Owned By A Cold-hearted Man (...

By ImaheNasyooon

39.5K 360 40

[O N G O I N G] WARNING: MATURED CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! More

PROLOGUE (R-18)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6 (R-18)
CHAPTER 7
CHAPTER 8 (R-18)
CHAPTER 9 (R-18)
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12 (R-18)
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15 (R-18)
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20 (R-18)
CHAPTER 21 (R-18)
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26

CHAPTER 16

463 8 2
By ImaheNasyooon

CHAPTER 16




NIÑA




"Mama, saan po tayo pupunta?" Tanong ng anak ko habang binibihisan ko siya.




"Naalala mo ba, 'nak, yung sinabi mo noon na gusto mong pumunta ng Batangas?" Nakangiti kong tanong, tumango naman siya. "Pupunta tayo dun ngayon,"




Mabilis na gumuhit ang malawak na ngiti sa labi niya. "Talaga po?" Tumango ako.





Mabilis lumipas ang mga araw. Kalagitnaan na rin ng summer at dahil sa sobrang init ng panahon ngayon ay na-cancel ang klase ng mga estudyante, private man o public.




Nag aya rin ang tatlong magkakapatid na Vergara na maligo tutal summer naman. Noong una ang gusto nila ay sa Bacolod kami mamasyal, suggestion yun ni Ledger na sinang ayunan naman ng dalawa niyang Kuya. Pero ayaw ni Selene dahil malayo raw. Nabanggit ko rin kay Theros na gustong pumunta ni Thalia sa Batangas nang maalala ko ang sinabi ng anak ko.






Sinabi niya yun kila Selene kaya ang ending sa Batangas kami maliligo. Aangal pa nga sana si Ledger kasi gustong gusto niya raw pumunta sa Bacolod, kahit si Czairex ay gusto rin pero hindi na siya umangal nung sinabi agad ni Selene na sa Batangas kami.




Kaya heto at binibihisan ko nga si Thalia. Nag impake na rin kami ng nga damit na dadalhin namin. Mga tatlong araw lang naman kami roon dahil hindi pwedeng magtagal si Selene kasi may lakad siya papuntang ibang bansa pagkatapos ng tatlong araw na bakasyon sa Batangas.





Si Czairex naman ay babalik din agad sa trabaho dahil marami pa raw siyang gagawin at ayaw niyang matambakan ulit ng dalawang patong patong na folders.





Si Theros, wala naman daw siyang ibang gagawin pagkatapos ng bakasyon dahil natapos naman niya lahat. Maluwag ang schedule niya hanggang apat na araw kaya heto siya at go na go sa pagbabakasyon.





Iilan lang din kaming pupunta. Ako, Theros, Thalia, Czairex, Selene, Ledger, Marco, Tita Janice, Tito Hernando, at Nadia. Si Nanay Tess naman ay sasama kasi siyempre, siya ang mag aalaga kay Baby Ayen. Si Leanna naman ay hindi makakasama. Wala silang face to face classes, pero may online classes naman at activities na gagawin.





Gustuhin man niyang sumama pero hindi pwede dahil marami siyang gagawin. Kaya maiiwan siya rito sa bahay.





"Papa!" Hiyaw ng anak ko noong pagkalabas namin ng kwarto ay saktong kararating lang ni Theros.






Naupo siya at sinalubong ang anak ko ng yakap saka binuhat.





"Miss po kita, papa," maligayang ani ng anak ko habang nakayakap sa leeg ni Theros at hinalikan niya ito sa pisngi na ikinangiti naman ng huli.





"I missed you, too, baby," nakangiti ring sabi ng lalaki at hinalikan din sa pisngi ang anak ko.





Napangiti na lang din ako dahil sa kanilang dalawa. Lumawak lang yun noong lumingon sa akin si Theros at naglakad palapit, saka ako hinalikan sa noo, pisngi at labi. Bahagya pa akong nahiya dahil sa mismong harapan pa ng anak ko.





Napalitan nga lang din ang hiya ko ng tawa nang marinig namin ang impit na tili ng batang buhat buhat ni Theros. Nang lingunin namin ay natawa kami pareho dahil sa itsura ng anak ko, ang dalawa niyang kamay ay nakatakip sa bibig niya at impit na tumitili.






