JHOANA
At the office
"Baham"
"Op?" Baham
"Balita ko may game tournament si Nics bukas ah"
"Ah oo, tara nood tayo?" Baham
"Pwede naman, Carly tara? Sa'kin na tickets hehe"
"Hindi, akin na tickets, Jho! Akong bahala sainyo" Baham
"Ayoko umabsent sa work, umabsent nalang kayo kung gusto niyo" Carly
"Holiday bukas, hello"
"H-holiday? Oh edi makipag bonding ka sa pamilya mo, Jho. Ba't lalabas ka pa" Carly
"Minsan lang naman 'to" Baham
Isusuggest ko sanang isama nalang si Bea at mga bata pero for sure iccriticize niya lang mga players hay nako. At magulo mga anak ko huhu
"May time naman kami for bonding, gusto ko lang manood"
"So pupunta ka pa rin" Carly
"Pupunta tayooo. Please say yes naaa"
"Sige na nga" Carly
"Yes!" sigaw namin ni Baham haha
BEATRIZ
Night time
Katatapos lang ni Jho mag half bath at nagbibihis siya sa may closet namin, habang ako nag rerelax sa bed
"Love, nood lang ako tournament bukas ha?" Jho
"Golf?"
"Mm mm" Jho
"Ikaw lang?"
"Nope, I'll be with Carly and Baham" Jho
"Himala love ah, parang bigla ka yata nagka interes sa golf?"
"Soooo pwede po pumunta? You can't say no na, kasi may ticket na ako" Jho
"In one condition" umupo ako and I wiggled my brows
"Hay nako, Beatriz ha. Ginagabi-gabi mo na" Jho at nang makabihis siya ay pumwesto na siya sa tabi ko
"Ayaw mo talaga?"
"Pass muna hehe" Jho
"Ok ok, cuddle nalang tayo"
"That's better" Jho
CARLY
New day
Nandito na kami sa place ng tournament
"Oh wow, vip?" Jho
Kinindatam ni Baham si Jho, aba lumalandi
VIP kasi kaming tatlo, napansin kasi namin na separate kami sa ibang manonood
"Hindi bagay, Baham haha" Jho
Ayan buti nga sa'yo
"Luh, pasok na nga tayo" Baham
Then ginuide nila kami sa pupwestuhan namin, as in mapapanood talaga namin nang malapitan and clear. Ganda pala 'pag VIP. Nagsilabasan na rin yung mga players wherein nakikita naming nag-uusap usap sila
أنت تقرأ
Soulful Eyes (book 2, Missing Piece adaptation)
عاطفيةIt was once a happy family. Will they be able to bring back the good old times?