Random day
JAJA
Dumaan ako sa bahay nila ate Jho kasi sakto day off niya ngayon. Mahabang oras pa kasi vacant ko ngayon as in kaya naisipan kong puntahan si ate Jho hehe
"......ate buntis kaaa! Bellaaa ate ka naaa yaaay!" sabi ko at pinisil ang cutie cheeks ni Bella, naglalaro kasi siya sa gitna namin ni ate dito sa may couch
At kinwento ko lang naman ang nangyari sa coffee shop
"Ako, buntis? Jusko wag naman sana. At isa pa, Ja, nananahimik 'tong anak ko ingay-ingay mo" Jho
"Eh bakit may bitbit siyang Anmum? Don't tell me para kay ate Bea yun"
"Ewan ko sa kanya. Hay nako, akala ko naman kung ano yang surprise surprise mo na yan" Jho
So para kanino yon? Hay basta, wag na nga lang ako sumawsaw haha. Super imposible naman kung makabuntis si Bea sa iba, kahit itaya ko pa buhay ko hindi niya magagawa yon
"Kala ko pa naman isusurprise niyo kami. Buti nalang pala hindi ko pa nasabi yun kila mama at papa haha"
"Sige na, may pupuntahan pa 'ko" Jho
THIRD PERSON
Jho is very persistent sa secret na pagpunta niya sa parking area kung saan lagi naka park si Nico when he goes to work. She always waits until Nico goes out of Quantum to have lunch.
"Basta makita lang kita" Jho said to herself as she watched Nico walk to his car
Hindi niya napigilan ang pagpatak ng mga luha niya dahil nasasaktan pa rin siya sa nangyari
Nang bigla siyang tawagan ni Carly
*Jho and Carly's phone call*
"Jho, san ka?" Carly
"Sa labas, may binili lang. Why?"
"Punta ka sa office bilis! Nagkakasagutan si Bea at Baham dito, Jho" Carly
Bumalik agad si Jho sa office, medyo malapit lang kasi ang Quantum sa office nila
ABRAHAM
"Kung may balak kang sirain ang pamilya ko, fuck you I won't let that happen!" Bea
"Ah talaga?! Tangina ka, tapang mo rin eh noh?"
Earlier
Tahimik akong nagtatrabaho nang dumating si Bea hinahanap si Jho, mag lulunch daw sila
Alam ko naman kung saan lagi pumupunta si Jho eh, sa Quantum binabantayan si Nico. Pero hindi ko nalang yun sinabi kay Nico since tapos naman na sila, hindi ko na ipipilit. Nasaktan na si Nics eh
"Bea! Looking for Jho?" Carly
"Yeah, where is she?" Bea
"Lumabas eh, but she will be back hehe. Upo ka muna, dito ka nalang sa desk niya" Carly
"Dun nalang siya sa couch mas presentable, nakakahiya naman. At isa pa yung mga paperworks sa desk ni Jho, importante lahat yan baka mawala"
"Mr. Chavez, I get your point. But it's not right na ipamuka mo sa'kin na parang mas may karapatan ka pa sa asawa ko kesa sa'kin?" Bea
Luh
"Tinamaan ka ba? Ang sinasabi ko lang is yung paperworks"
"People like you don't mean one thing" Bea
"Bro, sorry ha? Pero may problema ba tayo? Ahh haha alam ko na, si Jho ang dahilan bakit ka ganyan. Bakit, ayaw na ba niya sa'yo? Yan kase, alis ka nang alis eh. Yan tuloy"
"What did you say?" Bea at linapitan ako habang nakaupo ako sa swivel chair ko
"Walaaa wala. Pinapa-ulit pa eh narinig naman"
"Why would you say na ayaw na niya sa'kin? Huh? Do you live with us? Wala kang alam sa relasyon naming mag-asawa" Bea
Tumayo ako and say something....