"Are you excited, hmm?" Tanong ni Theros sa anak ko noong nasa sasakyan na niya kami at kinakabitan na rin niya ng seat belt ang anak ko.





Malapad ang ngiti at sunod sunod na tumango si Thalia. "Opo!"





Napatawa si Theros at hinalikan si Thalia sa noo bago isara ang pinto sa back seat. Ako naman ngayon ang nilingon niya, nakangiti pa rin. Kaya napangiti na lang din ulit ako.




"How about you, love?" Tanong niya kasabay ng pagpulupot ng braso niya sa bewang ko bago pagbuksan ng pinto sa passenger seat.





Tumango ako. "Excited na medyo kinakabahan. Tagal na rin noong huli kong punta sa Batangas e,"





Iginiya niya ako papasok at kinabitan na rin ng seat belt bago nagsalita. "Do you plan to visit your parents?" Tanong niya habang hinahawi ang ilang hibla ng buhok ko.





Nagbaba ako ng tingin at pinaglaruan ang mga daliri. "Hindi ko alam e,"





Ang nasa isip ko lang noong banggitin ko kay Theros ang tungkol sa request ni Thalia ay yung makaligo at makapasyal man lang ang anak ko na hindi niya nagagawa noon. Yun lang. Gusto ko lang maging masaya at makitang malaya ang anak ko na gawin ang gusto niya.





Pero ngayong binanggit ni Theros ang tungkol sa pamilya ko. Ngayon ko lang din naisip kung bibisitahin ko ba sila.....o hindi.





Matagal na panahon na ang lumipas simula noong umalis ako sa puder ng pamilya ko. Ilang taon na nga ba ang nakalipas? Lima? Anim? Basta ang naalala ko lang, umalis ako roon na may lamang bata ang tiyan at pumirmi rito sa Manila.





Matagal na panahon ko rin ibinaon ang naging huling pag uusap namin ng pamilya ko. Hindi naging maganda ang huling pag uusap namin, kaya ngayong babalik ako sa lugar kung saan ako lumaki at nagkamuwang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.






Batangas yun. Isa pa ay medyo malapit lang ang beach resort na pupuntahan namin sa tinitirhan ng mga magulang ko.





Ang huli kong balita sa kanila ay yung sinabi sa akin ni Leanna na may maayos na raw na trabaho ang panganay kong kapatid na lalaki at nakakaraos na rin sila kahit papaano.





Hindi ako sigurado pero may posibilidad na magkita kita kami. Malapit lang naman kasi ang beach resort na yun kaya hindi imposible na baka pumunta rin sila roon. Mainit ang panahon ngayon kaya hindi imposible.






Kung magkikita kita kami ay hindi ko rin alam kung paano ko sila pakikitunguhan o haharapin. Ilang taon na wala kaming koneksyon sa isa't isa, at ang makaharap sila matapos ang ilang taon ay hindi ko alam ang dapat na gawin.






Napalingon ako nang maramdaman ko ang isang kamay na hinawakan ang kamay ko. Nasalubong ng mga mata ko ang berdeng mga mata ni Theros na puno ng lambing na nakatingin sa akin.






"Relax, love. Hindi mo kailangang ma-pressure sa kakaisip kung paano sila haharapin once you saw each other. If you're not comfortable, just turn your back, okay? You can face them when you feel comfortable. Do you understand?"





Sa halip na sumagot sa sinabi niya ay napatitig lang ako sa kanya at napangiti. Kumunot naman ang noo niya.






"Why?"





"Ang gwapo mo pala kapag nagtatagalog,"





Napa awang ang bibig niya. Lumagitik ang dila niya at nag iwas ng tingin. Natawa ako nang pagsaraduhan niya ako ng pinto at naglakad paikot sa driver seat.






Maputi siya kaya hindi nakatakas sakin ang pamumula ng pisngi at tenga niya. Hanggang sa makapasok siya at maupo sa driver seat ay natatawa pa rin ako. Sinulyapan na lang niya ako at inilingan saka pinaandar ang kotse.





