Demigods Academy

بواسطة AwakenLune

121 10 0

Demigods 1 Have you ever heard anything about "Demigods"? The half mortal and immortal beings. Chosen beings... المزيد

Note
them
the beginning
omega
introducing the deities
cronus
guilds
graces and gifts
a daughter of cronus
truth to be told
mission : rescue a demigod
mission : rescue a demigod (2)

chaos of their past

9 1 0
بواسطة AwakenLune

Zoleira

Simula nang makarating ako rito sa dorm namin ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang mamangha. Wala kasi akong experience na ganito sa buong buhay ko, hindi naman ako pinapayagan ni Ate unless it's about academics. Ayaw n'ya kasi na bumagsak ako when it comes to academics, kaya lumalabas lang ako kapag kailangan. But even though I tried learning, I still got a lowest remark. Maybe in this new home, magiging ayos na ang lahat. Siguro dito ako magbabago at dito ako magiging maayos.

Narinig ko na may kumatok sa kwarto ko kaya naman tumayo ako at pinagbuksan ang taong kumakatok.

And it was Solana.

"Okay ka lang ba dito? Magsabi ka lang kung uncomfortable ka ah? Willing akong ipahiram sa'yo si—"

"Solana, she's having her rest." Sabi ng isang babae. Kung hindi ako nagkakamali ay s'ya si Niah. "Come here, Solana, and let her take a rest." Sabi uli ni Niah at sinenyasan si Solana na bumaba.

She turned her gaze on me, "Pumunta ka na lang dito sa baba pagkatapos mong magpahinga." Dagdag n'ya bago tuluyan ng hinablot si Solana na nagpupumiglas pa.

Napapangiti akong sinarado ang pintuan ko bago pumunta sa aking higaan at natulog.

Mainit sa balat ang hangin. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon, basta ang alam ko ay mainit. At sobrang dilim ng kalangitan, hindi ko nga makita ang ibang mga bituin.

"P-pinatay mo sila.."

Napatakip ako sa bibig ng makita ko ang isang babae na may hawak ng umaapoy na espada. Tiningnan ko kung sino ang babaeng iyon pero nagulat ako na si Zhinoah iyon.

"They pushed me to do so." Malamig na sabi n'ya at tinapon ang apoy sa babaeng nagsabi non sa kan'ya.

Narinig ko naman na may umiiyak na sanggol kaya tiningnan ko kung nasaan ang bata. At nakita ko rin ang pagliyab lalo ng espada ni Zhinoah bago naglakad papunta sa direksyon ng bata.

"WAAAAAAAG!" Sigaw ko.

Nagbago naman ang kapaligiran at nakita ko si Solana na umiiyak habang nasa loob ng isang kulungan. May kasama rin s'yang babae na kamukha n'ya pero hindi ko kilala.

"T-tulong..pakiusap" sabi ng babaeng kamukha ni Solana.

"Solene, hindi na yata nila tayo palalabasin dito..kung hindi ako magpapakasal kay Dion—"

"Solana, paki-usap, huwag mong sabihin 'yan. Nasa teritoryo tayo ng kamatayan." Sabi ni Solene na kamukha ni Solana.

Ang sunod na nakita ko ay ang pagdakip ng mga mukhang zombie kay Solana at pag-iyak ni Solana ng malakas dahil kay Solene na duguan na at walang buhay.

Napaiyak din ako sa nasaksihan ko.

Maya maya pa ay nag-iba na naman ang paligid. Parang nasa rollercoaster ako at buhay nila ang iniikutan ko.

Nakita ko si Niah na nakatayo sa isang statue. Hindi ko alam kung anong statue iyon.

"Mother, you forgot me again. Are you really my deity? Or you're just a mere goddess who get birth to me?" Malalim at may bakas ng lungkot ang boses n'ya.

"Who are you to question me being your deity, Child?"

"You who killed your own father just to satisfy your needs."

Nakita kong tumulo ang luha ni Niah dahil sa tanong na iyon ng kung sino. Nahilo naman ako ng makita ko ang sinasabi ng kung sino kay Niah. Si Niah na may hawak na sword at umiiyak habang nakatingin sa isang lalaki na nakahandusay.

A lifeless body of a man.

Humahangos akong nagising dahil sa mga panaginip na iyon. At lahat sila ay nandito sa kwarto ko nang magising ako, nagulat na lang ako nang yumakap si Solana sa akin at pinunasan ang luha ko. She smiled at me.

Nakita ko naman si Heaven na nakangiti sa akin, her warm smile gave me chills.

"B-bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila. Napaubo naman ang isa pati ang isa pang lalaki, kaya naman napapikit ako at pinigilan ang sarili na batukan ang sarili ko. "A-ah sorry."