"Alagaan mo nalang si Jho? Ha? Wag mo siyang sasaktan" sabi ko then linagpasan ko na siya
"Tinuturuan mo ba ako sa gagawin ko? Because if you d-" Bea was cut off
"Oo, tinuturuan kita"
"Why would I want to learn from you? Bakit, gusto mo ba asawa ko? Ha?! She will never like you, jerk. You're just nothing" Bea
Tumaas dugo ko sa sinabi niya, pinagsasabi niya parang tanga. Kaya bigla ko siya nasuntok sa bibig
"Gago!"
"Mas gago ka!" Bea at binalik niya yung suntok sa'kin, napangiwi ako sa lakas ah
"Baham! Bea! Tigil niyo yann!" Carly
Present
"Kung may balak kang sirain ang pamilya ko, fuck you I won't let that happen!" Bea
"Ah talaga?! Tangina ka, tapang mo rin eh noh?"
JHOANA
Pagkapark ko ay nadatnan ko si Bea na tinatadyakan ang tires ng sasakyan niya, galit na galit
"Bea?!"
"You know that Baham?! I'm gonna kill him!" Bea
May ilang pasa siya sa mukha tapos dumudugo yung lips niya. I don't like seeing Bea like this! Humanda si Baham sa'kin
"Ako gagamot niyan, hintayin mo 'ko ha? I'll be back" sabi ko as I rubbed Bea's arm at agad naman siyang kumalma
Dali-dali akong pumasok sa office at agad na hinanap ng mga mata ko si Baham, kinakausap siya ni Carly
"Baham, anong ginawa mo kay Bea?!"
Kumukulo dugo ko kay Baham sa ginawa niya kay Bea, sa asawa ko pa talaga
"Jho, sorry na. Hindi ko lang kasi nagustuhan ang sinabi niya" Baham
"Kahit pa! Anong karapatan mong gawin yun sa kanya ha?!"
"Jho, ako na bahala dito. Go back to Bea, kailangan ka niya" Carly at pinapakalma ako
Then binalikan ko si Bea. Buti nalang may first aid kit ako lagi sa car ko, nagagamit ko kasi yun pag nasusugatan ako sa site
"Masakit pa ba?"
"Mm mm" Bea
Nagamot ko na yung sugat niya pero yung mga pasa fresh pa. Ewan ko at napaiyak nalang ako bigla
Niyakap ako ni Bea at hinalikan ako sa head
"Oh love, don't cry. Why are you crying? Hmmm?" Bea said as I'm in her embrace
"Ayokong nagaganyan ka, bakit ka kasi nakipagsuntukannnn" sabi ko at nakurot ko siya
"Oucch hahaha. Alam mo love, kiss mo nalang kaya ako" Bea
"Muka mo"
"Ah ganon, ayaw mo ah" Bea
Hinalik-halikan niya buong muka ko at linock yung kamay ko para hindi ako makagalaw
"Hahahah Beaaa tama naaa, nakikilita akoo!"
"Hehehe I love you" Bea at patuloy pa rin siya sa ginagawa niya sa'kin
Puro lang ako tawa, nakikiliti kasi ako
"Looove, say something" Bea
"Oo na, I love you too"
"Oo na 'I love you too' parang 'di ka sure ah?" Bea mocks
"Kung sa'yo sure ako"
And there Bea blushes haha, and then she cupped my cheeks
"I'm still so so sooooo in love with you, my love" Bea is looking straight into my eyes
"Dapat lang"
She chuckled and then eventually kissed me with a very passionate one
CAITLIN
Nandito si papa sa bahay
"Caitlin, hindi ako papayag sa ganyang setup niyo ni Bea. Ang gusto ko dito siya sa'yo, siya mismo mag-aalaga sa'yo sa pagbubuntis mo" papa
"Pa, hindi nga pwede"
"Dahil ano? Kabit ka. Anak naman eh, hindi ko gusto na kinakawawa ka" papa
Ang sakit masabihan na kabit; it hurts me so much
"Wala naman po akong magagawa, pa. Wala rin naman po kaming relasyon ni Bea"
"Wala kayong relasyon pero binuntis ka? Ipakausap mo sa'kin yang si Bea" papa
"Pag babalik ulit siya dito, pa"
Never pa kasi nagkita si Bea at papa
~~~~~
A/N: I apologize for any grammar errors you may have noticed. :)