Minsan at bibihira ko lang marinig si Theros na magtagalog. At kapag nagtatagalog ay madalas na nahahaluan pa ng accent. Tagal tagal na niya sa Pilipinas pero may accent pa rin tagalog niya.











Pagdating namin sa mansion ay nandoon na silang lahat. Kami na lang yata talaga ang hinihintay. Nakaparada na rin ang mga kanya kanyang sasakyan nina Ledger, Czairex at Marco. Convoy kaming pupunta sa Batangas.





Sa sasakyan ni Czairex sasakay si Selene, siyempre, at Nanay Tess na siyang may buhat kay Baby Ayen.





Sa sasakyan naman ni Ledger ay sina Tito Hernan at Tita Janice. Hindi na sila pinagdala ni Selene ng sasakyan para makapag pahinga man lang daw si Tito mula sa pagmamaneho.





Sa sasakyan naman ni Marco ay si Nadia. Nandito rin pala sina Gigi at Vino, at makikisakay din sa sasakyan ni Marco.





Kami naman ng anak ko, siyempre sa sasakyan pa rin ng boyfriend ko.




"Si Ainsley pala hindi ba siya sasama?" Tanong ni Selene sa amin ni Nadia.





"Niyaya ko, bess, pero hindi na raw. Gusto niyang samahan si Ma'am Helen sa shop kaya nagpa iwan. Tutulong din daw yung boyfriend niya," sagot ni Nadia.




Hindi naman talaga dapat kami aabsent sa trabaho pero kasi, inexcuse ako ni Selene kay Ma'am Helen. Hindi ko alam kung anong sinabi niya basta nang tanungin ko si Selene ay 'ayos lang' ang sinagot niya. Ewan ko lang dito kay Nadia at aabsent pa ng tatlong araw.





"Is everything okay? Wala na ba kayong nakalimutan? Isipin niyo, guys, bago tayo umalis." Ani Selene.





Nagsi ilingan naman kami at sinabing ayos na lahat. Mauuna ang sasakyan nina Czairex, sunod ang amin, kay Ledger at huli kina Marco.





Nagkanya kanya na kaming sakay. Bumusina ang apat na sasakyan bago umandar paalis.





Tahimik lang kaming tatlo habang nasa biyahe. Si Thalia naman sa back seat ay palipat lipat ang tingin sa magkabilang bintana. Bakas ang pagka aliw at tuwa sa mukha niya. Napapangiti rin sa mga nakikita niya.





Inilabas ko ang cellphone ko nang maramdaman kong nagvibrate yun.





From: Leyley

Ate, kapag nagkita or nakita mo sina mama at papa, paki-kumusta sila para sa'kin. Pakisabi na rin na uuwi ako sa bakasyon. Hindi ko kasi sila masabihan. Wala kasi silang cellphone e.





To: Leyley

Sige. Sasabihan ko sila. Mag iingat ka diyan ha? Text or tawagan mo ko kapag may kailangan ka o do kaya may problema.





From: Leyley

Salamat, ate. Ingat rin kayo nila Kuya at Thalia.




Hindi na ako nag reply kay Leanna at ibinulsa na lang ulit ang cellphone ko.





"Was that Leanna?" Napalingon ako kay Theros.





"Ah, oo. I-kumusta ko raw siya sa magulang niya," sagot ko, bahagyang nakangiti.





Tumango naman siya at hindi na nagsalita. Hindi na rin ako umimik. Isinandal ko ang likuran sa back rest at tumingin na lang sa labas ng bintana.



Naramdaman ko ang kamay ni Theros na hinawakan ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin. Hindi ko siya nilingon at hinigpitan na lang ang hawak sa kamay niya.





Naging tahimik ang biyahe namin. Nakatulog na rin si Thalia sa likuran nang lingunin ko. Nanatili namang magkasalikop ang mga daliri namin ni Theros habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa manobela.





Matapos ang ilang oras na biyahe ay nakarating din kami. Mukhang maraming tao ngayon dahil ang daming sasakyan ang nakaparada at halos pahirapan pa kami na maghanap ng parking space. Halos punuan na rin kasi.





Buti na lang at nakahanap din pagkatapos ng sampung minuto na paghahanap. Nahiwalay nga lang sila Marco dahil apat na parking space lang ang nakita namin at mukhang sa kabilang parking lot pa sina Marco.





