Thirst Under The Wild Spell (...

By imstilltyping

4K 158 142

GL More

Thirst Under The Wild Spell
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
13
14
15
16
17
18
19
20

12

114 7 3
By imstilltyping

12:

Rowena Castillo: Wait nag date kayo ng boyfriend mo? ’Yon ba ’yong inistory mo no’ng isang araw?

My mouth immediately formed a tiny smirk before I stretched my fingers to reply to her text.

Reina Ashley Castillo: nope. may nag-bigay lang sa akin.

Rowena Castillo: Sino? manliligaw mo?

Reina Ashley Castillo: hindi manliligaw pero patay na patay sa akin

Napailing ako roon habang natatawa sa naging usapan namin ni Rowena. Hindi naman Ito nagtanong ulit ngayon na nakita ko na hindi na siya nag-online.

Ang ginawa ko lang buong araw ay nagmukmok sa loob ng kwarto ko dahil umuwi na si Maria. I also spent my weekdays contacting Ezra and April in Japan, debut birthday ni April pero hindi manlang ito maka-uwi dito sa Pilipinas kaya ang sabi niya ay babawi siya pagka-uwi niya.

“Rei, busy kaba. . .”

Napalingon agad ako sa pintuan at binaba ang cellphone ko no’ng nakita ko na umuwi na si mama. She still even wore a corporate attire. Mabilis ako napatayo at binuksan ang pintuan ng kwarto ko para makapasok siya ng tuluyan. My forehead immediately creased when I saw her holding a white letter envelope.

“Pwede ba makisuyo, nak. Pakibigay naman ’to ni Zowen. . .” she said. I looked at her straight from the eyes and even tilted my head. She immediately sighed, “Kailangan lang nila ng pera ngayon. . . na admit ang Lola Paging. . .”

Mabilis kong inabot ang envelope at ngayon ay inaalala na si Lola Paging. She’s very sweet, when i’m with her I experienced a grandparents love that i’ve never been experienced before. I haven’t met my grandparents. . . sa mother side ko ay wala na. . . habang sa father’s side ko ay nasa states ngayon.

But I just laughed with the thought because it’s my first time seeing my mama acting like that, alam ko na mabait naman si mama at handang tumulong pero ngayon ay nakisuyo pa ito sa akin. . . siguro ay sila pa ni Uncle Gardo.

Napabuntong hininga ako habang inayos ko ang cap ko at pumasok na tuluyan sa shop. I wore a blue skinny jeans and black leather jacket.

Nilibot ko agad ang buong lugar at naghahanap ng staff na pwede pagtanungan kung saan si Zowen ngayon. They all looked busy that’s why it’s hard to approached them, I have left no choice but to sit one of the table and order some.

Nung lumapit na ang mag-asikaso para sa order ko ay mabilis agad ako ngumiti at tinanong kung hindi ba busy si Zowen ngayon. Mabuti at tinawag niya agad ’yon at nasa harap ko na siya ngayon na tahimik. Naka clip na ang kanyang bangs dahil siguro ay sagabal ’yon sa trabaho niya habang naka bun naman ang buhok niya. She’s even wearing an eyeliner and light eyeshadow that it made me creep out. But i’m not going to lie that. . . it suits her.

Mahina kong nilapag ang envelope sa harap niya at agad na pinag-krus ang mga kamay ko. “Pinabigay ni mama. . .”

Mabilis niyang tinignan ang laman no’n at nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na binalik niya sa harap ko.

“Hindi ko matatanggap ’yan. . .” she said in a low voice.

“Hindi naman ikaw ang taganggap. Kailangan ito ni Uncle Gardo. . . at saka galing ni mama ’yan. . .”

She immediately shrugged her head. “Hindi na talaga kailangan, Rei. . .”

I blinked twice of what I heard. I think it’s my first time hearing my nickname from her mouth and it’s kind of frustrating that it sounds good to hear. Mabilis kong pinadusdus papunta sa harap niya ang envelope at sinamaan siya ng tingin.

“Kailangan ni Lola Paging!” I said and glared at her.

She sighed. “Okay naman siya. . . may konting pera naman galing sa trabaho namin ni papa kahit papaano. . . ” She then crossed her arms — imitating me, “At paano nalaman ng mama mo na na-admit si Lola Paging?”

I smirked and looked at her with disbelief. Hindi ko alam kung sarkasmo lang ba ’yong tanong dahil. . . paanong hindi malalaman ni mama? Malamang sila ni Uncle Gardo? Unless they refused to tell anyone?

“Basta kunin mo nalang ’to and be grateful!” I said and raised my brow. “At ’saka ngayon kapa aayaw na laging tumulong ang mama ko sainyo?”

She immediately diverted her gaze elsewhere. Gotcha. Nabuntong hininga Ito at hinay-hinay kinuha ’yong pero habang naka yuko lang. I just wait and watched each of her every move — how she hesitated to grab the money and put it in her pouch. Nung tuluyan na niyang na-itago ang pera at nasa loob na ng kanyang bulsa ay tumingin agad ito sa akin. Her eyes are pleading — it was as if she’s using her eyes again to say something I don’t know.

