ko nalang na samahan siya dito sa clinic para may kasama naman siya at hindi mababagot.

Kinabukasan…

Nagising akong nakaupo sa tabi nung babae, habang yung babae naman ay nakahiga sa kama tsaka nakatanggap ako ng text mula kay lazarus.

Lazarus: Hoy! Nasaan ka ba ha!? Di kita nakita kagabi, sa mismong birthday ng mama mo e'wala ka.

Ngumiti lang ako at sumagot sa text.

Me: May importante lang akong ginawa. Nga'pala, kamusta ang party kagabi?

Lazarus: yung mama mo nagiging hip-hop diancer haha, nakakatuwa siya pag lasing.

Me: *Sinapak ka* baliw, ganun talaga si mama pag nakainom.

Lazarus: ano yan? Nag ro-roleplay kaba? Hahaha.

Hindi ko na siya sinagot pa tsaka napansin kong nagising na yung babae.

*LAZARUS's POV*

Nandito ako ngayon sa isang mansyon, sobrang lumang mansyon. Nahanap daw kasi ito kagabi ng mga gangster na bampira, dito daw sila pansamantalang magtatago.

“Ang yaman na natin!“ Natatawang sabi nung lalaki.

Natawa rin ako sa kanya, dapat kasi may mayaman kahit isa lang sa gang nila eh nang sa ganun ay hindi sila mamumorblema pagdating sa hideout.

“Oo nga, lubos lubosin mo na'to baka mahanap nanaman tayo ng mga lobo.“ Sabi ko.

Ngumiti lang siya at lumapit.

“Ako nga pala si jake.“ Pagpakilala pa niya.

“Lazarus.“ Kunti kong sabi.

“Ikagagalak kong makilala ka, lazarus.“ Sagot niya.

Sinimangutan ko lang siya tsaka ako sumagot.

“Nice to meet you too, kung maka sagot ka parang galing ka sa nakaraan ah.“ Ika ko pa.

Natawa lang siya tsaka siya umalis at sumali sa training, tinuruan sila ni lucinda kung paano gamitin ang matalas na pang-amoy at malakas na pandinig tsaka pandama ng mga bagay-bagay sa malayo.

Habang pinanood ko sila ay napansin kong si lucinda lang ang babae sa grupo namin, para siyang one of the boys.

Lumipas ang mga oras at nagtanghali na, katatapos lang nilang mag sanay kaya inaya ko si lucinda na lumabas. Pumayag naman siya kaya nagpunta kami sa plaza.

Ewan ko lang kung matatawag ba itong date since nag uusap lang naman kami pampalipas oras.

Habang nag uusap kami ay hindi ko maiwasang mapatanong tungkol sa uri nila at bakit sila hina-hunting ng mga lobo. Pero ang sagot niya ay nakasanayan na daw at normal lang sa kanila yun.

Sabi pa niya ay mamamatay daw siyang ganyan ka ganda dahil hindi naman sila tatanda which is tama naman.

Napasarap ang pag uusap namin, hanggang sa hindi na namin namalayang palubog na ang sikat ng araw kaya nagsi-uwian na ang mga tao at bata sa plaza.

“Tara na? Sigurado ako na naghahanda na ang mga gangster doon para lumabas.“ Sabi niya.

Tumango lang ako tsaka kami bumalik sa lumang mansyon, pagdating namin dun ay saktong nag hahanda na ang mga bampira na ipinagtataka ko.

*LUCINDA's POV*

“May gagawin ba kayo ngayon?“ Tanong ni lazarus.

Sumagot naman si lucas.

“Oo, manghunting kami ng mga lobo. Mas maganda ang pagsa-sanay pag buhay mo ang nakataya pag nagkamali ka.“  sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi ni lucas, ito ang kauna-unahang bampira na mangha-hunting ng mga lobo. Kasi sa loob ng Apat na raan at limampung taon ay puro kami ang nagtatago dahil hina-hunting kami ng mga lobo para patayin, lalo na ang mga lycan.

May alphang bampira pa noon pero wala talagang naglakas loob na mang-hunting ng mga lobo, pero itong mga baguhang ito ay hindi pa nga nahahasa sa mga kakayahan nila ay buwis buhay nang makikipag laban.

Iba talaga ang noon at ngayon.

Hindi na sumagot si lazarus at dahil hindi naman siya bampira ay pinauwi na muna namin siya sa apartment niya, kailangan kong samahan ang mga to baka hindi nila mamalayan na may mga lycan na pala. Dapat mga normal lang na lobo ang kanilang ha-huntingin.

Naglakad na nga kami palabas at nagpunta sa kagubatan, kasama ko si founder, commander lucas, tsaka si jake.

Nagmasid-masid kami habang nakatayo sa mga malalaking puno, nang sa ganun ay mas madali nilang maamoy ang mga lobo at makita ng malayuan.

Hanggang sa…

“Naamoy nyo yun?“ Sabi ni jake.

“Saan?“ Sagot ni lucas.

“Doon banda.“ Dagdag pa ni jake tsaka niya tinuro ang bundok, ginamit kasi niya ang pang amoy niya.

Agad namang tiningnan ni lucas tsaka niya ginamit ang pandinig.

Narinig kong umungol yung lobo pero parang hindi yata narinig ni Lucas yun kaya naghintay pa ako ulit dahil aalulong naman yun ng tatlong beses.

Sa pangalawang alulong ng lobo ay dito na narinig ni lucas.

“Narinig ko na.“ Sabi niya.

Ngayon naman ay tiningnan ko si founder.

“Walang kikilos.“ Sabi ko at niramdam ko ang lobo.

Pagkatapos niyang umalulong sa pangatlong pagkakataon ay agad itong tumakbo.

“Naramdaman mo yun founder?“ Sabi ko.

Niramdam niya pero wala siyang naramdaman, dahil dun ay pina-focus ko siya hanggang sa palapit na ng palapit ang lobo.

“Naramdaman ko na.“ Ika pa niya.

Sumagot naman ako.

“Ngayon naman ay bibigay ako ng sign para sabay sabay kayong aatake, gagamit kayo ng above normal speed tsaka kayo gagamit ng above normal strength pag nakalapit na.“ Sabi ko.

Tumango naman sila, dito nga ay pinagpatuloy pa ni founder ang pag ramdam sa mga paligid. Pero syempre nakikiramdan din ako incase na may lycan.

Kitang kita sa mukha ni founder na naramdaman nga niya ang lobo hanggang sa makalapit na nga ito kaya ko tinaas ang kamay ko at sabay-sabay silang gumamit ng speed tsaka strength.

Ang ending ay na-ambush nila ang isang lobo, pinutol ni jake ang apat na paa tsaka si founder naman at lucas ay magkasabay nilang pinutol ang ulo nung lobo.

“Success!“ Sabi ni jake.

To be continue…

Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

1.1M 29.2K 86
Anyeong readers Like you isa rin po akong masugid na taga pagbasa ng mga wattpad stories specially tagalog stories teen/fan fictions. This is my fi...
2M 134K 38
You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form...
21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
2.3M 21.8K 8
The rest of the story is on DREAME. Angel and Devil. Drake Smith is one of the most powerful mafia boss. He was left alone with his younger sister a...