Pagkapatay ni Theros ng makina ng sasakyan ay hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto at nagkusa na ako. Nang makita niya akong nakalabas na ay dumiretso na lang siya sa back seat at binuhat ang anak kong gising na rin.






Ipinasuot ko sa kanya ang maliit na backpack niya. Si Theros naman ay nagdiretso sa likuran ng sasakyan at nilabas doon ang mga bag na dala namin.





"Ang init po, mama," nakangusong reklamo ng anak ko. Malilim naman sa pwesto namin dahil sa malaking puno. Pero mainit pa rin talaga.





"Kaunting tiis lang, 'nak, lalamig din mamaya," hinawi ko ang buhok niya paalis sa mata niya.





Hinawakan ko ang kamay ni Thalia at sabay kaming tatlo na naglakad palapit kina Selene at hinihintay na dumating sina Marco.



Hindi rin naman nagtagal ay dumating din sila. Kanya kanya silang buhat ng mga bag na dala.






"Ang layo ng pinag parkingan ko," sabi ni Marco nang makapalapit sila.





"Saan na kayo nagpark?"





"Sa dulo na. Buti na lang may natira pang parking space,"






"Tara na! Magbo-book pa tayo ng kwarto," usal ni Selene.





Pinangunahan nila ang paglalakad na sinundan din namin agad. Nilingon ko si Theros na napalingon din sakin at mabilis pa akong hinalikan sa pisngi.





"Akin na yung isa," ani ko.





Umiling siya. "It's okay. Just follow them,"





Tiningnan ko siya. "Sigurado ka?"





"Yes, love."





"Okay."





Tulad ng inaasahan ay marami ngang tao. Yung iba ay nasa malaking pool, yung iba naman ay nasa beach. Literal ngang beach resort.





Tumigil kami sa reception area. Sina Selene at Czairex ang kumausap dun sa receptionist habang kami naman ay naghihintay.





"Papa, nauuhaw po ako,"





Sabay kaming nagbaba ng tingin ni Theros sa anak ko. Ibinaba ni Theros ang mga bag na dala at naupo sa harapan ng anak ko.





"Okay. I'll buy you a water,"





Tumayo siya at tumalikod. Aalis na sana siya nang mabilis ko siyang pigilan sa braso. Nilingon niya ako.




"Hmm? Nauuhaw ka rin, love?" Mahinahon na tanong niya.





Umiling ako. Sinulyapan ko ang anak ko at ibinalik din agad ang tingin sa kanya.





"Ako na lang bibili,"




"No, it's fine." Mabilis na tanggi niya.





"Theros—"





"Love, just stay here. I'll be quick,"




Hindi na niya ako hinintay na sumagot at mabilis na umalis. Pinanood ko na lang siyang pumasok sa canteen na katabi lang ng restaurant. Malapit lang yun kaya kitang kita ko rin siya.





"Everyone!"





Napalingon kami nang marinig namin ang boses ni Selene.





"Okay na. Sakto lang ang pagpunta natin. We rent the presidential suite. May six rooms yun na mukhang sakto para sa atin. We also have the key, so let's go!"





Nauna sila Selene. Nilingon ko ang canteen at saktong nakita ko si Theros na pabalik na.




"Here,"




Kinuha ko yung dalawang bottled water kaya binuhat na rin niya ang mga bag. Inakay ko si Thalia at tahimik na sumunod kila Selene.




;)

Continue Reading

You'll Also Like

5K 122 27
this trixie ann quieta i hope you like my new story thank you ---- _______________
1K 57 19
What if you were given the chance to write and live out your fantasy?
587K 3.9K 35
[COMPLETED] This story is made by my wild imagination This story is not suitable for young age π™’π˜Όπ™π™‰π™„π™‰π™‚ 18+ ⚠ ⚠ 𝙒𝙍𝙄𝙏𝙏𝙀𝙉 π˜½π™”αŽ“ binibini...
164K 2.3K 14
SPG[R-18]...... Meet Rave Rather 23 years old and he's a demon. Lahat kinakatakutan siya.Kaya niyang pumatay ng tao sa harap mo ng walang kahirap-hir...