“Thank you. . .” she trailed off. “Babayaran ko ’to.”

I scoffed. “Akala ko ba hindi na kailangan?”

She immediately pushed her glasses, “Hindi nga. . .”

“At bakit mo kinuha?” I said jokingly.

“Because you said we need it?” she said.

I rolled my eyes. She immediately surveyed the whole area and cleared her throat before she showed me the menu — my forehead creased. Mabilis kong inabot ’yon at parang may gusto siyang sabihin sa akin gamit ang mga mata niya. Kaya tumango agad ako. Manlilibre.

I licked my lowerlips and dropped the menu. “Turuan mo nalang ako sa rainbow na frappe na ginawa mo sa akin.”

Tumingin agad siya sa wristwatch niya bago niya nilipat ang tingin sa akin. “I still have work —”

I frowned immediately getting disappointed pero mabilis agad nag iba ang ekspresyon ko no’ng umusal ulit siya.

“— but i’ll teach you later after work.”

At ayon nga ang ginawa ko — nag hintay ng buong araw. Mabuti at hindi naman masyadong mainit ngayon lalo na naka-jacket pa ako, I wore sando inside but I don’t feel like to remove my leather jacket. Kaya no’ng natapos na sila at pinatawag na ako sa kusina ay mabilis agad ako tumayo at pumasok sa loob.

My lips formed an awe expression when I entered the kitchen’s door. Kahit sa pintuan palang nito ay mapamangha kana dahil sa linis nito at parang hanggang dito ay nilagyan ng design, I even gasped secretly when I finally entered the area and it feels like a dream for a bit. When Maria said that it looks like April’s shop in uptown — well I refused, this place are extravagant way better.

I saw Zowen at the side of the sink eating an apple while her eyes following each of my every move. Mabilis kong sinuyod ang buhok ko gamit ang mga kamay ko habang naglalakad papunta sa direksyon niya. I don’t know why I felt sudden timid now that she’s looking at me — I can’t even grasp now that I can see her eyes clearly despite her glasses was there. Siguro ay dahil wala na ang kanyang bangs na laging sagabal noon? At siguro nanibago ako?

“Suotin mo ’to.” mabilis niyang inabot sa akin ang apron at isang hairnet kaya mabilis kong kinuha ’yon at hinubad ang jacket at inayos ang buhok ko para masuot ang hairnet ng maayos. I can feel the intense gaze I felt at Zowen. . . that when our eyes met — she immediately withdrew.

I scoffed and shrugged my shoulders. Hindi naman siguro mali ’yong pagka-suot ko? May mga pattern ba dito sa kanila kung paano suotin ng maayos ang equipments nila?

Wala naman siyang sinabi at tumalikod agad at kinuha ’yong mga tupperware na nasa gilid at nilagay ’yon sa harap ko.

“Pinayagan kaba nito?” I asked randomly.

Lumingon agad ito sa akin at ngayon naka kunot ang noo. “Yeah? Don’t worry I got ma’am Clairo’s permission.”

I tilted my head. “Boss mo?”

“Arlo’s mom. And yes boss ko.”

I blinked twice when I heard Arlo’s name again. Umiwas nalang ako ng tingin at tumango.

Pinakita niya agad sa akin ang mga pinanghalo niya kaya nilista ko agad sa utak ang mga ’yon. She even showed me the alternative one if ever I don’t have those kind of ingredients that I never thought it would be possible. Pinatikim niya muna sa akin ’yong shinake niya at mabilis kong pinataas ang thumbs up ko no’ng nasarapan ako sa lasa. Madaming process pa ’yon na hindi ko masyadong naintindihan kaya lagi niyang pina-intindi sa akin, kahit ang hinaan ang explanation niya ay nagawa na niya.

Hindi ko alam na mas mahirap pa pala ito sa mga subject namin eh. Ang time consuming masyado. It needs time and effort. Kahit naman ganoon ay na-enjoy ko naman.

“Paano ka natuto nito?” I asked.

“Ma’am Clairo taught me. Madali lang naman. . .”

My eyes immediately squinted. “Anong madali? Parang umabot na tayo ng dalawang oras!”

Mabilis niyang binaba ang kanyang baso at tumingin sa akin. “Kasi kailangan ko pang ulit-ulitin dahil hindi mo naintindihan. . .” she hissed.

I held my chest dramatically looking at her in disbelief. At bakit kasalanan ko pa?!

Inis ko siyang tinalikuran at pumunta sa sink para maghugas nang kamay pero no’ng may naalala ay napabaling ulit ako sakanya.

“Crush mo pa rin ako ’no?” I said and smirked.

She just looked at me with knitted forehead, it was as if she doesn't understand a thing of what I said. Kaya mas lalo akong ngumisi at no’ng natapos akong maghugas ng kamay ay hindi pa rin naalis ang ngisi sa labi ko.