Lumapit sa akin si Niah at si Zhinoah naman ay napairap sa akin ng magtama ang paningin naming dalawa.

"Narinig ka namin na sumigaw, kaya pumunta kami rito." Malumanay at mahinhin na sabi ni Heaven, ngumiti naman ako sa kan'ya bilang tugon. Naramdaman ko na lang na parang gumaan ang pakiramdam ko na kanina ay sobrang bigat, "I did that to ease what you are feeling right now."

Ngumiti lang ako sa kan'ya, umalis naman ang boys ng makita ang tingin sa kanila ni Niah.

"Zoleira, kilala mo ba kung sino ang parents mo?" tanong ni Niah.

Napatungo naman ako sa tanong n'ya.

"Perhaps you don't. However, you need to have an alternative name, anong gusto mong iparegister?" tanong n'ya sa akin. "Bukas ka namin sasamahan sa fairen." biglang salita ni Heaven.

"Lei.."

"Lei, 'yan ang gusto kong alternative name. Thank you," sabi ko at ngumiti sa dalawa na tumayo sa'kin at nag-paalam na aalis na.

Wala akong ibang ginawa kundi ang ngumiti at tumango sa sinasabi nila hanggang sa magdinner time. Lumabas na sila sa kwarto ko at hinayaan na lang muna ako.

Iniisip ko pa rin kung bakit ko nakita ang past nila. Hindi ko naman sila kilala at wala akong contact sa kanilang lahat, ngayon ko nga lang sila naencounter.

Nakita ko kung ano ang buhay na meron sila noon. Nakita ko kung ano ang takot nila.

Napayuko ako at hinayaan na tumulo ang luha ko, I don't know what to say nor feel. Hindi ko alam kung paano sila haharapin dahil sa nalaman ko using my dream.


Niah

I know that Zoleira is still having a hard time adjusting in this realm. Wala namang masama roon, and I can't blame her though, she's still new in this world. But the fact is, I can feel the energy coming from her room earlier.

Bumigat din ang pakiramdam ko pagkatapos n'yang sumigaw ng 'wag' dahilan para pumunta kami sa kwarto n'ya. Kinuha pa nga ni Luthien ang spare key ng bawat room namin dito galing sa council's office. Muntik na naming hindi maabutan na buhay si Zoleira, mabuti na lang at nandito ngayon si Lyryc para magising s'ya.

I have this feeling that Zoleira knows our past. She knows what we've been through, kaya ng pumasok kami sa kwarto n'ya ay umiiyak s'ya at parang awkward pa ang pagtingin sa amin. Her hands was shaking terribly.

"Are you sure that you don't want her to transfer, Hadeon?" tanong ni Zhinoah kay Hadeon. "I mean, hindi naman ako tutol—"

"Pero mukhang ganun ang pinupunto mo, Zhin." Sabi ni Zaiden at ngumiwi.

"My decision is final." And they can't do anything about that.

He's the son of Hades, God of Underworld and also an oracle of Zeus, God of the sky, thunder, order, justice, and also known for being the King of all Gods and men.  Of course we can't do anything about that, he's our leader anyways.

Tiningnan ko ang iba, sobrang gloomy ng mga mukha nila maliban na lang kay Heaven at Solana na tuwang-tuwa pa dahil mags-stay si Zoleira rito. Napailing na lang ako at buntong hininga bago tinutok ang aking sarili sa librong binabasa ko, kahit na alam kong lalapit na naman sa akin si Solana para mangulit lang.

"Anong binabasa mo?" tanong n'ya sa'kin bago hinablot ang libro na hawak-hawak ko. "Woah! Galing galing! Binabasa mo talaga itong kay Medusa at Perseus?" mangha na manghang tanong n'ya sa akin.

"Hmm. You can read that too if you want, Sol." Sabi ko na lang at sumandal sa sandalan ng upuan ko. "You're his daughter after all."

A daughter of Apollo, it is.

AwakenLune

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

Pᴀɪɴ & Cᴜʀᴇ بواسطة Subh

الخيال (فانتازيا)

1.6M 108K 25
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
2.2K 137 4
Naruto Uzumaki, the outcast of Konoha, grapples with the harsh realities of his life and a haunting connection to a past shrouded in darkness. As he...
My mates are queens!? بواسطة Ares_death

الخيال (فانتازيا)

250K 12.4K 60
My name is Alex Cruz, I'm a omega, so I'm just a punching bag to my pack. But Emma, Queen of werewolves Sam, queen of dragons Winter, queen of vampi...
19.1K 459 10
Y/n L/n, top of the class has a dislike on gals or gyarus. What would happen if Lisa Imai interfered with Y/n's life and became a part of it? Will Li...