#MNLYwp
21
IMESSAGE
👥
matcha truthers 🍵
June 26, 4:23 PM
Sebastienne
ayoko na
pwede ba irevive na natin 'to 🤬
pagod na ako mag-pm sa inyo isa-isa!!!
Khali laughed at this message.
Sebastienne
pachat if pa-taguig na kayo para we'll advance order na
thanks 😙
Sainte
Magagalit ba kayo kapag hindi na ako isang matcha truther
Sorry nagsawa ako sa lasa nagbabago naman ang mga tao e
Lasang damo. 😔
Sebastienne disliked this message.
Sebastienne
wth!!!! oo magagalit ako
lumayas ka na sa group na 'to!!!! kikick kita kaya bawiin mo yan 😡😡😡
Sainte
Hahahaha bwiset subukan mo lang
Iiyak ako
Khali laughed at this message.
Sainte
Sino ba nandiyan na? Kayong mag-asawa pa lang?
Khali
Yup. 😂
Basty's worried na baka ma-waiting tayo.
Sainte
E 'yung isa pang mag-asawa?
Hahahahahahaha
Sebastienne
wala nasa daan pa siguro
Sainte
Ay gago joke lang yon e
Magkasama nga???????
Bakit 'di ko alam hoy
Sebastienne
galing batangas!!!
Sainte
HA
Ano'ng ginawa roon????
Sebastienne
WHY DO YOU KEEP ASKING ME 😡
edi i-mention mo gc nga 'to 'di ba!!!!
Sainte
O sige
@Santi
Hoy ang kapal mo
Bakit di mo sinabi sa'kin
Pagkatapos ng ano!!!!!
✓ Read by Santi
Khali
Ng ano?
Sainte
➥ | Ng ano?
O sige Santiago hahahaha
Subukan mo talagang di mag-reply sasagutin ko 'yang malupitang tanong na 'yan dito
✓ Read by Santi
Santi
➥ | E 'yung isa pang mag-asawa?
We're on the way.
✓ Read by everyone
Sainte
Ba't kayo galing ng Batangas????
Ginny
Hi.
Sorry nag-quick stopover lang but we're near na.
Santi will drive na ulit. 😄
Khali, Sebastienne, and Sainte loved this message.
Sebastienne
➥ | Pagkatapos ng ano!!!!!
NG WHAT???
Santi
Wala 'yan.
Sainte laughed at this message.
Sebastienne
hoy di ikaw tinatanong ko!!!
sainte mariano ano yan!!!!
Sainte
Wahahahahahaha
Ayoko nga
May lamang ako sa inyo 'no
Khali
The hell Sainte 😂
What's that, Santi?
Santi
Wala lang.
Papabili lang siya pasalubong.
Sainte
GAGO hahahahaha ni hindi ko nga alam na nasa Batangas kayo loko 😭
✓ Read by Santi
Santi
Drive na ulit ako.
We'll be there in twenty-five minutes.
Sebastienne
😤😤😤
kapag yan nalaman ko kay ginny
sasakalin kita sa clinic mo sinasabi ko sayo @Sainte 🤬
Sainte
Hahahahahahahahahahaha
Sige sabihin ko muna kay Ginny para malaman mo galing sa kan'ya hahahahahaha
✓ Read by Santi
Santi
Nandito na nga pasalubong mo.
'Wag ka na makulit.
Ginny
I don't know that too hahahaha.
And stop texting na nga muna. @Sainte
Hindi makapagsimulang mag-drive si Santi sa tabi ko. 😹
Sainte
Hahahahahahahahahaha
Ano? Kabado ka na sa akin, Santiago?
Santi
Lagot ka talaga sa akin mamaya hahaha
Sainte laughed at this message.
8:34 PM
Khali
Basty's digi cam pics coming through. 😂
Khali
Sent five image attachments. View
Attachment 1
[Ginny & Santi reading the menu outside the Japanese restaurant. Santi's holding the menu while Ginny browses through the catalogue.]
Attachment 2
[Sainte holding a large iced matcha latte outside a local coffee shop, wincing after taking a sip.]
Attachment 3
[Khali and Basty standing outside a local coffee shop, holding their iced matcha lattes. Basty is resting her head on Khali's chest.]
Attachment 4
[Ginny pointing at something on a menu board on the wall inside the local coffee shop. Santi's beside her, looking at her.]
Attachment 5
[Group picture. From left to right: Khali, Basty, Ginny, Santi, Sainte.]
Sainte
Grabe
Oras na talaga para magdala ako ng asawa
Khali and Ginny laughed at this message.
Khali
Oh wow, papakilala mo sa amin kapag asawa mo na? Hahahahaha
Sainte
Syempre
Para wala nang hiwalayan hahahaha di ako ganon
Sebastienne
oh wow
sana di pa kami senior citizen kapag dumating ang araw na yan
Sainte
Hoy Sebastienne ang kapal mo
Makikita mo talaga
Kapag ako nakooooo who you kayo sa akin. 😊
Sebastienne
hilig mo kasi manreject simula college 😝
hanggang med school kaloka ginawang hobby????
Khali
Ganon daw kasi talaga kapag nag-top 3 sa PNLE noon. 😂
Sainte laughed at this message.
Sebastienne
YABANG TALAGA !!!!
Sainte
Hay paano ba yan
Sorry ang hirap naman Lord
Di yan mabubura sa kasaysayan 😊
Ginny laughed at this message.
Ginny
Oo nga, you should marry! HAHAHA and if your partner and you decide to have kids, we'll be ninongs and ninangs naaa.
Tutal you love kids din. 😌
Sainte
Talagang iintayin niyo pa ako magka-anak??? Hahahahaha hanep na 'yan
Kayo kayo itong mag-aasawa e
✓ Read by Santi and Ginny
Sebastienne
ay basta kami newly wed pa lang 🥰🥰🥰 tagal pa kami ano! enjoying the life pa. ☺️
Sainte
Basta ako single ako
'Yung isa riya'n pedia pa hahahaha ayan ang mahilig sa bata
✓ Read by Santi
Sainte
Alam mo Santiago
Di ko nakita buong med school na mag-pe-pedia ka hahahahaha grabe
Kala ko talaga magsusurgery ka
Sebastienne
AKO RIN MINSAN NGA NAKAKALIMUTAN KO HAHAHA
but it makes sense kapag pumapasok ako sa clinic ni santi 😆 parang nag-iiba aura niya shocks 'ka ko HAHAHA ang bright around kids kaloka
Sainte
Sa iba lang naman masungit yan
Sa mga bata malambing
Di nga umiiyak mga bata diyan kapag may injection e pucha ang galing 'di ko gets paano
Santi
Yeah you should bring your kid to me Sainte hahahahaha
Injection-an ko kayo both. Pero I'll make sure you'll cry and the kid won't.
Ginny laughed at this message.
Sainte
Hayop ka talaga
Santi laughed at this message.