“Siguro kaya mo ako tinuruan dahil crush mo pa rin ako,” I concluded.

Wala akong narinig na sagot niya kaya umusal ulit ako at nagkibit-balikat.

“Kaya siguro hinayaan mo akong awayin kita dati dahil crush mo ako,” I said and looked at her with chin up — not regretting what I said.

I saw her scoffed and crossed her arms. “You’re wrong.”

Tinaas ko ang kilay ko. “Weh? Baka nga grinab mo agad ang chance no’ng sinabi ko na magpaturo ako sa ’yo para makalapit ka sa akin.”

She rolled her eyes. Hindi na siya sumagot at nagligpit na ng mga gamit para umuwi na kami kaya hindi na rin ako umimik at tinulungan siya. She even played some songs so that it won’t be awkward. . .

“You like NIKI’s songs?” I asked now when I heard the familiar song she played in her phone. I hummed when it’s already the best part that’s why she immediately turned up the volume high so that we can hear it clearly.

Mabilis siyang lumingon sa akin at tanging tango lang ang naging sagot niya. I immediately chuckled and closed the cabinet in front with me and faced her.

“Have you been to her concerts?” I asked.

“I don’t have plans.”

I rolled my eyes. Kj. Gumawa na nga akong topic pero siya itong hindi interesado.

“Marunong ba si Uncle Gardo gumawa ng ganito?” tanong ko. Tinuro ko ’yong mga machine na gumagawa ng kape at mga self made ingredients, mabilis siyang umiling.

“No, but i’m planning to teach him once hindi na kami busy.” she pointed out.

“Pwede kayo. . . sa bahay gumawa.” I offered.

Mabilis napakunot ang kanyang noo at umiling agad. “At bakit naman?”

“Mas maganda kasi roon. . .” napatigil nalang ako at napatuptop sa labi nung nakita ko na nag iba ang ekspresyon niya kaya hindi na ako umusal ulit at inabala nalang ang sarili sa ibang gawain.

Kaya no’ng natapos na kami sa kusina ay lumabas na kami. Laking gulat akong lumingon sa labas no’ng nakita ko na gabi na at parang maya-maya ay magsasarado na ang shop kaya lumingon agad ako kaya Zowen.

“It’s already 9pm.”

I licked my lowerlips and looked at my wrist watch, alas nuebe na nga! At hindi pa ako naka-uwi. Mabilis akong nagtipa ng mensahe para sa driver ko na magpakuha ako kaya no’ng nakita ko na lumabas na si Zowen ay umusal agad ako.

“Sabay kana. . .”

Umiling agad siya. “May gagawin pa ako.”

I tilted my head when I heard her words. She didn’t looked at my direction now and her attention is already in her phone. Kuryoso ko siyang tinignan lalo na seryoso itong nagtipa ng sagot sa kanyang cellphone, parang may kaaway ito.

“Bakit saan ka ba? Pwede ka naming ihatid. . .” I said in a low voice.

Napabaling ang atensyon ni Zowen sa akin at naka-kunot ang noo. “Sa. . . Gaston Park. May kukunin ako.” she said and slid her phone to her bag.

Tumango agad ako. Kaya no’ng nakadating ang driver ko ay mabilis ko agad sinenyasan si Zowen na pumasok. I can sense my driver’s curiousity now that she saw Zowen after a long time, hindi naman siya nagtanong kaya hindi ko na ’yon inabala.

Kaya no’ng nakadating na kami sa Gaston Park ay mabilis siyang nagpaalam sa driver ko at tumingin ito sa akin. I raised my brow while looking at her getting weirded out why she’s acting like that but then the side of her lips rose up as she was mouthing something.

“Thank you. . .” she mouthed and, “I’ll talk to you later.”

Sinarado naman niya ang pintuan ng sasakyan habang ako ay naka-kunot ang noo. She’ll talk to me later? No’ng hinalikan niya ako no’ng birthday ni Ezra ay blinock ko naman siya pero inunblock ko pagkatapos, but last week I blocked her again. . . I just scoffed and laughed with my thoughts. Baka magulat ’yon mamaya dahil hindi siya maka-tipa ng mensahe para sa akin. Kawawa naman.

Continue Reading

You'll Also Like

24M 833K 69
"The Hacker and the Mob Boss" ❦ Reyna Fields seems to be an ordinary girl with her thick-framed glasses, baggy clothes, hair always up in a ponytail...
6.7M 311K 47
❝can you stop blasting chase atlantic so damn loudly at 3am?❞ ❝depends, can you stop crying so damn loudly at 3am?❞ γ€€ caleb just made the decision to...
21.6M 786K 89
When she was 14, Dalia was sold to Matteo Martinelli, the former leader of the largest Italian mafia. Flash forward with his son, Vittore Martinelli...
318K 30.5K 137
From Chapter 83 to 125 (The End) Part 1 α€›α€²α€· ထဆက်ပါ! #Credit Original Author - Gou Si Te Form "Webcomics" App! I don't own the art! I am just a trans...